Killing Him [COMPLETED]

By LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED More

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

THIRTEEN

22.1K 663 14
By LetMeBeThatGirl

THIRTEEN

Umupo na kami sa kanya kanya naming silya. Syempre ay magkasama kami ni Maxine sa iisang table. Ang iba pa naming kasama rito ay kaibigan ng partner nya. The three other girls are okay. They're approachable and so as their partners. Five girls and five boys per table kaya naman marami halos ang table sa buong lugar.

It's also good that the school's venue was huge to accommodate us all. Halo halo na ang seniors at juniors. May iba na ang ka-date nila ay either higher or lower year lang.

Nakaupo lang kami sa table habang pinapanood ang sumasayaw sa gitna. The light's dim at nasa gitna lang ang maliwanag na ilaw.

"I saw that earlier." bulong ni Max. She's on my right while Kei's on my left. Magkadikit na halos ang upuan namin ni Kei. Kahit gustuhin ko mang ilayo ang silya ko sa kanya ay hindi ko rin magawa dahil sa ginigitgit ako ni Max.

Kei's arm is resting on the back of my chair. Hindi naman gaano nakadikit ang kamay nya sa aking balikat ngunit onting usog ko lang ay lalapat na iyon sa akin. "Ano 'yon?" tanong ko pabalik kay Max.

"Yung hawak portion sa may baywang." ngumising aso ito sa akin. Inilingan ko lamang ito at binalewala na ang kanyang sinabi. Pinagpatuloy namin ang panonood sa mga nagsasayaw sa gitna.

Kei's busy with his phone. Marahil ay may ka-text itong iba. Babae kaya? Taga-section nila? Pero bakit ako ang inaya nya rito kung may iba naman pala syang gustong i-date? Hindi ko nalang pinagtuunan iyon ng pansin at diniretso nalang ang tingin sa harap.

Pagkatapos noon ay ilan pang teachers ang nagsalita. I'm just waiting here for the food and maybe the dance? Sinu-sino kaya ang mag-aaya sa aking sumayaw? That's what I'm thinking noong maramdaman kong pumatong ang kamay ni Kei sa balikat ko.

"Are you not cold?" tanong nya. I looked at him and raised a brow.

"Hindi naman. It's warm here." ipinagsalikop ko ang aking kamay. Hindi naman ako gaanong nilalamig ngunit unti-onti ko nang nararamdaman ang pagtaas ng temperatura sa buong lugar.

Napatingin ako sa aking mga kamay hanggang mapunta iyon sa laki ng aking gown na halos tumatabon na rin sa binti ni Kei. He's crossing his legs, napansin ko tuloy kung gaano kahaba ang payat nyang binti.

But being thin really suits him. May mga tao talagang hindi na kailangan ng magandang katawan masabi lang na may itsura sila. For Kei, it would look awkward if he has this masculine body because he's really the silent type one.

"Ikaw ba, hindi ka naiinitan sa suot mo?" I finally asked. Doon ko lang napagtanto, bakit nga ba bumabait na ako kay Kei? What's with me?

"I'm okay. I'm more worried about you. Sabihin mo lang sa akin kung nilalamig ka para maipahiram ko sa iyo itong coat ko." seryoso nyang sabi. Napa-ngiti ako. Hindi ko alam kung dahil nai-inosentehan ako sa kanya o ano but it's my first time that someone wants to lend their coat to me.

"I think it'll be more romantic if you just put the coat on the girl's shoulder if ever you see her getting cold. Kulang ata sa taktika ang nagturo sa iyo." tumingin ito sa akin na parang nagtataka.

"Is that so?" nagtaas ako ng dalawang kilay. Meaning hindi talaga sya marunong mag-handle ng isang babae? Hindi ba't marami ang naghahabol sa kanyang magagandang babae rito sa school? Is he rejecting those love confessions all the time? Na kahit isa sa mga babaeng iyon ay wala syang nagustuhan at di-nate? Though it's hard to believe pero ano naman ang kinalaman ko sa kanila?

Lumipad nalang sa ere ang mga tanong sa utak ko ng may naramdaman akong pumatong sa magkabila kong balikat. Hinawakan ko ang bagay na iyon at tinignan. "I told you, I'm not cold, Kei. Isuot mo na ito pabalik."

"Lalamigin ka mamaya kaya isuot mo na iyan." inayos pa nya ang pagkakalagay roon. Hindi na ako tumanggi pa. Mas lalo kong naamoy ang kanyang pabango. Hindi malabong dumikit ang amoy na iyon sa aking balikat o di naman kaya'y maghalo sa sarili kong pabango.

"Ang sarap naman panoorin ng lovers na ito." tuya sa amin ni Max na naka-palumbaba pa sa lamesa habang nakatingin sa amin.

"Di kami lovers." saway ko sa kanya.

"Di raw. Eh hindi nyo nga po napansin na kakain na. Busy kasi kayo sa sarili nyong mundo r'yan."

Nang sabihin nya iyon ay may naglapag na sa amin ng iba't ibang pagkain. Inayos ni Maxine ang inilapag sa harap nyang puting pinggan. Ako naman ay pasimpleng tinignan ang ginagawa ni Kei. Inaayos nya ang kanyang table napkin. Ganoon na rin ang ginawa ko at tahimik na kumuha ng ilang makakain.

Tahimik ang unang minuto ng aming kainan. Kahit kami ni Maxine ay hindi nag-uusap. I looked at Kei again. Nakita ko itong sumilip sa kanyan cellphone at nagtipa ng ilang segundo roon bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Who was he texting? Is it that important na kailangan ay maantala pa ang pagkain nya ma-reply'an lang ang taong iyon? And he didn't even text me ealier na male-late sya ng dating!

Nag-umpisa na akong mawalan ng gana sa pagkain. "Chloris..." inusog sa akin ni Kei ang isang platito na may lamang dessert.

"I'm full. Hindi ko na iyan makakain. Salamat nalang." wika ko sa kanya kahit ang totoo'y kanina lang ay puro pagkain ang naiisip ko.

"Hindi ka kumain ng marami." puna nya. Nilinis nya ang sariling labi gamit ang napkin at ipinatong iyon sa tabi. Kaunti lang din ang kinain nya. Alam ko, kahit ang putahe na kanyang kinuha ay alam ko rin.

"Hindi ako gutom." iyon nalang ang sinabi ko bago uminom ng tubig.

"The food's actually good, Chlo. Tapos ka na talaga?" saad ni Max habang kumakain ng dessert. Tumango lang ako bilang pagsagot.

Kahit sa gawi ako ni Maxine nakatingin ay pansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Kei. Ayan na naman sya. Hinahanap na naman nya ang mali sa akin. Am I too easy to read? Kahit nga ako ay hindi ko mabasa ang sarili ko.

"May problema ka ba?" tanong ni Kei. Naka-abang din si Max sa isasagot ko. Umiling lang muli ako. Wala naman akong problema, ah? Mukha ba akong may problema? It's just that, nawalan lang ako ng gana kumain. Iyon lang, walang ibang malalim na dahilan para hukayin pa nila.

Tumahimik na kaming muli. Ang ilan naming kasama ay nagkwentuhan na dahil kakatapos lang namin lahat kumain. Ako naman ay nakikinig lang sa kanilang kwentuhan at minsa'y nakikitawa rin sa ibang asaran.

Kei chose to stay silent and often times, consult his phone for new messages. Alam na alam ko dahil nakikita ko kung paano mag-type ang kanyang daliri. Lalo akong naiirita sa gawain nyang iyon. Gustuhin ko mang silipin ang ka-text nya ay hindi ko naman makita dahil masyado iyong tago.

"Chloris, balita ko ay kayo na raw?" ngumuso ang isang babaeng kasama namin kay Kei. Diretso ang tingin ni Kei sa babae. Hindi mo mabasa kung nairita ba ito sa itinanong sa akin o ano.

"Hindi kami. Wala akong balak na mag-boyfriend hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral." sagot ko sa kanya at banayag na ngumiti. Mabilis din namang nawala ang ngiti na iyon at napalitan ng seryosong mukha. Yeah, I shouldn't think about relationships.

Siniko sya ng isa pang babaeng katabi nya at may ibinulong rito bago muling humarap sa amin. "Ano pala iyong kumakalat sa mga classmates mo na may something na raw sa inyo. MU?" napangisi si Kei sa tanong na iyon. Bakit ngumingisi na naman ang isang 'to? Napaka-hirap mo talagang basahin!

"Hindi ko alam kung anong kumakalat na balita pero kung ano man iyon ay wala iyong katotohanan. Bata palang kami ay kilala na namin ang isa't isa kaya hindi malayong mapag-isipan kami ng ibang tao na may something nga sa amin." mahaba kong paliwanag.

Everyone looks satisfied with my answer bago muling humirit si Max. "Pero nanliligaw si Kei kay Chloris. Diba Kei?" tumingin si Max kay Kei to get his approval. Kei just nodded his head bago ako naka-kalap ng ilang singhap sa mga kasama namin.

Just great, Max! Kaibigan talaga kita! Ang daldal mo. "So may something nga!" a guy said with
 finality. I can't argue with them kaya't tumahimik nalang ako at ngumiti. "Kailan pa?" dugtong nito ng nakatingin kay Kei.

"I like her since we were little." parang kiniliti ang mga babae sa narinig na sagot kay Kei. Kahit si Maxine ay tinutusok ang tagiliran ko para mang-asar.

"Meaning first love mo si Chloris?" tanong noong babae kay Kei. I just remained silent. Bigla kong naalala ang ibang pangyayari noong mga bata pa kami.

The way Kei follows me all the time. The way he listens when I play my piano and the way I watch him when it was his turn to play his piece. He's an introvert child since then, ako naman ay pinagpipilitan ng magulang kong makihalo sa ibang mga bata kahit na ayaw ko habang sila ay abala sa pagpapakilala sa aking kapatid sa ibang malalaking tao.

In the end, I would just feel so out of place that I always decided to stand in a corner where Kei is always there. Nakatayo lang kami roong dalawa ng tahimik. Walang nagsisimula ng usapan but that's what I always want. I never belong to any group until I met Maxine.

"Yes." maiksi nitong sagot ng walang pag-aalinlangan.

For a girl like me to be loved, hindi ko iyon makitaan ng dahilan. Why me? I just can't understand how one person can see the true beauty in me that I still can't define.

Lumutang ang isip ko sa himpapawid hangga't sa namalayan ko nalang ang isang kamay na nakalahad na sa aking harap. "Can we dance?" tanong sa akin ni Kei. It brings back the memories of the ten year old us where he also invited me for a dance. I didn't think twice to reject that offer. Namutawi ang kalungkutan sa loob ko ng mga panahong iyon while he just smiled at me for a second before leaving me.

I rejected him countless times in many ways. Ngayon ay inangat ko na ang aking kamay at ipinatong sa kanya. For the first time right? First ever dance with Kei and first ever dance with a guy. "I can't dance." mahina kong amin bago tumitig sa kanya. Lumunok ako ng ilan pang beses. Nilakasan ko ang loob ko para muling makapagsalita. "Would you dance me still?" muli kong pahabol.

"I can lead." magalang nyang sagot bago yumuko sa aking harap at hinila na ako patayo. Ngumiti nalang ako at nakihalo na kami sa ibang taong nagsasayaw.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
1.3M 30.3K 38
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspi...
9.3K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
77.8K 1.8K 34
Khryzzanne Kylie Constantino has wanted only one thing her whole life. Wala siyang hindi gagawin makamit lamang ang kalayaang matagal nang inaasam. S...