To Fix You (Mafias Series # 2...

Von MariaElenaIyiger

3.2M 67.5K 2.2K

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Nyda loved Luke for years.Bata palang ito ay Si Lu... Mehr

Prologue
TFY 1: The First Heart Break
TFY 2: Comeback
TFY 3: Yet Too Far
TFY 4: The More You Deny
TFY 5: To The Beach
TFY 6: Too Much
TFY 8: Here We Start
TFY 9: Tame Him
TFY 10: I Could Think Of Her
TFY 11: Operation
TFY 12: The Words Were Painful
TFY 13: It Is Just A Date
TFY 14: I Tried To
TFY 15: Outing
TFY 16: Get Over It
TFY 17: She Will Beloved
TFY 18: He Who Doesn't Care
TFY 19: My Love Is Until Here
TFY 20: Can I Really?
TFY 21: What I Lost
TFY 22: From A Distance
TFY 23: Don't Worry IF You Don't
TFY 24: My Heart That You Never Know
TFY 25: The Devastation
TFY 26: Memories Of A Broken Heart
TFY 27: You Can't Be Weak
TFY 28: It All Matters To Me
TFY 29: A Daughter's Love
TFY 30: I'm Tired of
TFY 31: I'm Still The One
TFY 32: A Word Was Enough
TFY 33: Untold
TFY 34: My Painful Past
TFY 35: Supposed Yours
TFY 36: The Choice
TFY 37: The Beast Inside
TFY 38: Reconcilation
TFY 39: Undecided
TFY 40: Endless Lover
EPILOGUE : TO LOVE YOU FOREVER

TFY 7: Bridges Of Love

79.9K 1.6K 80
Von MariaElenaIyiger


FB Group:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Thank You po sa Reads Votes and Comments

**********************

Nyda


Kinabukasan ay Sumama ako kila Gab papuntang Cagayan. May kinausap lang sila ni Jake duon. Hindi ko rin naman inaasahang sasama si Luke. Akala ko may pupuntahan siyang iba. Kaya ngayon ay nasa likod kami. Kami lang ang nakaupo pero ang layo namin sa isa't isa.

"Dadaan tayo sa Stop Shop Nyda, You wanna eat something?" Biglang nagsalita si Jake mula sa Harap. Si Gab kasi ang nagmamaneho. Sa harap nga sana ako kaso, Nandya si Jake

"Sige lang" walang ganang saad ko kasi.

"Papapalitan ko yung gulong sa likod. Incase lang." Sabi naman ni Gab na tumingin sakin sa front mirror.


Para ngang kanina pa ako nahihilo. Paikot ikot kasi yung daan. Tapos parang iisang tanawin lang ang nakikita ko. Pero Maganda naman rito sa Probinsya.

Samantala ay katulad ng sabi nila Jake ay tumigil kami sa Isang Stop shop kung saan may Gasoline Station.

"Sa loob lang ako." Pagpapaalam ko kay Jake. Hindi ko na nahintay ang sagot niya at dumiretso sa loob ng Shop. Malawak ang shop at maraming Kainan. May Bilihan at Grocery sa taas. Parang Mall at maraming bilihan ng Damit. Nakita ko pa ang Poster ng bagong modelo ng Penshoppe sa Pilipinas na si Ed Westick. Sa katabing Poster ay si Sean O'Pry. Ang Pogi niya talaga! Siya talaga ang Pinaka gwapong Penshoppe Model para sa akin. Ang galing niyang magmodel ng Damit ang bagay lahat ng damit na imomodel niya.


Nagpunta ako sa Snack Section at pumili ng kakainin.


Naaliw ako sa mga Hotdog Bars at sa mga malalaking Jollyhotdog.

Kaya ang inorder ko ay yung malaking jolly hotdog at float. Para akong nagugutom na nahihilo. Pero eenjoyin ko nalang ang pagkain ko.


Tristan

"Kailan ba nung huli mong pinalitan ang gulong nito?"Untag ko kay Gab na kasalukuyang iniaalis ang reserbang Gulong sa likod ng sasakyan

"6 months ago pa yata. Pero sa lahat ng sasakyan ko ito isa sa mga pinakagusto ko. Her name Becky." Ngumiti ito. Napailing iling na lang ako. Mahilig kasi sa Sasakyan si Gab lalo na kapag Sports Cars. Alagang alaga niya ang bawat sasakyan niya.

Umupo ako sa bench kung saan iniwan ni Jake ang Coffee. Pero bumalik ulit ata siya sa loob. Hindi ko rin napansin ang pag alis ni Nyda. Sinubukan kong luminga linga sa paligid pero hindi ko siya makita baka nanjan lang sa tabi tabi.

"Alam mo ba ang pinaka gusto ko rito, Matindi ang endurance niya sa Byahe. Kahit sa lubak lubak na lugar. " Umupo si Gab sa Tabi ko at tumitig sa sasakyan niya. Inabot ko naman sa kanya ang kape

"Eh bakit mo pa pahahanginan yung extrang gulong?"

"Incase lang. Ang daming Detour kanina. Malalaki ung mga bato. Hindi lang basta bato parang basag na semento pa. Mabuti na yung sigurado." Saad nito. Napatitig rin ako sa sasakyan niya. Actually May ganito rin akong Sasakyan kaso nga lang ay hindi kasing sikat na brand gaya ni Gab. Hindi ko rin sigurado ang endurance ng Sasakyan kong iyon. Mas ginagamit ko ang BMW ko. Parehas kami ni Rowin ng taste sa sasakyan. Si Gab ay Mga tipong Adventure ang hilig niyang bilhin

"Maganda itong pang outing bukod sa pwede ideactivate ang cover sa likod. Parang 4 x 4 tapos tatayo ka sa likod."

"Oo nga .." Pagsasang ayon ko rito habang nakatuon parin ang titig namin sa sasakyan

"Eh anong part ng mukha ni Nyda ang maganda para sayo?"

"Yung mata niya, ngumingiti rin kapag ngumingiti siya saka yung mga labi niya."

"Tama maganda nga ang mga mata ni Nyda." Natauhan ako sa mga pinagsasabi ko nang biglang dumating si Jake na may hawak na Tray ng Nachos at Fries at umupo sa tabi namin. Napaalis ang pagkakasandal ko sa lamesa at tinignan ang bawat ekpresyon sa mga mukha nila. Pareho silang nakangisi at nag apir pa sila

Maske ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ko nga ba sinagot yun at bakit hindi man lang nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Gab?

"Namumula ka Pre. " ani ni Jake. Sinuntok ko naman agad ang braso nito. Hindi rin lang din ako makakaimik.

"Uso ba talaga ang tagutaguan ng feelings ngayon?" natatawang saad ni Gab. Binato ko naman siya ng Tissue. "Tigil tigilan niyo ko"

"Ano bang masama sa sinabi ni Luke. Wala naman ah. Sinagot ka lang naman niya" Parang painosenteng sabi ni Jake.

Tinalikuran ko nalang sila at hindi ko na sila pinansin kahit dinig na dinig ko pa ang tawa nilang dalawa.

Pero naagaw ng atensyon ko ang babaeng nakita kong kumakain sa loob ng shop. Kitang kita kase dahil nasa bintana siya.

Ang sarap ng kain niya nung Hotdog. Kung titignan mo siya parang hindi siya Big Eater.



"Tristan!" Napaangat ako ng titig sa tumawag sa akin. It was Nyda. She ran towards her while embracing her books at paalog alog ang mabigat na Bag nito.

Nakatirintas ang buhok nito pababa at may Ribbon sa baba. Ito lagi ang Hairstye ni Nyda. Pero Maganda parin siya, Lalo na kapag nakauniporme ito

"Asan si Kuya?" Tanong nito nang makalapit siya sa akin. Kinuha ko ang hawak hawak niyang libro at inalis ang Bag sa likod niya

"May pinuntahan. Pinakiusapan niya ako, na lang ang susundo sa iyo"

"Ah! Nga pala Tignan mo ito oh may nagiwan sa Locker ko pero natatawa ako dahim marami siyang maling Grammar." Kinuha niya sa akin ang libro niya at may kinuha siyang nakaipit duon na Card. Mukhang galing ito sa manliligaw niya

"Aba aba! May Manliligaw kana Katorse ka palang. Mamaya ay maKatorse ka rin." Kinurot ko ang ilong nito sabay agaw sa Card na hawak niya

"Uy Tristan! Akin yan wag mo muna basahin!" Tumalon talon siya para agawin sa akin ang Card peor dahil matangkad ako tinaas ko ang card para di niya maabot

"Babasahin ko to susumbong kita sa Kuya mo." pagbibiro ko sakanya. "Tristan naman" She pouted lalo akong napahalakhak. Malalagot kasi ito kapag may umaaligid sa kanya. Ni hindi nga maitiwala ni Tyron sa ibang tao si Nyda. Kami pa o ang body guards nila ang sasabihan niyang magsundo sa kanya. Binabakuran kasi ni Tyron si Nyda

"Dear Nyda.. The first time I saw you it was like I stepped my feet into heaven. I imagined you walking down to aisle and I am seeing you beautiful face--"

"Tristan!!!!" Nagwala na siya. Napatakip ako sa bibig ko at napahagalpak sa tawa "Ito na oh. " Inaabot ko naman sa kanya ang card pero naka busangot na ang mukha niya

"Uy, Binibiro lang kita. Tampo ka na niyan?" Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat

"Wag mo kong tignan" Tinalikuran niya ako. Nakangiti akong tinungo ang harapan niya

"Crush mo din yan?"

"Hindi. Eh bakit kasi!"

"Ano ba? Binasa ko lang naman yung liham niya sayo. Di kita isusumbong sa kuya mo. Alam mo naman.." Hinawakan ko ang kamay niya at ikinuyom ito

"Malakas ka sakin" Dinampi ko ang kamao ko sa kamao niya. Parang naging Vow na namin ito sa isa't isa. Isa ako sa mga Secret Keeper ni Nyda.


**********************


"Tara na andun na si Nyda." Untag sa akin ni Jake. Sumunod naman agad ako sa kanya. Bumalik ako sa dati kong pwesto sa likod, Kung saan nandun si Nyda. Siguro busog na busog na ito. Hindi rin naman ako iniimik nito at nakatuon sa bintana ang atensyon niya.


******************

"Malapit na tayo sa Patapat Bridge. Gusto niyo mag picture?" Napatingin ako kay Gab nang bigla itong nagsalita. Pero hindi rin umimik si Jake, Napatingin ako kay Nyda pero tulog naman.

"Sige." Sagot ko sa kanya at tignan ko siya sa Front mirror


*********************


Nyda

Nagising ako nang biglang tumigil ang sasakyan. Nakatulog yata ako. Pero parang umayos ang Pakiramdam ko. Napadungaw ako sa Bintana nakita ko ang dagat na may pagka berdeng asul ang kulay. Nakita kong nakalabas na sila Gab.

"This is Patapat Bridge Nyda! We're near to Cagayan. Diba malapit na tayo?" saad ni Jake na parang nageendorse ng lugar. Parang timang talaga si Jake minsan

Nang makita ko ang buong lugar ay napamangha ako. Nakita ko ang shape ng Bridge parang snake. Ang ganda ng pagkakagawa. Matatayog ang bundok sa Gilid at ang ganda ng Dagat

"Ang daming magandang tanawin dito sa Norte." Napangiti akong lumapit sa bridge. "Ang sarap nang hangin" Tila napapikit pa ako at ninamnam ang simoy ng hangin. Pinakinggan ko ang bawat hampas ng alon sa dagat. Naamoy ko ang lansa ng dagat pero mas nangingibabaw ang lamig ng paghampas ng alon.

"Marami talagang Tourists spot dito. Maraming turista kaya nahikayat sila Rowin na pagandahin ang Resort. Worth it naman. dahil dinadayo na ang Resort mula nuon." Biglang lumapit sa akin si Luke. Ikinagulat ko ang presensya niya sa tabi ko. Nakapamulsa itong nakatitig sa dagat.

"Lagi ba kayo dito?"

"Hindi. Ngayon na nga lang kami nakakaalis na magkakasama. Masyado na kaming busy sa trabaho. "

"Ano yan?" Bigla kong napansin ang tahi sa kamay ni Luke "Napano ito?" Hindi ko rin napigilang hinahawakan ang kamay niya

"Oh, Sa trabaho. " Napatitig rin siya sa paghawak ko sa kamay niya

"Secret Agent ka parin? Di ba delikado? Si kuya pinagquiquit na ni Mommy at Daddy at magfocus na lang sana sa Business namin pero matigas siya."

"Our Job has been a big part of our lives." Inalis niya ang kamay niya mula sa mga palad ko at tumingin sa amin.

"More on Investigations naman kami at Secret Missions. Hindi naman kami nakikigera. Pero di mo lang talaga maiiwasan minsan magkaruon ng mga sugat na ganito. Lalo na kapag nakikipaghabulan ka." May halong tawa ang sagot nito. Napangiti ako dahil parang sa oras na ito ay naramdaman ko ang dating Luke.

Aminado akong masama ang loob ko sa nakita ko kagabi, Pero naisip ko ay wala naman akong karapatang magselos dahil tama si Grae, Hindi siya akin. Pero.. I will make him mine.


********************


Maganda po talaga sa Patapat Bridge sa Pagudpud. Haha! Pasyal kayo dun kung trip niyo mamasyal

UNEDITED

Itutuloy

Thank You po!


Weiterlesen

Das wird dir gefallen

6.1K 357 20
San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her life to be uneventful until the day she...
4.8K 413 44
ROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she wa...
1.4M 23.3K 62
Señorita Series 1: AMANDA R18 SPG🔞🔞 EXCLUSIVE UNDER DREAME/YUGTO ONLY AVAILABLE ON DREAME/YUGTO APP‼️‼️ PAY TO READ ‼️‼️ Dreame Username: maikitama...
2.3K 204 43
Labis na nasaktan si Ann sa pag-iwan ng kanyang dating fiancé na si Evo. Idagdag pa rito ang pag-iwan din sa kaniya ng kababatang si Xian at ng kanya...