AFTER an AFFAIR

By hopelessdiana

119K 2.4K 173

Paano kung magbalik ang taong minsan mo nang pinakawalan? Pero tanging hangad lang niya ay makuha ang alam mo... More

AFTER an AFFAIR
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Special Chapter
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen

Chapter five

5.4K 96 6
By hopelessdiana

KANINONG bahay ito?”

Tanong ni Faye nang ipasok ni Steven ang kotse sa hindi pamilyar na bahay. Inaasahan niya na sa condo nito sila tutuloy kaya nagtataka siya dahil hindi rin iyon ang bahay ng pamilya nito. Lagi siya noong nasa mansion ng pamilya nito dahil sa kaibigan at naging kaklase niya ang kapatid nito.

Imbes na sagutin siya ay bumaba na ito ng kotse. Binuksan nito ang pinto sa kabilang side ng backseat at kinuha ang carrier basket kung saan mahimbing na natutulog si Kenneth—isa sa kambal nila. Karga naman niya ang kakambal nito na si Kristel.

Umikot si Steven at binuksan ang pinto sa side niya at kinuha nito ang gamit ng kambal ng makababa siya. Agad namang may lumapit ditong kasambahay at tinulungan ito sa pagbitbit sa mga gamit nila.

“Faye!”

Napabaling siya sa tumawag sa kanya. Si Julie, ang kapatid na babae  ni Steven at matalik na kaibigan niya. Excited na tumakbo ito papalapit sa kanya. Kung wala lang marahil siyang kargang sanggol ay baka niyakap na siya nito ng mahigpit, na gagantihan naman niya ng mas mahigpit na yakap. How she missed her bestfriend.

“How are you? Gosh! Sila na ba ang mga pamangkin ko?” tanong nito habang papalit-palit ang tingin sa kanya at sa kambal.  

Tinanguan niya ito. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito.

“Can I?” paalam nito kung pu-pwede nitong kargahin ang kambal.

 Nakangiting iniabot niya dito si Kristel at maingat nitong kinarga ang sanggol. Tuwang-tuwa ito habang kinakausap ang sanggol. Lumapit ito kay Steven at tinitigan ang karga nitong si Kenneth.

“Oh my, kamukha-kamukha mo sila Kuya. Matutuwa nito si Mommy. Baka mapauwi sila agad kapag sinabi ko sa kanila na may apo na sila, at kambal pa.”

“Mabuti pa pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga na sina Faye,” ani Steven.

Iginiya na sila nito papasok sa bahay. May iniutos muna ito sa kasambahay bago sila dinala sa second floor kung saan naroon ang silid na gagamitin niya at ng kambal. Maayos na ang silid na gagamitin niya at may dalawang crib na nakahanda sa loob.

“O, ayan Kuya, minadali kong tapusing ayusin ang silid na ito gaya ng iniutos mo,” pagmamalaki ni Julie.

Kumpleto sa kasangkapan ang silid at halos mapuno iyon ng laruan sa dami. Kumbinasyon ng kulay pink at blue ang silid. Maging ang crib na naroon ay color coordinated din.

“Masakit sa mata ang mga kulay na ginamit mo,” komento ni Steven habang maingat na inilipat si Kenneth sa isa sa crib sa silid. Kinuha na rin nito si Kristel sa kapatid at inihiga sa isa pang crib.

“Kuya, babae at lalaki ang kambal mo, kaya natural na pagsamahin ko ang mga kulay na babagay sa kanila. Wala pa akong tulog kaya i-appreciate mo na lang ang ginawa ko, kahit kunti lang,” nakangusong sagot nito sa kapatid.

Napailing na lang si Steven.

“Maganda naman, di ba, Faye?” baling sa kanya ni Julie.

“Oo. Maraming salamat at pasensya ka na sa abala,” tugon niya dito.

“Ano ka ba, parang hindi tayo magkaibigan. Duh, we’re bestfriend, remember? At saka para din naman ito sa pamangkin ko. No big deal. ‘Yong isang tao lang diyan ang hindi marunong maka-appreciate.”

“Sige na, sige na. Salamat. Satisfied?” Tinakpan nito ang bibig ni Julie nang akmang hihirit pa ito. “Manahimik ka na lang at natutulog ang mga bata. Sa labas na tayo.”

Julie nodded, at hinila na ito ni Steven palabas ng silid.

“Get some rest,” baling sa kanya ni Steven.

“Mamaya na tayo magkwentuhan. Marami-rami tayong pag-uusapan kaya magpahinga ka muna,” sabi ni Julie sa kanya nang makakawala sa kapatid.

Iniwan na siya magkapatid. Lumapit siya sa crib habang mahimbing na natutulog ang kambal. She watched the twin sleep and lighly touch their cheek.

Sorry, muntik ko nang ipagkait sa inyo na makilala ang inyong ama. It was selfish na subukan ko kayong ilayo sa kanya. Pasensya na kayo kay Mommy, ha. Pero di bale, ngayon, makakasama n’yo na si Daddy.

====================

SO, KAMUSTA kayo ni Kuya?”

Napatingin si Faye kay Julie. Nakapagpahinga na siya saglit kahit hindi naman siya gaanong pagod, kaya lumabas muna siya para mag-ikot-ikot. Si Julie na lang ang nadatnan niya dahil umalis si Steven nang may matanggap itong tawag mula sa opisina nito. Nagdesisyon silang sa may veranda malapit sa silid na gamit niya sila tumambay at magkwentuhan. May baon siyang walkie talkie na nakita niya sa kwarto para kung sakaling magising ang kambal ay agad niyang malalaman at mapuntahan ang mga ito.

Maingat niyang ibinaba sa mesita ang tasa ng kape at tumitig sa malinaw na tubig sa pool area.

“Malabo. Galit sa akin ang kapatid mo,” tugon niya.

“Well, kahit naman sino magagalit sa nangyari.”

“Ikaw, Julie, hindi mo ba ako susumbatan dahil sa ginawa ko?”

Nang walang paalam siyang umalis noon ay naputol na rin ang kumunikasyon nilang magkaibigan. Gusto niyang magpakalayo-layo at makalimot kaya lahat ng may kinalaman noon sa kanila ni Steven ay iniwasan niya, maging ang maki-balita sa matalik na kaibigan. At ang isiping inilihim din niya ang may kinalaman dito. Kaya inaasahan na niyang galit din ito sa kanya.

“Hmm. Nagtampo lang ako sa’yo pero hindi ako galit. Naiintindihan naman kita kahit hindi mo sabihin sa akin kung bakit mo iyon ginawa. Pero nagtatampo ako sa’yo kasi hindi mo man lang sinabi sa akin na magiging tita na pala ako.”

“Sorry. Natakot lang kasi ako...”

“I know. Naisip mo marahil na kapag sinabi mo sa akin ang tungkol sa pagbubuntis mo noon, sabihin ko naman iyon kay Kuya. Magagalit naman si Kuya kasi nilayasan mo siya na nasa sinapupunan mo ang anak niya. He’s a walking temper, at parang dragon pa naman iyon kung magalit. At hindi natin alam kung ano ang maari niyang gawin, kapag nagkataon. Ibang usapan na kung may anak na involve, lalo na’t anak niya. Siguradong gagawin noon lahat makuha lang ang anak.”

“Na binalak na nga niyang gawin.”

“Pero, nabago nga lang dahil kasama ka niyang bumalik. Ibang klase talaga si Kuya.” Napapangiti ito sa pagitan ng pag-iling.

Ikinunuwento niya dito ang rason kung bakit kasama siya ng kapatid nito pabalik ng Maynila.

“Mabuti na lang pala at nailigtas ka ni Kuya kung hindi baka kung saang lupalop ka na dinala ng lalaking iyon. Kinikilabutan din ako sa kung ano ang maari niyang gawin sa’yo. Gosh! Sana mahuli agad ang walanghiyang stalker mo na ‘yon.”

“Sana nga. Dahil hanggat malaya siyang gumagala, hindi ako mapapalagay sa kaligtasan ng kambal. ‘Di bale na ang kalagayan ko, ang mahalaga ay maging ligtas ang mga anak ko.”

“Tama. Pero huwag kang mag-alala, alam kong hindi hahayaan ni Kuya Steven na may mangyaring masama sa kambal...” Julie reached for her hand and lightly squeezed it and she smiled back at her. “...At hindi ka rin niya pababayaan.”

Sana mag-dilang anghel ang kaibigan niya. Gusto niyang maramdaman na mahalaga rin siya kay Steven.

 “I’m really grateful to have a friend like you, Julie. Thank you.”

“Thank you din sa mga cute na cute na pamangkin.”

Sabay silang napahagikhik.

May gusto siyang itanong sa kaibigan tungkol kay Steven. But she did not want to ruin the good mood of her comeback. Siguro may tamang oras para doon. Sa ngayon gusto mo na niyang makibalita sa kaibigan.

‘Siya nga pala, kamusta na kayo ni Lenard?”

Nagkibit-balikat ito.

“Ang tagal mo kasing hindi nagparamdam kaya huli ka na sa balita.”

Bilang sagot sa tanong niya at itinaas nito ang kaliwang kamay. And the ring on Julie’s hand glistened right before her eyes. Napasinghap siya at tuwang-tuwang niyakap ito.

“Congrats, Bes!”

=================

Continue Reading