Killing Him [COMPLETED]

Da LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED Altro

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
EPILOGUE

FORTY

33.9K 946 70
Da LetMeBeThatGirl

Hi Readers! Thank you sa pagbabasa ng story'ng 'to. This will be the last chapter. Let's see each other sa EPILOGUE maybe tomorrow kung matatapos o sa weekend na! <3

FORTY

"Is it true, Eclaire... You have no relationship with Engr. Kei Hendricks?" seryosong tanong sa kanya ng isang host sa tv. I flushed all the negative things inside my head. Ayokong mag-isip ng bagay na alam kong ikakabahala ko rin sa bandang huli. I need to be optimistic.

"Engr. Hendricks and I are just friends. We've know each other for a long time. I've been with him since High School years and the relationship that was circulating is nowhere near the whole truth."

Seryosong saad ni Eclaire at malamyang ngumiti. She's been answering questions about her career the past minutes but now, alam nyang hindi nya matatakbuhan ang tanong tungkol sa eskandalong kumakalat sa bansa.

"So saan nanggaling ang usap usapang engage kayo ng nasabing engineer?" napahinga ako ng mabigat.

The heaviness of the question feels like a big burden to her. Ngumiti sya ng payak at ilang segundo bago ito sumagot. "It was just a made up story between the two of us. Katuwaan lang iyon na parang apoy na kumalat. I don't know how either. I didn't open up the topic about that kasi alam ko sa sarili kong hindi iyon totoo and I could deny that all day. Wala pong namamagitan sa aming dalawa ni Kei Hendricks."

Even though she stated the truth to the whole world, alam ko sa sarili kong may mabigat pa rin sa akin. Marahil ay sa kanya rin. But that will remain unheard by everyone. Pareho kaming may dinadaing na tanging ang isip lang namin ang makakarinig noon.

"It is clear, walang namamagitan sa inyo ni Engineer Kei Hendricks. Malinaw na malinaw." puno ng diing sabi ng host. Muli itong tumingin sa hawak nyang card at bumaling kay Eclaire. "Do you know Chloris Riyal Buenafuerte? Can you explain to us?"

Tumango si Eclaire bago nagsalita. "Chloris is also my friend. She's..." napatigil sya kaya napahawak ako sa aking dibdib. Wala akong hiniling na pabanguhin nya ang pangalan ko but seeing her in pain really doesn't feel good.

Kaharap nya ang buong mundo. Ilang tao ngayon ang nakaharap sa kanilang mga tv na nanonood sa kanya and I'm one of those who are eager to listen to this interview.

"...She's the real girlfriend of Kei Hendricks." napatango ang tv host sa kanya at may binasa sa kanyang card.

"Chloris Buenafuerte as we all know is a world class designer in London. Naging magka-klase kayo noong High School together with Kei Hendricks and that's where you all met each other. Tama ba ito?"

"That's where I met Kei. Junior High School pa kami noon and she's known Chloris years before I met him. She then flew to London to pursue her career. Doon kami nagkaroon ng oras ni Kei para lalong magkakilala so I think, doon nagsimulang kumalat ang chismis na may relasyon kami."

Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Napuno iyon ng mga tanong na dapat ay pinagwawalang bahala ko nalang but I can't seem to stop myself from asking stupid questions. Paano kung nagkamabutihan sila noong mga panahong iyon? Paano kung na-inlove sya kay Eclaire? Paano kung...

May kaunting kirot sa aking dibdib. Hindi ko na naituloy ang tanong sa aking isip at parang narinig iyon ng host at isinatinig ang kinakatakot kong tanong.

"On that span of time ay wala kayong naging relasyon ni Kei?"

Napaiba ng upo si Eclaire at tumingin sa mga nanonood sa audience. The camera went there for a second, ipinakita ang mga fans nyang may hawak na banner at kaunting humihiyaw, bago ibinalik kay Eclaire ang tutok.

"Wala po." maiksi ngunit diretsong sagot nito.

Pinisil pisil ko ang aking daliri habang nakatitig pa rin sa screen ng tv. Eclaire is too strong to hold an interview right after the scandal. And smiling infront of camera while answering these questions is undoubtedly hard.

"Going back to what happened sa inyong reunion, you were there with Kei Hendricks and Chloris Buenafuerte on that said event. Ano ang totoong nangyari sa reunion na ito?"

Matama akong nakatingin sa tv nang lumabas si Kei sa kanyang kwarto, all dressed up with his black polo and a light grey suit on the top of it. Sa labis nitong dating ay saglit akong nalingat sa pinapanood at hindi na nasundan pa ang sinabi ni Eclaire.

"You're watching her interview?" baritono nyang tanong nang mapansin ang nakabukas na tv. Tumango ako, still looking at him. "Can you fix my tie, Chloris?"

Huminga muna ako ng malalim bago lumakad palapit sa kanya. He handed me a black necktie. Ipinaikot ko iyon sa collar ng kanyang polo at tinali sa higpit na gusto nya. I can smell his perfume with a mixture of freshness from the bath.

It was like a cold breeze air in a Christmas Eve when I smell his mint breath on my face. Napalayo ako ng kaunti ngunit mabilis nyang hinapit ang baywang ko para pigilan ako sa pagtatangkang lumayo sa kanya.

"I will introduce you to my family tonight, Chloris. Huwag na natin itong patagalin pa. If they're doubtful of Eclaire's interview then I could atleast give them the satisfaction to see how much I love you. Simulan natin sa pamilya ko."

Napabitaw ako sa kakaayos ko lang na necktie. "H-huh?! Are you... Serious?" nakagat ko ng mariin ang aking labi.

Ngayong gabi na talaga nya ako ipapakilala sa pamilya nya?! He can't be serious, right? Nangangapa pa ako sa sitwasyon at ganito agad ang ibubungad nya sa akin? At hindi pa nya iyon sinabi kahapon para man lang kahit papaano ay nakapaghanda ako!

"I'm madly serious." nakita kong lumunok sya. Damn that Adam's apple! It was such a big distraction. Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko sa kanya. "By the way, you look stunning tonight."

He gave me a peck on my cheeks. Agad nag-alab sa init ang pareho kong pisngi nang bitawan nya ang baywang ko.

Nabalik lang muli ako sa wisyo ng marinig ang pangalan ko sa tv. "Nagkaroon kami ng panayam kay Chloris Buenafuerte sa telepono. Let's hear it." hayag ng host at pumaskil sa screen ang linyang napag-usapan namin kaninang hapon.

"...I don't have the intention to ruin any relationship and if Kei's with Eclaire then I won't be a hinder to them. But that's not the story. They're not together. I'm inlove with Kei and so is he. People should know the truth and this is never a lie..."

Pinutol na roon ang nirecord nilang boses ko sa telepono. Marami pa kaming pinag-usapan kanina habang nagtatanong sila sa akin over the phone but I think they just cut the most important part of the story.

"Let's go, Chloris." aya sa akin ni Kei. I turned the tv off then went to his arms. Mabilis nyang ipinaikot sa aking likuran ang kanyang kamay at sabay na kaming lumabas sa kanyang condo para tunguin ang nasabing okasyon.

"Another building was constructed because of you, Engineer. At isa na namang kompanya ang nadagdag sa mga koleksyon ng pamilya nyo." ani ng matandang pinangalanan ni Kei bilang si Mr. Asuncion.

Isa itong opening para sa itinayong bagong kompanya ng kanilang pamilya and of course, Kei is one of their Engineers. Malaki nga namang tagumpay iyon na kailangan nilang ipagdiwang. My eyes purposely stared at the big H written on the red curtains while covering a small stage.

Napainom ako sa aking baso habang tinitignan ang tatak na iyon. That small crown above that H symbolizes how they reign the business industry for the past decades.

Parang nakakatakot alamin ang laman ng kanilang bank accounts. Baka pati ako ay malula sa laman noon. Kei surely can damn swim in a pool of money. Kahit ang pamilya nya ay ganoon din. Now that I think of it, my soul immediately went out from my body.

Nahintakutan na naman ako habang iniisip na makikilala ko ang kanyang pamilya.

"My brother is finally here." bulong ni Kei. That damn whisper made my soul came to senses. Agad nagtayuan ang mga balahibo ko at ilang palihim na paghinga ng malalim ang ginawa ko habang naglalakad.

Hi, I'm Chloris Buenafuerte, nice to meet you!

No! That should be... I'm Chloris, a graduate from London and a fashion designer of different countries. That's it! Iyon lang dapat!

Naiiling ko ang aking ulo nang huminto ang lakad namin. "Kuya, this is Chloris." mahina at pormal na saad ni Kei. Napatuwid ako ng tayo at nang tanawin ang mukha ng kaharap ay agad akong napataas ng kilay.

I've met him!

"Knight Hendricks, right?" tanong ko rito.

Ngumisi sya sa akin. That smile never gets old. Iyon ang ngiting ipinakita nya sa akin noong una kaming nagkakilala. Ang ngiting parang naka-akit na ng maraming babae.

"You're the girl in Hawaii, Chloris Buenafuerte. The innocent and cute back then." muli syang ngumiti at inabot ang aking kamay. He's inches away from kissing it when Kei immediately grabbed my hand.

"Kuya, roon ka na kay Serenity." malamig nitong anas.

Ngumuso si Knight bago muling ngumisi. He tapped Kei's shoulder bago ito naglakad. "Finally, Kei. Finally."

Nilingon ko pa ito nang lumagpas sa amin. "Mas lalo atang gumwapo ang Kuya mo." mahina kong saad bago sya nilingon sa aking tabi. Nakita kong kinunutan ako nito ng noo at madilim ang mga matang nakatingin sa akin.

"She's taken, Chloris, and he's obsessed with the girl." muli kaming naglakad. Humagikhik ako na sa tingin ko'y mas lalo nyang ikinainis.

While his brother Knight is always happy, he's here looking so fuming on me. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa lalakeng ito at minsan talaga'y parang mas mainit pa ang ulo sa takure.

"May sinabi ba akong may gusto ako sa kanya? You know I like you. Hindi na iyon maiiba pa." pagkasabi ko noon ay para syang nahimasmasan at dinala ako sa gilid.

"You like it when I'm jealous, huh?" seryoso nyang saad at pinadaan ang kamay nya sa kurba ko. Halos umusok ang mukha ko sa kanyang ginawa. Damn it, Kei! Ang dami ng tao at ganito ang ginagawa mo sa akin?!

"Ahaha!" I heard someone giggled.

Naitulak ko si Kei at isang batang babae ang mabilis na yumapos sa kanyang binti. Pumikit ito at pumatong sa sapatos na suot ni Kei.

"Sino ang batang iyan?" naka-kunot ang noo'ng tanong ko.

She looked so dreamy while hugging Kei's leg. Isa isang tinanggal ni Kei ang maliliit na daliri nito habang ang bata ay unti onting iminulat ang bilugan nyang mata. Nang matanggal ang pagkaka-kalas ng yakap nya roon ay tumalon talon sya habang ngiting ngiti kay Kei.

"This is Thyde Eliryth Hendricks, Kuya Klaude's daughter." kinarga nya ang bata na ngumuso sa kanya at humalik sa pisngi nito.

Wala pala akong alam tungkol sa iba nyang mga kapatid o sa mga pamilya nito. Wala rin akong ideya sa mga ugali nila. Basta't ang alam ko'y masiyahin si Knight at seryoso naman ng kaunti si Kei. Medyo saliwa kaya mahirap isipin kung anong ugali ng iba. I just know he was the youngest of the four.

"Hi, Thyde, I'm Chloris." nilapitan ko ang bata at ngumiti sa kanya. Humagikhik ito sa akin at mabilis na nagtago sa leeg ni Kei then sucked her thumb. Pinalis iyon ni Kei.

"Where's my brother? Bakit hinahayaan nilang pagala-gala si Thyde?" hinagilap ni Kei ang kamay ko at muli kaming naglakad. Kumakanta ang bata ng kung anong nursery rhyme habang buhat ni Kei. Natatawa nalang ako sa kanya.

"Kei! Buti nahanap mo si Thyde!" may lumapit sa aming isang maputing babae. Mas maliit sya ng kaunti sa akin at kinuha na si Thyde sa kamay ni Kei.

"She's wandering around. Keep your eyes on her, Thyrile." ngumuso ang babae ngunit mabilis ding ngumiti. When she turned to me ay pinagkunutan nya ako ng noo.

"Is she the girl, Kei? Congrats! Ilang buwan na ang bata sa sinapupunan mo?" bigla nyang baling sa akin. Ako ang nahiya para sa kanyang tanong at hinigit ang braso ni Kei para humingi ng tulong.

I'm not pregnant! Mataba ba ako o malaki ang tyan ko para sabihin nya ito sa akin?

"Thyrile, she's not pregnant." napahawak sa kanyang ulo si Kei. Humagikhik muli ang babae at tumitig sa akin.

"Not yet, Kei. Pero ganoon din ang bagsak non." she smiled at me. "Alis na ako. Baka lalong magalit si Klaude sa akin. Nice to finally meet you! Bye!" kumaway sya sa akin at binuhat na ang anak paalis.

"Asawa iyon ng kapatid mo?" tanong ko nalang kay Kei. Tumango sya at hindi na muling nasundan pa ang usapan namin.

Ilang mga bisita pa ang ipinakilala nya sa akin hanggang sa magsimula na ang program. Nang dumilim ay roon lang kami pumunta sa table naming dalawa. May ilan nang nakaupo roon na hindi ko kilala. Nasa tatlong babae at tatlo ring mga bata, dalawang babae at isang lalake, including Thyrile with her daughter Thyde.

"Chloris, dito ka oh." aya noong isang mukhang beauty queen. Kasali ba sya sa Miss Universe? Kahit madilim ay pansin ko ang makinis nyang balat, morena at medyo balingkitan ang katawan.

Diretso ang kanyang likod kahit hindi iyon nakalapat sa sandalan ng upuan. I envy her posture, that's hard to maintain.

"I'll be back, Chloris. Tataas lang ako sa stage." bulong ni Kei, hinalikan muna ang noo ko bago iniwan sa table na iyon.

Pagkaupo ko'y agad akong nagsalita. "How do you know my name?"

"Nasa balita ka, hindi ba? Kayong dalawa ni Kei." napatango nalang ako at nanahimik na. The woman on my right is Thyrile katabi sa isang upuan si Thyde na hindi naman nakatingin sa stage.

The two other children were watching carefully. Tahimik ang dalawa na sa tingin ko'y nasa anim o pitong taong gulang na. Thyde is, I think, two years old.

The last woman sitting on the opposite side of me has a wavy brown hair. Pointed nose and has a pinkish lips. Maamo ang kanyang mukha na maihahalintulad sa isang anghel sa langit. Nang lumingon sya'y ginawaran nya agad ako ng matamis na ngiti bago nagbaba ng mata.

I don't know if she's shy or what? Mabilis itong napaso sa tinginan namin. I think I intimidate her with my stare. Nahiya rin tuloy ako.

Si Thyrile naman sa aking tabi ang pinaka-maputi sa lamesang ito at sa tingin ko'y pinaka-maliit. She's also jolly just like her daughter. Thyrile's cheeks is somewhat blushing. She held my hand when she saw me staring at her.

"Akyat ka raw sa stage." aniya.

Hindi pa iyon agad nag-sink in sa aking utak hanggang sa mapatingin ako sa stage at nakitang ang apat na nakahilerang lalake sa harap ay pare-parehong nakangitin sa akin.

I can feel my hair stood from the back of my neck. Lahat ng camera na nasa paanan lang ng stage ay mabilis lumipat sa akin.

Kei's eyes were inviting me there. Tumayo na ako ng walang pasubali. I graciously walked and when we're just inches away from other ay agad nyang inilahad ang kamay sa akin na malugod ko namang tinanggap.

Pagkarating ko gitna ay roon lang umalis ang tatlo pang lalake at bumaba ng stage.

My God, hindi ako nakinig sa speech nila kanina kung mayroon nga silang sinabi. I was busy looking at the people in my table. Bahala na ang bibig kong magsabi ng mga salita kung may ibato man silang tanong sa akin.

I should look confident even though my mind's running out of words. Tama, ganoon nga!

"This is Chloris Riyal Buenafuerte, my girlfriend." panimula ni Kei. Mas lalong dumami ang camera'ng kumukuha sa amin ng litrato. The confidence I tried to build up immediately stormed by his words.

"...And the rumor you are all feasting with is unlikely to be true for I, Kei Hendricks, will not love another woman for the rest of my life except Chloris Buenafuerte."

Napahawak ako ng mariin sa kanyang kamay. Pakiramdam ko'y mahihimatay na ata ako sa harap ng maraming tao at makikita nila ang pag-angat ng kaluluwa ko papuntang langit.

"And I would like to publicly give my apology to Eclaire Vasseur, her family and for the people who loved her for burdening the weight of this rumor for she does not deserve any hate she was receiving. And Chloris..."

Lumingon sya sa akin. I saw how stern and serious he is right now. "...I beg infront of you to please stop accusing her of something she didn't do. I want this controversy to end peacefully so please accept my apology." yumuko si Kei sa harap ng maraming tao.

Parang pinipiga ang puso ko habang seryoso akong nakatingin sa kanya. Pinaalalahanan ko na ang aking sarili na huwag iiyak ngayon, na huwag nang magpapa-apekto pa pero mahirap.

Kinuha ko ang microphone at buong lakas na nagsalita roon. "Kung ano mang isyu ang mayroon ngayon ay sana mawala na ito at mapalitan ng bago kasi... Kei and I will be marrying soon."

Napatuwid ng tayo si Kei at matama akong tinitigan. Pinanlakihan ko sya ng mata. "Ano, ayaw mo?" I said without letting my teeth part with each other.

He gave me a seductive smile and pulled me closer. Halos mabitawan ko ang mic na hawak ko at ilang beses na napa-pikit. My knees were shaking at ang kanina pang kaluluwang gusto nang kumala sa aking katawan ay pumanaw na ata ng tuluyan.

"Syempre gusto." mahina nyang saad bago hinadkan ang labi ko.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.3M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
200K 5.6K 24
Series 5 Zoldic Legacy Series
304K 1.5K 7
TYRANT 7 Book 2: The Sadist Ares Greyfield
My lover Da Markshin

Narrativa generale

6.8M 47.6K 53
Mariella "Ella" Ruiz is the perfect example of an unreachable dream. She has a nice pair of eyes, kissable lips, beautiful body, over flowing sex app...