Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOM...

By HopelessPen

3.8M 99.1K 11.8K

LEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted somethi... More

Prologue
SIMULA
Cosette
Eponine
Seven Stars
Spell
Fountain of Love
Marius
Young
Painting
I Hate You, I Love You
Let It Be Me
Imagination
Fireworks
Don't Cry
Videoke
Eat You
Friend
Heart Speaks
Seven
Try Harder
Girlfriend
Push and Pull
All I Am Saying Is..
It's Okay
Unloved
Shorts
His
I Do
Special Chapter- MIDLOGUE #1
I Don't Care
We Are Trapped On A Thread Between Almost And Never
Peephole
Born To Love You
Rose Scented Breeze
So In Love
Finally
WAKAS

Italy

77.2K 2.3K 161
By HopelessPen

29



"Do you approve of him already?" tanong ko kaagad kay Papa noong nagpaalam na si Seven sa amin. Tinitigan lamang ako ni Papa at nagkibit balikat. Lumapit ako rito at niyakap ang braso niya.


"You approve of him, right?" paninigurado ko. Nilingon lang ako ni Papa bago niya pinitik ang noo ko. Kinuha lamang niya ang tasa ng kape at iniwan na ako sa kwarto niya.


I guess my Dad approves of Seven already. Sana. All I can do right now is to assume and actually hope that my father already gave us his blessing. Papa only wants me to be happy. Sana ay maintindihan niyang iyong kaligayahan ko ay na kay Seven.


Umalis rin ako kaagad at dumiretsyo sa bahay nila Seven. Kasalukuyang nilalagay nila Manang iyong mga gamit nila ni Allanis sa van. Sa gilid ay nag uusap ang dalawa at kung ano ang ginagawang diskusyon. Lumapit ako ng bahagya sa kanila para marinig iyong usapan nila.


"...I'll be married to a rich man. What's better than that?" Allanis joked. Namulsa lamang si Seven bago napanguso. I almost forgot. Magpapakasal na pala si Allanis kapag bumalik na siya sa Italy. I wonder who her fiancée is.


Napansin ako ni Seven na nakatayo sa gilid kaya natigil siya sa dapat niyang sabihin. He immediately smiled at me kaya lumapit na ako rito.


"I'll text you when I get there." Aniya. Napanguso ako at agad na umiling.


"Tawagan mo ako."


"Cha, madaling araw na dito pag nakarating ako roon." Sagot niya sa akin. Ay, basta! I don't care. Gusto kong marinig ng personal iyong boses niya para sigurado akong nakarating siya ng maayos sa Italy.


Tinitigan ko siya ng masama. He just sighed before nodding. "Fine, I'll call you." Pagsuko niya. Napangisi lang ako at niyakap ang braso niya.


"I'll leave the two of you alone." Napapangiting sabi ni Allanis. Kinuha niya iyong maliit niyang maleta bago dumiretsyo sa van.


Noong makapasok siya roon ay hinarap ko si Seven.


"Magpapakasal na talaga siya?"


Tumango ito. "Her father gave her an ultimatum. She needs to be married before she her birthday." Sagot niya. Tiningnan ko si Allanis na kinakausap na si Manang habang inilalagay ang gamit niya sa van.


How can she be forced to marry someone she doesn't even love? Hindi ba dapat ay sarili mong desisyon iyon? Sagrado ang kasal at hindi dapat iyon ginagawang business deal. It is your heart who should decide. Not your mind.


"That's sad." Tangi ko na lang nasabi. Kung siguro noon ko pa nalaman ito, baka hindi ako maaawa kay Allanis. But she's really nice. I hope she will learn to love her fiancée.


"Yeah."


Seven checked his watch before looking back at me. "Alis na ako." paalam niya. Tumango lang ako pero hindi ko naman siya mabitawan. Hinawakan niya iyong kamay kong nasa braso niya at marahan iyong pinisil.


"Babalik naman ako Cha."


Tumango ako. "Kahit na. Matagal ka doon." I whined. Oh, I sound so much like a child.


Ginulo niya ang buhok ko bago ako hinila at niyakap. "Sandali lang ako doon, promise." Aniya. Tumango ako at doon pa lang niya ako binitiwan.


"I'll call you." He said before going to the van. Pumasok na siya roon at pinaandar na iyon ng driver nila. Tumabi ako para makadaan sila palabas.


Binuksan niya ang bintana at sumilip roon. Lumapit ako sa kanya. Can he not leave? Bakit kailangang siya pa ang pumunta roon? He's the youngest. Dapat si Kuya Shawn ang pupunta roon kasi siya yung perfectionist! Bakt kasi si Seven pa.


He touched my cheeks. "I'll see you soon." Pangako niya. Tumango lang ako at di na sumagot. Pakiramdam ko talaga ay maiiyak ako ngayong umaalis na naman siya.


Pakiramdam ko ay binabalik ako noong umalis din siya para mag aral sa States. I remembered giving him my favorite doll para lang hindi niya ako makalimutan.


Noong makalayo ang van nila ay saka pa lamang ako umalis sa bahay nila. Isasara ko pa lang iyong gate ay nakarinig na naman ako ng busina. Pagharap ko ay nakita ko si Kuya Shawn na lumabas sa sasakyan niya.


"Umalis na sila?" kaswal niyang tanong. Tumango lamang ako at tinuro ang van.


"Kakaalis lang Kuya."


Kumunot ang noo niya at tiningnan iyong direksyon na itinuturo ko. "Ah.." iyon lang ang nasabi niya at pumasok ulit ng kotse niya. Lumapit iyong maidnila at binuksan ang gate para sa kanya.


Pagkarating ko sa bahay ay agad kong nicheck ang cellphone ko. Cha naman, wala pang labinlimang minuto umalis si Seven. But I miss him already. Sana ay hindi naman masyadong matagal iyong trabaho niya roon.


Alas dos na yata ng madaling araw noong tumawag siya para sabihing nasa Italy na sila ni Allanis. Hindi naman mahaba iyong usapan namin dahil nga sa pagod na siya at ako naman ay antok na sa paghihintay sa tawag niya. Ilang minuto lang ay binaba na niya ang tawag.


Lumipas ang ilang linggo na hindi pa rin siya nakakabalik. Palagi naman niya akong tinatawagan pero iba pa rin kapag kasama ko siya. Kaya noong mag iisang buwan na ay nagpasya na akong sumunod sa kanya. Bahala na kung magalit si Papa.


"Kuya, sige na." pagmamakaawa ko kay Kuya. Halos lumuhod na ako sa harapan niya kung hindi ko lang dala iyong mop. Pinaglilinis niya ako sa condo niya dahil daw pagod siya.


"Cha..."


"Babayaran ko naman pag sumweldo na ako sa firm. Kuya, bilhan mo na kasi ako ng plane ticket." Sabi ko pa. Jusko, barya lang sa kapatid ko yung gagastusin niya eh. Ang damot talaga.


"Papatayin ako ni Papa Chantal."


"Sasabihin ko naman sa kanya pag nakarating na ako sa Italy." Sagot ko pa. Huminga lang ng malalim si Kuya bago napanguso. Tumayo siya at kinuha ang Baymax niyang manika.


"Kunin mo yung card ko sa kwarto. Basta babayaran mo ako Chantal." Masungit niyang sabi. Napatalon pa ako sa tuwa bago niyakap ang Kuya ko.


"The best ka talaga!"


Tinulak niya ako. "Alis. Ang baho mo." Aniya. Tumawa lang ako at lumayo na sa kanya.


Kinabukasan ay patakas akong umalis ng bahay para dumiretsyo sa aiport. Sinakto kong wala na si Mama at Papa bago ako umalis.


Finally! I'll be seeing Seven!


Nakatitig lamang ako sa phone ko habang papunta sa airport. Should I tell him I'll visit him? Or would it be better if I surprise him? Hmmn...


Nah. I'll surprise him.


I'm turning twenty one already. Papayagan na kaya ako na pakasalan si Seven? All my life, my only wish was him. Siguro naman ay maiintindihan nila Papa iyon, hindi ba? The best thing in life is an answered wish.


Pagkarating ko sa Italy ay nakatulog ako. Sa sobrang pagod ay hindi ko na nalabanan pa ang antok. Kaya kinabukasan ay maaga akong nagising para ipagdala si Seven ng almusal. Mabuti na lamang at may restaurant sa baba mismo ng hotel na tinutuluyan ko.


Dumiretsyo ako sa resort nila at sa opisina niya. I hope he is there.


"Ma'am!" bati ni Marid sa akin, iyong sekretarya ni Seven. Lumapit ako dito at tinuro iyong nakasaradong pintuan ng opisina.


"Nandyan ba si Seven?" tanong ko. Tinitigan lamang niya ako bago bumaba iyong tingin niya sa daladala kong pagkain.


"May kausap pa po sa loob." Sagot niya. Aww. Maybe I should just wait here. Ah! Sino bang kausap niya? Kung hindi kliyente ay baka pwede akong pumasok.


"Sinong kameeting niya?" I asked. Napayuko si Marid at nagatubili pang sumagot.


"Kanina pa nga po sila dyan. Si Ma'am Allanis po." Sagot niya. Nangunot ang noo ko sabay tingin doon sa pintuan. Para bang makikita ko silang dalawa doon kahit na nakasara naman iyon.


Napalunok ako. "Anong pinaguusapan nila?"


Umiling si Marid. "H-hindi ko po alam—"


Hindi ko na hinintay iyong sagot niya. Dumiretsyo ako sa pintuan at dahan dahan iyong binuksan. Narinig ko agad ang boses ni Allanis na umiiyak.


Nakaupo silang dalawa sa sofa. Nakaakbay si Seven dito at inaalo siya.


"I'm stupid Seven. This is all my fault, I'm sorry." Umiiyak niyang sabi. Huminga lang ng malalim si Seven at pilit siyang pinapatahan.


"Lane.."


"What am I going to do?" basag ang boses niya. Sa sobrang seryoso ng usapan nila ay hindi pa rin nila ako napapansin.


Ano bang pinag uusapan nila? Why.. why are they so serious?


"Don't call yourself stupid Lane. Being pregnant doesn't make you stupid." Seven said. Hinawi niya iyong buhok ni Allanis sa noo at niyakap ito.


She's... she's pregnant? Sinong ama..


Nanlaki ang mata ko sa naisip. Could it be.. is it Seven? Si Seven lang naman ang alam kong karelasyon niya!


Napahakbang ako paatras. Di ko napansin iyong pintuan kaya sabay silang napatingin sa akin. Nanlaki ang mata nilang dalawa habang ako ay tulala lang.


Napatayo si Seven at kunot noo akong hinarap. "Why are you here Cha?" halos inis niyang sabi. Napatitig ako kay Allanis na nakaharap lang din sa akin.


Is he mad because I am interrupting his whatever with Allanis? Noong nilingon ko si Allanis ay malutong na nagmura si Seven. Nilapitan niya ako at hinatak ako palabas.


"Bakit nandito ka? Cha, sinabi na ng Papa mo na---"


"Is she pregnant?" nanginginig kong tanong. Lalong lumalim iyong kunot sa noo ni Seven.


"What?"


"Tinatanong ko kung buntis ba si Allanis!" sigaw ko na. Napatigil ako noong halos lahat ng tao sa buong floor ay tumingin sa aming dalawa. Napatuwid si Seven ng tayo at tiningnan ang mga iyon.


"Cha, kung ano man yung naiisip mo ngayon, mali ka." Pag aalo niya sa akin. Tumulo iyong luha ko at umiling.


"No..kaya ba siya nagmamadaling magpakasal para itago na nabuntis mo siya? Seven, did you really... are you the child's father?" anas ko. Namutla siya bago pinisil iyong ilong niya.


"Chantal!"


"Walong buwan bago ka umuwi ng Pilipinas Seven! Karelasyon mo siya bago ako umalis dito! You even told me you'll marry her! Huwag mong sabihin na mali ang naiisip ko! Nabuntis mo ba siya?" I am literally shaking. Alam kong dapat ay pakinggan ko muna siya pero hindi ko magawang kontrolin itong nararamdaman ko.


I wanted him so much that the fear of losing him again makes me so crazy. Naiisip ko pa lang na makukuha ulit siya ng iba ay para na akong mababaliw.


"You don't know what you're saying Cha! Stop being so child.." bigla niyang pinigilan ang bibig niya at tumigil sa pagsasalita. Para naman akong sinampal. Kahit hindi niya ituloy ay alam kong iyon naman ang sasabihin niya.


Pinisil muli niya ang ilong niya at huminga ng malalim. "Cha, may kaso kaming inaayos ngayon. Allanis needs a friend. Your father will surely kill me because you came here. The last thing that I need right now is another problem." Matigas niyang sabi. Tumulo lalo ang luha ko at wala man siyang ginawa para patahanin ako. Hindi katulad ng kanina kay Allanis noong ito ang umiiyak.


"I'll buy your plane ticket. Umuwi ka muna Cha. Saka na tayo mag usap." Utos niya at tinalikuran ako. Nakuyom ko na lamang ang palad ko at huminga ng malalim.


I closed my eyes tightly. He almost said it Cha. I am childish. I am immature.


Maybe my father is right. I am too young to handle his love.

Continue Reading

You'll Also Like

38.5K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
2.1K 162 64
I don't like you. But why do I have to fall for you unexpectedly? an epistolary.
910K 25.2K 18
First, let my tears fall Second, make me stand tall Third, mend this broken hole. As I close my eyes and whisper these wishes, may...