Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 23 ♥ A game of no turning back

36.1K 432 107
By wistfulpromise

Happy 115,000+ reads LTMH and 3,769 followers! Whoa! Maraming maraming salamat Listeners! Mabuhay kayo! :D 

And maraming salamat sa mga nagsupaaaaah loooong comments sa last UD!! Kinikilig ako sa inyo sa mga comments at opinyon nyo :"> Maraming salamat sa mga nagtake ng time para sagutan yung question. Napangiti nyo ako grabe. Pero sa lahat ng nagcomment yung comment nya ang nagstand-up sa akin kaya sa kanya dedicated itong chapter na 'to. Maraming salamat talaga dear! Godbless and keep inspiring! 

♥♥♥

Chapter 23

Jace's POV

Iniikot-ikot ko ang ballpen sa mga daliri ko, titingin sa oras at saka makikinig ulit sa kung sino man ang nagsasalita at nagprepresent sa harap. Kanina pa tapos ang presentasyon ko. Si Pietr na ang nagsasalita sa harap. 




Tumingin ulit ako sa relo na suot ko. Hindi pa ba sya matatapos? 

"...and those are the reasons why I'm eligible enough to take a hold of another ten percent shares of this company. Thank you for listening everyone." Inihinto ko ang pagpapaikot ng ballpen sa mga daliri ko. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Tiim bagang ko syang sinundan ng tingin.

Nagpalakpakan ang lahat ng nasa loob pagkatapos ng ginawa nyang presentasyon. Mukhang mahihirapan yata ang board council sa pagboto. Ako o si Pietr? Sino ang pipiliin nila?

Marami akong narinig na bulong bulungan kung kanino sila panig. Ilan pang sandali nagsimula na ang botohan. Sa labing dalawang myembro ng board of trustees na nasa loob, lima ang bumoto kay Pietr at ganun din sa akin. Ang natitirang dalawa kasi ay undecided pa. 

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at saka sumandal sa inuupuan kong swivel chair. Bakit ba kasi ang tagal nilang magdesisyon? Masyado lang pinapahaba ang oras. Naiinip na ako. 

"My vote is for Pietr." maya't maya ay taas kamay na boto ng isa sa mga board of trustees na undecided kanina. Anim na ang kay Pietr at lima ang sa akin. Huminga ako ng napakalalim. Isa na lang ang pag-asa ko. Kung kay Pietr pa nya ibibigay ang natitirang boto, si Pietr na ang magiging bagong chair holder ng kumpanyang ito. 

Sa bawat minuto na lumipas, tanging ang paulit ulit tick tock ng orasan ang naririnig ko. Nagtaas na ng kamay ang natitirang myembro ng board of trustee, handang handa na para sabihin kung sino ang iboboto nya. Ipinagdaop ko ang dalawang kamay ko at saka hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"My vote is for..."  Pigil hininga ko syang tinitigan hanggang sa ibuka nya ang mga labi para sabihin ang boto nya. 

"Jace Alvarez." 

Ipinikot ko ang mga mata. Para nabingi ang mga tenga ko dahil sa narinig. Kulang na lang ay mapa-yes ako ng napakalakas sa kinauupuan ko dahil sa reyalisasyon na ako pala ang binoto. Buti na lang. 

"That means we have a tie" sabi ng nagsasalita sa harap. "As you all know, Mr. Tolentino, is currently on leave because of a month vacation. Sya ang may hawak ng desisyon kung sino ang iboboto nya para maging bagong chair ng pinakamalaking stocks percent ng buong kumpanya. It's either Jace or Pietr. The decision is up to him."

Tiningnan ko si Pietr. Sobrang relax nya at may pangisi ngisi pa nalalaman na para bang makakatulong yun sa pagkapanalo nya. Ikinuyom ko ang kamay ko. Kung pwede lang burahin ang mga ngiting yun ginawa ko na kanina pa. Sa presentation nya kanina halatang may pinatatamaan sya. Lahat ng patutyada nya sa akin pinatatama. Wala namang mangyayaring urgent meeting kung hindi sya ang nagpasimuno. Kung tutuusin halos magkapantay na kami pagdating dito sa kumpanya. Ang masakit hindi pa sya makuntento roon dahil pati ten percent shares ng natitirang fifty percent ko ay inaangkin din nya. 

"Alright gentlemen, this meeting is adjourn." Pagkatapos sabihin ito ay nagsitayuan na ang lahat sa kinauupuan nila kabilang na ako. Nakipagkamay sa akin ang ilan sa mga taga-suporta ko at sinabi sa akin na kahit anong mangyari susuportahan nila ako. Nagpasalamat ako sa kanila dahil sa walang hanggang suporta sa akin. Alam ko na noon pa lang sila na ang loyal supporters ni papa. 

Lumabas ako ng kwarto para sundan si Pietr na kalalabas lang. Kung may gusto syang sabihin, sana sabihin na nya hindi yung nagpaparinig sya ng harap ng maraming tao para paringgan ako. Dahil kung ang pakay nya ay inisin ako, congrats sa kanya dahil nagkatotoo ang hiling nya. 

"Jace," nagulat ako ng makita na nakasunod sa akin si Aiden. Hinahabol nya ako sa bawat lakad takbo na ginagawa ko. 

"Anong ginagawa mo rito? Di ba sinabi ko sayo na samahan mo si Serene?"

Hinawakan nya ang braso ko para iharap sa kanya "Bawiin mo ang kumpanya Jace. Huwag mong hahayaang manalo sya." seryoso nyang sambit na para bang walang narinig sa sinabi ko. 

Naiintindihan ko kung saan sya nanggagaling. Buong buhay ni Aiden sa pamilya na namin sya nagtratrabaho. Ang gang at ang kumpanya na lang ang meron sya. Kung mawawala pa ito, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa kanya. 

Tumango ako sa kanya. "Arrange a private meeting with Mr. Tolentino. Kailangan ko syang makausap as soon as possible bago pa tayo maunahan ni Pietr." utos ko sa kanya. 

Yumuko sya sa akin. "Umaasa ako sayo Jace. Wag mo syang hahayaang makuha ang kumpanyang pinaghirapan ng papa mo buong buhay nya." 

Tumingin ako sa malayo. Hindi nya kailangan ipaalala sa akin yun. Alam ko ang responsibilidad na nakapatong sa balikat ko. 

"I won't." sabi ko na parang mas sinasabi ko pa ito sa sarili ko kaysa sa kanya. "I will never let him."

Noong maghiwalay kami, nakita ko si Pietr sa isang hallway. Hindi nya ako napansin dahil busy sya sa kausap nya sa hawak na cellphone. Noong ibaba nya ito at humarap sa akin, inambangan ko agad sya ng isang malakas na suntok sa mukha. 

"Kung may gusto kong sabihin sa akin, sabihin mo ng harapan. Hindi yung ginag*go mo ako sa harap ng maraming tao." wika ko sa galit na galit na tono. Hinawakan ko ang kwelyo at inilapit sa akin. Imbis na magalit ay tinawanan nya lang ako. Muli ko syang sinuntok pero napigilan na nya ito gamit ang kamay nya. 

"Natamaan ka ba? I'm sorry. Pero totoo naman ang sinabi ko di ba? When it comes to leadership, I'm better than you." Itinulak nya ako palayo sa kanya sabay ayos ng tuxedo na suot na parang walang nangyari. Pinunasan nya ang dumudugong mga labi gamit ang likod ng kamay nya. 

Muli kong ikinuyom ang mga kamay ko. "Ano ba talagang gusto mo?" galit na bulyaw ko sa kanya. 

"Simple." inilahad nya ang dalawang kamay "I want to be the new majority chair holder of Black Dragon Savage Society. And that won't happen as long as your on the way."

Talaga bang sinusubukan nya ako? 

"That will never happen." 

"Oh yeah?" ngumisi sya sa akin. "Kahit anong mangyari, I will make sure that Mr. Tolentino's vote is for me."

"Wag kang pakasisiguro." ngisi ko sa kanya pabalik "I will do everything in my power to get my company back. Kung tutuusin wala kang karapatan dito. Nagnanakaw ka lang ng kumpanya na dugo at pawis na pinundar mag-isa ng iba."

Tumalikod ako at huminga ng napakalalim. Self control Jace, self control. Itinago ko nanginginig na kamao sa bulsa ko. Kailangan ko ng umalis dito bago ko sya mapatay ng wala sa oras. 

"You will not back down that easily aren't you?" 

Tumingin ako sa kanya. If looks could only kill, kanina pa sya naabo sa kinatatayuan nya. Tila ba naintindihan nya naman ang tingin na yun dahil tumango tango sya na para bang nakakalap ng isang napakaimportanteng impormasyon. Noong magtama ang paningin namin bumalik na naman ang ngisi nya sa mukha. 

"And neither do I." Tapos tumawa sya na parang may nakakatawa sa sinabi nya. "But you know what? Be careful." Muli ay litanya nya. "Don't focus too much on winning this company back. Because if you do, you might lose something more important. More important than money and power. More important than pride.

"At ang punto mo?" 

Lumakad sya palayo sa akin. Noong una akala ko iiwan na nya ako pero matapos ang ilang hakbang muli syang humarap sa akin. 

"Before I answer that question, I have a proposal for you." ibinulsa nya ang dalawang kamay "Just willingly give me the rest of your ten percent share or we will do it in a hard way." 

Sa unang pagkakataon may umalpas na mahinang tawa sa bibig ko. "Tinatakot mo ba ako?"

"Just sayin'" kibit balikat nya.

"Do as you please. I don't care." 

"Give me a number." Binigyan ko sya ng tingin na parang nahihibang na sya. Anong kinalaman ng numero sa usapan namin? "Oh c'mon" sabi nya ng mapansin na walang akong interes sa hinihingi nya. "Don't be a party pooper. Just a single number, that's all I'm asking."

Ang lakas din ng tama nitong lalaking 'to ah. Kung titingnan mo sya para mukha syang matino, kapag nakausap mo na pala tinalo pa ang nakatakas sa mental dahil sa kawirduhan ng kinikilos nya. Umiling na lang ako at saka tumalikod. Wala ng pupuntahan ang usapan na 'to. 

Tiningnan ko ang oras sa relo ko at nagulantang sa nakita. "Oh sh*t! Four." Apat na oras na ang nakalipas magmula ng magsimula ang meeting. Ibig sabihin, apat na oras ko ng pinaghihintay si Serene! 

"Four." Narinig kong sabi ni Pietr. Hahakbang na sana ako pabalik sa reception area ng may marinig. Sa unang hakbang ko ay bigla syang nagsalita. 

"One first move, everything is fine." Tumingin ako sa kanya at kunot noo syang tiningnan. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at saka muling humakbang.

"Two second move, watch out your line." Tumingin ulit ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang mapaglarong ngisi sa mukha nya. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak nya at binibilang nya ang bawat paghakbang na ginagawa ko?

Sa ikatlong hakbang, pagkatapos na pagkatapos kong ilapag ang paa sa sahig, parang ibinubulong ng hangin sa akin ang sinasabi nya. 

"Three third move, wrong step your out." 

Tumigil ako at humarap sa kanya. "Hindi ka lang sakit sa ulo. Nakakairita ka rin."

"Nagbibilang lang ako. Don't be so defensive." 

Psh. Nonesense. Tatalikod na sana ako ng muli syang magsimula. 

"Hindi mo talaga pag-iisipan ang offer ko? Hindi pa huli ang lahat. My offer still stands." 

Binigyan ko sya ng isang makahulugang tingin. "Black Dragon Savage Society is my father's life. Hindi ko basta basta isusuko sayo yun ng ganun kadali lalo na sa isang katulad mo-- sa isang katulad mo na sumira ng pangalan ng gang natin... sa katulad nyo ng papa mo... na walang naidulot na maganda kahit kailan."

"Very well then," narinig ko pang bulong nya pero hindi ko na sya pinansin. Sa muling paghakbang ko palayo sa kanya, nawala na ang tono ng kasiyahan sa boses nya. Puno na ito ng kaseryohan na hindi ko akalaing kaya nyang gawin.

"Four and last move, you'd entered a game...

of no turning back." 

Continue Reading

You'll Also Like

577K 15.7K 61
Do you know how to love a Devil? If you wanna know, I'll show you you how to do. Do Not Look At His Eyes, If You Do... ...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
138K 2.8K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...