So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 40 : Misheard - Abnormality

19K 328 34
By Ytianity

ALLEN'S POV

"Karl, mamaya mo na ako kausapin ha? Magmi-meeting kami eh. Kailangan naming pag-usapan yung tungkol sa Foundation Day. Magkita tayo pagkatapos ng klase." nagmamadali kong sabi kay Karl tapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.

Wala namang makakakita sa amin eh. Nakaupo kasi kami sa fire exit na madalang daanan ng mga estudyante.

"Text mo ako ha? Love you." sabi niya lang tapos ay hinila niya ang braso ko at hinalikan ako sa labi.

Nung kumalas siya ng halik ay nginitian niya ako kaya napangiti ako.

"Oo. Puntahan mo muna sina Jason at Jomar, mamaya hinahanap ka na ng mga yun eh. Masyado na tayong nagiging aloof sa kanila eh. Try naman nating mag-bonding minsan." sabi ko sa kanya tapos ay tinapik ko siya sa balikat.

"Oo, sige. Kakausapin ko sila." sagot naman niya tapos ay tumayo siya at tinapik din ako sa balikat.

"Text text na lang ha?" paalala ko sa kanya tapos ay pumunta na ako sa faculty room.

Pagdating ko doon ay kumpleto na ang lahat ng officers, ako na lang ang hinihintay.

"Ayan na pala ang VP natin eh." sabi ni Diegz na VP for external affairs, ako kasi yung sa internal affairs eh.

"Sorry na-late ako. May inasikaso lang ako saglit." alibi ko sa kanila.

"Sus! Kunwari pa, inuna mo lang yung boyfriend mo eh." pabirong sabi ni Diegz.

Nagpakawala ako ng pilit na tawa tapos ay mahina ko siyang sinuntok sa braso.

Tumawa lang din siya tapos hinimas niya yung parte ng braso niya na sinuntok ko.

"Wala akong boyfriend." sagot ko habang paupo na ako sa tabi niya.

Tinitigan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"Weh!? Hindi nga? Eh ano mo si Karl? Pag nagmi-meeting tayo, palagi siyang nasa labas at inaantay ka. Minsan, pag marami tayong ginagawa at inaabot tayo ng matagal, dadalhan ka niya ng pagkain dito at aalagaan. Hindi pa boyfriend yun ha?" sabi niya, halatang pinupunto niya na boyfriend ko nga si Karl.

Tinitigan ko siya sa mata.

Panahon na nga ba para aminin ko ang relasyon namin ni Karl? Nah! Hindi pa pwede.

Sila, malalaman na nila na mag-syota na kami ni Karl, pero yung mga taong nakapalibot sa amin, na malapit sa amin, siya pang huling makakaalam? Hindi pa pwede. After na lang siguro ng araw na malaman ng kanya-kanya naming pamilya, saka na kami magbubulgar ng relasyon namin sa mga kaibigan namin.

"Hindi ko siya boyfriend. Bestfriend ko lang siya. Nangyari lang na napakabait ng bestfriend ko at alalang-alala siya sa kalagayan ko." nasabi ko na lang habang nakangiti.

Tinitigan ako ni Diegz ng diretso sa mata, para bang may gusto siyang hulihin. Ganun din yung nararamdaman ko sa likod ko kahit hindi ko nakikita yung mga tao dun.

"Hmmm. Sabi mo eh. Pero, kung titignang maigi, bagay kayo. Kung ako sa'yo, ligawan mo na yung si Karl. Malay mo makuha mo sa landi-landi." sabi ni Diegz na medyo ikinainis ko naman.

Ano ba tingin niya sa third sex? Walang nagmamahal na tao? Kailangan pang daanin sa santong paspasan yung taong gusto namin?

Inirapan ko na lang siya at inilabas ang phone at notepad ko para makapag-sulat ako ng notes.

"Edi, Kuya Allen, may pag-asa pa po pala si Jade sa'yo?" biglang sabi naman ni Roberto kaya napalingon kaming lahat na nasa harap sa kanya.

Nakita kong namumula si Jade habang hinahampas si Roberto. Ito namang si Roberto, natatawa-tawang sinasalag ang mga palo ni Jade sa kanya.

"May gusto ka kay Allen, Jade?" tanong ni Diegz sa 1st year representative namin.

Napayuko naman si Jade at marahang tumango.

Jusmiyo garapon! Pwede bang lalaki naman ang magkagusto sa akin? Puro babae na lang eh.

"Eh alam mo namang bakla si Allen diba?" tanong ni Diegz kaya napalingon uli ako sa kanya.

Bakit ganito 'tong lalaking 'to ngayon? Nakakairita.

"Diegz. Please. Tumigil ka na, okay? Mag-meeting na tayo kung magmi-meeting tayo, tumatagal na tayo dito at nauubos ang oras natin sa mga walang kwentang bagay imbes na napag-uusapan na natin yung mga dapat nating gawin." naiirita kong nasabi sa kanya saka ako huminga ng malalim.

Natahimik naman sila bigla at tinitigan ako ng blangko.

"Tama si Allen, guys. Magsimula na tayo. Hindi tayo nandito para mag-tsismisan. Malapit na ang Foundation Day natin kaya dapat tayong mag-focus sa mga activities." sabat naman ng President namin kaya humarap kaming lahat sa kanya.

Bigla akong siniko ni Diegz ng mahina sa tagiliran kaya napalingon ako sa kanya.

"Sorry p're." bulong niya.

Yun lang at nawala lahat ng inis ko sa katawan.

KARL VINCENT'S POV

"Par! Saan ka galing? Hinahanap ka namin eh. Nasaan si Allen?" bungad sa akin ni Jason nang makita ko sila sa ilalim ng puno ng mangga.

Si Jomar ay mukhang busy sa paglalaro sa PSP pero mukha rin namang nakikinig siya sa kapaligiran.

"Si Allen? Nasa meeting. Alam niyo na, malapit na Foundation Day eh." sagot ko naman sa kanya habang pinapausod ko siya para tumabi ako sa kanya.

"Ahh. Ang busy niya 'no? Sabi ko kasi sa kanya wag na siyang mag-officer eh. Pinapagod niya lang sarili niya. At saka hindi na tayo masyadong nagsasama-sama. Gusto kong mag-bonding naman tayo." seryosong sabi ni Jason pero halata yung concern at pagtatampo sa boses niya.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa buong taon ng pagkakaibigan namin, ngayon lang siya nagtampo ng ganyan. Siguro si Allen ang dahilan.

"Yun ang gusto niya, Par. Suportahan na lang natin siya. Besides, hindi ko nakikita ang isa sa atin na nakaupo dun sa faculty room at nakikipag-bakbakan ng ideas. Si Allen lang ang kayang mag-produce ng magandang idea at ipabahagi iyon sa iba. Mga ideas kasi natin, puro kagaguhan at saka puro kabulastugan." sagot ko naman sa kanya tapos parang may na-realize ako.

Bakit parang seryoso ang tono ng pag-uusap namin? Corny! Nakakapanibago!

"Wag niyo nga akong idamay sa katarantaduhan niyong dalawa! Nananahimik ako ha? Kayo lang ang gago mag-isip." biglang sabi ni Jomar sa gilid kaya napatingin kami sa kanya.

Busy pa rin siya sa pag-murder nung mga button dun.

Nagkatinginan kami ni Jason at ngumiti sa isa't-isa.

Kami lang pala ang tarantado ha?

Sabay kaming tumayo ni Jason at inakbayan si Jomar sa magkabilang gilid.

HEAD LOCK!! Hahaha.

Minumura kami ni Jomar habang sinasakal namin siya at pinipilit niyang kumawala. Nung makuntento kami ay pinakawalan naman siya kaya umubo-ubo siya.

"Kami lang pala ang tarantado ha? Kaibigan ka namin diba? Ibig sabihin, tarantado ka din!" natatawa-tawa kong sabi sa kanya tapos ay inakbayan ko si Jason.

"Oo nga, Par. At saka nung high school tayo, ikaw ang pinakagago sa atin ah? Ang lakas mo mag-cutting. Minsan sinasagot mo pa mga teacher natin." sabi naman ni Jason tapos ay tumawa kami.

"Pero ako pa rin ang pinaka-mature mag-isip sa inyo!" pagdadahilan naman ni Jomar.

"Patay! Wala na, talo na tayo. Ginamit na yung maturity ng utak niya eh." sabi ni Jason kaya nagtawanan kaming tatlo.

It's nice having a good laugh with these guys.

"Nga pala. Bakasyon naman tayo." bigla kong putol sa kasiyahan namin.

Napatingin sa akin si Jason at gayundin naman si Jomar.

"Ha!? Kalagitnaan ng sem? Ayos ka lang? Saka saan mo naman planong pumunta?" nagtatakang tanong ni Jason sa akin habang nakakunot ang noo niya.

"Kahit saan. Vigan, Palawan, Davao, Boracay, Camsus, Cebu, Bohol, Batangas, Cavite, Tagaytay, Laguna, basta kung saan masaya." sabi ko naman sa kanila.

"Tungaw! Edi sa bahay niyo na lang! Gagastos ka na naman? Sumbong kita kay Allen eh." sabi ni Jomar kaya naalarma ako.

Oo nga! Tama sila! Kalagitnaan pa lang ng sem tapos magpaplano akong magbakasyon? Tapos gusto ko pa sa malayo at sa gagastos pa ako? Minsan talaga hindi na ako nakakapag-isip ng tama. Hehehe.

"Wag! Oh sige dun na lang tayo sa bahay. Papakiusapan ko si Mommy na kung pwede magpa-beer party ako for the first time. Tayo-tayo lang naman nandun eh." sabi ko sa kanila.

"YOWN! Yan ang sinasabi kong bakasyon! Kailan ba 'to? Pwede magdala ng ibang kaibigan? Corny kung apat lang tayong nag-iinuman eh." tuwang-tuwa at excited na sabi ni Jason.

"May kaibigan ka na naman? Wag mo sabihing sosyotain mo yan!? Taena Par! Magbagong buhay ka na! Puro pambababae ka na lang. Tignan mo kami ni Jomar, tahimik ang buhay." payo ko sa kaibigan ko.

Tumawa siya tapos ay kinuha niya ang wallet niya. Siguro may bibilhin lang.

"Mga BAKLA kasi kayo." sabi niya habang iwinawagayway niya yung isandaan niya sa amin.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya. Mag-aangat sana ako ng kamay pero pinigil ako ni Jomar. Paglingon ko sa kanya ay umiiling siya kaya ibinaba ko na agad yung kamay ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay Jason.

Napalingon siya sa akin at nagkamot siya ng ilong.

"Ang dami niyo kasing kinatatakutan. Basta ganun." sagot niya tapos ay umalis na siya papunta sa kiosk.

Napaupo na lang ako sa tabi ni Jomar at napaisip.

Pag maraming kinatatakutan, bakla na agad? Tch.

"Hindi naman ata tulad ng iniisip mo yung gustong iparating ni Jason." biglang sabi ni Jomar kaya napalingon uli ako sa kanya.

Kailan ba malo-lowbatt yang PSP na yan!? Kanina pa niya nilalaro yan ah!?

"Siguro, concern lang siya sa lovelife natin. Biruin mo ba naman kasi, ikaw halos 6 na taon nang walang GF. Ako naman, 4 na taon nang wala. So, baka iniisip niya na natatakot na tayong magka-syota kaya ganun siya." dagdag pa niya kaya napaisip uli ako.

Eh paano kung malaman nilang matagal na kaming mag-syota ni Allen? Alam kong medyo nagbago na ang pakikitungo ni Jason kay Allen. Pero andun pa rin kasi yung takot ko na baka bigla siyang bumalik sa pagka-abno niya.

"Siguro nga." ang tangi ko na lang nasabi tapos ay sumandal ako sa puno.

ALLEN'S POV

"... So, ano na guys? Suggestions? Anyone?" sabi ng President namin.

Nagtanong kasi siya kung may maisa-suggest ba kami na theme para sa booth ng course namin sa Org. Fair.

Syempre, walang gusto mag-voice out ng naiisip nila. Ako naman, tinatamad para mag-suggest. Ewan ko ba, parang ang sarap mag-slack off ngayon.

"Allen, any suggestions? Bilang ikaw naman ang next President." sabi pa niya kaya nagkunwari akong nag-iisip.

Tinukod ko yung siko ko sa mesa tapos ay nagpangalumbaba ako.

"Hmmm. Wala akong maisip eh. Iba kasi yung iniisip ko." palusot ko tapos ay sumandal ako at nag-slouch. Nakakatamad talaga, promise.

"Boyfriend mo na naman? Tama na nga yan, maraming nagseselos dito oh." sabi ni Diegz kaya napalingon ako sa kanya tapos ay sa direksyon nina Jade.

Nakita kong hinahampas na naman niya si Roberto, marahil ay niloloko na naman siya nu'n sa akin.

Teka! Ano bang posisyon nung Roberto na yun dito? Officer ba siya?

"Diegz, ano ba posisyon nung Roberto na yun dito? Palagi na lang siyang nasa meeting ah?" pabulong kong tanong kay Diegz.

"Wala. Gusto niya lang na nandito, sinasamahan niya daw yung kaibigan niya." sagot naman ni Diegz tapos ay humarap na uli siya sa President.

Ako naman ay pinaningkitan ng mata yung dalawang bata. May something sa kanila, ayaw lang nilang aminin.

"So, ano? Suggestions! Guys! Wala na tayong oras. Hanggang ganito na lang ba tayo?" desperado na. Wala na.

"Yes, Roberto! Ano yun!?" biglang pagtawag ni President kay Roberto kaya napatingin kami sa likod.

"Tutal naman po at walang nagsa-suggest, may naisip po ako." bungad niya kaya umayos kami lahat ng upo para makinig.

"Naisip ko po kasi na......"

KARL VINCENT'S POV

Ang tagal naman nila! Pasado alas-kwatro na ah? Ano ba pinagmi-meeting-an nila? Events ng buong Foundation Day? Tch.

Hindi pa kumakain si Allen eh. Mamaya nagmamaktol na yun dun at nagwawala. Ganun kasi yun pag gutom na gutom, walang sinasanto.

"Par, saglit lang ha? Bibili lang akong pagkain, baka gutom na yung kaibigan natin sa taas eh." paalam ko sa mga kaibigan ko.

Kami rin kanina pa nandito, wala kasi kaming last subject. Absent yung prof naming magaling.

"Diba may pagkain sila dun?" tanong ni Jason sa akin habang nagtetext.

"Biskwit? Ikaw ba papakain ko ng biskwit sa tatlong oras, mapapawi ba gutom mo? Tapos yung biskwit pa, crackers lang! Alaws lasa!" pasigaw kong sagot sa kanya.

"Kalma! Bakit galit!?" defensive niyang sagot.

"Nagpapaliwanag lang." nakangiti ko namang sabi. Ang baliw namin! Hahaha.

Pumunta na ako sa kiosk at bumili ng burger. Pinakontian ko lang yung catsup dahil baka may matira na naman sa bibig niya at gayahin ko yung ginawa ni MJ sa kanya noon. Hindi pa naman ako nakakapagpigil pag si Allen ang gumagawa ng mga ganun. Masyado siyang tempting. Hehe.

Dumaan uli ako sa harap ng dalawa at sumenyas akong ihahatid ko lang yung burger sa taas.

Tumango naman si Jomar dahil busy yung isa sa pagte-text.

Sa fire exit na ako dumaan dahil ayokong makasalubong ang ilang fans at stalkers. Simula kasi nung masali ako sa basketball team, naging sikat na ako. Mapa-sa sariling college namin yan o sa ibang college na galing pa sa kabilang side ng school.

Pag-akyat ko sa 2nd floor ay may nakita akong pamilyar na mukha. Si Roberto.

"To, nasaan si Allen?" tanong ko sa kanya.

"Sa 5th floor." walang kagana-gana niyang sagot, na parang may halo pang tono ng inis.

Hindi ko na lang pinansin yung napuna ko kaya umakyat na lang ako sa taas.

Punyeta! Bakit ba ang hahaba ng mga hagdan na 'to? Nakakapagod umakyat!

Pagdating ko sa hagdan sa pagitan 4th at 5th floor, ay may narinig akong nagsasalita. Mukhang boses ni Allen.

Lumapit pa ako ng konti para marinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Alam mo. Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to eh. Maganda ka, matalino, mabait. Lahat ng hinahanap ng isang lalaki sa mga babae, nasa 'yo na. And, I love you......."

Natigilan ako sa sinabi ni Allen at parang nabingi. Parang nahihilo pa ata ako.

Bakit ganun?

Lalaki na ba ulit siya?

Bakit hindi niya sinabi sa akin para maayos naming napag-usapan? Hindi yung sa ganitong paraan ko pa malalaman!

Alam ko namang may posibilidad na hindi kami magkatuluyan tulad ng mga happy couples dyan, pero yung ganitong klase ng bullshit? Hindi ko deserve 'to!

Sa sobrang inis, galit, at lungkot ko ay nabitawan ko ang kung ano mang hawak ko at nagmadali akong bumaba.

ALLEN'S POV

"... And, I love you, bilang kaibigan at saka parang nakababatang kapatid na rin kasi ang tingin ko sa'yo. Jade, alam ko na mahihirapan kang mag-move on sa akin pero yun ang dapat mong gawin." sabi ko kay Jade na hinila ko dito sa 5th floor para makausap ko.

Sabi niya alam naman daw niyang bakla ako eh. Pero hindi niya mapigilang magkagusto sa akin dahil sa akin niya lang daw nakita lahat ng hinahanap niya para sa isang boyfriend.

Napansin kong napayuko siya at humikbi siya. Shit! Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak sa harap ko.

Pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya at marahan ko siyang tinapik para tumahan siya.

Nagulat ako ng bigla niyang ipulupot sa baywang ko ang kamay niya at yakapin ako. Binaon niya sa dibdib ko yung mukha niya at doon siya umiyak.

Tinapik ko na kanang kamay ko yung ulo niya tapos ay ipinanyakap ko sa kanya yung kaliwa ko.

"Shhhh. Tahan na. I'm sorry, okay? Alam mo marami pang lalaki dyan." sabi ko tapos ay inilayo ko siya sa akin. Hinawakan ko ng kanang kamay ko ang balikat niya tapos ay iniangat ko ang mukha niya ng kaliwa ko. Shete! Puro luha!

"Jade, hindi tayo pwede. Hindi tayo talo. Ibaling mo na lang yang atensyon mo sa iba. Tulad ni Roberto." nakangiti kong sabi sa kanya tapos ay biglang puminta ang pagtataka sa mukha niya.

"Kaibigan ko lang po yun!" sabi naman niya habang pinupunasan ang luha niya.

"Yun ang tingin mo. Pero, higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa'yo. At saka, walang magkaibigan na babae't lalaki na hindi nahaluan ng malisya. At kapag nahaluan, ibig sabihin, may potensyal kayong maging magkarelasyon." nakangiti kong pagpapaliwanag sa kanya. Biglang namula yung mukha niya kaya napayuko siya.

"Magkaibigan lang po talaga kami." mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

"Bahala ka. Pag pinakawalan mo si Roberto baka magsisi ka. Deads na deads sa'yo yung tao." sabi ko naman na parang tinatakot ko siya.

"Eh magkaibigan lang po talaga kami." sabi ni Jade.

"Kahit ilang beses mo pang sabihin yan, Jade, hinding-hindi magbabago ang pananaw ko. Si Roberto, kahit hindi ko pa siya ganun kakilala, alam kong hindi ka niya pababayaan. Mahal ka nun eh." sabi ko naman sa kanya.

Parang gusto niya pang makipag-debate sa akin pero pinigil na lang niya.

"Try ko po. Pero dapat siya ang gumawa ng move kasi siya ang lalaki." sabi naman niya kaya napangiti ako.

"Sabihin mo sa akin kailan ang kasal ha?" pabiro kong sabi sa kanya.

Biglang namula ang buo niyang mukha at pinaghahahampas ako.

Pinigil ko yung kamay niya, dahil baka mayupi ako sa sobrang lakas ng mga palo niya, at tinitigan siya sa mata.

"Jade, kung kailangan mo ng kapatid, nanay, tatay, tito, tita, lolo, lola, o kaya kaibigan lang. Nandito ako, okay? Alam ko na hindi ka agad makakapag-move on sa akin pero andyan naman si Roberto para tulungan ka sa prosesong yun eh. Basta tatandaan mo, mahal ko kayong lahat." seryoso kong sabi sa kanya at tumango naman siya.

"Pwede pong pahingi ng isang favor? Parang pa-despedida niyo na po sa feelings ko para sa inyo." sabi niya.

"Ano ba yun?" tanong ko naman sa kanya.

"Pwede pong makahingi ng kiss?" medyo nahihiya niyang tanong.

"Wow ka ha? Taray mo magpa-despedida!" sarcastic kong sabi sa kanya tapos ay yumuko ako at hinalikan siya sa pisngi.

Nung umatras ako ay nakita kong nanlaki yung mata niya at pulang-pula siya.

"Hoy! Okay ka lang?" tanong ko sa kanya habang iwinawagayway ko sa harap ng mukha niya yung kamay ko.

Para naman siyang tangang tumango habang nakangiti at nakatingin sa kawalan.

Paktay! Akala ko feelings niya ang pina-despedida-han niya. Bakit parang buong kaluluwa niya yung nawala?

"Jade! Umayos ka na! Iiwan kita dito, bahala ka." pagbabanta ko sa kanya.

Para naman siyang biglang sinapian at kumilos na siya. May bali-balita kasi na marami daw multo dito sa building namin, lalo na sa 3rd, 4th at 5th floor.

"Kuya naman eh! Wag mo akong iwan dito." sabi niya tapos ay nauna na siya sa hagdan.

Sumunod na ako sa kanya para hindi ko na takutin yung sarili ko pero pagliko sa may fire exit ay may nakita akong paper bag.

Babalewalain ko na lang sana yun pero may something sa loob ko na nagsasabing damputin ko yun kaya ginawa ko. Pagtingin ko sa paper bag ay nakita ko ang pangalan ko.

Agad kong binuksan ang paper bag at nakita ko ang burger.

"Karl..." nakangiti kong sabi habang hawak ng mahigpit yung paper bag.

Pero nasaan si Karl? Bakit iniwan niya lang 'tong pagkain sa sahig?

"Ayan na yung multo!" biglang sigaw ni Jade na mukhang nasa 4th floor na.

Nagmadali akong tumayo at halos talunin ko na ang mga hagdan sa pagbaba.

KARL VINCENT'S POV

*FLASHBACK*

"Uuwi na ako mga Par." sabi ko sa mga kaibigan ko, pero hindi ko pinahalatang may nangyayari na sa loob-loob ko.

Gusto kong magwala, gusto kong manuntok, gusto kong umiyak. Pero sa bahay ko na gagawin lahat yun. Hindi ko pwedeng ipakita sa mga kaibigan ko na umiiyak ako dahil sa isang bakla na dumurog ng puso ko by choosing a girl over me. Hindi. Hindi pwede.

"Bakit? Akala ko ba pupuntahan mo si Allen?" tanong ni Jason habang nagte-text.

"Wala siya dun eh. Siguro nag-CR." nagpakawala ako ng pilit na ngiti para hindi nila mapansin na nagsisinungaling ako.

"Bakit hindi mo hinantay? Pauwi na rin naman na tayo eh." tanong ni Jomar.

Pagkatapos nung narinig ko? Ha, ha, ha. Magpakasaya siya dun sa babae niya. Gago siya.

"Masama kasi pakiramdam ko eh. Kung gusto niyo, kayo na lang mag-antay sa kanya." sabi ko sa kanila tapos ay umalis na agad ako at tinungo ang parking lot.

*END OF FLASHBACK*

Ngayon, nandito na ako sa kwarto ko. Mag-isa. Umiiyak. Nakapagbasag na ng ilang gamit. Nagwawala.

"Fuck you! Fuck you! Sana sinabi mo na lang na ayaw mo na sa akin! Hindi yung ginawa mo pa akong gago! Gago ka!" galit na galit kong sabi tapos ay dinampot ko yung figurine sa side table ko at inihagis yun sa kung saan. Nung marinig ko ang pagkabasag nun ay lumundag ako sa kama padapa at umiyak uli.

Bakit naman ganun siya?

Ilang beses ko naman nang sinabi na mahal ko siya ah!? At ilang beses ko na ring narinig na mahal niya ako. So, ano yun? Gaguhan lang? Sa sobrang inis ko ay dinampot ko yung unan ko at inihagis ko iyon sa kung saan.

"Aray! Ano ba-- What the!? Karl! Anong nangyari dito? Bakit ang damig basag na gamit? At saka nasaan lahat ng kasama mo dito sa bahay? Bakit ikaw lang mag-isa dito? AT SAKA, BAKIT MAY MGA BEER-IN-CAN DYAN SA SAHIG? WAG MO SABIHING IINOM KA?" sunod-sunod na tanong ng isang nakakainis, nakakapang-ngitngit, nakakapang-galit na boses.

Hindi ako sumagot. Lalo ko na lang ibinaon ang mukha ko sa isa ko pang unan tapos ay lumuha uli ako.

"Karl. Anong nangyari dito? Bakit ang daming kalat?" tanong niya ulit. Sa tantiya ko ay nasa may pinto pa rin siya.

Hindi ko ulit siya sinagot bagkus ay inalala ko na lang yung mga moments na masaya kami.

Yung mga panahon na magkasama kami, masaya kami, yung mga yakap, mga halik. Lahat! At masakit yun!

Bakit naman ganun? Bakit!?

"Karl? May problema ba?" tanong niya uli tapos ay bigla kong naramdaman ang pag-uga ng kama ko.

Hindi uli ako sumagot pero umiling ako. Ayokong sabihin na may problema nga dahil gusto kong siya ang magsabi sa akin nun. Siya ang may kasalanan, siya ang umamin.

Naramdaman kong dumampi yung kamay niya sa likod ko at hinimas-himas iyon.

I always kind of liked the way he touches me. Palaging may spark, may kilig kumabaga. Pero ngayon? May kilig nga pero nao-overcome. naman yun ng galit ko.

"Baby, ano bang problema? Bakit hindi mo sabihin?" tanong niya habang patuloy na hinahagod ng kamay niya ang likod ko.

Suminghot ako sa unan ko tapos ay umikot ako. Inalis niya yung kamay niya at pinatong niya iyon sa binti niya.

"Hala! Umiyak ka ba? Bakit?" alalang-alala niyang tanong sa akin tapos ay tinukod niya ang kamay niya sa kama at nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Umiwas ako sa titig niya at tumingin ako sa sahig.

"Bakit kaya hindi mo tanungin sarili mo? Akala ko okay na tayo, ayos na ang lahat. Pero ano yung pinagsasasabi mo dun?" nagngingitngit at galit na galit kong tanong sa kanya. Pero hindi ko siya magawang sigawan dahil hindi ko kayang saktan siya.

"Ha!? Ako!? Anong ibig mong sabihin?" nagma-maang-maangan niyang tanong sakin.

Tinukod ko yung siko ko at umupo ako.

"Wala? Magma-maang-maangan lang ba tayo dito? Allen, ilan beses mo na bang narinig na mahal kita? Marami na diba? At araw-araw mo pang naririnig yun diba? Eh bakit ganun? Ano yung narinig ko kanina? Bakit nag-'I love you' ka sa isang babae? Lalaki ka na ba ulit? Bakit hindi mo sinabing ayaw mo na sa akin? Bakit Allen? Hindi mo na ba talaga ako ----" napigil yung pagsasalita ko dahil bigla niya akong niyakap at hinalikan.

Napahiga uli ako sa kama habang naipit ng torso niya yung kaliwang kamay ko.

He kissed me passionately, tulad nung mga halik niya pag kaming dalawa lang ang magkasama.

Nung kumalas siya ay tinukod niya yung kamay niya sa magkabilang side ng ulo ko at tinitigan ako sa mata. Tapos nun ay tumawa siya habang pinapahiran yung luha ko.

"Bakla ka ba? Bakit ka umiiyak?" nakangiti niyang tanong tapos pinahid naman niya yung luha ko sa kabilang mata.

Nilagay ko yung kamay ko sa dibdib niya at marahan ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Wag mo akong gaguhin, Allen! Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo lang. Hindi yung sa paraang hindi ko pa inaasahan." naluluha ko ulit na sabi sa kanya tapos ay umupo ulit ako at kinuha yung unan ko para ingudngod ko ulit dun yung mukha ko.

Narinig ko na naman siyang tumawa kaya nag-angat ako ng mukha at inihagis ko sa kanya yung hawak kong unan.

"Lumabas ka na nga lang kung wala kang magandang sasabihin! Wag na tayong mag-usap! Umuwi ka na lang! Hindi kita kailangan ngayon! Umalis ka na!" sunod-sunod kong bulyaw sa kanya tapos ay tinuro ko ang pinto ng kwarto ko.

"Wag mo sabihing narinig mo yung pinag-uusapan namin ni Jade?" tanong niya sa akin.

"Oo! Narinig ko nga! Kaya nga nagkaka-ganito ako ngayon eh, dahil yung narinig ko hindi ko inaasahang maririnig ko mula sa'yo!" bulyaw ko ulit sa kanya.

Lumapit uli siya sa akin at niyakap ako.

"Hahaha. Medyo seloso ka, Babe. Wala yun. Teka nga! Hanggang saan ba actually yung narinig mo?" tanong niya sa akin sa tapat ng tenga ko.

Napayakap ako sa kanya at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Hanggang sa sinabihan mo siya ng 'I love you'." sagot ko naman sa kanya.

Natawa uli siya kaya bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin.

ALLEN'S POV

So, ano 'to!? Seloso ng super-super ang boyfriend ko? Nakakatawa talaga 'tong lalaking 'to! Mali naman siya ng dinig!

"Karl. Makinig ka. Mali ka ng dinig. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Kalahati lang ng speech ko ang narinig mo. Hindi ko naman gusto si Jade eh, at alam kong alam mo yun!" sabi ko sa super seloso kong boyfriend at tinitigan niya ako sa mata.

"Eh bakit mo siya sinabihan ng 'I love you'!?" tanong niya. Bakas sa mata niya yung galit at lungkot.

"Eh kasi may gusto siya sa akin. Sinabi ko yung 'I love you' part pero may karugtong yun. Masyado ka kasing kabadista eh. Ikaw lang mahal ko." sagot ko naman sa kanya.

"Eh ano ba yung karugtong nun?" tanong niya ulit.

"Na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Na may lalaking magmamahal sa kanya ng higit pa sa inaasahan niya mula sa akin." sagot ko naman sa kanya tapos ay humiga ako sa kama niya.

"Ibig sabihin, yung Jade na yun, nagtapat ng feelings niya sa'yo pero tinanggihan mo siya? Eh anong sabi niya sa'yo?" tanong niya uli at medyo malinaw na siya magsalita. Siguro, tumigil na siya sa pag-iyak niya.

"Pipilitin niya daw kalimutan yung nararamdaman niya para sa akin. At alam kong kaya niya yun. Yung kaibigan niya kasi, si Roberto? Yun, may gusto sa kanya yun kaya lang itong si Jade nabulag sa akin." sagot ko naman sa kanya.

"Si Roberto!? May gusto dun kay Jade?" tanong niya tapos ay biglang bumagsak ang katawan niya sa tabi ko at humiga din siya.

"Oo, ayaw lang umamin nung lalaking yun. Siguro natatakot na masira yung friendship nila ni Jade. Ikaw, bakit kaya hindi mo siya turuan? Diba, ikaw ang duma-moves sa akin nun? Malay mo, mapaamin mo si Roberto at masabi na niya kay Jade yung feelings niya." suggestion ko na ikinatuwa ko.

"Ako!? Allen, magkaiba kayo ni Jade. At lalong magkaiba kami ni Roberto kaya, sa tingin ko, hindi mangyayari yun. Kung gusto niya si Jade, siya ang gumawa ng paraan!" sagot naman niya kaya tinukod ko yung kanang siko ko at humarap ako sa kanya.

"Nasaan na yung iyakin kong syota?" pabiro kong tanong sa kanya.

Nagsalubong naman ang kilay niya at bigla akong na-pin down sa kinahihigaan ko.

"Iyakin!? Ito ang iyakin mong syota!" seryoso niyang sabi tapos ay sinibasib niya ng halik ang labi ko.

Hindi ako makapiglas, kahit wala naman akong balak, dahil nasa ibabaw ko siya. Tapos yung mga braso ko, hawak niya at dinidiinan niya para hindi ako makagalaw.

Nung kumalas siya ay seryoso niya akong tinitigan na para bang ngayon lang siya nakakita ng tulad ko.

"Yan ang iyakin mong syota." bigla niyang sabi tapos ay ngumiti siya.

"Iyakin." sabi ko at nakita kong nagsalubong uli yung kilay niya.

"Isa pang 'iyakin' mo dyan, hahalikan kita ulit." banta niya.

Bring it on, dude!

Seryoso ko siyang tinitigan sa mata at ......

"Iyakin, iyakin, iyakin, iyakin, iyakin, iyakin, iyak--" gusto niya din eh. Kunyari pa 'tong mokong na 'to eh.

Nung magkalas ang mga labi namin ay tuluyan niyang ibinagsak ang katawan niya sa katawan ko at nagpahinga dun.

"I love you." bulong niya sa akin.

"I love you, too. Daanan man ako ng sandamakmak na admirers na babae, ikaw lang ang pipiliin ko." sagot ko naman sa kanya kaya nagyakapan na naman kami.

Sa kalagitnaan ng yakapan namin ay biglang kumalam amg sikmura ko. Peste ka! Wrong timing ka!

Nagtukod siya ng kamay at nginitian ako.

"Ikukuha muna kita ng pagkain ha?" sabi niya sa akin tapos ay bumaba siya sa kama.

Bago pa niya marating ang pinto ay tinawag ko siya at pinaabot ang bag ko.

Dinampot niya yun sa sahig at iniabot sa akin.

Dinukot ko mula roon yung paper bag na naglalaman nung burger na binili niya tapos ay ipinakita ko iyon sa kanya.

"May pagkain ka nang dala sa akin diba?" pang-asar kong tanong sa kanya.

Nanlaki yung mata niya at hinablot sa akin yung paper bag.

"Akin na yan! Kakainin ko yan eh." tampu-tampuhan kong sabi sa kanya.

"Wag na 'to, okay? Ikukuha na lang kita ng pagkain sa kusina namin." sabi niya habang seryoso ang mukha niya.

"Akin na yan! Nagugutom na ako eh! At saka sayang yung pinambili mo nyan eh!" sabi ko sa kanya tapos ay tumayo ako sa kama.

"Allen. Wag na nga 'to eh. Malamig na 'to at saka baka marumi na 'to!" sabi naman niya.

"Ayoko ng iba! Gusto ko yan kasi nilagay ng boyfriend ko yung pangalan ko dyan! Ang lakas maka-coffee shop!" pabiro kong sabi sa kanya at nakita kong namumula niya akong tinitigan. Bakit ba siya nagfa-flush ng ganyan kapula? Ano bang meron sa mga pinagsasasabi ko?

Umupo na lang siya sa gilid ng kama dahil alam niyang wala siyang laban pag nasa ganitong mode ako.

Nakayuko niyang inabot sa akin yung paper bag kaya kinuha ko agad iyon sa kamay niya.

"First time ka na nga lang gumanito sa akin, sisirain mo pa." sabi ko sa kanya tapos ay tinabihan ko siya sa pag-upo.

Dahan-dahan kong dinukot yung burger habang nakatingin ako sa kanya.

"What!? Kainin mo na yan kung kakainin mo! Wag mo akong titigan na parang may gusto kang ipagawa sa akin. Alam kong kulang pa yang burger na yan sa'yo kaya wag mong sabihing gusto mong hatian kita dyan." iritable niyang sabi kaya napa-pout ako.

Feeling ko ayaw nito ng naglalambing ako. Gusto niya siya palagi. Unfair! Ako ang bata sa aming dalawa pero kung umasta siya parang ako pa ang mas matanda ng isang dekada! Grabe!

"Oo na, oo na!" sabi na lang niya tapos ay hinawakan niya ang kamay ko na may hawak ng burger at kumagat sa tinapay.

"Maphaya ka na?" sabi niya.

Tumango naman ako na parang bata at kumagat din sa burger.

"Shit, Karl! BAKIT PINABAWASAN MO NG CATSUP 'TO!?"

KARL VINCENT'S POV

"Promise, minsan feeling ko hindi mo ako mahal. Catsup na lang, pinagdamot mo pa?" nagtatampong tanong sa akin ni Allen nung matapos niyang kainin yung burger.

Uubusin niya din naman pala, ang dami niya pang dada. Abno.

"Eh kasi baka may matira na namang catsup dyan sa bibig mo. Hindi ako kasing baboy ni MJ 'no?" depensa ko naman.

"Lol! Eh bakit pag kumakain ako ng burger, palagi mong chine-check yung mukha ko? Kasi nga, gusto mong gawin yung ginawa ni MJ dati. Na-inggit ka sa kanya!" sabi naman niya kaya binato ko siya ng unan.

Nag-aayos na nga pala ako ng kwarto. Ayaw kong maabutan ni Mommy ang kwarto ko na parang dinaanan ng bagyo, kinalahid ng manok, ni-raid, ninakawan or kahit na anong salita na pwedeng i-ugnay sa kaguluhan ng kama ko.

Tinutulungan din ako ni Allen. Aba'y dapat lang! Siya ang dahilan kung bakit nabasag ko yung lamp shade ko, yung tatlong figurine, yung salamin sa CR, yung salamin sa drawer ko at yung isang pane ng bintana.

"Tama na nga sa kababuyan, Allen! Maglinis ka na lang! Hindi na tayo makakapag-solo dito pag hindi natin nalinis 'to ngayong gabi!" bulyaw ko naman sa kanya.

"Teka, pahiram ng phone mo. Magpapaalam ako kay Mama, dito na ako matutulog. Okay lang ba sa'yo?" tanong niya kaya tinitigan ko siya ng masama.

Halos linggo-linggo na siya mag-sleepover dito, ngayon niya pa naisip na hindi okay sa akin yun? Abno talaga.

Kinuha ko na lang yung phone ko sa bulsa ko tapos ay iniabot ko iyon sa kanya.

Mabilisan siyang nag-dial at ....

"Ma,NanditoAkoKinaKarlNgayonAtDitoNaAkoMatutulogDahilKailanganNamingTapusinAngIsangProject.KBye." isang hingahan lang yun. Abnormal talaga 'tong taong 'to!

Pinindot niya ang 'end call' button at ibinulsa ang cellphone ko. Mamaya ko na kukunin sa kanya yun, magliligpit muna kami.

"Okay daw." sabi niya.

Asan ang pag-okay ni Tita dun? Eh isang mahabang word lang ata yung sinabi niya tapos binaba na niya agad yung phone.

"Basta, okay lang sa kanya. Gusto mo ba pilitin ko pa siya? Mas mataas ang chance na hindi niya ako payagan." tanong niya haaang kinukuha niya sa bulsa niya yung cellphone ko.

"WAG NA! OKAY NA YUN!" mabilisan ko ring pagpigil sa kanya dahil baka magbago pa ang isip niya.

Ngumiti siya at ibinulsa ulit ang cellphone ko.

SWEAR! Ikamamatay ko ang ka-abnormalan ni Allen ngayon!

ALLEN'S POV

Ewan ko ba, bigla na lang nagkaroon ng urge 'tong katawan ko na magpakabata sa harap nitong si Karl. Normally naman, kahit nararamdaman ko ito, hindi ako umabot sa puntong ganito. Basta.

"Nasaan nga pala sina Tita ngayon? Bakit ikaw lang tao dito?" tanong ko sa kanya habang naghuhugas siya ng kamay sa CR.

"Si Daddy, alam mo na, busy. Si Mommy, pumunta ata ng Zamboanga, magpapamigay daw siya ng relief goods. Sinama na rin niya si Manang para kahit papaano daw ay hindi lan. pader ng bahay namin ang nakikita niya." sagot naman niya.

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya tungkol kay Manang.

Nung lumabas siya mula CR ay bitbit niya ang isang paper bag.

"Ano yan?" curious kong naitanong sa kanya habang tinuturo ko yung paper bag.

"Damit. Damit mo, specifically." sagot naman niya habang nilalagay niya isa-isa ang mga iyon sa kama.

Nasa tatlo ang mga damit na nakakalat sa kama at namangha ako kasi branded yung binili. Okay naman na sa akin yung mumurahin eh, bakit branded pa?

"You'll look good in those clothes." sabi niya.

Kinuha ko yung isa at binulatlat na parang may sinusuri.

"Pero aminin mo, I look good in YOUR clothes." seryoso kong sabi tapos ay ibinaba ko na yung damit.

Bumulaga sa akin ang pulang-pula at tulalang Kar.

"ABNORMAL KA TALAGA! KUNIN MO NA NGA LANG YAN AT MAGPALIT KA NA!" bulyaw niya sa akin kaya agad kong dinampot ang mga damit at kumaripas ng takbo papasok sa CR.

Anyare dun? Ka-abnormalan na naman ang pinapairal niya ha?

Continue Reading

You'll Also Like

574K 12.8K 33
BOYXBOY GAY YAOI ~ Si PRUE (Pru) ay isang simple at masayahing bading na nag iba ang takbo ng buhay at naging mala Roller Coaster ride mula ng may ma...
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
366K 2.1K 23
10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples...
309K 8.8K 37
[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story C...