AFTER an AFFAIR

By hopelessdiana

119K 2.4K 173

Paano kung magbalik ang taong minsan mo nang pinakawalan? Pero tanging hangad lang niya ay makuha ang alam mo... More

AFTER an AFFAIR
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Special Chapter
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen

Chapter four

5.8K 105 6
By hopelessdiana

 “THEREMR VILLAREZ, it was a nasty cut but it will be fine now.”

May mga ibinilin pa kay Steven ang doktor na gumamot sa kanya. Hindi gaanong malalim ang sugat niya sa braso pero kinailangan pa rin iyong tahiin para maampat ang pagdurugo. Mabuti at matalas pa rin kahit papaano ang reflexes niya kaya imbes na sa dibdib ay daplis lang sa braso ang natamo niya.  

Kumuyom ang kamay niya ng maalala ang nanyari kanina.

Kagagaling lang niya ng nursery para makita ang kambal niya, nang maisipan niyang silipin na rin si Faye. Oo, galit siya dito pero hindi pa rin noon maiaalis sa kanya ang mag-aalala dito. Kaya nga niya ito ipinahanap nang walang paalam itong nilayasan siya ilang buwan na ang nakaraan.  

Tapos na ang visiting hour kaya wala nang gaanong tao sa ospital, maliban sa ilang crew at nurse na naka-duty at nakasalubong niya. Kilala niya ang may-ari ang ospital na pinagdalhan niya kay Faye kaya pinapayagan siyang bumisita kahit tapos na ang visiting hour.

Umuwi siya ng Manila kanina dahil kinailangan niyang makipagkita sa ilang investors nila tungkol sa bago nilang ipapatayong hotel abroad. Kahit pagod at malayo ang biyahe ay bumalik pa rin siya Ilocos Sur para bisitahin ang mga anak niya.

Ah, ang kambal niya, walang dudang nananalaytay sa dugo nila ang dugong Villarez— ang dugo niya. Ilang araw pa lang silang naisisilang ay kita na ang pagkakahawig nila sa kanya, lalo na ang lalake sa kambal.

Nothing in Steven’s years of experience in business world had prepared him for the mass of emotions he had felt when he gently held his twins in his arms for the first time. He was filled with unidentifiable excitement. At naramdaman niya ang tinatawag nilang lukso ng dugo.

Iyon ang ikinagalit niya kay Faye. Hindi niya lubos maisip na nagawa nitong ipagkait sa kanya ang pagkakataong malaman ang presensiya ng anak nila. At balak pa ba nitong tanggalan siya ng karapatang maging ama? At iyon ang hindi niya pahihintulutan.

Pagdating sa silid na ginagamit ni Faye, nagtaka siya ng hindi niya ito madatnan. Nakita niyang natutulog ang tiyahin nito sa mahabang upuan na nasa sulok. Napansin niya na magulo ang bedsheet ng kama at nasa sahig ang unan. Bigla siyang kinabahan ng makita ang nilamukos na pulang sulat at sutffed toy sa kama. Galing ang sulat at stuffed na iyon sa napag-alaman niyang stalker nito. At may ideyang pumasok sa isip niya.

Nilapitan niya ang tihayin ni Faye, pero hindi man lang ito nagising nang yugyugin niya. Sa palagay niya ay sadyang pinatulog ito ng kung sino. Mabilis siyang lumabas ng silid para hanapin si Faye. Paliko na siya sa hallway ng mapatingin siya sa gawi ng fire exit. Kinutuban siya. Patakbong tinungo niya iyon at halos talunin niya ang bawat baytang ng hagdan pababa.

Nang makalabas ay agad niyang sinuyod ang paligid at nagtungo siya sa parking lot. Hindi siya nagkamali dahil naabutan niya si Faye. Nabuhay ang galit sa dibdib niya ng makita itong may kasamang lalaki.

Natatandaan niya ang lalaking iyon. Kasabay niya itong dumating noon sa shop ng unang beses siyang pumunta roon para hanapin si Faye. At kapansinpansin ang pagkainis dito ng mga tao sa shop. Ito rin ang nadatnan niya ng araw na mangangak si Faye. Na nagalit pa nga sa kanya nang agawin niya dito si Faye para dalhin sa ospital. Nalaman niyang nanliligaw ito kay Faye nang tanungin niya ang pinsan nito na si Marj.

Tatawagin sana niya ang mga ito ng mapansin niya ang kakaibang kilos ni Faye. Natatakot ito at naiiyak habang tila may ibinubulong ang lalaki dito. Ang kaninang galit niya ay napalitan ng takot at pag-aalala.

Maingat na tinakbo niya ang mga ito at malakas na binalya ang lalaki at nakipagbuno dito. Sinubukan nitong tumakas ng may dumating na guard. Muntik  pa siyang masaksak kung hindi lang siya mabilis na nakaiwas dito. Hinablot niya ang kwelyo nito at binigwasan ito sa sikmura na ikinalugmok nito sa kalada na walang malay.

Sa ginawa nito sa kanya ay sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa bilangguan. No one messes up with a Steven Villarez.

Inayos ni Steven ang butones ng suot ng polo at nagpasalamat sa doktor.  May dala siyang extrang malinis na damit kaya napalitan na niya ang duguang polo. Lumabas na siya ng emergency room at naglakad patungo sa silid ni Faye. Nadatnan niya ito at nahimasmasanng tiyahin nito na kausap ang isang guard. Napakunot-noo siya dahil tensyonado ang anyo ng ginang at takot naman ang nakita niya sa mukha ni Faye.

“May problema po ba?” tanong niya nang makapasok sa silid.

 Napakamot sa ulo ang guard nang humarap sa kanya.

“Sir, kasi... tumawag po sa presinto at sinabing nakatakas daw po ‘yong lalaking muntik ng dumukot sa misis n’yo,” pahayag ng guard.

Hindi na niya tinama pa ang akala nitong asawa niya Faye. Napansin niya si Faye na para bang gusto nitong itama ang guard pero itinikom na rin nito ang labi.

“Ano? Teka anong klase bang pagbabantay ang ginawa nila at nakatas ang gagong ‘yon?”

Hindi na niya napigilan nag pagtaas ng boses. Lalong hindi na malaman ng guard kung ano ang dapat na sabihin sa kanya dahil para bang natakot ito sa kanya. Sa huli ay humingi na lang ito ng paumanhin at nagpaalam sa kanila.

“May palagay akong may kapit si Marciano sa kapulisan kaya nakatakas ito. O, pinatakas,” komento ni Tita Elsie.

Napabaling siya kay Faye nang umiyak ito. Agad naman itong dinaluhan ng tiyahin.

“Tita Elsie, ang mga anak ko. Baka kung anong gawin niya sa kanila,” sabi nito sa pagitan ng pag-iyak. Mahigpit itong niyakap ng tiyahin at pinakalma.

“Sshh...walang mangyayaring masama sa mga anak mo, Faye. Magiging ligtas sila dahil hindi pahihintulatan ng panginoon na makalapit sa kanila ang demonyong Marcianong ‘yon.”

Bilang ama ng kambal ay hindi rin niya hahayaan na may mangyaring masama sa mga anak niya. Mas sigurado ang kaligtasan ng kambal kung nasa poder niya kaya titiyakin niyang maisasama niya pug-uwi ang kambal. Pero...

May maliit na tinig na nag-uudyok sa kanya na huwag ding pabayaan si Faye. Seeing her scared and face wet with tears made him feel wanting to protect her.

“Come live with me, Faye. Kayo ng mga anak natin.”

Hindi na niya napigilang masabi ang nasa isip.

====================

HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Faye na inalok siya ni Steven na sumama dito pauwi ng Manila at tumira sa poder nito kasama ang kambal nila.

“Come live with me, Faye. Kayo ng mga anak natin.”

Naaalala niyang sinabi nito na talagang ikinagulat at hindi niya inaasahan. Naisip pa nga niyang baka nagkamali lang siya ng rinig. Pinatunayan naman nito na seryoso ito sa sinabi.

At magiging ipokrita siya kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang plano nito. Pero nagdalawang isip naman siya dahil inaalala niya sina Tita Elsie at Marj na maaring malagay naman sa kapahamakan. Walang nakakaalam kung ano ang maaring gawin ni Marciano at ikinakatakot niyang baka balikan ang tiyahin at pinsan niya ng lalaki.

Pero in-assure naman siya ni Steven na magpapadala umano ito ng mapagkakatiwalaang magbabantay sa tiyahin.

“May kakilala rin ako na maaaring tumulong para mahanap at madakip ang lalaking iyon. Sa ngayon makakabuti kung sasama kayo at ng mga bata sa akin pabalik ng Manila. Mas ligtas kayo sa poder ko,” ani Steven.

“Tama siya, Faye. Mas ligtas kayo kung malayo kayo sa lugar na ito. Hindi natin alam kung nasan maaaring nagtatago si Marciano at hangga’t nandito kayo, walang kasiguruhan ang kaligtasan n’yo ng mga bata,” giit naman ni Tita Elsie bilang pagsang-ayon kay Steven.

“Pero Tita...”

“Huwag mo kaming alalahanin. Sabi naman ni Steven ay magpapadala siya ng magbabantay sa amin kaya magiging maayos din kami. Ang mahalaga ay maging ligtas kayo ng mga anak mo.”

Sa huli ay pumayag na rin siya. Nakasalalay ang kaligtasan ng mga bata kaya hindi niya pwedeng isakripisyo iyon. At hindi rin niya gugustuhing malayo sa mga anak dahil hindi rin siya mapapalagay.

Nasa harap si Steven ng manibela samantalang nasa backseat silang mag-iina kaya hindi niya makita kung ano ang maari nitong iniisip ngayong sama-sama sila.

Hindi niya napigilang palihim na mapangiti. Parang deja vou. Naalala niya na ang kaligtasan din niya noon ang dahilan kaya inalok siya ni Steven na tumira sa poder nito.

“Fu—Faye, paano ka nakakatagal sa lugar na ‘to? To think na babae ka at mag-isa ka lang,” hindi makapaniwalang sabi ni Steven matapos ang nasaksihan.

Inihatid siya ni Steven sa tinutuluyang apartment nang magkaroon ng kaguluhan. May ilang kabataan ang nagkasagupaan sa lugar. Muntik pa siyang hindi iuwi ni Steven at dalhin sa condo nito sa sobrang pag-aalala sa kanya. Pero mabilis namang may rumesponde ng baranggay at napigilan ang gulo.

“Ilang taon na akong nakatira dito kaya sanay na rin ako, Steven. At saka hindi naman laging may gulo dito,” pagpapakalma niya dito.

Nang tumungtong siya ng kolehiyo, pitong taon na ay sa lugar na iyon siya nanirahan.Tahimik ang lugar nila kung hindi lang dahil sa mga dayong kabataan na hanap ay manggulo sa baranggay nila.

“Why don’t you move in with me?”

Hindi niya iyon inaasahan. But, how she so loved the idea of living with him.

“Or if you want I could find you a safe place. A safer place to live.”

“I am safe here, Steven. Kilala ko na ang mga tao dito.”

“No, Faye, you are not safe here. Pagkatapos ng nasaksihan ko kanina. Hindi ako papayag na magtagal ka pa dito.”

“Can I think about it?”

“Bilisan mo lang mag-isip. Dahil kapag naiinip ako, kung kinakailangang kaladkarin kita paalis sa lugar na ito ay gagawin ko.”

“Guess, I don’t I have choice, huh.”

Hinayaan na siya nitong makauwi sa apartment niya, pero hindi ito pumayag na iwan siya. Kaya ang ending doon ito natulog.

Muli niyang sinulyapan si Steven sa tahimik nitong pagmamaneho. Ngayong nabigyan uli siya ng pagkakataong makasama ito ay hindi niya maiwasang umasa. Mali bang hayaan niya muli ang sariling umasa na baka sakali... ay mahalin na rin siya nito?

===================

Continue Reading