Killing Him [COMPLETED]

By LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED More

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

TEN

23.4K 728 10
By LetMeBeThatGirl

TEN

"Sabi na, e! Kayong dalawa talaga ni Kei yung magiging mag-partner!" kinwento ko kay Max na pumayag akong maging partner ni Kei sa Grand Ball. I was hesitant at first to tell her pero alam kong magta-tampo sya sa akin kung hindi ko ito sasabihin sa kanya. And this is what she wants, right?

"I did that to stop anyone who wishes to ask me to be their date. That's all. Let's not make a big deal out of that."

Max raises both of her hands. "Okay, I surrender." hindi na ulit namin nabanggit ang tungkol sa Grand Ball. Ni hindi ko nga rin natanong si Max kung may date na ba sya. I know she has one already pero dahil sa amin lagi ni Kei napupunta ang usapan ay hindi ko magawang maisingit ang gusto kong itanong.

"Hello, Mom!" bungad ko isang gabi ng tumawag si Mommy sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa sa isang libro ng mag-ring ang phone ko. Nagulat pa ako ng makita ang pangalan nya rito. This must be something important.

("Chloris, how are you doing there?") narinig ko agad ang mahina ngunit puno ng lamig nyang boses. I almost choke when I'm about to talk.

"I'm okay, Mom. I'm doing good in my studies. How about you and Dad?" napaupo ako ng tuwid sa aking silya. Tumatayo ang mga balahibo ko kada maririnig ko ang boses nya. It's full of authority like you don't want to mess up with her. It's like she's the Queen of everything.

("We're here in London, papanoorin namin ang Ate mo.") napangiti ako ng mapait. Hindi ko na dapat itinanong kung kamusta na sila. I know they're supporting my sister in her dreams. Lagi naman. So what's new?

"Oh, I hope you enjoy your stay there." I'm resisting myself to not sound salty. Bumibigat ang dibdib ko kapag naririnig kong sinusuportahan nila ang Ate while I'm stuck here in this school.

("Sure, honey. Anyway, I just called to inform you that our personal designer will arrive this weekend to your dorm. I heard your school will be having a Grand Ball.")

"Yah."

("We'll visit you anytime soon. Focus on your studies more, okay? I'll call you again.")

"Okay, I love---" hindi na natapos ang sinasabi ko ng ibaba ni Mommy ang tawag. Napatingin nalang ako sa hawak kong cellphone at maingat na ibinaba iyon sa aking lamesa.

Kinabukasan ay naisipan kong mag-jogging ng umaga kasama si Max. Nasa may park kami ng school at doon kami nagpapa-ikot ikot ng takbo. Dapat sana ay sa oval kami iyon lang ay mas pinili namin sa park dahil maraming puno at may masisilungan kami agad kung sakaling tumirik ang araw.

"Kanina ka pa nananahimik d'yan, ah! Nag-away kayo ni Kei?" pansin sa akin ni Max. Uminom ako sa hawak kong tubig at tinignan sya habang hinihingal.

"No, bakit kami mag-aaway ni Kei? Hindi ko pa rin sya nakikita simula kahapon."

"Ah, miss mo lang kaya ka tahimik? Tara, punta tayong Poseidon!" tumatawang hinila ako ni Maxine pero hindi ako nagpatianod sa kanya. Sino may sabing nami-miss ko si Kei?

"My Mom called me yesterday." panimula ko. Napatigil sa kakaharot sa akin si Max at napatayo nalang sa aking tabi.

"Let me guess. Binida na naman yung Ate mong si Chlerie? O sinabi na naman kung gaano sya kagaling mag-ballet?" imbis na mainis ako sa sinabi ni Max ay natawa nalang ako.

"Silly! C'mon, isang ikot pa!" nauna na akong tumakbo. Humabol sa akin si Maxine at pilit pa rin akong tinatanong sa pinag-usapan namin ni Mommy kagabi. I just told her that my Mom assigned a designer for me. Iyon lang.

Sa isang ikot muli namin ay nakita ko ang mga players ng soccer team sa aming school. Nagkukumpulan sila sa ilalim ng isang puno habang ang ilan sa kanila ay naglalaro ng bola. Maya maya ay nahuli nilang nakatingin ako sa kanilang gawi kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong naglingunan ang lahat sa amin. Nakaupo kami ni Maxine sa isang bench habang nagpapahinga. Wala namang kamalay malay itong katabi ko sa nangyayari. I acted like I'm listening to her kahit na kinakantahan nya ang isang ibon na kumakain ng tinatapon nyang tinapay sa harap namin.

"What the hell are you doing?" siniko ko si Maxine. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginagawa. Dahil siguro naramdaman ko na papalapit ang isang lalake sa amin. Nagpa-panic agad ako.

"Hi, Chloris." bati agad nya. Tiningala ko sya. Dahil sa sinag ng araw ay kinailangan ko pang takpan ang ibabaw ng aking mata para matignan sya ng maayos. "Hindi mo ata kasama si Kei." nahimigan ko ang panunuya sa kanyang boses. Hindi ko alam kung nang-aasar o may ibang ibig ipahiwatig sa akin.

"Required ba na kung nasaan ako ay dapat nandoon din sya?" tanong ko rito. Ngisi lang ang isinagot nya sa akin at nakiupo pa sa aking tabi. Napausod ako ng kaunti sa panig ni Max. Nagkatinginan kaming dalawa at nagkibit-balikat ako. "Tara na?" aya ko kay Maxine.

"Aalis na agad kayo?" tanong noong lalake. Lumingon ako sa kanya ng makatayo.

"I don't see a reason to stay any longer." hinawakan ko na ang kamay ni Maxine at hinigit na sya paalis doon. "Nakakainis talaga ang mga iyon!" singhal ko ng makalayo kami.

"Kasi naman, why not talk to Kei and ask him if he really don't like joining their team. Para hindi ka kinukulit ng mga iyon tungkol kay Kei. Lumalabas tuloy na dahil sa iyo kung bakit ayaw noon sumali sa team nila."

"It's not like that. Feeling ko gusto nilang pakiusapan ko si Kei na sumali sa kanila."

Hapon ng dumating ang personal designer namin para sa isusuot kong gown. Sinabi ko sa kanila kung anong disenyo ang gusto kong masunod. Isang linggo lang nila itong gagawin kaya hindi na ako maghahangad pa ng sobrang enggrandeng damit.

Ayoko rin naman makahakot ng maraming mata dahil sa isusuot kong gown. I know many of the students here hate me for certain reasons kaya alam kong mas mabubwisit sila sa akin pag nakitang masyadong maganda ang suot ko.

"Do you want it to be fitted?" tanong ng babaeng designer.

"I actually draw some sketches here." ipinakita ko ang likod ng aking notebook. May mga iginuhit akong iba't-ibang gowns dito.

"You draw this?" tinignan nya isa isa ang mga drawings ko habang ako naman ay tumango sa kanyang tanong. "Ang galing mo mag-drawing, Chloris. Do you want to pursue Arts in your college?"

"Yeah, I'm actually hoping. Sinabi ni Mommy na pwede raw akong kumuha ng kahit anong gusto kong kurso kapag nakapagtapos ako ng Valedictorian ngayong High School. So I'm really doing my best."

"Good for you! Can I take this sketch? Ito ang pag-gagayahan ko ng isusuot mo." ngumiti ako sa kanya. Sinukatan na nya ako at habang ginagawa nya iyon ay kung anu-anong mga bagay ang sinasabi nya sa akin kung matupad man ang pangarap kong maging isang designer din katulad nya.

"Gusto ko sanang asul ang banda rito at itim naman ang bandang ilalim." ilang detalye pa ang sinabi kong gusto kong mangyari sa aking gown.

"Hindi ba't nag-aaral si Chlerie ng ballet sa London dahil naging Valedictorian din sya noong High School nya?" napatigil ako sa tanong na iyon ngunit mabilis din namang tumango. My sister Chlerie is smart, there's no doubt about that. "So what will happen if you didn't get the first rank?"

Napahinga ako ng malalim. "I will need to manage our business." maiksi kong sagot.

Hinatid ko sa labas ng dorm ang aking designer. Nandoon nakaparada sa di kalayuan ang kanyang sasakyan. Kumaway ko at nagpasalamat bago sya umalis. Nang tumalikod na ako ay nakita ko si Kei sa gilid ng dorm na nakatingin sa akin.

Lumingon muna ako sa paligid bago sya nilapitan. "Anong ginagawa mo rito?"

"Hindi kita naihatid kahapon pauwi. I need to leave early for my suit. Umuwi ako sa amin at kakarating ko lang ngayon." hindi ako nagsalita. I don't actually know what to say. Nanahimik nalang ako habang pinapansin ang suot nya. Sure he loves wearing hoddies. "Anong kulay ang isusuot mo?"

"Blue and black." itinuon ko na ang mata ko sa kanyang mukha. Gosh, I can't look at him for a long time. Aalis na ako. It's getting awkward here. "Anyway, why not... Try out for soccer team after the Grand Ball?"

Yumuko sya at hindi agad sumagot. Tumalikod na ako at aalis na sana ng bigla syang magsalita. "Okay, I'll try. Just make sure first that your gown wouldn't show much skin."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
9.6K 115 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.9M 68K 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napag...
15.3K 689 34
One tragic event may changed someone's perception in life. That's what happened to Aladdin. It changed him. He's scarred for life that no one can eve...