The Hokagirls โค #Wattys2016

By LovePearl_

578 64 8

I never wished for you to respond with my i love you's, I just wanted you to hear it. I never wished for you... More

The Hokagirls โค
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note

Chapter 9

21 3 0
By LovePearl_

Ayesha's POV

Simula nung nangyari sa amin ni Bebe ko sa safehouse nila, hindi na talaga ako pumalya sa pagpaparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Araw-araw ako naglalagay ng post-it-notes sa locker niya pero araw-araw niya rin itong tinatapon. Alam ko naman na sayang ang effort pero go push lang. Tsaka di pa naman niya siguro alam na ako ang nagpapadala ng mga nun, hindi naman siguro ako masyadong halata noh ?

"Besh ? Kamusta naman ang exam mo ?" biglang tanong ni Shy.

"Oo nga ? Nasagutan mo ba lahat ha ? Baka naman puro pangalan ni Jake ang nakalagay dun." pang-aasar ni Neri habang nakangisi ang loka.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin at buti nalang talaga nakuha niya.

"Minamaliit nyo na ako ngayon ha ? Ikaw Shy kung di ako nag-effort na kaladkarin ka palabas ng bar gabi-gabi noon magiging running for Suma Cum Laude ka kaya ha ? Tsaka ikaw Neri kung hindi ko tinapon lahat ng s*x tapes at porn photos sa kwarto mo magkakaroon ba ng space ang mga libro dun para sa pagbabasa mo ha ? Oh ano kayo ngayon ?" pagtataray ko sa kanilang dalawa.

"Aish! Wag mo na ngang banggitin kadiri ng kalokohan na 'yon." nakangiwing sabi ni Neri.

"Eh ? Oo nga besh di ko lubos ma-imagine na ganun pala ako dati. Huehue." sabi naman ni Shy habang umiiling.

"Ooowsee ?" pang-aasar ko sa kanilang dalawa. Siraulo 'tong mga 'to. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob eh.

"Oh sige na sige na. Ikaw na talaga." at akmang hinawakan ang invisible crown niya at ipinasa sa akin. Nag pageant wave pa ako para magpasalamat sa kanya at si Neri naman sinuotan ako ng invisible sash. Oohaa ? Ang sweet nila noh hahaha.

"Okay lang besh, invisible naman 'yon. Walang katotohanan sa mga 'yon." at sabay pa silang humalakhak.

Aish ! Nakakabanas 'tong mga 'to. Tumayo na ako at nag walk-out sa kanila.

"Oy Yesha ? San ka pupunta ? Asar-talo ka pala eh." narinig ko pang sigaw ni Neri. Pero nag wave nalang ako sa kanila.

Mahirap nang mainis sa dalawang 'yon palagi akong natatalo sa mga asar nila. Aish !

"Si Jake nasa rooftop. Magpapakamatay yata." salubong ni Marguex sakin kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Whaaaaat ? Bakiiit ? Aa-nong building ? I mean saang building ? Bakit siya magpapakamatay ? Ano ? Sumagot ka nga !! Kalbuhin kita eh ano baaaa !!!!!" nag hy-hysterical na ako at sobrang natataranta na. Nagha-hyperventilate na rin ako.

"Di ko alam. Nasa Engineering Building siya. Tsaka pwede ba di ka niya girlfriend kaya umasta ka ng tama." by that nilagpasan na niya ako at naglakad palayo. Argh !

Nilingon ko siya, gustong-gusto ko na siyang kalbuhin eh. Pero hindi pa ito ang panahon. Kailangan ako ng asawa ko ngayon !!

Kumaripas na ako ng takbo papunta sa Engineering Building. Ano ba kasing pumasok sa utak ng asawa 'kong 'yon ?!

Pagkarating ko ng Engineering Building dumiretso agad ako sa elevator pero nakalagay dun 'Out of Order'. Bwiset ! Kung kelan kailangan tsaka pa nagloko. Sinipa ko ng napakalakas ang elevator bago ako tumakbo ulit at tinahak ang hagdanan.

Habang tumatakbo ilang beses na rin akong natisod at muntik nang tumambling dahil sa pagmamadali. Kaya para mas mapabilis ang pagdating ko dun, tinanggal ko ang sapatos ko at trumiple pa ang bilis ko sa pagtakbo ngayon.

Nang makarating ako sa rooftop nakita ko si bebe ko na nasa railings na, "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!" sigaw ko habang 'yong isang kamay ko naka stretch para pigilan siya.

Lumingon siya sa akin, clueless. Kaya tumakbo ako agad at niyakap siya, "No please ? Bakit ba ? Iiwan mo nalang ako ng ganun-ganun nalang ha ? Tsaka who gave you permission para mag suicide ?"

Inilayo niya ako sa pagkakayakap ko.

"Are you crazy ? Hindi ako magpapakamatay. Atleast, I love my life." he said in a very serious tone.

So ibig sabihin ? Pinagtripan lang ako ng Marguex na 'yon ? Aish !!

"Eh sabi ni Marguex, ano ..." nahiya ako sa inasta ko. False alarm pala. Bwiset na Marguex 'yon naisahan na naman ako.

"Tss. I'm having a peaceful moment here. You ruined everything."

Did I ? Masama na palang mag-alala ngayon ?

"Nag-alala lang ako." yumuko ako.

"Who told you to care ?" maangas niyang sabi.

I never knew he could come to this. Na kaya niyang sabihin sa akin 'to ngayon. Parang pinipiga ang puso ko sa aura na meron siya ngayon.

"I have to go. Kailangan ko pang magpahinga." sabi niya at nilagpasan ako.

Huminga ako ng malalim, "Pray before you sleep beh. Baka magkaroon ka ng masamang panaginip." I said.

Huminto siya saglit pero hindi man lang siya lumingon. "I can handle a nightmare. You're a nightmare everyday for me."

Tiningnan ko siya ngayong unti-unting lumalayo. Parang sinasaksak ang puso ko, it was like every word he said was a knife and stabs my heart endlessly.

Bangungot lang pala ako sa buhay niya ? He didn't even considered me as someone. Kahit strangers lang, okay na eh. Bangungot lang pala. Hanggang dun nalang ba talaga ako ?

Yumuko ako, at ngumiti ng pilit. Of course kaya ko to. I already have the chance, ngayon pa ba ako susuko ?

Umupo ako sa gilid at niyakap ang mga tuhod ko. Hindi naman siguro masama ang umiyak diba ? Minsan lang naman eh. I'll just let this pain consume me for a little while. Just for a little while.

Umiyak ako ng umiyak. Sa dami ng rejections na ginawa niya ngayon ko pa lang maiiiyak ang lahat. Kapag pakiramdam ko masakit na ang puso ko, kahit na magkasama kami umaalis na talaga ako. Kasi ayokong maging manhid eh, natatakot ako. Pero first time to ngayon na hinayaan ko siyang umalis without even asking him to stay o di kaya pigilan siya para mas mauna akong umalis. Mas okay na kasi sakin 'yong ako ang unang aalis para hindi ko makita kung gaano ako ka worthless pagdating sa kanya. Kung gaano ka walang kwenta ang lahat ng efforts ko sa paningin niya.

Pero masakit pala talaga lalo na pag galing na mismo sa taong mahal mo na kahit kailan hindi ka niya kailangan sa buhay niya, na kahit kailan wala kang puwang sa puso niya. Masakit.

"You're trying to wear a ring that doesn't fit your finger honey." natigilan ako. Andito na siya ?

Tumingala ako at nakita ko siyang nakasandal sa pader na nasa gilid ko habang nakapamulsa.

Bakit di ko alam na ngayon pala ang uwi niya ? Aish !

"Stop. I don't want to listen." tumayo na ako at akmang aalis na pero hinigit niya ang kamay ko.

"I warned you. Ikaw lang mismo ang nakahawak sa kutsilyong patuloy na isinasaksak sa puso mo Yesha." sabi niya at binitawan ako. Nilagpasan niya ako at nauna nang bumaba. Sh*t !

Kinuha ko ang phone sa bulsa at nag-dial ng digits, "He's here." I said ng may sumagot na sa kabilang linya. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at ibinaba na kaagad ang phone ko. This University would be a hell now.

Bumaba na rin ako at pumasok sa susunod na class ko. Pagkapasok ko palang nakatingin na sila lahat agad sa akin. Tingin na parang ngayon palang ulit nila ako nakita. Weird.

Umupo na ako at nagulat ng makita ko siyang umupo rin sa katabing upuan. So siya pala ang pinagtitinginan kanina at hindi ako -,- Assuming din.

"Tears." bigla niyang sabi pero nakayuko.

Baliw na ba ? Kinakausap nalang ang sarili niya eh.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagbasa nalang ng notes ko at baka may surprise exam pa si Ma'am mamaya pagpasok niya.

Nakita kong iniangat niya ang ulo niya at tiningnan ako. Ano ? Magsasalita na naman ba siya ?

"Stupid." tapos bigla siyang lumapit sa akin at pinahiran ang mukha ko gamit ang panyo niya.

Napapikit ako sa amoy nun, mabango sobra. Para akong hinihila ng halimuyak na dala ng panyo niya.

"I told you there were tears in your cheeks." sabi niya at yumuko nalang ulit.

Naningkit ang mga mata ko. May sinabi ba siyang ganun ? Eh sinabi niya lang 'Tears' the hell !

Yumuko ako sa mesa ko, bigla kasi akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko. Hindi dahil nahihirapan akong huminga kundi dahil masakit pa rin ang puso ko. Bakit ba kasi ganun ? Bakit ba hindi niya nakikitang totoo tong nararamdaman ko pa ra sa kanya ? Ganun ba talaga kahirap para sa kanya ang mahalin ako ? Siguro nga.

Pumasok na si Ma'am at nagtalak ng discussion niya para sa araw na 'to. Pero lutang ang buong sistema ko, hindi ako makapag-focus. Tsaka para pa akong nahihilo. Aish.

After isang oras na discussion nag dismiss na si Ma'am. Tumayo na ako pero bigla akong natumba. Sobra talaga akong nahihilo eh, hindi ko alam kung bakit. Naramdaman kong may sumalo sa akin pero hindi ko na maimulat ang nga mata ko para makita siya. Hinayaan ko nalang siyang buhatin ako sa kung saan.

Iisipin ko nalang na siya 'tong kumakarga sa akin ngayon. Para naman maramdaman kong mahal niya rin ako, para maramdaman ko man lang na may kunting care siya para sa akin.

Inihiga niya ako sa isang malambot na bagay na expected ko nang kama. Sa clinic niya ako dinala for sure.

"I'll inject sleeping solutions for her to rest." narinig kong sabi ng babae. Pero wala akong narinig na salita galing sa kung sino mang nagdala sa akin dito. Hindi man lang ako makakapag thank you sa kanya. Siguro itatanong ko nalang sa nurse kung sino ang nagdala sa akin dito.

Naramdaman kong tumusok na sa balikat ko ang injection na sinasabi niyang sleeping solution. After a minute or two nanlambot ang katawan ko.

Nagising nalang ako sa isang puting kwarto kaya napabalikwas agad ako ng bangon. Hindi naman ganito ang itsura ng clinic ah ?

"You're really stupid you know." nakita ko siyang pumasok habang hawak nya ang nakasukbit na bag sa likuran niya at nakapamulsa.

So siya 'yong sumalo sa akin kanina ? Sa bagay, classmate ko naman siya sa subject na 'yon at imposible rin namang si Bebe ko 'yon. As if naman gagawin niya 'yon sa akin.

"I'm not." sagot ko at humiga nalang ulit.

"You are. Pinag-alala mo pa ang nanay mo." sabi niya at umupo sa sofa na nasa tabi ng kama.

I sighed. Oo nga, sigurado akong nag-alala si Mommy sa akin.

"Why are you here ?" out of no where bigla nalang 'yon ang naitanong ko. Matagal ko na rin namang gustong itanong sa kanya kaya wala naman sigurong problema noh.

"Because you need me." he said without emotions.

"What I mean is that why are you back ? Why are you staying here for good ?"

"Same answer." he said at nagkibit nalang ng balikat.

Tumahimik nalang ako. Wala yata akong makukuhang matinong sagot sa lalaking 'to eh.

Huminga ulit ako ng malalim. Bibisita kaya siya sa akin ? Pupuntahan niya kaya ako ? Sana.

Biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin dun. Umaasang darating siya.

"Besh ? Anong problema ? Okay ka na ba ? How 'bout the baby ?" pwede na sana akong mag-emote sa pag-aalala ni Neri eh except the last part.

Pinalo siya ni Shy, "Hindi ganun besh. Dapat ganito." tapos tiningnan niya ako with overflowing emotions in her eyes. "Okay ka na ba besh ? Tanggapin nalang natin na hindi talaga para sayo ang baby na 'yon. Condolence sa baby mo besh. Hue.Hue.Hue." narinig ko pang tumawa si Rayver sa gilid namin kaya mas lalo akong nabanas sa kanila.

"Ay oo besh. The best ka talaga. Wohooo !!" sabi ni Neri at nag apir pa silang dalawa.

"Eh kung iumpog ko yang mga ulo nyo sa pader ha ?" inis na saad ko.

"Wag ganun besh, baka makunan ka ulit." binatukan ko si Neri kaya nag-pout siya at padabog na umupo sa tabi ni Rayver.

"Harsh besh, masama sa baby." humagikhik pa siya. Umamba akong babatukan siya pero bago ko pa magawa 'yon umiwas agad siya at umupo katabi sina Rayver at Neri.

Napailing ako sa kalokohan nilang dalawa. Sadyang tunay na mga kaibigan.

Ginulo ko ang buhok ko at nagtalukbong ng kumot. Nakakabwiset silang tatlo -,-

Umakting nalang akong tulog para hindi na nila ako asarin ulit. Mabuti nang hindi at baka kung ano pang magawa ko sa kanila.

"Bili lang ako ng foods guys. Gutom ako eh." biglang sabi ni Shy at lumabas na ng hospital room.

Bigla silang natahimik. Kanina lang tawa sila ng tawa eh. Tapos ngayong umalis si Shy natahimik naman sila.

"Uuwi na raw si Rox." bigla akong natigilan ng sabihin ni Neri ang pangalan na 'yon.

Si Rox. Tama. Si Roxanne Delos Reyes.

"Tsk." 'yon lang ang narinig ko galing kay Rayver.

Bakit kaya biglaan ang pag-uwi niya ? Hindi naman siya umuuwi agad unless may emergency.

"Teka nga. May atraso ka pa sakin eh." biglang sabi ni Rayver.

"What ?" pagtataray nama ni Neri.

"Bakit nyo hinahayaang saktan ng g*gong Jake na 'yon si Yesha ?" maangas na sagot ni Rayver.

"Because sometimes pain becomes a medium for learning." Neri answered.

Pagkatapos nun hindi na sila nagsalitang dalawa. Hanggang sa dumating si Shy walang imik pa rin ang dalawa. Kaya nanood nalang sila ng t.v. para maiwasan ang boredom.

May bigla namang pumasok sa loob ng kwarto kaya agad akong napabangon. Nurse lang pala.

"Expecting someone ?" napansin pala ni Rayver.

"Akala ko si Mom." pagsisinungaling ko.

"Drop the act Yesha. He's not coming because he don't care." diretsong sabi niya.

Teka, hindi ako ready dun ah. Hays. Kumirot na naman ang puso ko. Masakit talaga.

May itinurok lang siyang injectable medicine sa akin at umalis na rin siya.

Hindi na nga siguro siya dadating. Kasi wala siyang pakialam ? Hindi. Dahil siguro hindi niya alam na naospital ako kaya hindi siya makakapunta. As much as possible, think positive lang.

"Besh ? I smell so stinky na, I need to get soaked in my milk bath now." sabi ni Shy.

"Me too besh, I feel so dirty right now. Hospital staying sucks you know." sigunda ni Neri then flipped her hair.

"Be back besh. Don't worry. Gotta go. Bye." tapos nakipag-beso na sila sa akin at umalis na.

Naiwan kaming dalawa ni Rayver dito sa loob kaya mas nag exist ang katahimikan.

Siguro nailang siya sa aura na meron kami ngayon kaya tumayo na siya at nagsimulang maglakad palabas.

"He's not coming. Because he doesn't know." sabi ko sa kanya na ngayon ay nakaharap na sa pintuan.

"Suit yourself Yesha. Lokohin mo lang ang sarili mo." he said without even looking at me. Tuluyan na rin siyang nilamon ng pinto kaya naiwan nalang akong mag-isa.

I sighed. Kaya ko pa namang gawin to. Kaya ko pa.

Bigla nalang nag play ang casette na nasa loob ng kwarto. Bigla akong kinilabutan. Don't me mumu's. Takot ako sa inyo huehuehuehue.

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kumot at nagtalukbong na parang fetus. Huehue wrong move.

Bigla nalang nag on-at-off ang ilaw sa loob. Nakuuuu !! Jusmeee !! Aatakihin ako sa puso neto eh.

Hindi ko naman kayang tanggalin ang kumot na nakatabon sa akin ngayon kasi baka bigla nalang lumitaw 'yong mumu sa mukha ko na mismo. Just the thought of it para na akong naiihi sa takot. Jusko naman eh huehuehuehuehue.

Nanginginig na ako sa takot at pinagpapawisan na rin ako kahit naka aircon naman 'tong kwarto. Nakailang beses na rin akong nag sign of the cross para lang matigil na 'tong pag on at off ng ilaw.

Jusme ! Gustong-gusto ko nang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Naiihi na rin ako ng kunti sa pantalon ko. Nakuuuu naman ! Kadiri eeehhhh.

After minutes of being scared. Nag steady na rin ang ilaw. Then heard someone chuckling to death.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na nakatabon sa akin and saw him.

Parang nagbunyi ang kaluluwa ko. Yes, he's still laughing sa pangti-trip niya sa akin pero ako hindi na ako nakaramdam pa ng takot.

He's here. That means, he cares. May chance na akong nakikita ngayon. Meron na.

---

A.N. Nakuuuu sorry po nagloko na naman si Watty ayaw mag publish ulit. Jusko naman, ang dami ko nang kasalanan sa inyo nyan. Sorry po talaga. Sana intindihin nyo pa rin ang pinaka-lokang author na tulad ko huehue. Yun, sana you'll still read, vote and comment. Harthart ko po kayo ❤
~ XoXo_Pearl

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 106K 66
FOLLOW DULU BARU SECROL ! Sesama anak tunggal kaya raya yang di satukan dalam sebuah ikatan sakral? *** "Lo nyuruh gue buat berhenti ngerokok? Bera...
44.4K 1.9K 15
แ€žแ€ฐแ€Œแ€ฑแ€ธแ€›แ€ฒแ€ทแ€žแ€ฌแ€ธแ€”แ€ฒแ€ท แ€’แ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€˜แ€ฌแ€›แ€ฒแ€ท แ€™แ€ผแ€ฑแ€ธแ€แ€ญแ€ฏแ€ทแ€€แ€ผแ€ฌแ€ธแ€€ แ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€€ แ€”แ€ฎแ€ธแ€…แ€•แ€บแ€กแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€ธแ€…แ€ฌแ€ธแ€”แ€ฑแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€žแ€ฐแ€ทแ€›แ€ฒแ€ท แ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€ธแ€…แ€ฌแ€ธแ€•แ€ฏแ€ถ แ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€ธแ€…แ€ฌแ€ธแ€”แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€™แ€™แ€พแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€ท แ€กแ€แ€ฑแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏ แ€แ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€•แ€ญแ€ฏแ€ทแ€”แ€ฑแ€žแ€œแ€ญแ€ฏ แ€–แ€ผแ€…แ€บแ€”...
499K 14.4K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
933K 82.9K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...