Black Butterfly

By LaraMelissa

21.5M 90.5K 10.2K

Available on GoodNovel App "Just like in highschool, if you have the rooftop, it means that it is your territ... More

Black Butterfly
Prologue
Chapter 1: Hello Philippines!
Chapter 2: The Last Will
Chapter 3: Red Dragon University
Chapter 4: Black Dragon Gang
Chapter 5: School Bullying
Chapter 6: Girlfriends
Chapter 7: The Basketball Game
Chapter 8: You Pervert...Jarvis Fortalejo !
Chapter 10: The Trial Date
Chapter 11: Scandal Picture
Announcement!

Chapter 9: The Contract

340K 5K 575
By LaraMelissa

Chapter 9: The Contract

Bella's Point of View

Kanina pa ako naglilibot sa buong campus ng RDU pero hindi ko mahanap si Freak. Habang naglilibot ay tumunog ang aking cellphone at binasa ko ang text message. Naiinis na ipinikit ko ang aking mga mata sa nabasa ko. Damn! Pinaglalaruan yata ako ni Rain... Wala daw si Jarvis sa RDU! Nagbigay pa siya ng address, doon ko raw puntahan ang freak na iyon.

Lumabas ako ng school at naghintay ng taxi. Sa tagal ng paghihintay ko ay walang dumaan, kaya naglakad na lang ako patungo sa kanto. Nakalimutan kong wala nga palang taxi na dumadaan sa RDU, dahil lahat sila ay nakakotse. Nang makarating ako sa may kanto, saktong may taxi na dumaan. Pinara ko ito at agad na sumakay. Sinabi ko sa driver ang address na itenext sa akin ni Rain kanina.

Hindi maalis sa aking isipan ang ngiti na ibinigay ni Rain sa akin kanina. Nakakaduda talaga. Ang gusto niyang mangyari ay puntahan ko si Emp, kung nasaang lupalop man ito ngayon. Nasa gitna pa rin ako ng pag-iisip nang huminto ang taxi sa isang—racing field? Tama ba ang aking nakikita? Pagkabayad ko ay agad akong bumaba. Saan ko hahanapin si Freak?

Hindi pa man ako nagsisimulang maghanap ay nakita ko na siya. Masayang-masaya siyang bumaba sa kanyang motorbike, malamang dahil sa pagkapanalo niya sa game namin kanina. Kahit saang anggulo ko siya tingnan ay talagang mayabang ang kanyang dating.

Bella naman kasi, may ipagmamayabang naman talaga ang lalaking ito. Naalala ko tuloy ang aksidenteng pagdidikit ng aming labi, bigla tuloy akong namula. Ipinilig ko ang aking ulo sa aking iniisip.

Pinuntahan ko ang kinaroroonan niya pero napatigil ako sa paglalakad dahil pinalibutan si Jarvis ng mga kalalakihan, sila yung mga tipo na naghahanap ng gulo. Tiningnan ko si Jarvis na hindi ko man lang nakikitaan ng takot.

Isa-isang sumugod ang mga lalaki sa kanya. Una, umiiwas lamang siya at napangiti ako sa ginagawa niya. Halatang iniinis lang niya ang mga sumusugod sa kanya. Maganda ang kanyang tactic, dahil tiyak na mapapagod lang ang mga ito. Hingal na hingal na sila, ngayon lamang nila napagtanto ang ginagawang pag-iwas ni Jarvis. Nagtinginan sila sa isa't isa. Iisa lang ang ibig sabihin noon, na sabay-sabay silang susugod kay Jarvis.

Mukhang alam naman ni Jarvis ang pinaplano ng mga kalalakihan, dahil bago pa sila makalapit sa kanya ay kinuha niya ang tube na bakal na nasa paanan niya gamit ang kanyang paa at inihagis niya iyon sa mga kalaban na ikinatakot naman ng mga ito. This time, si Jarvis na ang sumugod, naaaliw ako sa ginagawa niya. Magaling siyang makipaglaban! Nanganganib ang buhay nila dahil maaring ikamatay ng mga kalaban niya ang mga atake ni Jarvis.

Tiningnan ko ang lalaki na lumipad at bumagsak sa may paanan ko. Pinulsuhan ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na humihinga pa siya. Nagkamali pala ako ng judgement. Pigil ang pressure na kanyang ginagamit. Pag-angat ko ng tingin, tapos na ang laban. Tulog na silang lahat.

Kumuha si Jarvis ng isang sigarilyo sa kanyang bulsa tapos bigla siyang humarap sa akin. "Kung tapos mo na akong panoorin, maaari ka ng umalis." Mapanganib niyang sabi.

"Hello." Nakangiting lumapit ako sa kanya.

Tiningnan niya lang ako, humithit siya ng sigarilyo sabay buga sa mukha ko.

"Are you trying to die early?" sabay takip ng ilong ko.

Matalim niya akong tinitigan at ang walanghiya, tinalikuran lang naman ako.

"Hoy, freak!"

"Anong sabi mo?" galit na nilingon niya ako.

Paano ko ba ie-explain?

"Ah...eh...kasi—," hindi ko pa nasisimulan ang sasabihin ko ay tinalikuran na naman niya ako.

Napapikit ako sa inis at hinabol ko siya "Wait."

Hindi niya ako pinansin. Sa inis ko, hinarangan ko siya. Tiningnan niya ako ng masama kaya automatic na tumabi naman ako kaagad. Napanguso ako sa inis, sinundan ko na lamang siya ng tahimik. Bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"Huwag mong sabihing susundan mo pa rin ako?" galit na tanong niya.

Siguro nga kung ibang tao ang kaharap niya ngayon, baka maiihi na yun sa takot. Hindi pala siya puwedeng galitin ng lubos dahil nagmumukha siyang freak lalo. Gayun pa na man, gusto kong matawa sa ekspresyon na pinapakita niya.

"Tinatawanan mo ba ako?"

"Hindi no. Ikaw naman, masyado kang sensitive. Hindi ko naman gustong sundan ka. Kung hindi lang ako natalo, hinding-hindi ko na hahayaang magkrus pang muli ang mga landas natin."

"What?"

"Siguro naman hindi ka bingi—," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nakalapit na siya sa akin. Galit na tinititigan niya ako. Nagulat na lamang ako nang may kinakapa siya sa bulsa ko. What the heck?! Pervert!

Nang akmang susuntukin ko na siya ay nahawakan niya agad ang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit. Pinipilit kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit nito. Ang lakas niya! Sh*t! He can't do this to me!

Nagulat na lamang ako nang may ibinigay siya sa akin na cellphone. "Here, take it. So I can call or text you anytime kapag may kailangan ako sa iyo." Diniinan niya ang pagkakasabi ng salitang 'anytime'. Inis na kinuha ko ang cellphone ko sa kanya. At ang mokong, tinalikuran ako nang walang paalam. Hindi pa nakakalayo ang freak na iyon ay nakareceive na agad ako ng text galing sa kanya. Nanlalaki pa ang aking mga mata nang mabasa ko kung ano ang name niya sa phonebook ko.

"Handsome Emp? F*ck!" Bigla ko yung pinalitan at lihim akong napangisi.

'Freak.'

Binasa ko na ang text message niya sa akin. Napakagat ako sa aking labi nang mabasa ko ito. Ang walanghiya, gusto niyang linisin ko ang buong headquarters nila. Dapat daw wala siyang makitang alikabok.

Damn him! Kailan pa ako naging katulong ng freak na iyan?

Argh!

Jarvis's Point of View

Naisipan kong magpalipas ng gabi sa headquarters ng BDG. Medyo tipsy na rin ako sa dami ng aking nainom kanina, pagod na ako para mag-drive pa pauwi sa condo ko. Napangiti ako nang makitang malinis na ulit ang sala. Mabuti naman at naglinis talaga ang nerd na iyon. Nakakatuwang inisin ang babaeng iyon, laging nakanguso. Hindi rin uso sa kanya ang duck face.

Pagpasok ko sa kuwarto ko, nagulat ako nang makita ko si Nerd na mahimbing na natutulog sa kama ko. "Hey!" sita ko sa kanya. What the f*ck—Mukhang kahit na anong gising ko sa nerd na ito ay hindi ito magigising. "Nerd, get out of here!"

Sh*t! Tanging ungol lamang ang kanyang naging sagot.

Niyugyog ko siya ng malakas pero wala pa ring epekto.

"Pagod ako." Inaantok na sabi niya. "Please...hindi ko na kayang bumangon."

What the hell?! Was she telling me that I should be the one to get out? She's kidding me, right? F*cking no! This is my room and I should be the only one who can sleep here!

Hinila ko ang kanyang paa pero ang bruha ay kumapit sa headboard ng kama.

Damn! Pabagsak na binitawan ko ang kanyang paa. Humanda ka sa akin bukas nerd.

Bella's Point of View

Nanaginip ako na hinihila raw ni Freak ang aking paa. Nakakatakot ang kanyang galit na mukha. Pupungas-pungas na bumangon ako. Napabalikwas ako nang ma-realize ko na umaga na! Kahit inaantok pa ako ay dali-dali akong lumabas ng kuwarto.

"Kumusta, masarap bang matulog sa kama ko?"

Nawala ang antok ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at pilit akong ngumiti.

"Why are you sleeping on my bed?! Do you have any permssion to do that?!"

Napapikit ako sa lakas na pagkakasigaw niya.

"Good Morning—."

Sabay kaming napatingin ni Jarvis sa pinto. Napalis ang masayang ngiti ni Jace nang makita niya kami. Palipat-lipat pa ang kanyang tingin sa amin. "Ops... Sorry!" sabay labas niya ulit.

Sh*t! Hindi man lang ako tinulungan ng lalaking iyon.

"Palitan mo ang cover ng kama ko, ngayon din! Ayaw ko ng may germs na kumakapit sa katawan ko."

"Ano? Eh... male-late na ako sa first subject ko."

"Umaangal ka? Kung hindi ka natulog doon, hindi mangyayari iyan!"

"Pasensya na po, sobra kasi akong napagod sa paglilinis ng buong headquarters niyo na dapat eh sampung maid ang gumagawa noon." Inis na paliwanag ko.

"Gagawin mo ba o gusto mong pumasok sa impiyerno ang buong araw mo?"

Sh*t! Nakasalalay pala sa kanya ang ikatatahimik ng school life ko. "Sorry. Gagawin ko na po."

"Good! Hindi na kita pagbibigyan sa susunod kaya isaksak mo iyan sa kokote mo, nerd!" galit na lumabas siya. Nagulat na lamang ako sa lakas ng pagkakasarado ng pinto na iyon.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay dumiretso ako kaagad sa kuwarto niya at pinalitan ang cover ng kama niya. Matapos kong palitan ang cover ng kama, may natitira pa akong 30 minutes bago magstart ang klase. Nagtungo ako sa cafeteria para kumain. Nang dumaan ako sa lamesa kung saan kumakain ang ibang member ng Black Dragon Gang ay tinawag ako ni Jace. Lumapit naman ako sa kanila at tipid na ngumiti.

"Bakit?" tanong ko.

"Dito ka na kumain sa table amin." Nakangiting yaya ni Jace.

Napatingin ako sa paligid, lahat ng babae ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. Napailing na lamang ako. "Thank you na lang pero ayaw kong masabunutan yung buhok ko." Sabay talikod ko sa kanila.

Nang makahanap ako ng bakanteng lamesa ay umupo ako agad at nagsimulang kumain. Naalala ko tuloy bigla si Freak. Grabeng makapag-utos! Makakaganti rin ako sa kanya! Patapos na akong kumain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Napasimangot ako nang mabasa sa screen ang pangalan ni Freak. Pagkatapos daw ng uwian ay magkita kami sa headquarters. Ano na naman kaya ang pakulo niya?

Hotel Fortalejo

Jarvis' Point of View

Pagdating namin sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko ay agad akong nagtungo sa conference room kung saan naghihintay ang aking lolo. Hindi na ako nag-atubili na kumatok, binuksan ko agad ang pintuan.

"Old man." Panimula ko. Magsasalita pa sana ako nang napansin ko na hindi lamang siya ang tao sa conference room. Napatigil silang lahat sa kanilang pag-uusap.

"You're here. Sit down." Ma-awtoridad na wika niya. "Who is she?" tanong niya na nakatingin kay Bella.

"It's none of your business." Damn! Inis na umupo ako sa tabi niya. Bakit hindi ko naisip na business ang magiging dahilan kaya niya ako pinatawag? Nilingon ko si Nerd na nakatayo sa tabi ko, pinanlakihan ko siya ng mata. Pilit naman siyang ngumiti sa akin at umupo sa tabi ko.

Tumikhim muna siya at nagsalita. "This is my grandson." Sabay tingin niya sa akin. Napapikit ako dahil sa inis at sa nais niyang ipahiwatig. Magalang akong tumayo at nagbigay galang sa kanila, pagkatapos ay umupo ulit.

Napatingin na naman ako kay nerd na nagbabasa ng diyaryo.

"Your grandson is very handsome."

Tumawa siya ng malakas. "Sigurado ako na bagay sila ng inyong anak."

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko na mahinhing ngumiti. Nasisiraan na ba si Old Man? Saang parte kami bagay ng higad na iyan?

"I'm sure maganda ang kalalabasan ng arranged marriage na ito."

"Excited ako na mag-merge ang ating pamilya."

"Hija, what do you think about your arranged marriage with my grandson?"

"Ho?" nahihiya siyang tumingin sa akin, muntik na akong masuka nang mag-blush pa siya. "I'm very excited to this marriage. Sa totoo lang po, I have a crush on him and it's like a dream come true."

Tuwang-tuwa na ngumiti si Lolo sa mga magulang ng babae.

"What about you Jarvis?"

"I don't care who will be my wife." Tiningnan ko ng nakakaloko ang babae. "Basta ito lang ang tatandaan niya, makukuha niya ang yaman na gusto niya sa akin pero hindi ang pagmamahal ko." Kitang-kita ko na mukhang ano mang oras ay iiyak na siya.

"Jarvis!"

Tiningnan ko si Lolo, nagbabanta ang kanyang tingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako.

"Nagbibiro lamang si Jarvis, hija. Don't worry, arranged marriage will make everything okay."

"I don't think it's a good idea. It's not an easy road." Iiling-iling na bulong ni Nerd habang nagbabasa ng diyaryo, nakuha niya ang atensyon ng aking Lolo.

"What did you say, young lady?"

Napaangat ng tingin si Bella at takang tumingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero interesado akong marinig ang sasabihin ni Nerd. Ngayon lang ako makakakita ng taong sasagot sa lolo ko.

Bella's Point of View

Tiningnan ko ang mga taong nasa loob ng conference room, lahat sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Samantalang ang babae naman ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. Natampal ko ang aking noo, bakit ba kasi sinama-sama ako dito ni Jarvis? Ano kaya ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon? Mukhang importanteng meeting ito.

"Iba na ang kabataan ngayon, marunong nang sumabat sa usapan ng matatanda," sabi ng magulang ng babae.

"It's not what you think it is, Sir."

"Sige nga hija. Gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol sa arranged marriage. Mukhang marami kang nalalaman." Wika ng Lolo ni Jarvis.

Nakaka-intimidate ang kanyang dating kaya lang hindi ako natatakot sa kanya. Ayaw ko sanang sumabat sa usapan nila, pero nakakaawa naman yung babae kung kay Freak lang siya babagsak. Ini-imagine ko pa lang, nangingilabot na ako.

"With all due respect, Mr. Fortalejo, mas gugustuhin kong pakasalan ang pulubi na alam kong magiging masaya ako kaysa sa isang freak na mayaman na hindi naman ako mahal." Tiningnan ko ang babaeng pakakasalan ni Freak. "Sabi nga nila, marriage is a bonding of two pure souls where the couples swear to spend their entire life with each other. We all have the right and the capability to pick the one that we want to be with for the rest of our lives. It shouldn't be someone else's choice." Hindi makapaniwala ang Don sa sinabi ko, nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Yes, Sir. I am still a child compared to you but you have no right to impose any rule or say that arranged marriage is good for her and your grandson." Nakangiting wika ko sa kanya.

"You!"

"Wala rin naman pong masamang ituloy niyo yan. It's your choice, pero sana maging masaya kayo." Nang tingnan ko sila ulit ay nakanganga na sila at hindi makapaniwala sa aking mga sinabi. Napakagat ako sa aking labi. Sh*t! Ang tanga mo Bella.

"Who are you, young lady?"

"Po?" gulat na tanong ko.

"Actually lolo, she's my girlfriend." Sabay hapit sa akin ni Jarvis palapit sa kanya na ikinagulat ko. Mas nagulat ako nang maramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay ng mahigpit. Parang sinasabi niya na bawal akong tumanggi.

"Girlfriend?" gulat na tanong ng lolo niya.

Napanganga naman ang mga magulang ng babae, samantalang ang soon-to-be wife ni Jarvis ay nanggagalaiti sa galit na tumingin sa akin.

"Which family do you belong? Your parents are in what field of business?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Po?" gulat na sabi ko. Hindi ako makasagot sa mga tanong niya.

"Your name is Bella Uy, right?" mataray na tanong sa akin ng magiging fiancee ni Jarvis. Bwisit na babae ito!

Bumaling sa kanya ang lolo ni Jarvis. "You know her, hija?"

"Yes, grandfather. She's our schoolmate. Ang alam ko po ay siya ang kauna-unahang scholar ng RDU." Nakataas pa ang sulok ng kanyang mga labi.

"Oh, our God!" natutop ng ginang ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin.

"Ibig sabihin, isa lang siyang mahirap?"

Tumingin sa akin ang matanda. "Is that true?" tanong niya sa akin.

"Yes, Sir." Taas-noong sabi ko. Ano bang masama sa pagiging scholar ng RDU? Hindi ba dapat maging proud ako?

Nakakunot-noo siyang tumingin kay Jarvis. "Are you sure she's your girlfriend, Jarvis?"

"Yes, old man."

Tumango-tango ang matanda, pero ramdam ko ang galit niya. "Maaari ba akong magtanong sa inyo mga, hija?"

"Yes, grandfather." Matamis na ngumiti ang bruha.

"Ano'ng nagustuhan niyo sa apo ko?"

Nahihiyang ngumiti ang babae na nasa harapan ko. "For me, lolo, he's the perfect guy." Kinikilig na sabi niya. "I like his charm and looks."

Muntik na akong masuka sa mga pinagsasabi niya. Eeww!

"How about you, Ms. Uy?"

"Ako po?" napatingin ako kay Jarvis. "Perfect din siya sa 'kin, Mr. Fortalejo." Napatigil ako sa pagsasalita at napangiti nang may pumasok na kalokohan sa isip ko "Gustong gusto ko nga po yung pagmumura niya, lalo na kapag nagagalit siya kasi rinig na rinig ko po ang nakakatakot niyang boses. Mas natutuwa po ako kapag ipinapakita niya ang kanyang nakaka-intimidate na aura sa lahat. Tapos po, ang cool niya kapag may binu-bully siya sa school. Ah! Mas minahal ko po 'yung galing niya sa pakikipaglaban, lalo na't nalaman ko na hindi niya pinapatay ang kanyang kalaban bagkus ay pinapatulog lang niya ang mga ito." Mahabang wika ko.

Pagkatapos kong magsalita ay tiningnan ko silang lahat. Gulat na gulat ang mga magulang ng babae. Hindi naman makapaniwala si Jarvis na nakatingin lang sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng lolo niya. Oh, ha! Nakaganti na rin ako sa pagpapahirap niya sa akin. Buti nga sa iyo!

"I think we need to cancel this marriage, Mr. Fortalejo."

Napakagat ako sa aking labi nang marinig ko iyon. Patay!

"Go on," wika ng lolo ni Jarvis na ikinalaki ng aking mga mata, lalo na ang magulang ng babae na hindi makapaniwala sa sinabi ng Lolo ni Jarvis.

"I'm afraid I have to warn you though, kapag ipinagkalat niyo ang pinag-usapan natin dito, mawawala ang lahat ng meron kayo." Seryosong saad ng lolo ni Jarvis.

Sa sobrang takot na naramdaman nila ay tikom ang bibig at dali-dali silang lumabas ng conference room. Nang makaalis na sila ay mahabang katahimikan ang namayani. Napayuko na lamang ako.

Maya-maya ay nakarinig na lamang ako ng nagpipigil na tawa. Napaangat ako ng tingin, kitang kita ko kung paano tumawa ang lolo ni Jarvis ng malakas.

"Kakaiba ka, hija!"

Manghang napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata na tumingin kay Jarvis. Napailing lamang siya. "Are you okay po?"

"Yes, Bella." Tawa pa rin siya nang tawa.

Hala! Anong nangyari sa kanya?

Tumayo siya at nilapitan niya ako. Nagulat ako nang kunin niya ang aking kamay. "Lahat ng sinabi mo ay tama. Ikaw lang ang kauna-unahang babaeng nagsabi noon. Masaya ako at sa wakas ay nakatagpo na ang apo ko ng babaeng alam kong hindi siya iiwan."

"Po?" nanlalaki ang aking mga mata na tumingin kay Jarvis. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Oh, siya. Maiwan ko na kayo dahil may meeting pa ako sa France. Sa pagkikita nating muli hija, kuwentuhan mo ako sa mga nangyayari sa apo ko."

"Ho? Sure po, Mr. Fortalejo."

"Ay hindi! Lolo na ang itawag mo akin."

"Sige po, l-lo-lo." Napipilitang wika ko.

"Jarvis, alagaan mo itong girlfriend mo. Aba, minsan ka lang makakatagpo ng babaeng ganito."

Walang kibong tumingin lang sa akin si Freak. Nang makaalis ang lolo niya ay tumayo na siya, tahimik na sinundan ko siya palabas ng hotel. Ang bilis niyang maglakad! Pagparada ng kanyang sasakyan sa harap namin ay mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinahaharurot ito palayo. Ako? Iniwan lang naman niya. What a nice day!

After one month

Bella's Point of View

"Are you serious?" Matagal akong nakatitig sa ibinigay niyang papel sa akin. Sinilip ko ang mokong na kampanteng umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo. Ano'ng kalokohan na naman kaya ang pumasok sa utak ng freak na ito? Ang nakakainis pa, pinapasok niya ako ng maaga para lang dito! Nakakagigil na talaga siya!

Matapos niya akong iwan sa hotel a month ago ay babalik siya sa akin na may bitbit na nakakagulat na problema. Nagpapasalamat din naman ako sa kanya dahil natahimik ang buhay ko sa loob ng isang buwan. Kaya nga laking gulat ko nang ipinatawag niya ako ulit. Kailangan ko raw magpanggap na girlfriend niya sa loob ng isang buwan.

Tiningnan niya ako ng masama. "Kung hindi ka nangialam—."

"Okay! Tapos na tayo doon, nangyari na eh. Feeling ko lang naman po kasi, parang hindi contract ang nababasa ko. You are threatening me!" inis na wika ko. First paragraph pa lang ay napanganga na ako. Hindi niya ako pinakinggan at inis na nagpatuloy lang sa pagbabasa ng contract. "Do not interfere with my affairs?"

"Yes. Tandaan mo, fake girlfriend lang kita."

As if namang gusto ko manghimasok sa buhay niya. Sumakit ang leeg ko sa nabasa ko. "Don't argue with me?" hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya.

"Dahil ayaw ko ng maingay, kaya yang bibig mo ay i-zipper mo."

"Don't fall in love with me?" pasigaw na basa ko. Ano'ng kalokohan ito? Sinong mai-inlove sa freak na 'yan?

"May problema ka doon, nerd? Teka, huwag mong sabihin balak mong isa-isahing sabihin ang laman ng contract?"

"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Mas mataas pa rin ang IQ ko sa iyo." Sabay turo sa ulo niya. "Subukan mong basahin ng malakas iyan, patay ka sa akin."

Napasimangot ako sa sinabi niya, yabang talaga!

"Ang pinaka-highlight ng contract ay ang huwag na huwag mong ipagkakalat ang tungkol dito," pagbabanta niya sa akin. "Subukan mong tumanggi, you're dead."

"See? Ganyan na ganyan ang nabasa ko sa kontrata mo. Kulang na lang ilagay mo dito na huwag akong huminga, magsalita at maging manhid," sarkastikong wika ko sa kanya. "Wala na bang ibang choice maliban sa pagiging fake girlfriend mo?"

"Meron."

"Really?"

"Yes. Die now!"

What the heck?! Napapikit ako sa sinabi niya."Hindi ka naman mabiro. Eto na nga eh, pipirmahan ko na yung contract." Pagkatapos kong pirmahan yun ay inabot ko ito sa kanya.

"Wala ka namang choice."

Tiningnan ko siya ng masama. Mukhang balewala lang sa kanya. Hindi man lang tinatablan! Manhid na lalaki! "May conditions din ako."

"What?" gulat na nilingon niya ako.

"Aba't aangal ka pa. Pabor na nga sa iyo itong contract," sarkastikong wika ko sa kanya. "Magpasalamat ka't mabait ako ngayon," sabay ingos ko sa kanya.

"Fine. What is it?"

"First, don't provoke me para manahimik ako. Second, I demand respect from you. Tandaan mo na tao ako at karapatan ko iyon. And lastly, don't you dare lay your dirty hands upon me or else you will surely go to hell," nagbabantang saad ko. "Oh by the way, I promise na hinding-hindi ako mai-inlove sa isang freak na katulad mo. Kaya makakahinga ka na ng maluwag."

Tiningnan niya ako ng masama.

"May problema ka?"

"Huwag kang mangarap na kakausapin kita sa loob ng school dahil ang role mo lang dito ay ang maging girlfriend kita sa labas," nang-aasar na wika niya.

Wow! Ngumingiti rin pala si Freak. "Okay! Pero hindi mo ba pansin na ang awkward nating dalawa?" napapailing na wika ko sa kanya. "Hindi maniniwala ang lolo mo na girlfriend mo ako because I hate you."

"Kaya next week, magkita tayo para sa trial date natin," seryosong sambit niya sa akin.

"Trial date?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Yes. Iyon ang suggestion ni Rain para raw maging komportable tayo sa isa't isa. Kahit alam ko na nakakasuka ang gagawin natin."

As if namang magiging komportable ako sa kanya. Kung siya ay nasusuka sa gagawin namin, ako naman ay kinikilabutan na marinig iyon. Hindi ko pinangarap na maka-date ang isang devil!

A8 w(

Continue Reading

You'll Also Like

256K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...