Behind the Spotlight (COMPLET...

Autorstwa GoddesssXLove

95.8K 3.3K 491

Living under the spotlight is never easy. Your world become other people's world. With all the busy schedules... Więcej

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2: Flashback Chapter
CHAPTER 3: Flashback Chapter
CHAPTER 4: Flashback Chapter
CHAPTER 6: Flashback Chapter
CHAPTER 7: Flashback Chapter
CHAPTER 8: Last Flashback Chapter
CHAPTER 9: Back to Reality
CHAPTER 10: Normal Day
CHAPTER 11: XO
CHAPTER 12: Something New
CHAPTER 13: The Neighbor
CHAPTER 14: Joy and Sweetness
CHAPTER 15: Speculations All Over
CHAPTER 16: Weird Feelings
CHAPTER 17: Awkward
CHAPTER 18: His Kindness - Challenge
CHAPTER 19: An Act of Kindness
CHAPTER 20: Getting to Know Him
CHAPTER 21: Kilig - What An Awkward Situation
CHAPTER 22: The FJ or Former Jowa
CHAPTER 23: Meet the Cerezos
CHAPTER 24: Is This Love?
CHAPTER 25: His Act
CHAPTER 26: The Heart Want What It Wants
CHAPTER 27: I Care
CHAPTER 28: Sweetest Song
CHAPTER 29: Dilemma
CHAPTER 30: Ferries Wheel
CHAPTER 31: Seloso
CHAPTER 32: Scream For Me
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 1)
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 2)
CHAPTER 34: Bring Me To Life
CHAPTER 35: To The Rescue
CHAPTER 36: Here I Am - Fight
CHAPTER 37: He Found Love
CHAPTER 38: Broken Hearted Girl
CHAPTER 39: Haunted
CHAPTER 40: Truth
CHAPTER 41: Burdens
CHAPTER 42: Paano Ba Ang Magmahal
CHAPTER 43: Played Love
CHAPTER 44: All is Well
CHAPTER 45: Crazy In Love
CHAPTER 46: Decisions
CHAPTER 47: Missing You
CHAPTER 48: Biggest Heart break
CHAPTER 49: Emotions
CHAPTER 50: Someone's Always Saying Goodbye - Finale
EPILOGUE
ABANGAN - NEW STORY

CHAPTER 5: Flashback Chapter

1.6K 71 2
Autorstwa GoddesssXLove

CHAPTER 5: Flashback Chapter

Jasmuel’s P.O.V.

Ang bilis lang talaga ng mga pangyayari at ngayon ay nasa huling buwan na kami ng school year, ang March. Ibig sabihin, ga-graduate na ko! Woooh!

Matatapos na din ang lahat ng paghihirap na tiniis ko sa napakahabang panahon. Sana lang pagdating ko ng college eh, mabawasan na o sana wala ng mga taong bully pa ang makakasalamuha ko.

Nakausap na din ng parents ko ang adviser ko na kapag ako daw ang highest sa mga exams, ako ang magiging valedictorian. Sana talaga maipasa ko! Para kahit papano mapawi ko ang mga pinaghirapan ng mga magulang ko.

Since wala naman akong magawa dito sa bahay, pupunta na lang ako ng mall ngayon. Tutal Sabado naman e. Ayain ko muna mga besties ko, sana online sila!

Pero sa kasamaang palad, hinde.

E wala naman akong cellphone, kaya ako na lang mag-isa pupunta.

“Ma, pupunta lang akong mall. May bibilhin lang.” Paalam ko kay mama habang nagsusuot ng Toms ko. Fake yan ha. From Greenhills. Hahaha!

“Mag-iingat ka anak, ha.” Sabi ni mama at lumabas na ko ng bahay.

At dahil medyo malayo-layo ng kaunti, sumakay na ko ng jeep. Mga 10 minutes na biyahe lang naman ‘yun e.

Pero ano naman gagawin ko dun? Magkano lang itong dala ko, 200 lang. E mamamasahe pa ko. Basta, bahala na pagdating doon.

Ngayon na nandito na ko sa loob ng mall, san na ko pupunta?

Ah, alam ko na! Sa mga gadgets! Magtitingin ng mga magagandang cellphone!

Lakad, lakad...

Wow! Ang daming mga bagong gadgets! Sana meron akong maraming pera na pambili ng mga ito. Lumapit ako sa area ng Samsung at tinignan ang mga tablet at mga touch screen na cellphone nila.

“Sir, what can I help you?” Tanong ng lumapit na sales lady sakin.

“Ah, wala po. Nagtitingin lang.” Sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglilibot.

May nakita akong maganda cellphone, yung bago nila na Samsung S4. Jusko po, ang ganda! Kaso ang ganda din ng presyo. Wag na nga. Di ko na hahawakan baka masira pa, mabayaran ko pa ng wala sa oras.

Bumaba naman na ko from sa gadgets sections to the department store. Tingin-tingin lang ng mga damit. Balak ko sanang bumili ng worth 100 lang kaso mukhang wala naman akong makikitang ganun dito. Kaya nagtiginin tingin na lang ako.

♪If I should stay, I'll only be in your way
So I'll go, but I know I'll
Think of you every step of the way

And I will always love you
I will always love you
You, my darling you, hmmm…♪

May narinig akong kumakanta. Sinundan ko naman iyon at doon nga iyon sa may mga DVD and CD section. May Magic Sing sila at kumakanta ‘yung babaeng sales lady ng ‘I Will Always Love You’ ni tita Whitney. Watch naman ako. Madalang lang ‘yung mga taong nadaan dito kaya todo si ate sa pagkanta.

“Kuya? Gusto niyo po bang kumanta?” Tanong sakin ng sales lady matapos siyang kumanta.

“Ay nako, hindi ho. Panget boses ko. Hindi na.” Umiiling kong sagot sa kanya.

“Sige na kuya, tayo-tayo lang naman nandito. Kunwari walang nanonood sayo. Sige na.” Binigay sakin nung sales lady yung mic at awtomatiko’y napapayag niya ko. E mukhang wala namang nakakakilala sakin dito.

Hinanda ko na ang sarili ko sa pagkanta ng paborito kong kanta ni Regine Velasquez na ‘Tuwing Umuulan’. Kaya ko ‘to!

♪Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay din ng hangin kumakanta
Maari bang huwag ka nang
Sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na♪

Pansin ko na dumadami na yung tao. Pero itutuloy ko ‘to!

♪Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka♪

At ngayon nagkukumpulan na sila. Hindi naman sobrang dami pero siguro nasa sampu na silang nanonood sakin.

♪Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka..

La la la.. la la la..♪

Nagpalakpakan sila ng matapos ang kanta. Ako naman ay ngumiti lamang sa kanila at ibinalik na ‘yung mic sa sales lady. Agad-agad akong naglakad papalayo doon. Nahihiya ako na ewan.

Medyo hiningal naman ako sa paglalakad ng mabilis kaya tumigil muna ako dito sa may tapat ng McDo. Sakto at gutom na rin ko. Kakain na muna ako. Umorder ako ng walang kasawaan na Chicken Fillet with rice, hot fudge sundae at regular fries. Wala akong budget para sa Mc Spicy, uuwi pa ako. Hahaha!

Umupo ako sa pangdalawahang table lang kasi ako lang naman mag-isa. Habang kumakain ako ay may isang lalaki ang may bitbit na tray na nasa medyo early 40s na.

“Excuse me, pwede makiupo?” Mukhang propesyonal na tao ‘to. Mayaman. Pero bakit sa fast food lang kumakain? Weh.

Hindi pa man ako nakakapagsalita o pumapayag, umupo na kagad siya. Ang awkward sa pakiramdam.

“Pasensya na kung umupo ako kagad without your permission ha? By the way, I’m Mr. Eric Monson, ang head ng Interstar Records.” Nilahad niya ang kamay niya at ito’y inabot ko naman at nagpakilala rin.

“Ako naman po si Jasmuel Cerezo. Ano hong kailangan niyo sakin?” binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kanya.

Kumagat muna siya sa kanyang burger, nginuya at tsaka sumagot.

“Kanina kasi napanood kitang kumakanta doon sa may department store. Gusto ko sana na gawin kitang talent. Pasisikatin kita.” Ha? Tama ba ‘yang narinig ko? Ako? Pasisikatin? Huwat.

“Paki-ulit nga ho? Ako, pasisikatin niyo? Nako, mukhang malabo na ho ata ang mga mata ninyo. Sa itsura kong ito, nako po, huwag na ho ako. Iba na lang ho.” Sabi ko sabay subo ulit ng kinakain ko.

“May talent ka sa pagkanta, hijo. Alam kong taliwas ka sa totoo mong kasarian pero napakaganda ng boses mo. At tsaka wag mong problemahin ang itsura mo, ako ang bahala na magpabago sayo.” Sabi niya at uminom sa soft drinks niya.

Totoo na ba talaga ‘to? May kumukuha sakin as talent? Kaso pag pumayag ako, baka magulang na lang ang mga magulang ko.

“Naguguluhan po talaga ako. Nananaginip lang ata ako. Pag-iisipan ko na lang po.” Sagot ko sa kanya.

Nilabas niya ang wallet niya at may kinuha na isang maliit na card. Iniabot niya ito sa akin.

“Kung ganon, contact me kung nakapag-decide ka na. I hope to see you soon.” Tumayo na siya at umalis.

Kinuha ko ang maliit na card na ito at nakita kong siya ang president ng Interstar Records na hawak ng ABS-CBN. Ito rin yung recording label ng mga idol kong si Angeline Quinto at marami pang iba.

Tanggapin ko kaya? Kausapin ko muna sila sa bahay.

Pag-uwi ko ng bahay ay naabutan kong nanonood silang lahat ng TV. Si ate lang wala, may klase pa kase.

“Ma, pa, may sasabihin lang po akong  importanteng bagay.” Seryoso kong sabi at naupo sa may isang upuan.

“Ano ‘yun, anak?” Nagtatakang tanong ni mama. Nakatingin lang sakin si papa at bunso.

“Kanina po kasi sa mall e, napakanta ako dun sa mga bilihan ng mga CD at magic sing..”

“— Bakit anak? Gusto mo ba ng magic sing? Sabihin mo lang at bibilhan ka namin ng mama mo.” Singit ni papa. Good idea pero not now.

“Hindi po. Pagkatapos ko pong kumanta, dumiretso ako sa Mcdo para kumain—“

“— May nanlibre sayo ng Sundae, kuya?” Excited na sabi ni bunso.

“Hindi bunso. May kumausap sakin na lalaki—“

“— Pinagtripan ka ba, anak? Nako, sabihin mo lang at hahanapin namin ‘yon!” Singit naman ni mama.

“Patapusin niyo muna ako, okay? Yung lalaking nakausap ko kanina, siya ang head ng Interstar Records. Yung sikat na recording label dito sa Pilipinas. Kinukuha niya akong talent at sabi na pasisikatin niya daw ako.” Nasabi ko rin.

Sandali kaming nagkatingin na apat. Maniwala kaya sila?

“Anak baka naman niloloko ka lang.” Pagkasabi ni mama’y inabot ko sa kanya ‘yung maliit na card na binigay sakin kanina. Tuwang-tuwa sila ni papa na parang tanga.

Nang mahimas-masan sila e, bigla naman akong tinanong ni papa.

“E, paano na ang pag-aaral mo niyan? Kasi ang mga artista hindi natutuloy ang pag-aaral nila dahil laging busy.”

“Papa naman, kaya ko naman pong pagsabayin ‘yun eh. At tsaka, hindi naman ako panigurado agad-agad sisikat. At matagal ko na rin pong pangarap ito. Mai-aahon ko na rin ang pamilya natin sa kahirapan.” Sabi ko sa kanya.

“Pumapayag po ba kayo?” Tanong ko sa kanila.

Tanging tango at ngiti lamang ang sagot. Niyakap ko na silang dalawa at pati si bunso, niyakap ko na din.

Ang saya! Suportado ako ng pamilya ko. Salamat Lord at binigyan Niyo po ako ng pamilya na kagaya nila.

Papasama na lang ako kay ate sa office ng Interstar para masabi ang desisyon ko.

***

KINABUKASAN

Pagkatapos naming magsimba ng pamilya ko ay dumiretso kami ni ate papunta sa opisina ng Interstar Records. At doon din sila mismo sa compound ng ABS-CBN.

“Andito na tayo.” Sabi ni ate at nasa harap na kami ng….

Bahay ni Kuya? Anong meron?

“Ate ano naman ginagawa natin dito? Balak mo bang pumasok dyan?” Tanong ko sa kanya.

Pinagmamasdan niya lang ‘yung bahay na parang ewan. “Oo, matagal ko ng pangarap makapasok dyan sa Bahay ni Kuya e.”

“Sige, pag nakapasok ka, wag ka ng lalabas ha? Tara na nga.” Nagsimula na kong maglakad papunta dun sa may gate na may mga guards.

“Uhm, excuse me po, dito ho ba ‘yung Interstar Records?” Tanong ko.

“Bakit, anong kailangan mo?” Tanong naman nung guard.

“Kailangan ko ho kasing maka-usap si Sir Eric.” Pinakita ko sa kanya yung card na binigay sakin.

Pinapasok na kami ng guard at tinuro ang daan papunta sa opisina nila.

Narating din namin ang opisina nila. Ang ganda! Napakalinis ng mga interior. At hindi rin ako makapaniwala na nandito na ko sa hallway ng ABS-CBN!

“Excuse me miss, nandyan po ba si Sir Eric Monson?” Tanong ko dun sa babae na duda ko e, secretary.

“Sino po sila? Nag-arrange po ba kayo ng appointment with him?” Tanong naman nung babae.

“Wala po. Pakisabi na lang na nandito na si Jasmuel Cerezo.” Sabi ko at pumasok na siya dun sa may malaking pinto. Nag-intay lang kaming sandal ni ate lumabas na din siya kaagad.

“Pasok na daw kayo.” Inalalayan kami nung sekretarya sa opisina ni Sir Eric.

Pagpasok namin ay nandun siya sa upuan niya, iniwan na kami ng babae sa may pintuan.

“Jasmuel! Maupo kayo dito.” Sinabi niya at umupo kami dun sa dalawang upuan na nasa harapan ng lamesa niya.

“Good afternoon po, sir.” Bati ko.

“Ate ko po pala, si ate Jessica.”

“Good afternoon po.” Magalang na sabi ni ate.

“Magandang hapon naman sa inyo. Ano Jasmuel, nakapagdesisyon ka na ba?”Tanong sakin.

Nagtinginan lang kami ni ate tsaka ako sumagot. “Opo. Tinatanggap ko po ang offer niyo.”

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

“Good. Now, by the coming Saturday, magrerecord ka na ng kanta mo. Kakausapin ko na rin ang composer na kilala ko na gumawa ng kanta. About saan ba ang gusto mo na laman ng kanta mo?” Teka, ang bilis naman ata ng pangyayari. Recording kagad? Wow.

“Nako, sa totoo lang ho e, nagsusulat din ako  ng mga kanta. At ito pong kanta na ‘to ang una kong natapos.” Iniabot ko sa kanya ang isang papel kung saan ko sinulat ‘yung kanta na ginawa ko.

“Hmm.. Chinito. Magandang title. Maganda rin ang laman ng lyrics. I’m sure maraming babae ang makakarelate. Sige, pagagawan ko na ng areglo ito.” Sabi niya at ibinulsa ‘yung papel.

“Ah, eh, hindi ho ba masyadong mabilis ang mga pangyayari?” tanong ko sa kanya.

“Hijo, ganyan dapat. Pag pumatok itong kanta mo na ito, masusundan pa ito hanggang magkaroon ka na ng kauna-unahan mong album.” Paliwanag niya.

“E, pano naman po itong itsura ko? Sinabi niyo po na babaguhin niyo ako, diba?”

“Oo Jasmuel hindi ko nakakalimutan. Kelan mo ba balak magsimula ng transformation mo?”

Kelan nga ba?

“Pwede ho ba na after na lang po ng graduation ko?” Patanong kong sabi sa kanya.

“Well, bakit hindi. I’m sorry but I need to go to a meeting now. Basta, I will see you on Saturday, okay?” Sabi niya at tumayo na kami ni ate at lumabas na ng opisina niya.

LUNES.

Lalo akong hindi makapaghintay ng Sabado. Natutulala na lang ako lagi at ngumingiti mag-isa.

“Besty, okay ka lang?” Puna sakin ni Belle.

“Naka-high ka ata eh.” Sabi naman ni Mel.

Di ko sila pinansin basta heto ako. Iniisip na ang mga pangyayari na hindi ko aasahn pang mangyari sa buhay ko.

Napagpasyahan din namin ng pamilya na ilihim din ito sa mga kaibigan ko baka daw kumalat ito at pagkaguluhan ako sa eskwelahan. Alam ko naman na hindi nila magagawa ‘yun pero for the best na rin ito.

MARTES

MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES

Bukas na! Agad akong umuwi ng bahay at ininom ang salabat na inihanda ni mama. Buong linggo na salabat lang ang iniinom ko sa bahay. Para daw gumanda lalo boses ko.

Bukas ng tanghali ang schedule ng punta ko. Kasama ko naman sila mama at papa. Maiwan si ate at bunso.

SABADO!

11:00 na ng magising ako. Ito na ang araw na makakapagpabago ng buhay ko. Naligo, nagbihis at umalis na kami nila mama’t papa matapos mananghalian.

Pagdating namin sa opisina ng Interstar e, nandoon na ang nag-arrange ng kinompose kong kanta.

Nandoon din si Sir Eric, nanonood lang habang inaaral ko ‘yung kanta.

“Alam mo na?” Tanong ni Sir Felix. Yung arranger.

“Opo.”

“I-record na natin.” Sabi niya at tumungo na sa may recording studio.

Pumasok na ko sa loob ng booth at sinuot ‘yung malaking headphones. Grabe! Gusto kong umiyak! Hindi ko akalain na mangyayari sakin ‘to. Nandun lang sila mama sa labas ng booth, nakaupo kasama si Sir Eric.

“Ready?” Tanong sakin over the headphones.

Nag-thumbs up ako at nagsimula ng kumanta.

__________________________________________________

 Ang saya ko sa chapter na 'to! Hehe.

Sorry kung gagamitin ko yung kanta ni Yeng as the character’s original song. Baka mademanda ako e. Hehe.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

10K 547 35
"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet...
87.6K 5.1K 61
It was a normal day for Patrick, June 03, first day of class as a college student and was already assigned as the President for their section. Nothin...
120K 5.6K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
632K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...