♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Bet Your Heart ♡ Chapter 25

20.8K 206 32
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Five

Mark's POV

Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay na magising si Lianne. Ang sabi kasi ni Mama, huwag ko na lang daw siyang gisingin at hinintay na lang na bumaba dahil baka lalong mainis sa akin kapag inistorbo ko ang tulog niya.

Naihanda ko na ang sarili ko. Tapos na akong maligo, magbihis, magpabango at magpapogi sa harap ng salamin haggang sa mabasag. Joke! Handa na rin talaga ako sa pag-amin ko sa kanya. Pero siyempre, hindi pa rin nawawala ang kaba.

Grabe! Para akong elementary student na unang beses makakausap ang crush. Nakakatawa! Pero wala na talagang urungan ito.

Nang hindi pa rin siya bumababa ay pumunta ulit ako sa music room para kunin ang CD kung saan naka-save ang ni-record ko.

Napabuntong-hininga pa ako nang mahawakan ko na ang CD. Ito na talaga. After this day, everything will be real. No more games, just the real thing.

Bumuga ako ng hangin saka humiling na huwag na sana ako pumalpak pa ulit ngayon dahil kapag naging epic fail na naman ito, hindi ko na naman alam kung kailan ulit ako magkakalakas ng loob.

Be a man, dude! sabi ko pa sa sarili ko.

Huminga ulit ako ng malalin at lumabas na ako sa music room. Dumiretso ako sa garden kung saan inihanda ni Mama ang meryenda.

Ginutom na naman ulit ako pagkakita ko sa pagkain. Pero kahit ang gutom, natatalo ng kaba ko.

"Gising na ba si Lianne, anak?" tanong ni Mama nang makita ako at nilapitan niya pa ako para ayusin ang kuwelyo ng damit ko.

Umiling ako at alanganing ngumiti sa kanya.

"Bakit mukhag kinakabahan ka?" puna pa niya sa hitsura ko. "Para namang hindi mo pa girlfriend si Lianne kung kabahan ka ngayon." Then she laughed.

Kung alam mo lang, 'Ma, ang kalokohan namin ni Lianne, gusto ko sanang sabihin pero itinago ko na lang.

"Huwag kang kabahan. Siguradong hindi ka naman matitiis ni Lianne." Alam kong hindi naman pinapalakas ni Mama ang loob ko, but somehow, nabigyan niya ako ng lakas ng loob.

She knows how to make my nerves calm. She's really my mother.

"Thanks, 'Ma," nakangiti nang sabi ko.

She tapped my cheek. "Sige na. Gigisingin ko na si Lianne. Hindi pa naman yata siya kumakain ng lunch and it's already three-thirty. Kawawa naman."

Umalis na si Mama at para na naman akong pusang hindi mapaanak na paikot-ikot sa isang parte ng garden namin. Dinadaga na naman ang dibdib ko.

Paulit-ulit lang ako sa paghinga ng malalim ay pagbuga ng malakas. Daig ko pa ang nanganganak sa breathing exercise na ginagawa ko. Para na naman akong timang.

Umupo na lang ako sa pagbabakasakali na maging kalmado ako pero kakasayad lang ng pang-upo ko sa upuan ay napatayo rin agad ako sa malakas na sigaw galing sa loob ng bahay namin.

"Mark!" It's Mom. "Si Lianne! Oh, my God! Mark!"

Natatarantang napatakbo ako papasok sa loob ng bahay at inilang hakbang lang ang hagdan paakyat ng second floor kung nasaan ang kuwarto ni Lianne.

∞∞∞

Lianne's POV

I heard a Knock. Kanina pa ako gising but I don't feel like moving or getting up from my bed. Feeling ko kapag ginawa ko iyon ay iikot ang paningin ko at babagsak ako. So, minabuti kong huwag na lang muna bumangon.

Namimigat ang ulo ko at hindi ko maintindihan kung nilalamig ako o naiinitan. It feels like... dying. Ay, joke! Hindi ko maintindihan pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko.

I heard a knock again at kasunod niyon ay ang pagsasalita ng kumakatok. "Lianne, anak get up na. Hindi ka pa nagla-lunch. It's almost four in the afternoon."

It's Tita Belle. Kailangan ko na yatang tumayo. Ayokong pag-alalahin sila Tita at ang buong sangkatauhan dahil lang sa masama ang pakiramdam ko. Ang O.A. pa naman ng mga tao rito.

"Yes, Tita?" Napahawak ako sa ulo ko habang bumabangon. Parang may nakapatong na sampung makakapal na libro sa ulo ko sa bigat.

"Come on, baby, let's have merienda," sagot pa ni Tita mula sa labas.

"Opo."

Nakatayo na ako at... danm! Napapikit ako dahil sa hilo. Pero dumilat agad ako at pinilit ko pa ring tumayo. Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapahinto ako. My surroundings went black and I didn't had the chance to balance my weight so I just fell on the ground.

∞∞∞

Mark's POV

"Lianne? Lianne?" paulit-ulit na sabi ni Mama habang kinakatok ng malakas ang pinto. Naririnig ko iyon nang makaakyat ako.

Nang walang sumagot sa loob ay sinubukan na niyang buksan ang pinto pero hindi iyon bumukas. It's locked inside.

"Lianne? Come on, baby." Halos kalampagin na ni Mama ang pinto habang pinipilit na buksan.

"'Ma—"

"Oh, my God, Mark! Get the keys!" pasigaw na utos sa akin ni Mama nang makaakyat ako.

Para naman akong nabingi na hindi iyon narinig at lumapit pa sa kanya. "What happened?!" natataranta kong tanong.

"Mark! I said get the keys at the kitchen!" mas malakas pang utos ni Mama.

Lalo naman akong nataranta kahit hindi ko alam kung bakit natataranta rin si Mama. Hindi ko alam kung paano susundin ang utos niya kahit napakadali lang niyon.

"The keys at the kitchen, you idiot!" ulit pa ni Mama. "Si Lianne!"

Kung natural na sitwasyon lang ito ay napasimangot na ako dahil sa itinawag sa akin ni Mama. Pero imbis na sundin ko na siya ay sinubukan ko ring buksan ang pinto.

Naka-lock nga pero dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin, pinilit ko pa ring buksan ang pinto. Sinisigawan na ako ni Mama kung ano ang dapat kong gawin pero hindi ko na siya maintindihan. Naubusan na ako ng pasensiya sa doorknob kaya walang sabi-sabing tinadyakan ko lang pinto. Nasira ang lock at nakita namin si Lianne na nakahiga sa sahig.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at ganoon din si Mama. I checked her pulse on her the neck. Mayroon naman pero sobrang init niya. I felt a little relieve. Pero nag-aalala pa rin ako dahil hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya.

Mabilis ngunit maingat kong binuhat si Lianne. "'Ma, get my keys, please."

Lumabas ako ng bahay at dinala siya sa kotse ko. Saglit lang at dumating na rin si Mama dala ang susi ng kotse. Siya na ang nagbukas ng isang pinto para maipasok ko si Lianne sa loob. Pumasok na rin siya sa back seat para alalayan ang wala pa ring malay na si Lianne. Habang ako naman ay umupo sa driver seat.

May kabilisan pero maingat akong nag-drive papunta sa pinakamalapit na hospital.

∞∞∞

Palakad-lakad ako sa labas ng kuwarto kung saan nasa loob si Lianne at inoobserbahan ng Doktor. Habang sila Mama, Tita Lea at Renz ay kampanteng nakaupo lang sa waiting area sa tapat din niyon.

"Will you please stay in a place, Kuya? Kanina ka pa palakad-lakad d'yan na parang may bulate ka sa puwit. Nahihilo na ako sa 'yo," sita sa akin i Renz. Bakas sa mukha niya ang pagkairita. "Daig mo pa iyong first time magiging tatay kung ma-tense."

Tinignan ko siya ng masama. Parang hindi kasi siya nag-aalala sa best friend niya. Kung wala lang dito si Mama at Tita Lea, baka nabatukan ko na siya. Pero how I wish, na ang huli niyang sinabi ang dahilan ng pagkabalisa ko ngayon.

"Look, hindi mapapaano si Lianne. Malakas pa 'yon sa kalabaw. Kayang-kaya ka pa rin niyang mabugbog kapag naging okay na siya," dagdag pa niya.

"Oo nga, hijo," sang-ayon naman ni Tita Lea. "Maupo ka nga rito."

Sumunod naman ako. Umupo ako sa tabi ni Tita pero hindi pa rin ako mapakali kahit nakaupo na ako.

Maya-maya pa, lumabas na ang doktor mula sa kuwarto ni Lianne. Sabay-sabay kaming tatlo nina Mama at Tita Lea na napatayo at lumapit sa doktor. Samantalang si Renz, tinatamad pang tumayo at lumapit para malaman din ang kondisyon ni Lianne.

"Kamusta na po ang anak ko, Doktora?" tanong agad ni Tita Lea.

"Mabuti na ho ngayon ang lagay niya. Bumaba na rin ang lagnat niya. Kailangan niya na lang ng pahinga para makabawi ng lakas. Base sa laboratory test na ginawa namin, nangasim ang tiyan niya. Nakakain siya ng maasim nang wala pang ibang laman ang kanyang sikmura. Kaya kung maari ay iwasan niya muna ang maasim, lalo na ang mga citrus fruits. Pagkagising niya, itse-check ulit namin siya," mahabang paliwanag ng Doktora.

"Salamat ho, Doktora. Puwede na po ba kaming pumasok sa loob?" tanong ulit ni Tita Lea.

Nakangiting tumango lang ang doktor at pumasok na kami sa loob. Nakahiga si Lianne sa hospital bed at natutulog pa din. Parang ang bait!

"Kayong dalawa, lumapit kayo dito," utos ni Mama sa aming dalawa ni Renz.

Patay na! Mukhang alam ko na 'to.

"Alam kong kayong dalawa ang may kagagawan nito kay Lianne," matalim ang tinging sabi sa amin ni Mama. "I told you to eat those fruits pero mukhang hindi kayo ang kumain!" pigil ang pagtaas ng boses niya at kulang na lang ay pag-umpugin kaming magkapatid dahil sa kalokohan namin.

Kami naman ni Renz ay nakayuko lang. Alam na namin ang mga susunod na sasabihin ni Mama. Grounded kami at kami ang gagawa ng mga household chores for the week at kung anu-ano pang paghihirap sa buhay ang ibibigay niya sa amin dahil sa ginawa namin sa unica hija niya.

"You're grounded and you'll do household chores habang walang pasok. Plus..." sabi ni Mama habang dinuduro pa kaming magkapatid.

Sabi na nga ba! Pero teka... bakit may 'plus' pa?

"You don't have allowances for the next two months," tuloy ni Mama na nagpaangat a ulo namin ni Renz.

"'Ma!" sabay pa naming protesta na magkapatid.

"What? Do you want me to make it three or five months for good?" nakataas ang kilay na banta pa sa amin ni Mama.

Napayuko na lang ulit kami ni Renz. Ang lupit talaga ni Mama kapag may nagawa kaming kasalanan. Pero mas malupit kapag ang unica hija niya ang nagawan namin ng kasalanan. Walang awa sa mga anak. Para ngang hindi kami ang anak.

"Ano ka ba naman, Belle? Hindi ka na nasanay sa mga bata. Wala namang gagawing kapilyuhan ang mga anak mo kung hindi minaldita nitong anak ko," pagtatanggol sa amin ni Tita Lea na nakikinig lang kanina.

Nagliwanag naman ang mukha namin ni Renz. Kung pabor nga pala si Mama kay Lianne, si Tita Lea naman ang pabor sa amin.

"Hay naku, Lea. Hindi ko mapapalampas an kalokohan nd dalawang ito ngayon na umabot pa sa ganito," sabi ni Mama.

Nagtalo pa sila ng ilang sandali sa mga kalokohang pinaggagawa namin, pero sa huli, si Mama pa din ang dapat naming sundin. Pagkatapos nilang magtalo ay umalis sila para kumuha ng mga gamit sa bahay na kailangan ni Lianne dito sa hospital at para na rin bumili ng gamot at pagkain.

Naiwan kami ni Renz na nagbabantay kay Lianne. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya. Habang si Renz naman ay nakaupo sa sofa sa isang gilid.

Tahimik lang ang loko. Ang seryoso rin ng mukha niya at hindi normal sa kanya ang maging ganyan. Sinapian yata ng mabuting kaluluwa. Dahil kung normal siya ngayon, dapat sinusubukan na niyang gisingin si Lianne at hindi uupo lang sa isang tabi. May sapi nga yata itong kapatid ko at mukhang ang lakas ng espiritung sumapi sa kanya at nakontrol siya ng ganyan katindi.

Mula sa pagkakatitig sa kapatid ko, ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng mabait-kapag-tulog-maldita-kapag-gising na tulog pa rin hanggang ngayon.

Napabuntong-hininga ako. Sana okay na siya ngayon. Sana din magising na siya. Kahit pa batuk-batukan niya ako paggising niya, okay lang basta alam kong maayos na siya.

Ang amo talaga ng mukha niya kapag natutulog. Kung ganyan lang din sana talaga siya kaamo kapag gising. Kaso hindi, eh. Maldita na nga, may pagka-amasona pa.

Pero kahit may pagka-amasona pa siya, hindi naman nakabawas iyon sa nararamdaman ko para sa kanya. Kahit pa araw-araw niya akong bugbugin sa pagmamahal, okay lang. Kahit minu-minuto niya akong halikan, pabor sa akin basta hahayaan niya akong gumanti—! Teka... nagigising na yata ang amasona. Este, ang mahal ko.

"Babe..." Hinawakan ko ang kamay niyang gumalaw.

Unti-unti nga siyang nagmulat ng mga mata. Tinitigan niya ako ng ilang segundo at napapikit-pikit pa siya.

Lumingon ako kay Renz. "Paki tawag si Doc," utos ko sa kanya.

Sumunod naman siya agad. Naiwan kaming dalawa ni Lianne na ngayon ay nakapikit na ulit.

Hindi ba magandang pangbungad ang mukha ko sa bagong gising? The last time I checked, guwapo pa rin naman ako.

"How's your feeling, Babe?" tanong ko sa kanya at hinaplos ko pa ang noo niya.

Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay nagmulat siya ng mga mata at nilibot ng tingin ang buong kwarto. "Nasa ospital tayo?" tanong din niya sa akin.

"Yeah," matipid kong tanong habang inoobserbahan siya.

Halata sa mukha niya ang pagkadismaya. Ayaw na ayaw niya kasing nasa ospital siya. Takot kasi siya sa ospital dahil may mga multo raw dito. Noong mga bata pa kasi kami, nagmultu-multuhan si Renz at tinakot siya, kaya hayan... hanggang ngayon dala niya pa rin ang takot sa kahit saang ospital.

Bumukas ang pinto at pumasok ang Doktora kaya lumabas na muna ako. Hinanap agad ng mata ko ang kapatid ko nang makalabas ako, pero hindi ko siya nakita.

Saan naman kaya iyon nagpunta? Hindi man lang nagpaalam. Dati naman nagpapaalam siya kahit labag sa loob niya na magpapaalam siya, na minsan pa nga may kasamang batok sa akin o kaya kay Lianne.

Napailing na lang ako. Nawiwirduhan na talaga ako sa kanya. Mukhang may sapi talaga siya ngayon. Madala nga siya sa albularyo paglabas ni Lianne dito sa ospital.

Hindi naman nagtagal ang Doktora sa loob at lumabas siya. She informed me that Lianne is okay, and she left. Pumasok na ulit ako. Nakahiga pa rin si Lianne sa hospital bed. Nakasimangot siya at halatang ayaw niya talaga rito.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

675K 11.9K 24
Dalawang tao na VIRGIN... Si VALENTINA (32 years old), isang writer na gustong magkaroon ng "experience" para makapagsulat na siya ng erotic story. P...
3.5K 171 14
Ang kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.
2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...