♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Bet Your Heart ♡ Chapter 38

19.2K 178 40
By nyghtdreamer

Chapter Thirty-Eight

Lianne's POV

Dinala ako ni Renz sa MOA! O.A. na kung O.A. pero hindi talaga ako bumibitaw sa pagkakakapit ko sa braso niya. Mahirap nang maligaw ako at hindi makauwi.

Ang sabi ko naman kasi sa kanya, sa malapit na mall na lang kami pero ayaw niya. Choosy ang lolo ko. O baka sinadya niya lang talaga para hindi ko siya takasan.

"Best, ano ba?!" Pumiksi siya sa pagkakakapit ko sa braso niya pero hindi ako bumitaw. "Para ka namang tuko kung makakapit, eh," reklamo niya pa.

Ang ganda ko namang tuko. Pero dahil kailangan kong mag-behave dahil baka iwanan niya na lang ako bigla dito, nag-pout lang ako. Irap naman ang isinukli niya sa akin.

Ngumiti ako nang maalis ang tingin niya sa akin. He called me 'Best.' Ang tagal ko ring hindi narinig iyon sa kanya and I missed it.

"What do you want to do?" tanong niya sa akin maya-maya.

"Uhm... eat?" Of course, what else do I want to do? Siyempre, bubusugin ko muna ang tiyan ko bago kami mag-iikot-ikot para may energy.

"Where?"

"Old place." I beamed.

"Ayaw mo mag-fine dine?" tanong niya na halatang hindi niya gusto sa gusto kong kainan.

"Eh..." I stamped my feet. "Sa McDonalds ko lang gusto kumain."

"I just want to remind you that this is a date and—"

"What's wrong with McDonalds?"

"We are on a date—"

"And I am your date and I want to eat at McDonalds," I said with finality.

"Fine!" suko na niya sa pakikipagtalo.

I beamed again. Wala akong balak na gawing seryoso ang date na ito, so kanina pa lang ay naisip ko nang gawin lang ang mga usually naming ginagawa kapag lumalabas kami. Katulad na lang ng pagkain namin noon sa McDonalds dahil tinitipid niya ako parati.

Nakarating kami sa McDonalds. He ordered food and I looked for a table for us. Habang naghihintay ako sa kanya at sa pagkain, pinag-iisipan ko na kung ano ang mga itatanong ko sa kanya at paano ko siya mauusisa.

Siguro sisimulan ko na lang sa pagkukuwento like we usually do after a long day, may it be full of stresses or happy moments. I missed those times already. When was the last time we did that? Noong bago pa yata kami pumunta sa Boracay. Matagal-tagal na rin iyon, ha? Ang dami ko nang na-miss ikuwento sa kanya at siguradong ganoon din siya.

Dumating si Renz dala ang sandamakmak na pagkain—actually, fries lang naman talaga ang marami. Nag-umpisa kaming kumain nang walang nagsasalita. Nakakapanibago. Hindi naman kami ganito. Noon pagkaupo niya pa lang, pareho na kaming may sinasabi.

"Uhm... Renz," basag ko sa katahimikan. Mukha kasing wala siyang balak magsalita.

Tumingin siya sa akin pero hindi pa rin nagsalita. Parang gusto ko na lang mapabuntong-hininga at manahimik na lang, pero wala akong mapapala kung sasabayan ko lang siya sa pananahimik.

"How's life?" I asked, smiling.

His shoulder squared. "Nothing important."

Dead air. End of conversation agad. Ang ganda naman kasi ng sagot niya.

Pero huwag ka agad susuko, Lianne! I encouraged myself.

"How about Wendy?" tanong ko ulit.

Iyon lang ang naisip kong topic na latest sa buhay niya na makakakuha sa atensyon niya. At hindi nga ako nagkamali dahil napatigil siya sa pagkagat sa burger na kinakain niya.

Mula sa pagiging seryoso ng mukha niya ay nagsalubong ang mga kilay niya and his eyes, there's something in it that I can't read. Pero hawala rin iyon kaagad.

"Maybe, she's fine," pinilit niyang itago ang bitterness niya, but since I know him so well, I still heard it from his voice.

"Nagkita na ba ulit kayo?" tanong ko pa kahit pa alam kong ayaw niyang pag-usapan namin ang babae.

Well, I need to know something, and I think, the answer lies on that girl based on his reactions.

"Let's not talk about her," pag-iwas na niya na nagbigay ng maliit na kumpirmasyon sa iniisip ko.

"Come on, Renz... magkuwento—"

"We haven't seen each other again, okay? Wala among maikukuwento."

I rolled my eyes. "Okay."

Ang sungit. Pero kung walang tatalo sa kasungitan niya, wala ring tatalo sa kakulitan ko.

"Eh, bakit hindi pa ulit kayo nagkikita?" Sinawsaw ko sa ice cream ang tatlong fries at sinubo iyon ng sabay-sabay.

"Lianne, please...?" he gave me a look that is asking for understanding.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita.

Ano ba'ng ginawa ni Wendy dito sa best friend ko at nagkaganito? Binasted niya ba? Niloko? Pero wala naman sa hitsura ni Wendy na nangloloko siya ng lalaki.

Kung ano man ang nangyari sa kanilang dalawa, sana naman maayos pa para hindi na nagkakaganito si Renz. Dahil sumasakit ang ulo ko sa kanya at hindi ko matiis na nakikita siyang nagkakaganito.

"Renz..." tawag ko ulit sa kanya makalipas ang ilang minuto.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na manahimik na lang. Ang dami kong gustong itanong sa kanya at kailangang-kailangan ko ng sagot niya para maging maayos na ang kalokohang ito.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" tanong ko nang mag-angat siya ng tingin.

"What do you mean?" balik tanong niya.

"B-bakit tayo nagkakaganito? I mean—"

"Kasi nga gusto kita," walang kaabog-abog niyang sagot. "Mahal kita. Hindi ko kayang tiisin na nakikita kayo ni Kuya na magkasama palagi habang ako nakatingin lang sa inyo at walang ginagawa para maramdaman at malaman mo rin na mahal kita."

Umiling ako. "No, Renz—"

"Dati ko pa nararamdaman ito sa'yo pero itinago ko lang dahil mag-best friend tayo at ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Pero naisip ko na dapat ko rin sigurong ipaalam ito sa'yo. I took the risk kahit pa ang pagkakaibigan natin ang nakataya rito dahil ayokong magsisi sa huli na hindi ko ipinaalam sa'yo ang nararamdaman ko," madamdamin niya pang paliwanag.

Natuwa ako kahit papaano dahil inisip niya rin naman ang friendship namin. Pero hindi ko alam kung dapat ba akong maniwalang may nararamdaman siya sa akin lalo na at may Wendy na dumating sa buhay niya. Siguro nga, nagustuhan niya ako noon, pero sigurado akong wala na iyon ngayon.

"Paano si Wendy?" mapanubok kong tanong sa kanya.

"She's out of the picture here."

"No she's not," salungat ko sa kanya. "Kung nandito ba si Wendy masasabi mo pa ang mga 'yan sa akin ngayon?" I asked further, proving.

Natigilan siya sa tanong ko at hindi nakasagot. It's like I hit him, big time.

"See?" Dinuro ko soya gamit ang fries na hawak ko. "You cannot answer to my question. You know why? Because you have something for her. You care for her or maybe, you already love her. Siguro nga, may nararamdaman ka sa akin dati. Pero kahit gaano mo katagal inalagaan iyon, nakilala mo lang si Wendy, nawala lahat ng iyon na parang bula at napalitan ng nararamdaman mo para sa kanya."

Napayuko siya na parang nag-isip. Hinayaan ko lang siya na i-absorb ang lahat ng sinabi ko. Sana lang ay natauhan na siya.

"I just wanted to get back the feelings I had for you before," mahinang niyang wabi maya-maya.

Napangiti ako. I guess, he's already in defeat. Parang inamin niya na rin kasi na si Wendy na ang mahal niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inangat ko ang mukha niya. Nang nakita ko ang mukha niya ay parang gusto ko na lang tumawa dahil parang naiiyak siya na ewan. Pero hindi ito ang tamang panahon para pagtawanan ko siya at kantyawan kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"Kung anuman 'yang problema niyo ni Wendy, maayos din 'yan," nakangiti kong sabi sa kanya habang hawak pa rin ang baba niya.

"Tsss!" Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya. "Walang 'kami,' okay?"

"Ewan ko sa'yo! Ang arte arte mo na namang lalaki ka!" pabulyaw kong sabi na may kasama pang batok.

"Aray!" Humawak siya sa ulo niya. "'Yan ka na naman sa pagka-sadista mo, ha?!"

"Ewan ko sa'yo," nakairap kong sabi at uupo na sana ulit ako nang hinila niya ako bigla. Then I just felt him hugging me so tight.

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa yakap niyang iyon kaya niyakap ko siya pabalik. Alam kong kapag natapos ang yakap na iyon, babalik na ulit kami sa dati.

"Yeah, I missed you too, Best," nakangiti kong sabi kahit tahimik lang naman siya.

"Thanks, Best," bulong niya sa akin.

"Thanks for what?" pabulong ko ring tanong.

"Dahil hindi ka nagalit sa mga kalokohan ko nitong mga nakaraang araw and you still managed to be here kahit na sobra yata ang mga nagawa ko sa'yo," sagot niya.

Lumapad pa ang ngiti ko dahil doon. Pero napansin kong pinagtitinginan na kami ng ibang mga customers kaya kahit ayoko pa matapos ang yakap na iyon, inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Sinubukan kong alisin din ang mga kamay niya pero hindi ko nagawa dahil parang ayaw niya akong pakawalan.

"I love you, Best..." Mas lalo pang humigpit ang yakap niya. "The best ka talaga."

"Yeah, yeah... I love you, too, Best," tugon ko. "Pero p'wede bang bitawan mo na ako? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Binitawan niya naman ako. Pagkatapos ay tumingin siya sa mga taong nakatingin sa amin at ngumiti sa mga ito.

May pagka walang-hiya talaga ang lalaking ito!

"Masama na bang mag-hug ang mag-best friends ngayon?" may kalakasang tanong niya at ewan ko kung sa akin ba siya nagtatanong o sa mga taong nakatingin sa amin.

Either way, hindi ako sumagot. Umupo na lang ulit ako sa upuan ko at yumuko na lang sa pagkain. Nakakahiya kasi talaga.

Nang alisin ng mga tao ang tingin sa amin ay nagpatuloy kaming kumain habang nagkukuwentuhan, like the old times.

Nakakatuwa dahil sa isang iglap lang ay bumalik na kami sa dati. The silly and crazy best friends. Na-miss ko talaga siya ng bonggang-bongga, kaya pagkatapos namin kumain nag-aya pa ako na mag-ikot sa mga stores ng mall. Gusto kong sulitin ang araw namin at pinagbigyan naman niya ako sa mga gusto kong gawin.

"Best, which color ang masbagay sa'kin?" tanong ko habang hawak ang dalawang blouse na color gray and light brown na pareho ang style.

Tiningnan niya ang mga hawak ko pagkatapos ay tumingin ulit siya sa tinitingnan niyang mga damit kanina. May kinuha siyang pink floral na blouse.

"Mas bagay ito sa'yo," he suggested then hand me the blouse.

Sinamaan ko siyang ng tingin. "Yuck! Ayoko n'yan," nakangiwi kong sabi at ibinalik ko sa kinuhanan niya iyon.

Inaasar lang talaga niya ako. Alam niya naman kasi na ayoko ng floral na damit at lalong ayoko ng pink!

"Tara na nga..." Hinila ko siya palabas ng store na iyon. Hindi naman kasi ako bibili ng damit ngayon. Sadyang wala lang kaming ibang magawa para ubusin ang oras namin.

Naglakad-lakad lang ulit kami sa loob ng mall. Hihinto kapag may nakitang magandang store, papasok at lalabas na walang bitbit. We even fitted some cloths kahit hindi naman talaga kami bibili. Hanggang sa nagsawa na lang kami sa pag-iikot.

"Saan na tayo pupunta ngayon, Best?" tanong niya.

"Ewan," sagot ko.

Saan pa ba kami puwedeng magpunta, eh, halos napasok na yata namin lahat ng store dito.

"Ano ba 'yan..." reklamo niya. "Sana nag-stay muna sa last store na pinasok natin. Nagpapa-cute pa nga ako sa mga sales lady doon, eh."

Aba...

Binatukan ko nga. "Hoy! Umayos ka, ha?! Gusto ko kay Wnedy ka lang!" I demanded like a boss.

Napasimangot naman siya sa sinabi ko tapos may ibinulong-bulong siya na hindi ko naintindihan.

"May sinasabi ka, Renz?" taas-kilay kong tanong.

"Wala!" mabilis niyang sagot na nakasimangot pa rin.

Maasar pa nga... I laughed evilly in my mind.

"Nami-miss mo na si Wendy, 'no?" nanunudyo kong tanong at sinangga ko pa ng braso ko ang braso niya.

"What?! Of course not!" madiin niyang tanggi, his eyebrows in one line.

In denial ang lolo! As if namang hindi ko alam na gustung-gusto na niyang makita si Wendy.

"Wendy!" sigaw ko na lang bigla habang nakatingin sa likuran niya.

His eyes became rounded and his body became stiff. "S-she's at my back?"

I laughed out loud because of his face. Hindi na napigilan dahil sobrang nakakatawa ang reaksyon niya. Gosh! Wendy has this effect on him?

"Tigilan mo nga ako, Lianne!" asik niya.

"I'm sorry," I said between my laughters. "Sinusubukan ko lang naman kung ano'ng magiging reaksyon mo. And if you just seen your..." Then I laughed so hard again.

"Tsss! Hindi nakakatuwa," napipikon niyang sabi at bigla na lang akong iniwan doon.

Siyempre humabol ako kaagad. Mahirap nang umuwi ng naglalakad dahil nasa kanya ang pouch ko at nasa loob niyon ang cellphone ko.

Kumapit ako sa braso niya nang maabutan ko siya. "Renz, Sorry na... hindi na 'to mabiro." I pouted.

"Forgiven," he coldly said.

"Please...?" I said with a beam at the end.

Tumingin siya sa akin at napabuntong-hininga na lang. "Oo na nga, ang kulit!" Then he pinched the tip of my nose.

Napangiti ako sa gesture niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa hindi naman alam kung saan. Kung saan-saan lang kami lumiliko, basta nagkukuwentuhan pa rin kami na parang walang pakealam sa paligid.

Nang maubusan na kami ng mapagkukuwentuhan, pumasok na naman sa isip ko si Wendy. I really want to know what happened to them. Bakit bigla na lang siyang naging out of the picture kay Renz? It really bothers me kaya hindi ko na naman napigilan magtanong.

"Renz..." tawag ko.

"Hmm...?"

"Nasaan ba kasi si Wendy ngayon?" I asked seriously.

Umiling siya. "Hindi ko alam."

Naging seryoso rin ang mukha niya kaya idinaan ko sa konting biro ang sumunod kong sinabi. "Naku! Kung ako sa'yo, Best, hahanapin ko na siya bago pa siya may makitang ibang siyokoy sa dagat na katulad mo." Pumalatak pa talaga ako at umiling-iling.

"Sino'ng siyokoy?!" alam naman kaagad niya na niloloko ko siya.

"Ikaw!" walang-gatol kong sagot. "'Di ba, isa kang siyokoy na napulot lang ni Wendy sa pampang ng Boracay?" Then I laughed again.

Ang sama na naman ng tingin niya sa akin pero wala akong pakialam.

"Sige, tumawa ka pa," nakairap na naman niyang sabi.

Lalo lang akong natawa. Grabe... parang babae lang kung makairap. Kaya siguro kami naging mag-best friend nito dahil minsan para siyang babae kung mag-inarte. Mag-inarte lang naman dahil alam kong straight talaga siya.

"Kapag ako nainis na talaga sa'yo, iiwan kita dito," pabulong niyang banta.

"Hoy!" Kumapit ako ng mahigpit sa braso niya. "Binibiro ka lang iiwan mo na ako?!"

"Oo, kapag nang-asar ka pa r'yan."

"Hindi na po," nakangisi kong sabi.

Tumunog ang cellphone ko kaya natigil ang pangungulit ko. Kinuha ko agad ang pouch ko kay Renz at hinanap sa loob ang cellphone ko. Nang makuha ko iyon ay nakita kong si Mark ang tumatawag.

Ano naman kaya ang itinatawag-tawag ng kumag na ito ngayon?

Sinagot ko ang tawag.

"Bakit?" bungad ko. Hindi uso 'hello' sa akin lalo na kung katulad lang din naman ni Mark ang tumatawag.

"Wow—"

Hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinabi niya dahil bigla na lang nawala sa kamay ko ang cellphone ko.

"Why are you calling?" tanong ng mala-snatcher kong kasama.

Ang sungit na, ingleserong forglet pa ang lolo ko.

Kumunot ang noo ni Renz habang nakikinig sa kausap sa kabilang linya. "Of course, she's fine with me."

He's checking on me? Baliw talaga ang lalaking iyon. Para namang hindi niya kapatid ang kasama ko ngayon!

"'Di ba, may usapan na tayo?" Lalo pang kumunot noo ni Renz.

Ano'ng usapan nila? Iyong alternate na 'date' ba at Sunday na day off ko sa pag-babysit sa kanila?

Hay... Lord...

"Okay, bye! H'wag ka nang mang-iistorbo!" Ibinaba niya na ang cellphone ko at binalik sa loob ng pouch ko.

Nakatingin lang ako sa kanya na parang naging bad mood sa pakikipag-usap sa kuya niya. Ay, mali... lalong palang naging bad mood dahil badtrip na siya kanina pa sa pang-aasar ko.

"H'wag mo palang sasabihin kay Kuya na okay na tayo," bilin niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko naman.

"Para akalain niyang nanliligaw pa rin ako sa'yo. Gusto kong subukan kung totoo ngang gusto ka niya. Baka pinagti-trip-an ka lang niya," sagot niya na kahit mukha siyang hindi concern, alam kong concern siya. "Kahit palagi mo lang ako inaasar at pinipikon, ikaw pa rin ang nag-iisa kong best friend na baliw at hindi kita basta-basta ipapaubaya sa gago kong Kuya. Hindi ako na-in love sa iba para lang lokohin ka niya."

Aw! That's my best friend! Na-touch ako sa sinabi niya. Kahit retarded pa ang tingin niya sa akin, he still protects me. At okay din ang idea niya. Mapapatunayan nga namin kung may gusto sa akin si Mark kung magkukunwari pa ring nanliligaw sa akin si Renz. It'll challenge him to prove his love.

Nyek! Love talaga, Lianne?

"Bakit ngingiti-ngiti ka r'yan?" tanong na lang bigla ni Renz.

Huh? Nakangiti ba ako?! Napatingin ako sa kanya.

"Tsk! May gusto ka na siguro kay Kuya, 'no?" it didn't sound like a question but accusation. Para akong inakusahang pumatay ng langgam.

"Ha?! Wala, 'no?!" mariin kong tanggi dahil iyon naman talaga ang totoo.

Ano ba naman kasi ang pinagsasabi niya? Wala akong gusto sa kuya niya at hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon kahit baliktarin pa ang mundo pati na rin ang panty ko! Oo, itataya ko pati ang panty ko!

"Okay, sabi mo, eh," turan niya na parang hindi naniniwala.

"Renz!" I snapped.

"Okay, okay..." He raised his both hands. "Wala kang gusto kay Kuya, satisfied?" Sa tono ng pananalita niya ay parang nang-aasar na siya.

"Tse! Umuwi na lang tayo!"

Naiinis ako. Naiinis ako dahil wala naman talaga akong gusto kay Mark pero alam kong hindi siya naniniwala! Kahit itaga pa sa puno ng saging, wala akong gusto ka Mark! Kung bakit sa puno ng saging, hindi dahil iyon lang ang puno na may puso, kundi dahil iyon ang may pinaka malambot na trunk at madaling mag-carve doon!

What the heck?! Why do I have to explain that?

∞∞∞

Sinamahan kong manood si Mommy sa sala kinagabihan. Wala rin naman kasi akong ibang magawa kaya kahit hindi naman ako mahilig manood ay nanonood ako ngayon ng mga teleserye na hindi ako maka-relate.

Si Renz ay umuwi agad pagkahatid sa akin. Napagod daw siya kalalakad sa mall. Arte niya lang talaga pero hinayaan ko na lang din para matahimik ang buhay ko.

"Anak," tawag sa akin ni Mommy nang mag-commercial. "Pag-uwi raw ng Daddy, pag-uusapan na ang kasal niyo ni Mark."

Napatuwid ako ng upo sa narinig. "Po?"

"Sabi ng Daddy mo pag-uusapan na ang kasal niyo ni Mark pagdating niya," ulit niya. "Ano ba ang gusto niyong kasal?" tanong pa niya habang hinahaplos ang buhok at masuyong nakatingin sa akin.

"Ah... Mom, hindi pa po kami nakakapag-usap ni Mark tungkol d'yan," awkward kong sagot.

Totoo namang hindi pa namin iyon napag-uusapan at hindi talaga namin dapat pag-usapan dahil walang kasalang magaganap!

"Aba, dapat pag-usapan niyo na kung anong kasal ba ang gusto niyo, para mapaghandaan na."

Napakamot ako sa ulo. "Ehh... Mommy—"

"Basta, dapat pag-usapan niyo na 'yan. Bukas na bukas din, mag-usap kayo ng tungkol doon," putol ni Mommy sa sasabihin ko at tumayo na siya.

Hindi na ako nakaangal pa nang magpaalam na siyang aakyat na para matulog. Naiwan ako roon na namomoblema.

Ano ba naman ito? I thought it is oof since they know that I am not really pregnant like they assumed. Hindi pa pala.

This is so... ugh!

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

655K 14.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
11.5K 878 22
Sa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki up...
6M 75.4K 102
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- After more than 2 years, may kanya-kanya na silang career. And until now, hindi pa rin na...