♡ Playing Love Games ♡

Oleh nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... Lebih Banyak

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Bet Your Heart ♡ Chapter 15

23.4K 232 69
Oleh nyghtdreamer

Chapter Fifteen

Wendy's POV

"Pero puwede bang ako muna isipin mo habang ako ang kasama mo?" Lumingon ako sa kanya at hinawakan ko ang isang braso niya. "Puwede bang wala munang Lianne? Puwede bang si Wendy lang muna?"

Nagkatitigan kami at nabasa ko sa mga mata niya ang awa. Napangiti na naman ako ng pilit.

Ayokong kaawaan ako ng kahit sino. Sino ba naman ang may gusto niyon? Hindi ko dapat sinabi iyon. Hindi dapat ako mapakita ng kahit anong kahinaan sa kanya. Ang pathetic ko tuloy. Mukha akong nanglilimos ng atensiyon niya.

Bakit ba ako nagiging ganito sa kanya? Napabuntong-hininga na lang ako nang wala akong makuhang sagot.

Tumayo ako. "Tara na nga. Nagugutom ako," aya ko sa kanya, at inabot ko pa ang kamay ko para tulungan siyang makatayo.

Tinanggap niya naman iyon para tumayo na rin at nang makatayo na siya ay inakbayan niya ako.

"Ipapakilala kita kila Mama mamayang dinner, kaya mag-snacks na lang muna tayo ngayon. And I won't accept a 'no'," wika niya na may kasama pang hand gesture ang isang kamay niya na hindi nakaakbay sa akin.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi daw siya tatanggap ng 'no'. Edi, okay. Bahala na mamaya kung paano niya ako ipapakilala sa parents niya.

Siguro naman, mababait din sila.

Napadpad kami sa isang café dahil nga snacks lang ang kakainin namin. Magkatabi kaming umupo sa isang table malapit sa glass wall ng café kung saan kitang-kita pa rin ang beach at ang papalubog na araw.

"Wendy..." tawag niya sa akin. "Kanina pa ganyan mukha mo, ngumiti ka nga. Sige ka, papangit ka," dagdag niya pa na parang kumakausap ng bata.

"S-sorry. Pagod na siguro ako," pagdadahilan ko at ngumiti na naman ako ng pilit sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Sige, after natin kumain ihahatid na kita sa hotel mo para makapagpahinga ka. Ipapakilala kita kila Mama, remember? Ayoko namang ganyan ang mukha mo kapag ipinakilala kita sa kanila. Baka sabihin nila Mama lagi kang nangungunsumi sa'kin," medyo pabiro niya pang sabi at pinisil niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

Napangiti na talaga ako ng totoo sa gesture na ginawa niya. Ang sweet kasi ng pagiging palabiro niya. And it really lightened up my mood.

Sana lang... hay, never mind.

"'Ayan... dapat ganyan palagi ang ngiti mo," sabi niya pa while smiling also.

"Oo na po," natatawa ko nang sagot.

Dumating na rin maya-maya ang orders namin. Nagkukwentuhan kami habang kumain. Ang dami-dami niyang kwento tungkol sa mga kalokohang ginawa niya noon, kaya tawa ako nang tawa. Parang hindi nga ako nabusog sa kinain ko, pero sa kakatawa sa mga kwento niya ako nabusog.

"Let's go. Para makapagpahinga ka," yaya niya maya-maya matapos kaming kumain.

Tumango na lang ako at umalis na kami doon.

Naglalakad na kami papunta sa hotel na tinutuluyan ko nang naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay. Napatingin ako sa kamay naming dalawa at umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakita kong diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin. Kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mga kamay naming.

Parang bumilis ang tibok ng puso ko sa paghawak niya sa kamay ko. Hindi ko maintindihan.

Kinakabahan ba ako?

Hindi ko din magawang bawiin ang kamay ko. Kaya hinayaan ko na lang ang magkahawak naming kamay. Nag-pretend na lang ako na parang wala lang sa akin iyon.

Nang makarating kami sa tapat ng room ko, hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Kaya humarap na ako sa kanya.

"Ah... Renz, salamat sa paghatid," kiming wika ko at bumaba na naman ang tingin ko sa mga kamay namin. "Uhm, a-ang kamay ko."

Ngumiti siya. "Give me the key?" Inilahad niya ang isang kamay niya na hindi nakahawak sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Kaya ko ng buksan ang pinto."

"Basta, ibigay mo na sa akin," giit niya habang nakalahad pa rin ang isang kamay niya at mukhang wala pa siyang balaka na bitawan ang isang kamay ko na hawak niya.

Ibinigay ko na ang susi sa kanya. Pagkabigay ko ng susi, binuksan niya na ang pinto. Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto at sinara niya ulit ang pinto.

Binitawan niya lang ang kamay ko nang makapasok na kami.

Lalo naman akong nagtaka kung bakit siya pumasok sa loob ng kwarto ko. Nakatayo lang ako sa harap ng pintong nakasara habang siya naglakad papunta sa bintana at hinawi niya ang kurtina.

Napansin niya yatang nakatayo lang ako sa tapat ng pinto kaya nilingon niya ako.

"I thought, you're tired?" kunot-noong tanong niya. "Magpahinga ka na," utos niya pa sa akin.

"Ah, kasi..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihing umalis na siya. Parang nakakahiya naman kasi na paalisin ko siya at ang rude ko yata masyado kapag ginawa ko iyon.

Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Don't worry, babantayan lang naman kita," wika niya at kinuha niya na naman ang kamay ko para hilahin palapit sa higaan.

Hindi ko alam kung hihiga ba ako o ano nang makalapit kami sa kama. Hindi ko din alam kung ano ba ang dapat kong sabihin at gawin.

Humarap siya sa akin nang hindi pa rin ako kumilos at tinitigan niya ako ng mataman.

"Wendy..." napapabuntong-hininga na naman niyang banggit sa pangalan ko. "Sige na, magpahinga ka muna. Doon lang ako sa tabi ng bintana. Hindi kita iistorbuhin habang nagpapahinga ka and I won't do anything but to guard you, okay?"

Tumango na lang ako at humiga ako sa kama. Kinumutan naman niya ako. Umupo pa siya sa gilid ng kama ko matapos niya akong kumutan at pagkatapos ay yumuko siya para halikan ako sa noo.

At katulad kanina nang hinawakan niya ang kamay ko, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Hindi pa nga gaanong normal ang tibok nito kanina, 'tapos ngayon ang lakas at ang bilis na naman ng tibok nito.

"Close your eye and have some rest," sabi niya pa bago siya tumayo at pumunta ulit sa gilid ng bintana.

Pumikit ako katulad ng inutos niya at sinubukang matulog kahit hindi naman ako inaantok. Pero ilang minuto na akong nakapikit ay hindi ko pa din makuha ang tulog ko.

Nakiramdam ako sa paligid ko. Pinakiramdaman ko ang ginagawa niya pero wala rin akong napala. Mukhang nandoon lang talaga siya sa tabi ng bintana.

Nang hindi talaga ako makatulog, minulat ko ang mga mata ko at tiningnan si Renz. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang may malalim na iniisip.

Inalis ko ang kumot sa akin at bumangon ako paupo sa gilid ng kama. Naramdaman niya yata ang paggalaw ko kaya napalingon siya sa akin.

"Akala ko tulog ka na?" Tumayo siya at naglakad ulit palapit sa akin.

"Hindi ako makatulog, eh," sagot ko.

Pagkalapit niya sa akin ay umupo rin siya sa gilid ng kama katabi ko.

"'Lika nga dito." He motioned me to come near him.

Lumapit naman ako sa kanya then he leaned my head to his shoulder habang ang isa niyang braso ay inilagay niya sa balikad ko.

Naging abnormal na naman ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Hindi ako makatingala para tingnan siya dahil parang nakayuko siya and I could feel his warm breath on my head.

"Gusto mo, kantahan kita para makatulog ka?" pabulong niyang tanong.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Ewan ko ba... para akong napipipi. Wala pang ilang Segundo ay narinig ko nang nagsimula na siyang kumanta.

"♪Spend all your time waiting... for that second chance...♪"

Napapikit ako dahil sa lamig ng boses niya. May future siya sa pagiging singer kung sakali.

"♪For a break that would make it okay...♪"

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Alvin, ang recent ex-boyfriend ko.

"♪There's always one reason... to feel not good enough... and it's hard at the end of the day...♪"

Yeah, siguro nga... may reason kung bakit kami naghiwalay ni Alvin. Kung si Renz ba ang dahilan, hindi ko pa alam sa ngayon.

But a part of me is hoping...

"♪I need some distraction... oh... beautiful release...♪"

Dumilat ako at napako ang tingin ko sa sa orasan sa side table.

"♪Memory seeps from my veins... let me be empty... and weightless and maybe...♪"

Time would heal the wounds. Darating ang panahon na kapag naisip ko ang mga bagay na nakakasakit sa akin, ngingiti na lang ako at magiging masaya dahil sa mga panahon na iyon, kasama ko na ang lalaking para talaga sa akin.

At sana ang lalaking iyon ay ang lalaking nasa tabi ko ngayon... impit kong hiling.

"♪I'll find some peace tonight...♪"

Naramdaman ko ang paghaplos ni Renz sa buhok ko at napapikit ulit ako dahil doon.

And I suddenly felt at peace. Parang okay na ang lahat. I don't know if it's the song that gave me peace inside or... his presence.

"♪In the arms of an angel...♪"

Parang ang safe ko sa tabi niya at wala akong kailangan pang isipin sa paligid ko. I never felt like this to anyone before.

"♪Fly away from here... from this dark cold hotel room... and the endlessness that you fear...♪"

This feeling is strange to me at hindi ko alam kung dapat ba akong matakot. Pero ang mas nakakatakot ay ang gusto ko itong nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

"♪You are pulled from the wreckage... of your silent reverie...♪"

Agh! Wendy, kung anu-ano na naman ang iniisip mo!

"♪You're in the arms of the angel... may you find some comfort here...♪" patuloy niya sa pagkanta.

Nakaka-comfort nga ang kinakanta niya but at the same time, I could relate my feelings right now to it.

"♪So tired of the straight line... and everywhere you turn... there's vultures and thieves at your back...♪"

Oo, nakakapagod nga ang buhay ko na palagi na lang akong sumusunod sa parents ko. Pero ano namang mapapala ko sa pagsuway? I've tried it many times, pero panandaliang saya lang ang naranasan ko at lumilipas din iyon kaagad.

"♪The storm keeps on twisting... you keep on building the lie... that you make up for all that you lack...♪"

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya pa iyon na para bang alam niya ang mga iniisip ko ngayon at binibigyan niya ako ng lakas ng loob.

"♪It don't make no difference... escaping one last time...♪"

Sa mga simpleng gestures talaga niya, napapagaan niya ang loob ko. Pakiramdam ko tuloy, may palaging nar'yan para sa akin kapag kailangan ko.

"♪It's easier to believe in this sweet madness, oh... this glorious sadness that brings me to my knees...♪"

Naramdaman ko ulit ang pagsuklay niyasa buhok ko gamit ang kamay niya at nakadagdag iyon sa paggaan ng pakiramdam ko.

"♪In the arms of an angel... fly away from here... from this dark cold hotel room... and the endlessness that you fear... you are pulled from the wreckage... of your silent reverie... you're in the arms of the angel... may you find some comfort here... you're in the arms of the angel...♪" Idinikit niya sa noo ko ang labi niya at saka niya binanggit ang mga huling letra ng kanta. "♪May you find some comfort here...♪"

Nagmulat ako ng mata pagkatapos ng kanta niya. Lumayo ako ng bahagya sa kanya para makita ko ang mukha niya at hinawakan ko siya sa pisngi.

"You're really an angel," nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti din siya sa akin. "Nope. You're my angel."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Parang nagulat siya sa ginawa ko pero naramdaman kong gumanti rin siya ng yakap nang makabawi.

"Thank you," mahina kong sabi habang magkayakap pa rin kami.

"Ang daya mo naman, eh. Kinantahan na kita, hindi ka pa rin nakatulog," parang nagtatampong bulong niya din sa akin.

Natawa lang ako sa sinabi niya. Para kasi siyang bata.

∞∞∞

Nandito na kami ngayon kasama ang family nila Renz at Lianne at nagdi-dinner sa restaurant ng hotel na tinutuluyan nila.

Ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya sa mga kasama namin. Sinabi niya na iyon sa akin bago kami pumunta dito. Pero hindi ako pumayag at hindi rin naman ako humindi.

Mababait ang parents nila pati na din ang parents ni Lianne. They treat me as part of their family, already. Walang halong kaplastikan o kung anuman. Hindi din ako na-out of place sa kanila.

"Are you okay?" bulong sa akin ni Renz.

Katabi ko si siya sa kanan ko at katabi naman niya si Mark na katabi si Lianne, nasa kaliwa ko naman ang Mom nila Renz nakatabi ang Dad nila na katabi naman ang mga parents ni Lianne.

Ngumiti ako at gumanti ng bulong sa kanya. "Yeah, they're cool."

Ngumiti rin siya at bumalik na kami sa pagkain.

"Babe, look at them." Napatingin kami pareho ni Renz kay Mark na narinig naming bumulong kay Lianne. "Ang sweet ni Wendy kay Renz. Bakit ikaw hindi ka ganyan sa akin?"

"Sweet your face! Sapakin pa kita, eh!" nakairap namang sagot ni Lianne kay Mark.

"Nag-aaway ba kayo mga anak?" tanong ng Mommy ni Lianne na napansin yata ang may kalakasang bulungan nilang dalawa.

"H-hindi po Mommy," maagap na sagot ni Lianne. Pagkatapos ay humarap kay Mark at pinandilatan niya ito ng mga mata.

Ngingiti-ngiti naman si Mark na hindi ko alam kung bakit.

But they are really cute together. Parang aso't-pusa lang, pero bagay talaga sila.

"Don't mind them. Ganyan talaga 'yang dalawang 'yan," bulong ulit sa akin ni Renz.

Nilingon ko siya. "They look good."

Tumingin naman siya kila Lianne, saka ulit yumuko sa pagkain niya at sumubo. Ngumuya muna siya bago nagsalita. "No, they look great." And then he smiled.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit parang okay lang sa kanya ngayon? 'Di ba kanina naiinis siya? Na parang nagseselos siya sa kuya niya. Bakit ngayon nakangiti pa siya?

"Why?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napansin niya sigurong napahinto ako at napatitig sa kanya.

"W-wala," kaila ko at ngumiti ulit ako sa kanya.

Inubos na namin ang pagkain namin, habang si Lianne at Mark ay impit na nag-aaway pa din sa tabi ni Renz. Natatawa na nga ako sa kanila. Napansin ko rin ang pag-apak ni Lianne kay Mark kaya namilipit siya sa sakit pero hindi pinapahalata.

Si Renz naman panay pa din ang tanong sa akin kung okay lang ba ako. Ilang ulit niya pa yatang itinanong iyon sa akin hanggang sa matapos ang dinner.

"Hija, kailan ang balik mo sa Manila?" usisa ng Mom nila Renz sa akin habang nakaupo pa rin kami sa table at nagpapababa ng kinain.

"Ah, bukas na po, Tita," sagot ko.

"Bukas na kaagad? Hindi ka ba puwedeng mag-extend hanggang sa susunod na araw para makasabay ka na namin sa pag-uwi?" tanong pa ulit nito.

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Renz. "'Ma, hindi puwede. May pictorial siya the day after tomorrow."

Nasabi na ni Renz kanina na model ako sa mga European magazines kaya hindi na sila nagulat na may pictorial ako sa susunod na araw.

"Gan'on ba? Pero 'di bale, dumalaw ka na lang sa bahay kapag may free time ka, hija," magiliw pang anyaya sa akin ng Mama nila Renz.

"Sige po, Tita," nakangiti ko namang sagot.

Marami-rami pa kaming napag-usapan bago umakyat ang apat na matatanda sa kanya-kanyang kwarto. Naiwan kaming apat.

"So... saan tayo ngayon?" tanong ni Mark.

"Ako, aakyat na. Inaantok na ako," sabi ni Lianne na akmang tatayo na.

"Mamaya na, babe," pigil naman ni Mark kay Lianne habang nakahawak sa braso niya.

"Tigilan mo 'ko sa kabe-babe mo sa'kin, Mark, ha?!" napipikong sabi ni Lianne. "Nakakasuka ka na talaga." Hinila na niya ang kamay niya pero hindi iyon binitawan ni Mark.

"Babe, naman... sorry na nga sa ginawa ko kanina, eh," nagpapaawang sabi ni Mark.

Aliw na aliw naman ako sa kanilang dalawa. Bagay na bagay talaga sila. Ang lakas ng chemistry nilang dalawa. Ang cute nilang tingna.

Kami kaya ni Renz, ganoon din? I shook my head. Bakit ko ba iniisip iyon?

"Tara na nga, Wendy," agaw ni Renz sa pansin ko.

Nilingon ko siya. "Saan tayo pupunta?"

"Doon sa walang mga asungot," sagot niyang nakakunot ang noo.

"Hoy! Narinig namin iyon, ha?!" sabay na sigaw ni Lianne at Mark na patuloy pa din sa paglalambingan.

Oo, lambingan ang ginagawa nila. Ang sweet kaya nila.

"Bahala kayo r'yan mag-away. Aalis na kami ng Wendy ko," sabi ni Renz doon sa dalawa at hinatak na ako palabas ng resto.

"Bye, Wendy!" paalam pa sa akin ni Lianne kaya nilingon ko siya.

"Bye!" Kumaway pa ako sa kanya gamit ang isang kamay ko na hindi hawak ni Renz.

"Mag-ingat ka r'yan sa best friend ko, ha?!" tatawa-tawa pa niyang bilin. "Hindi 'yan naturukan ng anti-rabbis."

Natawa na lang din ako sa sinabi niya.

"Tss!" I heard Renz hissed. Nang lingunin ko siya ay naka-pout siya.

Napangiti na lang ako sa inasal niya.

>>> Next Chapter >>>

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

675K 11.9K 24
Dalawang tao na VIRGIN... Si VALENTINA (32 years old), isang writer na gustong magkaroon ng "experience" para makapagsulat na siya ng erotic story. P...
31.8K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
9K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
22K 493 13
Formerly, 'A Thousand Crush' A girl with principles. Matalino, maganda at sobrang bait. 'Yun nga lang... mahilig sa gwapo. Lahat ng gwapong kaniyang...