Killing Him [COMPLETED]

By LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED More

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

TWENTY ONE

19.4K 542 13
By LetMeBeThatGirl

TWENTY ONE

"Find your comfortable seats and that will be your permanent. You will sit there for the rest of the school year." bungad agad ng Homeroom teacher namin. Nag-lingunan muna ang mga kaklase ko bago tumayo ang iba.

"Max, let's sit infront. Ayoko rito, baka wala akong matutunan." aya ko sa kanya. I wasn't expecting this at all. Akala ko ay ia-arrange pa kami alphabetically. I wouldn't want to sit here. Masyadong malayo sa kabihasnan.

Ang ilan ko pang kaklase na lalake ay nagsisilipatan na sa likod. And I actually don't want to sit around guys. Naiingayan ako sa kanila. Mahirap mag-concentrate kapag maingay ang paligid.

"Dito nalang tayo. Huwag tayo sa harap kasi madali tayong makikita ng teacher. Tsaka mahirap makipag-kopyahan don!" sinilip ko ang unahan. Wala halos umuupo roon. May kakaunti, iyon sigurong gusto talagang matuto katulad ko.

"But I can't sit here. Alam mong kailangan ko ng mataas na grades." ngumuso ito sa akin bago lumingon sa taong nasa likod ko. Max smiled at him bago tumango rito.

"Andyan naman si Kei. Sya ang sasaway sa mga mag-iingay. And for once, Chlo, please sit at the back. Mas masaya rito. Hindi porque nasa likod ay wala nang matututunan." napahinga ako ng mabigat. It's too risky. Kapag nagkamali ako ng desisyon ko rito ay buong school year ko itong pagsisisihan. Not unlike if I sit infront, it's sure that no one will bother me there.

"Hi Kei, can I sit beside you?" napalingon ako sa boses ng babae na nanggaling sa likod ko. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Eclaire na ibinababa ang bag nya sa katabing silya ni Kei. "Wala kasi akong kakilala rito bukod sayo. You wouldn't mind, right?"

Ngumiti sya kay Kei. Medyo nairita ako sa boses nya at sa kanyang ngiti. Kei didn't even nod. Pinanood nya lang ang pag-upo ni Eclaire bago ito tumingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay bago dumiretso ng upo.

"Sige Max, dito nalang tayo upo." gusto kong malaman kung talagang may gusto ba itong si Eclaire kay Kei. I know she has a crush on Kei. Kung paano magningning ang mga mata nya habang kausap si Kei noong Grand Ball namin ay kompirmado ngang gusto nya ito.

I just want to know how much she likes Kei. And yes, she is beautiful, gusto ko ring malaman kung bakit sa kabila ng kagandahang taglay nya ay hindi pa rin sya napapansin ni Kei? I mean, he can like her back. Bakit ako?

Anong mayroon sa akin na wala si Eclaire? Bakit ako ang nagustuhan ni Kei? Maybe he doesn't know yet na may gusto si Eclaire sa kanya? Is that it? Or am I over-thinking too much? Baka naman friendly lang talaga si Eclaire. I don't know. Basta gusto ko silang obserbahang dalawa.

"I will pass this paper, write your name on your seats. This will be your permanent seats. Maiiba lang kung magpapa-request ang ilang teacher nyo na i-arrange muli kayo but for my subject, I want this to be your permanent. Is that clear?"

Lahat kami ay nagtanguan. Ang sumunod na ginawa ay ang pagpapakilala isa-isa bago kami nagbotohan for the Class Officers.

"I nominate Chloris Buenfuerte for Class President." lumingon muna sa akin ang teacher at ngumiti bago nito isinulat ang pangalan ko sa glass board. "Oh, ayan ha? Ni-nominate na kita." nginisian ako ni Maxine bago sya umupo sa kanyang silya.

"Thank you." lumingon ako sa harap. Gusto ko talagang maging Class President. Dagdag grades din kasi iyon minsan lalo na kapag inuutusan ka ng ilang teacher.

Ilang estudyante pa ang naging candidate sa posisyong iyon. Pinapunta kami sa harap para magbigay ng maiksing speech bago kami pinapila para pagbotohan ng mga estudyante. At the end of the voting, ako ang nanalo bilang Presidente.

"Nomination for Vice President is now open." wika ko habang hawak ang marker sa harapan. Lumingon ako sa mga kaklase ko at isa isang isinulat ang mga kandidato nila. Napansin ko ang saglit na pag-uusap ni Maxine at Kei.

Maxine raised her hand. Tinawag ko sya para tumayo. "I nominate Kei Hendricks for Vice President."

"Huh?" wala sa wisyong tanong ko.

"I nominate Kei Hendricks---" ulit muli ni Maxine. Hindi ko na sya pinatapos at sinulat na agad ang pangalan ni Kei sa board nang matauhan ako. He wants to be the class Vice President?

Humagikhik si Maxine ng maupo sa kanyang silya. Lahat naman halos ng estudyante ay napatingin kay Kei. Everyone knows who he is. Kaya ng magsalita sila rito sa harap para ikandidato ang sarili nila ay halos lahat ng boto ang nahakot nya.

Nagpatuloy ang nomination hanggang sa makumpleto namin ang Class Officers ngayong school year. Eclaire is the new Muse. May ibang nagsasabi na dapat si Kei nalang din daw ang escort kaso hindi naman pwedeng dalawang posisyon ang makuha nya. Buti nga.

"Chloris and Kei?" tawag sa amin ng teacher. Lumapit kami sa kanyang table. "I need your e-mails so I can send the syllabus for the subject. You'll be the one who will distribute the copy to the class or make a group and post it there. And meet me after class, okay?"

Tumango ako. Sinulat na naming dalawa ni Kei ang e-mail namin sa teacher bago kami bumalik sa upuan namin.

"Bakit mo ginustong maging Vice President?" tanong ko ng makaupo kami.

"Kasi andon ka raw." singit ni Maxine nang natatawa. Ngumisi rin si Kei. Sinimangutan ko lang ito.

"Can I take you for lunch?" wika nito, hindi na muling sinagot ang tanong ko sa kanya. Napalingon ako kay Maxine. Nagkibit ito ng balikat.

"Kung kasama si Max ay okay lang sa akin." humalaklak si Maxine. Sira ulo talaga ito. Alangan namang kaming dalawa lang ni Kei ang kakain? Syempre dapat ay kasama sya.

"Of course." natapos ang ilang subject na halos wala namang ginagawa bukod sa pagpapakilala. Mabuti nga at wala pang nagsisimula ng lesson kahit isa.

Tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. Lunch na at medyo gutom na rin ako. "Kei, pwede ba akong sumabay sayo mag-lunch? Wala kasi akong kasama e." lumapit si Eclaire sa kanya. Napatigil ako sa pag-aayos sa aking gamit at pasimple silang pinagmasdan.

"I'm with Chloris and Maxine." sagot sa kanya ni Kei. Lihim akong napangiti bago binalingan si Max kung tapos na ba sya.

"Ano raw iyon?" ngumuso si Maxine kina Kei at Eclaire ng kumapit sa braso ko.

"Nagtatanong kung pwedeng sumabay kay Kei mag-lunch." bulong ko sa kanya pabalik. Napalingon sa amin si Eclaire bago lumapit sa akin at ngumiti.

She's just inches taller than me. May pagka-payat ang pangangatawan nya. Mahaba ang diretso nyang bukod na halos abot sa kanyang baywang. Diretso ang mga kilay at malalim ang mga mata. Maliit ang ilong at manipis ang makinang nyang labi. Siguro ay nilagyan na nya iyon ng lipgloss.

Mukha syang manika sa kanyang ayos. Maganda sya, walang kahit na anong maipipintas sa panlabas nyang mukha. "Pwede ba akong sumama sa inyo?" diretso sa akin ang mga mata nya.

Gusto kong magtaas ng kilay sa kanyang ngiti. Iniwas ko nalang ang tingin ko bago pa ako tuluyang mainis. "Max, ano?" tanong ko kay Maxine.

I actually don't like her at all. Kaninang umaga lang ay kasama nya sina Divine. Ngayon ay sasabihin nyang wala syang kasama? Really? I don't believe her.

"Sure. Mas masaya kapag marami diba?" inosenteng wika ni Maxine. Gusto ko syang kurutin dahil naiinis ako sa pagpayag nya. But she doesn't have any idea that I don't feel like hanging out with Eclaire.

Nakakapit ang kamay ni Maxine sa akin habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Kei and Eclaire were walking at our back. Naririnig kong tumatawa si Eclaire habang magkausap sila. Gusto kong pakinggan ang pinag-uusapan nila ngunit sa ingay na gawa ng ilang estudyanteng nadaraanan namin ay nahihirapan akong pakinggan iyon.

Nakarating kami sa cafeteria at doon kami nagkanya kanya saglit sa pagpili ng makakain. "Set C, please." wika ko roon sa nagtitinda.

"Make it two." saad ng boses sa aking likod. His chest and my back are against each other. Hindi ako gaanong makagalaw. Sinilip ko iyong tindera. Ate, ang tagal mo namang kumilos! Alis na alis na ko rito!

Nang sa wakas ay iaabot na sa akin ng tindera iyong inorder ko ay agad iyong kinuha ni Kei. "Ako na." wika nya bago nag-abot ng bayad at umalis. Dalawang trey ang dala nya pabalik sa table namin.

"Ito ho bayad ko." inabot ko na yung pera ko ron sa tindera.

"Bayad na ho. Saglit at may sukli pa." ibinigay nya sa akin ang sukli. Nagpasalamat ako bago umalis at pumunta sa table.

Nandoon na si Eclaire. Magkatabi silang dalawa ni Kei. Nakangiti pa si Eclaire habang nakikipag-usap kay Kei. Mabilis na nangunot ang noo ko. Why is she here? Gusto ko syang ipagtabuyan doon sa grupo ni Divine.

"Why did you left your change?" ibinalik ko kay Kei iyong pera nya kasama ang bayad ko.

"It's on me, Chloris. Itago mo na iyan." hindi ako nakinig sa kanya at hinayaan sa table ang pera nya. Napabuntong hininga lang sya bago tinago ang pera. I can finance myself.

Inaayos ko ang pagkain ko nang dumating si Maxine at umupo sa tabi ko. "Tagal don sa binilhan ko." nagsimula na kaming kumain ng mailapag ni Max ang pagkain nya. Nag-usap si Eclaire at Maxine. Minsan ay nasisingit si Kei dahil may ibang itinatanong si Eclaire sa kanya.

Ako naman ay tahimik lang. I don't feel like joining them. Mabilis kong naubos ang pagkain ko dahil hindi naman ako dumadaldal. Gusto ko ring matapos na ang lunch na ito para makabalik na kami sa classroom.

"So it is true after all, may gusto nga talaga si Kei kay Chloris." napatingin ako ng diretso sa sinabing iyon ni Eclaire. Nakatutok ang mata nya kay Maxine dahil silang dalawa lang naman ang magkausap.

"Oo, matagal na, no! Inggit lang kasi yung iba kaya ayaw nilang tanggapin na may gusto nga itong si Kei kay Chloris. Diba, Kei?"

Kei just stared at me. Huminga ako ng malalim. "Why didn't you tell me?!" ngumuso si Eclaire at mahinang hinampas ang balikat ni Kei.

Napatiim ako ng bagang. May kung anong nag-udyok sa akin para magsalita. "Why is there a need to?" tanong ko kay Eclaire. Napatahimik kaming lahat. Naitikom nya ang kanyang bibig.

"Oh, I'm sorry." ngumiti sya sa akin. Doon lang nag-sink in sa akin, bakit ko ba iyon sinabi? What am I doing?! "Naru-rumor lang kasi na may gusto sya sayo. You know, Kei and I were classmates and friends before kaya medyo nakakatampo na hindi sya nagshe-share ng ganong bagay." she looked at Kei. Napaiwas nalang ako.

Friends, huh? Friends nga lang ba talaga?

Natapos ang mga sumunod na subject na lutang ang isip ko. Nahihiwagaan ako sa ikinikilos ni Eclaire. I can't tell if she's a friend or not. Pero kahit ano pa man doon ay hindi dapat ako masyadong lumapit sa kanya.

"Mauna na akong umuwi." nagpa-aalam na si Maxine sa akin. Sinabi ko kasi sa kanyang kailangan pa naming pumunta ni Kei sa Faculty Room.

Nauna na akong lumabas ng room. Kei is talking with Eclaire again kaya hindi ko na hinintay ang pag-uusap nila. Nakakainis silang dalawa tignan.

"Chloris..." may humawak sa braso ko dahilan kung bakit napatigil ako sa paglalakad. Tamad akong tumingin sa kanya. Ilang hakbang nalang at nasa Faculty Room na ako, eh! Tanaw na tanaw ko na.

"What?" he looked at me intently, parang binabasa ang nasa isip ko. Mabilis kong tinanggal ang kunot sa aking noo. It's okay, Chloris. There's nothing to be mad about. Ngumiti ako at muling tinagpo ang mata nya.

"Galit ka ba kay Eclaire?" seryosong sabi nya.

"Why would I be mad at her?" hinawi ko ang katawan nya at handa na sanang tahakin ang daan patungong Faculty nang muli nya akong pigilan. "Ano na naman?"

"You sure you're not mad?" paninigurado nya. Tumango ako para magtigil na sya. "Iiwasan ko sya kung gusto mo." hindi ako umimik. Kaya naman pala nyang iwasan, bakit hindi pa nya gawin? Bakit kailangan pang sabihin ko sa kanya?

"Kei!" narinig kong sigaw ng isang babae sa dulo ng hallway. Ibang klaseng pakiramdam na naman ang gumapang sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung inis ba iyon o pagkayamot. Wait, parehas lang pala iyon no?

We both looked at that girl. Of course it's Eclaire. Sino pa nga ba? Gusto kong matawa. "Iwasan mo sya kung gusto mo. Pupunta na akong Faculty." bago pa mapunta sa pwesto namin si Eclaire ay naglakad na ako.

Binuksan ko ang pinto sa Faculty at saglit na sumulyap sa kanila. They're talking, may kung anong sinasabi si Eclaire kay Kei. Kanina pa nga sila nagdadaldalan sa room. Hanggang dito ba naman ay hindi pa rin tapos ang kwentuhan nila?

Nakauwi ako nang masama ang loob. Halos mabali ang ballpen sa aking kamay habang sinusulat ko ang schedule sa aking papel. Hindi maalis sa isipan kong kaklase ko si Kei at Eclaire at sa likuran ko lang sila nakaupo.

"Chlorisss!" kumalampag ang pinto ng aking kwarto ng pumasok si Maxine. Katulad ng nakagawian ay dumiretso sya ng higa sa aking kama hawak ang kung anong libro na binabasa nya.

"Alam mo Max, naiinis talaga ako kay Eclaire." panimula ko. I don't think I can handle this. Kanina pa ito nasa isip ko at pakiramdam ko ay gustong gusto na nitong kumawala sa akin. Max looked at me. Sinarado saglit ang kanyang libro.

"Mabait naman sya, ah. We talked a lot. Mukha namang gusto nya lang talagang makipagkaibigan sa atin." tinitigan nya akong mabuti. Sumimangot ako. Well, hindi iyon ang nakikita ko.

"Can't you see that she's being too clingy with Kei? I mean kaya lang naman nya tayo nilapitan ay para makasama si Kei, hindi ba?" pangungumbinsi ko. Nagkibit ito ng balikat at ibinalik na ang mata sa libro.

Ako naman ay inis na pinagsusulatan ng kung anu-ano ang papel sa aking harap. "Baka naman selos lang yan, Chlo. Friendly lang yung tao."

Sinipat ko sya ng masamang tingin. "Hell no."

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
400K 9.5K 38
"I-Im sorry." malakas ang kabog ng dibdib na wika ko. He's looking at me dangerously. Palapit siya ng palapit sa akin Habang ako naman ay paatras ng...
892K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
200K 5.6K 24
Series 5 Zoldic Legacy Series