The Hokagirls ❤ #Wattys2016

By LovePearl_

578 64 8

I never wished for you to respond with my i love you's, I just wanted you to hear it. I never wished for you... More

The Hokagirls ❤
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note

Chapter 1

43 4 2
By LovePearl_

Ayesha's POV

"Bebs? Ano okay ba yung ginawa ko kay bebe kervs ko ?" pambungad na tanong ko sa dalawa kong beastfriends na nakatambay ngayon dito sa canteen.

"Hindi." nakasimangot na sagot ni Neri.

"Ampanget besh." diring-diri namang saad ni Shy.

Eh kung pag untugin ko kaya silang dalawa eh noh ? Sobrang effort ko na nga yun eh, napagalitan pa ako ng Dean nun kasi naka istorbo daw ako sa buong University. Tapos sasabihin lang nilang hindi maganda at sobrang pangit ng ginawa ko ha ? Asan na ba ang hustisyang pinapatupad ni Daddy Duterte ha ? Huehuehue. Ansheket !!

"Besh, alam mo na. Wag lang simpleng galawan ang gawin mo." sabi ni Neri na ngayon ay nakatingin na sa pinagpapantasyahan niyang lalaki.

"So ano na nga?"

"Galawang Hokage !!" sabay nilang sigaw sa akin. Eh ? Ano 'yon ?

"Ha?"

"Besh, saang lupalop ka ba ng mundo itinago ng nanay mo ha ? At wala ka man lang alam kung ano 'yon. Naku, nababanas ako sayo besh." naiirita nang sabi ni Shy.

Jusko 'tong mga babaeng 'to. Nahawaan na ba ng mga alien ang utak nila ? Kung anu-ano nalang kasi ang pinagsasasabi eh.

Tinitigan ko lang sila with my 'just elaborate look'. Sana makuha kayo sa tingin mga besh.

"Okay payn. Ganito kasi yan."

At 'yon na nga halos isang oras din silang nagpapalit palit ng talak sa harapan ko habang ako naman focus na focus sa sinasabi nila.

"Aaah." nagpatango tango kong sagot.

"Oo yun na yun." hingal na sabi ni Neri. Ganun ba yun kahaba talaga ?

Mwahahahaha humanda ka sa akin ngayon Bebe Kervs ko. Tingnan natin kung hindi ka pa mai-inlove sa akin nyan.

---------

Jake's POV

Sh*t ! Just the thought of what happened awhile ago just pisses me off . Ano bang kinakain ng babaeng 'yon ? Kailan ba sya titigil sa pangungulit sa akin nyan. Aish !!

Dumiretso na ako sa susunod kong class. Dahil sa punyetang babaeng yun hindi tuloy ako nakapasok sa first class ko. Bwiset talaga.

Pagkapasok ko palang sa loob ng room, lahat ng mata nakatingin na sa akin. As expected -,- Sino ba namang gago ang hindi pag-uusapan kong babae mismo ang nag-alok ng date sayo.

Umupo ako sa pinakalikod na bahagi ng room. Hanggang ngayon nakatingin pa rin sila sa akin at pinagbubulungan pa ako. Can't they just mind their own business ? Nakakabwiset na masyado eh.

"Oy bro. Ang swerte mo kanina ah." bigla siyang umakbay sakin. Tiningnan ko ang kamay niyang nakaakbay ngayon sa balikat ko. Close ba kami ?

"Just get your hands off me." pasensyoso kong sabi.

"Alam mo kasi pare, halata namang gustong-gusto mo yung nangyari kanina eh. Isa ba namang Ayesha Lopez ang mag-aya sayo ng date diba ?" sabi niya ng hindi pa rin tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Kalma lang Jake, kalma lang.

Hindi ko siya sinagot. Ayaw ko ng gulo. Magkamali lang siya ng pagkasabi papatulan ko na talaga tong mukhang butiki na lalaking 'to.

"Oy pre ? Ano ? Ikaw na nga inaya ikaw pa 'tong choosy. Eh lahat naman tayo alam na sa kama lang din ang punta nyo."

Hindi na ako nakapagpigil. Kinwelyuhan ko 'yong lalaki at itinaas siya, "Don't you dare talk to me like that. Or else I'm going to haunt you to death." Itinulak ko siya palayo sakin.

"I-deny mo pa bro." sabi niya. Aambahan ko na sana siya ng suntok pero sakto namang dumating 'yong professor namin at nakita niya ang ginawa ko.

"What was that for Mr. Mendoza ?"

Nagpigil ako ng inis at umupo ng maayos sa upuan ko. Bwiset !!

Lumapit sakin ang professor namin at binigyan nya ako ng bagay na kailanman hindi ko pa nakukuha sa loob ng ilang taong pananatili ko sa University na 'to.

"Get out of my room now." kinuha ko ang bag ko at tiningnan yung lalaki kanina. Binigay ko sa kanya ang pinaka galit na look ko. Nag respond naman siya at inilagay niya ang dalawang daliri niya sa mata niya na para bang sinasabi niyang 'I'm watching you' .

Isinukbit ko ang bag ko at umalis na ng room. P*cha !! Kasalanan 'to ng Ayesha na 'yon eh. Kung di lang niya kasi ginawa 'yong pag-aaya niya ng date sakin edi sana hindi nagkanda leche-leche tong araw ko na 'to.

Binigay ko 'yong detention slip sa guidance office at pinapasok na nila ako sa detention room.

Ang dilim dito sa loob. Sumandal ako sa pinakamadilim na corner ng room habang yung mga kamay ko nakapatong sa tuhod ko. Hinawakan ko ang sintido ko, aish bumalik na naman 'tong sakit ng ulo ko. Argh!!

"Gusto mo hilutin ko 'yong ulo mo?" napatayo ako sa gulat. What on earth. Sino ba 'yon ?!

Ini-on niya ang cellphone niya at naaninag ko ang mukha niya. Aish !! Siya na naman ?!

"Wag nalang. Libre chansing din 'yon." umupo na ako ulit at ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod. Argh !! Ang sakit talaga ng ulo ko. Bakit ba kasi di ko nadala 'yong mga gamot ko ! Malas talaga oh !

Wala na rin akong narinig mula sa kanya. Mabuti pa nga at nang hindi na madagdagan pa ang sakit ng ulo ko.

Napapikit nalang ako sa sobrang sakit. Aish, matatagalan pa bago ako makalabas dito kaya panigurado magtitiis ako sa sobrang sakit nito.

Habang namimilipit ako sa sakit bigla nalang akong nakaramdam na may tumabi sakin. Bago pa ako makagalaw, hinilot na niya ang ulo ko.

Ang sarap sa pakiramdam. Ang lambot ng mga kamay niya at ang gaan kaya sobrang effective ng paghilot niya. Itinaas niya ang ulo ko at isinandal niya sa pader. Magsasalita na sana ako pero, "Ssshhh, sasakit lang yan ulit. Hayaan mo nalang gawin ko 'to."

Hindi nalang ako umimik at dinama ko nalang ang sarap sa pakiramdam habang hinihilot niya ang ulo ko.

"Bakit mo 'yon ginawa kanina ?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya kasi nakapikit ako ngayon.

"Seryoso ako dun." seryoso niyang saad. Gusto kong matawa, ibang klase rin siya eh noh. Hindi ba siya naturuan ng parents niya ng Maria Clara edition of Filipina ? Siguro nga hindi.

"Eh pano kung ayaw ko?" may halong pang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Edi hindi ako titigil hanggat di ka pumapayag." seryoso pa rin niyang sabi. Talaga ba ? Ang lakas ng katok ng babaeng 'to ha.

Hindi na ako nagsalita pa, at hindi ko na rin siya kinontra. Mukha naman talagang seryoso siya eh. Seryoso rin akong hindi ako papayag kaya quits na kami.

Nanatili kaming ganun ng isang oras, nakasandal lang ako habang siya naman patuloy na hinihilot ang ulo ko. Buti nga hindi siya nangalay. Effective rin 'yong paghilot niya kasi nabawasan na rin 'yong sakit na nararamdaman ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang humihilot sa ulo ko at tinanggal 'yon. Tumayo ako at nagpagpag ng jeans ko. Akala ko tatayo na rin siya pero nanatili siyang nakaupo dun. Ang lakas talaga ng katok ng babaeng 'to. She's so hopeless.

"Ano ? Hindi ka pa ba aalis ?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at ngumiti siya na nakapagpataas ng mga balahibo ko. "Bakit ? Gusto mo akong laging kasama ?" mas lumawak pa ang ngiti niya ngayon. Di lang pala siya katok , may bangag rin sa utak eh.

"Asa ka !" tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad.

"Buong araw ako dito, pinagalitan ako ng Dean kanina eh." sabi niya pero halatang nakangiti pa rin siya. Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Buong araw na nga siyang makukulong dito, nakangiti pa rin. Tss, she's crazy.

Napahinto ako sa sinabi niya. May feeling of guilt akong naramdaman. Aish, diba di naman dapat ? Siya naman kasi may gawa nun sa sarili niya.

Tsaka kung buong araw siya dito ibig sabihin ? Hindi siya makakapg lunch ? Ano ba yan !! Bakit ko ba iniisip ha ? Malaki na sya kaya alam kong kaya na niya ang sarili niya.

Nagsimula na akong maglakad ulit. Pagbukas ko ng pinto, "It's nice to know that you still care." halos pabulong niyang sabi. Weird. Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan ng lumabas ng detention room.

Sa wakas makakalanghap na rin ng fresh air. Nag-unat-unat ako at naglakad na habang nakapamulsa. Sana naman matahimik na ang araw ko nito.

~

07/18/16

Continue Reading

You'll Also Like

43.7K 2.9K 25
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
76.8K 250 11
As the title says
3.7M 88.4K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
47.4K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...