Ella
Lakad takbo yung ginawa ko para lang makarating sa kwarto kung saan naka confine si Atom iyak ako ng iyak habang iniisip ko na ano mang oras pwedeng mawala ang lalaking pinaka mamahal ko.
bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito alam ko na marami akong pag kakamali sa buhay ko pero si Atom ang isa sa tamang nangyari sa akin sila ng anak namin..
Atom please be strong wag na wag kang susuko wag na wag mo kaming iiwan ng anak mo..
pag kita ko palang sa mama ni Atom agad akong yumakap dito habang iyak ng iyak si Tammy naman kinuha ni Papa si Keni at Lee tahimik lang pero halatang kakagaling lang sa iyak
"Hija, I'm glad you're safe.." habang hinihimas nya yung buhok ko saka ko lang naramdaman na ligtas na talaga ako dahil nasa tabi ko na ang pamilya ko
"Ma. kamusta si Atom.."
"He's not okay sabi ng doctor kailangan pang tingnan ang lagay nya dahil sa aksidente nabugbug ang katawan nya at tumama sa matigas na bagay ang ulo nya kaya ngayon comatose sya.." Iyak ng iyak si mama habang nag sasalita hindi ko na rin ma pigil ang lalo umiyak dahil sa sinabi nya
Atom naman please wag na wag kang bibitaw wag na wag mo akong iiwan kasi hindi ko kaya..
Umalis ako sa pag kakayakap ni mama at tiningnan ko si Atom mula sa window glass halos mawalan ako ng ulirat ng makita ko sya na maraming nakasaksak na bagay sa katawan halos hindi ko sya makilala dahil sa mga galos nya at benda sa katawan..
"Atom please lumaban ka.." hindi ko alam kung anong klaseng sakit yung tumutosok sa puso ko habang nakatingin ako sa kanya..
he look so weak.
hindi ito ang Atom na kilala ko dahil ang atom na kilala malakas makulit mayabang punong puno ng buhay..
Lord please naman po iligtas nyo ang asawa ko gagawin ko lahat ng gusto nyo na kahit buhay ko pa ang kapalit para lang mailigtas sya sige kunin nyo na wag nyo lang syang hayaan mamatay..
"Ella, Kailangan mong mag pakatatag para kay Atom at para sa anak nyo.." Hawak ni Lee yung balikat ko yumakap nalang ako sa kanya dahil hindi ko na alam kung anong isasagot ko dahil gulong gulo na ako .
"Daddy! please be strong don't leave us! huhuh.." iyak ng iyak ang anak ko habang buhat sya ng lolo nya
"Baby daddy will be alright.. I promise." kinuha ko sya at niyakap ng mahigpit..
"Mommy huhuh." awang awa ako sa kanya pero wala rin akong magawa isang milagro nalang ang hinihintay namin,
-----------------------------
Halos ilang oras na ako akong naka tayo sa harap ng window glass pero di ako napapagod babantayan ko si Atom hanggat magising sya.
"Ella mag pahinga ka naman.." pag tingin ko si Lid
"Lid, Thank you for saving us.." hindi ko na naman mapigil ang umiyak kaya agad nya akong niyakap kung hindi dahil sa kanya siguro patay na kami ng anak ko
"Alam mo naman na mahal namin kayo ng anak mo kaya kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun kahit si Lee at Keni gagawin din yun kaya wag mong iisipi na wala kang pamilya kasi nandito kami huh."
"Salamat.." yung lang ang kayang kong sabihin dahil nag papasalamat ako at dumating sila sa buhay ko .
"Sige na kumain ka muna si Tammy kasi inuwi muna nila mom at dad ako muna mag babantay kay Atom."
"Ayoko iwan si Atom gusto ko kapag nagising sya ako yung una nyang makikita."
"Hindi ka pa kumakain simula kanina baka mag kasakit ka siguradong lagot kami kay Atom kapag nangyari yun kaya kumain kana wag na matigas ulo." ginulo nya yung buhok ko kaya wala na rin akong magawa
"Sige kakain muna ako pero babalik din ako agad tawagan mo ako kapag nagising na sya huh."
"Okay,"
agad akong bumaba at lumabas ng ospital para kumain pero pasakay palang ako ng kotse ng biglang may mag salita sa likod ko
"My Dear Ella akala mo ba talaga matatakasan mo ako.." nanginig ako sa boses ng demonyong nasalikod ko kaya pag harap ko nakita ko sya
"K-Kuya Jim a-anong g-ginawa mo d-dito" lumayo agad ako sakanya
"Hindi kayo makakatakas sa akin dahil akin ka lang kayo ng anak ko! babawiin ko kayo!" agad syang sumugod sa akin pero nakatakbo ako
"Help! help!" sigaw ako ng sigaw pero walang tao sa parking lot!
Diyos ko parang awa nyo na wag nyong hayaan na makuha ako ulit ni kuya Jim
"Akin ka lang!" sigaw nya saka ako hinablot sa bewang
"Kuya Jim please bitawan mo ako! baliw ka na!" sigaw ko sa kanya saka ko sya pinag hahampas sa dibdib pero walang epekto sinabunutan ko sya pero agad nyang nahawakan ang mga kamay ko kaya hindi ako makagalaw malakas sya at wala akong laban
"Babalikan ko ang anak natin pero sa ngayon tayong dalawa nalang muna medyo matagal na rin tayong hindi nakakapag solo."
kinilabutan ako sa sinabi nya at natakot paano kung may masamang gawin sa akin si kuya jim hindi pwede kailangan makagawa ako ng paraan para makatakas
"Kuya Jim please pakawalan mo na ako.." pag mamakaawa ko pero walang epekto sa kanya
"Na miss ko na ang mga halik mo mahal ko ngayon gabi magiging akin ulit ang katawan mo.." para syang manyak kabang naka ngiti
"Maawa ka kuya Jim. pakawalan mo ako!" iyak ako ng iyak dahil sa takot
"Akin ka lang! walang pwedeng makinabang sayo lalo na yung atom na yun!" sigaw nya saka ako pinasok sa loob ng kotse
"Ella!" Nabuhayaan ako ng loob ng makita ko si Keni na lumabas sa kotse nya pero agad nakapasok si kuya Jim sa kotse ko at pinaadar yun ng sobrang bilis nakita kong sinundan kami ni Keni
Lord wag nyo po akong pabayaan na mapahamak sa kamay ni Kuya Jim..
"Hindi ba talaga titigil ang mga hayop na yan na makialam sa buhay natin!" galit na galit si kuya Jim habang nag mamaneho
"Ikaw ang nag papagulo sa buhay namin! hayop ka!"
"Manahimik ka! akin ka lang ako ang una at huli Ella! tandaan mo yan!"
"Oo ikaw ang una pero si Atom lang ang huli sya lang sya lang ang mahal ko! mahal na mahal ko sya mas minahal ko sya kaysa sayo!" sa sobrang galit ko nakipag agawan ako sa manibela
"Ella! wag kang magulo! mababangga tayo!" sigaw nya habang inaalis yung kamay ko pero despirado na ako
"Mas maganda nga yun para mamatay na tayo! para manahimik kana!"
"Ella! mababangga tayo ano ba!"
"Ahhhhhh!!!!!!" Isang malaking truck ang nasa harap namin ngayon nasilaw ako sa ilaw at napahawak sa mukha ko hindi ko alam kung eto na ang katapusan ko
pero sana kung ito na rin ang huling beses na hihingi ako ng tawad sana patawarin nyo ako at sana kapag wala na ako ingatan nyo ang anak ko at si Atom..
kung ang buhay ko ang kapalit para maging tahimik na ang buhay ng pamilya ko payag na ako..
siguro minsan talaga kahit gaano pa kayo mag mahal talagang darating yung pag kakataon na kailangan nyo din mag hiwalay..
nilamon ako ng liwanag..
Eto na nga siguro ang katapusan..
-----------------------------------------------
bitin na naman kayo? lagi naman eh basta mag UD ako hindi ko kayo iiwan sa ere tatapusin ko to kaya chill lang kayo huh.
Ang pag ibig talaga di mo alam kung kailangan dadarating kaya kapag naramdaman mo na wag na wag mo nang papakawalan..
Ano kayang mangyayari? paki explain lab you!