I'm Inlove with Eion Sarmient...

Von PinayKimchii

93.6K 1.2K 17

Icelyn Stewart or also known as Ice, is secretly in love with his childhood friend named Eion. She confessed... Mehr

I'm Inlove with Eion Sarmiento
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
PLEASE READ
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Thirty
Ending

Twenty Nine

3.2K 38 1
Von PinayKimchii

"Anak, ito na 'yong ticket mo pabalik ng Cagayan." Inabot sakin ni Mommy ang ticket na pinadala ni Daddy para sakin.

I smiled to her. "You take care, Mom." Sabi ko.

Tumango siya at di maaalis ang nag-aalala niyang mukha sakin. "Are you sure, you want to go back there? Pwede mo namang sawayin ang Daddy mo. Akong bahala sa psychotic na 'yon. You look stressed! Isang linggo kanang mukhang stressed. Hindi mo man lang sinasabi sakin ang dahilan, maski kay Wade.. nag-aalala din ang isang 'yon." Litanya ni Mom.

Umiling ako sa sinabi niya. Alam ko at halatang nag-aalala sakin si Mommy. Pero siguro mas okay na muna sa ngayon ito, ang umalis ako ng Maynila habang nandito si Eion kasama ang mag-anak niya. Masyadong maliit para samin ang lugar kung saan parehas kami ng tinatapakan. Kailangan ko munang lumayo sakanila. Sa sakit na nararamdaman ko. Yes! Until now, I still loved him. Hindi naman ako makakaramdam ng sakit kung hindi ko pa mahal diba? Pero ngayon, I'm matured enough. Alam ko na ang tama at mali. Tama ang gagawin kong pag-alis at pagbalik sa Cagayan, habang nandito sila. At mali na ipilit ko ang sarili ko sa taong may iba ng pamilya. Kailangan itatak ko sa isip at puso ko na hindi kailanman magiging akin ang taong mahal na mahal ko.

Isang linggo ko ng pilit inaalis sa isipan ko ang mga nakita ko. Isang linggo narin akong stressed at hindi nakakapag isip masyado. May writer's block na naman ako! At alam kong hindi ito maganda. Nag-uumpisa na ang career ko sa kompanya ni Wade at masasabi kong maganda ang progress ng kwento ko sakanila. Pero alam kong naglilihim na naman ako sa kaibigan ko. Hindi ko sinasabi sakanya ang tungkol kay Eion. Wala akong sinasabihan. Dahilan, ay dahil seven years ago, siya ang dahilan kung bakit ako bagsak at hirap maka-ahon. Tapos ngayon, after seven years. Siya parin ang dahilan ko. Nakaka-gago, hindi ba? Masyado akong apektado dahil mahal ko pa!

Hindi ako mahalaga kay Eion. Siguro kaya gusto niya akong maka-usap noong unang kita namin sa Empire ay gusto niyang ipaalam sakin na asawa niya na ang kaibigan ko. Para ano pa? Para masaktan ako? Sa mismong harap na naman niya? Hindi pa ba sapat na iniwanan niya na ako noon mag-isa at wala man lang paalam? Noong nagkita nga kami sa Empire ni hindi niya na ako hinabol pa. Ni hindi niya na ako tangkain na hanapin pa. Tsss.

"Understanding po si Wade, tiyak maiintindihan niya ako. Tutal ay dalawang linggo po ang hiningi ko sakanya para makapag-unwind ako. After po nito, babalik ako sa company niya at tutuparin ko ang pangarap ko at obligasyon ko." Sabi ko.

Tumango siya at hinaplos ang aking pisngi. "Hindi ka man nagku-kwento pero naiintindihan kita. Sana pagka-uwi mo galing Cagayan, ay bumalik kana sa dati. Hanapin mo ang sarili mo doon tutal naman ay ang lugar na iyon ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. I'm always here for you anak."

Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha sa sinabi ni Mommy. "Salamat, 'my." At niyakap ko siya.

"You need a closure, Ice. Kapag nakuha mo iyon? Bubuti na iyang pakiramdam mo. Basta bumalik ka lang ulit sakin dito." Aniya pa.

Do I need a closure? Kaya ko kaya? Let's see.

Hinatid ako ni Mommy hanggang airport. "Take care of yourself there, Ice. Masyadong workaholic ang tatay mong psychotic at baka mapabayaan ka dun! Don't disturb your Kuya Sky, may sarili na 'yong pamilya. Kung hindi ka maasikaso ng ama mong magaling, go back here! Ayokong napapabayaan ka." Bilin ni Mommy kaya wala akong magawa kung hindi tumango ng tumango.

"I will Mom. Sige na po, aalis na ako. Two weeks lang naman po ako doon. Take care din po, I love you 'my." Niyakap ko siya ulit at hinalikan sa pisngi. She did the same kaya tumuloy na ako sa loob.

Nakakatawang isipin na matapos ang pitong taon ay nagbabalik ako sa lugar kung saan saksi lahat ang hirap na dinanas ko. Kung noon ay excited akong magpunta dito dahil sakanya, ngayon ay hindi na. Natanaw ko sa di kalayuan ang matagal ko ng taong hindi nakikita. Nakasuot ito ng aviators. Damn! I miss this guy.

"Kuyaaa!" Sigaw ko at mabilis akong yumakap sakanya.

Nakangiti siya habang sinuklian ako ng mahigpit na yakap. "God! I miss you, my one and only sister."

"How are you? Where's your wife and your kids? I miss them!" Masaya kong bungad sakanya.

"Sa Mansion. Let's go, kanina ka pa hinihintay ni Daddy. I'm sure matutuwa iyon dahil makikita niya na ulit ang prinsesa niya."  Nakangiting saad ng kapatid ko habang hinawakan ang aking kamay at nagsimula ng maglakad.

Huminto ako at mapait na ngumiti. "Totoo ba 'yang sinasabi mo o baka naman pinapagaan mo lang ang loob ko Kuya?"

Pinisil niya ang kamay kong hawak niya. "Ganun man 'yon si Dad, pero mahal na mahal ka noon at namimiss ka na noon. Kaya ka nga niya pinauwi dito e. Trust me. Tska I'm here. Kuya's here for you. Let's go." Marahan niyang sabi.

Ilang oras na biyahe bago kami makarating sa bahay namin. Tulad ng dati. Walang pinagbago ang mansion. Bukod sa nadagdagan ito ng mga guards! Lumalaki ang business ni Daddy kaya siguro nadagdagan ang mga bodyguards palibot sa mansion namin. Sinalubong ako ng bati ng mga tauhan ni Daddy at ng mga maids. Sinuklian ko naman sila ng ngiti. Matagal ko na silang hindi nakikita, maliban nalang sa mga bagong mukha ng mga maids.

Naabutan ko ang mga pamangkin ko sa living room na naglalaro ng mga manika at mga lego na nakakalat sa lapag. Napangiti ako sakanila! They're triplets. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nilang tatlo.

"TITAAAAAA!" Sabay-sabay nilang sabi at patakbong lumapit sakin at dahil maliliit pa sila. Sa tuhod ko silang tatlo nagsikayakapan.

Natawa ako. "Relaxs, babies. Hindi aalis si Tita Ice niyo." Sabi ko sakanilang tatlo.

"Kay Tita Ice lang ba kayo yayakap? How about Daddy?" Nagtatampo na sabi ng kapatid ko sa gilid.

Kaya mas lalo akong natawa sa itsura ng kapatid ko. Lumapit naman sakanya ang dalawang lalaking kambal at yumakap sa tuhod niya. Si Sunshine lang ang natira saking nakayakap.

"Omgod!! Ice your here.." Sigaw ni Ate Serena. Asawa ng kapatid ko.

Tumakbo siya palapit sakin at mahigpit akong niyakap. We're close! Kaya niyakap ko siya pabalik.

"Kamusta na Ate? Gumaganda ah?" Sabi ko ng nakangiti.

"Ganito siguro talaga kapag buntis. Hahahaha." Tumatawang sabi niya sabay hampas sa kapatid ko.

"Ouch!" Reklamo ni Kuya.

Nanlaki naman ang mata ko. "Buntis ka?" Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya habang malaki ang ngisi. "Yep. 7 weeks!"

"Wow! Congrats..." Malaki ang ngiti kong bati sakanya.

"Ice."

Napalingon kaming lahat sa tumawag saking pangalan. Then, I saw my father. Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang Daddy ko. He's changed! Kung dati ay malaki ang ngiti niya kapag nakikita ako, ngayon ay hindi na. Hindi ko alam kung lalapit ba ako sakanya para yakapin siya o makikipag titigan nalang sakanya.

Tinapik ako ni Kuya sa balikat. "Go ahead. Greet our dad. He misses you so much." Sabi ni Kuya Sky.

Tumingin ako sakanya at nakangiti siyang tumango sakin, maski si Ate Serena ay ngumiti din sakin.

Unti-unti akong lumakad papunta kay Daddy. I smiled to him and I hugged him tightly.

"I miss you, Daddy!" Maluha-luha kong sabi.

"Let's talk." Malamig na sabi niya at humiwalay ng yakap sakin at nagsimula ng maglakad papunta sa library kung saan ang opisina niya dito sa mansion.

I bit my lip and my tears starting to fall. I smiled bitterly. He's still mad at me! What do I expect? I'm a failure.

"Nahihiya lang 'yon si Dad. C'mon, princess.  Stop crying..." Marahan na sabi ni Kuya habang yakap ako. Alam ko naman na sinasabi niya lang ang lahat ng 'to para pagaangin ang loob ko.

Nakaupo ako sa sofa habang nakatingin lang kay Dad na may binabasang mga papeles. Kanina pa ako dito sa Library, pero until now. Hindi parin siya nagsasalita. Hindi parin niya ako iniimik. Masakit para sakin na hanggang ngayon ay galit parin sakin ang tatay ko.

Tumikhim siya at binaba ang binabasa niyang papel kasabay ng pagbaba niya sa kanyang salamin.

"May balak ka bang sabihin sakin ang nangyari sa Empire? Are you working on their company, now?" Tanong niya.

Napayuko ako. I'm sorry, Daddy. "N-no Dad, na-reject po ako." Pag-amin ko.

Tumawa ng mapakla si Dad sa sinabi ko. "For the third time?"

Tumango ako.

"See? Dahil 'yan sa katangahan mo noon! Look at yourself, you're a mess! A big failure to this family! Empire lang, hindi mo pa mapagtagumpayan?!" Galit na sabi niya.

Nakayuko lang ako habang tahimik na umiiyak. Wala akong masabi dahil totoo lahat ng hinaing sakin ni Daddy. I'm such a big failure to this company!

"I am very dissapointed with you, Ice! Hindi nararapat sayo si Ivan. You don't deserve him. Lalo na't wala ka pang napapatunayan sa pamilyang ito!" Sigaw niya.

Nag-angat ako ng tingin sa ama ko at mabilis na umiling. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata!

"No." Matigas kong sabi.

Umiling si Dad at mukhang hindi yata nagustuhan ang simabi ko. "Yes, I am right! You don't deserve Ivan!"

Tumayo ako at pinakatitigan ang ama ko. I love him. Yes! I respect him. Pero iba na kapag si Ivan ko, ang pinag-uusapan dito. Wala ni sino man ang makakapag sabi na hindi ko deserve si Ivan. Si Ivan lang ang kaligayahan at pinaka-iingatan ko.

"Hindi 'yan totoo, Dad! Huwag niyong idamay si Ivan dito, huwag siya! Tama na pong diniktahan niyo ako sa lahat ng bagay. Tama na pong pinag-hiwalay niyo kaming dalawa ni Ivan. Tama na po yung paninisi niyo sakin, kasi alam niyo? Sobrang sakit na! Ang sakit-sakit na pati kayo galit sakin! Opo, alam kong isa akong malaking failure sa pamilyang ito at dismayado kayo sakin. Pero kailangan pa bang ipaalala niyo sakin na ganyan ako kawalang kwenta?! Dad naman, akala ko ikaw itong unang makakaunawa at iintindi sakin. I guess, I'm wrong. Till now, you're still mad at me." Buong lakas na sabi ko sa ama ko. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

"Ice..." tanging salita na lumabas sa bibig ni Daddy.

Pinunasan ko ang luha sa mukha ko. "Daddy, yung sakit na naramdaman ko noon seven years ago. Hanggang ngayon dala-dala ko parin. Masakit parin hanggang ngayon na ito lang ang binagsakan ko! Pero hindi ako magsisisi, Ivan came to my life. Pagkauwi niya galing sa bakasyon sa susunod na araw. Sabay kaming babalik sa Maynila." Umiling ako. "Sana po hindi niyo kami pigilan at paglayuin. This time, ipaglalaban ko na ang karapatan ko." Muli na naman tumulo ang luha ko. God! I miss him. I miss my Ivan so much!

My father sigh. "If that's what you want." At tumalikod na siya sakin.

Days been passed pero wala parin kaming kibuan ni Daddy. Bumalik na sila Kuya Sky kasama ang pamilya niya sa sarili nilang bahay sa kabilang subdivision. Si Daddy naman ay abala sa mga kasong hinahawakan niya at sa ilang business na pinapatakbo niya. Ako naman ay walang magawa kung hindi ang mag pahinga at mag-isip. Natatakot akong pumunta sa mga lugar kung saan naalala ko lahat ng sakit na pilit ko ng tinatalikuran seven years ago. Alam kong wala siya dito pero naiwan sa lugar na ito ang mga alaala ng nakaraan. Hindi ko alam kung nandito parin ba ang mga iniwan kong kaibigan. Kamusta na kaya sila Thunder at Storm? May mga sarili na kaya silang pamilya tulad ni Eion at Rain? Si Rafael Montefalco kaya? Meron na kaya siyang asawa at anak? Ngumiti ako ng mapait. Bakit ko naman gugustuhin malaman kung kamusta na silang lahat. Kung noon ay bigla nalang akong umalis sa lugar na ito. Gugustuhin pa kaya nila ako makita? I bet. Nakalimutan na nila ako!

Linggo ngayong araw at naisipan kong mag-simba. Nahihiya akong yayain si Daddy kaya mag-isa nalang akong umalis dala ang sasakyang pinahiram sakin ng kapatid ko. Mabuti nalang at pagkarating ko ng simbahan ay magsisimula palang ang misa at nakahanap ako ng mauupuan. Habang nagmimisa ang pari ay hindi ko maiwasan ang mapapikit at magdasal. Pagmulat ko ng aking mata. Mukha niya agad ang bumungad sakin. Ipinikit kong muli ang aking mata. Lord naman, binibiro niyo po ba ako? Idinilat kong muli ang aking mata. Siya nga ito!

"Ice." Napapikit ako sa pagbigkas niya ng pangalan ko. All this time. I still longing of that voice. Damn!

I shook the thought of mine. Hindi na pwede! He has his own family now. I'm fine with my life now. I'm fine with my Ivan. Though, there's something in my life has incomplete.

Nag sign of the cross ako at mabilis na lumakad palabas ng simbahan. Kung minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa umulan? Itinakip ko ang dalawa kong kamay sa ulo ko at pasulong na tumakbo papunta kung saan ko pinarada ang dala kong kotse pero agad din akonh napahinto ng may humigit sa braso ko.

"It's raining, may balak ka bang magkasakit?!" Singhal niya sakin at hinila ako papunta sakanyang sasakyan.

"Let go of me!" Sigaw ko sakanya.

Wala siyang karapatan na hilahin nalang ako kung saan at sigawan. As far as I remember. Wala na siyang pakialam pa sakin. Pilit niya akong ipinasok sa passenger seat ng kanyang sasakyan at mabilis din siyang sumakay sa driver seat. Galit ko siyang hinarap.

"May sarili akong sasakyan! Bababa na ako!" Reklamo ko at bubuksan na sana ang pintuan ng kanyang kotse pero naka-lock! Great! Asar!

"May kotse din ako." Walang gana niyang sabi.

"Ano bang problema mo ha?!" Sighal ko sakanya.

"I want us to talk." Aniya sa seryosong tono.

Umiwas ako ng tingin. Ayoko! Ayokong mag-usap pa kaming dalawa. I tried my very best para iwasan na siya. Kaya ayoko! Sinimulan niya ng patakbuhin itong kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wala akong alam! Tutal hindi naman ako papayag na kausapin siya. I'm still mad at him. Kahit gaano ko pa siya kamahal hanggang ngayon, nandoon parin yung sakit ng pag-iwan niya sakin seven years ago. Nangingibabaw parin yung pain kaysa sa love ko para sakanya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko! Bakit kahit galit ako sakanya, kahit galit ako sa ginawa niya sakin noon. Bakit hindi ko siya magawang ipagtabuyan? Bakit hanggang sigaw lang ako sakanya? Shit! Ang sakit ng ginawa niya sakin noon pero bakit hanggang dito lang ang ginagawa ko? Ganito ba talaga ako katanga?

Kumunot ang noo ko ng mapansin ko kung saang daan ito papunta. Shit, no! Ayokong pumunta sa lugar na iyon.

"Stop the car!" Sigaw ko sakanya.

"We will talk, Ice. Please!" Aniya sa nahihirapan na boses.

Umiling ako at napapikit ng mariin. Ayoko ng bumalik pa sa lugar na ito. Mas lalo ko lang naalala lahat ng ginawa kong katangahan noon. Mas lalo ko lang naalala lahat ng sakit dulot ng kahapon. Mas lalo ko lang naalala na hindi kailanman siya naging akin.

I bit my lip and my eyes starting to water endlessly.

"Stop the car, please." Nagmamaka-awa kong sabi.

Hininto niya agad ang kotse sa gitna mismo ng burol. Narinig ko pa ang mahihina niyang mura at hinarap ako. He wipe my tears away and he hugged me tight. Now, he saw me again in my weakness point!

"Shhh. S-stop crying please." Aniya sa mababang tono habang yakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon, bumalik. Lahat ng paghihirap ko, bumalik na naman! Ayoko na itong maramdaman. Pagod na pagod na ako! Ang lalaking mahigpit na nakayakap sakin ngayon ang siyang dahilan kung bakit ko lahat nararanasan ang sakit ng kahapon. Pero bakit mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon? Tangina naman. Bakit ba ako pinaglalaruan ng puso at utak ko? Galit na galit ako. Gusto ko siyang sisihin sa lahat. Pero bakit kapag nasa harapan ko na siya, nalulusaw lahat ng galit ko sakanya. Ganito ba ako katanga sa lalaking mahal na mahal ko?

Gustong-gusto ko ng sumuko. Bumalik ako dito sa Cagayan dahil gustong kong mag-isip at lumayo saglit sakanya. Pero heto ako, nasa lugar kung saan saksi lahat ng sakit na naranasan ko noon. At heto ako, nasa bisig ng lalaking mahal na mahal ko. Paano ako susuko kung patuloy siyang nagpapakita sakin? Paano ako susuko kung ganito kami kalapit sa isa't-isa? Bakit pa kasi bumalik pa siya ulit. Bakit pa kasi nagkrus ang landas naming dalawa eh. Kung kailan malapit ko na siyang makalimutan.

"Bakit ka biglang umalis?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

Hindi ko alam kung paano ang ginawa niya para mapakalma ako. Basta ngayon, tulala akong nakatingin sa kawalan. Huminto na ang malakas na ulan. Nasa tabi ko siya habang nakayuko. We're still here in Burol. Kung saan nangyari ang lahat. Kung saan maraming alaala para saming dalawa.

I don't have the strength to yell and nag at him.

"I'm sorry..." Aniya.

Napapikit ako. "Hindi naman sorry ang gusto kong marining, mula sayo."

"I left, because of you." Aniya.

Hinarap ko siya to see his frustrated and at the same time pain expression.

"Dahil sakin?" Kunot noo kong tanong sakanya. Napayuko lang siya. Damn! "Umamin lang naman ako sayo, tungkol sa nararamdaman ko para sayo." I smiled bitterly. "Ganun mo ba kaayaw sakin para bigla ka nalang umalis?" Mapait kong tanong.

Mabilis siyang umiling. "H-hindi! God knows, how much I love you." Pagsusumamo niya.

"Eh ano nga?! Dinadamay mo pa ang diyos sa lahat ng kasinungalingan mo! Alam mo, bakit ka pa bumalik? Sana hindi ka nalang nagpakita pa sakin ulit!" Sigaw ko sakanya.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Please, Ice. Don't hate me please. I did that because you're failing. I left, because you're failing. Ako ang dahilan kung bakit ka bumabagsak sa klase mo at ako din ang dahilan kaya lumalayo ang loob ng mga kaibigan mo sayo! I'm a toxic to your life, Ice!" Pag-amin niya.

Lumayo ako sakanya. Hirap niya akong tinignan.

"Ice, believe it or not. I love you! Una palang minahal na kita. N-natatakot lang akong umamin kasi masyado kang dependent sakin noon. I know you, you have a big dreams. At natatakot ako ng dahil sakin hindi mo makuha yung pinapangarap mo. I said those hurtful words, to wake you up! Mahal kita noon kahit hanggang ngayon, pero kailangan kitang saktan noon para tumayo ka sa sariling mong mga paa. Ice, I did that on purpose." Pag-amin niya.

I smiled bitterly and my tears escape from my eyes.

"Naisip mo ba na ikaw ang pangarap ko? Naisip mo ba na ikaw ang nagbibigay inspirasyon para sakin? Naisip mo ba na sayo ako kumukuha ng lakas? Naisip mo ba? Naisip mo ba lahat ng 'yan ng iwan mo ako?" Tanong ko.

"Ice...."

"Ang sabi mo noon, huwag akong matakot, hindi mo ako iiwan. Pero iniwan mo parin ako." I smiled weakly. "Natakot nalang sana ako."

"I love you." He whisper.

Umiling ako at pumikit ng mariin. "Kay tagal kong hinintay na sabihin mo sakin ang tatlong salitang 'yan, Eion." Tinitigan ko siya. Pain is visible in our eyes. Ngayong araw na ito, parehas kaming nasasaktan. "Nung umalis ka, halos 'di ko kinaya. Paano kapag ako naman yung umalis? Makakaya mo ba? Matitiis mo ba?!" Hinanakit ko.

Lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa kanyang pisngi. Parang ulan na naman ang mga luha ko.

"Patawarin mo ako, Ice. I'm so sorry kung umalis ako ng hindi nagpapa-alam sayo. I'm so sorry kung umalis ako ng wala ni isang salita. I'm sorry kung iniwan kita." Pagmamaka-awa niya.

"While I was holding on, all you did was let go of me." Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.

Umiling siya habang hawak parin ang dalawa kong kamay. "When I left you, I was never say goodbye and I never said that I let you go. I just left you in a hotel room because, I hate the feeling when I have to say goodbye to you, that I want to spend my whole life with." Aniya.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha. "Sometimes I hate getting close to people because I think they will just eventually walk out of my life no matter how close we are." Biglang sabi ko.

Tumayo siya at siya mismo ang pumunas sa mga luha ko. "Trust me, Ice. I will never let you go. I will never walk out of your life. I'm back again. I'm back with your life now."

Diba ganito ang gusto ko? Na sa wakas, mahal din pala ako ni Eion. Na sa wakas, hindi niya na ako ulit iiwan. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? Tinitigan ko ang gwapong mukha ng taong mahal ko. Ibang-iba na talaga siya. He's changed a lot. Pero bakit niya kailangan mag sinungaling sakin? He said, he's back in my life. He said, he will never let me go. How about Rain and his son? Bakit hindi niya sinabi ang tungkol sa mag-ina niya? May balak ba siyang gawin akong kabit? I shook my dirty thoughts. I don't wanna be a third party! Mahal na mahal ko si Eion, pero hindi ako papayag na maging kabit at makasira ng isang pamilya.

Then I remembered my Ivan.

"Naalala mo ba 'yung panahon na mahal na mahal kita?" I smiled bitterly. "Uulitin ko 'yon, pero sa taong mas deserving na." Then I walk out.

Mabilis ang lakad ko paalis dito sa Burol habang umiiyak. Mahal na mahal parin kita, Eion. Pero may pamilya kana! Hindi ko pwedeng sirain ang pamilya mo. Mahal na mahal kita kaya kahit masakit para sakin, kaya kong magsakripisyo. Isasakripisyo ko yung nararamdaman ko para sayo at sa pamilya mo. Tutal, I have my Ivan with me. Sapat na sakin si Ivan. Aside from Eion, si Ivan ang dahilan ko para mabuhay at magpatuloy pa.

Nanlalambot ako ng umuwi ako sa bahay namin at hanggang sa sinalubong ako ni Daddy sa may gate pa lamang. Bakit siya nandito? Talaga bang inaabangan niya ang pag dating ko? I smiled with my thought. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at umiyak. Ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko magawa. Dahil until now, he's still mad at me. Natatakot akong baka lumayo sakin si Daddy. He don't want to see me as weak as me now.

"It's late." Aniya sa seryosong boses.

I smiled weakly to my dad. "Sorry po."

"Are you okay?" He look concern now. I'm not okay, Dad! I have a lots of problem.

But in the end. I just nod and fake a smile. "Ofcourse po..."

"That's good. C'mon! I have a surprise for you." Aniya at hinawakan ako sa aking kamay.

Naglakad kami papunta sa loob ng aming bahay habang hawak ni Daddy ang kamay ko. Napangiti ako ng pagmasdan ko ang kamay naming dalawa ni Daddy na magka-hawak. Just the old times! Nawala ang atensyon ko sa magkahawak naming kamay ni Daddy ng may biglang tumalon sakin at mahigpit akong niyakap. And my problems vanished when I know, who is he.

"I'M BACK MOMMY! I MISS YOU! SURPRISEEEEE HAHAHAHA!" Even the high tone of his voice didn't changed.

This hyper kid infront of us. God, I miss him too much.

"My Ivan." I smiled to my Son widely and hugged him tight.

God! My seven years old chubby son is looked like his father. Paano ko 'to ipapaliwanag sa tatay niya na mayroon kaming anak, 'gayong may sarili na itong pamilya?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

17.5K 914 37
Bata pa lang alam na ni borj na love na ang nararamdaman niya para kay roni at hindi ito simpleng paghanga lang sa dalaga. Naipagtapat niya ang kanya...
6.9K 712 53
Athena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses pat...
99.8K 1.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
4.6K 140 21
[BACHELORS LOVE AFFAIRS #1] When Kiara's boyfriend broke up with her because of the reason that she can't give him his needs as a man, she suddenly f...