His Personal Driver

Od BurningRain

14.5M 193K 5.9K

WARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! Burni... Více

Prologue
HPD 1
HPD 2
HPD 3
HPD 4
HPD 5
HPD 6
HPD 7
HPD 8
HPD 9
HPD 10
HPD 11
HPD 12
HPD 13
HPD 14
HPD 15
HPD 16
HPD 17
HPD 18
HPD 19
HPD 20
HPD 21
HPD 22
HPD 23
HPD 24
HPD 25.1
HPD 25.2
HPD 26
HPD 27
HPD 28
HPD 29
HPD 30
HPD 31
HPD 32.1
HPD 32.2
HPD 33
HPD 34
HPD 35
HPD 36
HPD 37
HPD 39.1
HPD 39.2
HPD 40
Epilogue

HPD 38

239K 3.5K 115
Od BurningRain

[ 38 ]


Sherlyn's POV


"Kausap ang Papa mo, Espren."

Napalunok ako.

Sabay naman kaming napatingin nang magbukas ang pinto. Patakbo kong pinuntahan ang dalawa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Mahigpit kong niyakap sina Tito Andrew at Tita Vangie.

Pinili naming mag-usap nina Tita sa canteen ng ospital. Tahimik lang kaming apat na parang nagsusukatan pa kami sa kung ano nga ba ang una naming sasabihin.

"M-Masaya kami at nakilala mo na ang Papa mo."

Tipid na ngumiti lang ako kay Tita Vangie.

Maraming tanong din kasi ang pumapasok sa isip ko ngayon pero hindi ko alam paano sasabihin lahat. Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan ni Tito Andrew ang kamay ko.

"Alam namin Sherlyn, marami kang tanong diyan sa isip mo. Pero pipilitin naming sagutin lahat ng mga iyan."

Napailing lang ako.

"H-Hindi ko po alam, Tito. Sobra-sobra po akong nagpapasalamat sa lahat ng sacrifice niyo po sa akin ni Tita. Pagkatapos po ng nalaman ko kay Papa, wala po akong karapatan na magalit sa inyo."

"Patawarin mo kami, anak." Malungkot na sabi ni Tita Vangie.

"Hindi naman po ako galit, Tita. Pero gusto ko lang po malaman, bakit hindi niyo pa po sinabi sa akin noong sinabi kong alam ko ng buhay ang Papa ko na matalik niyo po pala siyang kaibigan?"

Huminga nang malalim si Tita at nagkatinginan pa muna sila ni Tito Andrew.

"Nangako kasi kami sa Mama mo, Sherlyn."

"P-Po?"

"Siguro alam na noon pa ni Sheila na may sakit siya at pinili niyang ilihim sa atin. Dahil habang busy ka noon para sa board exam mo, panay na ang bilin niya sa amin tungkol sa'yo. Isa na roon ay ang hiling niyang ipangako namin na kung malaman mong buhay pa ang Papa mo, hahayaan ka lang naming hanapin siya at wala kaming sasabihin na kahit ano."

"Noong una anak, hindi namin maintindihan ang gustong mangyari ni Sheila. Pero noong nawala siya saka namin naintindihan na kaya siguro ganoon ang gusto niya ay dahil kung mayroong isang tao na mas makakapagpaliwanag sa'yo ng mga nangyari, iyon ay si Anton lang." pagpapatuloy ni Tito Andrew.

HIndi ko na naman mapigilang mapaiyak.

"Para ka na rin naming anak, Sherlyn. Kagaya ng pagmamahal ng Mama mo sa'yo, ganoon ka na rin namin kamahal. Kaya hangga't maaari ay ayaw ka naming mapahamak uli. Pero mukhang tama ang iniisip ng Mama mo na kahit anong pilit naming ilayo at itago ka, tadhana mo na talagang malaman ang totoo at muling makita ang Papa mo."

Kaya pala noon pa, palaging ang pangaral sa akin ni Mama ay ang pagpapatawad dahil noon palang pala ay hinahanda na niya ako sa mga pwedeng mangyari gaya ng malaman ko ang totoo.

Noon pa alam ni Mama na mangyayari ito.

Niyakap naman ako nina Tita at Tito. Nakangiti akong tumingin kay Onel na seryosong nakikinig lang sa pag-uusap namin. Ipinakuwento nila sa akin ang mga pinagdaanan ko rito sa Manila pati na rin ang tungkol sa amin ni Paul.

Hindi makapaniwala sina Tito dahil wala raw silang kamalay-malay na ganoon na pala ang mga nangyayari sa akin dito. Kasalanan ko rin naman dahil palagi kong sinasabing ayos lang ang lagay ko sa tuwing tinatawagan ko sila.

Mga ilang sandali pa kaming nanatili sa canteen bago kami umakyat uli at pinuntahan si Papa na nagbabantay ngayon kay Nichole.

"Nagkausap na ba kayo?" tanong sa amin ni Papa.

Sabay-sabay lang kaming tumango sa kanya. Niyakap ni Tita Vangie si Papa. Si Tita Vangie kasi ang best friend na babae nina Papa at Tito Alex.

"Atlis kahit paano ay naalis na ang mga bigat sa loob natin pare-pareho. Wala ng dapat itago. Mahirap man ang sitwasyon natin dahil sa nangyari, sama-sama naman na nating haharapin ito ngayon." Nakangiting sabi ni Tita Vangie kay Papa.

"Malaki ang utang na loob ko sa inyo ni Andrew, Vangie. Sa pag-aalaga niyo sa mag-ina ko. Tumingin naman si Papa kay Tito Andrew. Sa pagtayo bilang ama sa anak ko, Andrew. Sa pagiging katuwang ni Sheila sa pagpapalaki ng maayos kay Sherlyn. Utang ko sa inyo lahat."

Naiiyak na ngumiti si Tita habang tinapik naman ni Tito ang balikat ni Papa. Pati tuloy kami ni Onel naiiyak na rin. Bakit ba kasi mala-pelikula ang mga buhay namin.

"Kahit sino gagawin naman iyon para sa inyo ni Sheila."



Nagpaalam na rin muna sina Tita. Bumalik muna sila sa hotel na tinutuluyan nila and nagpromise na babalik ulit bukas ng umaga. Nagpaalam na rin muna ako kay Papa na babalik muna ako sa kwarto ni Paul. Iniiwasan ko rin muna na pag-usapan ang tungkol kay Ma'am Sylvia. Pinapaubaya ko muna kay Kael at Papa ang pag-asikaso sa kanya.

Pumasok na ako sa kwarto ni Paul. Sumalubong sa akin si Manang Pilar na naiiyak kaya kinakabahan na naman akong lumapit kay Paul.

"M-Manang, ano pong nangyari?"

Naiiyak na hinawakan ni Manang ang kamay ko.

"N-Nagising na si Paul kanina, hija."

"P-Po? Talaga po?!"

Masayang tumango si Manang.

"Oo, Sherlyn. Hinanap ka niya kanina, sabi ko kausap mo sina Vangie at Andrew. Tatawagin sana kita kaso sabi niya hintayin ka na lang daw niya. Kaya lang ayan, nakatulog uli."

Mahina pero masayang sabi ni Manang sa akin.

Hindi ko mapigilang umiyak sa tuwa kaya tinakpan ko na lang ang bibig ko. Umupo ako sa tabi ng higaan niya at hinalikan ko siya sa noo. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa sobrang saya ko kaya pumatak na iyon sa mukha niya. Agad ko namang pinunasan iyon.

"P-Paul, nandito na ako." Halos pabulong na lang na sabi ko sa kanya.

Nagising ko yata siya dahil sa sunud-sunod na pagpatak ng luha ko sa mukha niya. Nagulat ako nang unti-unting bumukas ang mga mata niya at nakangiting tumingin sa akin. Halos malaglag ang puso ko nang makita ko uli ang mga ngiti niya. Agad ko siyang niyakap at nagtuluy-tuloy na ako sa pag-iyak.



"Oh umiiyak ka pa rin?" tanong niya sa akin.

Agad kong pinunasan ang mga tumutulong luha ko. Yumakap na lang ako ulit sa kanya para hindi na niya makita.

"M-Masaya lang ako... Tinakot mo kasi ako ehh!" mahinang hinampas ko siya sa dibdib.

I just heard him chuckled. Mahigpit niya rin akong niyakap at hinalikan ang ulo ko.

"I-I'm sorry. I didn't want to scare you."

Tumingin ako sa kanya.

"Okay lang. Ang mahalaga ay gising ka na. Bumalik ka na uli sa akin."

"Kahit ano namang mangyari, babalik at babalik pa rin ako sa'yo."

I smiled.

Tumingin ako sa paligid.

"Nasaan na si Manang Pilar?" biglang tanong ko.

"Iyak ka kasi nang iyak diyan, hindi mo tuloy napansing lumabas na si Manang Pilar. Nahahawa na nga yata sa'yo si Manang. Nagiging iyakin na rin."

"Aba't talaga..."

"T-Totoo... aray... naman ahh... aray ko..."

Natatawa niyang sabi habang pinaghahampas ko siya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Naaadik na yata sa yakap itong boyfriend ko.

"Nakalimutan mo yatang kakaopera ko lang ahh..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Masyado akong nadadala sa emotions ko at nakalimutan ko iyon.

"Hala... sorry sorry sorry sorry sorry... sorry talaga."

"Haha. Okay na. Okay na. Isang yakap mo lang naman, okay na ako agad ehh."

Tinaas-baba niya pa yung dalawang kilay niya.

"Thank you, Paul."

"Dahil gumising na ako?" Sabay hawak niya sa magkabilang pisngi ko.

I smiled at him.

"Dahil niligtas mo ako."

"Sherlyn, parang niligtas ko lang din ang sarili ko."

"Huh?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.



"You're my life, Sherlyn. If I'll lose you, I'll die too. So I will do anything to protect you, at kahit ilang bala pa ng baril iyan, sasaluhin ko just to make sure you're safe. Dahil kahit ilang beses manganib ang buhay ko hangga't alam kong ligtas ka, I still have the reason to make myself alive too."


Napaiyak na naman ako sa sinabi niya. First time ko kasi narinig sa kanya na ako ang buhay niya.

Sa kabila ng lahat ng trahedya, hindi ko magawang isipin na pinagsisisihan ko ang pagpunta ko rito sa Manila. Dahil kung ang kapalit ng lahat ng trahedya at lungkot na nangyari ay ang makilala at makatagpo ko ang isang Paul Gabriel Alcantara, gugustuhin ko pa ring pagdaanan ang lahat ng ito.


What did I do in my past life to deserve this man who's in front of me now?


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.7K 123 46
What's more important, a promise you made with someone in the past or the one who you love in the present?
27.1K 939 54
Everyone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same...
123K 817 6
All Rights Reserved (2020-2021) Warning!|R-18| Read at your own risk. Isang simpleng babae lang si Lhevyrose Gonzales. Tindera ng mga sariwang gulay...
22K 464 39
All her life, Cassandra had been a good daughter to please her parents. Her brother protected her. She grew up in a family where she was a princess...