Killing Him [COMPLETED]

By LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED More

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

THIRTY FIVE

24.5K 691 68
By LetMeBeThatGirl

THIRTY FIVE

Huminto ang sasakyan ni Kei sa kilalang grocery store sa Pilipinas. Tinignan ko ang malaking pangalan noon kanina sa labas bago muling nagpaka-busy sa aking cellphone. Eclaire asked me some questions, sinasagot ko naman iyon ng maayos ngunit hindi detalyado.

Ni hindi ko alam kung kanino o saan nya nalaman na roon ako ngayon tumitira kay Maxine. Maybe because of Kei. Ganoon talaga siguro kapag magkasintahan. Lahat ng bagay ay dapat alam ng isa. Marahil ay naikwento na nya rin ang pagbabayad nya sa pagkaing inorder ko roon sa Jollibee noong nakaraan.

Agad nagsuot ng cap si Eclaire at isang itim na face mask para matakpan ang kalahati ng kanyang mukha bago kami bumaba. Ako naman ay walang ganoon na dala. I'm here for cup noodles and bread. Bakit pa ako mag-gaganyan? And I don't think normal people knows who I am.

"Baka mamaya ay baka dumugin tayo ng mga tao 'pag nakilala ka." saad ko habang naglalakad papasok ng grocery.

"Hindi naman. We're always doing this. Marami ang security rito at alam na ng iba na rito talaga ang lagi kong pinupuntahan." nakita ko ang ngiti sa kanyang mata. Halos hindi mo na nga makilala ang mukha nito. Kahit ang cap na suot nya'y halos tumabon na sa kanyang mata.

Pagkapasok ay kumuha agad si Eclaire ng basket at si Kei ang bumuhat noon. Gusto ko nang magpakalayo layo at umalis nalang bigla dahil parang hindi ko ata alam kung matatagalan kong kasama ang dalawang ito o hindi.

"Doon muna tayo sa patatas." aya ni Eclaire at kumapit sa braso ko. I was just looking at the foods. Sa lahat ng nadaraanan namin ay sa gilid lang parati ang tingin ko. Hindi pwedeng umiba ang tingin ko kung hindi ay maiinis lang ako. "Gaano kaya karami?" tanong ni Eclaire.

"Hindi ko alam. I don't even know how to cook." amin ko rito. That's why I hate being alone. Hindi ko kaya ang sarili ko. Thank goodness my Dad is a good cook. Kung wala sya sa bahay ay baka hindi na ako nakaka-kain ng matino araw araw.

"Oh, you don't know how to cook?" parang hindi makapaniwalang tanong nito. Umiling lang ako. I already said I can't. Ayoko nang ulitin dahil nakakahiya. "That's okay. Pwede kang magpaturo kay Maxine since she's one of a good chef." dugtong pa nya. "Kei, look at this."

Ipinakita nya iyong patatas kay Kei. Tinanong kung gaano karami ang kukunin nila para sa lulutuin mamaya. Hindi na talaga ako dapat sumama pa rito.

Iba't ibang sangkap pa ang binili namin pagkatapos noon. Tahimik lang ako na hinihila hila nya. Kei's silent too. Kailan nga ba naging madaldal ang isang 'to?

"Potatoes, green and red bell pepper, tomato sauce, fish sauce and pork? Ano pa bang kulang?" she asked Kei again. Kating kati na ang paa kong umuwi.

"That's enough for four persons." wika ni Kei sa kanya bago ako nilingon sa gilid nang naka-nguso. Napadiretso ako ng tayo at tumingin tingin kunwari ng mga tinda sa gilid. "Ikaw, Chloris, anong gusto mong bilhin?"

Nang sumagot ako ay kay Eclaire ako tumingin. "Tinapay lang ang bibilhin ko at noodles."

"Oh, tara!" sinamahan nila akong bumili ng kailangan ko. They even bought extra goods too hanggang sa dumayo kami sa bilihan ng mga alak. "Inom tayo!" binitawan ni Eclaire ang kamay ko at binuhat ang isang alak na sa tingin ko'y hindi ko kakayanin kung ako ang iinom.

"Hindi ka pwedeng uminom, Eclaire. Ihahatid pa kita bukas sa inyo." saad sa kanya ni Kei at inagaw ang bote para maibalik iyon sa kinalalagyan noon. Napaiwas ako ng tingin doon at tumalikod nalang sa kanila.

"I can drink! What are you saying Kei? I have a high tolerance for alcohols! Kung sa tingin mo'y hindi ako makakauwi ng matino bukas ay r'yan ka nagkakamali!" nagsimulang muli ang alitan nilang dalawa kaya mabilis na akong naglakad paikot sa mga alak na naka-display roon.

I remember the last time I got drunk. Hindi na dapat iyon maulit. Just a no-no. Sasakit na naman ang ulo sa akin ni Maxine sa pag-aalaga and I don't want her to babysit me again.

"Tequila! Chloris! Do you drink tequila?" dumungaw mula sa isang shelf si Eclaire at ipinakita ang Tequila'ng hawak. Good wines lang ang iniinom ko. Iyong hindi gaanong nakakalasing. Kung sya ay high tolerance sa alcoholic drinks ay kabaligtaran naman ako.

"I told you, Eclaire. Huwag kang makulit." sumulpot sa kanyang likod si Kei at muli itong pinagsabihan. Hindi na ako nakasingit pa ng sagot dahil sa kanilang dalawa.

"Don't be too bossy, Kei! I know what I'm doing. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong sumama sa inuman namin. Right, Chloris?" ngumiti ng matamis sa akin si Eclaire na parang naghihintay ng sagot.

"Uhm, a-anything you want." I bite my lip. Ano nga ulit iyong sinabi ko?!

"So, what should we buy? Tequila or Vodka?" nagkibit ako ng balikat. "Or both?" mas lalo itong ngumisi at niyakap ang dalawang boteng hawak. Dinagdagan pa nya iyon ng tatlo pang bote habang si Kei naman ay naiiling lang sa kanyang gilid.

"Hindi ka na dapat pumayag sa kanya." mahinang bulong ni Kei sa akin habang naglalakad kami patungong counter.

At ako pa ngayon ang may kasalanan? Am I the one who gave her the idea to drink? Eh nasabit lang naman ako sa kanilang dalawa! "Why me? Alagaan mo nalang iyang nobya mo 'pag nalasing." umuna na ako sa paglalakad at sinabayan si Eclaire.

Pagkarating namin sa kanyang condo ay kanya kanya na kami ng bitbit ng mga pinamili. Mataas ng ilang palapag mula kay Maxine ang kinaroroonan ng unit ni Kei. This is the first time that I'll be stepping my feet inside his unit.

Parang may kung anong nagwala sa aking tyan habang tinatahak namin ang daan papunta roon. "Malapit na palang umuwi si Maxine. I'll just text her to go straight to Kei's unit." saad ni Eclaire matapos nitong tumingin sa kanyang relo.

Sa pangatlong pinto sa kanan huminto ang dalawa. Ako naman ay nakasunod lang sa kanilang likod at tinatandaan ang bawat detalye sa pagpunta rito. Inilabas ni Eclaire ang isang black card sa kanyang bulsa at pinadaan iyon sa gilid ng pinto ni Kei.

Saglit akong napatanga sa kanyang ginawa. You mean she also has a duplicate to Kei's room?

"Iyong slippers kong pink ang suotin mo, Chloris." wika nya habang nginunguso ang kulay pink na tsinelas sa gilid. Agad kong hinubad ang aking sapatos at sinuot ang sinasabi nya.

Tama nga ng sinabi si Maxine. Kei's room is bigger than her. Mas detalyado ang bawat sulok at mas malaki ang espasyo para sa mga tao. The furnitures were as expensive as it looks like. Tahimik at mukhang maaliwalas ang loob.

Imbis na dumiretso ako at sumunod sa kanila sa kusina ay roon ako sa bintana nagtungo. Hinawi ko ang puting kurtina at tinanaw ang kagandahan ng halos papalubog nang araw. I can see everything from up here.

Animo'y mga laruan lang ang mga sasakyan na umaandar sa ibaba dahil sa liit ng mga iyon. Even the people are too small to even recognize.

"Chloris, papunta na raw si Maxine." saad ni Eclaire. Doon ko lang nilubayan ng tingin ang bintana at muling ibinalik sa ayos ang kurtina. I walked to her. Nakaayos na ang mga rekado sa lamesa at isinusuot na rin nito ang itim na apron na nakuha sa gilid.

"You can stay in the living room, Chloris." aniya at binalingan si Kei. "You too, roon ka sa labas dahil makakagulo ka lang sa akin dito. Prepare the drinks!"

"Oo na. Halika muna rito." hinila nya si Eclaire at itinali ang apron nito sa likod. May kung anong sumaksak sa aking dibdib. Akala ko ay lumipad iyong kutsilyo at tumama sa akin sa sobrang sakit.

"Labas lang ako." paalam ko sa kanila. Lumabas ako ng kitchen bago pa man tumulo ang mga luha ko. Damn, para iyon lang ay iiyakan ko na? Ganito na ba talaga ako kababaw?! Naiinis ako sa sarili ko! I'm too weak for this!

Humalukipkip ako sa sofa at itinaas ang dalawa kong paa para mayakap ang mga tuhod ko. I feel so stupid hanging around with them. Mukha akong kaawa awa. At hindi ko man lang maialis ang sarili ko sa kinalagyan kong sitwasyon.

Tinignan ko ang orasan malapit sa aking gilid. Please, Max, drive faster! Kailangan na kita rito! Inipit ko na naman ang sarili ko sa lugar na dapat ay iniiwasan kong kalagyan.

Ilang minuto lang din ay lumabas na si Kei sa kusina kasama ang mga alak. Inilapag nya iyon sa lamesa at tumulong naman ako para mailabas iyon sa lalagyan. "Hindi ka umiinom, hindi ba?" tanong nya at naupo sa kabilang sulok ng sofa.

"Umiinom ako." sagot ko rito at niyakap ang isang unan nang matapos ako sa pag-aayos.

"Oh, umiinom ka pero hindi ka marunong mag-control ng iniinom mo?" nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. What does he mean by that?

Kumalabog ang puso ko, hindi ata ito dahil sa kinakabahan ako kundi dahil sa narinig kong itinuran nya sa akin. "I can control myself, Kei. Tignan mo lang mamaya at kaya kong ubusin ang isang bote r'yan nang mag-isa."

Humagikhik sya sa aking sinabi. Parang may kung anong nakakatawa itong nahuli sa mga salitang binitawan ko. "Kaya mo?" parang naghahamong turan nito.

"I can. Wanna bet?" mataas ang noo'ng balik ko.

"Sure. Anong itataya mo?" tumaas din ang sulok ng kanyang labi. Parang nagugustuhan ang pag-uusap naming ito samantalang ako ay tila natigilan sa kanyang itinanong.

Why did I even agreed to this?! Hindi nga pala ako marunong uminom! Ano ba, Chloris?! Ang yabang yabang ko pa kahit ang totoo'y baka hindi mangalahati sa iyo ang isang bote na ito at baka dumiretso ka ng tulog sa kanyang wash room.

"A-anything! Kung anong gusto mo ay ibibigay ko." matigas kong saad. I can't take my words back. Ito ang mga salitang nag-unahan sa aking bibig kaya't pangangatawanan ko na ito. Ni hindi ko nga alam kung dumaan ba ang mga salitang iyon sa utak ko o ano.

The first thing I noticed when I said those words was Kei's smirk. Mapaglaro ang mga ngiti sa kanyang labi na halatang tuwang tuwa sya sa akin. I can't even tell if this is the first time that I saw him smirk like this pero ito ata ang kauna unahang pagkakataon na tumayo ang balahibo ko dahil sa kanyang ngisi.

"Even if I ask you to be mine ay papayag ka?" nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Why would he even ask that? Syempre ay imposible naman iyong gusto nya. Hibang ba sya?!

"Hindi naman ata tama iyon!" angil ko. Halos magsalubong na ang dalawa kong kilay ng ngumuso ito sa akin at humilig ng sandal sa upuan.

"Sabi mo, anything. Maduga ka pala, eh."

"Oo nga. I said anything pero grabe naman iyang hinihiling mo. Magsabi ka ng ibang bagay na madaling ibigay hindi iyang ganyan." pagra-rason ko at nakita ko itong sumimangot.

"Then a kiss." lalo kong nakagat ang aking labi sa kanyang tinuran. Nang nilingon nya ako ay nahuli nyang kinakagat ko ang ibabang labi ko at doon napako ang mga mata nya. "Yeah, a kiss." ulit nyang muli.

"Hindi!" umiwas ako at mas lalong idiniin ang sarili ko sa sulok. Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha sa tingin nyang iyon.

"At bakit na naman?" angal nya. Hindi ako makasagot. Basta ayaw ko!

"Iba pa." sabi kong muli at pinisil ng mabuti ang unan na hawak ko. I need to calm myself down para ako na mismo ang makapag-isip ng ibibigay ko sa kanya but my mind's in absence. Sandali ata iyong nag-shut down ng hindi nagpapasabi sa akin!

"Ang lakas ng loob mong magsabi ng anything gayong hindi mo pala ako mapagbibigyan ng isang halik. Are you getting ready to lose kaya't panay ang tanggi mo sa sinasabi ko?"

Agad lumipad ang tingin ko sa kanya. Kahit nanlalamot ang mga panga ko'y nagawa ko pa ring makapagsalita sa kanya gamit ang matitigas na salita. "I can win! Sure, just a kiss! Marami na naman akong nahalikan dati. Sanay ako sa ganyan." I lied. I can't even get a boyfriend.

Napatiim ang kanyang bagang sa aking sinabi at matalas na pinukulan ako ng malalamin na tingin. Akala mo, ha! Pangisi ngisi ka pa r'yan kanina!

"If you're that confident then I can also bet anything you want from me." pagkatapos nyang sabihin iyon ay saktong dumating si Maxine sa unit ni Kei. Doon naputol ang usapan namin at simula rin noon ay hindi na ako nakatayo pa sa aking kinauupuan dahil sa kaba.

Parang yelo na unti onting natutunaw ang aking mga tuhod nang ihanda ni Eclaire and niluto nyang pagkain sa aming harap. Lahat sila ay nakangiti samantalang ako daig pa ang kinukumbulsyon sa itsura ko ngayon.

Nagkatinginan kami ni Kei. Muli itong ngumisi kaya napataas ang kilay ko. Damn you! Mananalo ako kapag binasag kong lahat ng alak sa lamesang ito para wala nang makainom! But of course I wouldn't do that. Matino pa naman ang isip ko at hindi pa ako ganoon ka-desperada para sa aktong iyon.

"Noong sinabi nyong mag-iinuman ay dumaan muna ako sa isang convenience store para dagdagan ang inumin." inilabas ni Maxine ang alak sa kanyang bag. Nakikita ko palang iyon ay para na akong lalagnatin.

"Masarap nga iyan kaso masyadong nakakalasing! Paghatian nalang natin." wika ni Eclaire sa kanya at kinuha ang bote para pagmasdan iyon.

"Don't drink too much, Eclaire." saway ni Kei sa kanya. Ngumuso ako. Nakita ata iyon ni Maxine kaya't mabilis itong humagikhik at hinagod ang likod ko.

"Don't drink too much, Chlo." panunuya nya habang pilit na ginagaya ang malalim na boses ni Kei. Lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Tigilan mo nga ako, Maxine." mahina kong sambit bago sya tumatawang humarap kay Kei.

"Kei, huwag kang magpapakalasing, ha? Baka may ma-rape ka rito!" aniya at pareho silang natawa ni Eclaire sa tabi. Umiling nalang ako. We're not even starting pero itong si Maxine ay daig pa ang nakainom at nakahithit ng rugby nang sabay.

"I won't, Max. Hindi ako malalasing." muli akong pinukulan ng tingin ni Kei. Huh?! You thought I would lose to you?! Pangarapin mo, Kei! Hindi rin ako malalasing! At kahit malasing ako, aakto pa rin ako na matino! Kung pano ko iyon gagawin ay humanda ka nalang.

"Buksan nyo na itong dalawang Tequila!" saad ni Eclaire. Si Kei ang nagbukas ng dalawang iyon at nang maibigay kay Eclaire ay agad nya iyong inabot sa akin. "You get first, Chloris."

Napatingin ako sa kanilang lahat gamit ang inosente kong mata ngunit ng dumako iyon kay Kei ay agad nagliyab ang mga iyon at parahas na kinuha kay Eclaire ang inunim. I will show you that I can also drink!

Pagkasalin ko sa baso ay ibinalik ko agad ang bote kay Eclaire. Sya naman ngayon ang kumuha ng kaunti roon at sumandok sa iniluto nyang ulam. Umikot ang bote. I don't even know how to drink this ngunit inisang lagok ko lang iyon.

"Psh, lasang tubig lang naman pala ito, eh." sabi ko pa ng maubos ko ang laman ng maliit na baso.

"Malakas ang tama nyan." natatawang turan sa akin ni Maxine. Well. I don't think so. Let me try again.

"Can you pass the bottle?" utos ko sa kanya. Ibinigay naman ni Maxine ang hinihingi ko at muling nakipag-tawanan kay Eclaire. Ilang oras pa ang lumimpas ng may kung ano nas silang pinag-uusapan tungkol sa isang katrabaho ni Eclaire. Isang artistang lalake ata iyon ngunit hindi ko naman kilala.

"Maxine, let's exchange seats." naibaba ko ang aking baso nang tumayo si Maxine sa aking tabi. Wait! Why? Why do they need to transfer seats?

Teka, pang-ilang baso ko na nga ulit iyon? I lost count! Dapat ay binilang ko para maipamukha kay Kei na magaling talaga ako uminom.

Pinagmasdan ko ang pag-upo nya sa aking tabi. Kumuha sya ng platito at inilagay ang afritada roon at inabot sa akin. "Ano iyan?" tumaas ang tono ng aking boses. Tumikhim akong saglit bago ko iyon kinuha.

"Pagkain, Chloris. Are you that drunk to not even recognize a food?" inis nitong saad bago bumaling kay Maxine dahil inabot nito ang alak na dala nya kanina. "Maxine, you're all getting drunk. Huwag mo nang buksan ito." saway nya rito.

"No! Para happy happy! Maglalango tayo ngayon sa alak!" medyo malakas na rin ang boses ni Maxine. Hindi na gaanong diretso ang mga salita sa kanyang bibig.

"Woo! KJ talaga itong si Kei. Umuwi ka na nga sa inyo!" sigaw ni Eclaire sa kanya at muli na naman silang nagtawanan. Nakisali na rin ako sa tawa at sinapak ang braso ni Kei.

Napatingin sya sa akin na halos magkadikit na ang mga kilay. Lalo akong tumawa. Why do you still look damn good even when you're fuming mad? "Umuwi ka na raw sa inyo hehehe." inulit ko yung sinabi ni Eclaire at natawa sa aking sarili.

"Isa ka pa." aniya at sinalo ang muntik ko nang mabitawan na platito. Mabuti at wala iyon gaanong laman at mabilis ko lang naubos. Eclaire can cook! Pwede na talagang mag-asawa.

"Isa ka pa. Isa ka pa." paulit ulit kong gaya habang naglalagay muli ng alak sa aking baso.

"Chloris, stop already." pigil nya sa akin.

"Pulis patola ka talaga." ngumisi ako at hindi na-shoot ang nguso ng bote sa bunganga ng aking baso. Tumapon ang ilang laman noon sa kamay ni Kei. "Yan! You wasted my drink!" sisi ko sa kanya ngunit imbis na indahin ang tapon sa kanyang kamay ay hinawakan nya ako ng mahigpit para maiupo ng maayos.

"Hindi na kita sisingilin ng halik, just do me a favor and stop drinking already." matigas nyang utos sa akin. Saglit akong natigilan at niyakap nalang ang unan sa aking gilid.

"Oy, ano iyan?!" nilingon kami ni Maxine at Eclaire. Tumayo si Eclaire sa aming harap at hinigit ang kamay ko patayo. "Hindi naman kayo pero sino-solo mo sya!" dinuro duro nya si Kei. Tumango naman ako sa narinig.

Yes! That's true! Hindi naman kami! Hindi nga naman kami!

"Inaalagaan ko sya, Eclaire. Matulog ka na rin. Lasing ka na." huhulihin nya sana ang kamay ni Eclaire nang palisin nito ang kamay nya.

"Bad boyfriend! Cheater! Bad, Kei! Sinungaling! Sinungaling ka! Isusumbong kita!" panay ang duro nya kay Kei. Napatayo na si Kei para pigilan si Eclaire. Si Maxine naman ay nakita kong nakahiga na sa sofa at kumukumpas na sa hangin.

"Psh." umirap ako at naupo sa sahig. Muli kong kinuha ang alak at diniretso ang inom noon mula sa bote. My head's already spinning and the alcohol stings in my throat. Pero mas masakit ata ang puso ko kaysa sa ulo't lalamunan ko ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
4.1K 116 30
Top #3 !!!! Thank you readers!!! As I say: EVERY MONDAY ang FIXED UPDATE. pag maganda ang mood at sinapian ako minsan ANY TIME ANYWHERE may update as...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...