Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOM...

By HopelessPen

3.8M 99.1K 11.8K

LEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted somethi... More

Prologue
SIMULA
Cosette
Eponine
Seven Stars
Spell
Fountain of Love
Marius
Young
Painting
I Hate You, I Love You
Let It Be Me
Imagination
Fireworks
Don't Cry
Videoke
Eat You
Friend
Heart Speaks
Seven
Try Harder
Girlfriend
Push and Pull
All I Am Saying Is..
It's Okay
Unloved
Shorts
I Do
Special Chapter- MIDLOGUE #1
I Don't Care
Italy
We Are Trapped On A Thread Between Almost And Never
Peephole
Born To Love You
Rose Scented Breeze
So In Love
Finally
WAKAS

His

93.6K 2.6K 306
By HopelessPen


26


Hala mainet! Net! Net! Net!

----------------------------------


Nakalimutan ko yata kung sino ang kasama namin. We're with the Montreals. The goddamn freaking Montreals. Pagkarating namin sa Pundaquit ay para kaming mga kamag anak ng presidente sa trato sa amin. Can I compare us to someone who pays 50 million pesos for tax? Ang engrande kasi ng salubong sa amin. Eh wala naman kaming ginagawa.


"Sila yung payungan ninyo." Utos ni Kuya Shawn doon sa tatlong empleyadong sumalubong sa amin. Mabilis na lumapit iyong mga lalaki sa amin at kami ang pinayungan. Nilingon ako ni Seven bago siya ngumisi at tumalikod muli.


"Ay perfect! Haha! Kuya payungan mo daw kami!" natatawang sabi ni Bullet doon sa lalaki sa tabi niya. Napangisi iyong Kuya at mas pinayungan si Bullet.


"Lakas makadonya nito! Haha." Masaya niyang sabi at naglakad na para bang rumarampa sa may mabatong daan.


Hinatid kami ng mga empleyado sa lounge habang iyong tatlo ay pupunta raw sa site para tingnan ang ginagawang building.


"Aalis ka?" tanong ko kay Seven. Lumapit siya sa akin habang may kagat kagat na suklay at pang ipit sa buhok.


"Yup." Sagot niya at pinatalikod ako. Sinuklayan niya ang buhok ko at dahan dahan iyong inipitan.


"Mainit dito."


"Kaya nga nag shorts ako eh." Pagbibiro ko sa kanya. Nilingon ko siya pero sumimangot lamang siyaat inirapan ako. Pikon talaga.


Nilingon ko sina Allanis na nasa may couch lamang. She was staring at the two of us. Noong mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay bigla siyang ngumiti. I smiled back and waited for Seven to finish.


Hindi naman siguro awkward kay Allanis na nakikita kami ni Seven hindi ba? I mean, Kuya Shawn said it is just an agreement. Hindi naman niya talaga mahal si Seven right?


Noong matapos iyong tirintas ay inikot ni Seven ang buhok ko para maging bun. Inayos niya iyong ilang hibla ng buhok ko na nahulog bago siya ngumuso at tiningnan ulit ang hita ko.


"Magpalit kayo ng damit mamaya ha?" aniya. Ngumuso lang ako bago umiling.


"Mainit." Reklamo ko. I pouted and he just flicked his fingers on my lips. Napahawak ako sa bibig kong pinitik niya bago ko siya niyakap. Seven just sighed before staring at me.


"Madaya ka. Stop mesmerizing me." Aniya. Nakagat ko ang labi ko at yumuko na lang. Damn it Seven! Ako dapat ang magpapatiklop sayo eh! You should stop saying things like that.


"I'll be back after an hour. Ichecheck lang namin yung resort." He said. Tiningnan ko ulit siya bago tumango. Bumitaw na ako sa kanya at hinayaan siyang lapitan sina Kuya Shawn at Kuya Seth.


Pagkabalik ko sa couch ay nakangising nakatingin sa akin si Bullet at Allanis. Both of them are smiling like an idiot and I think I know why. Pero dahil maganda ako kaya magtatanong pa rin ako.


"What?" kunwari ay mataray kong sabi. Tinuro turo ako ni Bullet bago tumawa.


"Kinikilig si Chantal. Pabebe si Chantal. Malandi si Chantal. Uy, wag tularan si Chantal." Aniya. Umiling lang ako at tumabi sa kanya.


"So what are we going to do now? Gusto niyong maglibot, may beach dito." Aya ni Allanis. Napapalakpak si Bullet sabay tayo.


"Ay pak! Tara. Bored na ako dito. Basa na kili kili ko." Reklamo niya. Hinawakan niya pa talaga iyong underarm niya bago inamoy.


"Bullet!" tili ko. Baliw talaga. Tumawa lang siya sabay kuha doon sa polo shirt ni Kuya Seth na nakatali sa beywang niya. Pinunas niya iyon sa kili kili niya bago kumindat.


"Akala niya. Lintek lang ang gumaganti!" sabi niya sabay tali ulit noong polo sa beywang niya. Paano ba naman kasi, sa aming tatlo, siya talaga ang may pinakamaikling suot. Litaw pa ang tiyan niya dahil sa suot niya.


"Tara!" sabi niya sabay hila sa amin ni Allanis papunta sa may dagat. Ilang minuto rin kaming naglakad dahil medyo malayo pa iyong resort sa mismong dalampasigan.


Maganda talaga sa Pundaquit. Hindi siya ganoon katao kumpara sa ibang dagat dito sa Pilipinas. Gusto ko nga sanang subukan mag Bangka kaso baka magalit si Seven. Mukhang maganda pa naman yung mga isla.


"Let's drink something there." Turo ni Allanis doon sa maliit na bar. May mga foreigners roon at iilang Pilipino na nakatambay na sa loob.


"Wala akong pera."


Tumango ako sa sinabi ni Bullet. Kahit ako ay wala ring dalang cash. Nakalimutan ko sa may resort.


"My treat." Allanis answered. Ngumiti siya at halos mapabuntong hininga na lang ako. Alam niyo yun? Yung sa sobrang ganda masespeechless ka na lang?


"Ha?" bigla ay sabi ni Bullet. Nawala tuloy iyong iniisip ko. Tumawa si Allanis at tinapik pa ang dibdib niya.


"Libre ko na." sagot niya. Namilog ang bibig ni Bullet sa narinig.


"Ay perfect! My treat pala yun!" daldal ni Bullet sabay takbo papasok sa bar. Tiningnan ako ni Allanis bago ikiniling iyong ulo niya sa direksyon ni Bullet.


"Let's go." She said. I smiled and took Allanis' hand. Sabay kaming lumapit kay Bullet na nag oorder na ng inumin niya.


Habang nasa may mesa kaming tatlo ay may lumapit sa aming tatlo ring foreigner. Mukhang mga Amerikano sila sa kulay ng buhok nila. Ice blonde. Parang iyong kay Allanis lang.


"Hey!" bati noong nasa gitna. Makapal ang kilay nito at may dalang surfboard. Inilagay niya iyong braso niya sa sandalan ng upuan ni Allanis at pasimpleng lumapit rito.


"Can we sit with you girls?" tanong noong lalaki. Lumayo si Allanis at umusog ng kaunti.


"No." simple niyang sagot. Napasipol iyong mga kasama niya at kinantyawan iyong makapal ang kilay. Ngumisi lang iyong lalaki at mas lalong lumapit kay Allanis.


"Kuya, wag namang ganyan kalapit." Sabat ni Bullet. Tumayo na siya at lumapit doon sa lalaking kumakausap sa amin.


"What did you just say? I don't understand tagalog baby." Mayabang na sabi noong lalaki. Natawa si Bullet.


"Gago ka pala cutiepie." Sabi niya, nakangiti. Kinagat ko ang labi ko at pasimpleng ngumiti.


"What?"


Sumabat na ako. "She said you're cute. Gago is cute." Pagsakay ko na lang. Lumaki iyong ngisi ng lalaki sabay akbay kay Bullet.


"You're gago too honey." Aniya. Aba aba! Kanina si Allanis, ngayon si Bullet naman!


"Hehehe. Gago ka talaga eh noh! Pasalamat ka di ko dala dictionary ko tanga." Inis na sabi ni Bullet. Tinanggal niya iyong akbay noong lalaki pero lalo lamang siyang hinila nito.


"Hey! That's enough!" sabi ko na. Tiningnan lang ako noong lalaki mula ulo hanggang paa bago tiningnan muli si Bullet at Allanis.


"This one's just a kid, John." Turo noong isa sa akin. What. The. Hell?


Pinagtitinginan na kami pero walang lumalapit sa amin ni isa. Tumayo na si Allanis at susugurin na sana iyong lalaki noong may lumapit na sa amin.


"The girls already told you to stop." Sabi noong lalaki. Kumunot ang noo ko noong marinig ko iyong pamilyar na accent niya.


"Ruan?" tawag ko rito. Napaharap iyong mga lalaki sa kanya at nilingon iyon. Limang lalaki pa ang kasama ni Ruan sa likuran niya kaya mabilis na lumayo iyong mga nangugulo sa amin.


"We're just talking." Medyo kinabahang sabi noong makapal ang kilay. Di na niya hinintay iyong sagot nila Ruan at agad ng umalis.


"That was close." Biro ni Ruan at lumapit sa amin. Dala dala niya iyong notebook niya at iPad. Naka puting tshirt lamang siya at blue na swimming trunks.


"Thank you." Sabi ko. Lumapit si Allanis at nagpasalamat kay Ruan habang si Bullet ay naghahyperventilate na sa kilig sa may gilid.


"I'll go first. I still have to finish a draft." Paliwanag niya. Lumapit siya sa akin at awkward akong niyakap. Tinapik ko iyong balikat niya at agad naman siyang lumayo sa akin. He waved goodbye and then ran back to the shore.


Habang pabalik kami sa resort ay talagang hindi magkanda ugaga si Bullet kay Ruan. Halos hindi na siya makahinga habang paulit ulit na iniisip iyong kaibigan ko.


"Grabe yung balikat niya! Nakita niyo yung balikat niya? Nakakaloka! Ang sarap magpakulong sa balikat niya." aniya. Hanggang sa makarating kami sa resort ay iyon ang bukang bibig niya.


Pagkarating namin sa lounge ay sinalubong kami ng masamang tingin ng tatlo. Sabay sabay pa nila kaming tiningnan na para bang mga bata kaming munti na hindi sumunod sa utos ng magulang.


"We were calling you. Ang sabi namin sandali lang kami." Inis na salubong ni Kuya Shawn. Hala.


"Naglibot lang po kami Kuya—"


"Kahit na! Umalis kayo ng walang paalam! You did not even bring your phone." Sabat ni Kuya Seth. Napatahimik na lang ako dahil naninigaw na sila. Si Seven ay lumapit na sa amin at hinawakan ang siko ko.


"Ay nako Ser, wag ka ng magalit!" masaya pa ring sabi ni Bullet. Yumakap siya sa braso ni Kuya Seth bago huminga ng malalim.


"What is happening with you? What is happening with her?" tanong ni Kuya. Tiningnan niya ako at si Allanis habang naghihintay ng sagot.


"Si Ruan ko nandito Seth!" kinikilig na sabi ni Bullet. Pulang pula iyong pisngi niya habang napapatalon pa. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Seven sa siko ko bago ako tiningnan.


"Nagkita kayo ni Ruan?" malamig niyang tanong. Ay.. galit na po ata si Seven.


"No, it's not like that. May mga lalaki kasing muntik ng mambastos kay Bullet at Allanis---"


"Oy kasama ka Cha!" sabat ni Bullet. Narinig ko ang pagmumura ni Seven sa gilid ko at halos mapapikit na ako. Nice, Bullet.


"Nambastos?" mas madiin ng sabi ni Kuya Shawn. Allanis just rolled her eyes.


"You're over reacting Joaquin, no, all of you." Masungit na sabi ni Allanis. She glared at the brothers habang ako naman ay natatakot na sa galit nila.


"Fuck. May nambastos sa inyo Allanis!"


"Wala namang masamang nangyari!" katwiran ni Allanis. Pero kahit iyong boses niya ay nanginig na dahil siguro sa takot.


"Hihintayin mo pang may mangyari huh? We're not even there! That's why we told you to not wear shorts like that! Pagtitinginan talaga kayo! Babastusin talaga kayo!" sigaw na ni Kuya Shawn. Hinihingal pa siya habang naninigaw sa aming tatlo.


"Shawn." Tawag ni Kuya Seth dito. Huminga siya ng malalim bago kami tiningnan tatlo.


"Magbihis na kayo." Aniya at iniwan kami. Tahimik kong kinuha iyong bag ko habang si Seven ay nasa likuran ko. Isusuot ko na sana ang strap noong siya ang kumuha at nagdala noon. Nauna siyang naglakad at agad naman akong sumunod sa kanya.


Dinala niya ako sa opisina niya. Hindi pa iyon gaanong ayos pero malinis na. Wala nga lang gamit o kahit na pintura pa.


"The bathroom's that way." Malamig niyang sabi. Kinuha ko ang bag ko at agad na tumakbo sa banyo.


Bakit ba sila nagagalit? Wala namang nangyari sa amin.


Pinili ko na lamang iyong black kong jeggings at puting racer back na sando. Noong matapos ako ay ayaw ko pang lumabas. Nakakatakot kayang harapin iyong galit na Montreal na naghihintay sa akin.


"Chantal!" tawag niya, kumakatok pa. Binuksan ko ang pintuan at tahimik na lumabas. Nasa may tapat lamang siya ng pinto at nakatitig ng masama sa akin.


"Sorry na." yuko kong sabi. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako.


"Did they hurt you?"


Agad akong umiling. "No."


"Are you sure?" panigurado pa niya. Kung naiba lang ang sitwasyon ay mapapaikot na ang mata ko.


"Seven, Ruan came before anything happened and---"


Napatigil ako sa pagsasalita noong tinulak niya ako at napasandal ako sa saradong pintuan. Iyong isa niyang braso ay ginamit niyang pangkulong sa akin.


"Your friend huh?" aniya, may kakaibang diin sa salitang friend. Napapikit siya, iyong dibdib niya ay taas baba lamang. Matagal siyang hindi nagsasalita at parng kinakalma lamang niya ang sarili niya.


"Tell me Chantal, do you like him?" biglaan niyang tanong. Nanlaki ang mata ko at umiling.


"What! No! Seven, no!" halos pasigaw ko ng sabi. Tinitigan lamang niya ako bago umiling.


"You can't move on Cha. Tangina, di ako papayag." He said. His voice was laced with unknown emotions. Nanlambot ang tuhod ko habang iyong hinlalaki niya ay humahaplos na sa labi ko.


"I won't." marahan kong sabi. Lumapit na iyong mukha niya sa akin at hinihintay ko na lamang na idampi niya iyon sa akin.


"Talaga lang? How can you say that? You're not even my girl yet." husky niyang sabi. Damn! Nakakalaglag iyong boses niya.


Napalunok ako. Nilapit ko na ang mukha ko pero siya ang lumayo. Tease! Kiss me now!


"No kiss for you Cha. DI naman kita girlfriend, hindi ba?" panunukso niya. Napabusangot ako habang nakatitig sa labi niyang mas mapula pa yata sa akin.


"I'm..." shit! Just kiss me, damn it! Ang tagal naman!


"You're?" gagad niya. Iyong kamay niya ay nasa may batok ko na. Ilang hibla na lang ang layo ng bibig niya sa akin.


Ayan na Cha! Sunggaban mo na!


"I'm your girl Seven Montreal---" sagot ko. Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko noong dumampi na ang labi niya sa akin. His kisses were different from the previous ones we shared. He's kissing me deeply, so passionately.


He's clearly saying it. I am his.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
542K 19.1K 37
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. DAYLIGHT IN SAN GUEVARRA MINI SERIES BOOK 1 Umpisa pa lamang ay hindi na maganda...
29.2M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
2.4M 112K 64
The best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.