KAEDE (Way Back to Your Heart)

By justbetch

444K 8.8K 539

"I miss you... and people say just because you miss someone doesn't mean you have to take him back. But I re... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE:
CHAPTER FOUR:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN:
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
CHAPTER TWENTY-ONE:
CHAPTER TWENTY-TWO:
CHAPTER TWENTY-THREE:
CHAPTER TWENTY-FOUR:
CHAPTER TWENTY-FIVE:
CHAPTER TWENTY-SIX:
CHAPTER TWENTY-SEVEN:
CHAPTER TWENTY-EIGHT:
CHAPTER TWENTY-NINE:
CHAPTER THIRTY:
CHAPTER THIRTY-ONE:
CHAPTER THIRTY-TWO:
CHAPTER THIRTY-THREE:
CHAPTER THIRTY-FOUR:
CHAPTER THIRTY-FIVE:
CHAPTER THIRTY-SEVEN:
CHAPTER THIRTY-EIGHT:
CHAPTER THIRTY-NINE:
CHAPTER FORTY:
CHAPTER FORTY-ONE:
CHAPTER FORTY-TWO:
CHAPTER FORTY-THREE:
CHAPTER FORTY-FOUR:
CHAPTER FORTY-FIVE:
CHAPTER FORTY-SIX:
CHAPTER FORTY-SEVEN:
CHAPTER FORTY-EIGHT:
CHAPTER FORTY-NINE:
CHAPTER FIFTY:
CHAPTER FIFTY-ONE:
CHAPTER FIFTY-TWO:
CHAPTER FIFTY-THREE:
CHAPTER FIFTY-FOUR:
CHAPTER FIFTY-FIVE:
CHAPTER FIFTY-SIX:
CHAPTER FIFTY-SEVEN:
CHAPTER FIFTY-EIGHT:
EPILOGUE:
Thank You Note!!!

CHAPTER THIRTY-SIX:

6.8K 133 3
By justbetch

CHAPTER THIRTY-SIX

Kaede's

"You don't have to bring clothes. Hindi naman natin kakailanganin ang mga yan dun." pilyong sabi ko sa kanya habang inaayos niya ang mga kakailanganin niya sa dadalhin niyang duffle bag.

Natawa nalang ako ng bigla niya akong pinalo ng hawak niyang tshirt habang nakasimangot.

"Loko-loko ka talaga." nakasimangot na sabi niya pero halatang natatawa.

"Totoo namang hindi na natin kailangan ng mga yan. Para nga maisabuhay natin si Adan at Eba." sabi ko pa kaya namula ang pisngi niya na lalo kong ikinatawa.

"Siraulo ka." aniya.

Tinulungan ko na din siyang magimpake ng mga kailangan namin para sa isang linggo para bukas aalis nalang kami at pupunta sa Antipolo.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ba natin kakailanganin ng passport?" maya-maya ay tanong niya.

Hindi ko pa din kasi sinasabi sa kanya kung saan kami pupunta. Ang sabi ko lang may pupuntahan kami at mananatili doon ng isang linggo na kaming dalawa lang.

"Diyan lang naman tayo sa clubhouse kaya hindi na kailangan pa ng passport." biro ko kaya napatingin siya agad sa akin at napasimangot ng makitang nagpipigil ako ng tawa.

"Pinaglololoko mo na naman ako. Nakakaasar ka." sabay palo niya ulit sa akin ng hawak niyang bra na lalo ko na namang ikinatawa.

"Talagang bra mo ang ipinanghampas mo sakin? Gusto mo yatang umpisahan na natin ang honeymoon ngayong gabi ah." natatawang sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya ng marealize na yung bra niya ang naipanghampas niya sa akin saka namula ang pisngi niya sa hiya. She looks so adorable like that. Nahihiya pa din siya kahit na nakita naman na namin ang lahat ng parte ng katawan ng isa't isa.

"Nakakaasar ka talaga!" sabay pout niya.

"O baka naman panty mo naman ang ihampas mo sakin ha." biro ko kaya muling nanlaki ang mga mata niya

"Pervert!" aniya sabay talikod saka pinagpatuloy ang pag-iimpake. Lalo akong natawa ng makitang namumula pa din ang pisngi niya.

"Eto naman nahihiya pa sa akin." sabay yakap ko sa kanya mula sa likod habang nag-aayos siya ng gamit. "Eh nakita ko naman na ang lahat sayo at mo ang lahat sa akin." pilyong sabi ko pa sabay masahe sa balalang niya dahilan para napahinto siya sa ginagawa niya at mapasinghap sa ginagawa ko.

"Naku talaga!" biglang layo niya sa akin. "Tigilan mo yang mga paganyan ganyan mo at naaano ako."

"Naaano?" puno ng malisyang tanong ko. Natawa nalang ako ng bigla niya akong batuhin ng tuwalya.

"Magshower ka na ng mawala yang init ng katawan mo at ng hindi pati ako dinadamay mo." sabi niya pa.

"Bakit ba nagpipigil ka? Okay lang naman na umpisahan natin ang-"

"Kaede? Maligo ka na." suway niya sa akin.

"Okay. Pero okay lang kung susunod ka sa loob at sabay tayong magshoshower." pilyong sabi ko habang tumatawa.

"Ewan ko sayo! Madami akong ginagawa." natatawa na ding sabi niya.

Pumasok naman na ako sa banyo para magshower, umaasa na susunod siya pero hindi talaga siya pumasok sa loob at sumabay sa aking maligo. Sayang.

Pagkatapos kong magshower at magbihis nadatnan kong tapos na siyang mag-impake ng mga gamit namin. Nakaupo siya sa couch habang kausap sa skype ang daddy at lolo Morgan niya.

"We are planning to go out of the town tomorrow dad." narinig kong sabi niya habang kausap ang mga ito. Sinulyapan niya ako saglit habang nagpapatuyo ako ng buhok.

Narinig kong kinakausap niya ang mga ito sa French kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya habang nagsusuklay ako ng buhok. Pagkatapos kong magsuklay ay umupo agad ako sa tabi niya.

"Good evening po." bati ko kaagad kay lolo Morgan at tito Greg.

"Good evening, Kaede." sabay na bati naman nila sa akin.

"Kamusta po?" nakangiting tanong ko.

"Eto naghihintay na ng apo." natatawang sagot ni tito Greg kaya natawa din ako.

"Daddy talaga." nakasimangot na sabi naman ni George.

"Kelan niyo ba kasi balak magkaanak?" tanong naman ni lolo Morgan. "Baka naman malagutan na ako ng hininga ng hindi ko nakikita ang magiging apo ko sa tuhod ha."

"Bukas na po namin uumpisahan. Papaspasan ko po para makarami." natatawang sabi ko kaya bigla na naman akong kinurot ni George sa tagiliran.

"Dapat pagbalik niyo may goodnews na ha?" nakangiting sabi pa ni tito Greg.

"Opo tito. Sigurado po yun." sabi ko naman.

"Saan niyo ba balak magspend ng anniversary niyo?" maya-maya ay tanong ni tito Greg.

"Secret po muna tito." nakangiting sagot ko. "Hindi din po kasi alam ni George."

"Ayaw niyang sabihin sa akin Dad." nakasimangot na sagot ni George kaya natawa ang daddy niya.

"Maybe it's a surprise." nakangiting sabi ng Daddy niya. "Malalaman mo din naman yun bukas pagdating niyo doon."

"Yeah right." sabay sandal sa akin ni George saka napahikab.

"Bakit hindi pa kayo magpahinga. Baka maaga pa kayo bukas." sabi nalang ni tito Greg. "Goodnight to the both of you and enjoy your honeymoon, okay?"

"Okay Dad. Goodnight Dad and Lolo." sabi nalang ni George. "I love you both." sabay flying kiss nito.

"We love you, Georgeina." sabay na sabi naman ng dalawa saka pinatay ang video call.

Sinara ko naman agad ang laptop habang nakasandal pa din sa akin si George.

"Tired?" tanong ko .

"Hmmm hmmm." aniya habang nakapikit.

"Sayang. Akala ko pa naman makakaisa tayo ngayong gabi." biro ko kaya natawa siya.

"Ikaw, nagiging mahilig ka na talaga sa ganun ha." aniya.

"Nakakaadik ka kasi eh." natatawang sabi ko nalang. "Halika na nga at magpahinga na tayo." sabay buhat ko sa kanya papunta sa kama.

Pinatay ko agad ang ilaw pagkalapag ko sa kanya sa kama saka ko siya dali-daling tinabihan at niyakap.

"Goodnight, honey. I love you." bulong niya habang nakapikit at halatang antok na antok na.

"I love you too. Goodnight hon." sabay halik ko sa labi at noo niya.

Kinabukasan, we both woke up around 6 AM para maligo at magbihis. Maaga kasi ang alis namin dahil plano kong maggrocery muna kami bago pumunta sa antipolo para may stock kami doon ng pang isang linggo.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya pagkatapos ng ika-anim na beses niyang paghikab. "Bakit bumili ka ng barbeque stick?"

"Secret muna. Malalaman mo din mamaya kapag nakarating na tayo doon." nakangiting sagot ko habang isa-isang nilagay sa compartment ng kotse ang mga pinamili naming groceries.

Pinagbuksan ko agad siya ng pintuan para makasakay at pagkatapos ay sumakay din ako agad ng kotse.

"Fasten your seatbelt, hon." utos ko dahil hindi niya pa din kinakabit ang seatbelt niya pagkasakay ko ng kotse.

"Ikaw nalang magkabit." aniya habang nakapatong ang dalawang paa sa dashboard at kumakain ng chips.

Napangiti nalang ako saka dali-daling kinabit ang seatbelt niya. Para talaga siyang bata minsan kung kumilos.

"Tsk. Ang aga-aga chips na naman niyang inuupakan mo. Hindi pa nga tayo nag-aalmusal." sabay kuha ko ng hawak niyang isang bag ng chips saka iyon itinabi sa backseat.

"Nagugutom na ako eh." nakangusong sagot niya kaya kinintalan ko agad siya ng halik sa labi bago ko kinabit ang seatbelt ko.

"Sabi ko kasi sayo mag-almusal ka muna kanina sa bahay eh." natatawang sabi ko habang iniistart ang engine ng sasakyan.

"Magdrive thru nalang tayo. McDonalds." nakangiting sabi niya.

Hindi naman ako agad sumagot at kunwaring pinag-iisipan ko pa.

"Please, hon?" malambing na sabi niya pa kaya palihim akong natawa.

"Okay kapag may nadaanan tayo." nakangiting sabi ko.

"Yehey!" parang batang sabi niya kaya napangiti ako lalo. "Gusto ko ng crispy chicken sandwich with coke."

"No coke. It's either coffee or water." I said with a straight face. Ang aga-aga pa coke na ang gusto niyang inumin.

"But I want coke." nakasimangot na sabi niya.

"No. It's too early to drink softdrinks, hon." sabi ko pa.

"Hmp. Okay." sabay pout niya. "Basta tatlong chicken sandwich sakin ah."

Natawa nalang ako. Grabe, parang hindi modelo ang asawa kong to kung kumain. Walang takot na tumaba o madagdagan ng timbang.

After thirty minutes na biyahe ay nagstop over muna kami sa nadaanan naming McDonalds. Walang drive thru kaya naman pareho kaming bumaba para pumasok sa loob.

Pagkapasok namin sa loob napasin ko agad na napatingin sa aming dalawa ni George ang halos lahat ng nasa loob ng store. Mukhang namukhaan agad nila si George.

Hindi pa man kami nakakaorder eh isa isa ng nagsilapit ang ilang customer kay George para magpapicture kaya medyo nagulat siya pero magiliw din naman siyang nagpapapicture kasama ang mga ito.

"Three crispy chicken sandwich and two large coffee, please." nakangiting sabi ko sa cahera.

Ako nalang ang umorder ng pagkain namin habang nagpapapicture siya sa mga dumudumog sa kanya. Halos bente minutos din siyang nagpicture kasama ang mga ito bago tuluyang nagpaalam para makaalis na kami.

"Ang hirap magkaroon ng asawang celebrity." natatawang sabi ko habang nagdadrive paalis ng McDonalds. "Kahit saan yata tayo magpunta may dudumog at dudumog sayo."

"Celebrity agad?" aniya habang may laman pa ang bibig niya ng kinakaing sandwich. "Hindi naman ako ganun kasikat."

"Hindi pa ba sa lagay na yun?" nakangiting tanong ko. "Halos hindi na nga tayo makaalis kanina."

"Natutuwa lang sila kasi ang ganda ganda ko daw. Dyosa, ganern!" sabi niya pa sabay tawa ng malakas habang may laman ang bibig kaya natawa din ako.

"Ang gandang babae nga parang bata naman kumain." nakangiting sabi ko sabay punas ng tissue sa gilid ng labi niya na may kaunting mayonaise. Tumawa lang siya.

"Hindi naman halata." aniya sabay halik sa pisngi ko habang nagdadrive ako.

Halos alas nuebe na kami ng umaga nakarating sa mountain house namin sa Antipolo.

Ang bahay naming ito ang pinakahuling bahay dito sa taas ng bundok na pwedeng maabot ng sasakyan. Tatlong minuto ang biyahe mula sa gate hanggang sa mismong mountain house namin gamit ang sasakyan at sampung minutos naman kung lalakarin.

Napansin ko agad ang pagkatulala niya habang nakatitig sa pagmamay-ari naming mountain house.

"W-Who own this place?" maya-maya ay tanong niya.

"My family." nakangiting sagot ko kaya napatingin agad siya sa akin.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya pa. I just nod my head while smiling. "It's... wow." bulalas niya ng muling binaling ang tingin sa bahay.

"This is one of our rest house. We often stay here for vacation when I was a kid." nakangiting sagot ko habang papasok kami ng bahay. Nakita ko naman siyang nakatitig sa bahay namin.

Hindi siya umimik at nananatiling nililibot ang tingin sa buong bahay.

Nilibot ko siya agad sa buong bahay. Pinalinis ko na itong babay sa housecleaning noong nakaraang araw kaya hindi na namin kailangang maglinis pa.

"Wow!" bulalas nkya ng makita ang maliit na swimming pool sa likod ng bahay. "We will really stay here for one week?" abot tengang ngiting tanong niya kaya tumango agad ako.

"Yep." nakangiting sagot ko. "Masosolo natin ang isa't isa dito." sabay kindat ko sa kanya kayanatawa siya.

"I really like it here, honey." tuwang tuwang sabi niya sabay palupot ng mga braso niya sa leeg ko.

Kinintalan ko agad siya ng halik sa labi.

"Tahimik dito kaya kahit umungol ka ng malakas sa sobrang sarap ng gagawin ko sayo walang makakarinig sayo, honey." pilyong sabi ko sabay kagat sa tenga niya kaya napasinghap siya bigla.

Continue Reading

You'll Also Like

148K 5.3K 34
The fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.
11.6K 306 18
"Naranasan mo na bang magkaroon ng SECRET ADMIRER." Pero bakit ganun kapag Pogi o maganda.. "Secret Admirer" ang tawag. kapag Pangit "Stalker?" pero...
10.7K 343 20
Si Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para mak...
19.6K 1.7K 32
[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo...