Seven Days

By makeyoumine13

185K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... More

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Two - III
Day Three - I
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - I
Day Four - II
Day Four - III
Day Four - IV
Day Five - I
Day Five - II
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
4 Years Later
1 Year & Still Counting
A/N

Day Four - V

5.7K 151 2
By makeyoumine13

Yakap yakap ko ito.

"Bitawan mo nga ako"

"Hindi.. hindi kita bibitawan."

Natigilan ako ng bigla itong umiyak.

"Maxine"

"Ang sama mo" Tulak nito sakin.

"Maxine ano-"

"Ang sama sama mo" Sinusubukan nitong lumabas pero hinila ko ito palapit sa akin. Pinaghahampas naman ako nito bago itulak ng malakas.

"Nyeta naman oh!! Oo na!! masama na ako!! putek na yan!! Gusto ko lang mag usap tayo.. please.. huwag ka munang umalis"

Nag angat ito ng mukha at tumingin sa akin. Pero hindi nakafocus yung mga mata nya sa akin. Gulong gulo iyon.
Parang nakikipagtalo sa sarili. Lalapitan ko na sana sya ng magsalita sya.

"Eh Ikaw.. kelan ka aalis?" Tanong nito.

"Anong aalis?.. Walang aalis dito hanggang hindi tayo nakakapag-"

"Kelan ka aalis sa buhay ko?". Sabi nito.

Natigilan ako sa sinabi nya. Nairita.

"Nyemas naman oh!! Kakakilala lang natin pinapaalis mo na agad ako?! Ano bang problema mo?!!".

"Ikaw!! Ikaw ang problema ko!! .. Ginugulo mo yung utak ko!! .."

Ha?

"Bigla ka na lang dumating tapos kung ano ano yung pinag gagagawa mo!! .."

Ano bang sinasabi-

"Sinasanay mo ako sa presensya mo!! Tapos pagkatapos nun iiwanan mo din ako!!" Tuluyang iyak na nito.

Nangiti ako ng maintindihan ko na ito.

"Wala naman palang problema eh"

"Bingi ka ba?!! Kasasabi ko lang diba?!!"

"Hindi ako bingi. At kahit bingi man ako , maririnig pa din kita sa lakas ng sigaw mo" Lumapit na ako dito.

"Dyan ka lang!!"

"Tsk! Ayaw mo akong umalis. Ayaw mo din naman akong lumapit sayo. Ano ba talagang gusto mo?" Nakangising tanong ko dito.

"Yan!! Dyan ka magaling!! Dyan sa pag papa cute mo!!"

"So cute pala ako pag ganito?" Taas kilay na tanong ko dito.

Unti unti akong lumapit dito.

"Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong nito.

"Kukunin yung halik ko.. Nakalagpas anim na beses kang sumigaw. So paano ba yan?. Dalawang kiss yun" Sabi ko dito.

"Anong-hhhhhmmmmmp"

Nangiti ako ng hawakan nito ang batok ko at totoo nga. Ayaw nga nitong umalis ako. Hinawakan ko ito sa bewang nito at nilapit sakin. Napasinghap naman ito.

Naghiwalay na kami. Ang pula pula ng mukha nya at kapwa kami habol ng hininga.

"Second round?" Ngumiti lang ito at pinagsaluhan ulit namin ang isa pang halik.

Nang naglayo na kami ay nakahawak pa din ako sa bewang nya. Hinihimas ang pisngi nya at inaalis yung mga hibla ng buhok na nakaharang soon.

"Hindi ako aalis kahit paalisin mo pa ako"

"Si Ashley Walker ka naman. Dyan ka magaling diba?, sa pagiging pasaway" Nakangiting sabi nito.

Dinikit ko ang noo ko sa noo nito.

"Oo.. at hinding hindi ka iiwan ng pasaway na ito" Nakangiting sabi ko. Ngumiti din naman sya. Ang ganda ng mga ngiti nya.

And I'm proud to say na ako lang ang kayang magpalabas nun.

"Anong tinitignan mo"

"Yang labi mo.. inaakit ako" Bigla naman ako nitong tinulak syaka nito tinakpan ang bibig niya.

"Hindi kaya" Natawa tuloy ako.

"Tara na sa labas. Ang init dito" Sabi ko na pinaypayan pa ang sarili ko. Tagaktak na din ang pawis ko. Nauna ng lumabas si Maxine. Nagulat pa ako ng makita ko si Andy paglabas ko. Nakasandal ito sa dingding.

"Pawis na pawis ka ate. Anong ginawa nyo sa loob?" Tukso nito.

"Ikaw kaya ikulong ko sa stock room?. Tignan ko lang kung hindi ka pagpawisan"

"Yun nga ba ang dahilan?" Pang aasar pa nito.

Hindi ko ito pinansin at sinundan ko na lang si Maxine. Nakita ko itong nakikipag habulan sa mga bata. Nangiti tuloy ako.

Pinapanood ko lang sya habang nakapatong ang magkabilang braso sa hamba ng terrace namin.

"Why don't you join them?"..

Napa ayos ako ng tayo sa boses na iyon. Lumakad si Papa palapit sa akin at ginaya din yung posisyon kong nakapatong ang magkabilang braso sa hamba ng terrace habang nakatingin sa mga bata.

"Pa.. hindi na." Umiling pa ako. Bumalik na ulit ako sa posisyon ko.

Napalingon ako kay Papa ng marinig kong bumuntong hininga siya.

"She looks different"

"Who?.. Maxine?"

Tumango naman si papa.

"When I was in Gapan, lagi kong dinadaanan si Maximo. Her Dad. He's a friend of my business partner then suddenly he became my friend too. You're just 8 back then. And she's like 5. Maxine.. she's always cheerful. She's like the sunshine in their family. Lighting you up, making you smile. She's simply full of joy. But, When her dad died, every-"

"Her dad died?" Nagulat ako doon. Tumango tango naman ito.

"Car accident. After the funeral. I think she's about 10 that time. Everything changed. Then her mother went to Canada with her brother-"

"Canada? Brother? " Tumango ulit ito.

Yung family picture!

Now it makes sense kung bakit kindi kamukha yung babae doon ng nanay nya! Hala?! Eh sino yun?! Lola nya?!

"Yes, canada with her brother Franco".

"How can she leave her daughter just like that?" Bigla akong nainis sa nanay nya. Yun siguro yung tinutukoy ng nanay nya.. o Lola?

"She got married with this canadian man. He used to be our friend too by the way. Maximo and I met him in Antipolo and it just clicked. Dylan.. That's his name. We will talk about business. We'll play golf. We're just that close. Then one day he admitted that he got a thing to Freen. Maxine's mother. Maximo got mad, then punched him senseless.  He's barely alive when we rushed him in the hospital. Then he recovered he went back to Canada. When he heard that Maximo died, he used that opportunity to win Freen's heart, then after months. I heard that Freen's in Canada and got married. Then I lost connection. I thought she brought Maxine with her too." Kwento nito.

Napatulala ako doon.

Tinapik naman ni Papa yung balikat ko.

Kaya siguro ganun sya, parang galit sa mundo.

"She's a great kid. She's tough. She'll be a good friend." Sabi nito bago umalis.

Patay na dad nya.

Iniwan sya ng Mama nya.

Pati kapatid nya nasa Canada.

"Now, I understand why". Pinanood ko lang si Maxine. Nang mapagod ay naupo ito at kinandong nito si Atom. Kiniss naman ni Atom si Maxine sa pisngi.

Pumasok ako sa loob para makausap sana si Andy ng makasalubong ako ni Mama.

"Dalin mo ang mga ito ok?" Abot nito ng mga plastic container. Inabot ko naman iyon.

Aalis na sana ako para ilagay iyon sa kotse ng sabayan ako ni Mama. Sumunod ito hanggang kotse ko. Nailagay ko na lahat sa trunk ng kotse ko at pabalik na sana ng hawakan ako ni Mama sa braso. Nagulat pa ako na hawak hawak nito ang flowers na binili ko para kay maxine.

"Can we talk?" Sabi nito. Pagkatapos ay binalik din ang bulaklak sa loob ng kotse ko bago ako harapin. Kinakabahang tumango ako.

Kabisado ko na kasi kapag ganyan ang simula ng mga usapan. Madalas sa mga iyon ay hindi maganda ang kinakalabasan.

"Is she your friend?". Umpisa nito. Nakatayo lang kami malapit sa kotse ko.

"Maxine?.. yeah" Sabi ko ditong tumatango pa.

"May something ba sa inyo?" Tanong nito.

"Something?.. something what?"

"Something.. something romantic?" Patanong na sagot nito. Napalunok na ako doon.

"Ma.. Haha" Kabadong tawa ko na hinawakan pa ang batok ko.

I don't want to lie. But I don't want to tell the truth either.

"You're nervous" Tukoy nito.

"Me?.. Nervous?.. No.. Why would I be nervous? There's nothing to be Nervous. I'm not ner-"

"Baby.. You're blabbering".

"Hahaha I am?"

Yes I am and I am doomed.

"Now i'm asking you again. What is she to you?" Seryosong tanong nito. Yung klase ng tanong na confirmation lang ang habol at alam kong walang sense na takbuhan ko pa sya ngayon. Mahuhuli din nya ako.

"Ma.. please.. not now."

"Then when?.. This can't wait long. You'll leave any minute now and I had a feeling that we won't see you again for another month or two. I'm your mother. We are family. You can trust me, you can trust us. We won't judge you." Sabi nito na hinawakan pa ang kamay ko. Naiyak ako sa mga sinabi nito. Bakit puro iyak na lang ako ngayon? Ang drama naman ng araw na ito. Nyeta.

"Matagal na naming napapansin. You're kinda different, in a way that you don't play barbies, dressing up,  those kind of girl's thing. Everytime that your cousins are here. Sa mga boys ka lang sumasama. Playing with them. Those tough games you love. Then your friends.. mostly boys"

"Ma.. sorry.. sorry kung ganito-" Lumapit ito at pinunasan ang mga luha ko.

"Shhhhh ok lang. Tanggap ka namin. Nothing will change. You don't have to hold it back, just let it go." Tumango lang ako dito.

How can they be so understanding? How can I be this blessed when I haven't done anything good this past few years? I don't deserve this.

"Now i'm going to ask you again. What is she to you?" Nakangiting tanong na nito. Natawa ako. Natanggalan ng bigat sa magkabilang balikat.

"She's.. she's special to me." Pag amin ko na.

"Do you love her?"

Love.

"I don't know.. but I like her. I really really like her. She's special to me." Ngumiti ito sa sinabi ko.

"Does she now?". Tumango ako.

"But you're kinda harsh to her"

Joke yun. Nakakatawang joke.

"Harsh? me? Kung alam mo lang ma. Ang taray taray kaya nyan. Ang hilig pang manakit" Sumbong ko dito. Pinunasan ko na ang mga luha ko. There's no need to cry.. everything is ok now.

"She's your match. Pasaway ka, baka tumino ka na sa kanya" . Nag fake hurt ako doon.

"Nag usap na ba kayo about doon sa first encounter nyo?" Tanong nito makalipas ang ilang sandali. Umiling ako.

"It's ok. Maybe some other time. But we're good. Nagkaayos na kami, medyo topakin lang talaga yun."

Ngumiti si Mama.

Parang kumikinang pa ang mga mata.

"What?"

"I just can't believe it. Malaki na ang baby ko. Kapag naging kayo na, pay us a visit ok?" Tumango ako.

Tumingin ito sa akin na puno ng pagmamahal bago ito lumapit at halikan ako sa noo. Mag re-react sana ako ng bigla ako nitong yakapin.

"I love you anak. We love you"

"I love you too ma. And i'm sorry if i didn't-"

"It's ok. Everything is ok" Sabi nito na hinahagod pa ang likod ko. Lalo tuloy akong naiyak. Anong pumasok sa isip ko para isipin na hindi nila ako matatanggap? Nahihiya ako na nilihim ko yung problema ko, yung nararamdaman ko at hindi ako nag tiwala sa pagmamahal na pinapakita nila sa akin.

"I'm sorry i'm sorry i'm sorry.." Paulit ulit na sabi ko. Hinahagod lang naman ni Mama ang likod ko. At paulit ulit din nitong sinasabing 'It's ok'.

Nang mahimasmasan ay pumasok na kami sa loob.

"Oh, here they are." Lumapit lang si Mama kay Papa at kiniss ito sa lips bago nito hinila si Papa.

"Ang sweet nila" Sabi naman ni Maxine.

"Inggit ka? Andito naman ako"

Inis na tumingin naman sya sakin.

"Oh easy there baby, i'm-"

"Hindi na ako baby. At mas lalong di mo ako baby" Sabi pa nito. Kanina maayos naman ito ah. Tapos ngayon mataray na naman. Bipolar ba sya?

"I'm just kidding alrig-"

"Huwag mo nga akong ine- english. Umbagan kita dyan eh!" Sigaw na nitong inambaan pa ako ng kamao nya.

"Ano bang problema mo?. Sumisigaw ka nanaman" Sita ko dito.

"Nang aasar ka nanaman kasi!" Sigaw ulit nito.

"Tsk! Gusto mo lang yatang magpahalik. Pwede mo naman sabihin, hindi yung sigaw ka dyan ng sigaw" Pang aasar ko pa dito.

"Bwi-"

"Geh, ituloy mo. Nakaka dalawa ka na. " Banta ko dito.

Tumingin naman ito sa paligid. Madaming tao.

"Napakabwisit mo." Mahinahong sabi nito na nakangiti pa. Ngiting pilit.

"I love you too" Sabi ko dito. Wala, testing lang kung papalag. Kapag pumalag edi ikiss na yan whaha!

Nakipag titigan ito sa akin bago nag walk out papunta sa mga bata. Nakangising tinignan ko ito.

Nang maghapon na ay nag si- alisan na ang mga bisita at nag liligpit na ang mga katulong ng mga kalat. Magkausap lang kami ni Papa about doon sa I like girls. Tinanggap din naman nito at nag offer pa nga ng mga magagandang chicks daw ng mga business partners nito. Nag turo pa nga ito ng tips kung paano manligaw. Sinabi ko naman na may gusto na ako. Tinanong nito kung sino , kaya sinabi kong si Maxine. Pagkatao ko nga tinanggap nito. Si Maxine pa kaya?

Napansin ko na para bang nagbago ang pagtingin nito sakin. Parang tingin nito agad sa akin ay lalaki na. Inakbayan pa nga ako nito na hindi naman nito ginagawa dati. Nangiti na lang ako. Parang mas naging close kami kesa sa dati.

Pauwi na kami ng sinabi ko kay maxine na alam na nila papa at mama. Nahihiyang yumuko naman ito pero niyakap lang ito ni Mama.

"Patinuin mo to ah" Sabi pa ni Andy bago kami umalis.

Malungkot pero masaya kaming umalis.

"Ang bait ng family mo"

"Syempre.. saan pa ba ako magmamana?" Ngising tanong ko dito.

"Oo nga eh. Baka ampon ka?" Balik tanong nito.

"Hahahahaha"

Nagkwentuhan kami pero pagkalipas ng ilang sandali ay hindi na ito nag sasalita. Tulog na pala.

Napansin ko na parang giniginaw ito so hininaan ko yung Aircon ng kotse. Nang malapit na kami ay bigla itong nagising.

Almost 30 mins lang itong natulog.

"Oh.. buti nagising ka. Malapit na tayo". Naghikab naman ito.

"Pwede ba tayong dumaan sa coffee shop?" Tanong nito.

"Ha? Eh madilim na masyado. Baka magalit nanay mo?" .

"I te-text ko sya. Sige na please. Gusto ko ng kape".

"Sige sige. Para ka namang naglilihi" Sabi ko pa dito.

"May sinasabi ka?" Taas kilay na tanong nito.

Nakangiting tumingin ako dito.

"Wala.. sabi ko, saan mo gusto?. Starbucks?" Tanong ko dito. Kumislap naman ang mga mata nito bago tumango.

Huminto kami sa sturbucks. Nagkape at umorder ng slice of cake.

Nag ce-cellphone lang ako dahil nag te-text ang tropa ko ng bigla nitong kunin ang cellphone ko.

"Anak ng-"

"Geh, tuloy mo" Banta nito.

"Maxine.. importante pinag uusapan namin" Sabi ko dito.

"Mas importante pa sakin? Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman nakikinig" Inis na sabi nito bago nito tignan ang cellphone ko.

Bigla itong nagalit ng may mabasa.

"Sino itong Mr. Neal ha?!" Pasigaw na tanong nito. Tumingin naman ako sa paligid. Konti lang ang tao. Yung dalawang server at tatlong customer.

"Tapos itong tanya!" Dagdag pa nito.

"Date??!! Makikipag date ka?!" Basa nito sa text.

"Maxine.. nagbibiro lang yan. Wala lang yan." Sabi ko dito na tumayo na para kunin cellphone ko pero dahil sa nakakapasong tingin nito ay umupo ulit ako.

"Ikaw na nga ang nagsabi kanina na importante yung pinag uusapan nyo. Kaya naman pala." Puno ng inis ang mukha nito. Tumingala ito saglit na parang nagtitimpi ng inis nito bago tumingin sakin at magsalita.

"Ito ba yung kasama mo sa Mang Inasal kahapon?"

"Kahapon? Di ko alam. Di ko maalala ok?"

"Tsk!! Oo o hindi lang!!" Sumisigaw na ito ngayon.

"Hindi ko nga alam. Hindi ko maalala." Mahinahon ang boses ko dahil ayokong maka agaw ng pansin sa mga customer pero lahat sila ay nakatingin na samin ngayon.

"Oo o hindi?!!" Tanong ulit nito. Pilit ko naman itong pinapakalma.

"Di ko nga alam. Pwede bang huminahon ka?"

"Paano ako hihinahon?! Ha?!"

"Maxine, please-"

"Wala pa man din, nambababae ka na!"

Huwaaaatttt? Pakingshet!

"Maxine.. wala nga lang yan, kaibig-"

"Eh ako?.. ano ako?!. Ano tayo?!" Tanong nito.

"Walang tayo!" Sigaw ko na dito. Nagulat din ako sa lumabas sa bibig ko. Dahil sa pressure at pagsigaw nito sakin. Hindi ako sanay sa ganoong bagay. Sanay ako na ako yung sumisigaw, na sa akin natatakot ang mga tao pero pagdating kay Maxine, ewan ko. Tiklop ako at hindi ko yun matanggap.

"Tsk!" Inis na binalibag nito yung cellphone ko sakin. Buti na lang nasapo ko.

Bigla itong tumayo at lumabas na. Sa sobrang gulat ko sa mga pangyayari ay hindi ako agad nakagalaw. Nang rumehistro na sa utak ko yung mga nangyari, agad agad na hinabol ko ito.

"Maxine!" Pumunta ako sa kotse pero wala ito doon.

"Shit!" Hinagilap ko pero wala pa din. Ilang beses akong nagpaikot ikot sa paligid. Nyemas! Saan sya nagpunta?!

Inis na sumakay ako sa kotse ko. Kinuha ko yung cellphone ko at hinanap yung number ng nanay nito. Palinga linga ako habang nagriring iyon sa tenga ko.

Ring ring ri-

"Hello.. hello ashley"

"Andyan na po ba si Maxine?"

"Si France ba kamo?". Napakagat ako sa daliri ko.

"Opo opo" Sabi ko dito.

"Aba eh, diba kayo ang magkasama?"

Putek talaga oh oh! Nasaan sya?!!

"Sige po by-"

"Ano ba ang nangyayari?" Bakas ang takot sa boses ng nanay nito.

"Sorry po.. nag away po kasi kami. Bigla na lang po syang umalis. Nasa Gapan naman na po kami"

"Sige't tatawagan ko"

"Pakibalitaan po ako". Pagkababa ay dere-deretsong nag drive na ako papunta kila Maxine.

"Tao po.. tao po" Tawag ko sa may gate nila. Bigla namang bumukas ang pinto. Tinakpan ko ng braso ko ang mukha ko. Nakakasilaw. Lumapit iyon. Malungkot na mukha ng nanay ni Maxine. Ay hindi nga pala nya ito nanay.

"Andyan na sya sa kwarto nya. Umiiyak na dumating dito sakay ng taxi."

"Sorry po.. Pwede ko po ba syang makausap?".

Hindi sya umimik. Dati naman isang sabi ko lang pumapayag na agad ito.

"Sige na po" Pangungumbinsi ko.

"Mukhang hindi iyan makakabuti sa ngayon. Ipagpabukas mo na lang. Baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon" Sabi nito.

Malungkot na umuwi ako ng bahay. Pagpasok ko ng kotse ko sa garahe ay nag dere- deretso na ako sa bahay. Naabutan ko pa sa loob ng office si Cindy.

"Gabi na ah.. umuwi ka na" Sabi ko dito.

"Boss" Nakangiting bati nito.

"Patapos na din po ito". Hinintay ko na umalis ito. Pagka alis nito ay ako na mismo ang nagsarado ng talyer. Hapong hapong pumasok ako sa kwarto ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pero namalayan ko ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

--------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

314K 9.5K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
189K 8.4K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
454K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...