Her First and Last(AlyDen)

By akosirnd213

276K 4.6K 463

"What we have,Is something we hide" More

1.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.Touch
10.
11.
12.Date
13.
14.
15.
16.
17.Officially
18.
19.Baldo is in Trouble
20.We're Almost...
21.
22.
23.First
24.
25
26
27.
NOT AN UPDATE(Echos)
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
40.
THIS IS NOT AN UPDATE
41.

2.

8.5K 147 9
By akosirnd213


Dennise's

Si Alyssa ay bestfriend ko mula childhood.Sya ang taong lahat ng sekreto ko ay alam nya,Sya ang taong naging karamay ko sa lahat ng bagay.Ngayon..Si Alyssa din ang parehong taong nakatayo sa harap ko at sinabi ang salitang "I am Gay".Hindi naman sakin Issue kung gay o straight ang isang tao.Nagulat lang ako,Hindi ko naman kasi nahalata nung una na lumiliko na pala ng landas ang Bestfriend ko.Nakatitig lang ako kay Alyssa habang ito naman,Nakatingin sa mga daliri nito na parang kinakabahan.Ilang minuto munang hindi ako nakapag-salita kasi iniisa-isa ko pa ang bawat word na sinabi nito.So gay si Alyssa..Ano naman ngayon?Ano naman ngayon?!.

Puro hampas ng hangin sa dahon ang maririnig mo sa ilang minutong pananahimik namin.Open-minded naman akong tao.Pero ano nga ba ang dapat kong maging reaksyon?Pero alam kong tanggap ko kung ano man sya.Bestfriend nya ako,At ako dapat ang unang umintindi sa kanya.

"Tanggap kita"Sabi ko at tinignan ako nito agad.Kita kong para itong maiiyak na.Kaya hinawakan ko ang kamay nito.Humawak din ito sa kamay ko.Siguro,natakot sya na baka maging iba ang reaksyon ko.

"Really?"Parang nakahinga ng maluwag si Alyssa .

Pero kahit ganun..Nag-iisip pa din ako.Pero yung..kanina.

"Bakit mo'ko hinalikan?"Halos mamula ang boung mukha ko ng makitang namula din si Alyssa.Kita kong umiwas ito ng tingin.

"Alyssa.."Sabi ko at tinignan ito ng masama.

"I'm Sorry,Pero Sa side lang naman ng lips mo yun at hindi naman talaga sa mismong labi mo kita hinalikan"Sagot naman nito.Nag-rason pa talaga sya.

Pinaningkitan ko ito ng mga mata.Naguguluhan na tinignan ko ito saka nagsalita.

"Hindi mo dapat ako hinalikan,First kiss ko yun Alyssa,Kahit pa sa side ng lips ko yun!"

"Dahil yun naman talaga ang gusto ko!I want to be your first and to be your last!"Nakakunot-noong sabi nito saka magulong hinawakan ang necktie nito.

Natulala ako.Did she..just Confess something..?. para akong naghahanap ng puzzle para mabou ang nasa isip ko.

"You're Gay?"Parang tangang ulit ko.

"Yes"Walang alinlangan na sagot nito.

"What the hell!Ang pangit ng pag-amin ko!"Rinig kong bubulong-bulong nito.

"Alyssa..Did you like me?I mean,Not As being your Bestfriend..But more than that..Did you like me Ly?"Halos ayaw yun lumabas sa labi ko dahil parang sa loob ng maraming taon,Ibang Alyssa ang nasa harap ko.Parang hindi sya yung bestfriend ko at naging ibang tao.Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang sunod na sasabihin ni Alyssa.

"No.."Sagot nito.

Naramdaman ko ang relief at nakaramdam din ako ng ibang feeling sa puso ko.Hindi dapat.Bestfriend ko si Alyssa at higit sa lahat babae si Alyssa.Lumaki ako sa isang Pamilya na iba ang paniniwala sa third sex.

"I Love You Dennise..Hindi bilang kaibigan..I love you more than that."Mahinang sabi nito Pero malinaw na narinig ko.

Sobrang linaw na parang mabibingi ako.

Hindi ako nakapagsalita.Nakatitig ako sa kanya.Lumakas ang tibok ng puso ko.Ang taong halos boung buhay ko kasama ko ay nagsabing Mahal ka nya..At isa pa,Babae si Alyssa.Babae ang nagtapat sakin.Ang babaeng halos kasama ko mula pagkabata hanggang ngayon.

Wala akong pakialam kung gay si Alyssa,Ang iniisip ko lang,Ilang taon kaming nagkasama tapos ganito pala?Na yung taong nakakasama ko ay mahal ka pala?

"Pero bestfriend kita.."Nasabi ko lang.

Mas Complicated pala pag nagtapat sayo ang Bestfriend mo lalo't hindi ka naging handa kesa sa pagmemorize ng Atomic symbol sa periodic table of elements.

Pero parang mas gusto ko na lang mag-memorize ng Atomic Symbol kesa sa tanggapin ang pag-amin ni Alyssa sakin ngayon.

"So?Wala na akong right na mahalin ka dahil bestfriend kita?"Tumaas ang kilay nito.Bakit hindi ko man lang nahalata noon na nag-iba ang gender ng kaibigan nya?

"Hindi mo kasi maintindihan!Kaibigan kita Alyssa,Halos boung buhay ko,ikaw ang kasama ko.Hindi mo ako pwedeng mahalin dahil babae ka at mali yan nararamdaman mo para sakin!."Sigaw ko dito.Halos papalubog na ang araw at malapit ng mag-dilim pero hindi naitago ang dumaan emosyon sa mga mata nito.

Parang gusto kong pagsisihan ang sinabi ko sa kanya.

"Pinigilan ko Dennise dahil bestfriend kita.Pinigilan ko dahil ayokong masira ang friendship na meron tayo.I mean,naisip ko na din na ganito ang magiging reaksyon mo.Masakit yun sa tuwing naiisip ko.Pero mas masakit pala pag totoong nangyari na"Naramdaman ko sa boses ni Alyssa na nasaktan din ito sa sinabi ko.

Bumuntong-Hininga ako saka napahawak sa noo ko.

"Tanggap ko ang Preference mo Ly.Wag lang ako ang mahalin mo.Hindi pwede,at higit sa lahat Ayoko"Tumalikod ako dito saka naglakad.May kung anong sakit ang gumuhit sa dibdib ko.

Nakita ko ang bike ni Alyssa pero nilagpasan ko yun.Who have thought that for almost 10 years of being together biglang naging ibang level?Yung pagkakaibigan namin,Parang biglang nag-iba? o para sakin lang yun?

Narinig ko ang pag-sunod ni Alyssa sakin saka ito humarang sa harap ko.Hindi ako maka-tingin dito.

"Sakay na Den.Ihahatid kita"Mahinang sabi  nito sakin.

"Ly..."Tawag ko dito

Nakita ko ang pag-iba ng emosyon nito sa mga mata.

Umiling lang ako at naglakad ulit.

Nakarating ako ng bahay dahil hindi naman kalayuan ang lake sa bahay namin.Alam kong nakasunod lang si Alyssa.Pumasok ako ng bahay at hindi na lumingin pa.Nadaan ko pa si Mosh sa sala na naglalaro ng Chess kasama si Papa.Nagmano lang ako pati kay Mama saka walang kibong umakyat ng room ko.Sabi ko sainyo,Tahimik akong tao kaya sanay na sila kung para akong pusa na tahimik na susulpot lang.

Inayos ko ang sarili ko bago ako naupo sa kama at nag-isip.

Mahal ako ni Alyssa.Hindi bilang bestfriend nya.Parang biglang sumakit ang ulo ko dito kesa sa paghahanap ng formula sa geometry.

Hindi na ako nagdinner.Nag-stay ako sa kwarto habang nakatitig sa libro ko.Kanina pa nag ba-Vibrate ang phone ko.

May linapag sa study table ang Mama ko.Gatas at Chocolate Cake.

"Sobrang sipag naman ata ng baby ko?"Biro nito kaya ngumiti lang ako.Hindi alam ni Mama na bothered ako.

kung alam mo lang ma,Yung bestfriend ko,nagtapat ng feelings sakin.

"Hindi ka nag-dinner,kumain ka muna"Sabi nito kaya tumango ako at sumubo.

"Nagtext si Alyssa sakin.Sabi ko nga sa kanya,Hindi ka pa kumakain.Kaya dinala nya yan Cake dito.Sige na anak,Matulog ka na pagkatapos nyan ha?"Hinalikan ako nito sa buhok habang ako,Masasamid sa cake na kinain ko.

Hindi na ang bestfriend ko ang nakikita ko,Kundi Si Alyssa na.Ibang Alyssa.

------

Dali-Dali talaga akong pumasok.Gamit ni Mama at Papa Yung kotse nila at maaga talaga silang pumapasok kaya nag-tricy ako.Iniiwasan kong makasabay si Alyssa.Alam kong malabo dahil magkaklase kami.Hindi pa ako handa ang makita sya after ng Confession nya sa lake.

Hinihingal pa ako ng makarating sa 4th floor.Binati pa ako ng ilan pero hindi ko na napansin.

"Hoy!"

"Ay kabayo!"Sabi ko at nilingon si Ella na kumakain.Binaba ko ang bag ko sa upuan ko.

"Asa'n si Pogi?"
Tanong nito.

"Pogi?Wala naman Boys satin"Sabi ko saka inayos ang buhok ko dahil pwede na akong mag commercial sa Rejoice. "Mahangin ba sa labas?"

"I mean si Alyssa!"Sabi nito kaya tumaas ang kilay ko.

"Pogi si Alyssa?"Tanong ko dito kaya tumango ito.

"So alam mo?"Tanong ko.

"Na gay si Alyssa?Matagal na.Ang manhid mo,hindi mo man lang napansin eh halos kayong dalawa ang hindi mapag-hiwalay"Sabi nito saka ako tinitigan.

Ang manhid ko pala.Ako man lang ang hindi nakapansin na Gay ang bestfriend ko.Paano ba naman?Babaeng-babae at mas maarte pa sakin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na hindi pumasok si Alyssa pero hindi maipagkakailang nag-aalala ako.First time kasi 'tong absent ni Alyssa maliban syempre sa mga practice ng Volleyball team.

Si Jhoana at Bea,Nasa gilid at naghaharutan.Hinihila ni Bea ang buhok ni Jhoana kaya napipikon din ang isa saka sila maghahampasan.Ang cute nilang tgnan.

Naging boring ang mga oras.Nag-aalala pa din ako kay Alyssa kaya hindi ako nakapag concentrate sa mga lessons.

"Lazaro!"Sigaw ni Sir kaya napatingin ako dito.

"Please listen to my Class and stop looking at the window.Wala kang shooting sa music Video.Nagsesenti ka dyan"Sabi ni Sir kaya natawa ang iba.

Hindi ako ako nakaramdam ng pagkapahiya.Blanko lang akong tumingin ulit kay Sir.Nagpatuloy naman ito sa pagkekwento ng Lovestory nina Hellen at Paris na ewan kung anong ending.Wala akong pakialam dahil aanhin ko si Hellen?

Pagsapit ng lunch ay matamlay akong pumunta sa usual spot namin ni Alyssa.

"Para ka naman namatayan Dennise.Asa'n ba kasi si Alyssa?"tanong ni Gretchen na kasama kong kumain.Si Fille at Ella ay panay spot sa paligid ng kung ano-ano.

"I don't know.Hindi ko pa sya nakakausap"Sabi ko lang saka walang ganang kumain na lang.

"Bestfriend mo tapos Hindi mo alam"Sabi naman ni Ella kaya lumunok ako.

Parang nabibingi ako sa salitang Bestfriend.

"Anong gagawin nyo kung nagtapat ang Bestfriend mo sayo?"Bigla kong tanong kaya nabitin ang pagsubo ni Gretchen,Nanlaki ang mga mata ni Fille at napanganga si Ella.

"Nagtapat na sya?OMG.Hindi na sya torpe!"Pumalakpak si Gretchen.

Naguguluhan naman akong tumingin dito.

"Hindi ko sinabing si Aly---"

"Sus Den,Wag mo ng ikaila.Alam kong si Alyssa dahil wala ka naman ibang bestfriend."Kontra ni Fille.

Natahimik ako at ibinaba ang kutsara.

"So Umamin na si Alyssa?"Tanong ni Gretchen.Tumingin muna ako sa tatlo na pare-parehong nakatingin sakin saka ako dahan-dahan tumango.

"Kyaaaah!"Agad na tinakpan ni Fille ang bibig ni Ella kasi tumili bigla.

Napatangin ang ilang studyante na kumakain ng lunch.

"So..Anong nararamdaman mo?"Tanong ni Fille kaya huminga ako ng malalim.

"Naguguluhan ako"Sabi ko.

Totoo naman.Gusto kong ibalik sa dati ang friendship namin pero alam kong mahirap dahil nakakaramdam ako ng pagka-ilang.

"Bakit naman?Sa tagal ba ng friendship nyo,Sa gwapo ni Alyssa,Sa sobrang caring ni Alyssa hindi ka nahulog sa kanya?"Tanong ni Gretchen kaya tinitigan ko ito.

"Babae sya"Sagot ko saka kinuha ang kutsara at kumain.

Nagka-Tinginan ang tatlo.

"Oo o Hindi lang ang sagot Den,at ano naman kung babae sya?Hindi ba sya pwedeng mahalin dahil babae sya?"Tanong ni Ella.

"Hindi sa ganun.I mean,Ang wierd naman kasi boung buhay ko,Si Alyssa kaya ang kasama ko.Nagse-Share kami ng Tungkol sa mga crush namin,Kilalang-kilala nya ako at ganun din ako sa kanya.Hindi ba nakakailang?"Explain ko naman kaya tinignan ako nung tatlo.

"Mas maganda nga na yung Makaka relasyon mo ay Bestfriend mo,Marami na kayong bagay na napagkakasunduan ni Alyssa,Kilala ka nya,Kilala mo sya.Hindi na kayo mahihirapan sakali kung maging kayo.Hindi na kasi kailangan ng Adjustment,Mag-iibang level lang kayo"Explain ni Gretchen.

"Pero babae sya,At bestfriend ko sya!"Frustrated na sabi ko at iniurong ang kinakain ko.Nawalan na ako ng gana.

"Wala naman problema kung babae sya.Wala naman sa Gender ang love"Sagot naman ni Fille.

Napahawak ako sa noo.

"Dyan na nga kayo.Restroom lang ako"Tumayo ako at naglakad papunta sa restroom.

May mga nadaanan pa akong bumati sakin.Since Section A ako,Kilala ako sa School.Kami kasi palagi ang nakakasama sa mga compitition sa iba't-ibang school.

Nadaanan ko pa ang Bulletin board na may Poster ni Alyssa at ang mga ka TeamMate nito sa Volleyball.

"Ganda nya talaga,Crush ko talaga 'to si Valdez.Talented,Matalino,Mabait at Mayaman.GoodCatch"Rinig kong bulong nung isa.tinignan ko ang Necktie nito.Blue. Seniors.

"Oo nga eh.Into-Girls daw yan rinig ko"Sabi naman nung isa.

Ang sarap nilang ingudngud sa bulletin board.

Umalis na ako at dumeretso sa Restroom saka pumunta sa pinakadulo ng Cubicle.

Rinig ko ang maingay na mga Studyanteng pumasok.Para sa Junior at Senior ang Restroom na ito dahil iba din ang restroom ng Freshmen at Sophomore.

"Kita nyo si Valdez sa Gym Ngayon?Gosh,Ang hot nya talaga pag naka-Jersey"rinig kong sabi nung isa.

So pumasok na din pala sya?

"Yup,Girl-Crush ko sya"Sagot naman nung isa.

Seriously,Ganito pala katunog ang pangalan ng Bestfriend ko sa Campus?Ngayon ko lang ata napansin yun.Mas madalas kasing si Alyssa ang kausap ko.Hindi din ako Socialize na tao kaya hindi ko alam kung bakit nila ako Binoto bilang bagong leader nila.Kung tutuusin mas kilala pa si Alyssa.

Nawala na ang mga boses kaya lumabas na ako.

Inayos ko ang salamin ko pati buhok ko.Sasali na talaga ako sa Commercial ng Rejoice.

Pumunta ako ng Gym dahil na rin sa Gusto kong makita si Alyssa.Hindi ko naman sya maiiwasan ng basta-basta.

Naglalakad na ako papunta dun ay may narinig akong Bulung-bulungan.

"Paano kaya yan naging bestfriend ni Aly ?"

"Ang nerd na Bestfriend ni Alyssa"Sabi nung isa bago tuluyan tumalikod at tinignan pa nila ako.

Hindi ko na lang pinansin at dumeretso sa Gym.

"Pres!"Sabi ng isang ka TeamMate ni Alyssa na si Marge.

"Hi,Si Aly?"

"Sa loob Dennise.Una na ako,May klase pa kasi ako"Saad nito saka nagmamadaling ngumiti.

Tumango ako at nag-Thank you saka pumasok na sa Gym.

Pag-pasok ko pa lang ay nakita ko na sina Jho at Maddie na nagpapractice at nakaupo sa bench si Bea at Alyssa.Hindi nya alam pero biglang nag-init ang ulo nya ng makitang may katabi si Alyssa.Si Laura.Section B.Sya ang Miss SAU namin Simula nung freshmen.Hindi naagaw sa kanya ang Title na yun.Well,Maganda talaga sya since Foreigner ang father nito.

Buti na lang kung magkatabi lang,kaso nakaakbay si Alyssa dito.

Maglalakad sana ako papalapit ng marinig na sumigaw si Jho.

"Ate Den!Ilag!"

Pero huli na.Natamaan ako ng bola na ini-spike ni Jho.Bumagsak ako sa sahig habang hawak ang salamin ko dahil nag crack yun.Oh My Gosh,Ganito pala ang Star pag umaga mo sya makikita -_-.At sobrang lakas ng bola.Si Jho ba nag-spike nun?Lakas ah.

"Den!"Rinig kong sigaw ni Alyssa.Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito.Ganito din kasi ang boses nya nung na Dengue ako at sya ang nagbabantay sakin nun.

"Ate Den,Sorry"Sabi ni Jho.

Inalalayan ako ni Alyssa na tumayo.

"I'm okay.Yung glasses ko"Malabo ang mga mata ko kaya hindi pwedeng walang salamin.

"You can use Mine"Rinig kong sabi ni Alyssa dahil nakapikit pa ako.

Minulat ko na ang mga mata ko.Wew.

Pinaupo ako sa bench ni Aly.

"Bei,Pakuha naman ng Glasses ko sa Locker"Rinig kong utos ni Alyssa kay Bea.

"Sure Ate.Wait lang"Sagot nito.

"Okay ka lang Ate Den?"Tanong ni Maddie.Tumatakbo na si Jho na may hawak ng coldcompress.Medyo malabo ang paningin ko.

"Sorry talaga Ate"Sabi ni Jho kaya nginitian ko ito.

"Ayos ka lang?May masakit pa ba sayo'ng iba?"Tanong ni Alyssa.Pinatingala ako nito at nilagyan ng coldcompress ang kaliwa kong mata.

"Wala na"Sagot ko lang.

"Sige na.Balik na ulit kayo sa training"Utos ni Alyssa.

Agad naman nagbalikan sina Jho at Maddie sa paglalaro.

"Ate oh"Binigay ni Bea kay Alyssa ang Glasses bago ito tumakbo papunta kila Jho.

"Okay!Okay!Valdez!back to training,Malapit na ang Laban nyo sa SLA kaya dapat puspusan ang training"Rinig kong tawag ng coach nila.

Isinuot muna ni Alyssa ang glasses sakin bago binigay ang cold compress.

"Dito ka muna.Hintayin mo ako"Sabi nito kaso may klase pa ako.Buti sina Alyssa dahil pag may mga games ang SVT,Automatic silang excuse.Pero minsan lang yun,Pag may malapit lang na gaganapin laro,Dahil ang patakaran ng school,Marunong dapat mag-balance ang Isang Student- Athlete.

Don't worry,Nag-pasabi na ako kay Gretch sa Subject teachers natin na hindi ka papasok dahil dyan sa pasa mo"Dugtong nito.

So Nagka-pasa na nga.

Tumakbo na ito para mag-training.

Ilang beses ko ng napanood si Ly mag-volleyball,Pero habang tumatagal ata sya sa larong ito ay mas lalo syang gumagaling.Pinagmamasdan ko lang sya,bawat Serve at spike nya sa bola ay napapanganga ako.Dumating na din sina Ella,Gretch at Fille na naka pang-training na.Kumaway ang mga ito sakin saka nag-sign si Gretchen kung okay lang ba ako kaya tumango ako.

Nag-spike ulit si Alyssa.Sobrang lakas.

"Magaling talaga ang bestfriend mo"Saka ko napansin si Laura sa tabi ko.Hindi ko pala to napansin.

"Yeah.Magaling talaga sya"Sagot ko saka tumingin ulit sa nagtatawanan na si Jho at Bea.Nadulas ata Si Gizelle.Ito ang libero.

"Swerte mo.Alam mo bang ginagawa ni Alyssa lahat para sayo?"Kumunot lang ang noo ko.Alam ko naman yun pero bakit parang may ibang ibig sabihin yun?

"Alam ko"Hindi ko mapigilan ang magtaray.Lumalabas talaga ang pagiging mataray ko pag alam kong hindi ko gusto ang isang tao.

"Anyway,Nililigawan nya ako.Okay lang naman sayo di ba?"Tinignan ko ito na nanlaki ang mga mata.Natulala ako saka tumingin ulit sa naglalarong si Alyssa.

"Okay lang"Sagot ko saka tinignan ng masama ang likod ni Valdez.Matamaan ka sana ng Bola!

Naglakad na ako palabas ng Gym.
Naiinis na pumunta ako ng Canteen.

"Dun na sya sa Laura nya!May pa mahal-mahal pang nalalaman tapos may nililigawan na pala"Sabi ko at padabog na naghanap ng mauupuan sa pinakasulok.

Bakit ka nga ba naiinis Dennise?

Kasi hindi sya nag-sabi sakin!Ako ang bestfriend nya!

Selos ka lang.

Leche,pati Sarili ko kausap ko na.

Nag-order na ako ng coke at sandwich bago bumalik ulit sa sulok.Dahil ClassHour,walang studyante sa masyado maliban dun sa mga Vacant at yung mga nagPE class na kumakain.

Kumain ako ng tahimik.Nagsesentyemento pa din ako.

"I told you to wait for me right?"Pawis na pawis si Alyssa habang naka-sout ng White T-shirt.

Tinignan ko ang sout nitong short.Buti na lang naka-Jersey itong sa PE namin.One time kasi,pinagtitinginan ito nung naka spandex lang na kumain kami sa canteen.

"Sorry.Nagugutom ka ba?Ako na ang o-order para sayo"Minsan ko lang gawin yun kay Alyssa.Madalas kasi,Ito palagi ang nag-aasikaso sakin.Tama si Grethchen,Napaka Caring nito.

Kaya napangiti ito bigla at napatitig sakin.

"Okay.Sandwich at Coke na lang din"Ngiting-ngiti si Alyssa kaya tinignan ko lang ito at pumunta ng Counter.

Bumalik ako na Water at sandwich ang dala dahil galing lang sa training si Alyssa at hindi okay ang Soda.

Nilapag ko un sa harap nya.

"Mag-water ka muna,Bibigyan na lang kita ng drinks ko kung gusto mo"Sabi ko lang at ngumiti si Alyssa.Lumabas ang mga dimples nito.Uminom na ito sa water.

Saka ko naalala si Laura.

"Nililigawan mo daw si Laura?"

Agad na naibuga ni Alyssa ang Tubig saka tumingin sakin na naka-kunot noo.

"Who told you that?"Tanong nito saka tumawa.

Tinignan ko ito ng masama.

"Umayos ka Valdez"Sabi ko at agad na tumigil ito.

"Hindi ko nililigawan si Laura.Kung nay liligawan man ako,ikaw yun"Sabay iwas ng tingin.

Na facepalm ako.Babanat tapos mahihiya.

"Ly..Yung friendship natin.Ayokong masira yun.Pwede bang kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo para sakin?"Desidido akong ipagawa yun kay Alyssa.Alam ko kasing may magbabago na sa amin ni Aly at ayokong mangyari yun.

Tinignan naman ako nito saka bumuntong-Hininga.

"Why don't you give me a chance na kaya kong mas higit pang maging bestfriend sayo Dennise?"Tanong nito na ikinatahimik ko.

She called me Dennise.Seryoso na sya.

"Dahil kaibigan kita Ly.Mahal kita bilang kaibigan----"

"Hayaan mong ligawan kita.Saka mo sabihin na hindi mo ako magugustuhan bilang Girlfriend mo"

Napanganga na naman ako.Napatitig lang ako dito.Saka ko pinakiramdaman ang Sarili.

May isang emosyon sa puso ko ang unti-unting nabubuhay.

Hinawakan ni Alyssa ang kamay ko saka yun hinalikan.

"Dennise Michelle Garcia Lazaro,Let me court you.Let me prove to you na hindi masasayang ang pagiging magbestfriend natin dahil sa minahal kita.Please?"

Tinignan ko ang kamay ko.

Nakatingin na ang ibang Studyante samin.

Naguguluhan ako.Sobra akong naguguluhan.May isang part sakin ang gustong magsabing Oo.May isang part din ang sinasabing hindi kami pwede dahil pareho kaming babae.

"Hayaan mong ligawan kita Den.Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo Please.Hayaan mo akong lumagpas sa limit natin na dapat magkaibigan lang tayo"Sabi nito.

"Ly.."

Alam kong Mali pero..

"Alyssa...Mali.Kaibigan kita.The only thing that I can offer is Friendship"

Nakita ko ang pag-guhit ng lungkot sa mga mata ni Alyssa.

-------

Masyadong mabilis pero sige.Ayoko ng madaming Ekek.haha.

Enjoy.

-akosirnd

Continue Reading

You'll Also Like

94.8K 2.4K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
264K 40.1K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
606K 1K 22
Smexy One shots😘 Got deleted twice 3rd times a charm🤦🏻‍♀️😭
39.6K 1.3K 17
18 year old Ymir grew up on the outskirts of a small Romanian village. On her 18th birthday she sought out to run away from home when things haven't...