So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.7K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 35 : Party - Together

20.6K 385 79
By Ytianity

ANOOOO!? LAGPAS ISANG LINGGO AKONG HINDI NAKAPAG-UPLOAD!?

Dahil kasi yun sa napakaraming kaganapan sa buhay ko nitong nakaraang linggo. Ewan ko ba kung bakit in-demand ako sa mga gatherings ngayon. Pero, anyways, sorry kung natagalan ha? Busy nga kasi sa personal craps.

Pero, whatevs, nandito na yung latest chapter para inyong basahin.

Babala lang ha? Dahil nga busy, medyo magulo ito. Nababaliw na kasi ako eh. Hehehe.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

*FLASHBACK*

/ Allen, punta ka sa after grad party ko mamaya ha? Text ko sa'yo kung saan. /

/ Ha? Mamaya na agad? Wala man lang pasubali? /

/ After grad party nga eh. Natural, pagkatapos ng graduation yun gaganapin. Duh! /

/ Leche, MJ. Baka hindi ako pwede eh. May gagawin pa ako dito sa bahay. /

/ Allen naman! Minsan lang grumaduate kaibigan mo, ganyan ka pa? Sige ka, pag grumaduate ka tapos nagpa-party ka, hindi rin ako pupunta! /

/ As if namang malaki kang kawalan sa party ko, if ever. /

/ Ouch ha? Sige na kasi! Pumunta ka na! /

/ Hindi nga pwede! Mabuti kung marami akong kakilala dun eh. Kilala ko lang naman dun, sina Diegz pati yung mga kaklase mo eh. /

/ Hindi naman malaking party yun eh. Sila lang din naman makikita mo dun. Sige na, Allen! Please? Kung gusto mo, isama mo yung boyfriend mo. /

/ Walang binoyfriend, MJ! Sus! /

/ Tayo lang dalawa ang magkausap dito. Umayos ka! So, ano? Isasama mo ba siya? Sasama ka na ba? Pag hindi ka sumama, ibubulgar ko sa after grad party na kayo na nung kaibigan mo. Better think quick, Allen. I'm impatient. /

/ Kups! Oo na! Oo na! Pag sinabi mo yun sa lahat ng tao, papatayin kita. /

/ Yes! Sige, antayin ko kayo ng boyfriend mo ha? /

/ Hindi ko nga siya boyfriend. Ina ka! /

/ Oh edi hindi! Basta, isama mo na din siya para masaya. /

/ Oo na! Pero ita-try ko lang ha? Baka hindi pumayag yun eh. Pero umayos ka ha? Baka pag nakita mo siya, ipagduldulan mo sa mukha niya na may gusto ako sa kanya! /

/ Hindi yan, paramis! Akong bahala sa'yo! Gusto ko kasing kiligin eh. /

/ Lul, MJ! Tigilan mo ako ha? Saka anong kinalaman namin sa pagpapakilig sa'yo? /

/ Basta! Yung ginagawa niyo kasi, hindi ginagawa ng boyfriend ko sa akin noon. Nakakakilig kayong tignan dalawa. Ayieh! /

/ MJ ha!? Umayos ka! Hindi na lang ako pupunta kung gaganyanin mo ako. /

/ Ang arte mo, p're! Kung hindi ka pupunta, ipapaalam ko na boyfriend mo si Karl Vincent! /

/ Tang! Oo na! Sige na, tatawagan ko na siya. I-text mo yung lugar ha? /

/ Sige. Ayieh! Parang magde-date na rin sila oh! /

Binaba ko na yung linya bago ako makasagot ng iba pang katarantaduhan.

At dahil mahirap lang ako ay tinext ko lang si Karl na tawagan ako. After 5 minutes ay nagri-ring na yung cellphone ko.

/ Oh bakit? Pasensya ka na, ngayon ko lang nabasa text mo. Naligo kasi ako eh. /

/ Ice lang. Pwede ka ba mamaya? /

/ Bakit? /

/ After grad party ni MJ eh. In-invite ako, isama daw kita. Okay lang ba sa'yo? Kung hindi pwede, ayos lang. Hindi naman kawalan si MJ eh. /

/ Patawa ka talaga! Sige, pupunta tayo. /

/ Okay lang sa'yo? /

/ Oo nga! Saan ba?/

/ Text ko sa'yo mamaya kung saan. Basta mag-ready ka na lang. /

/ Susunduin mo ba ako? /

/ Wow! Ano ka, chicks? Natural, hindi! Ano tingin mo sa akin? May kotse? /

/ Hahaha. Binibiro ka lang! Masyado kang mapagpatol! /

/ Leche! Sige na. /

/ Sige, love you! /

/ Lul! Fuck you! /

*END OF FLASHBACK*

"Nasaan ba si MJ?" tanong sa akin ni Karl na mukhang kanina pa excited pumunta dito sa party na 'to.

"Nandyan lang yan. Umupo na muna tayo! Punyeta! Ang layo ng pinag-parkingan mo eh." pagrereklamo ko sa kanya.

"Ice lang yun! Ayaw mo nun, na-exercise ka?" sagot niya. Nasaan ang in-exercise? Napagod lang ako sa halos tatlong kantong nilakad natin, Karl! Salamat ka at ikaw ang kasama ko kundi baka nagpakarga na ako sa'yo dahil sa pagod.

Inirapan ko na lang siya at pumunta sa pinakamalapit na table para umupo.

Pucha kasi 'tong si MJ eh. Maliit na selebrasyon lang daw, eh halos lahat ng makita ko dito hindi ko kilala! Nasaan na sina Diegz at yung iba?

"OH! Dumating ka na pala! Nasaan na yung boyfriend mo?" tanong ni MJ mula sa likod papunta sa harap ko. Ang kups na 'to!

"Hindi naman pala malaking party eh." sarcastic kong pasaring sa kanya.

Tumawa siya ng malakas, na parang nakainom na, habang umuupo sa silya na nasa harap ko.

Magsasalita na sana siya nang pigilan ko siya dahil sa naamoy ko.

"May alak dito? Ayaw ko ng alak ha?" babala ko sa kanya.

Ayaw ko talaga sa alak eh. Saka bawal pa yun sa edad ko.

Tumango naman siya at tinitigan ako habang nakataas ang kanang kamay niya.

"Oo, akong bahala. Basta mag-i-stay ka. Papakilala kita sa pare ko mamaya." sabi niya tapos napaatras ako dahil sa hininga niya. Ang tindi ng amoy ng alak eh.

"Oo na! Sige na! Shoo! Dun ka na! Ang baho mo." patakwil kong sabi sa kanya habang itinutulak ko siya palayo sa akin.

"Ang arte mo ha? Mararanasan mo rin 'to! Saka nakaka-tatlong tagay pa lang ako!" sabi niya habang pinipisil-pisil niya yung pisngi ko!

Aray ko! Magiging bulldog na ata ako sa sobrang kapipisil ng mga kumag na 'to sa pisngi ko eh.

Hinawi ko yung kamay niya tapos ay pinitik ko siya sa ilong.

"Ang sakit nun ah?" sabi niya.

"Sige na, doon ka na muna. Marami ka pang bisita eh. Kaya ko na sarili ko." sabi ko sa kanya.

Tumayo naman siya at hinawakan ng kanan niyang kamay ang kaliwa kong pisngi tapos ay hinalikan niya ako sa kabilang pisngi.

"Sige na, kumuha ka na lang ng pagkain o kahit ano mang gusto mo dun sa table na nasa gilid. Marami kang makikita dun." sabi niya tapos nginuso niya yung table na nasa kaliwa.

Bakit ang yayaman ng mga kaibigan ko? Kaya nilang gumastos ng mga ganito? Hmmm.

Tumango na lang ako para umalis na siya. At dahil wala akong masyadong kilala dito ay, tinanaw-tanaw ko na lang si Karl. Pero ang taong yun parang nagtatago! Halos magkanda-giraffe na ako sa kakahanap sa kanya, hindi ko pa rin makita. Hay. Paano ako dito? Istatwa muna?

Hindi ko naman matetext si Karl kasi nag-expire na unli ko kanina. Makapaglaro na nga lang muna. Nakow! Mababato lang ako dito eh.

"Hello." energetic na bati ng isang lalaki na umupo sa inupuan ni MJ kanina.

"Hi." nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"Uhm, pwede ko bang malaman name mo? Naglalaro kasi kami ng mga kaibigan ko ng Truth or Dare, napili ko Dare. Tapos nautusan nila akong maghanap at kumausap ng isang attractive daw na lalaki. Eh parang ikaw lang ang napansin kong attractive dito. So, ano? Pwede ko bang malaman name mo?" mahina niyang sabi habang hawak ang isang bote ng beer.

Nag-blush ako sa indirect compliment niya. Hindi ko kasi aakalaing mas attractive pa ako kay Karl! Eh yung kumag na yun, gwapo na, malakas pa ang sex appeal!

"Thank you po. I'm Allen po." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Nice to meet you, Allen. I'm Jonathan. Dito muna ako ha? Ayaw ko na kasing matagayan dun eh. Ayoko ng alak, napilitan lang akong uminom dahil sa 'peer pressure'." sabi niya at tumango naman ako. Gusto ko rin naman ng kausap kahit papaano.

"So, ilang taon ka na? Ako kasi 20 na." tanong niya out of nowhere.

"18 po." sagot ko naman.

"Ayos. Edi may girlfriend ka na nyan?" tanong niya ulit.

"Wala po." maikli kong sagot. Alangan namang sabihin ko na, 'Wala po, bakla po kasi ako.'.

"Bakit naman wala? Inuuna mo pag-aaral mo?" tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya.

"Wooh! Lagi na lang! Yung mga katulad mo, boring ang kalalabasan ng buhay. Matuto kang sumugal kahit papaano. Kahit delikado, alam mo namang masaya ka." bigla niyang payo. May tama na ba ng alak 'to?

"Okay po." sagot ko na lang kasi bigla akong na-awkward-an sa sinabi niya.

Napayuko na lang ako para maglaro ulit ng cellphone pero may pumisil na naman ng pisngi ko.

"Ang cute mo! Hindi ka attractive, cute ka. Ang cute mo talaga!" biglang sabi ni Jonathan habang tumatawa na parang batang babae at pinipisil yung pisngi ko.

Nung binitawan na niya yung pisngi ko ay natahimik uli siya. Ang abno naman nito, may tama na ata ng alak 'to eh.

Maglalaro na sana ulit ako ng biglang may mag-angat uli ng mukha ko.

Kung sino man ang nag-angat ng mukha ko ay isang mapangahas na tao dahil hinalikan niya ako sa harap ng napakaraming tao na hindi namin kilala!

Narinig kong may pumalakpak, baka si Jonathan 'yon.

Nung makabalik ako sa sarili ko ay napansin kong si Karl ang humalik sa akin. Kingina nitong lalaking 'to oh! Hindi na nahiya!

Itinulak ko siya para lumayo sa akin. Natumba siya pero tumawa lang siya.

Napatingin ako sa paligid at laking tuwa ko ng iilan lang ang nakita kong nakatingin sa amin.

Binalikan ko ng atensyon si Karl at tinadyakan siya sa paa.

"Tarantado ka! Bakit mo yun ginawa!?" tanong ko sa kanya.

"Hehehe, Allen. I love you." nakangiti niyang sabi kaya tinakpan ko agad ang bibig niya. Kups 'to! Mamaya may makarinig sa kanya eh.

"Ayun! Kaya naman pala walang girlfriend eh, kasi may boyfriend!" biglang singit ni Jonathan.

"Hindi! Hindi ko siya boyfriend! Magkaibigan lang kami." patanggi ko namang sabi sa kanya.

"Hasus! Bakit ka niya sasabihan ng ganun kung hindi mo siya boyfriend?" tanong niya, hindi talaga siya naniniwala.

"Lasing lang 'tong kumag na 'to! Hindi niya alam ang pinagsasasabi niya. Saka parehas kaming lalaki diba?" kabado kong sabi sa kanya.

"Oh eh ano naman kung parehas kayong lalaki? Pwede nam--" naputol yung sasabihin niya dahil bigla siyang binatukan ni MJ.

"Anong pinagsasasabi mo dyan kay Allen? Wag mong tinuturuan ng kagaguhan kaibigan ko ah?" sabi ni MJ kay Jonathan.

"Wala akong sinasabi sa kanya! Nag-uusap lang kami tungkol sa boyfriend niya." sagot naman ni Jonathan habang tinititigan si MJ ng masama.

"Magkakilala kayo?" nagtataka kong naitanong sa kanila.

Tumingin sila sa akin at sabay na tumango.

"Siya nga pala yung sinasabi kong 'pare' ko. Alam mo na yun." nakangiting sabi ni Mj tapos ay kumindat siya.

Tinabig naman siya ni Jonathan at pinanlakihan ng mata.

"Ano yan? Bakit may pagkindat-kindat? May itinatago ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Jonathan na dudang-duda kay MJ.

"Jusko, Tan-tan! Wala! Kaibigan ko yang si Allen! Wag ka ngang seloso! Konyatan kita dyan eh!" sabi naman ni MJ kay Jonathan.

Napangiti na lang ako dahil sa cuteness na hatid ng tambalan nila. Hahaha. Pero naputol ang kaligayahan ko nang bigla akong yakapin ni Karl. Pinipilit pa nga niyang idikit yung mukha niya sa mukha ko eh.

"Ano ba yun, Karl?" naiirita ko nang naitanong sa kanya. Bakit kasi uminom eh? Baka maulit na naman yung nangyari dati eh.

Ayoko nang maranasan mula sa kanya yun! Ang sakit kaya!

"Nasusuka ako." bulong niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla! Paanong hindi? Eh nakakapit siya sa akin tapos yung mukha niya kadikit ng mukha ko. Paano kung bigla siyang sumuka? Eww!

Tumayo na ako at inalalayan ko din siyang tumayo. Dahil sa may tama na nga siya ng alak ay nahirapan siyang i-balanse ang katawan niya kaya tumulong na din si Jonathan sa akin.

"MJ, saan ang CR dito?" tanong ko sa kanya habang iniaayos ko ng pagkaka-akbay si Karl sa balikat ko.

"Pumasok kayo sa pinto na yun tapos kumanan kayo. Sa dulo, nandun yung CR." sagot naman ni MJ na nakatingin sa may pinto sa kanan.

Agad naman naming tinungo iyon nina Jonathan para pasukahin na 'tong pinakamamahal kong kaibigan.

Pagpasok namin sa CR ay nandiri ako. Amoy suka! Ano ba naman 'tong si MJ! After grad party ba 'to? Parang nagpunta lang kami dito para uminom ah?. Tss.

"Allen." paungol na banggit ni Karl sa pangalan ko.

"Bakit?" concerned kong tanong sa kanya habang isinasandal namin siya sa may pader.

"Allen." ungol niya ulit.

Ano 'to? Yun na lang ang alam niyang sabihin? Mukhang magsisimula na naman siyang magsalita ng mga bagay-bagay ah?

Humarap ako kay Jonathan at nginitian siya.

"Sige, ako nang bahala sa kanya. Salamat sa pagtulong ha?" sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Tumango naman ako at nginitian ulit siya.

"Hinihintay ka na ni MJ dun eh." sabi ko sa kanya na ikina-blush naman niya. Ang cute talaga nila. Bagay silang dalawa.

Buti pa sila, masaya ang lovelife. Samantalang ako, ito, 'KAIBIGAN LANG PALA'. Hay.

Isinukbit ko ulit ang braso ni Karl sa balikat ko tapos ay pumasok kami sa isang cubicle. Ni-lock ko iyon para walang makakita sa itsura niya. Grabe, paanong nalasing ng ganito 'to? Wala pang 30 minutes ah? Tss.

Iniharap ko siya sa bowl at hinagod-hagod ang kanyang likod.

"Isuka mo na, Karl. Wag mong pigilin." sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya.

"Allen. Hehe. Hindi naman ako nasusuka eh." bigla niyang sabi kaya binatukan ko siya.

"Eh bakit sinabi mo kaninang nasusuka ka!?" tanong ko sa kanya habang inihaharap ko siya sa akin.

"Wala lang. Para lang mailayo ka dun sa lalaking yun!" nakangiti naman niyang sagot. Itsurang lasing talaga oh! Tss.

"Sino? Si Jonathan?" pabulong kong naitanong sa kanya. Mamaya wala palang nakakaalam ng relasyon nila ni MJ diba?

Tumango naman siya at ipinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at hinapit niya ako palapit sa kanya.

"K-Karl? A-anong g-g-gagawin mo?" nauutal kong naitanong sa kanya nung mapansin kong gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Ito oh." sagot niya tapos ay bigla niyang sinibasib ng halik ang mga labi ko.

Hindi agad nag-respond ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Pero hinayaan ko na lang din, kasi iba yung halik niya eh.

Yung tipong kahit nakalaklak na siya ng alak, parang ang tamis pa rin ng mga labi niya. Yung parang ang harsh niya humalik pero hindi ako nasasaktan. Yung ganun.

Nung pakawalan niya ako ay parehas kaming naghahabol ng hininga.

Napatitig ako sa mukha niya at nginitian niya lang ako habang humahangos mula sa ginawa namin.

"Allen, I think I like you." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Lasing ka lang, Karl. Ipahinga mo yan." payo ko naman sa kanya. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya this time. Lasing siya ngayon kaya itatanggi niya rin yang sinabi niya bukas.

"Allen, oo, aminado ako na nakainom ako, pero hindi ako lasing. Alam ko ang pinagsasasabi ko ngayon." sabi niya na may halong tono ng galit sa boses niya.

Tinangka niya akong hawakan sa kamay kaso hinawi ko iyon.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng cubicle at lumabas sa CR.

Dumiretso ako palabas ng venue patungo sa sasakyan ni Karl.

Doon nagkulong ako at umiyak.

Umiyak at nag-isip.

KARL VINCENT'S POV

Bakit siya umalis? Isn't this every gay's dream? Yung may lalaking magtatapat sa kanila?

Bakit? Hindi ba niya ako gusto? Ayaw niya ba sa akin? Argh! Si Allen lang ang lalaking nakapagpatibok ng puso ko in an abnormal way. Gusto ko siya. Gusto ko siyang maging akin!

And then I found myself running. Tumakbo ako palabas ng venue tapos ay tinungo ko ang kotse ko.

Doon. Doon ko nakita si Allen na umiiyak.

Binuksan ko ang pinto sa side niya at niyakap ko siya, ipinatong ko ang baba ko sa tuktok ng kanyang ulo saka ko hinagod ang likod niya.

"Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba nung sinabi ko?" tanong ko sa kanya. Hinigpitan ko ang yakap ko dahil feeling ko ay pinanghihinaan siya ng loob.

Umiling siya sa dibdib ko kaya inilayo ko siya mula sa akin at tinitigan sa mata.

"Eh, anong problema? Nabigla ka ba? Sorry kung nabigla ka. Hindi ko naman alam na, ayaw mo pala sa ak--" natigilan ako sa pagsasalita dahil... dahil... dahil, hinalikan niya rin ako sa labi!

Saglit lang naganap ang halik na iyon pero parang tumigil ang oras sa paligid namin.

"Allen?" nagtataka kong tanong sa kanya nang maghiwalay ang labi namin.

"Karl. Natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanang, lahat ng sinabi mo ngayon ay mababale-wala din bukas. Ayaw kong umasa sa mga salita mo pag lasing ka. Nasaktan mo na ako sa ganitong eksena noon, ayoko nang maulit ngayon. Karl, please. Itigil mo na 'to. Ayaw kong masaktan. Okay na ako sa friendship natin. Okay na ako sa simp--" pinutol ko na ang pagsasalita niya, gamit ang daliri ko, dahil masyado nang marami ang narinig ko.

Nangyari na ang ganitong eksena!? Kailan? Saka, anong mababalewala? Anong sinasabi niya?

"Allen, anong ibig mong sabihin? Sinabi ko na 'to? Umamin na ako sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Napatango naman siya habang pinupunasan ang luha niya.

"Kailan?" tanong ko ulit.

Tumingin siya sa akin tapos ay nagbuka siya ng bibig na parang may sasabihin, pero wala namang lumabas sa bibig niya.

"Allen, I need to know. Kung may nasabi man akong masama THAT TIME, I'm sorry." seryoso kong sabi sa kanya habang hawak ang dalawa niyang kamay.

"Karl, ayos naman na sa akin yun eh. Tanggap ko na magkaibigan lang tayo. Ayos na sa akin yun." nakangiti niyang sabi sa akin.

"No, Allen. Kung ikaw kuntento na magkaibigan lang tayo, ako, hindi! I want us to be more than just friends! Like I said earlier, I think I like you. No, scratch that. I'm in love with you, Allen. Narinig mo? Mahal kita!" halos isigaw ko na lahat ng sinabi ko dahil hindi ko na kayang pigilin ang nararamdaman ko.

Ito na yun eh. Naamin ko naman na pala dati, bakit aatras pa ako ngayon?

Napansin kong natulala siya kaya hinawakan ko ang mga kamay niya at tinitigan muli siya sa mga mata.

"You heard it right, Allen. Gusto kita, matagal na! Hindi ko alam kung paano pero basta na lang akong nahulog sa'yo eh. At saka naalala ko na yung sinasabi mong lasing ako. Yun kasi yung time na na-depress ako dahil sinabi mong kalimutan ko na yung muntik na nating kiss sa bahay ko. Natural, nalungkot ako kaya ako nagpakalasing nun. Allen, dati pa ako may gusto sa'yo. Natatakot lang talaga akong umamin nun dahil maram--" napigil ang pananalita ko nang biglang mag-ring ang phone ni Allen.

/ Hello, MJ? Bakit!? Kasama ko si Karl ngayon. Bakit nga kasi? /

Sa sobrang inis ko dahil sa pag-interrupt nitong si MJ sa sasabihin ko ay hinablot ko ang phone ni Allen at kinausap si MJ.

/ We're going. Congratulations na lang sa'yo, brod. / sabi ko kay MJ tapos binaba ko na agad yung linya para hindi na siya makasagot.

Binalik ko kay Allen yung cellphone niya at isinara ang pinto. Pumunta ako sa kabila, binuksan ang pinto saka sumakay.

"Anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Allen habang ini-start ko ang makina.

"Didn't you hear me? Aalis na tayo." sagot ko naman sa kanya.

"Hindi pwede, Karl! Lasing ka! Saka baka magalit sa akin si MJ dahil bigla na lang akong nawala sa party niya." sabi pa niya habang hawak niya ang isang bahagi nung manibela.

Nahampas ko ang manibela dahil sa sobrang galit.

"Sino ba mas mahalaga sa aming dalawa para sa'yo?" seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nag-drive na ako palayo sa lugar na iyon.

"Teka, saan tayo pupunta?" bigla niyang tanong sa akin.

"Sa bahay." sagot ko naman habang seryoso akong nagfo-focus sa pagpapabilis ng pagmamaneho ko.

Wala yung mga magulang ko sa bahay ngayon. Nasa America sila at bukas pa ang balik. Si Manang naman ay pinagbakasyon ko muna mula nung isang linggo para naman makauwi siya sa probinsya at makapagpahinga. Solo ko ngayon ang bahay kaya dun ko dadalhin si Allen.

Dun kami mag-uusap ng seryoso.

Pagka-park na pagka-park ko sa harap ng bahay namin ay bumaba agad ako at binuksan ang pinto para kay Allen. Nung makababa naman siya ay agad ko iyong isinara at hinawakan siya sa braso.

"Allen, let's talk." sabi ko na lang sa kanya tapos ay hinila ko siya papasok ng bahay.

Dumiretso kami sa kwarto ko at ini-lock ko ang pinto nun kahit dalawa lang kami ngayon sa bahay.

 “Karl, a-anong g-g-g-ginagawa mo?” kabado niyang tanong sa akin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“Allen, matagal kong hinintay ang panahon na ‘to. I love you. Sana naman parehas tayo ng nararamdaman. Kasi kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Ikaw lang talaga ang lalaking nagpatibok sa puso ko ng ganito.” bulong ko sa kanya.

Naramdaman kong parang tumango siya kaya inilayo ko siya sa katawan ko aat tinitigan sa mata.

Ngumiti siya at marahan muling tumango.

“Matagal na rin kitang gusto Karl. Ayoko lang umamin noon dahil natatakot din ako at saka kuntento na nga ako sa pagkakaibigan natin. Pero, total at ikaw naman ang naunang umamin, mabuting umamin na rin ako, right?” nakangiti niyang tanong sa akin tapos namumula yung mga pisngi niya.

Tinangka kong lumapit sa kanya pero umatras siya at itinaas ang kamay niya sa harapan niya na parang pinipigilan ako sa paghakbang.

“Bakit?” nagtatakang naitanong sa kanya.

“Tama na! Alam ko na gagawin mo. Pudpod na labi ko, okay? Pagpahingahin mo naman muna kahit mga isang araw lang.” sarcastic niyang sabi tapos ay inirapan niya ako.

Napangiti na lang ako sa kanya pero hindi kok sinunod yung utos niya.

Ha! Nagkaaminan na tayo, tapos ngayon mo pa ayaw magpahalik? Hahaha.

Binigyan ko siya ng makahulugang tingin at bigla akong tumakbo papalapit sa kanya.

Dahil naman sa pagkabigla ay napaatras siya at natumba pahiga sa kama ko.

SAKTO! Humanda ka! Hahahaha.

ALLEN’S POV

What the!? Pesteng kama ‘to! Bakit ba nakaharang kasi eh? Tss.

“Babe?” tanong ngayon sa akin ni Karl. Nakapatong ang ugok sa akin. Nakaka-porn naman ang posisyon namin. Hehehe.

“Bakit?” tanong ko naman sa kanya habang nakapulupot yung mga braso ko sa baywang niya.

Ngumiti lang siya at bigla akong binigyan ng halik sa labi. Kumag! Nasisiyahan ka talaga sa pag-kiss sa akin eh ‘no?

“Sabi ko diba, pagpahingahin mo muna labi ko? Baka mamaya i-check ko labi ko sa harap ng salamin, puro kalyo na pala!” sabi ko sa kanya na tinawanan niya lang.

Huminga siya ng malalim, siguro dahil sa sobrang saya, tapos dumapa siya sa katawan ko.

“I love you, Allen.” sabi niya.

“I like you, Karl.” sagot ko naman tapos bigla siyang tumukod at tinitigan ako.

“’Like’ lang? Ako, love na, ikaw nasa ‘like’ stage pa lang? Ganun lang ba ako sa’yo? Isang dakilang crush lang?” nagtatampo niyang sabi tapos nag-pout siya.

Patawa talaga ‘tong lalaking ‘to eh.

Tinulak ko siya at hinawi papunta sa gilid tapos umupo ako.

“Basta, Karl, may dahilan ako. Sa akin na lang muna yun, okay?” tanong ko sa kanya at mukha namang naintindihan niya ako dahil tumango siya.

“Kahit ano pa yang rason mo sa pag-‘like’ mo sa akin, wala na akong paki, basta ang alam ko lang, Masaya ako pag ikaw ang kasama ko. Basta, ikaw ang kumukumpleto ng araw ko.” nakangiti at seryoso niyang sabi habang nakatingin siya sa akin ng mata sa mata.

Umupo din siya at hinawakan ang pisngi ko. Kingna naman nito, hindi makapagpigil!

Hinalikan niya ulit ako sa labi. This time ay yung passionate kiss na.

KARL VINCENT’S POV

“Dito ka na matulog.” pag-aya ko sa kanya habang nakahiga siya at nakayakap ako sa kanya mula sa gilid.

“Hindi pwede! Papagalitan ako ni Mama.” sagot naman niya kaya napasimangot ako.

“First night natin ‘to oh! Sige na! Please?” pagmamakaawa ko pa sa kanya. Gusto ko kasi talaga siyang makasama ngayong gabi eh.

Kami na ni Allen. At napagkasunduan namin na itago ang relasyon namin sa lahat. Alam kasi naming maraming magugulat at magagalit pag nalaman nilang kami na.

“Karl, hindi pwede. Next time na lang, okay?” sabi niya naman habang tumatayo na siya mula sa kama at inaayos ang damit niyang nagulo dahil sa pag-gulong-gulong namin sa kama nung naghahalikan kami.

“Bahala ka. Sige umuwi ka na. Ihatid mo sarili mo.” tampu-tampuhan kong sabi sa kanya.

“Tss. Karl, wag ka ngang bata! Sige na, ihatid mo na ako.” sabi naman niya habang hinihila yung kamay ko.

“Ayoko.” sabi ko tapos ay dumapa ako at nagtakip ng unan sa tenga ko para kunwari ay hindi ako nakikinig sa kanya.

Paulit-ulit niyang hinila yung kamay ko hanggang sa maramdaman kong umupo siya sa tabi ko at pinipilit na hilahin yung unan mula sa ulo ko.

Nakipaghatakan ako sa kanya pero mas may advantage siya kaya nahila niya yung unan at iniharap ang mukha ko sa direksyon niya.

“Oo na, sige na! Mag-i-stay na! Tumayo ka na diyan.” sabi naman niya kaya nabuhayan ako ng dugo at bumalikwas ako ng bangon.

“Talaga!?” amazed na amazed kong tanong sa kanya habang hawak ko ang kamay niya at kumikinang yung mata ko na parang may stars sa paligid nito.

“Oo nga. Pero ipagpaalam mo ako kay Mama para malaman niya kung nasaan ako.” utos niya na agad ko namang sinunod.

Tinext ko na lang yung Mama niya at hindi na inantay ang reply. Pinatong ko yung phone ko sa side table at hinila ulit si Allen para humiga sa kama.

Pinulupot ko agad yung braso ko at yung mga binti ko sa kanya para hindi na siya makatakas. Hehehe.

“Karl, umayos ka nga! Para kang tanga!” sabi niya sa akin.

“Ayoko, babe! Baka iwan mo ako dito eh.” sabi ko sa kanya, trying to be cute.

“Dito lang ako! Hindi na nga ako uuwi, remember?” paalala naman niya habang tinutulak niya yung mukha ko palayo sa kanya.

"Kahit na. Dito ka lang sa tabi ko." pakiusap ko sa kanya habang inaamoy-amoy ko siya.

Bigla siyang nagpumiglas nung dumako yung ilong ko sa leeg niya.

"Karl! Magpalit ka na nga! Ang baho mo! Amoy alak ka na eh." sabi niya tapos nag-make face siya na parang bahung-baho sa akin.

"Dito ka lang ha? Paglabas ko sa CR dapat nandito ka lang." sabi ko naman sa kanya.

"Opo! Sige na, ang baho mo na!" sabi niya tapos tinulak na niya ako kaya napagulong ako hanggang sa sahig.

Tumawa siya kaya nag-pout ako sa kanya at inihagis sa kanya yung unan na nahila ko.

"I love you!" sabi ko sa kanya after kong makita yung reaksyon niya nung tamaan siya nung unan sa mukha.

"Leche ka Karl! Maligo ka na at magpalit! Mamaya ka na lumandi!" utos niya sa akin kaya pumasok na ako sa CR at nagsimulang maligo.

Nung patapos na ako ay saka ko lang naalala na nalimutan kong magdala ng malinis na tuwalya at damit.

"Allen! Pakuha naman ng towel!" pasigaw kong utos sa kanya mula sa CR.

Pero wala akong narinig na sumagot kaya sinuot ko ulit yung nagamit kong boxer shorts at lumabas ng CR.

Pagtingin ko ay wala si Allen sa Kwarto ko! Saan siya nagpunta?

Umalis na siya? Hindi ba sabi ko mag-stay lang siya dito?

"Allen! Allen! Allen!" sunod-sunod kong sigaw habang nililibot ko ang buo kong kwarto at hinahanap siya. Pero napuntahan ka na lahat ng sulok ng kwarto ko, wala talaga siya!

Hindi ko na inintindi yung lamig ng aircon sa basa kong katawan, ang focus ko ay malaman kung saan pumunta si Allen.

Dinampot ko yung cellphone ko at dinial yung numero niya. Pero narinig ko lang yung ringtone niya dito sa loob ng kwarto ko. Shit, iniwan niya dito cellphone niya?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa.

"Allen! Allen! ALLEN!' patuloy pa rin ako sa pagsigaw ng pangalan niya hanggang sa makaabot ako sa front door namin.

Wala na. Umuwi na agad si Allen. Akala ko ba hindi siya uuwi? Nakaka-bwisit nman oh! Tch! Tangna naman! Grrr!

"Hoy! Ano bng ginagawa mo diyan sa may pinto?" tanong ng isang boses mula sa likod ko.

Umikot ako at nabigla ng makita ko si Allen. May hawak siyang baso ng tubig.

"Saan ka ba nagpunta?" takot na takot kong tanong sa kanya habang niyayakap siya ng mahigpit.

"Kumuha lang ako ng tubig. Made-dehydrate ako sa kwarto mo eh." sagot naman niya tapos naramdaman kong humagod sa likod ko yung kamay niya.

"Next time nga magsasabi ka kung saan ka pupunta. Alalang-alala ako sa'yo eh." worried kong sabi sa kanya tapos ay hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.

"Dito lang ako sa loob ng bahay mo, magpapaalam pa ako sa'yo? Saka gabi na, paano ako makakauwi diba?" sarcastic niyang sagot sa akin.

"Basta, ayaw kong nawawala ka sa paningin ko. Boyfriend mo na ako kaya dapat alam ko ang mga nangyayari sa'yo." sagot ko naman sa kanya tapos ay hinalikan ko siya sa leeg.

Bago pa ako madala ng nararamdaman ko ay pinigilan niya ako at mahinang itinulak.

"Oo na, oo na." sagot niya tapos ay nag-eyeroll siya.

Niyakap ko ulit siya at hinalikan sa pisngi.

"Teka nga! Bakit nakahubad ka? Saka hindi ka man lang  nahiya na lumabas ka ng bahay na naka-boxers ka lang?" sunod-sunod niyang tanong habang sinusuri ako ng mata niya, mula ulo hanggang paa.

Nung napansin kong tumatagal yung titig niya sa 'ano' ko ay tinakpan ko iyon.

"Bad Allen! Wag mo ngang tignan yung boyfriend mo ng ganyan! Mamaya hindi ako makapagpigil, may magawa akong masama sa'yo." nakangiti kong panunukso sa kanya which earned me a blushing pair of cheeks from him. Hehehe.

ALLEN'S POV

Kay libog talaga nitong taong 'to! Pero hindi ako papatalo! Lugi ako, wala akong ganti eh.

Nginitian ko siya at saka ako tumalikod.

"Bahala ka kung ano gusto mong gawin sa akin, Karl. After all, boyfriend mo naman na ako eh." mapanukso ko namang pagbibiro sa kanya habang papunta ako sa direksyon ng hagdan at kinakawayan siya.

Bago pa ako makatungtong sa unang baitang ng hagdan ay biglang may dumamba sa akin mula sa likod.

"Ang pervert mo pala, babe?" bulong niya sa akin na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan.

"Oy! Nagbibiro lang ako! Hindi ako ganun 'no?" sagot ko naman sa kanya.

"Eh bakit hahayaan mo lang ako na gawin lahat ng gusto ko sa'yo?" seryoso niyang tanong.

"Ayaw mo ba?" pabiro ko namang tanong sa kanya.

"Gusto ko, syempre! I mean, gusto kong gawin lahat ng 'firsts' ko sa ganitong klase ng relationship ng ikaw ang kasama ko." sagot naman niya.

Natawa ako sa sagot niya tapos ay pinilit kong kumawala sa yakap niya.

"At ako pa ang perverted ha?" sarcastic yet nagbibiro kong tanong sa kanya. Namula siya at napakamot ng ulo.

Pero kinikilig ako ngayon dahil sa sinabi niya. Gusto niyang gawin lahat ng 'firsts' niya sa ganitong type ng relasyon? Ang saya nun! Hahaha.

Natigil ako sa kasiyahan ko ng marinig kong bumahing si Karl.

"Ayan, lumabas ka pa ng CR ng basa ka at nakahubad! Masaya yan Karl. Napakasaya!" sarcastic kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako!

Hinila ko siya at pinaakyat sa taas.

"Magbanlaw ka na. Wag kang magtatagal ha? Mamaya matuluyan ka sa pagkakaroon ng sipon eh." utos at paalala ko sa kanya.

Pumasok siya saglit sa walk-in closet niya at kumuha ng tuwalya. Wala pang 5 minuto ay lumabas na agad siya sa CR.

Lumapit siya sa akin sa kama tapos ay ngumuso.

"Kiss ko?" sabi niya.

"Leche! Magbihis ka na!" utos ko sa kanya.

"Ayaw. Kiss muna." parang bata niyang sabi habang umiiling-iling.

Tss. Makulit! Kung hindi lang kita mahal baka natampal ko pa yang mukha mo!

"Magbibihis ka after nito ha?" request ko sa kanya at tumango naman siya.

Tumukod ako at inilapit ang ulo ko sa mukha niya.

Nung papalapit na ang mukha ko ay biglang may humawak sa batok ko at itinulak ako palapit sa mukha ni Karl. Tangnang Karl 'to! Masyadong excited!

Nung matapos niyang ngasabin yung nguso ko ay ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Tumayo siya at dumiretso sa walk-in closet niya.

"Wooh! Ang sarap mo, Babe!" bigla niyang sabi nung nasa loob na siya nung closet.

EH? Kingna ka! Alam mo talaga kung paano pag-blushin eh! Naman eh! Kainis!

Para ma-divert ang atensyon ko, at para hindi ako magmukhang kamatis sa harap niya, ay binuksan ko yung TV ni Karl at nanuod ng anime.

After a few more minutes ay lumabas siyang naka-plain white sando at naka-pyjama. May dala din siyang mga damit so, I'm guessing na ako ang magsusuot nun.

"Suot mo, Allen." sabi niya sabay hagis nung mga damit sa direksyon ko.

Dahil hindi ako ganun ka-athletic ay hindi ko nagawang saluhin lahat at lumanding sa mukha ko yung T-shirt. Pagtanggal ko nung T-shirt sa mukha ko ay sinalubong ako ng gwapong mukha ng boyfriend ko at binigyan ako ng kiss sa labi.

"I love you, Allen." nakangiti niyang sabi.

Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla.

"I.. I... I love you, too, Karl." nauutal kong sagot tapos ay naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

403K 16.6K 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi...
387K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.6M 62.9K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...