So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 36 : Conversation - Toothbrush

21.5K 338 63
By Ytianity

Not sure of my grammars here. Been doing this while I'm half asleep.

This was supposed to be uploaded yesterday (Sept. 24) pero grabe kasi talaga sakit ng ulo ko at that time eh. But hey! Ito na ang resulta ng 3 araw kong pag-iisip, pagpupuyat, pagpapakagutom, at pagpapakapagod. Just give me another 5 to 7 days bago mag-upload ng panibagong chapter. Natutusta din naman brain cells ko, you know. :)))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

"Hmm?" tanong ko kay Karl na tinawag ang pangalan ko.

Nasa klase kami ngayon, ano ba kasing itatanong niya? Kita naman niyang nagte-take down ako ng notes eh.

"Allen." tinawag na naman niya ang pangalan ko, pero this time, parang pinipilit na niya akong lumingon sa kanya.

Pinagbigyan ko na lang siya kesa kulitin pa niya ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya.

Ngumiti lang siya tapos tinangka niyang hawakan yung kamay ko. Agad akong umiwas at tinitigan siya ng masama. Pero kumalma ako nang makita ko siyang naka-pout. Ang cute talaga magtampo nito.

Kumuha ako ng papel at sinulatan iyon. Inabot ko sa kanya iyon at agad siyang ngumiti nang matapos niya iyong basahin.

Ano ang nakalagay sa papel?

Hahahaha.

Inaya ko siyang manuod ng sine!

Pero wala naman akong panlibre sa kanya! Hahaha. Bahala na nga! Gagamitin ko na yung itinatabi kong pera.

Nginitian ko na lang siya at tinanguan. Tumango din siya bilang sagot.

Sa buong araw ng klase namin ay ramdam ko yung excitement ni Karl. Paano ba naman kasi! Sa tuwing titingin ako sa kanya, nakatingin na siya sa akin tapos bigla na lang ngingiti. Topak lang?

"Sasama daw sina Jomar sa atin." sabi ko kay Karl nung magsabay kami sa CR. Pero joke lang yun! Try ko lang reaksyon niya.

"Hindi pwede! Tayo lang dalawa dapat! At saka anong gagawin nila dun? Date natin yun eh. Dapat wala tayong kasamang iba. At saka hindi ko magagawa ang gusto ko pag nandun sila. Alam mo namang bawal yung relasyon natin sa mata nila eh." defensive niya namang sabi.

"Ang daming sinabi! Nagbibiro lang naman ako." sabi ko naman sa kanya habang papalabas na kami ni CR.

Bigla niya akong pinitik sa tenga ng walang dahilan! Napa-aray pa nga ako ng pagkalakas-lakas eh.

"Bakit mo ginawa yun!?" takang-taka kong tanong sa kanya habang hawak ko yung tenga ko at tinitignan ko siya ng masama.

"Eh lakas trip ka eh." nakangiti niyang sabi habang nakapamulsa siya at nakatingin sa mga ulap sa bandang kaliwa.

Ang pogi talaga ng lalaking 'to!

Lumapit ako sa kanya at bumulong ng "I love you" sabay takbo! Hahaha.

Narinig kong sinigaw niya yung pangalan ko na parang agrabyado siya. Talo pa siya? Ako na nga unang nag-'I love you' eh.

Nung lumingon ako ay nakita kong hinabol niya na pala ako. Bago ko pa mabilisan yung takbo ko ay nakapulupot na yung braso niya sa leeg ko at ginugulo na yung buhok ko.

Nagtatawanan kami habang nasa ganun kaming eksena. Pero natigil kami nang biglang may humati ng hangin sa pagitan namin gamit ang kanyang kamay.

"Hep hep! Itigil niyo yan! Ga-piso na lang ang pagitan ng mukha niyo, at ayaw kong makita na nagdidikit ang mukha ng dalawa kong kaibigan! Errr, nakakadiri! Layo! Bilis! Ugh!" si Jason. Hay!

Teka! Anong ga-piso? Ganun na lang ang pagitan ng mukha namin? Hindi ko napansin! Hahaha. Sobrang tuwa kasi? Hahaha.

Dahan-dahan kaming naglayo ni Karl at napansin kong inirapan niya si Jason.

"Next time ha, wag kayong nagba-baklaan. Si Allen lang ang bakla. Ayaw kong may mahawa sa ating tatlo." sabi ni Jason habang nagpapasalit-salit yung tingin niya sa dalawa.

Yung itsura ni Jomar, kalmado lang. More like, wala kang mababakas na emosyon. Pero si Karl, salubong na ang kilay tapos nakakuyom pa ang kamao. Nakow, mag-aaway 'tong dalawa pag hindi nakapagpigil ang si Karl.

Humarang ako sa paningin ni Karl tapos sinuntok ko si Jason sa braso.

Nagulat naman siya at napahawak sa braso niya.

"Problema mo?" kunot noo niyang tanong na may tono ng galit sa boses niya.

"Ikaw, anong problema mo? Hindi naman sakit ang kabaklaan para mahawa kayo eh. Isa pang insulto mo sa akin, kahit kaibigan kita, sa dibdib ka na tatamaan. Tatanggalin ko lahat ng natitirang hangin dyan sa baga mo!" galit kong sabi sa kanya pero nagawa ko lang naman yun para hindi sila mag-away ni Karl. Mas matagal naman silang naging magkaibigan 'no?

Naramdaman kong kumilos si Karl mula sa likod ko pero humarang lang ang ako sa view niya para hindi sila magkasakitan.

"Tanggap ko na tawagin mo akong bakla. Pero yung gawin mo yung example na parang nakamamatay na sakit yun, that's absurd! Sino ka ba para manghusga ng tao? Pare-parehas lang tayong tao dito." pangaral ko pa sa kanya. Hindi ko na pinansin yung mga nagtitinginan sa amin, basta ang gusto ko lang ay matamnan ng magandang sense ang utak ni Jason.

Napayuko na lang siya dahil na rin siguro sa pagkapahiya. Gusto ko pa sana siyang pagsabihan, pero nakaramdam na ako ng contentment sa pagkakapahiya niya. Kaibigan ko pa rin naman siya kaya hindi ko siya dapat sirain.

Binunggo ko na lang ang balikat niya nang mapagpasiyahan kong umalis na lang para magpakalma ng ulo.

KARL VINCENT'S POV

"Gusto sana kitang suntukin dahil sa mga sinabi mo pero, sa tingin ko, nagawa na ni Allen ang aspetong yun. Plus, pati yung kayabangan mo binugbog niya rin. Kung ako sa'yo, magbabago na ako. Tama si Allen. Tao tayong ginawa ng Diyos, kaya dapat tayong mga tao ay ganun din ang tingin sa isa't-isa." payo ko sa kaibigan ko nang makaalis na si Allen.

Pero tahimik pa rin siya at nakayuko. Tinitigan ko si Jomar at tumango naman siya sa akin. Ibig sabihin ay siya na ang bahala sa abnormal naming kaibigan.

Ngayon, kailangan kong hanapin si Allen kasi may date pa kami.

Dinukot ko yung cellphone ko sa bulsa habang lumalakad patungo sa gate. Saktong hindi ko dala ang kotse ko ngayon.

/ Hello, Allen? Nasaan ka? / tanong ko sa kanya habang palabas na ako ng gate.

/ Pauwi na. Bakit? / sagot naman niya.

/ What!? Ulyanin ka ba!? Get your ass back here! We have something to do together, remember!? / sabi ko sa kanya.

/ Pwede next time na lang? Nawala ako sa mood eh. Peste kasi yang kaibigan mo eh. Binadtrip ako. / medyo pagod yung tunog ng boses niya.

/ Sige. Pero nasaan ka na ba? Ihahatid na kita pauwi. Ay hindi! Punta tayo sa bahay! Maglaro na lang tayo dun! May in-install akong bagong laro sa computer eh. / sabi ko sa kanya kasi alam kong sumasaya siya sa harap ng mga gaming console at gadgets.

/ Geba! Andito lang ako sa may convenience store malapit sa school. / see? Adik din sa laro 'to eh. Hahaha.

/ Antayin mo ako dyan. / sabi ko na lang tapos nilakihan ko na yung hakbang ko.

Nung makarating ako sa convenience store ay nakita ko si Allen na nakatayo sa labas at mukhang bata. Ang cute!

Nakatayo kasi siya dun tapos naka-sukbit yung hinlalaki niya sa strap ng bag niya tapos nakatingin siya sa lupa at sinisipa-siya yung imaginary things na nandun sa paanan niya. Ang cute talaga.

"Allen." pagtawag ko sa pansin niya.

Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng mukha tapos ngumiti. Bakit parang lumiwanag? Ah, si Allen lang pala! Hahaha.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.

"Halika na?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

Tumango naman siya at muling ngumiti.

Hala! Yung puso ko! Gusto nang kumawala! Ang lakas ng kabog oh! Pihado ako, kung naririnig lang 'to ni Allen, mabibingi siya. Hahaha.

"Ano na? Magbabaliw-baliwan ka lang dyan? Pangiti-ngiti ka pa, parang kang naka-hithit ng rugby." kunot-noong sabi ni Allen na nakahawak na pala sa dulo ng strap ng bag ko at mahinang hinihila iyon.

Hinawakan ko siya sa braso para itigil niya yung ginagawa niya, nahihigit yun strap eh, naiipit kili-kili ko!

"Teka nga. Hindi ka na ba badtrip? Kanina, nung kausap kita sa phone, parang naubusan ka ng energy. Ngayon, para kang 5 years old na bagong gising na punong-puno ng energy." sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya tapos kinalabit niya ng hintuturo niya yung baba ko.

"Eh kasi nakita na ulit kita!" energetic at cute niyang pagkakasabi tapos kinalabit niya ulit yung baba ko.

Nag-blush naman ako sa sinabi niya. So, para mawala yung ka-badtrip-an niya, kailangan niya akong makita?

"Yieh! Kinilig siya! Namumula ka oh!" tuwang-tuwa niyang sabi tapos ay hinawakan ni ang magkabila kong pisngi.

Hinawi ko yung kamay niya at pinitik ko siya sa noo. Napakamot siya dun kaya natawa ako.

"Oo, kinikilig ako! Dahil kasi yun sa nandito ka sa harap ko." sabi ko sa kanya at napansin kong namula yung pisngi niya.

"Uy! Siya naman ang kinilig!" pang-aasar ko pa sa kanya.

Hinawi niya yung kamay ko at tumalikod.

"Tama na nga! Halika na, punta na tayo sa inyo. Mamaya gabihin tayo eh." sabi niya tapos nakita kong hinawakan niya yung pisngi niya. Hahaha.

ALLEN'S POV

"Oo na! Mamaya! Naman nito eh, para kang bata!" sabi ko kay Karl dahil kanina niya pa ako binubulungan na bigyan ko daw siya ng kiss. Eh hindi ko naman magawa ngayon kasi nasa jeep pa kami, kanina pa nga kami pinagtitinginan eh.

"Promise yan ah?" excited niyang tanong kaya tumango ako bilang sagot.

Yung mga titig ng tao, kahit hindi nila alam pinag-uusapan namin ni Karl, ramdam kong may hint na sila tungkol sa amin. Can't Karl be more obvious? Masyadong pahalata kasi eh.

Tumingin na lang ulit ako sa labas dahil masyadong tagus-tagusan yung titig ng mga utaw eh.

Pero napabalikwas uli ako ng titig nang marinig ko yung clicking sounds ng phone ni Karl.

Hinablot ko sa kamay niya iyon at inilagay sa bag ko.

"Sabi ko sa'yo, wag kang maglalabas ng phone pag nasa jeep tayo diba? Baka ma-snatch-an ka." sabi ko sa kanya.

"Sorry, sorry. Nalimutan ko eh." sagot naman niya tapos napakamot siya sa batok niya.

Inilahad niya yung kamay niya sa harap ko at tinitigan ako na pang sinasabi niyang 'Can I have my phone back? I won't do it again, promise.'. At dahil dun ay sumuko agad ako sa pakikipagtalo sa kalooban ko at iniabot ko sa kanya yung phone niya tapos tinitigan ko lang siya habang inilalagay niya iyon sa bag niya.

Tumingin na lang uli ako sa labas para hindi ako ma-bore sa biyahe.

Pero, nako-conscious talaga ako sa mga kasabay namin sa jeep eh. Specifically, yung dalawang babaeng kaharap namin. Hindi ko alam kung saang univ sila. Naka-civilian kasi sila eh, tapos wala pang ID lace o ni ID. Yung isa naka-backpack at yung isa naman naka-body bag, pero parehas silang may tig-limang MAKAKAPAL na libro na nakapatong sa kandungan nila. Showy. Kami naman may ganyan kakakapal na mga libro pero hindi namin dinala ng pa-ganyan. Edi sila na nerdy! Mga bookworm! Kumakain ng libro!

So, ayun na nga! Nako-conscious ako kina ate. Titingin kasi sila sa amin tapos biglang ngingiti or magbu-bulungan.

"Hoy! Nandito na tayo! Ano bang ginagawa mo?" biglang sabi ni Karl tapos tinapik niya ako sa braso using the back of his hand. Medyo mabigat ang kamay ha?

Pagbaba namin ay saka ko narinig ang nasa saloobin nung dalawang babae.

"Ang gwapo nila! Sa akin yung parang bata ah? Pero bet ko rin yung mukhang bata! Jusko! Matres ko! Sumabog na ata! Shets!" sabi ni babaeng naka-backpack.

"Hoy! Sa akin na yung mukhang bata! Mas gusto ko yung baby-faced eh." sabi naman ni girl na naka-body bag.

Natawa na lang kami ni Karl dahil sa mga narinig namin. OA nila. Pero at least, sila napigil nila yung excitement nila. Eh itong si Karl, parang dadambahin na ako sa jeep kanina eh.

Tutal at maglalakad pa kami papunta sa tahanan niya, hinawakan niya ako sa kamay. HHWW kami, though ang corny.

"Wag mong kakalasin kamay natin! Magagalit ako sa'yo." pagbabanta niya sa akin kasi tinangka kong tanggalin yung kamay ko.

"Oo na! Pero pagdating dun sa kanto niyo ha, akbay na lang." sabi ko sa kanya at naramdaman kong hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.

At ayun nga, magkahawak-kamay naming nilakad yung daan hanggang sa kanto nila. Nung nandun na kami, siya na mismo ang bumitaw at umakbay sa akin. Good boy! Masunurin. Hahaha.

Pagdating naman namin sa bahay nila ay agad siyang tumakbo papunta sa kwarto niya. Ni hindi man lang bumati o tiningnan kung sino mga tao ngayon sa bahay nila.

Bago ako umakyat, naglibot muna ako. Nakita ko si Manang na nasa backyard, nagdidilig ng mga halaman. Wow si Manang ha? Hapon na hapon, saka siya magdidilig!

Binati ko siya at kinawayan naman niya ako. Tinanong ko siya kung nasaan si Tito at si Tita, ang sabi niya ay nasa study room daw. Pero nasaan ang study room dito? Nakakahiyang magtanong kay Manang kung nasaan yun kasi baka sabihin niyang, 'Ano ka ba namang bata ka!? Tatlong taon na kayong magkaibigan ng alaga ko pero hindi mo alam pasikot-sikot sa bahay niya?'.

Minabuti ko na lang na hanapin kung nasaan ang mahiwagang study room na iyon. At nadatnan ko ang sarili ko na nakaharap sa isang puting pinto sa loob ng isang maliit na mukhang waiting area na kwarto. Nung buksan ko ang pinto ay may narinig akong nag-uusap.

"But that would be convenient for both parties. Pag dun tayo tumira, hindi na kayo maghihintay sa akin. Dun na ako uuwi. Plus, he can obtain better education there. After nun pwede na siyang magtrabaho sa kompanya." narinig kong sabi ni Tito.

What the heck!? Lilipat sila? Saan naman? Mukhang sa America pa ata ah? Paano na kami ni Karl? Ano, LDR kami? Ang duga naman oh!

Wala pa kaming isang taon tapos ito na agad ang haharapin namin?

Hindi na ako nakinig sa usapan at hindi na rin ako bumati sa kanila. Basta dumiretso na lang ako sa kwarto ni Karl at ini-lock ang pinto.

Nakaupo na siya sa harap ng computer niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Biglaan ata ah!? Anong meron at bigla-bigla kang nangyayakap?" tanong ni Karl.

Hindi na lang ako sumagot at lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya, to the point na halos masakal ko na siya.

"Teka, oof, machakit! Ah. Allen! A-Allen! Hindi ako makahinga!" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at napasalampak ako sa sahig.

Narinig kong lumangitngit yung swivel chair niya pero hindi ako nag-angat ng mukha.

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

Umiling lang ako dahil ayokong sabihin ang plano ng mga magulang niya. Desisyon nila yun eh. Wala naman akong palag dun eh. Sila ang magulang, anak lang si Karl at kaibigan lang ako ng anak nila.

"May problema. Wag mo sabihing wala. Never pa kitang nakita na malugmok ng ganyan. You're always the sunshine-y type. Palagi kang masaya, kahit pa galit ka." dagdag pa niya habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ko at marahan iyong hinahagod.

His hands felt good. Palagi akong nakukuryente pag nagkakadikit ang katawan namin. At lalo pang na-intensify yun, mula nung maging kami na. Pero paano na lang kung aalis na sila at maninirahan sa Amerika?

Mami-miss ng katawan ko yung kuryenteng yun. Mami-miss ko ang lahat-lahat kay Karl. Argh! Bakit kasi ipinanganak na mayaman 'tong si Karl eh!? Kayang-kaya tuloy nilang magpalipat-lipat ng tahanan, kahit sa ibang bansa pa.

"Wala. Dahil lang siguro 'to sa eksena namin ni Jason kanina. Nakakapagod magalit 'no!" sagot ko sa kanya tapos nag-angat na ako ng mukha. Ngumiti ako pero yung pilit lang. Hindi ko kayang ngumiti ng buong puso dahil sa narinig ko.

"Oh sige. Kahit pilit lang yang ngiti mo, tatanggapin ko. From now on, ayokong makita na malungkot ka ha? Nalulungkot din ako eh. Please, stay happy. Let's stay happy." sabi naman niya then lumuhod siya sa harap ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

Yumakap din ako sa kanya para i-savor yung moments namin. Mahirap na, baka bukas na pala agad flight nila.

"Never be sad, okay? That doesn't suit your face." sabi pa niya.

Lalong humigpit yung yakap ko nang sabihin niya iyon.

"I love you, Karl." pabulong kong sabi sa kanya.

"Alam ko. Ramdam na ramdam ko nga eh." ramdam ko yung happiness sa boses niya. Paano na lang kapag nalaman niyang LDR kami pag lumipat na sila sa States? Will his voice be happy like that?

"Oh! Diba sabi ko may in-install akong laro? Tignan mo dali! Sigurado ako magugustuhan mo yun." excited niyang sabi habang tumatayo at hinihila din ako patayo.

Pumunta siya sa likod ko at marahan akong tinulak-tulak papunta sa swivel chair niyang nasa harap lang naman namin.

Nung umupo ako ay natuwa ako sa nakita ko.

The Sims 3! Nalalaro ko lang 'to pag wala yung pinsan ko sa bahay nila eh. Ang damot kasi nun eh. Gagawa lang naman ako ng bahay.

"Oh, kalma lang, Babe. Mamaya sa sobrang tuwa mo, bigla mo akong yakapin at halik-halik-" hindi ko na tinapos yung pagsasalita niya dahil ginawa ko na yung sinasabi niya.

Tinadtad ko siya ng halik sa pisngi habang para akong batang nakakapit sa leeg at batok niya.

"Tama na! Tama na! Oo na, nage-gets ko na thankful ka! Stop it! Nababasa na ako ng laway mo eh." sabi niya while trying to push me away from him.

Kumalas ako tapos umupo ulit ako sa swivel chair at tiningala siya.

"Wow ha! Nandidiri ka sa laway ko na nasa pisngi mo? Pero pag yung laway ko humahalo na sa laway mo tuwang-tuwa ka pa. Shabu pa p're." sarcastic kong sabi sa kanya tapos nakita kong nanlaki yung mata niya at saka namula yung pisngi niya.

"Iba naman yun eh." napapakamot sa ulo niyang sagot sa akin.

"Anong iba dun! Laway is laway." sagot ko.

"Basta iba, okay? Maglaro ka na lang dyan! Kung ayaw mo, ako na lang gagawa ng bahay." sagot niya with matching pagbabanta pa ha?

Agad na akong humarap sa computer at minurder sa kapipindot ang mouse.

Pagkatapos ng halos isang oras ay natapos ko na ang first floor ng bahay ko. Hahaha. First floor lang muna, pagpaplanuhan ko pa yung second floor at saka yung pool eh. Hahaha. Yaman!

Nung umikot ako mula sa swivel chair ni Karl ay nakita kong nakabulagta siya ng higa sa kama niya.

Tumayo ako at nilapitan ko siya.

Tumitig ako sa mukha niya at napansin kong napakapayapa ng mukha niya.

Paano kaya kung malaman na niyang sa ibang bansa na sila titira? Magiging ganito pa rin ba ka-peaceful yung mukha niya?

Dahil sa isiping iyon, dahan-dahan akong yumuko at muling sinakop ng mga labi ko ang labi niya.

Don't go, Karl. I really, really love you.

KARL VINCENT'S POV

Ah! Namamanhid braso ko! Wait, why is Allen sleeping beside me? Akala ko busy siya sa paggawa ng 'bahay' niya.

Napatitig ako sa mukha niya at nakita kong may trail pa ng luha sa mata niya. Did he cry? For what reason naman?

Pinahid ko yung medyo basa pang trail ng luha gamit ang hinlalaki ko tapos ay hinalikan ko siya sa noo. Hinapit ko siya palapit sa akin para mayakap ko siya lalo.

All is well, Allen. Just believe me.

Nasa ganun kaming posisyon ng biglang may kumatok.

Nagitla naman si Allen at napabalikwas ng bangon.

Tch. Sino ba 'tong nang-iistorbo ng tulog namin?

"Karl, bumaba ka na, handa na ang hapunan." si Mommy lang pala. Tch.

"Opo, Mi. Susunod na." sagot ko naman.

Bumaba si Allen sa kama at isinuot ang sapatos niya. Gumulong ako sa side niya at hinawakan ang braso niya.

"Bakit ka nagsa-sapatos? Kakain na tayo eh." sabi ko sa kanya.

"Gabi na, munggo! Baka hinahanap na ako ng Mama ko sa bahay." sagot naman niya sa akin.

Hindi ko binitawan yung kamay niya at tumayo ako mula sa kama.

I gave him a back hug tapos ay pinatong ko yung baba ko sa balikat niya, sa may dulo ng collarbone.

"Why don't you just stay the night? Ipapaalam kita sa Mama mo. O kaya si Mommy. Please? Just spend another night with me. Promise, hindi na kita ihuhulog sa kama. Yayakapin na kita para maiwasan natin yun." pakiusap ko sa kanya.

Naalala ko nung nag-overnight siya dito at sobrang napagod kami kakatawa at kakalaro. Magkatabi kaming natulog sa kama, pero paggising ko nasa baba na siya. Sabi niya, sinipa ko daw siya at masyado na siyang tinatamad para umakyat uli sa kama kaya nag-stay na lang siya sa sahig.

"Sige. Ipaalam mo na ako." walang kagatol-gatol niyang sagot. Wow ha? Hindi na kami masyadong nagpilitan ngayon ah? Himala! Hahaha.

Agad kong kinuha yung phone ko at dinial ang number ni Tita. Ilang beses ko nang natawagan yung number na yun kaya naka-save na yun sa phonebook ko.

Sumagot si Tita sa ikatlong ring.

/ Oh, Karl! Bakit ka napatawag? Magkasama ba kayo ni Allen ngayon? Pakisabi nga na umuwi na siya at nag-aalala ako. / bungad ni Tita.

/ Tita. Opo, magkasama po kami ni Allen ngayon pero gusto ko po sana siyang ipaalam sa inyo. Pwede pong dito na siya matulog ngayong gabi? / tanong ko kay Tita.

Hindi agad siya sumagot kaya kinabahan ako.

/ Pero paano ang mga susuotin ni Allen para sa pagpasok bukas? / finally ay sumagot si Tita.

/ Pwede ko naman po siyang pahiramin ng uniform eh. Medyo malaki nga lang. / sagot ko.

/ Oh sige, basta wag mong papabayaan yang anak ko ha? / tanong ni Tita at tumango ako bikang sagot kahit hindi naman niya kita.

/ Opo naman! Akong bahala kay Allen. / sagot ko.

Binaba na namin ang linya at initsa ko na lang basta sa kama ko yung phone. Niyakap ko si Allen at niyugyog siya.

"I love you, Babe." masaya kong nasabi habang ginagawa ko ang pagyugyog.

"Anyuy! Nyanyong nyami nyi Mama?" ha? 'No daw?

Inilayo ko siya sa dibdib ko at tinitigan.

"Ha? Sabi mo?" tanong ko sa kanya.

Nagkamot siya saglit ng ilong tapos ay tinitigan niya ako.

"Anong sabi ni Mama 'ka ko?" tanong niya.

Binitawan ko na siya tapos ay pumasok ako sa walk-in closet ko at kumuha ng mga pamalit ng uniform namin. Nalimutan na naming magpalit dahil sa sobrang excitement.

"Okay daw. Pwede kang matulog dito." sagot ko habang iniaabot ko sa kanya ang mga damit.

"Ang lakas mo talaga dun. Crush ka ata nun eh." sabi niya sabay punta sa CR.

"Baka lang kasi natutuwa siya sa akin. Ang cute ko kasi!" pabiro kong sabi sa kanya.

Bumukas ang pinto ng CR at nangiti ako sa nakita ko.

Natutuwa talaga ako pag nakikita kong suot-suot niya yung mga damit ko. Parang gusto kong ipagsigawan na 'Ang cute ng syota ko! Lalo na pag suot niya yung mga damit ko!'. Ganun.

"Feeling ko, hindi matutuwa yun pag nalaman niyang tayo na." seryoso niyang sabi habang tinutupi niya yung uniform niya.

Napamaang naman ako sa sinabi niya.

Anong hindi matutuwa? Eh heto na nga't may isang lalaking naglakas-loob na syotain yung anak niya eh, though, patago nga lang.

"Bakit naman siya hindi matutuwa? Eh ang gwapo ko naman, mayaman naman ako at mabait pa." tanong ko sa kanya habang inilalagay ko na sa hamper yung marurumi kong damit.

"Matagal na niya kasing gusto si Jake para sa akin. Kaya nga pinu-push niya sa akin yun kahit kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Jake eh." sagot niya which made me sad, pero natuwa din ako dahil kaibigan lang pala talaga ang tingin niya kay Jake.

Dahil dun ay tumakbo ako sa kanya at padamba siyang niyakap. Napahiga siya sa kama at ako naman ay nakapatong sa kanya.

Tumukod ako para makita yung mukha niya but then again, his captivating eyes bore into mine. Natulala na naman ako.

I was going to lean down para i-kiss siya pero a loud knock, almost a heavy banging, interrupted me. Damn! Lagi na lang!

"Karl, bumaba ka na! Diba sabi ko ayoko ng pinaghihintay ang pagkain? Bilisan mo!" utos ni Mommy mula sa labas.

Tch. Naman eh.

"Opo, ito na! Lalabas na!" pasigaw kong sagot habang nakatingin ako kay Allen.

Tinitigan niya ako na para bang nagtatanong siya pero binigyan ko lang siya ng quick peck sa labi saka ako tumayo.

"Halika na. Tumayo ka na dyan, mamaya bumalik na naman si Mommy eh. Sigurado akong sisirain na niya ang pinto ko pag nangyari yun." sabi ko sa kanya habang nakalahad ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.

Kinuha naman niya ang kamay ko kaya hinila ko na siya.

"Leche ka kasi eh. Kung anu-ano pa ginagawa mo." sabi niya naman sa akin habang hinahampas ako sa likod.

Nagtawanan lang kami at bumaba na kami.

ALLEN'S POV

"Nandito pala si Allen eh." biglang sabi ni Tita nung makapasok na kami sa kusina ni Karl.

Napayuko ako sabay bati ng "Good evening po" sa kanila.

"Mi, dito matutulog si Allen. Pinaalam ko na siya sa Mama niya." sabi naman ni Karl habang paupo na.

"Ganun ba? Papahanda ko na yung guest room kay Manang." sagot naman ni Tita tapos tumayo siya.

"Wag na, Mi! Dun sa kwarto ko matutulog si Allen. Magba-bonding kaming magkaibigan." pagpigil naman ni Karl sa Mommy niya.

"Ganun ba? Naipagpaalam mo na ba siya sa Mama niya? Mamaya nag-aalala na yun kay Allen." tanong ni Tita habang pabalik na sa upuan niya.

"Opo. Pinayagan na po siya." sagot naman ni Karl habang sinusuri ang laman ng hapag-kainan.

"Eh may pasok kayo bukas diba? Teka nga. Allen, tatayo ka lang ba dyan? Masamang pinaghihintay ang pagkain." tanong naman ni Tita na binalingan ako ng atensyon nang mapansin niyang nakatayo lang ako sa doorway.

Na-awkward-an kasi ako eh. Biglang pumasok na naman sa isip ko yung pinag-usapan nila kanina. Aalis sila. Mawawala si Karl at hindi ko alam kung anong mangyayari sa relasyon namin. Patago na nga lang, madami pa ring pumipigil. Tss.

Umupo na lang ako sa tabi ni Karl at napatitig sa kandungan ko. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanila kasi ayaw kong mabakas sa mata nila na totoo nga yung binabalak nila.

"Okay ka lang? Parang ang tahimik mo ata ah?" tanong ni Karl sa akin kasabay ng mahinang pagsiko niya sa tagiliran ko.

Tumango lang ako at tumitig naman sa pinggan na nasa harap ko para hindi na siya magtanong.

Nagdasal muna kami bago kumain tapos ay nilagyan ni Karl yung pinggan ko ng kanin. Tinangka kong kunin yung tray ng kanin, pero umiwas siya at pinagpatuloy lang ang paglagay ng kanin.

"Yan. Alam kong malakas kang kumain, kaya ubusin mo yan ha?" sabi ni Karl tapos ay kinuha naman niya yung tray ng fried chicken at nilagyan ng dalawang piraso ang plato ko.

Kinuha niya rin yung bote ng catsup at naglagay din sa bote ko.

"Ayan. Alam kong gusto mo ang catsup eh. Pero, wag na wag na wag na wag na wag na wag mong gagawin yung katulad nung kinain mo yung burger!" dagdag pa niya kaya napabalikwas ako ng lingon sa kanya.

"Kalma lang! Alam ko namang hindi mo sinasadya yun eh. Pero kasi naman eh." defensive niyang sabi tapos ay sumubo na siya ng pagkain.

"Ano ba yang pinagku-kwentuhan niyo? Mind sharing?" biglang tanong ni Tita.

"Wag na, Mi! Para sa aming mga bata na lang yun!" pagtanggi ni Karl.

"Wow ha? Binata ka na Karl, hindi ka na bata! Oo isip-bata ka, pero that doesn't count on the list." pagdepensa ni Tita sa edad niya.

Nagtawanan silang tatlo pero nangiti lang ako. Hindi ko magawang magpakasaya eh.

Nagsimula nang kaming kumain at tuwing may pagkakataong ay napapatingin ako sa magulang ni Karl.

Nakikita ko si Tito na titingin kay Tita na para bang may tinatanong pero iiling naman si Tita.

Tungkol siguro yun sa pag-alis nila. Ayaw muna sigurong sabihin ni Tita kasi baka mabigla si Karl eh.

Nung matapos kaming kumain ay hinila agad ako ni Karl papunta sa kwarto niya. Nung makapasok kami sa loob ay pinakawalan niya ang braso ko at ni-lock uli ang pinto.

Nilagpasan niya lang ako at umupo siya sa gilid ng kama.

"Upo." utos niya sa akin habang tinatapik-tapik niya yung space sa kaliwa niya.

Sumunod naman agad ako at umupo sa tabi niya.

"May problema ba?" tanong niya sa akin, amoy ko pa nga yung kinain namin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Marahan lang akong umiling bilang sagot.

"Allen, mula nang dumating tayo dito sa bahay naging ganyan ka na. Ano bang nangyari?" tanong niya na may tono ng concern at inis.

Naiintindihan ko yung tono niyang yun. Sino bang hindi maiinis at mag-aalala at the same time diba? Kanina pa ako tahimik at walang sinasabi. Syempre, iisipin niyang may mabigat akong dinaramdam.

"Siguro iniisip ko lang yung kaninang eksena namin ni Jason. Naubusan ako ng lakas sa pagsigaw-sigaw sa kanya eh." palusot ko.

"Ganun ba? Edi wag mo nang isipin yun. Siraulo lang talaga si Jason. Gusto ko nga siyang suntukin kanina eh. Pero buti na nga lang at hum-" niyakap ko na lang siya para pigilan siya sa pagsasalita.

"I love you." mahina kong sabi pero sinigurado kong maririnig niya iyon.

Yumakap din siya sa akin at pinatong niya ang baba niya sa ulo ko.

"I love you, too." mahina niya ring sabi pero yun ang nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Nakaka-adik talaga amoy ng lalaking 'to.

"Teka, mag-toothbrush muna tayo bago matulog." sabi niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap at tinitigan siya sa mata.

"Eh wala naman akong toothbrush sa inyo eh." naka-pout kong sabi sa kanya.

Ngumiti naman siya at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko tapos mahina niya akong pinat sa ulo.

"Edi mag-share tayo sa toothbrush ko." nakangiti niyang sagot.

"What!? Baliw ka ba!? Magshe-share tayo ng toothbrush!? Nakakadiri yun!" gulat na gulat ko namang balik-tanong sa kanya.

"Ha!? Nakakadiri!? Eh pag naghahalikan nga tayo, naghahalo na laway natin eh. Tapos yung pagshe-share lang ng toothbrush, na nilalagyan ng toothpaste that can kill 99.9 percent of germs, pandidirihan mo pa? Logic, dude, logic." depensa naman niya, na may PUNTO naman.

Inirapan ko na lang siya dahil sa alam kong wala na akong laban sa kanya.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

PLUS! I AM CREATING A NEW STORY (Kahit hindi ko pa tapos yung dalawa). Hindi ko alam kung kailan ko siya i-a-upload pero sana hindi umabot ng October. :))

Till next time! :))))

Continue Reading

You'll Also Like

636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
149K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
174K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...