♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Bet Your Heart ♡ Chapter 23

21.2K 200 38
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Three

Lianne's POV

Papunta ako ngayon sa kabilang bahay—sa bahay ng labidabs ko. Pero hindi siya ang sadya ko kundi ang best friend kong bugnutin. Kasi naman, hindi na kami nakakapag-usap ng bugnutin na iyon. Hindi man lang naliligaw sa bahay. Nami-miss ko na siya ng bonggang-bongga!

Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyayari sa buhay. Baka pariwara na siya. Joke! Baka nagtatampo na siya sa akin. Pero dapat magtampo rin ako sa kanya dahil hindi rin niya ako hinahanap or kahit text man lang, 'di ba? Anong klaseng best friend siya?

Naabutan ko si Renz sa garden nila na nakaupo sa may swing. Seryoso ang mukha niya. Mukhang may problema. Hindi niya napansin ang paglapit ko sa kanya dahil mukhang malalim din ang iniisip niya.

Problemado yata talaga ang loko. Ganyan 'yan kapag may problema, palaging malalim ang iniisip. O kung hindi man malalim, lumilipad naman sa kung saan-saan.

Pumwesto ako sa likod niya. Pero parang wala pa rin siyang nararamdaman sa paligid niya.

I poked him on his shoulder. Still, no reponse.

Nakakamanhid ba ang pag-iisip ng malalim? Kinalabit na, parang wala pa ring naramdaman? Anak ng tokwang naging taho! Ano nangyari dito sa best friend ko? Sino ang umaway?! Uupakan niya!

"Uy, Best..." nagsalita na ako dahil baka tumanda na ako kakakalabit sa kanya ay hindi pa rin niya nararamdaman iyon.

Pero wala pa rin siyang reaksyon. Nabingi na rin ba siya? O baka naman hindi talaga siya manhid at lalong hindi siya nabingi. Hindi lang talaga niya ako pinapansin! Buwisit itong pangit na 'to!

"Hoy! Ano ang problema mong syokoy ka?!" hindi ko na napigilang bulyaw sa kanya with matching batok sa ulo niya.

"Aray..." pati ang pagsasalita niya ay walang kalatuy-latoy. Humawak siya sa bahagi ng ulo niyang binatukan ko at tumingin sa akin ng masama.

Pero imbis na matakot ako sa tingin niya ay nakipaglabanan pa ako ng tingin sa kanya. Akala niya ba ay matatakot ako sa tingin niya? Well... nakakatakot naman talaga ang tingin niya. Pero mas dapat siyang matakot sa akin!

"Can't you see? I'm relaxing!" asik niya.

Napataas ang isang kilay ko. Relaxing daw? So nagyo-yoga siya sa swing? Kailan pa siya natuto at nahilig mag-yoga? Relax-relax pa siyang nalalaman. If I know... iniisip niya lang kung paano niya tatakasan ang mga babae niya.

"Relaxing-relaxing ka r'yan!" Pinalo ko pa siya sa balikat, like I used to. "Kanina pa ako dito hindi mo man lang ako napapansin! Kinalabit na kita't tinawag, NR ka pa rin!"

"NR?" kunot-noong tanong niya.

Eh? Slow? Buffering? Loading? Problem in connection?

"No Response!" Binatukan ko pa siya ulit.

"Aray! Ano ba?! Nakakadalawa ka na, ha?!" napipikong reklamo niya.

"Gusto mo tatluhin ko pa?" nakapamaywang kong banta. "Ang slow-slow mo! Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang naging bestfriend ko! 'Kainis! Makaalis na nga! Syokoy ka talaga. Bumalik ka na lang sa dagat na pinanggalingan mo! Baka roon, gumana iyang utak mo!"

"So, utang na loob ko pa talaga na ako ang best friend mo, ganoon ba?" mapang-uyam niyang sabi.

Hindi na ako sumagot at nag-walk out na lang. Walk out queen talaga ako pagdating sa best friend kong syokoy. Nakakainis! Ako na nga nag-e-effort para makita siya dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita o nag-uusap man lang kahit sa text, 'tapos ganoon pa siya? Nakakatampo lang! Ang sarap niyang sakalin.

Dumiretso na lang ako sa main door at pumasok sa bahay nila. Magkakape na lang ako. Baka sakaling mawala ang inis ko sa kanya.

Nasa sala pa lang ako nang marinig kong tinawag ako ni Renz. Siyempre, dedma lang. Iyan pa ang isa kong talent, eh. Mang-dedma.

Aba? Pagkatapos niya akong inisin? Best revenge na ang hindi pagpansin sa kanya. Surely, mas maiinis siya.

Nakita ko sa living room si Mark at dinaanan ko lang siya. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. O, 'di ba? Mag-boyfriend talaga kami?! Buwisit! Pati siya walang pagpansin sa akin? Lalo lang akong nainis.

Nagpunta ako ng kusina para magtimpla ng pinakamamahal kong kape na magpapaganda ng mood ko. Pero hindi pa ako tapos magtimpla ay na rin si Renz sa kusina.

"Uy, Best," tawag niya sa akin. "Sorry na. Hindi ko naman talaga alam na nasa likod na pala kita kanina. Hindi ko rin naramdaman at narinig ang kalabit at tawag mo," pagsusumamo niya pa. "Bigla mo na lang kasi akong binatukan kaya nainis agad ako. Sorry na, please?"

I rolled my eyes at hindi siya pinansin. Naiinis talaga ako at kapag naiinis ako, gusto kong tirisin ang dahilan ng pagkainis ko.

"Uy, Best..." Nag-pout pa siya sa harap ko. "Sorry na naman."

Natapos akong magtimpla ng kape at dinala ko iyon sa table. Sa sobrang inis ko, nang nakita ko ang mga prutas sa lamesa ay kumuha ako ng isang prutas at walang sabi-sabi na ibinato sa kanya.

At viola! Bull's eye!

Narinig ko ang pagdaing niya at napangiti na ako dahil doon. Pero hindi pa ako kuntento. Binato ko pa ulit siya pero nakailag na siya.

"Best, baka pagalitan tayo ni Mama," nababahalang sabi niya habang umiilag sa mga binabato kong prutas.

"Wala akong pake! Ikaw lang naman papagalitan ni tita Belle," nakaingos kong sabi at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Bahala siyang mapagalitan ni tita kapag nakita ang hitsura ng kusina. Malalagot talaga siya.

Huling prutas na lang ang nasa kamay ko at gusto kong matamaan talaga siya. Inasinta ko siyang mabuti.

Last na ito. Kapag tinamaan siya, bati na kami, sabi ko pa sa sarili ko bago ko ibato sa kanya ang prutas. Pero sa kasamaang-palad, nakailag siya at ang papasok sa kusina na boyfriend ko ang tinamaan sa ulo.

"Ouch!" Napatingin siya sa apple na bumaksak sa sahig matapos tumama sa kanya. At umangat ang tingin niya. Una siyang tumingin sa akin at sumunod kay Renz.

I gaped. Patay na! Ang sama ng tingin niya sa amin.

Pero bago pa siya magtanong kung sino ang bumato ng apple na tumama sa kanya ay nagturuan na kaming dalawa ni Renz.

"Siya!" sabay naming sabi, kasabay din ang pagturo sa isa't isa.

Lalo namang sumama ang tingin niya sa amin. Pero mas masama ang tingin niya kay Renz dahil may mga hawak siyang prutas. Iyon ang mga nasalo niya sa mga ibinato ko sa kanya kanina.

Binelatan ko si Renz na nakatingin sa akin na mukhang nanghihingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ulit, nahuli ako ni Mark sa ginawa ko.

Ugh! Nariin kong naisara ang bibig ko at napalunok ako. Mayayari ako nito sa magkapatid. Alam na alam ko na ang susunod na gagawin nila sa akin. Ayoko pang mamatay! Mamatay sa sobrang kiliti na gagawin nila!

Kailangan kong tumakbo! Pero saan ako tatakbo ngayon? Nasa pinto pa rin ng kusina si Mark kaya hindi ako makakalabas ng ligtas doon. Kung sa likod naman ako lalabas ay hindi rin puwede dahil naka-lock iyon at mahirap buksan.

Isa na lang naiisip kong puwedeng magligtas sa akin. Ang restroom dito sa kusina. Pero nang tumingin ako roon ay nasa tapat na agad ng pinto si Renz.

Damn! Hindi puwede ito! Paano na ako makakatakas sa kanila? Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo. Pero dapat makaisip agad ako ng paraan.

Tinignan ko silang dalawa. Pareho na silang nakangiti na parang mga aso. Mukhang wala na talaga akong ligtas. Pero dahil bright ako, may naisip pa akong isang paraan.

"Tita Belle!" sigaw ko habang nakatingin sa likod ni Mark kahit wala naman talagang tao roon.

Napatingin din sila pareho sa labas ng kusina. And this is it! Sinamantala ko ang pagkakataon para tumakbo palapit kay Mark na nakaharang sa pintuan ng kusina at walang anu-ano'y itinilak ko siya. Hindi ko napansin na nakatakbo na rin pala si Renz papunta kay Mark para pigilan ako sa pagtakas ko. Pero siyempre, suwerte ako. Pagkatulak ko kay Mark ay nagkabungguan sila ni Renz at parang nagkauntugan pa yata. Narinig ko silang dumaing pareho pero hindi na ako nag-abalang tignan sila. Tumakbo na lang ako paakyat ng hagdan. At masasabi kong suwerte talaga ako dahil saktong palabas ng kuwarto si Tita Belle.

"Naku! D'yos ko, anak! Bakit ka nagtatatakbo?! Baka madulas ka!" nag-aalalang sabi ni Tita Belle pagkakita sa akin.

Huminto naman ako sa tabi niya. "Sorry, tita... na-miss ko po kasi kayo," sabi ko at niyakap ko pa siya.

"Oh..." Napangiti siya at niyakap din ako. "I miss you too, hija."

Aww... ang sweet ni tita Belle and I feel so safe in her arms.

Maya-maya nakita na namin ang dalawang tukmol na nag-uunahan makaakyat ng hagdan. Nagtago naman ako sa likod ni Tita Belle. Nang nakita nila si Tita Belle ay pareho silang natigilan.

Bingiyan ko silang dalawang ng pang-winner na smile. Ano sila ngayon? Mukhang silang inagawan ng lollipop.

"Ano na naman ba 'yan? Bakit kayo nagtatakbuhan?" sita sa kanila ni Tita. "Pinagkakaisahan niyo na naman ba si Lianne?"

Napakamot sa ulo ang dalawa at hindi makasagot. Habang ako, nagpipigil na ng tawa sa likod ni Tita. Winner!

"Tita, nagbabatuhan sila ng fruits kanina sa kusina," sumbong ko.

Nanlaki naman ang mata ng dalawa sa sinabi ko and I just gave them an evil smile. Siguradong papagalitan silang dalawa.

"Hali nga kayo rito," utos ni Tita Belle habang pababa ng hagdan.

Nakasunod naman ako kay Tita. Nang napadaan kami sa magkapatid, ang sama ng tingin nila sa akin. Parang kakainin na nila ang kagandahan ko ng buhay. Pero dahil nandito si Tita Belle, hindi ako natatakot at nginitian ko pa sila ng mapang-asar.

Nagpunta kami sa kusina at nakita nga ni Tita Belle ang kalat-kalat na mga prutas sa sahig na medyo na lamog na.

"Now... you two, stubborn kids!" Itinuro silang dalawa ng mama nila. "Pulutin niyo lahat ng ikinalat niyo at kainin niyo ang lahat ng iyan!" mariin na utos sa kanila ni Tita. Sa lahat pa naman ng ayaw ni Tita ay ang nagsasayang ng pagkain.

"Ma—" pagpoprotesta sana nila na pinutol ni Tita.

"Gagawin niyo ba ang utos ko o grounded kayo hanggang sa pasukan?!" banta pa ni Tita Belle ng makitang nag-aalinlangan ang mga anak na sundin ang inuutos niya.

Nagmamadali namang pinulot ng magkapatid ang mga prutas ng walang sali-salita. Ang galing talaga manakot ni Tita.

Gusto ko ng tumawa ng malakas pero nagpigil pa rin ako. Sa sobrang sama ng tingin na ibinibigay sa akin ng magkapatid habang mukha silang mga alila sa pagpupulot, alam kong gaganti sila sa akin anumang oras na mawala si Tita Belle.

Nakatingin lang kami ni Tita Belle sa ginagawa nila. Nang mainip na ako kakanood sa kanila, pumunta ako sa living room. Tumingin-tingin ako ng mga CDs and DVDs. Magpapatugtog na lang siguro ako.

Nakita ko ang CD ng Westlife. Favorite band ko. Alam ko hindi sila ganoon kaastig, pero maganda lang talaga mga meaning ng songs nila tsaka ang gaganda ng boses nila. At para sa akin, walang tatalo sa kanila kahit pa ang mga bagong boyband ngayon.

Isinalang ko ang CD ng westlife na Face to Face. Unang tumugtog ang kanta nilang Amazing. Isa sa mga favorite kong song nila. Pero sa totoo lang, lahat naman ng songs nila ay paborito ko.

Sumasabay pa ako sa kanta habang nakaupo sa sofa at nagbubuklat ng mga magazines na puro abs ng lalaki ang laman. Kulang na lang, lumabas sa magazine iyong mga lalaki dahil sa ganda ng boses ko. Joke! Kidding aside, marunong naman talaga akong kumanta. Kasali ako sa choir noong high school ako pero hindi ko na itinuloy sa college dahil mas pinili ko maging member ng theater and now, I'm already elected as the president of the club.

Dahil busy ako sa pagkanta at pagtitig sa mga abs sa magazine, hindi ko namalayang may nakalapit na pala sa akin. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko. Paglingon ko ay nakita ko si Mark. May hawak siyang malaking bowl. Parang bandehado. Ngumiti siya sa akin.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Pangiti-ngiti na siya ngayon? Kanina lang ang sama ng tingin nila sa akin ng kapatid niya, 'di ba? Hindi na agad siya galit? Ang bait naman ng boyfriend ko...?

Sunod naman na lumapit sa amin si Renz. May dala rin siyang bowl na kasing laki ng dala ni Mark. Umupo naman siya sa kabilang side ko. At nakangiti rin ang loko.

Okay, I already feel that something is wrong. Kailangan ko na yatang umalis ngayon din!

Pasimpleng tiningnan ko kung anong laman ng mga bowl na dala nila at nakita kong puno ng prutas na naka-slice iyon. Iyong mga prutas na kailangang balatan, nabalatan na. Iyon siguro ang fruits na uubusin nila na pinagbabato ko kanina.

At lalo kong naramdaman na kailangan ko ng tumakas o mawala ng parang bula na lang dito sa upuan ko. Patay na naman ako. Naramdaman ko nang delikadong gagawin nila sa akin.

Tatayo na sana ako nang hawakan ni Mark ang braso ko.

"Saan ka pupunta, Babe?" tanong niya.

Hindi naaalis ang ngiti sa mukha niya. Pagtingin ko kay Renz ay ganoon din siya.

"Ah... Eh..." Napakamot ako sa ulo. "Magre-restroom lang sana," pagpapalusot ko.

Binigyan ako ni Mark ng nagdududang tingin. Errr. Nasaan na ba si Tita Belle? Bakit biglang nawala?

Naramdaman kong hinawakan din ako ni Renz sa kabilang braso at iniharap niya ako sa kanya.

"Best, tikman mo 'to. Masarap, promise." Tinapat niya sa bibig ko ang tinidor na may isang slice ng pinya. Oo, pinya! Naibato ko din iyon sa kanya kanina. Pati nga papaya nagawa kong ibato.

But... the point is hindi ako kumakain ng pinya! Simula nang nangati ang dila ko sa pagkain niyon noong grade three ako, hindi ko na ulit ginustong kumain niyon.

"Open your mouth, Best," malambing na utos ni Renz.

Napalunok ulit ako habang nakatingin sa pinya. It's either kakainin ko iyon o mamamatay ako sa kiliti. Hindi naman ako puwedeng sumigaw dahil baka sa unang pagkakataon, mapagalitan ako ni Tita Belle.

Agh! Bahala na!

Ibinuka ko ang bibig ko at kinain ang isinusubo sa akin ni Renz. Dahan-dahan kong nginuya ang pinya habang nananalangin na huwag sanang mangati ang dila ko.

"'Di ba, masarap?" tanong pa ni Renz.

Tumango naman ako. Hindi ko pa nalulunok ang kinakain ko nang pinaharap naman ako ni Mark sa kanya.

"Try this, Babe." Itinapat naman ni Mark ang tinidor niya sa bibig ko na may tusok na bayabas.

Wala sa loob na nalunok ko ang pinya sa bibig ko. Shoot! Hindi ko din kinakain iyon! Napapaklaan kasi ako sa lasa at ayoko sa mabuto na prutas.

Naghihintay siya na ibuka ko ang bibig ko. At ano pa nga ba? Edi, kinain ko rin. Nagpalitan sila sa pagsubo sa akin. Ako naman, kain lang ng kain ng mga sinusubo nila kahit hindi ko naman talaga kinakain ang mga prutas na pinapakain nila sa akin. Tapos parang iniinggit pa nila ako kapag sinusubo nila sa sarili nila iyong mga favorite fruits ko!

Grabe lang! Sabi ko nga sa susunod dapat isa lang ang inaaway ko sa kanila at ang isa ay kakampi ko. Dahil lugi ang kagandahan ko kapag silang dalawa ang magkakampi. Aapihin talaga nila ako ng bongga.

Susubuan pa sana ulit ako ni Mark nang hindi ko na napigilang tumayo at tumakbo sa lababo. Sinuka ko lahat ng pinakain nila sa aking prutas na hindi katanggap-tanggap sa sikmura ko. Bukod sa hindi pa ako nakapag-almusal, hindi ko rin nainom ang kape na itinimpla ko kanina. In short, wala pang kalaman-laman ang tiyan ko.

Sumunod silang dalawa sa akin na tatawa-tawa pa. Mga lapastangan talaga sila. And take note, boyfriend at best friend ko ang mga ito!

"Okay ka lang?" tatawa-tawa pa ring tanong ni Mark habang hinahagod ang likod ko.

Nakayuko pa din ako sa lababo at sumusuka kaya hindi ko magawang sumagot o kahit man lang mabatukan siya dahil sa itinanong niya.

Bakit kailangang tanungin kung okay lang ang isang tao kung nakikita mo namang hindi okay?

Maya-maya lang, nang wala na akong maisuka, nagmumog ako at nanghihinang humingal ako sa kintatayuan ko habang nakayuko pa rin sa sink. Naubos uata lakas ko kasusuka. Daig ko pa ang lasing na nasobrahan sa alak! Pati yata iyong kinain ko kagabi, naisuka ko na. Hindi... pati yata ang mga laman loob ko ay naisuka ko!

Napaupo ako sa malapit na upuan sa akin. Halos maiyak ako sa panghihina ko.

Nag-squat si Mark sa harap ko para tignan ako. "Kaya pa?"

Hindi ako sumagot at nagpahinga lang para bumawi ng lakas kahit papaano.

"Best, tubig o." Inabutan ako ni Renz ng isang basong tubig.

Hindi ko rin inabot ang baso ng tubig.

Nang medyo nakabawi na ako ng lakas ay tumayo ako at dumiretso sa second floor. Pumasok ako sa dulong kuwarto—ang kuwarto ko dito sa bahay nila. May kwarto ako dito dahil noong bata ako, palagi akong nandito sa kanila para lang makipaglaro. Wala nga kasi akong kapatid. Ayoko namang maging loner sa bahay namin noon. Pero pati rin naman sila may sariling kuwarto sa bahay namin dahil kapag may business trip si Tito Rick ay sumasama si Tita Belle kaya sa amin sila iniiwan. Kapag nagkasabay naman ang business trip ni Tito Rick at Daddy, dito kami naiiwan sa bahay nila kasama ang mga katulong.

Humiga ako sa kama ko. Malinis itong kwarto ko kahit hindi ko palaging nagagamit. Palagi rin kasing pinapalinis ni Tita.

Dahil sobrang naubos ang lakas ko sa ginawa kong pagsuka ng lahat ng kinain ko at medyo pagkahilo, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 878 22
Sa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki up...
2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3M 18.4K 9
NOTE: The complete version is available on Dreame! Sa loob ng maraming taon, napuno ng pagsisisi ang buhay ni Sassy. Marami siyang desisyong pinagsis...