♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Bet Your Heart ♡ Chapter 19

22.3K 209 26
By nyghtdreamer

Chapter Nineteen

Wendy's POV

"Wendy, sumama na kaya ako sa'yo pabalik ng Manila?"

Hay... sa lahat talaga ng makulit, si Renz ang pinaka! Nandito na kami sa Caticlan jetty port at kanina pa lang na nag-eempake ako, nangungulit na siyang sasabay na lang sa akin pabalik ng Manila.

"Aalis nga din ako mamaya papuntang Italy. Ganoon din, maiiwan din kita," sabi ko sa kanya.

He frowned and then murmured, "Bahala ka, ikaw din... mami-miss mo 'ko."

Pinigilan kong ngumiti dahil sa ibinulong niya. Parang hindi naman kasi para sa akin iyon. Para sa sarili niya yata.

Parang bata talaga siya minsan pero ang cute at oo, nakakakilig din. Nakakakilig na minsan ayoko na lang isipin na may nangyari lang sa amin kaya napunta kami sa ganitong sitwasyon.

"Kumain na lang muna kaya tayo?" aya niya maya-maya. "Medyo matagal pa naman tatawagin ang flight mo, eh."

Yeah, we're too early and I'm supposedly on a private plane but I asked my dad to just let me take care of my vacation and he let me. Mas pinili kong mag business class na lang.

"Okay," sagot ko at ngumiti ako sa kanya.

Ito pa ang isang nakakatuwa sa kanya, ang hilig niyang kumain. Parang halos maya-maya ay gusto niyang may laman ang bibig niya. I find it katakawan pero pagdating sa kanya, I found it cute.

At in fairness sa katawan niya, hindi halata na matakaw siya. I wonder how he managed to burn his fats. Wala kasi akong makitang fats sa katawan niya. Well-built ang mga muscles niya.

Nakakainggit tuloy na ako kailangan pang mag-diet at mag-work out regularly para lang hindi magka-fats. 'Tapos siya, wala yatang kahirap-hirap na alisin ang fats sa katawan niya. O baka nga hindi talaga siya nagkaka-fats.

"Wendy, alam kong guwapo at yummy ako. Pero huwag muna ako sa ngayon. Pagkain muna isipin mo, okay?" pukaw niya sa iniisip ko and he has this amused smile on his face.

Pinamulahan ako ng mukha at napaiwas na lang ako ng tingin mula sa pagkakatitig ko sa kanya. I heard him chuckled at inakbayan niya ako.

"So, what do you want to eat?" tanong niya at inilapit niya pa ang bibig sa tainga ko para bumulong. "Aside from me?"

"Kahit ano na lang," sagot ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya at hindi na lang din pinansin ang ibinulong niya.

Nag-order na siya at pagkatapos ay, umupo kami sa pangdalawahang table.

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Pero kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman ko ang titig niya sa akin at alam ko ring nakangisi pa rin siya.

Pakiramdam ko lalong pumupula ang mukha ko sa titig niya. Grabe! Ang lakas mang-asar palagi. Sana palagi na lang naming kasama si Lianne at Mark para naman hindi ako ang naaasar.

"Wendy..." tawag niya sa akin at naramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa kamay kong nasa itaas ng lamesa.

Bahagya na akong tumingin sa kanya. "What?"

"Mainit ba?" tanong niya. "You're so red." Then he grinned.

"Yeah, it's so hot. Ang hot kasi ng kasama ko," I said sarcastically to give him satisfaction at saka ko siya inirapan.

Tumawa na naman siya ng mahina and he entwined his fingers to mine. Napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakapangalumbaba habang ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. And I couldn't help, but to smile, too.

Ang ganda kasi ng ngiti niya. Hindi lang ang mga labi niya ang nakangiti, maging ang dark brown eyes niya. And it warmed my heart.

"You're really beautiful," he said sincerely.

"I know, I am," confident ko namang sabi.

"Yeah, kaya siguro naakit mo 'ko that night," patangu-tango niyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang kamay ko na hampasin siya. Napaka yabang kasi niya! At tama bang ipamukha sa akin ako talaga ang nag-initiate noon?!

"Aray ko, Wendy!" reklamo niya.

"Napaka mo talaga!" napipikong sabi ko at pinalo ko ulit siya.

"Oo, alam ko..." natatawang sabi niya pa. "Napaka gwapo ko." At nagging malakas na ang pagtawa niya.

Hay, naku... whatever. Dapat talaga, hindi ko na lang siya pinapatulan kasi lalo lang siyang mang-aasar.

Inirapan ko na lang siya at nanahimik na ako. Pero mukhang wala talaga siyang balak na tantanan ako sa pang-iinis dahil nakatitig pa rin siya sa akin with the glipse of amusement in his eyes, still.

Bahala siya... hindi ko na siya papansinin.

Hanggang dumating na ang pagkain namin ay nakatitig lang siya sa akin. Nakakailang pero pinilit ko talagang i-ignore siya.

"Wendy..." tawag niya sa akin nang magsisimula na kaming kumain.

"What?" tugon ko na hindi tumitingin sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya napatingin na ako sa kanya, only to find out na nakatitig pa din siya sa akin. Iyong tipo ng tingin na hindi mo alam kung maaasar ka ba o maiilang?

Grabe! I wanted to punch his face or just walk away from him, pero parehong hindi ko ginawa.

Ikinunot ko na lang ang noo ko na siya namang paglawak ng ngiti niya.

Seriously, I don't get him! Nababaliw na ba siya?!

"What?" tanong ko ulit at lalo pang nagsalubong ang mga kilay ko.

Goodness... malapit na talaga akong mapikon sa kanya!

Nagkibit-balikat siya at saka sumagot ng, "Wala." Then he smiled again.

Napaawang na lang ang bibig ko, habang siya ay itunuon na ang atensiyon sa pagkain niya nang nakangiti pa din at napapailing sa hindi ko malamang dahilan.

Para talaga siyang baliw. But, what the heck?! Para akong nagkaka-goosebumps sa mga gestures niya sa... kilig?

Darn it! Mas baliw yata ako?!

Pinilit kong alisin ang pakiramdam na dapat kong alisin at ipinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ko. Maya-maya lang din ay tinawag na ang flight ko.

"Renz, I think, I should go now," baling ko sa kanya at isinukbit ko na ang sling bag ko sa balikat ko.

"Teka..." pigil naman niya sa akin. "Ubusin mo muna 'yang pagkain mo."

"Ano ka ba? Gusto mo bang maiwan ako ng eroplano?"

"Ubusin mo muna 'yang food mo," pilit niya pa din sa akin. "Sayang."

Ngayon naman ginagawa niya akong bata na dapat matutong mag-save ng food dahil sayang. Really?

"Kapag ako, naiwan ng plane..." may pagbabantang sabi ko sa kanya.

"Okay lang 'yan," nakangiting sabi naman niya.

"Anong okay ka r'yan?!" Tumaas na ang kilay ko.

Napakamot siya sa ulo at nagging alanganin ang ngiti niya. Baliw lang talaga. Gusto niya talaga yatang maiwan ako sa flight ko para hindi ako makaalis agad.

Lalo pang tumaas ang kilay ko. Napabuntong-hininga naman siya at tumayo na lang bigla.

"Tara na nga," parang napipilitan niyang sabi.

Ako naman ang na-amuse sa kanya. Bigla na lang kasi nagbago ang mood niya. Ano na naman bang nangyari sa kanya?

Kinuha na niya ang suitcase ko kaya tumayo na rin ako. Hinawakan niya pa ang kamay ko habang naglalakad na kami papuntang departure area.

Ilalabas ko na sana ang ticket ko mula sa bag pero bigla na lang huminto si Renz at iniharap ako sa kanya. Then hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Sinubukan kong lumayo pero hindi ko nagawa.

Ano na naman bang problema ng lalaking 'to?!

"Wendy..." simula niya.

Super naiilang ako kaya kahit hawak niya ang mukha ko ay hindi ako makatingin sa kanya. Idagdag pa na pinagtitinginan na kami ng mga tao!

"Mag-iingat ka sa Manila, okay?" seryosong sabi niya. "Call me kapag nandoon ka na. Huwag ka manlalalake at huwag mo din ako masyadong mami-miss, okay?" At sumilay na naman ang isang pilyong ngiti sa mga labi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga huli niyang sinabi. Ang kapal talaga ng lalaking 'to!

Itutulak ko na sana siya pero bago ko pa iyon magawa ay bigla na lang niya akong hinalikan sa mga labi na lalong nagpalaki sa mga mata ko.

Saglit lang iyon pero sapat na para pabilisin na naman niya ang pagtibok ng puso ko at sapat na rin para mawala sa katinuan ang pag-iisip ko.

Hindi pa sana ako babalik sa katinuan kung hindi ko napansing hahalikan niya pa sana ulit ako. Hinarangan ko na ng kamay ko ang mukha niya at doon lumapat ang labi niya.

Kinuha ko na lang sa kanya ang suitcase ko at iniwan na siya doon.

Siraulo talaga ang taong 'yon! Hindi na nahiya! Ang dami kayang taong nakatingin sa amin!

"Wendy..." habol naman niya agad sa akin.

"Ano?" angil ko sa kanya.

Pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao. Para kasi kaming mag-boyfriend na gumagawa talaga ng commotion dito sa airport.

"Wait lang naman..." Hinawakan niya ako sa kamay pero hindi pa din ako tumigil sa paglalakad. "Basta, pagdating mo sa Manila, tatawagan mo ako, okay?"

"Oo na," pilit kong sagot.

"Kapag, hindi mo ako tinawagan, lagot ka sa'kin," banta niya pa.

Ang kulit lang talaga.

"Oo na nga sabi." Huminto ako dahil nasa tapat na kami nagtse-check ng ticket.

Ibinigay ko sa guard ang ticket ko at nang maibigay ko na ay iniharap na naman ako ni Renz sa kanya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Ingat ka, okay?" seryosong sabi na naman niya. "Mami-miss kita..." Kasunod niyon ay hinalikan niya ako sa noo.

Akala ko kung anu-ano na namang kalokohan ang sasabihin niya pero napangiti na lang ako sa sinabi niya at ginawa niya.

He's really sweet.

Tumango na lang ako sa kanya habang nakangiti at naghiwalay na kami.

∞∞∞

The plane landed at exactly ten in the morning.

Ang gaan ng pakiramdam ko kanina habang sakay ako ng eroplano. Feeling ko sa heaven ako papunta.

Sino ba naman kasing hindi gagaan ang pakiramdam kung sinabi ng naghatid sa'yo na mami-miss ka niya?

Hay, Renz...

Pagbaba ko pa lang ng eroplano, may nag-escort kaagad sa akin na mga bodyguards ko. I always have them since I was a kid. Noong nagkaisip ako, palagi ko silang tinatakasan pero last three years, hindi ko na ginagawa dahil napagod na rin ako tumakas para lang magawa ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi ko puwedeng gawin.

Sino ba naman kasing mayamang business tycoon ang hindi pababantayan ang mga anak nila ng twenty-four hours a day? Maybe may ilan sa kanilang hindi katulad ng Daddy ko pero karamihan ay ganoon din. Mga overprotective na akala mo ki-kidnap-in palagi ang mga anak nila kapag nawalan ng kasama in just a blink of an eye.

Well... this is my life! And I must deal with this hanggang sa mamatay siguro ako.

Pagkasakay sa ko sa kotseng naghihintay sa akin ay pumikit agad ako. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa presence ni Renz at sa tingin ko ay hindi din naman siya nakatulog ng maayos.

Napangiti ako habang nakapikit nang maalala ko ang hitsura niya kaninang umagang nang ginising ko siya. Para siyang sabog na ewan. Halatang kulang siya sa tulog pero guwapo pa rin naman siya.

Saglit pa lang kaming nakakaalis mula sa airport nang tawagin ako ni Steve. He's my personal assistant slash one of my bodyguards.

"Yes, Steve?" I asked without opening my eyes.

"Sir Brent is calling, Miss Wendy," sagot niya.

Nagmulat naman agad ako ng mata pagkarinig na sinabi niya. Inabot niya sa akin ang cellphone ko at kinuha ko naman agad iyon.

Brent is a good friend of mine. But the thing is, siya ang gusto ng Daddy ko para sa akin. Our parents already talk about our engagement but we both refuse. Kaya wala silang nagawa. Pero palagi pa rin nilang pinagpipilitan sa amin ang tungkol doon, which is sobrang nakakairita.

I answered his call. "Yes, Brent?"

"Where are you?" pambungad na tanong niya at nasa boses niya ang urgency.

"I'm on my way home. Why?" Nakakunot ang noo ko dahil sa tono ng boses niya.

"We have something to talk about," seryosong sagot niya at nakaramdam naman ako ng kaba dahil doon. Parang may hindi magandang nangyayari.

"Brent, what's the matter?" I asked. I'm already tensed at hindi na ako mapakali.

"I'll tell you later. Just hurry up." Then he hanged up on the line.

Lalo pa akong kinabahan at parang gusto ko nang makarating kaagad sa bahay.

"Manong, pakibilis po ang pagda-drive," utos ko sa driver.

∞∞∞

Renz' POV

Pagkahatid ko kay Wendy sa Caticlan port, bumalik na agad ako sa hotel namin. Papasok na sana ako sa kwarto namin ni kuya nang makita ko siyang pumasok sa kwarto ni Lianne na may dalang tray ng pagkain.

Napaangat ang isa kong kilay.

Breakfast in bed? Tss! Edi, sila na ang sweet!

Napasimangot ako sa naisip ko. Hindi naman dahil sa bitter ako. Na-miss ko lang agad si Wendy.

Gusto ko na sanang sabayan siya sa pagbalik sa Manila kanina kaso ayaw niya. Aalis din kasi siya agad papuntang Europe para sa pictorial niya at next week ang balik niya.

Gusto ko na rin sanang sabihin na tigilan niya na ang pagmo-model niya. Ang kaso, hindi ko naman magawa dahil alam kong iyon lang ang hilig niya na sinuportahan ng Daddy niya. Sino ba naman ako para alisin ang kaligayahan niya sa buhay?

Hay... nami-miss ko na talaga siya kaagad. Hindi man lang kasi ako binigyan ng goodbye kiss kaninang umalis siya. Ako lang ang nag-kiss sa kanya. Tsk! Dapat give and take. Kapag hinalikan ko siya, hahalikan niya rin ako.

Dumiretso na ako sa loob ng kuwarto namin ni Kuya at nahiga. Hahaayaan ko na lang silang dalawa ni Lianne. Mukhang masaya naman sila, eh. At masaya na rin naman ako kay Wendy. Maiinggit lang din ako sa kanila kapag pinuntahan ko pa sila dahil nga hindi ko kasama si Wendy ngayon.

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam kung bakit bigla-bigla silang nagkaganyan. At hindi lang sila basta mag-boyfriend... may kasal-kasal pang sinasabi sila Mama! At ang pinaka malupit, buntis daw itong best friend ko?! Which, I don't want to believe.

I really don't know kung anong kalokohan nila pero siguro malalaman ko din naman sooner or later. Naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw kay Wendy kaya hindi kami nakakapag-usap ng best friend ko. I'm sure, aamin naman siya sa akin kung anong kalokohan nilang dalawa ni Kuya.

Pero baka naman, nangyari din sa kanila ang nangyari sa amin ni Wendy?

Pucha! Gago 'yong Kuya ko, ah?! Naka-isa kaagad kay Lianne? Napabangon ako pero napahiga na lang din ulit ako. Psh... parang ako lang kay Wendy.

Matagal-tagal na akong nakahiga sa kama habang nag-iisip ng kung anu-ano at nakatitig sa kisame nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya na nakasimangot.

Napabangon na naman ako at naupo na lang sa gilid ng kama.

Sinundan ko lang ng tingin si Kuya na dire-diretso lang ng lakad papunta sa kama niya. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya at gusto ko ng tumawa dahil sa hitsura niya pero pinipigilan ko.

"'Problema mo?" tanong ko at ikinunot ko pa ang noo ko para magmukhang hindi ako natatawa.

"Iyong best friend mo," sagot niyang hindi pa din nagbabago ang expression ng mukha.

"Bakit? Anong ginawa sa 'yo ng maldita kong best friend? Ginahasa ka?" maloko kong tanong at hindi ko na mapigilang matawa dahil tawang-tawa na talaga ako.

"Tarantado!" Binato niya ako ng unan na unang nahawakan ng kamay niya.

Tinamaan ako sa mukha ng unan pero hindi pa din ako natigil sa pagtawa.

"Mukha ka naman kasing hinaras ni Lianne sa hitsura mo, eh," kumento ko pa sa pagitan ng pagtawa ko.

"Ewan ko sa'yo!" he hissed. "Pareho kayo ng best friend mo... topakin!"

"Bakit? Ano bang ginawa ni Lianne sa'yo?" Curious ako kung anong kamalditahan na naman ang ginawa ng best friend ko dito sa kuya ko at nagpuputok ang butse nito ngayon.

Kinuwento naman niya sa akin ang pagtataboy na ginawa sa kanya ni Lianne pagkatapos niyang pagsilbihan. Tawa ako ng tawa pagkatapos niyang magkwento.

Well... kahit ako kapag pinagsilbihan ko ang isang tao, 'tapos papalayasin na lang ako bigla, maiinis din ako.

Kahit ako minsan minamaldita ng sarili kong best friend, lalo na kapag may girl thing at tinotopak! Walang pinapalagpas maliban kay Tito Ed. Daddy's girl, eh.

Walang kasing maldita iyon. Palibhasa, nag-iisang anak.

Natahimik kami at naalala ko naman ang iniisip ko kanina.

Mukhang hindi ko pa matatanong agad kay Lianne ang tungkol sa kanila ni Kuya dahil may topak siya. Mabuti sigurong si Kuya na lang ang tanungin ko sa ngayon. Magsasabi naman siguro 'to ng kung anong kalokohan nila ngayon, 'di ba?

"Maiba tayo, Kuya," pag-iiba ko sa usapan.

"Ano?" parang walang gana naman niyang tanong.

"Ano bang mayroon sa inyo ni Lianne?" seryoso kong tanong. "Naguguluhan ako sa inyo... bakit bigla na lang naging kayo?"

"We're in relationship," simpleng sagot niya. "Ano ang magulo doon?"

"Nah!" Umiling-iling ako. "Sinong niloloko mo? Ako ba? We both know that you're not in a relationship, Bro."

"Yes, we are..." giit niya pa din sa kasinungalingan niya.

"Yeah, you're in a relationship but not in a real relationship," idiniin ko ang dalawang huling salita.

Tsss! Ako pa ba talaga ang pagtataguan niya? Kilala ko silang dalawa ni Lianne. Kahit yata sila na ang huling babae at lalake sa mundo, hindi sila magkakagustuhan.

Humiga si Kuya sa ama at inilagay ang isa niyang braso sa likod ng ulo niya. "But soon... we'll get serious with our relationship," sabi niya na puno ng kumpiyansa at medyo nakangiti pa.

"Woah! Are you kidding me?!" gulat ko namang tanong.

How come nasasabi yun ng Kuya ko? Is he really in love with my best friend, katulad ng tingin ni Wendy? Or he's just playing around?

Lumingon siya sa akin na may matamis na ngiti. "Mukha ba 'kong nagbibiro?"

Tiningnan ko siya ng masama. Obviously, he is! Gago ba siya? Si Lianne pa papatusin niya? Baka gusto niyang bangasan ko siya?!

"If you're just playing around with my best friend, you better think twice, Bro. Madami pang babae r'yan. Huwag mong itulad si Lianne sa mga naging babae mo," parang nagbabanta kong sabi sa kanya.

Masusuntok ko talaga 'tong gagong 'to ng wala sa oras kahit Kuya ko pa 'to.

"I'm dead serious with this, dude." Bumangon siya paupo sa kama para humarap sa akin. "Hindi ko na pakakawalan si Lianne. I'll make her fall in love with me." Tumayo na siya ng tuluyan. "So, watch out and it's better if you'll just mind your own business. You know... si Wendy na lang pagtuunan mo ng atensiyon." And with that, lumabas ulit siya ng kwarto namin.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto.

Ang lakas naman yata ng trip ng Kuya ko at pati si Lianne, nakuhang pag-trip-an? Pero mukha naman siyang hindi talaga nagbibiro sa mga sinabi niya. Pero ano bang pinag-aalala ko? Lianne also loves fooling around.

Anak ng tinapa naman ang dalawang iyon, o! Parang mga gago lang!

I really need to talk to Lianne at kapag pareho sila ng sagot niya Kuya... pucha! Baka pagbuhulin ko mga leeg nila dahil sa kalokohan nila!

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
658K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
3M 18.4K 9
NOTE: The complete version is available on Dreame! Sa loob ng maraming taon, napuno ng pagsisisi ang buhay ni Sassy. Marami siyang desisyong pinagsis...
6M 75.4K 102
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- After more than 2 years, may kanya-kanya na silang career. And until now, hindi pa rin na...