Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?

37.7K 409 47
By wistfulpromise

Chapter 26

Stretch sa kaliwa, stretch sa kanan. Ikot ng bewang paharap, ikot ng bewang palikod. Jumping jack ten times, sit-ups twenty. Samahan pa natin ng air boxing sabay sipa sa hangin. Grabe nakakamiss talaga ang ganitong exercise. 

"Ang aga nating magising ngayon ate ah." 

Lumingon ako sa nagsalita at nakita si Kelly na umupo sa isang upuan malapit sa akin. Nandito kami sa may garden ng bahay, makulimlim pa ang kalangitan dahil pasikat pa lamang ang araw. 

Tinanggal ko ang headset sa tenga ko at ngumiti sa kanya. 

"Kailangan eh. Sumasakit ang buong katawan ko kapag hindi ako makakapag-exercise. Ikaw ba? Bakit ang aga mong gumising ngayon? Tulog pa ba si Nyree?"

"Opo ate tulog pa. Ang lakas nga ng hilik eh." 

Tumawa ako sa huli nyang sinabi. Sandali syang natahimik samantalang ako ipinagpatuloy ko ang pag-eexercise. Kailangan ko talagang ikundisyon ang katawan ko para kay master Magdaleine. Mahirap na. 

"Ate?" Pambabasag nya ng katahimikan.

Saglit akong napalingon sa kanya. "Hmm?" 

"Anong masasabi mo kay Leira?" 

Tumingin ako sa kanya, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pag-eehersisyo. Mga ala-ala ng nangyari kahapon ay nagbabalik sa isipan ko. 

"I think she's nice." Matapat kong sagot. Bukod siguro sa naramdaman kong kakaibang presensya nya kahapon ay wala na akong ibang nakikitang dahilan para hindi sya magustuhan. Tahimik lang siguro sya kahapon dahil hindi pa sya gaanong sanay sa amin. Pero pasasaanbat alam ko, makakapag-adjust din sya. 

"I don't really like her." Kibit balikat nyang saad. 

"Bakit naman?" 

"Ewan ko eh. There's that feeling I can't comprehend. May something sa kanya na pakiramdam ko walang magandang maidudulot sa atin. I don't really like her around Nyree. I don't really like her around us.

Sa pagkakataong ito ay huminto na ako sa ginagawa ko. Pagkatapos lagukin ang tubig sa loob ng water bottle ay muli ko syang hinarap. Bakas ang pag-aalala sa mukha ko. 

"Oh Kelly don't be like that. Give the girl a chance. Malay mo di ba, naninibago lang sya. Don't judge people that easily just because you don't know them well yet."

Itinupi nya ang dalawang braso sa dibdib. Halata ang katigasan ng ulo sa mukhang ipinapakita nya sa akin

"Ah basta. I don't like her. Period." 

Pagkatapos ipakilala ni Nyree sa akin si Leira kahapon ay agad ko syang naalala. Sya yung bagong estudyante na tinulungan ko noong unang araw ng pasukan sa Princeton! Pagkatapos magpakilala sa isa't-isa ay nagkwentuhan pa kami saglit kahit na ba sa buong pag-uusap ay halata pa na nahihiya sya. Sayang nga lang at hindi ko na sya naabutan noong nagpaalam ako para pumunta sa banyo dahil naiihi na ako. Ang nakakapagtaka lang, noong pagkalabas ko sa banyo ay naabutan ko sya na sinampal si Nathan ng napakalas sabay sigaw ng 'manyak!'. Sa pagkakaalala nito ay hindi ko mapigilang mapaisip. Ano nga ba ang nangyari? Hindi ko kasi naitanong kahapon dahil hinila na ako agad ni Niel para sa training namin kay Lady Magdaleine. 

Napapitik ako sa hangin dahil sa pagkakaalaa ng mga nangyari kahapon. 

"Sya nga pala, ano bang nangyari kahapon? Nag-away ba si Nathan at Leira o may ginawa na namang kababalaghan si Nathan sa kanya kaya nangyari sa kanya yun?" 

"Neither of the two." Maikling nyang sagot. "May sira yata ang babaeng yun dahil bigla bigla na lang nananampal ng walang dahilan. Isinosoli lang naman sa kanya ni Nathan yung bag na naiwan nya tapos ganun pa ang ginawa nya. How dare she!" 

"Baka may nangyari naman kasi. Alam mo naman si Nathan, may pagkaloko loko rin minsan." depensa ko naman

"Walang ginagawa si Nathan ate, si Leira ang nauna. Nagmamagandang loob na nga yung tao yun pa ang ginawa nya. Dahil sa nangyari kahapon hindi na talaga magbabago ang isip ko. I will forever dislike that girl, ever." 

Sumitsit ako sa harap nya. Pailing iling ko syang binigyan ng tingin. 

"Kelly don't be like that. Ayokong naririnig na nagsasalita ka ng ganyang sa ibang tao." 

"Pero ate totoo naman eh. That girl is evil!--"

"Kelly!" 

Sa tono ng boses ko ay bigla syang napahinto. Iniba nya ang tingin mula sa akin ngunit naroon pa rin ang tingin na hindi na nya babaguhin ang naging desisyon nya. 

Huminga ako ng napakalalim bago nagsalita. "Kelly kung ayaw mo sya, mas mabuting wag ka na lang magsalita. Don't call her names, it's never been nice. Di ba lagi kong sinasabi sa inyo na dapat tayong mag-ingat palagi? Be good to everyone you meet because you'll never know. Mamaya dahil lang jan sa simpleng disgusto mo sa kanya ay maari mo syang maging kaaway na pagsisisihan mo habang buhay." 

Ibinalik nya ang tingin sa akin. May buong pagtitimpi syang tumango na parang ginawa nya lamang ito dahil wala syang choice. 

"Opo." Napipilitan nitong sagot.

Muli akong napailing dahil sa tono ng pananalita nya. Gayunpaman, natutuwa ako na naiintindihan nya ang punto ko. Ngumiti ako at saka sya niyakap. 

"Now that's my girl." Ginulo ko ang buhok nya kaya napasimangot sya sa akin 

"Ate naman eh." 

Bahagya akong natawa dahil sa reaksyon nya. Pilit nyang inililigtas ang buhok sa kamay kong mapanggulo.

"Basta baby girl alam mo naman na pwede mong sabihin sa akin ang kahit ano di ba? Pero kung alam kong mali na ang sinasabi at ginagawa mo, hindi na ako magdadalawang isip na itama ka. Para rin sayo yun." 

Pilit syang ngumiti. "Opo na po." 

"Ay pilit?" Kunot noo kong tanong. Natawa sya sa sinabi ko. 

"Ikaw kasi ate eh." 

"O bakit ako?" 

Sinimangutan nya ako. "Bakit kasi gusto nyo ni Nyree yung Leira na yun?" 

"Aba, wala naman akong sinasabing gusto ko sya ah. Sabi ko, 'she's nice' yun lang. Basta ako I won't judge her that easily dahil hindi ko pa sya ganun kakilala kaya dapat ganun ka rin."

Sandali pa syang natahimik. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang simangot na nakaguhit sa mukha nya. 

"I won't promise." Matipid nyang pahayag. Hay naku. Napapailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo ng batang ito. 

Noong narinig na namin ang malakas na tilaok ng mga manok kasabay ng unti unting pagsikat ng araw ay tinawag na kami ni ate Desi para sa umagahan. Hindi ko na sya kukulitan tungkol sa bagay na ito pero sana pag-isipan nya ang lahat ng sinabi ko.

Pagkatapos mag-umagahan ay tumawag sa akin si Jace. Pinipilit nya na sunduin ako pero hindi ako pumayag. Alam ko kasing maaga pa sya sa office ngayon. Kawawa naman sya kung pabalik balik pa sya kaya para wala ng gulo, ako na ang unang tumanggi. Inoffer nya na si Aiden na lang ang sumundo sa akin pero tinaggihan ko. Natatakot kasi ako na sa muling pagkikita namin ay baka hindi lang bangayan ang abutin namin kundi baka magpatayan pa kami. 

Magmula ng sunduin ako ni Jace dito sa bahay papunta sa school, huminto na sa pagsundo sa akin si Niel. Madalas doon na lamang kami sa school nagkikita. Ang nakakainis ay hanggang ngayon nag-iiwasan pa rin sila ni Jace sa isa't-isa. Ilang beses ko na ngang kinukulit si Julian eh. Ang tagal kasing umusad ng plano nya. Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang Filipino tutorial nya kasama si Jace at si Niel na pilit nyang isinasama pero hanggang ngayon ay wala akong makitang improvement

"I'm almost there." Ang palagi nyang sinasabi sa tuwing tinatanong ko kung kamusta na ang 'Operation: Pagbatiin ang dalawang magbestfriend 101' nya. Madalas ay nginingitian nya lang ako ng pagkalaki laki sabay paulit ulit na taas ng kilay. Sa totoo lang ay nagdududa na ako sa kanya kung may pinatutunguhan nga ba talaga ang plano nya o wala. 

Sasabay na sana ako kanila Julian kanina sa school pero may inihabol akong assignment kaya nagpaiwan muna ako saglit. Noong matapos ko, magpapahatid na sana ako kay manong Raul pero kahit sya ay no where to be found. Tinanong ko si ate Desi kung nasaan nya at sinabing on-leave raw ito dahil may kailangang daluhan na kasal sa kakilala.

Napakamot ako sa ulo at napaisip. I have three choices to go to school. Una ay ang maglakad but chances are, dudumugin ako ng mga fans ko. Wala na akong oras magdisguise dahil nagmamadali na rin ako sa klase. Pangalawa, pwede akong magpahatid sa mga myembro ng Ellipses. Pero sa totoo lang naiilang ako kapag kasama sila dahil masyado silang pormal at mukhang takot na takot sila sa akin. At pangatlo, pwede akong magcommute. Pero... ayaw ni Jace na nagcocommute ako mag-isa dahil delikado raw. Ganun din ang rason ng mga gangmates ko kaya wala talagang nagcocommute sa amin. Wala naman akong ibang mautusan sa myembro ng Intricate gang dahil karamihan sa mga ibang myembro noon na nagstay dito sa bahay ay pinabalik ko na sa Canada. Mas kailangan kasi sila ni kuya Paul doon. Kaya sa Intricate gang, ako, si Julian, Reece, Nyree at Kelly na lang ang naiiwan dito sa Pilipinas. Mas mabuti na rin ang ganito. 

Sa ikalawang banda, pwede pa rin kaya si Niel? Matawagan nga. 

"The number you have dialed is unavailable at this moment. Please try again later" Nakasimangot kong ibinaba ang phone ko matapos marinig ang answering machine ng cellphone nya. Niel nasaan ka ba? 

Eh kung si Julian kaya? Pwede pa rin naman nya siguro akong balikan diba? Excited kong dinial ang number nya pero tulad ng kay Niel ay answering machine rin ang sumagot sa akin. Napakamot ako sa ulo. 

"Si Jace kaya? Tapos naman siguro sya sa dapat nyang gawin diba? Kanina pa yun eh." 

Pinindot ko ang call button sa number ni Jace at pasipol sipol na hinintay ang sagot nya. Nang bigla akong marinig na boses ay lumiwanag ang mukha ko. 

"Jace--"

"The number you have dialed is unavailble at this moment. Please--" Iritado kong isinara ang cellphone ko. Urgh. ''Waee you no answerrr!!' Reklamong sigaw ng utak ko. 

Oh well, very well then. I was left with no choice. 

Bago lumabas ng bahay ay sinigurado kong dala dala ko ang sumbrero na ibinigay sa akin ni Niel noon. Pagkatapos magpaalam kay ate Des ay nagsimula na akong tumakbo sa labas. Ang sarap ng simoy ng hangin. Grabe, nakakamiss talaga ang tumakbo. 

Makakalahati ko na ang daan papunta sa school ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. So far so good naman dahil wala yatang nakapansin sa akin. Maswerte ako na mukhang busy yata ang lahat ng tao sa paligid. 

Sobrang laki ng ngiti ko sa mukha matapos makita kung sino ang tumawag. Excited ko itong sinagot. 

"Polar!! Good morning!" Masigla kong bati. Sandali akong tumingin kanan at kaliwa bago tumawid ng daan. 

"Tumawag ka kanina?" Tanong nya sa akin. 

"Yup!"

"Nasaan ka na? Nasa school ka na ba?" 

"Ah eh," Bahagya akong napakamot. "Hindi pa eh." 

"Huh? Bakit?" Nag-aalala nyang tanong. "Malapit ng tumunog ang bell. Late ka na naman. Nasaan ka na ba? Malapit na ako sa school. Susunduin na kita."

"Ah? Naku wag na! Iikot ka pa. Okay lang na ma-late ako. Batikan naman na ako jan eh. Ikaw mauna ka na sa klase. Huwag mo na akong hintayin baka ma-late ka rin."

Nagsimula na naman akong tumakbo. Ilang likuan na lang. Malapit ka na si Serene! 

"Serene" sabi nya sa tono na para akong batang maliit na medjo slow kung makaintindi "Nasaan ka ba?"

"Nasa kabilang kanto na. Malapit sa school.

Habang tumatagal ay pabilis na ng pabilis ang paghingal ko. Nonstop na kasi ako kung tumakbo. Hindi na nga rin ako makapagconcentrate na magsalita eh. 

"May sumundo ba sayo?" Maya't maya ay tanong nya. Narinig yata ang paghingal ko kaya wala pang ilang sandali ay muli na naman syang nagsalita. "Huwag mong sabihin na naglakad ka papunta sa school?"

"Parang ganun na nga.Kung nasa harapan ko lang siguro sya marahil ay binigyan na nya ako ng tingin at iling. 

"Nasaan ka eksakto?" Tumingin ako sa paligid at sinabi sa kanya kung nasaan ako. "Dyan ka lang. Susunduin na kita.Sabi nya gamit ang seryosong tinig. Bago pa ako makatanggi ay agad na nyang ibinaba yung phone. Kita mo yung polar na yun.

Malapit na lang din naman ako sa school. Hihintayin ko pa ba sya?

"Serene!" Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses. Si Jace na ba yun? Ang bilis naman. 

May kotseng huminto sa harap ko at nakita si Souta na lumabas mula rito. 

"Souta ikaw pala." Gulat kong sambit. Hindi ko kasi inasahan ang pagpunta nya rito. 

"Tamang tama papunta palang sana ako sa school nyo. Napag-isipan mo na ba yung proposal ko sayo?" tanong nya.

"Oo. Nasabi ko na rin ang tungkol dito kay Jace at sa iba ko pang pinagkakatiwalaang kaibigan." 

"Sinabi mo?" Halata ang gulat sa mukha nya. "But you promised that this secret will only be--"

"I know. I know." Putol ko sa sinasabi nya. "Pero wala kang dapat ikabahala dahil ligtas pa rin ang sikreto mo. I'll take full responsibility kung may mangyari man na kagagawan nila. But I assure you, your secret will always be safe with us."

"Very well then, I have your word GClef." Pinagbuksanan nya ako ng kotse nya "Come on in?" 

Umiling ako. "Hinihintay ko pa si Jace." 

"Ah Jace? Parang pamilyar." Kumunot ang noo nya na para bang napakalalim ng iniisip. 

"Kung kilala mo ang Black Savage Gang, siguradong kilala mo sya." 

Bigla syang napapitik dahil sa sinabi ko.

"I knew it! Sabi ko na nga ba eh. The famous leader of Black Savage," umiling iling sya pero malayo ang tingin. "I wonder kung paano mo natatagalan ang isang katulad nya. Sya ang isa sa pinakakinatatakutan sa gangster world. Though, hindi ko pa sya nakakaharap ng harapan, I heard he's dangerous." Tumingin sya sa akin at kunot noo akong tiningnan. "How are you even associated with him? Ang alam ko ni wala ngang nakakalapit at nakakakausap doon eh."

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi pa ba nya alam na kami na ng taong tinutukoy nya?

"Siguro sa unang tingin mukha syang nakakatakot pero... he's not that dangerous you know" depensa ko naman. Alam ko matagal na na ganun ang reputasyon ni Jace sa gangster world pero ipinagsasawalang bahala ko lamang ito. Siguro nga nakakatakot sya sa harap ng iba pero sa harap ko alam ko, yun ang tunay na sya. 

"You talked like you really knew him very well. How so?" 

"Hindi lang kilala, kilalang kilala." Ngumiti ako sa kanya. "Kami kasi matagal na." 

 Napaatras si Souta dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga mata nya akong tiningnan. 

"You're kidding right?" 

"Certainly not." Buong tapang akong ngumiti kahit na ba sobrang nag-iinit na ang mukha ko. "Actually, he wants to meet you personally as soon as possible. Yun kasi ang nag-iisang kundisyon na hiniling nya sa akin bago nya ako papayagan. Okay lang ba sayo?" 

Biglang natahimik si Souta. Nung tiningnan ko sya, nagulat ako dahil sa pamumutla ng mukha nya. Buhay pa ba 'to? 

Bahagya ko syang itinulak "Souta hoy!"

"A-ah eh ano-- I mean, are you sure?" Nag-aalinlangan nyang tanong. 

"Sure saan?" 

"That he wants to meet me in person." Tumango ako.

"Oh no I'm dead." Narinig ko pang bulong nya.

"Bakit?" Naguguluhan kong tanong. "Ano bang problema roon eh kakausapin ka lang naman nya saglit?"

"Yun nga eh." kabado nyang sagot "Serene you know that Black Savage is a very private gang. Hindi nakikipag-usap ang leader nila ng basta basta kung kani kanino. Kadalasan kapag sobrang importante pero bukod pa roon ay wala na. Because anyone who does... is definitely asking for a death sentence." 

Ganun ba talaga katakot ang ibang gang sa Black Savage? Kung sabagay, ang Ellipses gang na syang gang ng pamilya namin ang nag-iisang gang na naglakas loob na kalabanin ang Black Savage noon. Kaya siguro walang epekto sa akin ang presensya nila kahit na ano pang marinig ko sa iba. 

"Nah. Don't worry si Jace lang yun." sabi ko sa kanya

"Sa lahat ng gang na nakilala ko, lahat takot sa kanya. Marinig lang ang Black Savage nangangatog na ang mga tuhod nila. Bukod sa Ellipses, Ang gang nila ang pinakinatatakutan. Kaya kahit ano pang sabihin mo, kayo man o hindi, he's still one of the leader of the famous Black Savage-- along with The Highest of course." 

Sasagot pa sana ako ng bigla na lang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. 

"I better leave then." Paalam ni Souta kaya nalihis ang tingin ko sa kanya mula sa cellphone na hawak. "Itawag mo na lang sa akin kung saan kami magkikita." 

"Teka, ayaw mo ba syang imeet ngayon? Papunta na rin sya rito teka sandali at kakausapin ko lang sya--" 

"No need." Sagot nya. "This place is not the best place to meet such important person. Hihintayin ko ang tawag mo." Tapos tumalikod na sya at pumasok sa kotse nya.

Muling nagvibrate ang phone ko kaya sinagot ko na ito agad. 

"Bakit ang tagal mong sagutin yung phone?" Yan ang pambungad nyang tanong pagkalagay na pagkalagay ko ng phone sa tenga ko. 

"Pasensya na po. May kinausap lang ako saglit. At saka bakit ang sungit mo na naman polar? Kumukunot na naman yang noo mo. Ngiti ngiti rin pag may time. Dagdag pogi points yun."

Narinig ko syang napabuntong hininga ng napakalalim.

"Late na nga tayo nagbibiro ka pa dyan."

"Eh masyado ka pong seryoso eh. At para sagutin ang tanong mo kanina, nandito po ako sa may kanto malapit sa may stoplight."

"Okay sige. Nakikita na kita."

"Alright-y! Ibaba ko na. Babush!"

Sinundan ko ng tingin ang kotse na sinasakyan ni Souta. Kumaway kaway pa ako bago ito naglaho sa paningin ko. Wala pang ilang sandali ay isang bagong kotse na naman ang huminto sa harapan ko. Bumukas ang bintana at nakita na lulan ito ni Jace. May suot syang itim na shades kaya hindi ko gaanong maaninag ang mga mata nya. His lips were tight and he doesn't look happy.

"Sino yun?" tanong nya. Tinutukoy nya yung kotse ni Souta na halos kaaalis lang. 

"Si Souta. Yung sa Maeda Mora?" 

Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya agad akong pumasok. Pero bago tuluyang maupo sa upuan ay may napansin ako. May isang bouquet ng bulaklak ang nakalagay dito.

"Aah. Souta." Sabi nya na may patango tango pa.

Kinuha ang bulaklak at saka ito inamoy. Kahit anong gawin ko hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. 

"Paano mo nalaman na tulips ang favorite flower ko?" Tanong ko. Pagkatapos isara ang pinto ay tumingin ako sa kanya.

"Sigurado ka bang sayo yan?" Masungit nyang sagot sabay paandar ng kotse. 

Hinanap ko kung may card yung bouquet at nakita na may maliit na nakasabit dito. To my panda-- ito ang malinis na nakasulat dito. Huwag mong sabihin na may iba pa syang panda bukod sa akin? 

"Naku echos ka pa eh. Pero salamat dito sa bulaklak ah."

"Nasabi mo na bang makikipagkita muna sya sa akin bago ka pupunta doon sa misyon mo?" Seryoso nitong tanong sa akin

Hindi man lang ako pinansin? Kita mo 'to. "Oo nasabi ko na."

"Anong sabi nya?" 

"Itawag ko na lang daw sa kanya kung saan at kailan." 

Lumiko kami sa isang kanto. Mula rito ay nakikita ko na ang malaking gate ng Princeton Academy.

"Ano pang pinag-usapan nyo?" 

"Wala naman gaano." kibit balikat kong sagot. Nakangiti kong inamoy amoy at pinagmasdan ang mga bulaklak na hawak ko. Ang gaganda talaga ng tulips. Kaya nga ito ang favorite flower ko eh.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pagkalapad lapad. May pasungit sungit pa syang nalalaman eh ang sweet sweet nya naman talaga. "Bukod siguro doon sa misyon eh inalok nya lang ako na ihatid na sa school kanina--" 

Pagdating namin sa harap ng gate ay biglaang huminto ang sinasakyan namin. Kulang na lang ay tumalbog ako sa kinauupuan ko dahil sa sobrang lakas ng preno. 

"Jace! Dahan dahan naman sa pagprepreno! Madidisgrasya tayo nyan eh!" Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan ako roon ah. Akala ko kung ano na. Hindi ko tuloy napigilang mapasigaw.

"Pasensya na. Nagmamadali na kasi ako eh. Late na kasi tayo. Sayang ang oras."

Kasalukuyang binubuksan ng mga bodyguards na nasa paligid ang malaking gate ng school. Medjo mabagal dahil malaki yung gate. At pagkatapos nang tuluyang mabuksan ang gate ay agad nya ulit pinaandar ang kotse. Napakalamig ng boses nya. O baka yung aircon lang yun sa kotse nya? Nakafull volume yata. Ang lamig!

"Kung masyado ka naman palang nag-aalala sa oras sana dumiretso ka na. Hindi mo na lang sana ako dinaanan." Bahagya akong napakamot sa ulo. Minsan kasi talaga pahamak ako eh. 

Narinig ko syang suminghal kaya napatingin ako sa kanya. May ngisi sa mga labi nya na hindi ko mawari. 

"Bakit ayaw mo ba akong kasama?" Bahagya syang tumingin sa akin pero agad din nyang ibinalik sa minamaneho nya.

"Wala akong sinasabing ganyan. Ang sa akin lang, ayokong nala-late ka ng dahil sa akin." 

"Ah. So gusto mo akong pumasok agad para mas humaba pa yung oras ng pag-uusap nyo ganun ba yun? Para walang panggulo at mas lalo pa kayong makapag-usap ng masinsinan. At para saan? Panibagong sikreto na naman ba na kayo lang dalawa ang nakakaalam? Great thinking. I like your strategy." 

Binigyan ko sya ng tingin. Ano bang pinagsasabi nya? 

"Meron ka naman na palang Souta na nag-aalok sayo kanina, bakit hindi ka pa sumama? Ang saya saya nyo nga kanina eh. Pasensya na ha dumating pa ako. Naistorbo ko pa yata kayo." Inihinto nya ang sasakyan sa parking area at saka agad na bumaba. Padabog nyang isinara ang kotse at iniwan akong nakatunganga. 

Mabilis kong kinalas ang seatbelt sa bewang ko at mabilisan syang hinabol. Iniwan ko na ang bulaklak sa kotse nya. Mamaya na muna sya, ang bulaklak makakapaghintay pero si Jace hindi na. 

"Jace sandali lang," Nahawakan ko ang braso nya kaya napahinto sya sa paglalakad. "Ano bang problema mo?"

Sandali pa ang pinalipas nya bago sumagot sa akin. "Wala." Kunot noo syang umiling. "Forget what I've said. Halika na ihahatid pa kita sa klase mo." 

Nag-umpisa na syang maglakad pero nagpaiwan ako. Why does he need to be so cold all of a sudden? Kanina sa phone okay naman kami ah. 

"Tinanong lang ako ni Souta kung papayag na ba ako o hindi. Sabi ko hindi ako sasama sa kanya hanggat hindi mo pa sya nakakausap dahil yun ang hiling mo sa akin. Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang yun. Kung nagseselos ka, sabihin mo. Hindi yung nagdadabog ka jan na parang bata. Kung may nagawa ako na hindi mo gusto kaya nagkakaganyan ka, sabihin mo para maayos ko. Hindi ka abala at mas lalong hindi totoo na ayaw kitang kasama. Ang sinasabi ko lang, ayaw kong napapahamak ka ng dahil sa kapalpakan ko. Di bale ng ako ang ma-late wag lang ikaw. Di bale ng ako ang mapagalitan at mabigyan ng detention, wag lang ikaw. Ikaw lang naman ang iniisip ko eh. Ikaw lang ang inaalala ko. Kaya wag ka namang ganyan.

Pagkatapos sabihin ito ay hindi ko na hinintay ang sagot nya. Bakit? Sya lang ba ang pwedeng mainis at magtampo? Hindi na ako dumiretso sa klase ko dahil wala na ako sa mood. 

Dinial ko ang number ni Reece sa phone. 

"Rene! Hello!" masigla nyang bati matapos ang ilang ring "Nasaan ka na? Malapit ng mag-umpisa yung klase. Huwag mong sabihing late ka na nam--" 

"Reece I have a favor. Ikaw muna ang bahalang mag-excuse sa akin ah hindi ako papasok ngayon." 

"What? Why?"

"Basta. Call you later okay?" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at tuluyang in-off ang phone. Time first muna sa school. It's time for some gangster business.

Pampawala rin ng bad vibes. Sana.

Pagkalabas ng school ay agad kong tinawagan si Souta. Ako na ang nagset ng meeting place, oras at date para sa pagkikita nila Souta at Jace. Kung hihintayin ko pa kasi si Jace walang mangyayari. Mas mabuti ng mas mabilis para mas sigurado. Gusto ko na rin kasing matapos ito para masimulan ko na ang misyon namin sa Maeda Mora as soon as possible. Pagkatapos iconfirmed ay agad ko ng itinext ang lahat ng impormasyon kay Jace. Kung saan, kailan, anong oras-- lahat. Noong una nagtype pa ako ng smiley doon sa huli kong text. Pero matapos maisip na naiinis pa rin ako dahil sa ikinilos nya, agad ko rin itong binura at saka isinend sa kanya. 

Hay buhay. Kailangan na talaga naming mag-usap ng sungit na yun bago pa 'to lumala. Nakakainis mang aminin pero namimiss ko na sya agad. Ayaw ko ng nag-aaway kami ng ganito. Hindi maganda sa pakiramdam. 

 ♥♥♥

AUTHOR'S NOTE:

Another stressful week for me :( Kaya ayan pati UD stress. Parehas na kami ni Serene na stress-- stress sa lahat ng bagay xD Hindi muna sana ako mag-uUD but I feel like I owe u one guys. Sa totoo lang nakailang bura ako dito sa ud na 'to. Hindi kasi ako makuntento eh haha. Ayoko kayong masyadong pinaghihintay ng sobrang tagal. Pasensya na for a very crappy update. Babawi na lang ako sa susunod na UD but I hope u all like it :) 

Question for the week! 

Bakit kaya ayaw na ayaw ni Kelly kay Leira? Any foreshadow? Predictions? Hmmm :) At si Jace! Yieee! Nagseselos pero ayaw aminin :"> Meygeyhd. Anong masasabi nya sa inasal ni Jace? Haha (Sa totoo lang I'd written worst scenarios for this scene pero binura ko lang at binago LOL) 

Hay. Hay buhay. Action for the next UD kaya abangan! I can't wait to write it right now!! Weeehooo! At sa mga magtatanong kung kailan ang UD? Pwedeng enjoyin nyo muna 'to dahil mahirap pong mag-isip? Please? :) Sa mga paulit ulit na nagtatanong, i'll update with my own time and whenever i feel like it.

Kung gusto nyong ganahan akong magsulat at mag-UD agad, comment comment at vote vote din pag may time. Para atleast naman makita ko na may nagbabasa at nagpapay attention sa sinusulat ko. Napakaraming unanswered questions dito sa estoryang ito, tanong na kailangan ng kasagutan, at clues o foreshadow para sa mangyayari in the future Ud's kaya maraming bagay na pwedeng icomment at pag-usapan. Feel free to ask :) Pero parang wala yatang nakakapansin ^O^)7 Oh well. Hindi kasi ako yung manunulat na sulat lang ng sulat at lagay lang ng lagay ng characters ng walang dahilan. Lahat sila may important roles at may important symbol sa story kaya I hope u'll pay attention ;) 

Bawat Ud ay pinag-iisipan ko talaga. Hindi yung *KABLUM!*KABLAM!*OPEN SESAME!* eh makakapagsulat ako agad at makakapag-isip. Kung gusto nyong makabasa ng maganda at matinong UD, patience patience lang. Sabagay kung iisipin, pwede rin naman akong mag-ud everyday, yun nga lang, ONE to TWO page lang per day tapos puro spacing (dahil wala akong maisip) para intense. But who would like that? Sigurado namang ayaw nyo rin nun dahil kahit ako ayaw ko nagsusulat ng ganun. My stories were known for their unique style and quality and I want it to stay like that. Kaya sana po, patience rin okay? :) 

I LOVE YOU ALL LISTENERS! INGAT KAYO LAGI AND KEEP INSPIRING! 

MWUAH!

P.S. Kung nagtataka kayo kung bakit ko hindi exactly tinuloy yung kasunod ng last UD, yun ay dahil ang katuloy ng Chapter 25 ay nasa TSR Chapter 10 :) Ayaw ko na kasing ulitin ang nasulat ko na kaya iniba ko na lang intro nitong chapter na 'to :) Yun lang! OLE! 

~G.Jade

Continue Reading

You'll Also Like

135K 2.7K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
457K 10K 49
Blurb: Charm Moldez was a simple snatcher who was able to snatch the heart of Thunder Devoncore, a mafia boss. Snatching and stealing are so easy for...
1.2M 30.3K 88
COMPLETED Story Description: Accused and condemned as the murderer of Keizer's death, her late boyfriend, Denniese Imee Earl, who was considered as n...
25K 886 32
Janna is a fearless and extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of danger. A combat fighter, black belter and sharp shooter. She's ta...