So Into You (BxB)

Av Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... Mer

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 37 : Bipolarity - Trust

17.9K 328 44
Av Ytianity

KARL VINCENT'S POV

"Good morning!" bati sa akin ng isang anghel nang magising ako.

Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan sa labi. Kahit medyo sumasara pa ang mata ko, ay napansin ko ang pagba-blush niya.

"Morning." nakangiti niyang bati sa akin.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko naman sa kanya.

Bahagya siyang umiling kaya nag-alala ako.

"Bakit? May masama ka bang napanaginipan kaya hindi maayos ang tulog mo?" tanong ko sa kanya, evident pa nga yung tono ng pag-aalala eh.

"Kung ikaw kaya sipain ko, maaayos ba ang tulog mo!?" pabulyaw niyang sabi kaya nagising ang diwa ko.

"Nasipa na naman kita? Tch, sabi ko kasi sa'yo yayakapin na kita eh." sabi ko naman sa kanya na parang siya pa ang sinisisi ko.

"Oo eh. Manananching ka lang kaya!" sagot naman niya.

"Hoy! Sino kaya sa ating dalawa ang mahilig mananching?" balik-tanong ko naman sa kanya.

"Ikaw! Everytime nga na makikita mong may pagkakataon ka na yakapin ako, halos gawin mo na akong unan eh." sagot naman niya.

"Aba't! Nung isang araw nga halos mawalan na ako ng hininga sa pagyakap mo eh. Ang higpit!" sabi ko naman sa kanya.

"Eh kasi inaway mo ako! Sabi ko na sa'yo na tama yung sagot ko dun sa quiz natin, pinapalitan mo pa! Pinilit mo pa yung mali mong sagot!" sagot naman niya.

Naramdaman kong umiinit na ang ulo ko sa sagutan namin. Umagang-umaga, ganito kami.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagdilat ko ay tumama ang labi ni Allen sa labi ko.

"Love you!" nakangiti niyang sabi nung maghiwalay ang mga labi namin.

Parang biglang nawala yung inis ko at napangiti na lang din ako. Hinawakan ko siya sa batok at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan ko uli siya para quits kami.

Simula nung naging kami ni Allen, parang bago na lahat ng mga nangyayari sa akin. Dati, normal lang sa akin ang halikang ganito. Normal, as in parang okay lang. Pero pag si Allen na, grabe! Parang nakakaubos ng hininga! Pero kahit mawalan ako ng hangin sa baga, parang gusto ko pa ring gawin. Ganun.

"I love you, too." sabi ko sa kanya with my most sincere voice and expression.

Gusto ko pa sanang mag-stay sa kama kasama si Allen pero kinatok na kami ni Mommy at sinabing maghanda na raw kami sa pagpasok.

"Nasaan na yung susuotin ko?" tanong niya sa akin.

"Kunin mo na lang dyan sa closet ko. Pare-parehas lang naman yan ng sukat eh." sagot ko naman sa kanya habang binubuksan ko ang computer ko para mag-FB.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Diba sabi ng Mommy mo, maligo na?" sabi ni Allen sa akin mula sa likod. Siguro nakaupo pa siya sa kama.

"Mamaya na ako maliligo. Anong oras pa lang eh. Nagmamadali lang yang si Mommy kasi nandito ka." sagot ko naman sa kanya.

"Kahit na! Malay mo may pupuntahan palang iba yun kaya nagmamadali." pag-depensa niya kay Mommy.

"Saan naman siya pupunta? Eh ang pasok nun, 10 pa! Alangan namang sa Amerika pumunta yun, eh magpapa-book pa lang ng flight si Daddy." sagot ko naman habang tina-type ko ang username at password ko.

Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Basta ang narinig ko na lang ay may bumukas na pinto at sumara.

ALLEN'S POV

So, tuloy pala yung pag-alis nila?At mukhang malapit na iyon. Kaso hindi pa sila booked for a flight? Ano na kami nito? Hindi ako marunong ng LDR kasi siya ang first boyfriend ko. Wala pa akong experience sa mga ganito. Mahal ko si Karl at ayokong malayo sa kanya.

Gwapo, matalino, mabait at kwela si Karl. Hindi malayong may magkagusto sa kanya dun. At alam kong hindi rin imposible na may magustuhan siya dun.

"Allen! Ang tagal mo! Naiihi na ako!" sigaw ni Karl mula sa kabilang side nung pinto.

Pinunasan ko yung luha ko at humarap sa salamin. Tiniyak kong maayos akong haharap kay Karl.

Nung masigurado ko nang maayos ang itsura ko ay agad kong binuksan ang pinto.

Agad niyang tinulak pabukas yung pinto nang mawala iyon sa pagkaka-lock. Buti na lang at agad akong nakaiwas kundi baka naibalibag na din niya ako.

"Bakit ka b- Aaaah!" nagulat ako ng lingunin ko siya!

Umiihi pala siya!

Tumalikod ako para hindi ko makita yung 'ano' niya. Kahit naman may relasyon kami, nakakahiya pa rin ang magkakitaan ng ganun. At saka first time namin parehas sa ganito, malamang may isa sa amin na ayaw sa sex. At feeling ko, ako yun! Grabe!

"Bakit hindi ka pa naliligo? Akala ko nagbababad ka na." bigla niyang sabi sa akin. Hindi ako makalingon sa kanya kasi baka umiihi pa siya.

"Tapos ka na ba?" nahihiya kong tanong sa kanya.

"Anong tapos na? Maligo? Eh nauna ka ngang pumasok sa CR eh." bobo tayo ngayon, Karl?

"Tapos ka na bang umihi!? Bilisan mo dyan!" utos ko sa kanya.

Narinig kong tumawa siya ng mahina tapos biglang pumulupot ang braso niya sa baywang ko mula sa likod.

"Karl! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" utos ko uli sa kanya.

"I love you." sabi niya lang sa akin tapos ay hinalikan niya ako sa gilid ng leeg ko.

Para akong mahinang kinuryente nang tumama ang labi niya sa balat ko. Napapikit pa ako dahil sa sensation na dulot nun.

"Karl! Allen! Handa na ang almusal niyo! Bilisan niyo baka ma-late kayo!" sigaw ni Tita mula sa labas ng kwarto habang kinakatok ang pinto. Napaigtad kami at agad na naglayo. Naramdaman kong mainit ang pakiramdam ko samantalang namumula naman si Karl.

Anong nangyari? Papunta na ba kami sa ganun? Hindi pa pwede! Hindi pa ako handa sa ganun!

"Maligo ka na. Ako na magsasabi kay Mommy na hindi pa tayo tapos maligo. Basta bilisan mong maligo ha? Alam mo namang ayaw nun ng pinag-hihintay ang pagkain eh." sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Sige." matipid kong sagot tapos tumalikod na siya para harapin ang Mommy niya.

KARL VINCENT'S POV

Anyare!? Muntik na yun ah!? Hahalikan ko lang sana siya sa leeg, pero biglang pumasok sa isip ko yung kama ko tapos parang gusto ko siyang ihiga at ... ahh! Hindi hindi! Wag muna ngayon, okay? Magpigil ka muna, Karl! Hindi pwedeng padaskol-daskol sa desisyon, okay? Mamaya gawin ko sa kanya yun tapos hindi naman pala siya handa. At saka, bago nga sa akin ang mga ganito diba? Natural pati yung pakikipag-sex bago din!

"Oh, bakit naka-pantulog ka pa? Diba sabi ko maligo na kayo?" bungad sa akin ni Mommy nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko.

Napakamot ako ng batok at nangiti sa kanya.

"Napasarap kami ng kwentuhan eh." pagpapalusot ko.

"Oh sige. Bilisan niyong maligo ha? Nakahanda na ang almusal." sagot lang niya tapos bigla siyang lumapit sa akin.

"Saka sa susunod nga, wag na kayong mag-lock ng pinto ha? Hindi ako sanay na naka-lock ang pinto ng kwarto mo eh." bulong niya sa akin.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Hindi ba talaga ako nagla-lock ng pinto noon? Parang nagla-lock naman ako ah?

"Nagla-lock naman ako ng pinto ah? Hindi mo lang napapansin kasi ang naaabutan mo lang eh yung hindi naka-lock ang pinto ko." pagdepensa ko naman. Nagla-lock naman talaga ako ng pinto eh. Tch.

"Sige na. Oo na. Bumaba na kayo pag nakapagbihis na kayo ha?" sabi niya na lang tapos ay tumalikod na siya para bumaba.

Pagkasara ko ng pinto ay siya namang bukas ng pinto ng CR ko. Iniluwa ng pintong iyon ang isang nilalang na nakatapis lang ng tuwalya at yung ibabang parte lang ang natatakpan. Medyo basa pa yung buhok niya at kitang-kita pa ang ilang butil ng tubig mula rito.

Dumadausdos yung tubig sa dibdib niya na parang nagpainit naman ng katawan ko.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sa katawan niya kaya lumingon siya. Napatitig naman ako sa mukha niya at nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya!

I'm in deep shit, dude!

ALLEN'S POV

Problema nun? Bakit kumaripas siya ng takbo papasok ng CR? Weirdo na naman siya.

Dinampot ko na lang yung slacks na gagamitin ko tapos ay sinuot iyon. Sinampay ko muna sa maliit na sampayan sa gilid yung towel tapos ay nagpatuloy na ako sa paghahanda.

After kong makapagbihis ay hindi pa rin lumalabas si Karl.

Lumapit ako sa pinto at pinakinggan kung may lagaslas ng tubig, pero wala naman akong narinig. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to? Mapapagalitan kaming parehas sa ginagawa niya eh.

Mahina akong kumatok para paalalahanan siya na maligo na.

"Hoy, Karl! Anong petsa na!? Mamaya umakyat na naman Mommy mo dito tapos bulyawan na tayo!" sigaw ko para naman bilisan na niya ang kilos niya. Pero nag-antay ako ng 3 segundo, wala siyang sagot.

Kups talaga 'tong lalaking 'to!

Sa sobrang inis ko ay napihit ko ang doorknob at laking gulat ko nang bumukas iyon! Lagot ka sa aking lalaki ka!

Pumasok ako sa loob. Sisigawan ko na sana siya nang makita kong nakaupo lang siya sa toilet bowl at nakatulala. Nakapatong yung kamay niya sa harap ng 'ano' niya.

Nag-'ano' ba siya? Grabe naman!

Napalingon ako sa mukha niya ng mapansin kong dahan-dahan siyang lumingon din sa akin.

Nung magtama ang paningin namin ay namula ang buong mukha niya at nanlaki pa ang mata. Bigla siyang tumayo at sumigaw. Nagtago siya sa likod nung shower curtain pero nakadungaw ang ulo niya.

"A-a-anong g-ginagawa m-m-m-mo, A-Allen? B-bakit na-na-nandito ka sa l-loob?" nauutal at mukhang kabado niyang tanong sa akin.

"Nag-masturbate ka ba?" tanong ko sa kanya. Diretsahan ba? Ano namang problema dun? Parehas kaming lalaki at kailangan namin yun.

"Ha? H-hindi! B-ba-basta! Lumabas ka na nga para makaligo na ako!" sabi lang niya tapos nginuso niya ang pinto.

"Okay. Bilisan mong maligo ha? Mamaya umakyat dito si Tita, wala akong maidahilan." sabi ko lang tapos ay tinungo ko na ang pinto.

Sinulyapan ko uli siya bago ako lumabas at nakita kong parang nagulat siya. Ano bang meron at parang magugulatin ata ang boyfriend ko ngayon?

Tuluyan na akong lumabas at hinanda ang mga gamit ko.

Pagtapos ng 5 minutes ay lumabas na si Karl. Kung paano siya nakapagpatuyo ng katawan, hindi ko alam. Wala naman siyang dalang towel nung kumaripas siya ng takbo eh.

"Babe?" bungad ko sa kanya.

Hindi siya lumingon tapos ay dumiretso siya sa walk-in closet niya. Tss.

Tumayo ako mula sa kama tapos ay sinundan ko siya sa loob nun. Nakita ko siyang nakayuko at namimili ng susuoting sando. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Parang nagulat siya na makita ako dun, ang laki kasi ng mata niya eh.

"Ano bang problema mo? Bakit parang magugulatin ka ata ngayon?" tanong ko sa kanya na may halong tono ng pagkainis.

Bigla namang nawala yung pagkagulat sa mukha niya at bumalik na naman ito sa sweet look.

"Sorry. Wala 'to. Sige na, dun ka muna sa labas, magbibihis lang muna ako." sabi niya lang kaya hinayaan ko na lang muna siya mag-isa.

Umupo na lang muna ako sa kama habang hinihintay siya.

Paglabas niya ay tumayo na ako at sinukbit ang bag ko sa balikat ko.

"Halika na?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya habang sinusukbit din ang kanyang bag sa balikat niya.

Mauuna na sana akong lumabas, kaya lang ay bigla kong naalala yung mga uniporme ko. Pag-ikot ko ay tumama ang mukha ko sa dibdib ni Karl.

Napaaray ako dahil may tumamang matigas na bagay sa noo ko.

Umatras ako ng bahagya at sinapo ng kaliwa kong kamay ang noo samantalang ginamit ko naman ang kanang kamay ko para kapain yung bagay na yun habang nakapikit ako.

Nung makapa ko na yung bagay na yun ay nagdilat ako ng mata, napansin ko na kwintas pala yun at singsing na naging pendant ang tumama sa akin. Napansin ko rin sa gilid na nakataas yung kamay niya at parang nanginginig na parang may gusto siyang hawakan.

Nabigla ako nang bigla niyang hawakan yung braso ko at hilahin niya ako at ikulong na naman ako sa mahigpit na yakap.

Hindi na ako pumalag dahil baka malukot lalo yung uniform namin. Pero nakakapagtaka kasi eh. Para siyang may gustong sabihin o gawin pero para rin namang hindi niya magawa o hindi pa siya handa. Ewan, basta!

Naghiwalay lang kami nung katukin na naman kami ng Mommy niya at bulyaw-bulyawan. Kasi naman eh.

Pagbaba namin ay dumiretso na kami sa kusina at nag-almusal. Hindi ako makakain ng maayos dahil natatawa ako sa titig ni Tita sa aming dalawa ni Karl. Parang gusto niya kaming pagalitan, pero hindi niya magawa dahil nasa harap kami ng hapag-kainan. Hahaha. Funny ni Tita! Hahaha.

"Pagtapos niyong kumain, pumasok na kayo ha?" sabi ni Tita sa amin habang mahigpit ang hawak sa kutsara.

"Yes, Mi." sagot lang ni Karl.

"Nga pala. Umuwi ka ng maaga, Karl ha? May sasabihin pala kami sa'yo. We'll be discussing that thing with your Dad." seryosong sabi ni Tita kaya parang bumalik yung kaba, takot, at sakit sa dibdib ko. Pagpaplanuhan na ba nila yung pag-alis nila?

Parang bigla akong nawalan ng gana kumain kaya pinaglaruan ko na lang yung natitira sa pinggan ko.

"Tapos ka na kumain?" tanong ni Karl sa akin kaya tumango ako bilang sagot.

Tumayo na kami at nagpaalam kay Tita.

Sumakay kami sa kotse niya at tumungo na ng school.

Habang nasa daan ay nakatanaw lang ako sa labas. Hindi ko maiwasang malungkot dahil mukhang sasabihin na agad nina Tita yung balak nila.

At mukhang napansin naman ni Karl yung eksena ko.

"May problema ba? Parang ang tahimik mo ata ah?" tanong niya habang nagda-drive.

"Wala." tipid ko lang na sagot tapos ay kinuha ko ang earphone ko sa bag ko at sinaksak iyon sa cellphone ko. Nag-search ako ng kanta hanggang sa madatnan ng mata ko ang kantang "Don't Go" ng favorite kong KPop group na EXO. Yung Chinese version ang pinili ko kasi hindi translated yung 'Don't Go' dun. Buong-buo kong maririnig yung mga salitang yun.

Hindi ko  na pinansin si Karl kasi baka lalo lang akong malungkot.

Pagdating namin sa school ay agad na akong bumaba at dumiretso sa room. Ni hindi ko na inantay si Karl na sabayan ako.

Pag-akyat ko naman sa room ay sumalubong sa akin ang mukha ni Jason. Gusto kong mainis at suntukin yung mukha niya pero pinigil ko ang sarili ko dahil ayoko namang madagdagan yung heavy feeliing sa dibdib ko.

Tahimik na lang akong umupo sa upuan ko at nakinig pa ng music. Maya-maya nang dumating si Karl ay magkasalubong ang kilay niya habang papalapit siya sa akin. Hinablot niya yung earphone ko kaya napatitig ako sa kanya lalo.

"Ano bang problema mo? Bakit hindi mo ako inantay?" pabulong na sigaw niya sa akin.

"Wala." tipid at diretsa kong sagot tapos ay hinablot ko uli yung earphone ko sa kanya at sinandig ang ulo ko sa pader.

"Hindi eh. Iba ka ngayong araw." sabi pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil saktong pasok naman ng prof namin. Ang aga! Excited magturo?

KARL VINCENT'S POV

Tch. Hindi ako sanay ng ganito si Allen eh. Nakakapanibago talaga!

"Par, problema ni Allen? Ang tahimik ata ah?" pabulong na tanong sa akin ni Jomar.

"Ewan ko dyan! Naiinis na nga ako eh. Tinatanong ko kanina kung anong problema niya pero ayaw naman niyang sabihin." medyo malakas at medyo nang-gigigil ko na ring sabi.

Tinitigan ko siya ng masama pero parang hindi niya ako napapansin. Patuloy lang siya sa pagbabasa ng libro para sa next subject namin. Medyo nakalayo din siya sa amin na lalong nakapagpa-init ng ulo ko!

"Teka lang, Par ha? Kakausapin ko lang 'to." seryoso kong sabi kay Jomar tapos ay tumayo ako at hinawakan sa braso si Allen.

Nag-angat naman siya ng mukha sa akin at tinitigan ako na parang nagtatanong kung ano ba ang ginagawa ko.

Hindi naman ako nagsalita at basta ko na lang siyang hinila. Nagpumilit siyang kumawala pero hindi ko siya hinayaan. Gusto kong malaman ung anong problema at nagkaka-ganyan siya.

Dinala ko siya sa fire exit ng building pero sa kabilang side, wala kasing dumadaan na tao dun eh, nakatago kasi yun sa mga halaman. Isinandal ko siya sa pader tapos ay isinara ko ang pinto, wala namang makakapansin sa amin eh.

Sinibasib ko agad siya ng halik pero tinulak niya ako.

"Ano bang problema mo? Tinatanong kita pero ayaw mo namang sagutin. Naiinis na ako sa pinapakita mo ha?" iritang-irita ko nang nasabi sa kanya.

"Wala nga kasing problema!" sagot lang niya.

"Walang problema? Pero yung mukha mo parang pinagsakluban ng langit at lupa. Para kang nawalan ng isang milyon!" bulyaw ko sa kanya.

Tahimik lang siya at napayuko.

"Allen, sabihin mo na kasi sa akin kung ano ang problema. Boyfriend mo ako at gusto kong pagkatiwalaan mo ako sa lahat ng bagay. Unless, wala ka talagang tiwala sa akin." sabi ko sa kanya at bigla naman siyang nag-angat ng ulo.

"Karl, may tiwala naman ako sa'yo eh." bigla niyang sabi.

"Eh bakit ayaw mong sabihin kung ano ang problema mo?" tanong ko sa kanya in my sincerest voice.

Bumuka ang bibig niya pero sumara din agad iyon tapos ay yumuko uli siya.

Napabuntong-hininga siya at saka nag-angat uli ng ulo.

"Walang problema, okay? Wala lang sa hulog yung gising ko kaya ganito ako ngayon. Masanay ka na kasi madalas akong ganito." nakangiti niyang sagot.

Nagduda ako sa sagot niya pero hinayaan ko na lang iyon. Binanggit ko ang 'tiwala' pero ako hindi magtitiwala? Baka unfair.

Nginitian ko na lang siya at hinalikan uli sa labi. There, we shared that passionate kiss that turns me on. Oh, Allen, iba ka talaga! Kalalaki mong tao pero nae-excite ang katawan ko sa'yo!

ALLEN'S POV

Medyo sinungaling ako sa sagot ko ah? Totoo na medyo wala sa hulog yung gising ko kanina, pero syempre, ang totoong dahilan naman ng pagiging gloomy ko ay yung plano nilang lumipad at TUMIRA sa Amerika. Na-guilty ako nung binanggit niya yung salitang 'pagkatiwalaan'. Hindi kinaya ng konsesya ko yun eh. Tama nga naman siya, boyfriend ko siya kaya dapat akong magtiwala sa kanya.

"Sa bahay ka ulit matutulog mamaya?" pabulong na tanong sa akin ni Karl habang pabalik na kami sa mga kaibigan namin. Tinitigan ko naman siya with disbelief evident in my orbs.

"Live-in ba 'to? Pauwiin mo naman ako sa pamilya ko! Nami-miss naman ako ng mga yun 'no!?" sagot ko naman sa kanya.

"Eh mami-miss naman kita." sagot niya sa akin tapos nag-puppy eyes pa siya at nag-pout. So bata! Pero so cute naman!

"Shut up, Karl! May school pa tayo kaya imposibleng mamiss mo ako." sabi ko naman sa kanya tapos ay tinampal ko yung noo niya.

"Posible yun! Lalo na't inlove na inlove ako sa'yo.' nakangiti at pabulong niyang sabi sa akin.

Bigla namang nag-init ang pisngi ko kaya lumakad na ako palayo sa kanya.

"Hey! Bakit wala kang sagot!?" tanong niya sa akin.

"Che! Mamaya hindi ako makapagpigil at dun na talaga ako tumira sa inyo eh." sagot ko na ikinatawa naman niya ng malakas.

Natigilan siya ng dumaan sa harap namin si 'Stalker dude', yun daw ang tawag niya sa lalaking 'to eh.

"What's so funny, Karl Vincent? Masaya bang kasama 'tong lalaking 'to, kesa sa akin?" tanong ni 'Stalker dude'.

Sumeryoso naman ng mukha si Karl at umakbay sa akin.

"Oo naman! Kasi, una, kaibigan ko siya. Pangalawa, boyfriend ko siya. Pangatlo, stalker kita. Pang-apat, ayaw kita. At panglima, mahal ko siya." sabi ni Karl pero mahina lang, enough pra kaming tatlo lang ang magkarinigan.

Napanganga naman si 'Stalker dude' tapos ay tinitigan ako ng masama.

"Pag sinaktan mo si Karl, humanda ka sa akin!" sheeeet! Death threat agad?

Inirapan niya ako at saka siya umalis.

"Baliw talaga yun!" boglang sabi ni Karl.

"Parang ikaw lang." sabi ko naman habang nakangiti.

"Ha? Anong ako? Baliw ba ako?" tanong naman niya sa akin.

"Yung hinalikan mo ako sa harap ng mga tao nung after grad party ni MJ, hindi ba kabaliwan yun?" paalala ko sa kanya.

"Hey! That was I, telling you that 'I love you'." depensa naman niya.

"Ng lasing ka?" tanong ko sa kanya.

"Hindi nga ako lasing at that time!" depensa ulit niya. Ang cute talaga nito pag naiinis!

"Okay, sabi mo eh." sabi ko na lang tapos ay lumakad na ako pabalik sa mga kaibigan namin.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinablot uli ni Karl ang kamay ko at hinila ako papasok sa CR.

"Karl! Ano na naman 'to?" tanong ko.

Pero bago ko pa masundan yun nauna kong tanong ay hinalikan na naman ako ni Karl. Can't this guy stop kissing me even for just a day? Mamaya mawalan na ako ng hininga sa kakahalik niya eh.

Though gusto ko yung soft and tender kisses niya, we need to stop. Kitang-kita kami dito pag nagkataon, nakaharang kami sa doorway eh. Tinulak ko tuloy siya at naghabol kami parehas ng hininga.

"Karl, ha- stop- ha- buma- ha- bumalik na tayo- ha- sa kanila." hinihingal kong pakiusap sa kanya na mukhang naintindihan naman niya.

Sabay na kaming bumalik sa mga kaibigan namin at pinagpatuloy ang araw namin.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Meh! Wala akong naintindihan sa gawa ko! Hahahahaha. Kayo ba? XD

And, yeah, I think I'm going to edit some past chapters, AGAIN! Like chapters 35 and 36. After grad party naging mag-on sina Allen (Chapter 35) pero sabi ko last chapter, wala pa silang isang buwan. My bad, sorry! Ie-edit ko yun pag sinipag ako pero pag hindi, intindihan na lang ang labanan! Hahahahaha. And Happy Birthday ulit to Ytianity! 1st birthday niya kahapon (September 29). :))))

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
702K 15.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
366K 2.1K 23
10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples...
1.8M 54.3K 81
Bagay na naiisip ko habang walang ginagawa. Storyang kathang isip lamang na pwedeng makaapekto sainyo. Sundan ang mala fairytale na buhay ni Anjo sa...