Chapter 2: Memories

1.8K 59 5
                                    

A/N:

Ngayon pa lang babalaan ko na kayo sa paiba-iba ng POV hahaha sana hindi kayo malito ^_^V


HINDI napigilan ni Kyrian na mapangiwi nang makita niya ang estado ng mga estudyanteng nanakit kay Anne. Sinubukan niyang pigilan ang kapangyarihan niya pero mukhang sobra pa rin at sa sama ng tingin sa kanya ng kakambal ay alam niyang dale na naman siya nito mamaya.

"A-ayos ka lang b-ba?" a voice stuttered the question directly at Kyrian.

Agad naman niyang nginitian si Anne. "Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo?" kapagkuwan ay marahan niyang itinaas ang short sleeve ng uniporme nito at nakita niya na ang pangingitim ng pagkakahawak ng mga sira-ulo kanina hindi niya tuloy mapigilan na uminit ang ulo.

"Ang mabuti pa dalhin ka na lang namin sa clinic para malagyan 'yan ng yelo." Aniya.

Akma pa sanang magpo-protesta ito nang mabilis na niya itong hilahin. Mabuti na lang at kinabisado na niya ng maaga ang buong lugar kaya hindi na sila maliligaw.

"Punta lang kami sandal sa clinic!" aniya sa kapatid at kay Miko na parang malalim ang iniisip at hindi yata sila napansin.

Pagkatapos ay saka siya tumingin sa dalagang hawak hawak niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang may kung anong pwersa ang humahatak sa kanya palapit kay Anne. Hindi niya alam kung ano 'yon kaya naman nang makita niya itong nasaktan dahil sa kagagawan ng mga lokong estudyanteng 'yon ay hindi niya nagawang mapigilan ang sarili na ipagtanggol ito.

Hindi niya maintidihan, ibang-iba ito sa mga karaniwan na nararamdaman niya. 'Ni hindi niya magawang pangalanan, higit sa lahat halatang hindi ito pangkaraniwang tao. Sa ngayon hindi pa siya sigurado kung ano ito pero pakiramdam niya ay napakainteresante nito.

Ang kaso nga lang sa ngayon ay hindi niya kailangan ang pakiramdam na ganito. Oras kasi na magawa nila ng kapatid niya ang dapat nilang gawin kakailanganin na nilang lisanin ang lugar na 'to lalo pa't alam niyang may nagmamay-ari na ng territoryong iyon at oras na malaman ng mga ito ang pagte-tresspass nila siguradong malaking gulo ang mangyayari.

Tama na ang mga hybrid at mga new bloods ang humahabol sa kanila at base pa lang sa nararamdaman niya sa eskwelahan na 'yon hindi lang si Anne ang may kapangyarihan. May nararamdaman siyang dalawang malakas na kapangyarihan na walang duda na galing sa isang blue bloods at iba pa na hindi pa niya ganon matukoy. Sa school pa lang 'yon paano pa kaya sa labas?

"u-uhm.. Sandali." Tila naman doon siya nagising sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

Nilingon niya si Anne. "Bakit?"

Itinuro nito ang kwarto na naalampasan nila. "Ayon ang clinic."

Ano ba 'yan pahiya siya 'don ahh pero sa huli ay tinawanan na lang niya nag pagkakamali saka agad na tinungo ang nalampasan na clinic.

"Good Afternoon!" masaya niyang bati pero sumalubong sa kanya ay isang walang laman na clinic. "Ehh? Asan na 'yung nurse niyo rito?" lingon niya kay Anne. Bakit wala man lang nakalagay sa pinto na nasa lunch break ang nurse ditto?

"Actually we h-have a doctor." Anne stuttered again kaya hindi nniya maiwasan na tignan ito at saka inilapit ang mukha niya sa mukha nito agad naman na namula si Anne sa ginawa niya pero nginitian lang niya ito. What an interesting girl.

"You stutter a lot aren't you?" She asked.

"I-It always h-happened w-when I t-talked t-to s-starngers o-or n-new f-friend." Anne said shying her gaze away from her.

"You know this is a clinic not a place to do weird stuff." Said a gruff voice.

Agad naman niyang nilingon ang nagsalita, it is a guys in a crumpled doctors robe mukhang imiidlip ito ng pumasok sila kaya siguro hindi nila agad ito nakita.

Eternal Vow (MBIAV 3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα