AFTER an AFFAIR

By hopelessdiana

119K 2.4K 173

Paano kung magbalik ang taong minsan mo nang pinakawalan? Pero tanging hangad lang niya ay makuha ang alam mo... More

AFTER an AFFAIR
Chapter one
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Special Chapter
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen

Chapter two

6.5K 118 3
By hopelessdiana

NARINIG NI Faye na bumukas ang pinto ng front door. Pero hindi siya nag-abalang bumangon para silipin ang dumating. Nanatili siya sa higaan kahit nang ang pinto naman ng kwarto ang bumukas at narinig niya ang mabibigat na yabag na papalapit sa kama. Pinakikiramdaman lang niya ito. Lumundo ang kama pahiwatig na nahiga na ito sa tabi niya. Amoy alak ito, tulad ng mga nakaraan tuwing umuuwi ito ng dis-oras ng gabi.

Humarap siya sa puwesto nito. Nakatalikod ito sa kanya at nakahiga ito sa pinakadulong bahagi ng kama na para bang ayaw nitong madikit sa kanya. Nitong mga nakaraang linggo napansin na niya ang ilang pagbabago sa pagsasama nila, maging ito mismo.Tila nagkaroon ng gap sa pagitan nila. Naging malamig na rin ang pakikitungo nito sa kanya.

She heard him called someone’s name in his sleep. A woman’s name. But not her. Dumoble ang kirot na nararamdaman niya.

Bumangon siya at pinagmasdan ang katabi. She felt a tear fell from her eye as her chest tightened, awash in pain. She had enough. Maingat siyang tumayo sa kama at binuksan ang cabinet. She started packing her stuff.

Tapos na ang ibinigay sa kanyang pagkakataon na makapiling ito kahit sa maikling panahon lang. At panahon na para magparaya na siya,and go on with her life without him. Na tama nang umasa pa siya na balang araw mamahalin rin siya nito. Pag-aari na ng iba ang puso nito at kahit kailan ay hindi na ito magiging sa kanya.

Matapos mag-empake ay lumapit siya sa kama at naupo sa gilid. She soflty touched his cheek and stared at him with love. Nais niyang baunin ang alaala ng mahimbing na pagtulog nito.  She’d definitely gonna miss this man.

“Guess, I have to let you go now. I know it would be hard for me, but I’ll be fine. Mahalaga para sa akin na maging maligaya ka, at alam ko na hindi ako ang makapagbibigay niyon sa iyo.” Her voice broke and her eyes started to well up.“I will never forget you and those wonderful memories we’ve shared.”

She wiped away her tears and took a deep breath. She needed to be tough. It was her choice na tapusin na ang lahat sa kanila. Their affair has to end, so they could move on with their lives.

For the last time, she kissed his forehead before she leave the room. She was hurting and she felt as if she had lost a vital part of her when she left him. 

Nagising si Faye sa hindi pamilyar na lugar. Wala pa naman siguro siya sa langit? Bukod kasi sa halos puti ang nakikita niya sa paligid ay amoy antiseptic rin ang silid na kinaroroonan niya.

Unti-unting nagbalik sa alaala niya kung nasaan siya at kung bakit siya naroon. Nasa ospital siya and she just gave birth.

“Faye, buti naman at gising ka na.”

Lumapit sa higaan niya si Marj at kinumusta ang pakiramdam niya. Nang masabi na ayos ang kalagayan niya ay agad niyang itinanong dito ang tungkol sa mga anak niya.

“Grabe, Faye, ang ku-cute ng kambal mo,” tuwang-tuwa na balita sa kanya ni Marj. Isang babae at isang lalaki ang kambal. Nagpaalam ito na tatawag ng doktor para ma-check ang kalagayan niya at ipapakuha ang kambal niya para makita niya.

Tinitigan niya ang kisame nang maiwan siya. Naalala niya ang naging panaginip kanina. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng parehong tagpong iyon sa panaginip niya at tuwina paggising niya ay magbabalik sa kanya ang lahat ng alaala. Mahigit walong buwan na ang nakalipas ng magdesisyon siyang lumayo pero hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang sakit ng napili niyang desisyon. Ang sakit na pinakawalan niya ang taong minahal niya.

Pero wala siyang pinagsisisihan. Kahit sa maikling panahon ay naging masaya siya sa piling nito at tama lang na ibalik niya dito ang makakapagpasaya rin dito—ang palayain ito at makasama ang tunay nitong minamahal.

May baon naman siyang napakagandang alaala nito sa kanya—ang kanilang kambal. A week after she left him, she found out she was three weeks pregnant with his child, rather twin. And that’s one thing  she was still grateful to him.

“I never knew you were this selfish, Faye.”

Napabaling siya sa nagsalita at muntik na siyang mapatalon sa higaan ng makilala ito. Binatukan niya ang sarili sa isip. Bakit ba nakalimutan niya ang presensiya nito. Natatandaan na niya na dumating ito sa shop at ito pa ang naghatid sa kanya sa ospital nang maramdaman niyang manganganak na siya. Ang lalaking laman ng panaginip niya at kaninang binabalikan sa alaala ay nagkatawang tao na at ngayon nga ay nasa harapan na niya. Steven Villarez, looking superbly handsome  as she had remembered him. Sa kabila ng madilim na ekspresyon nito ay tila mas nakadagdag pa iyon sa dating nito. And she could not help but admire him.

Hindi siya makapaniwala. The father of her twin stood right in front her.

“Paano mo nagawang itago sa akin ang tungkol sa bagay na ito, Faye? Balak mo ba talagang ipagkait sa akin ang mga anak ko?”

Steven’s words waked her up pretty hard. Kinabahan siya habang nakatitig sa mata nitong sing-dilim ng gabi. Biglang pumasok sa isip niya ang maaari nitong gawin ngayong nalaman nito ang tungkol sa anak nila.

Huminga ito ng malalim makaraan ang ilang saglit na pananahimik nito. At pinatunayan nito ang naisip niya.

“Kukunin ko ang mga anak ko—”

“No, Steven, please—”

“Enough, Faye. Nagawa mong itago sa akin ang tungkol sa pagbubuntis mo at hindi ako papayag na ipagkait mo sa akin ang karapatang maging ama sa mga anak ko,” pagdiriin nito. Nangingibabaw sa boses nito ang hinanakit, sa halip na galit na siyang inaasahan niya. Kaya pakiramdam tuloy niya ay siya na ang pinakamasamang babae sa mundo.

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya sa isiping mawawala sa kanya ang mga anak niya. Tama nang pinakawalan niya Steven pero hindi niya kakayanin kung pati ang anak niya na tanging alaala nito ay kukunin pa sa kanya.

Faye, panahon na para ipaglaban mo naman ang para sa’yo, bulong ng isang parte ng isip niya.

Tama. Kailan na niyang manindigan dahil ang kambal na niya ang nakataya. Pinahid niya ang mga luha at pinatatag ang anyo saka ito hinarap.

“Hindi ako papayag na kunin mo ang mga anak ko, Steven.” Sinalubong niya ang mata nito.

Nang-uuyam na ngumiti ito sa kanya. “Playing tough, honey? Well, let’s see about that. Dahil sinisiguro ko sa’yo, makukuha ko ang mga bata at dadalhin nila ang pangalan ko.” hamon nito sa malamig at mapanganib na boses.

Alam niyang walang kahirap-hirap na magagawa nito iyon at iyon ang ikinababahala niya. He’s a Villarez in the first place, and their family is well known in the corporate world. Ramdam na niya ang pagkatalo niya.

“Please, Steven, hayaan mo na kami ng mga anak ko,” sa huli ay pagmamakaawa niya. Kung iyon na lang ang paraan para makasama pa niya ang mga anak ay magpapakumbaba siya.

“Anak ko rin sila, Faye. Hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil na huwag kang saktan dahil sa ginawa mo. Ngunit dahil ikaw pa rin ang ina ng mga anak ko kaya palalampasin ko ang lahat. Pero hindi noon mababago ang desisyon kong makuha ang kustodiya ng kambal,” wika nito at tinalikuran siya.

Before he stepped out of the room, muli itong humarap sa kanya.

“Don’t you try to run away again with my children, Faye. Dahil kahit saan ka magpunta at magtago ay mahahanap at mahahanap pa rin kita. I have my ways. At oras na gawin mo uli iyon, hindi ko na  maipapangakong magiging mabait pa rin ako sa’yo.”

Lumabas na ito, at naiwan siyang nakatitig sa pintong nilabasan nito. Napahawak siya sa dibdib  dahil tila kinakapos na siya ng hangin habang hindi maawat sa pagpatak ang luha niya. Pakiramdam niya ibang tao ang nakaharap niya, na hindi na ito ang dating Steven na nakilala niya at minahal. He had seemed so cold and ruthless.

======================

HELLO, LITTLE girl, magiging kasing ganda mo si Tita Marj paglaki mo...”

Natutuwang pagkausap ni Marj sa isa sa kambal habang karga nito. Katatapos lang niya itong i-breast feed at ang isa naman sa kambal ang nagpapakabusog sa gatas niya. Nang matapos magpa-breast feed ay kinuha na ang kambal ng nurse at dinala sa nursery.

“Mabuti naman at lumabas na malusog ang kambal,” wika ni Tita Elsie, nanay ni Marj.

She gave birth in a normal way. Kahit masakit at mahirap ay kinaya, kaya masaya siyang naisilang ng maayos ang kambal

“At ang ku-cute pa,” dugtong ni Marj.

Nakangiting tinanguan niya ang mga ito bilang pagsang-ayon. At hindi rin maikakaila ang pagkakahawig ng kambal niya kay Steven. Muli niyang naramdaman ang kaba ng maalala ang lalaki.

“Ano nang plano mo ngayon?”

Napakunot noo siya sa tanong ni Tita Elsie dahil seryuso ito sa pagkakasabi at tila may iba itong gustong ipahiwatig.

“’Yong lalaking naghatid sa’yo dito sa ospital, siya ang ama ng kambal, hindi ba?” patuloy nito.

Saglit siyang nawalan ng tamang sasabihin, pero kalaunan ay tumango na lang siya. Kahit na ikaila pa niya ay alam niyang malalaman din nito ang totoo.

“Oo, nga pala, siya rin ‘yong naghanap sa’yo sa shop noong nakaraan, bago ka manganak,” ani Marj.

Kaya pala siya kinabahan ng araw na iyon.

“Nakapag-usap na po kami, at sinabi niyang kukunin niya ang kambal.” Pinipigilan niya ang sarili na panghinaan at umiyak.

“Aba, hindi pwede ‘yon, no! Ikaw ang ina ng kambal kaya hindi niya pwedeng kunin sa’yo ang mga anak mo,” naiinis na pahayag ni Marj.

“Galit siya sa akin dahil sa ginawa kung paglilihim sa kanya tungkol sa pagbubuntis ko. Sinabi niyang gagawin niya ang lahat makuha lang ang kambal. At alam kong walang kahirap-hirap niya ‘yong magagawa.”

Yumuko siya para hindi ipakita ang nagbabadyang luha niya.

“Faye, hindi mo rin siya masisisi. Anak niya ang pinag-uusapan dito. At kahit sino magagalit kapag nalamang wala siyang kamalay-malay na magiging ama na siya at ipinagkait sa kanya ang anak niya,” mahinahon na turan ni Tita Elsie.  

“Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin, Tita. Nagmakaawa na ako sa kanya pero hindi n’ya ako pinakinggan.”

“Kausapin mo s’ya uli at ipaliwanag mo sa kanya ang dahilan mo. Baka sakaling maintindihan ka niya. At maging maayos ang lahat.”

“S’ya nga naman, pinsan. Masyado pang bata ang mga anak n’yo para madawit sa ganitong gulo.”

Labis siyang nagpapasalamat sa dalawang tao ito na kumupkop sa kanya. Sila na lang ang itinuturing niyang pamilya simula nang sabay na mamatay ang magulang niya. Umalis lang siya sa poder nila pagtungtong niya ng kolehiyo. Namuhay siyang mag-isa sa Maynila, at pagkalipas ng maraming taon ay bukas palad pa rin siyang tinanggap ng mga ito. At ni minsan ay hindi sila nanghimasok sa buhay niya, o nagtanong man lang. Maging ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Kahit hindi nila alam ang tunay na issue tungkol sa kanya, alam niyang may punto sila. At hindi siya kinokondena dahil sa ginawa niya.

Tinanguan niya ang tiyahin at pinsan. Tama sila. Gusto niyang mamuhay ng matiwasay ang mga anak niya, na walang gulo na maaring makaapekto sa kanila. Susubukan iyang kausapin si Steven, baka sakaling maging maayos ang lahat sa pagitan nila.

“Ay, muntik ko nang makalimutan. Uhm, medyo hindi maganda ang timing ng balita ko. Pero kasi...”

Napakunot noo siya habang hinihintay na ipagpatuloy ni Marj ang sasabihin. Sa ekspresyon nito, mukhang alam na niya ang karugtong. Kahit ang Tita Elsie niya ay nabahala rin.

“...May dumating na namang sulat at package para sa’yo,” patuloy ni Marj.

==================

Continue Reading