Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"

8.9K 207 32
By chasterrassel


Nasa labas pa lang ako,  naririnig ko na ang malakas na ingay na tila may tao at nag-eensayo na sa loob ng dojo.  Pumasok na ko sa training hall,  pero wala akong nadatnan. Hmph, alam ko na 'tong mga style na ganito.

Ilang segundo lang, may nagtangkang umatake sa akin ng mula sa kanan ko. Pero dahil natunugan ko na 'to, nagawa ko itong iblock gamit ang isang braso ko.

"Ninja moves pa more Mayor! Ano na naman ba ang trip natin ha? Wala na bang mas bubulok pa sa style na iyan?"napapangisi kong usisa.

"Wahahaha! Potaena iyang! Iba ka talaga Sandro! Wala kong masabi sa bilis mo!"

Alessandro "Sandro" Monteballe, iyan ang pangalan ko. 22 years old ako at isa sa mga senior karateka (karate practitioner) dito sa Shotopyu Dojo.  Ehem, di naman po sa nagmamayabang, pero black belter ito.

Sa physical appearance ko, slight na makapal ang kilay ko at medyo chinito ko. Matangos ang ilong at may pagkabilugan ang mukha. Tapos maputi at makinis ang balat ko, in other words kutis mayaman. Rich kid kasi ko.  Again, hindi po ako nagyayabang, nagdedescribe lang hehe.  Iyong body build ko understood naman na siguro dahil sa pagiging karateka ko, right?

Hindi ko nga pala tatawaging gwapo ang sarili ko. Mas prefer ko kasi iyong maappeal at cute. Huwag na kayong umangal, ako ang bida dito kaya ako ang masusunod, so shut up na lang!

"Hmph, Mayor ni hindi pa kita ginagamitan ng bilis ko. Di kaya bumabagal ka na dahil nagkakaedad ka na?"banat ko habang tuluyan na nga akong napangisi.

Halos mag-apoy ang mga mata niya sa biro kong iyon. Diniin rin niya lalo iyong kamao niya na salag pa rin ng akin.

Ang bakulaw nga pala na 'to ay si Rudivico Deforte. Siya iyong pinakagurang at malaking karateka dito, 41 na siya. Sila ng asawa niya ang owner nitong dojo. "Mayor" ang palayaw namin sa kanya, napaka-authoritative at strict kasi niya. Tapos kapag hindi siya nakasuot ng karate suit, iyong porma niya eh laging nakaclose neck na polo at maong na akala mo pulitiko, kaya ayun.

Pero okay naman siya at mabait. Wagas nga lang kung makapagmura, abot hanggang outer space. Teka, mabait ba iyong sinabi ko? Haha.

Naramdaman ko ang lalong pagbigat at pagdiin ng kamao niya sa braso ko. Napatingin ako sa ibaba namin. Bukas na bukas iyong bandang sikmura niya. Patatamaan ko sana siya dun gamit ang isa pang kamay ko, pero nagawa niya itong iblock. Ginamit din niya iyong isa niyang kamay.

"Hehe! Sino ngayon ang mabagal? Ha bata!"

Walang kwenta, mukhang ewan lang kami. Halos parehas kasi kami ng lakas at kilos. Kaya kahit abutin kami ng Pasko dito walang mananalo sa amin lol.

"Oh sige na nga Mayor, panalo ka na."

Ngiting aso siya sa sinabi ko, matapos iyon eh kumalas na kami sa isa't isa.

"Hmph, nasaan pala iyong ibang seniors? Pansin ko parang walang tao dito ngayon bukod sa inyo eh,"usisa ko habang lumingon-lingon sa paligid.

"Wala sila, isinama ni kumander sa training camp."

"Ah, kaya pala parang ang ligalig niyo ngayon. Kasi wala si Senyora haha."

"Exactly! Matagal-tagal din sila dun, kaya libre si Mayor mangchicks!"

"Mayor,  sure ka ba diyan sa sinasabi mo?"ngingisi-ngisi kong usisa.

Takot lang ng bakulaw na 'to na magloko.  Actually kasi, mas matinik na karateka iyong asawa niya, si Senyora Mira. Nakakatakot siya as in! Kahit ako, aminado ko na hindi ako uubra sa bangis niya.

"Syempre joke lang iyon."

"Teka! Bakit pala hindi niyo ko sinabihan na may training camp? Ang daya, hindi tuloy ako nakasama."

"Hehe! Sinadiya ko iyon para maiwan ka."

"Ano! Mayor naman!"

"Chill ka lang Sandro. Pinaiwan kita dito, dahil gusto ko na ikaw ang magturo ng kicking techniques sa mga batang mag-eenroll mamaya."

"Huh? Bakit naman ako?"

Umakbay siya sa akin na halos ipalibot niya iyong braso niya sa leeg ko.

"Nagtanong ka pa, eh ikaw lang naman iyong pinakamatinding sumipa dito; para kang pinaglihi sa kabayo haha! Tsaka isa pa, double qualified ka pa nga kung tutuusin di ba? Dahil isa ka na ngayong lisensyadong P.E. teacher,  sayang naman kung di natin mapapakinabangan iyang pinag-aralan mo."

Kung karate skills ang pag-uusapan, actually marami ang mas malupet kaysa sa akin dito sa dojo.  Pero, matagal ko na rin talagang gustong magturo ng karate sa iba.  At matagal ko ring inihanda ang sarili ko para dito.  Ngayon, inooffer na ni Mayor sa akin iyong chance,  so bakit pa ko tatanggi?

"Sige na nga, payag na ko Mayor,"sagot ko sabay ngiti.

"Ayos!"

Inalis na niya iyong pagkakaakbay sa akin.

"Siya nga pala, may isa pa tayong makakasama na magtuturo naman ng blocking."

"Sino?"

"Darating iyong inaanak ko na kaedad mo. Black belter din iyon. Iyon nga lang sa tate siya nag-aral at kauuwi lang niya ng Pinas."

"Naman, bat kumuha pa kayo ng tagalabas? Eh kaya ko rin namang magturo ng blocking ah,"napapakamot sa ulo kong usisa.

Bigla niya kong hinila sa damit ko, tapos pinandilatan.

"Ako ang headmaster dito at mas mataas ako sa iyo! Kaya ako ang masusunod! So shut up ka na lang!"bulalas niya sabay ngisi na may pagkasarcastic.

Napatango na lang ako, sabay ngiti sa kanya nang pilit.


                                                                                          #


Matapos kong makapagbihis ng karate suit, bumalik na ko sa may training hall. Nadatnan ko si Mayor na merong kausap na binata.

"Oh Sandro, halika dito at ipapakilala kita dito sa inaanak ko."

Natigilan ako, dahil kilala ko na actually iyong kausap niya. Pero siya ba talaga 'to? Nandito ba talaga siya ngayon sa harapan ko o nananaginip lang ako?

"Hoy Sandro! Potaena! Sige, nganga pa!"

Natauhan ako sa pagbulyaw ni Mayor.

"M-Mayor?"

"Halika dito!"

Napalunok na lang ako at pigil-hiningang lumapit sa kanila. Siya nga ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahil kahit kailan hindi ko nakalimutan iyong pagmumukha at itsura niya. Iyong maangas niyang mga mata, kulot na buhok at bruskong dating na akala mo siga sa kalye.  Ang nabago lang ay mas naging matikas na ang pangangatawan niya ngayon at nagpatubo siya ng facial hair. Pansin ko rin na nagpatato siya sa mga braso at leeg niya.

Inakbayan at hinila ako ni Mayor.

"Eto si Sandro, isa sa mga malulupet na black belter dito,"sambit ni Mayor sabay patong nung libre niyang kamay sa ulo ko, tapos ginulo iyong buhok ko.

Ngumisi siya akin. Sa tinagal ko dito at sa tinagal na magkasama kami ni Mayor, never sumagi sa utak ko na may kaugnayan pala sila.  Well, sadiyang mapagbiro talaga ang tadhana.

"Sandro, si Baste.  Siya ang bago nating makakasama."

"Sebastian Flores pare, Baste for short,"sambit niya sabay abot ng isa niyang kamay sa akin.

Ay ganun? Nagpapakilala siya nang pormal at gusto pang makipagkamay, as if first time lang talaga naming nagkita. Nakakabadtrip lang.

Binitiwan ako ni Mayor at sinenyasan na makipagkamay nga sa kanya. Sinakyan ko na lang ang lahat. Kinamayan ko siya. Pero dahil binadtrip niya ko, pinanggigilan at pinisil ko iyong kamay niya. Hindi naman nagpatinag ang mokong at pinisil din iyong kamay ko.

"Nice to meet you Baste,"sambit ko na may kasamang fake na ngiti.

"Potaenang handshake iyan! Ganyan ang gusto ni Mayor, laging palaban!"bulalas ni Mayor.

"Hmph!"sabay naming reaksyon, tapos bumitiw na kami mula sa isa't isa.

Ngayon naman, inakbayan kaming pareho ni Mayor. Sa kaliwa ko at sa kanan naman niya.

"Oh iyan! Magkakilala na kayong dalawa. Pwede na tayong maghanda at baka dumating pa iyong mga mag-eenroll."

Tumango lang ako. Siya naman, ngingisi-ngisi lang. At tumingin pa sa akin, di ko maintindihan kung gusto ba talaga niya kong bwisitin o ano.


                                                                                         #


Nakapagbihis na rin si Baste. Ilang minuto pa, nagsimula na kaming magpapasok ng mga mag-eenroll. Marami-rami rin ang dumating, mga nasa kwarenta siguro sila. Halos karamihan sa kanila eh mga nasa tweener na. Pinahilera at upo namin sila sa training hall. Iyong mga guardian naman na kasama ng ilan sa kanila, sa isang sitting area sa may bandang likuran.

Inutusan kami ni Mayor na bigyan sila ng tig isang piraso ng bond paper na ipinagtaka naming pareho ni Baste. Pinaghanda rin sila ng panulat. Iyong iba sakto na may dala sila, iyong mga wala pinahiram na lang namin. Nang ready na ang lahat, hinarap na namin sila.

"Ehem, una sa lahat gusto ko munang magpakilala. Ako si Rudivico Deforte, ang may ari at headmaster ng dojo na 'to. Pwede niyo kong tawaging Master Rudi, pero mas gusto ko iyong palayaw ko na Mayor. Mas astig pakinggan di ba? Mayor?"

Napatingin sa isa't isa iyong mga bata. Napansin ko rin ang isang may kaitiman na bata na tila nagpipigil ng tawa. At hindi siya nakatakas sa mga mata ni Mayor.

"Psst batang pusit!"

Nagulat at nanlaki iyong mga mata nung bata.

"P-Po?"

"May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?"

Hindi siya nakapagsalita, napailing lang siya.  At mukhang ninenerbyos siya. Sa tindi ba naman ng boses ni Mayor eh.

"Iyon naman pala eh, kaya umayos ka diyan!"

Pinalapit niya kaming dalawa ni Baste sa makabila niyang tabi. Sa kanan ako at siya sa kaliwa.

"Sila naman ang mga kasama kong magtuturo sa inyo."

"Hi kids! Ako si kuya Alessandro, pero pwede niyo rin akong tawaging Master Sandro. Once alam niyo na ang basics, ako ang magtuturo sa inyo ng mga advanced kicking techniques."

"Ako naman si kuya Sebastian or Master Baste, ang maasahan niyo sa advanced blockings."

Ngayon naman, itong si Mayor ang natawa nang mahina. Napatingin kami sa kanya. At bago pa man mapalakas 'to, nagtakip na siya ng bibig.

"Mayor bakit?"usisa ni Baste.

"Pfft! Eh ang sagwang pakinggan eh! Master Baste? Alisan mo lang ng isang letra iba na iyong dating niyan eh haha!"

Umandar na naman ang kapilyuhan ng bakulaw na 'to. Ganito siya eh, mahilig humirit ng mga rated spg at panghokage na jokes nang wala sa lugar.

"Mayor, mga bata ang kaharap natin. Kaunting behave naman diyan,"sambit ko.

At natauhan ang loko sa mga sinabi ko. Dun na siya umayos.

"Ehem! Pasensya na. Ah, malamang nagtataka kayo kung para saan iyang mga papel na hawak niyo. Iyan lang naman ang gagamitin niyo para sa entrance exam.  Dahil simula ngayon, hindi na ko basta tatanggap na lang ng mga estudyante dito."

"Mayor ano 'to? Wala naman tayong napag-usapan na ganito ah?"usisa ko.

"Hmph,  Sandro ano nga iyong sinabi ni Mayor sa iyo kanina?"

Nagets ko agad iyong tinutukoy niya.

"Hehe, sabi ko nga eh,  shut up na lang ako."

Matapos iyon nagpatuloy na siya sa pagpapaliwanag.

"Makinig kayong lahat! Isusulat niyo diyan kung bakit gusto niyong matuto ng karate. Strictly one paragraph lang! Wala akong pake kung ilang sentences o words ang gamitin niyo, basta maipaliwanag niyo lang nang maayos. Bibigyan ko lang kayo ng trenta minutos. Gawin niyo na, ngayon din!"


                                                                                              #


"Mayor bakit ba kailangan pa natin silang salain nang ganito?"

Iyon ang tanong nitong si Baste, habang nakabantay kaming tatlo sa mga bata na nagsusulat na ngayon. Nakaindian sit kami sa medyo malayo mula sa kanila. At gaya kanina, nakagitna sa amin si Mayor.

"Hindi basta-basta lang ang pag-aaral ng karate, alam niyo iyan. Di pwede iyong naglalaro-laro at paporma-porma. Dapat siryoso, diterminado at pursigido ka. Kaya naisipan ko 'to,"sagot ni Mayor.

"Sabagay, tama naman kayo.  Ikaw Sandro?"

Nginisihan naman ako ni Baste.

"Ano tingin mo sa entrance exam na 'to?"dagdag pa niya.

Sa totoo lang, ayaw ko siyang kausapin. Kaya ang ginawa ko, si Mayor na lang ang kinausap ko.

"Sus! Eh bat nung time na bagong salta pa lang ako dito, wala naman ganitong arte?"tanong ko sabay tingin kay Mayor, hindi kay Baste.

Tumingin sa akin si Mayor at pinandilatan na naman ako ng mata.

"Nung panahon mo, hindi pa uso ang mga tanga at potaenang malalandi! Eh ngayon, ibang klase na ang mga kabataan na gaya nila. Mas mahal pa nila iyong mga potaenang b*rat at p*ke na nakapaligid sa kanila kesa sa mga magulang nila! Kaya dapat lang na salain sila!"pabulong niyang sagot.

Wew! Solid iyon ah! Pasintabi na lang po sa mga nagbabasa. Pagpasensyahan niyo na lang po ang pananalita ng aming ehem, butihing ehem, Mayor.

Natapos na ang trenta minutos. Inutusan kami na kunin na iyong mga papel mula sa mga bata. Pagkabalik namin, nagstart agad si Mayor na magcheck nito. Unang papel pa lang, kumunot na agad ang noo niya. At bigla na lang niya itong nilamukos.

"Potaenang jejemon! Wala akong panahon para intindihin ang mga kaguguhang ganyan!"

Sa sumunod na papel, napansin ko na mas lalo pang kumunot ang noo niya.

"Me learn to karate to want, so my boyfriend will no longer dangerous? Hmph, anong klaseng kapotaenahan 'to?"

Nagpatuloy siya sa pagbabasa. Pero habang patagal nang patagal, mas lumalala iyong mga nababasa niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nagbeastmode. Napatayo siya, hinagis niya iyong mga papel at nagkalat ang mga 'to sa sahig. Alam na kung ano ang susunod niyang gagawin. At malaking problema kapag ginawa niya 'to ngayon na merong mga guardian dito sa loob ng dojo.

Kaya ang ginawa ko, mabilis akong nagpunta sa likuran niya. Mula dito, hinawakan ko siya sa isa niyang braso. Tapos tinakpan ko ng isang kamay ko iyong bibig niya.

"Mayor kalma! Hindi niyo pwedeng gawin iyan. May mga guardian. Pag tayo inireklamo ng mga iyan, tiyak hindi lang kayo ang shashut up kung di pati itong dojo mismo! Kung gusto niyong magmura nang unli, dun tayo sa changing room o shower."

Para makasure, kinaladkad ko na siya papunta sa loob. Sinubukan niyang magpumiglas, pero nakipagmatigasan ako sa kanya. At pagdating namin sa changing room ng mga lalake.

"Potaena! Puro na lang kapotaenahan ang mga pinagsusulat ng mga potaenang iyan! Potaena talaga!"

Napatakip na lang ako ng dalawa kong tenga. Halos dumagundong kasi iyong boses niya sa lakas.


                                                                                         #


Pagbalik namin sa labas, hawak-hawak na ni Baste iyong mga nagkalat na papel kanina.

"Mayor, sinubukan kong tignan ang mga 'to. Meron din namang mangilan-ngilan na matino. Hindi niyo lang siguro nabasa nang maayos. Gaya ng isang toh oh,"sambit niya sabay abot kay mayor ng isang papel.

Kinuha 'to ni Mayor. At dahil magkatabi naman kami, nakibasa na rin ako.

"Gracielle Pandayan hmmmm...Ang karate ay isang art. Ito ay pwedeng magamit pangdepensa sa sarili o di kaya bilang sports. Kung inyo pong mamarapatin, nais kong matuto nito para sa aking ama. Dati rin po kasi siyang karateka, ngunit maaga siyang nawala dahil sa isang malubhang sakit. Ang hangad ko po ay ang maipagpatuloy ang nasimulan niya,"si Mayor.

"Mayor hindi na masama, mukhang okay ang isang iyan,"sambit ko.

Matapos iyon, tumulong na rin ako sa pagpili ng mga tatanggaping estudyante para mapabilis, hindi naman kasi pwede na forever na maghintay iyong mga bata.


                                                                                   #


Sa bandang huli, may napili kaming anim. Oo, sa dami nung mga nagpunta, anim lang ang natira sa kanila. Dalawang babae at apat na lalake. Iyong iba, wala na silang nagawa kung di ang umalis na lamang at maghanap ng ibang dojo.

Ngayon, pinulong na namin iyong anim para sa orientation nila. Nakatayo sila sa harapan namin.

"Bago tayo magsimula gusto ko munang makilala kayo isa-isa. Pangalan niyo lang kasi sa papel ang alam ko."

Napatingin si Mayor dun sa may kaitiman na bata na nakatayo sa mismong tapat niya. Siya rin iyong natatawa kanina na nasita. At mukhang siya rin iyong pinakabata sa kanila, siya kasi ang pinakamaliit.

"Aba, naiwan pala dito ang batang pusit. Sige, ikaw na ang magsimula,"sambit niya na may kasamang mapanuyang ngisi.

"A-Ako po si Jomar Malabis, 12 years old."

"Ah, ikaw iyong naglagay na gustong magkarate dahil takot na maagawan ng posisyon sa school. Sabay biglang may hirit na mahilig sa mamahaling cake."

"Opo."

Hinila niya iyong bata sa damit.

"Pwes! Simula ngayon hindi ka na kakain ng cake! At kapag nakita kitang kumain nun, bubulyawan kita hanggang sa mamuti ka! Naintindihan mo? Ha!"

Napatango na lang iyong bata sa kanya. Sumunod naman ngayon, iyong katabi niyang nakasuot ng dilaw na t-shirt.

"Marco Pasicat po, 14 years old."

"Teka, may ganyan bang pangalan sa mga papel na napili natin?"usisa ni Mayor.

"Meron Mayor, siya iyong anak raw ng may-ari ng factory ng tsinelas. At interesado sa expertise niyo, striking techniques,"sagot ko.

"Ah siya pala iyon, eh bakit nga pala striking ang gusto mo?"

"Astig po kasi eh. Iyong mga napapanood ko po sa movies parang mabibilis na sampal iyong galawan."

"Oh sige; pagmarunong ka na, magsasampalan tayo."

"Uy boy, maganda ba iyong quality ng tsinelas niyo? Magdala ka naman dito, bigyan mo kami,"biglang hirit ni Baste na ngingisi-ngisi pa.

Napatingin kami sa kanya. Si Mayor halatang nabwiset na nairita sa hirit niya, kahit ako eh. At nginisihan lang niya kami. Dumako na kami sa kasunod. Itong isa naman na 'to may pagkanerdy ang look, nakasuot kasi ng salamin.

"Allen Quijano po, 13 years old."

"Ikaw, gusto ko iyong sinulat mo. Builder by nature at minsan gustong tumuligsa sa mga bully. Ayos iyan, may potential ka bata. Mukhang okay kang maging sidekick ko pagdating ng araw,"sambit ni Mayor sabay tapik sa balikat nung bata.

Napangiti naman iyong bata sa kanya. Sa mga nasa likuran naman kami. Unang nagsalita iyong isang batang babae na nakasuot ng all white.

"Ako po si Gracielle Pandayan, labing-apat na taong gulang."

So siya pala iyong gumawa nung nabasa namin kanina. Iyong pinakauna naming napili. Sumunod iyong isa pang babae. Ito naman napakasimple lang nang dating. Sa unang tingin, di mo aakalain na siya iyong tipo na magkakarate.

"Lanie Regalado po, 14 years old. Ahmmm tanong lang po, ngayon na po ba ang start ng training namin?"

"Maghintay kang sabihin ko kung kailan, huwag kang atat! Hmph!"bulalas ni Mayor.

"Sorry po."

At iyong panghuli sa kanila, pansin ko parang napakaserious type ng aura niya. Curious tuloy ako, marunong kaya siyang ngumiti?"

"Anton Villanes, 14."

Pinaupo na muna sila ni mayor. At nagstart na nga ang orientation nila.

"Una sa lahat, gusto kong malaman niyo ang tatlong pangunahing patakaran ko sa dojo na 'to. Una, bawal ang bisyo dito gaya ng sigarilyo,alak, at higit sa lahat droga! Lalo na't mga menor de edad kayo! Ikalawa, maging maingat sa mga equipments. Kapag tapos niyo nang gamitin, dapat ibalik 'to sa tamang lalagyanan nito sa equipments room; ganun din sa paggamit ng gym. Panghuli, bawal ang magkalat o mag-iwan ng basura sa kung saan-saan dito! Subukan niyo lang, ipapalamon ko sa inyo iyang mga basura niyo! Iyon lang, maliwanag ba?"

Tumango silang lahat.

"Anong klaseng sagot iyan! Gusto kong marinig ang mga boses niyo!"

"Opo!"sabay-sabay nilang bulalas.

"Kulang!"

"Opo Mayor!"

"Ngayon naman, dumako tayo sa tinatawag na Dojo Kun. Siguro naman napansin niyo iyong scroll na nakasabit sa pasukan nitong dojo. Tama ba ko?"

Tumango iyong mga bata.

"Iyong nakasulat dun ang tinatawag na Dojo Kun sa japanese. Sa wikang filipino, alituntunin sa dapat na maging pag-uugali ng isang karateka."

Tumingin si Mayor sa amin ni Baste at sumenyas. Hudyat iyon para kunin namin iyong digulong na whiteboard. May kopya rin kasi nung Dojo Kun na nakasulat dun. Kinuha agad namin ito at dinala sa training hall para makita nila.

"Iyan, iyang limang nakasulat diyan sa board ang saktong nakasulat din dun sa pasukan."

Iyong limang alituntunin ay ang mga sumusunod: pagkatao(matuto ng mabuting asal at sportsmanship), katapatan(maging tapat sa lahat ng oras), pagsisikap(kailangan maging masipag at may dedikasyon),respeto(matutong rumespeto sa iba) at displina(maging pasensyoso, dapat laging may pagtitimpi at kontrol sa sarili).

Nagtaas ng kamay si Jomar.

"Oh bakit batang pusit?"

"Pwede pong pa-elaborate nung sa pagkatao?"

"Hmph, oh sige isasalin ko sa lengguwahe niyo para mas maintidihan mo. Huwag maging pabebe! Iyon ang ibig sabihin niyan."

Si Anton naman ngayon ang nagtaas ng kamay.

"No offense po Mayor, pero bakit parang wala naman po kayong nung number 5?"

"Ano kamo?"

"Hmph, kala niyo siguro walang nakapansin na halos magwala kayo kanina, nung binabasa niyo iyong mga papel namin noh?"napapangisi niyang usisa.

Pati ako napangisi sa sinabi niya. Mautak din ang isang 'to ah. Nilapitan naman siya ni Mayor. Yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa bata. At nauwi naman 'to sa eye to eye contact.

"Bata, para sabihin ko sa iyo nagpigil ako kanina! Dahil kung hindi, tiyak na nakakita kayo ng berdugo!"

"Kayo nagpigil? Hmph, eh hindi ba't si Master Sandro ang pumigil sa inyo?"sagot niya sabay tingin sa akin.

Si Mayor naman kumunot ang noo. Napansin ko rin na nagsisimula na namang umusok ang ilong at dalawang tenga niya.

"Ano Mayor? Kaya pa po ba ng number 5 niyo?"dagdag pa niya na tila lalong nang-iinis.

Naloko na, mukhang nakahanap ng katapat itong si Mayor kay Anton. Pinusisyon at hinanda ko na ang sarili ko. Just in case na kailanganin ko na naman siyang pigilan. Pero, wala siyang ginawang anumang violent reaction. Tahimik lang siyang bumalik sa may harapan. Tumingin siya sa whiteboard. Huminga nang sobrang lalim, tapos lumingon na ulit sa mga bata.

"Ehem, tandaan niyo ang limang iyan. Kung gusto niyo, pwede niyong kunan ng picture mamaya kung may cellphone kayo. Imemorize niyo! Dahil sa tuwing matatapos ang klase niyo, irerecite niyo iyan. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo Mayor!"sagot nila.

"Magaling! Bukas, magsisimula na ang pormal niyong training. Humanda na kayo! Dahil parating na ang pagbabago sa inyo. In 3-6 months, magiging isang ganap na karateka kayo!"sambit ni Mayor sabay turo ng kamao niya sa kanila.

Matapos ang lahat ng iyon, pinaubaya na niya sa aming dalawa ni Baste iyong sunod na bahagi ng orientation nila. Ang ilibot sila sa kabuuan ng dojo, para malaman nila ang mga pasikot-sikot dito.

Kung tutuusin, hindi naman kailangan na dalawa kami. Tama na iyong ako lang ang sumama sa mga bata. Pero gusto ni Mayor kasama siya. Para makabisa rin daw niya itong dojo. Wala akong nagawa kung di ang pumayag. Kaya kahit na ilang na ilang ako sa kanya, tiniis ko na lang.


                                                                                           #


Natapos na ang orientation. Naibigay ko na rin sa mga bata iyong suit nila(kasama iyon sa binayaran ng guardian nila). Pagkaalis nila, nagpaalam na rin si Mayor dahil may lakad pa raw siya.  Si Baste, bigla ring naglaho.  Kaya naman nakampante na ko kahit paano.

Nagdecide ako na huwag munang umuwi, para solo flight na mag-ensayo. Gumamit ako ng training bag. Dito ko ngayon inilabas iyong pagkabadtrip na kanina ko pa pinipigilan. Pinaulanan ko 'to ng mga kombinasyon ng mabibilis na strike at sipa.

"Nakakainis talaga, sa dinadami ng pwede kong makasama dito, bakit siya pa? At bakit kailangan na magtagpo pa ulit ang landas namin? Bakit ngayon pa na naging maayos at tahimik na ang buhay ko?"iyan ang mga bagay na tumatakbo sa utak ko, habang pinanggigigilan ko iyong training bag.

Tagaktak na iyong pawis ko, pero hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagod. Makalipas ang ilang minuto ng pag-eensayo, napahinto ako. Ewan ko, pero feeling ko parang may mga matang nakatingin sa akin.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Pero wala naman ibang tao. Naisip ko, guni-guni ko lang siguro. Kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pag-eensayo.


                                                                                    #


Pagkatapos kong mag-ensayo, nagpahinga ko sandali sa may changing room. Habang nakaupo, napatulala na lang akong sa kawalan. At bwisit! Naalala ko na naman ulit si Baste.

"Arrrgh! Magkapagshower na nga!"bulalas ko.

Tumayo na ko, hinubad ko ang lahat ng damit na suot ko at nagtapis ng tuwalya. Pumasok na ko ng shower room. Magtatanggal na dapat ako ng tuwalya.

"Nice, ang laki pala ng inimprove ng katawan natin ah."

Nang may marinig akong boses mula sa likuran ko. Si Baste! Hmph, ibig sabihin ba nito, siya iyong nanonood sa akin kanina habang nag-eensayo ko? Lumingon ako. Nakatapis lang din siya ng tuwalya.

"So, dalawa na lang tayo ngayon. Baka naman pwede na tayong mag-usap nang maayos, habang nagshashower,"sambit niya sabay lapit sa akin.

"Walang reason para mag-usap tayo."

"Ouch! Ang harsh naman. Ganyan ba ang tamang pakikitungo sa boyfriend mo na matagal mong di nakita?"

"Ex-boyfriend! Matagal na tayong wala! Kaya para sa akin, isa ka na lang Ex-Men!"

"Hmph, ayos ah. Until now wala pa rin palang kupas iyang sense of humor mo. Pero, bat ba ikaw pa itong may ganang magalit? Samantala ikaw nga itong nagpahirap sa akin nang sobra-sobra."

"Wow pare, ang tigas din ng mukha mo noh!"

Nauubos na ang pasensya ko. Pikon na pikon na talaga ko sa kanya. Susunggaban ko na sana siya ng suntok. Pero nahawakan niya agad ang braso ko, bago pa ko makabuwelo.

"Oops, walang ganyanan,"ngingisi-ngisi niyang banat.

At habang hawak pa niya ang braso ko, bigla niya kong itinulak. Isinandal niya ko sa wall at inilapit ang mukha niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

464K 19.6K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...
835K 12.9K 43
The story talks about three close friends. Derick Villafuente lived in the states with his mom and younger brother almost half his life. His bestfrie...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
307K 7.2K 59
Masakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang...