My Bodyguard Is My...What?! (...

By BeWIXyGirl_Wp

493K 11.9K 1K

Paano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin m... More

Prologue
Chapter 1-My Bodyguard
Chapter 2-At Your Service Ma'am
Chapter 3-Duties And Responsibilities
Chapter 4-Pardon Me Madame
Chapter 5-First Move-Unexpected Kiss
Chapter 6-The Punishment
Chapter 7-Unidentified Feelings
Chapter 8-Sorry
Chapter 9-Kiss
Chapter 10-You're Safe With Me
Chapter 11-Don't Touch Her
Chapter 12-Stay Away
Chapter 13-I'll Protect You
Chapter 14-Into The Storm
Chapter 15-Inlove With You
Chapter 16-Let The Game Begin
Chapter 17- I Love You
Chapter 18- I'll Catch You
Chapter 19-The Co-Owner
Chapter 20-The Photos
Chapter 21-The Real Mico Aragon
Chapter 22-For Who You Are
Chapter 23-Solo Para Estar Contigo
Chapter 24-His Life
Chapter 25-Unknown Number
Chapter 26-Life or Wealth
Chapter 27-The Crime
Chapter 28-Resthouse
Chapter 29-You Broke Me
Chapter 30- Her Hero
Chapter 31 - Unforgiven
Chapter 32-In Your Arms Again
Chapter 33 - Marriage Contract
Chapter 34 - Untitled
Chapter 36 - Hidden Hide Out
Chapter 37 - Paalam Mico
Chapter 38 - Behind The Crime
Chapter 39- Untitled
Chapter 40 - Dissolution
Epilogue
Special Chapter

Chapter 35 - Traitor

8.4K 211 9
By BeWIXyGirl_Wp

Mico's POV

"Dude." napalingon ako sa biglang nagsalita. "Nandito na pala kayo?" salubong niya sa akin at saka tinapik ang balikat ko.

"Oh dude." kunot-noo kong response sa sinabi niya.Naramdaman ko na lang na napapahigpit na pala ang paghawak ko sa palad ni Violet.

"Miss Fernandez." binalingan nya si Violet.

"Attorney." tugon naman ng asawa ko.Pero alam kong naguguluhan din siya.

"Why you're here Klein?" sa seryoso kong tono.

"Ah 'yon ba?" napahimas siya ng batok na animo'y nag-iisip ng i-dadahilan.

"Iho." agad na singit ni uncle Diosdado ng akmang magsasalita si attorney Crawford. "Violet,iha." agad namang nagbeso si Violet sa kanya ng ito'y kanyang batiin.

"Kamusta po Tito Diosdado?" pilit na ngumiti si Violet.

"Malakas pa naman ako iha." pabirong tugon ni uncle sa pangangamusta niya. "siya nga pala Mico,iho.Nandito si attorney Crawford." nilingon niya si Klein na ngayon ay nakapamulsa na. "...dahil 'yong kaibigan ko galing ibang bansa nagpapahanap ng magaling na abogado.So I decided to choose attorney Crawford.At isa pa..." napahinto siya at saka muling lumingon sa nasabing abogado. "...mas mabuting itong si Attorney na lang dahil sigurado akong hindi niya lolokohin ang kaibigan ko.Sayang din naman iho.Naisip ko kasi kaibigan mo rin siya." mahaba niyang paliwanag. " 'di ba attorney?" lingon pa nito kay Klein.Tumango din naman ito.

"Mico,tama nga naman si Tito." kaagad na sagot ni Violet.Kaya biglang nawala ang pagdududa ko.Shit!Bakit ko ba pinag-iisipan ng masama ang mga taong itinuturing ko ng pamilya.

"Uncle,dito na po kami ni Violet titira." paalam ko.

"Well,that's good for the both of you mga anak." masayang saad niya.

"Congrats dude." agad akong kinamayan ni Klein na may nakakalokong ngiti.Binigyan ko rin siya ng matatalim na tingin.Ogag kasi.Baka mapahiya pa si Violet.

Gumayak kami papuntang sala at nagsi-upo kaming lahat.Katabi ko si Violet at magkahawak-kamay kami habang pinipisil ko ang mga palad niya.

"So ano na ang balak niyo?" basag ni uncle sa kaunting katahimikan na namayani.

"Sa ngayon po uncle..." humarap ako kay Violet at tinitigan siya ng malagkit. "... honeymoon muna." kinindatan ko siya. "Aray ko hon." kinurot ako sa tagiliran at nakita ko ang pamumula niya.

Sabay namang nagtawanan si uncle at Klein kasabay ng kantiyaw ng kaibigan ko sa akin.

"Yun oh."

Tinapunan siya ni Violet ng masasamang tingin kaya nawala ang nakakalokong tawa nito.

Natatawa na rin ako kasi effective pa rin pala ang strikto at mataray na babaeng akala ko ay napabago na ng pagmamahal ko.

Inakbayan ko na lang siya at hinalikan sa noo.Hindi showy si Violet kaya sa ngayon,igagalang ko muna 'yon.Masasanay na rin siya kapag palagi ko itong gagawin sa kanya.

Si uncle Diosdado naman ay pangiti-ngiti lang habang nakatingin sa amin.

"Well,kung 'yan ang plano niyo,susuportahan ko na lang kayo." agad na saad ni uncle.

"Salamat po tito/uncle." sabay pa naming sagot ni Violet.

"So paano,aalis na muna ako.Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko." paalam nito.

"Sige po." sabay na naman kami ni Violet.

"Ano na ang balak niyong dalawa? Totohanin niyo na ba 'yan?Baka pwedeng ilagay niyo muna sa ayos ang lahat." agad na wika ni Klein ng umalis na si uncle Diosdado.

"Damn!" mahina kong pagmumura pero alam kong nakarating ito sa pandinig ni Violet. "dude,matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.Ngayong okay na kami ng asawa ko,kailangan ko pa bang ayusin ang lahat?What for?We're okay." hindi ko mapigilan ang pag-init ng ulo ko.

"Chill dude." itinaas niya ang mga kamay niya sa ere. "ang tinutukoy ko ay ang mga banta sa buhay ni Violet." sumeryoso na siya. Alam niya kasi ang mga pangyayari sa buhay ni Violet.Syempre dahil best buddy ko siya kaya wala akong nililihim sa kanya unless kung hindi talaga pwede. "mas maigi kapag ma-solve muna ang kasong 'yon."

Napabuntong-hininga na lamang ako at saka pinag-isipan ang sinabi ni attorney.Pero sa ngayon,mas natatakot ako na mawala sa paningin ko si Violet.Baka 'pag tumalikod ako saka may masamang mangyari sa babaeng minamahal ko.

"Hon?" nilingon ko si Violet at ginagap ang mga kamay niya.Alam kong napapaisip na rin ito sa sinabi ni Klein. "...kung ano man ang desisyon mo,okay lang sa akin.Kung sang-ayon ka sa gusto ni Attorney,then it's okay.I will respect and support your decision." dinala ko sa mga labi ko ang palad niya at hinalikan ito.

Narinig ko ang pagpakawala niya ng hininga. "Attorney Crawford was right Mico." ngumiti siya ng pilit. "hindi din naman tayo magiging masaya kung may kaguluhan pa sa buhay ko." dugtong pa niya.

"That's good then." biglang singit ni Klein.Tinapunan ko lang siya ng tingin at ibinalik muli kay Violet ang paningin ko.

"Okay hon.But let me your bodyguard again.Can I?" kinindatan ko siya na siya namang ikinatawa niya.

Ang ganda lang talaga ng babaeng ito.

"you're hired Mr.Aragon." natatawa niyang sagot. "You will start tomorrow around six 'o clock in the morning.Understand?"

"Nah-uh.Hindi ako papayag Miss Fernandez na bukas ako magsisimula." ngumiti ako.Nagugunita ko kasi ang araw na una akong pumasok sa kanya bilang bodyguard niya.At nagugunita ko rin ang mga araw na palagi kong sinasalungat ang mga sinasabi niya.

"at bakit Mr.Aragon?" tumaas ang kilay niya.Nakita ko sa dulo ng aking mata ang pigil na pagtawa ni Klein.

"Dahil mamaya na ako magduduty.Mamayang gabi.Libre miss V.ang unang gabi ng serbisyo ko sa 'yo." pilyo akong ngumiti.Mabilis niya akong hinampas.

"As usual.Wala naman talaga akong laban sa 'yo eh." himutok niya habang nakalabi.

"Mahal lang kita miss V." at saka ko isiniksik ang sarili sa kanya.Agad niya naman akong itinulak ng marahan.

Napukaw lang ang ginagawa namin ng biglang humalakhak si Klein.

"what's wrong with you dude?" inis na sita ko sa kanya at saka itinapon ang isang throw pillow sa kanya.

"nothing dude." Nagkibit balikat lang siya habang patawa-tawa pa rin.Si Violet naman ay natatawa din sa ginagawa namin ni Klein.

"Hon,attorney..." pukaw ko sa atensiyon nila. "... hahanapin ko lang ang mga katiwala.Magpapahanda lang ako ng hapag.And after our dinner,hatid na kita miss V." kinindatan ko siya at saka mabilis na ninakawan ng halik sa mga labi bago lumayo sa kanila.

Viola's POV

"Attorney,punta lang ako sa banyo." basag ko sa katahimikan naming dalawa ni attorney Crawford.Hindi kasi ako mapakali sa kanya.Kanina pagdating namin ni Mico dito may kakaiba na akong nararamdaman.Ewan ko ba,pero kinakabahan ako ng sobra.

"Sure miss Fernandez." formal na tugon niya sa sinabi ko. "go ahead." dugtong pa niya.

Mabilis akong tumalima.'Yong totoo eh hindi naman ako nababanyo.May kakaiba kasing tensiyon akong nararamdaman.

Sa halip na sa banyo ako pupunta,pumunta na lang ako sa garden.Nakaparito na rin kasi ako dito kaya alam ko kung nasaan ang garden.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang magagandang bulaklak.Ang healthy kasi nila.Halatang alagang-alaga ito.Malalago din ang mga dahon ng mga ito.

"Sino 'yan?" agad akong kinabahan ng may bigla akong narinig na kaluskos na nagmula sa malalabong halaman.

"aayyy!" napatili ako ng may biglang humila sa akin at ikinubli ako sa mas malalagong halaman.Pagkatapos n'on,mabilis niyang tinakpan ang bunganga ko.

"sshhh!" pagpapatahimik sa akin ng taong biglang humila sa akin.At pagkatapos n'on tinanggal niya ang kamay niya sa bunganga ko.

Unti-unti ko siyang nilingon.Gan'on na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko kung sino ito.

"A-attorney Crawford?"

"'Wag kang maingay miss Fernandez." babala niya sa akin pero 'di ko naman siya nakikitaan na may masamang hangarin sa akin. "Look..." hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "layuan mo si Mico."

"Ano?!" inis na saad ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. "are you insane?" sinamaan ko siya ng tingin.

"you need to...Violet!" giit niya. "mapapahamak ka kapag hindi mo siya nilayuan." dugtong pa niya.

"Traidor ka attorney." malakas na sampal ang pinakawalan ko sa kanya at saka itinulak ng malakas.Uminit bigla ang ulo ko.

"Violet!" dinig ko pang tawag niya sa pangalan ko.

Naiiyak ako habang tumatakbong pabalik sa loob ng bahay.Hindi pala mapagkatiwalaan ang abogadong akala ko kakampi namin ni Mico.Kaya pala ako kinakabahan ng ganito.

*****************

Unedited
No reviews

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
1.9M 87.1K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
38.4K 686 27
The More you HATE, The More you LOVE? WackyMervinStories.