♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30

22K 227 162
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Nine

Lianne's POV

Pagbaba namin ay pinaupo niya lang ako sa sofa at pumunta siya sa kusina para kumuha ng pagkain.

He's trying to be a gentleman boyfriend, or not? Okay... he's really a gentleman. No doubt about it. Kaya nga maraming nagkakagusto sa kanya sa school. At isa pa, magaling din siguro siya mangbola.

Kaya ba nabola ka na rin niya, Lianne? Napailing ako sa naisip ko.

Hindi niya ako mabobola at lalong hindi ako magpapabola sa kanya. Sinasakyan ko lang ang lahat ng trip niya dahil bored ako at... basta bored ako sa buhay!

Bumalik si Mark na may dala nang dalawang plato. Nang ibaba niya iyon sa center table, nagningning agad ang mga mata sa nakita ko.

Spaghetti! Maraming spaghetti!

Susunggaban ko na sana iyon nang pigilan ako ni Mark sa kamay. "Hep! Bago ka kumain, mag-promise ka muna sa akin."

Kumunot ang noo ko. "Ng ano na naman?" tanong ko kasabay ang pagsimangot.

"Ayaw mo, ayaw mo?" parang nang-iinis niyang tanong.

"Gusto ko!" mabilis kong sagot. Ng spaghetti, ngali-ngali kong idagdag.

"Good," nakangiting sabi niya na may kasama pang paggulo sa buhok kong magulo naman talaga.

"Ano nga kasi?" hindi na makapaghintay na tanong ko. Gutom na ako at gusto ko nang kainin ang lahat ng iyon!

"Kapag hindi mo 'yan naubos..." Itinuro niya ang spaghetti sa center table. "Sasabihin mo sa akin kung ano'ng nangyayari sa inyo ni Renz."

Sus! Iyon lang pala. Bukod sa gutom ako, stress din ako kaya kayang-kaya ko iyong ubusin, panigurado.

"Fine," sabi ko at inalis ko na ang pagkakahawak ni Mark sa kamay ko para maumpisahan nang ubussin ang grasya.

Hindi ko na siya inaya. Wala akong pakialam kung mukha akong batang ngayon lang makakakain ng spaghetti, basta bubusugin ko na lang ang sarili ko. Galit galit muna.

Sige lang ako sa paglantak habang siya ay nakatingin yata sa akin. Wala yata siyang balak kumain dahil hindi niya ginalaw ang isa pang plato ng spaghetti.

Nang makaramdam ako ng pagkabusog, bumagal ang pagsubo ko. Ngayon ko lang na-realize na parang isang bandehado itong nasa plato ko. Mabuti na lang at mauubos ko na. Ligtas na ako kay Mark.

"Juice, please," request ko pa dahil hindi naman siya kumakain at nakatingin lang talaga siya sa akin.

Wala namang reklamo na sinunod niya ako. Pagbalik niya, dala ang pitsel ng orange juice, ay tapos na akong kumain. Siya pa mismo ang naglagay ng juice sa baso at iniabot sa akin.

"Round two," sabi niya nang ibaba ko ang basong wala ng laman.

Kumunot na naman ang noo ko. Anong 'round two' ang sinasabi niya? Nagbo-boxing ba kami o wrestling?

"May uubusin ka pang isang plato ng spaghetti." He beamed.

"Hah?" maang kong sabi. Huwag niyang sabihin na pati iyong sa kanya ay ipapaubos niya sa akin? Wala sa usapan iyon!

"'Ayan pang isang plato, o," nguso niya pa sa pagkaing nasa table.

"Teka—" protesta ko na.

"Hindi mo na kaya?"

"Eh, sayo iyan, 'di ba?"

Umiling siya. "Nah-ah... sa'yo 'yang lahat. Kaya nga hindi ako kumain dahil iyo lang 'yan."

"Wait! Madaya ka!" akusa ko sa kanya. "Hindi mo naman sinabing iyang dalawang plato ang uubusin ko!"

"Hindi ka naman nagtanong," katwiran niya.

"Madaya ka talaga! Ikaw ang host, dapat ipinapaliwanag mo ang mechanics ng laro!" parang bata kong reklamo.

"Kung hindi mo na kayang kainin, puwede namang huwag na, 'tapos ikukuwento mo na sa akin ang gusto kong malaman." He beamed again.

'Kaasar lang!

Ayaw kong magpatalo kaya kinuha ko pa rin ang isa pang plato ng spaghetti. Mukhang sa inis ko sa kanya ay mauubos ko pa rin iyon.

Gosh! Bakit nga ba kasi nakikipag deal na naman ako sa kanya sa kung anu-anong bagay? Puwede namang i-ignore ko na lang siya. Oh, well... we are born to battle with each other.

Nakakalimang malalaking subo pa lang ako, hindi ko na malunok ang nasa bibig ko. Gusto ko pa sanang sumubo pero mukhang maiduduwal ko na iyon at mukhang napansin iyon ni Mark.

"Kaya mo pa?" mapang-asar niyang tanong. "Juice, o," alok niya pa sa akin.

Hindi ko naman iyon tinanggihan. Uminom ako ng kaunti para lang malunok ang nasa bibig ko at ibinaba ko iyon sa lamesita kasama na rin ang plato ng spaghetti na hindi ko na kayang ubusin.

"Ayaw mo na? Sayang 'yan," pang-aasar pa ng loko.

Sumandal ako sa back rest ng sofa na kinauupuan ko. Ayoko na. Talo na ako. Learn to accept defeat.

∞∞∞

Naikuwento ko na kay Mark ang nangyari kanina. So far, hindi naman siya nagtanong ng kahit ano at mabuti nga iyon. Halos maiyak na nga ako kanina at kung magtatanong pa siya ay baka umiyak na talaga ako. Kasi naman, feel na feel ko pa din 'yong sakit sa dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Renz sa akin. Idagdag pa na wala naman akong ginagawa sa kanyang masama—sa pagkakaalam ko.

Tahimik lang si Mark pagkatapos kong magkuwento. Wala man lang siyang reaction sa mga narinig. Hindi ko tuloy malaman kung bakit pa niya gustong malaman kung ano ang nangyari sa amin kung mukhang wala naman talaga siyang pakialam. Kahit man lang 'Talaga?!', 'Owss?!' o 'Weeh?!' ang i-react niya. Parang nagkuwento lang ako ng wala lang. Isa lang naman pala siyang 'passive' na tsismoso. Walang kuwenta.

Kung iba siguro ang nakuwentuhan ko, baka naitanong din nila iyong mga tanong ko sa sarili na hindi ko masagot-sagot.

Pero mabuti na rin sigurong hindi siya magtanong dahil wala naman akong maisasagot. Kahit pala maganda ako, hindi lahat ng katanungan sa buhay ay alam ko ang sagot. Hays... ang hirap maging maganda.

Nasa veranda kami ngayon ng room ko. Nakaupo ako habang siya naman ay nakatayo lang at nakasandal sa pasimano ng veranda. Actually, parang ang bigat ng katawan ko sa dami kong nakain na spaghetti kaya mas pinili kong umupo.

Tahimik pa rin kami at naiinip na ako. Wala talaga siyang balak sabihin. Para lang akong nagkuwento sa isang bingi. Gaano na lang ba na i-comfot niya ako dahil sa nangyari?

Okay? I want him to comfort me? That's new! Kailan ko pa nagustuhan ang isipin na i-comfort niya ako? Tss! But, well... that won't happen, for sure! Dahil usually, pang-iinis lang ang ginagawin niya sa akin.

Sa pagkainip, tumayo ako malapit sa kinatatayuan ni Mark at humarap sa labas para makita ang kapaligiran. Sightseeing lang ang peg kahit na puro bahay lang naman ng mga kapit-bahay namin ang mga nakikita ko.

May napansin akong van na huminto sa katapat ng bahay namin. Take note sa bahay namin, hindi sa bahay ng mga Lopez. Na-curious naman ako kaya dumungaw pa akong lalo. Ang alam ko kasi ay wala na ang nakatira doon. Nagpunta na raw ng Italy. Ang tsismosa ko lang din talaga. Pero narinig ko lang kasi iyon sa dalawang nanay ng nagtsitsismisan nang pagkalakas-lakas noong naglalakad-lakad ako sa labas. Hindi ko na kasalanan na nakapag-eavesdrop ako nang hindi sinasadya.

May lumabas na lalaki na naka-shades doon sa van. Kahit sino talagang naka-shades na lalaki pumopogi, ano? I laughed in my mind. Pero itong isang ito ay mukhang totoong pogi pa rin kapag tinanggal ang dark shades niya. Medyo moreno, may katangkaran, mukhang maganda ang katawan sa likod ng blue t-shirt na suot niya at lalaking-lalaki kung kumilos. In short, he's my type of guy!

Papable si kuya at sizzling hot!

Napatulala ako kay kuyang papable slash sizzling hot kaya naman nagulat ako nang pumitik sa harap ng mukha ko si Mark. Pagtingin ko sa kanya ay magkasalubong ang mga kilay niya.

Ano'ng problema ng taong ito?

"What?" tanong ko sa kanya nang hindi naman siya nagsalita. Inaabala niya ang pagtitig ko kay kuyang papable slash sizzling hot!

"Punta tayo sa park. Nakakainip dito," sabi niya at nauna na siyang maglakad papasok ng kuwarto ko.

Napasunod naman ako sa kanya. "Ano nama'ng gagawin natin doon?" tanong ko. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na kami ng bahay.

"Edi, mamasyal," sagot niya sa tonong kailangan-pa-bang-itanong-iyon. "Tsaka maghahanap ako ng chics."

Ano raw? Maghahanap siya ng chics at isasama pa talaga niya ako?! Aba't?! Buwisit na lalaki ito, ah!

Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Halos tumatakbo na yata ako dahil ang bilis niya maglakad at bukod pa roon ay malalaki ang hakbang niya kasi mahahaba ang legs niya. Nang naabutan ko siya, finally, ay hinatak ko ang dulo ng t-shirt niya para mapahinto siya sa paglalakad at pinilit ko siyang iharap sa akin. Ngali-ngali ko siyang batukan.

"Anong maghahanap ka ng chics?" paingos kong sabi sa kanya "At chics with 's' talaga? As in, maraming babae?! At isasama mo pa talaga ang girlfriend mo sa pambababae mo?!" Disbelief is on my pretty face.

Nasa labas na kami ngayon ng gate nila. May mga dumadaan na napapatingin sa amin pero wala akong pakialam. Pakialam din ba nila? Sila nga hindi ko pinakelaman, eh.

"Ang ingay mo!" pabulong pero madiin niyang sita sa akin.

"Bakit? Nahihiya ka na nalaman nilang babaero—hmmmp!"

Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko. Nagpumiglas ako at pilit tinatanggal ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakatakip niya sa bibig ko at pagkakahawak sa isa kong braso.

Tumingin siya sa mga napapadaan na napahinto dahil sa eksenang ginawa ko.

Harassment! gusto kong isigaw para tulungan ako ng mag tao. Pero ang unggoy, ngumiti siya sa mga tao.

"Pasensiya na po," hingi niya ng dispensa sa mga ito. "Selosa lang po talaga itong girlfriend ko."

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sino ang selosa na girlfriend? Ako?! Hah! At bakit naman ako magseselos?! May dapat bang ikaselos? Ang kapal niya talaga! Kahit ipamigay ko pa siya sa ibang babae ay ayos lang, nang mabawasan naman ang buwisit sa buhay ko!

Pero bakit ba kasi nag-react pa ako sa sinabi niya? Puwede namang hindi at kung gusto niya, tulungan ko pa siyang maghanap ng ibang babae para tigilan na niya ako.

But then I remembered that I agreed to act as his real girlfriend. Siguro dahil lang iyon soon kaya nagkakaganito ako ngayon.

"Naku, hijo," palatak ng isang ginang. "H'wag mong pinagseselos ang nobya mo kung ayaw mong maghanap siya ng kalinga sa iba. At ikaw naman, hija, h'wag kang masyadong selosa dahil d'yan madalas nasisira ang isang relasyon," pangaral niya sa aming dalawa. Ang echos lang pero sa tingin ko ay totoo ang sinabi niya.

Pilit na tumawa ni Mark sa matanda na may kasama pang pagkamot sa ulo, an awkward gesture. "Opo, 'Nay."

Nagsilakad na ulit ang mga taong napahinto at nakitsismis sa eksena namin. Nakatakip pa rin ang kamay ni Mark sa bibig ko at naiirita na ako. Gusto ko nang kagatin iyon pero dahil sa mabangong amoy niyon ay ayoko na lang. Mas masarap amuyin ang mabango kaysa kainin!

Pumiglas ulit ako para tanggalin na niya ang kamay niya pero hindi pa rin umubra ang lakas ko sa kanya. Wala na ba siyang balak na bitawan ako?!

"Bibitawan kita pero puwede ba h'wag ka magwala rito? Nakakahiya!" May kasama pang pangdidilat ang huling salitang binitawan niya.

I nodded para lang alisin niya ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Very good," relief niyang sabi bago ako binitawan. "Tara na sa park." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

Walang hiya talaga itong lalaking 'to. Isasama ako sa park para daw maghanap siya ng babae, tapos iiwan ako dito?!

Hindi ko siya sinundan. Tumayo lang ako sa pinag-iwanan niya sa akin at pinanood siyang malakad palayo. Maya maya ay napansin niyang hindi ako nakasunod sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"Ano pa'ng hinihintay mo r'yan?" tanong niya na may bakas ng pagkairita.

Sapakin ko kaya siya nang matauhan siya? Pero h'wag na lang pala, sayang ang lakas at masasaktan pa ang maganda kong kamao. Okay, sige... sayang rin ang mukha niyang guwapo. Inaamin ko na, guwapo rin talaga siya kasi nga, wala pa akong naging boyfriend na pangit, 'di ba?

"Ayoko pumunta sa park. Tinatamad ako." Sumandal ako sa poste ng gate nila na parang tamad na tamad. "Tsaka mangbababae ka lang naman, kailangan bang isama mo pa girlfriend mo?" sabi ko na may kasama pang pandidilat sa mga huling salita.

Napakamot siya sa ulo. "Joke lang naman... hindi ako mangbababae," bawi niya. "Ikaw naman kasi..." ibinulong niya ang mga huling salita kaya hindi ko iyon narinig.

Napakunot ang noo ko. "Ha? Ano ulit 'yon?"

"Wala... ang sabi ko, ang ganda mo sana, bingi ka nga lang. May parada ng bingi mamaya, ikaw ang reyna," mapang-asar na naman niyang sabi habang papalapit sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko nang makalapit siya sa akin at hinila ako para maglakad. Nagpatangay lang ako sa kanya not minding what he just said dahil inisip ko pa rin kung ano 'yong hindi ko naintindihan sa sinabi niya kanina.

Ano ba iyon? It sounds like pinag... hmm... Pinaghihintay? Pinagti-trip-an? Pinagpapantasyahan? Imposible! Asa naman siya, 'no?! Hindi kaya... pinagseselos? Ay, okay... in my dreams! Ano'ng pinagseselos ang pinagsasabi ko? As if namang marunong magselos ang isang bakulaw. At anong ikaseselos niya kung sakali? Tss!

Ewan! Bakit ba nagiging habit ko na talaga ang kausapin sarili ko? Napa-pout ako sa mga naiisip ko at bumuntong-hininga.

Just don't mind it, Lianne.

∞∞∞

Chapter Thirty

Lianne's POV

Nakarating kami sa park nang hindi ko namamalayan. Napansin ko na lang na medyo maraming tao ang nasa paligid. Hapon na kaya siguro nagsilabas na ang mga tao sa mga bahay nila para magpahangin dito. Sa playground ay maraming mga batang nagsisitakbuhan habang ang mga nagbabantay sa kanila ay panay ang sunod at sa mga benches naman ay may mga magkakaibigan na mas bata sa amin ng ilang taon na nakatambay at may ilan ding magkakapareha.

"Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko habang naglalakad pa din kami. Hindi ko nga alam kung saan kami hihinto o kung hihintuan ba kami para umupo rin sa isa sa mga bench.

"Magde-date," simpleng sagot niya.

"Magde-date?" ulit ko.

"Hindi na lang pala," bawi niya. "Maglalaro na lang pala tayo doon sa playground." Obviously, pinagti-trip-an niya na naman ako at feeling ko tuloy, ang tanga ko dahil kanina pa ako nagkakaganito.

Kasi naman... nabitin ako sa sightseeing ko sa lalaking papable at sizzling hot. Nalungkot ako nang maalala ko ulit iyong lalaki. Ano kaya ang pangalan niya? Hmm... malalaman ko rin iyon one of these days dahil magkatapat lang naman ang bahay namin.

Hindi ko na lang pinansin ang pangbabara ni Mark. "Eh, bakit tayo magde-date? Tsaka bakit dito?" Ang cheap, gusto ko pa sanang idugtong kaso mukhang nawawala na rin siya sa mood kakatanong ko ng mga bagay na walang kuwenta.

"Tss! Kinalimutan na naman," bulong niya na naman pero narinig ko na this time at napatunayan kong hindi naman pala ako ganoon kabingi. Kailangan nang maghanap ng kapalit ko bilang reyna sa parada mamaya.

"Eh... bakit nga kasi?" tanong ko ulit at inalog ko pa siya ang kamay niya na nakahawak pa rin pala hanggang ngayon sa kamay ko. A childish act that I know, made me looks cute. Kahit maganda ako, may time pa rin na cute ako.

Hindi ko alam kung sino ang ayaw bumitaw sa aming dalawa. Pero sigurado akong wala talaga akong malay kanina na magkahawak pa rin pala ang mga kamay namin. Therefore, siya ang ayaw akong bitawan.

"Second weeksary natin ngayon! Kinalimutan mo na naman," bakas ang inis na sabi niya at padabog na binitiwan ang kamay ko.

Look... may tatalo pa pala sa pagka-childish ko.

Teka... bakit niya binitiwan ang kamay ko? Eh? Akala ko ba siya ang ayaw bumitiw? Bakit kung maka-react ako, parang ako yata ang gustung-gusto na magkahawak ang mga kamay namin?

Pero ano raw? Second weeksary namin ngayon? Talaga? Ano naman kung second weeksary nga namin? Ay, grabe... ang korni kung tototohanin niyang i-celebrate namin ang weeksary! Like, really?!

"O, ano naman kung second weeksary natin ngayon?" tanong ko, acting like it's just really nothing. Well... wala lang naman talaga sa akin.

Habang siya ay kaunti na lang ay sasakalin niya na ako. Umurong ako kaunti palayo. Mahirap na, baka bigla na lang maging gorilla ang unggoy at manakmal.

"Kinalimutan mo na nga ulit, tapos ganyan pa itatanong mo sa akin? Ganyan ka rin ba sa mga nagiging boyfriend mo?" Nag-isang linya na ang mga kilay niya.

"Hindi," kalmado kong sagot kahit na parang kakainin na niya ako ng buhay sa ekspresyon. "Dahil wala naman kaming weeksary."

"'Di ba, sinabi ko na sa'yo no'ng first weeksary natin na ise-celebrate natin ang weeksary?" paalala niya pa at kaunti na lang, mahihiwa na ako at magiging chop-chop any minute sa sobrang talas ng tingin niya sa akin.

"Oo nga," nakangisi kong sabi sa kanya, trying to use my charm on him para hindi na siya magalit.

I felt the need of calming him bago pa man siya sumabog. Natatakot na rin kasi ako sa kanya. Pero konti lang naman. As in, konti lang na parang gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya at magtago sa pinakasuluk-sulukan ng mundo para hindi niya ako makita.

"Tss! Tara na nga." Hinila niya na naman ako sa kamay.

Halos kaladkarin na niya ako pero hindi na lang ako nagreklamo. Baka lalo pang maasar ang monster at maging Teletubby na may power na abs. At isa pa, galit na sa akin si Renz at ayokong pati siya ay magalit.

Bakit ko naman kasi kinalimutan? Pero hindi ko kasi talaga naalala. Dami niya kasing ek-ek na nalalaman, eh. Weeksary-weeksary pa. Pero siguro kaya siya sanay sa weeksary na 'yan dahil weeks lang ang itinatagal ng mga nagiging girlfriends niya. Mabuti pa ako, umaabot ng two months. At ang suwerte na ng boyfriend ko kapag umabot kami ng ganoon katagal. Aba, mabuti nga at napagbigyan sila na magkaroon ng girlfriend na kasing ganda ko.

Maya maya pa ay umupo kami sa bakanteng bench malapit sa playdround. Ang cute ng mga batang naglalaro. Ang sarap kurutin ng mga chubby cheeks nila. All of the sudden, parang gusto ko na tuloy magkaanak. Pero siyempre, joke lang. Marami pa akong pangarap at twenty-eight years old pa ako mag-aasawa and it's already planned on my long-term goals. Lalaking makakasama na lang ang kulang.

Tahimik lang si Mark na nakatingin din sa mga bata. Mukhang asar pa rin siya sa pagkalimot ko ng second weeksary namin. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang lambingin o hayaan na lang? Pero ano naman kasi ang malay ko sa paglalambing? Meron ba ako niyon sa katawan? Dati kapag nag-aaway kami ng mga naging boyfriend ko hindi ako naglalabing kahit na ako pa ang may kasalanan at kahit anong gawin nilang pagmamatigas sa akin, hindi nila magawa dahil ginagamitan ko sila ng reverse psychology. Well... diyan daw magaling ang mga babae—sa pangbabaliktad ng sitwasyon. So, I made it as my expertise.

Anyway... lalabingin ko ba itong unggoy na ito o lalambingin ko talaga? Grabe... ang hirap naman palang maging girlfriend niya. Isang lalaki lang ang alam kong lambingin with all the sugar and spice in me, at si Daddy lang iyon.

Pero sige na nga! Lalambingin ko na siya! Iisipin ko na lang, siya si Daddy... sugar daddy!

"Ehem..." I cleared my throat. Medyo kinakabahan ako na ewan. Siguro dahil first time kong gagawin ito sa kanya.

Huminga ako ng malalim sabay kalabit sa kanya. Hindi niya ako nilingon kaya umurong pa ako palapit sa kanya.

"Mark, gusto ko ng ice cream," malambing kong sabi then I cling to his right arm.

Hindi niya pa rin ako pinansin. Parang wala siyang narinig at wala siyang naramdaman na kumapit sa kanya. Grabe... ganito pala siya magtampo!

"Mark..." Inalog ko na siya pero wala pa rin.

Bumitaw ako sa pagkakakapit sa braso niya. Ano ba 'yan? Akala ko ba date ito? Bakit hindi niya ako pinapansin? Ang boring!

Tumingin-tingin na lang ako sa paligid at may nakita akong nagtitinda ng dirty ice cream. Nagningning na naman mga mata ko. Basta talaga pagkain! Siguro pwede na ring pang-peace offering iyon kay Mark.

"Mark, gusto mo rin ng ice cream?" tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya pa rin ako papansinin.

As expected, no response ang tampuhing bakulaw.

Tumayo na ako at nagpaalam. "Bibili lang ako ng ice cream, ha? Bibilhan na rin kita. Alam ko namang nagpapakipot ka lang sa ice cream at sa ganda ko." I pinched his cheek bago ko siya iniwan.

Naglalakad na ako papunta kay manong sorbetero nang may nakita akong batang babae sa tabi isang bench na medyo nakatago dahil may malaking punong katabi iyon. Mag-isa lang siya habang nakayuko at mukhang umiiyak siya.

At dahil tsismosa ako... Este, concern ako sa batang babae ay nilapitan ko siya. Baka kasi nawawala siya. Errr... nawawala? Kung ganoon nga ay baka wala rin akong maitulong sa kanya dahil mahina rin ang spatial intelligence ko. Pero mukha namang may isip na itong bata at hindi na maliligaw, ako lang naman yata itong may isip na pero madalas pa ring naliligaw.

Paglapit ko sa kanya ay narinig ko siyang nagsasalita sa pagitan ng mga hikbi niya. "Nakaka-inis! Nakakainis ka talaga! Palagi mo na lang akong sinusungitan!" Huminto siya sandali para suminghot. "Hindi porke guwapo ka, susungitan mo na ako ng ganito! Maganda rin naman ako, ha? Kaya nga bagay tayo." At habang sinasabi niya iyon ay pinipilas niya isa-isa ang petals ng bulaklak na hawak niya.

Kawawa naman iyong bulaklak. Pero ano nga ulit ang sabi niya? Lagi daw siyang sinusungitan ng isang guwapo? At maganda naman daw siya? Kapatid ko ba ang batang ito? Ay, joke! Sino naman kaya ang guwapong nagpaiyak sa kanya?

"Buwisit ka, Cedric!" Parang sagot agad sa tanong ko sa sarili ang sinabi niya.

Mukhang hindi talaga siya naliligaw. Broken hearted ang batang ito! Tsk! Kabata-bata pa, broken hearted kaagad? Eh, mukhang nasa trese anyos pa lang siya!

Hindi na siya nagsalita ulit at nagsimula namang bunutin ang mag ligaw damo sa tabi niya dahil ubos na ang petals ng kaawa-awang bulaklak. Very good, kid... makakatulong 'yang ginagawa mo sa mga tagalinis nitong park.

Dahil likas na maganda ako na may kagandahang-loob rin, lumapit ako sa kanya.

"Are you okay, little miss?" concern na tanong ko sa kanya.

Nagulat naman siya sa pagsulpot ko at agad na pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.

"O-okay l-lang p-po," sagot niya na may kasama pang paglunok para mapigilan ang pag-iyak.

Ngumiti ako sa kanya. "May alam akong pampawala ng sakit sa puso na nararamdaman mo ngayon."

Parang nahiya naman siya sa sinabi ko. Namula ang mga pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Napangti tuloy ako lalo. Ang cute niya kasi at ang sarap kuruting ng ilong niyang mamula-mula pa dahil sa pag-iyak.

"Anyway, what's your name, baby?"

"E-Ella po," sagot niya na tumingin na ulit sakin.

"Okay, Ella, just wait for me here. I'll give you the best medicine that will soothe your aching heart."

Tumango lang siya at umalis na ako para bumili ng ice cream. Pagbalik ko ay nakaupo na siya sa bench. Good girl, hindi talaga siya umalis.

"Here." Inabot ko sa kanya 'yong isang ice cream paglapit ko. "It will help to soothe your heart."

Nakita kong ngumiti siya. O, 'di ba, ang galing ko? Puwede na akong maging ate. Noong bata kasi ako, ice cream lang ang nakakapagpatahan sa akin kapag umiiyak ako tuwing hindi ko nakukuha ang gusto ko at mukhang effective din sa kanya ang ice cream dahil ngumiti na rin siya.

Tahimik lang kaming kumain ng ice cream. Nauna akong matapos kumain sa kanya at tinitigan ko lang siyang ubusin iyon. She doesn't seem to mind my stares. Iba talaga kapag ice cream ang kinakain. Wala ka nang pakialam sa paligid mo.

Maya maya lang din ay natapos na siya. Nakangiti pa rin siya at mukhang nakalimutan na niyang roken hearted siya. Ang cute cute! Ang sarap niyang kurutin ng mariin sa mga pisngi!

"So, can I ask you now kung bakit ka umiiyak kanina?" usisa ko sa kanya.

Napayuko na naman siya. Okay, I know, hindi talaga ako dapat nagtatanong ng ganito sa kanya dahil hindi naman talaga kami magkakilala. Pero wala akong mgagawa kung gumana na naman ang pagkatsimosa ko. Curiosity kills.

"It's okay, Ella. You can tell me like I'm your big sister," pag-e-encourage ko sa kanya na magkwento.

"Kasi naman po, ano, eh..." pagsisimula niya na parang nag-aalinlangan pa rin na magkwento.

Tumahimik lang ako at hinintay kung itutuloy niya pa ang pagsasabi kung bakit siya umiiyak kanina.

"Ano po... ano... 'yong crush ko po kasi... ano, eh..." Hindi niya pa rin alam kung tama bang sabihin niya sa akin ang tungkol doon.

Nanatili lang akong tahimik at naghihintay. Kung ayaw niya mang sabihin ay hindi ko naman siya pipilitin pa. But knowing my pleasing personality, wala pang nakakahindi sa akin.

"Ano... si crush ko po, sinupladuha na naman niya ako kanina," nahihiyang sabi niya. Nanghaba ang nguso niya at mukhang maiiyak na naman siya.

"Gusto mo pa ng ice cream?" maagap kong tanong bago pa siya tuluyang maiyak.

Umiling siya. "Hindi na po. Uuwi na po ako. Maggagabi na rin po kasi."

Tumingin ako sa wristwatch ko at tama nga siya, maggagabi na. It's already 5:20 PM. Napatayo ako bigla nang maalala ko si Mark.

Patay! Nakalimutan kong siya pala dapat ang bibilhan ko ng ice cream! Patay talaga ako nito sa kanya. May kasalanan pa nga ako sa kanya, dinagdagan ko pa!

Kapag ba nakipag-break sa akin si Mark dahil sa dami kong kasalanan sa kanya, dapat magdadrama din ako na sobrang sakit ng break up namin? Ah, teka! Magpapaalam na ako kay Ella!

Pero gagawin ko pa lang sana iyon ay nakita ko nang palapit si Mark sa amin. Halos mapatalon ako sa sobrang taranta. Ano'ng gagawin ko?

Patay na talaga! Shoot!

"Ate, ano..." pang-i-interup ni Ella sa pag-iisip ko sa kung ano ang gagawin. Nang tumingin ako sa kanya ay parang hindi niya alam kung anong itatawag sa akin.

"Lianne... Ate Lianne na lang itawag mo sa akin," nakangiti kong sabi sa kanya sa kabila ng kaba ko sa papalapit kong boyfriend.

"Ah, sige po, Ate Lianne, una na po ako. Salamat po sa ice cream." Akmang aalis na sana siya nang pinigilan ko siya.

"Teka lang, Ella." Hinawakan ko siya sa braso.

"Bakit po?" takang tanong naman niya.

"Stay ka muna saglit, please. Ihahatid kita pauwi, promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

At ang mabait na bata ay hindi na nagkapag tanong kung bakit dahil nakalapit na sa amin si Mark. Sa ekspresyon ng mukha niya ay parang naka bingo na ako sa kanya ngayong araw.

"I thought bibili ka lang ng ice cream?" salubong niyang tanong. "Kanina pa kita hinahanap. Naikot ko na ang buong park, tapos nandito ka lang pala." Seryoso lang siya pero nakakatakot ang awra niya.

"Ah... kasi ano, eh..." Napapakamot ako sa ulo.

"Bumili naman po talaga si Ate Lianne ng ice cream. Binigyan pa nga po ako," sabat ni Ella.

Nagsisisi na yata ako na pinigilan ko pa siyang umalis. Dapat pala pinaalis ko na lang siya. Lalo lang akong nalagay sa alanganin sa sinabi niya! Bakit sinabi niyang siya ang binilhan ko ng ice cream? Baka lalo pang magtampo ang unggoy na ito ngayon dahil para sana talaga sa kanya iyon pero kinalimutan ko na naman siya.

Ang sama-sama na ng tingin niya sa akin. Kailangan ko na ba talagang magtago sa pinakasuluk-sulukan ng mundo?

Lord, ayokong pong madyaryo bukas... 'Isang babae, sinakal ng boyfriend dahil nakalimutan niyang bilhan ng ice cream ito.' Ang sagwa, Lord!

"Babe..." iyon na lang ang nasabi ko habang naka-pout.

Huminga siya ng malalim at napapikit naman ako para maghanda sa pagsigaw niyang gagawin. Naku po... sa harap pa yata ng batang ito ako papagalitan ni Mark.

"Tara na nga, uwi na tayo."

Napamulat ako ng mga mata sa sinabi niya. Nasa mukha niya pa rin ang inis pero may kahalo nang panghihinayang iyon, kung para saan ay hindi ko alam.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at hihilain niya na sana ako nang magsalita si Ella.

"Ate Lianne, akala ko ba ihahatid mo ako?"

Paglingon ko sa kanya naka-pout siya. Ay ang cute lang talaga. Tumingin ako kay Mark, asking for permission.

Huminga na naman siya ng malalim. "Okay."

Napangiti na ulit ako. Ang bait naman ng boyfriend ko ngayon kahit mukhang ang sungit niya sa seryosong ekspresyon ng mukha niya. Na-cute-an din siguro kay Ella.

Parang gusto ko tuloy halikan ang batang ito para pasalamatan ang cute na cute niyang mukha. Dahil yata sa ka-cute-an niya kaya kumalma si Mark.

Hinatid na nga namin si Ella sa bahay nila. Hindi naman kalayuan sa bahay namin. Nagkukuwentuhan kaming dalawa habang naglalakad at si Mark naman at tahimik lang na sumasabay sa paglalakad namin.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Si Ella naman ay nakakapit din sa kabilang braso ko. Bale nasa gitna nila akong dalawa. Ipinakilala ko silang dalawa sa isa't isa pero pagkatapos ay hindi na sila nagpansinan. Ewan ko kung bakit. Basta ang alam ko, natutuwa ako kay Ella. Hindi lang siya cute, madaldal ding katulad ko.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Ella ay nagpaalam na rin ako kaagad na uuwi na kami at sa susunod na lang ulit kami magkita sa park. Pero bago siya humiwalay sa akin may binulong siya na ikinatawa ko.

"Ate Lianne, hindi ko na crush si Cedric. Iyang boyfriend mo na ang crush ko." She giggled at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Loko iyong batang 'yon, ah? Aagawan pa yata ako ng boyfriend.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 878 22
Sa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki up...
3.5K 171 14
Ang kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.