KAEDE (Way Back to Your Heart)

By justbetch

443K 8.8K 539

"I miss you... and people say just because you miss someone doesn't mean you have to take him back. But I re... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE:
CHAPTER FOUR:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN:
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
CHAPTER TWENTY-ONE:
CHAPTER TWENTY-TWO:
CHAPTER TWENTY-FOUR:
CHAPTER TWENTY-FIVE:
CHAPTER TWENTY-SIX:
CHAPTER TWENTY-SEVEN:
CHAPTER TWENTY-EIGHT:
CHAPTER TWENTY-NINE:
CHAPTER THIRTY:
CHAPTER THIRTY-ONE:
CHAPTER THIRTY-TWO:
CHAPTER THIRTY-THREE:
CHAPTER THIRTY-FOUR:
CHAPTER THIRTY-FIVE:
CHAPTER THIRTY-SIX:
CHAPTER THIRTY-SEVEN:
CHAPTER THIRTY-EIGHT:
CHAPTER THIRTY-NINE:
CHAPTER FORTY:
CHAPTER FORTY-ONE:
CHAPTER FORTY-TWO:
CHAPTER FORTY-THREE:
CHAPTER FORTY-FOUR:
CHAPTER FORTY-FIVE:
CHAPTER FORTY-SIX:
CHAPTER FORTY-SEVEN:
CHAPTER FORTY-EIGHT:
CHAPTER FORTY-NINE:
CHAPTER FIFTY:
CHAPTER FIFTY-ONE:
CHAPTER FIFTY-TWO:
CHAPTER FIFTY-THREE:
CHAPTER FIFTY-FOUR:
CHAPTER FIFTY-FIVE:
CHAPTER FIFTY-SIX:
CHAPTER FIFTY-SEVEN:
CHAPTER FIFTY-EIGHT:
EPILOGUE:
Thank You Note!!!

CHAPTER TWENTY-THREE:

6.8K 136 3
By justbetch

CHAPTER TWENTY-THREE

George's

Hindi ko na sinabi kay Daddy na nakita ko si Ynah. Sigurado kasi akong kapag ikinuwento ko yun sa kanya eh sasabihin niya na namang masmakakabuti kung patatawarin ko nalang ang babaeng iyon. Wala akong planong gawin iyon pagkatapos ng pag-iwan niya sa amin ni Dad, at pagkatapos niyang itangging anak niya ako. Nagawa kong maging masaya ng sila Daddy, Lolo Morgan, Cheska at ang mga kaibigan lang ang kasama ko, ng wala siya sa buhay ko. Hindi ako magpapaapekto sa kanya at wala akong pakialam kahit pa asawa niya ang tito ng asawa ko. Hindi ko naman sila makakasama sa bahay at mukha namang wala silang balak na bumisita sa bahay nila Kaede. At sana huwag na talaga silang bumisita doon.

Inasahan ko ng magrereact sila Cheska kapag kinukwento kong nakita at nakausap ko si Ynah at hindi nga ako nagkami na todo ang magiging reaksyon nila. Halatang lahat sila ay nag-aalala para sa akin.

Maging ang daddy ni Kaede na si tito Leo ay parang nag-alala din ng malaman nitong nagkita kami ni Ynah. Nangako naman siyang hidi niya iyon banggitin kay Daddy.

"Pwede mo din akong ituring na pangalawang tatay mo, George." nakangiting sabi niya minsan. "Hindi man ako kasing kulit ng Daddy mo pwede mo naman sa akin sabihin sa akin kung may bumabagabag sayo o kaya kung gusto mo ng kausap. Para na din kitang anak."

Nandiyan din si Granny na walang sawang nagbibigay ng payo sa akin at walang sawang nagtuturo sa aking magluto. Kaya naman hindi na din ako masyadong nalulungkot.

Although tapos na ang fashion show at wala na akong rehearsal ay nanatili pa ding puno ang araw-araw kong schedules. Nadagdagan ang oras ng taping para sa TV show kung saan ako naghohost at nagjujudge na kung minsan pa eh sa Laguna, Antipolo, Subic o sa malayong lugar pa ang set ng taping. Ganun din ang mga projects na ibinigay sa akin nila Matthew at Theo mula sa mga nagiging kliyente nila na nagpapatayo ng buildings at mga bahay. Bukod pa doon ay nagkaroon din ako ng sunod sunod na guestings sa iba pang TV shows at photoshoot para maging cover ng ilang magazines. Buti na nga lang at rest day ko tuwing linggo kaya kahit isang araw at may pahinga ako.

Pagod-pagod madalas pero worth it naman dahil gusto ko at masaya ako sa ginagawa ko.

"Buti hindi ka nagkakasakit sa dami ng ginagawa mo buong araw?" tanong ni Matthew habang pinapanood naming magtrabaho ang mga construction workers sa site ng pinapatayong condominium unit. Siya kasi at si Theo ang engineers ng city development project na ito at ako naman ang architect.

"Healthy lifestyle lang sapat na." natatawang sagot ko kaya napangiti siya.

"Hindi mo ba naiisipang igive up ang isa sa mga ginagawa mo?" tanong pa niya. "Paano kayo makakabuo ng baby ni Kaede kung halos hindi na kayo magkakitaan sa isang araw." natatawang biro niya pa.

Jusko kahit naman yata magdamag kaming nasa bahay nung kaibigan niyang yun eh hindi pa din kami makakabuo dahil hindi pa naman kami nagsesex kahit kailan. Hanggang makeout lang kami na madalas may istorbo pa.

"Darating din kami sa phase na yun pero siguro hindi pa ngayon. Alam mo na busy sa career." natatawang sagot ko. "Pero alam mo naiinggit ako sa inyo ni Margaux. Makakadalawang chikiting na kayo."

"Oo nga eh." nakangiting sabi niya.

Naging close ko na ang lalaking ito dahil siya ang madalas kong katrabaho plus asawa pa siya ng malapit naming kaibigan ni Cheska na si Margaux at kaibigan siya ng asawa ko. Kaya madalas nakakabiruan ko siya at nakakakwentuhan.

"Kamusta nga pala ang pagbubuntis niya? Hindi ko na nakikita ang babaitang yun. Pinagbabawalan mo yatang umalis ng bahay, ano?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Muli naman siyang natawa.

"Okay naman ang pagbubuntis niya. Regular ang check-up namin sa doctor niya kaya namomonitor ang health condition niya at ng baby namin. Kaso lalong nagiging masungit at ako ang napapag-initan." nakangiting sagot niya.

"Baka naman kasi may ginagawa kang hindi niya gusto kaya nagagalit sayo."

"Lahat nga ginagawa ko. Kayalang kapag hindi ko naibigay o nagawa agad ang gusto niya talagang aawayin niya ako at hindi kakausapin ng ilang araw o kaya iiyak siya ng iiyak." sabay kamot niya sa batok kaya lalo akong natawa.

"Pero diba, atleast alam mo na ang feeling ng nag-aalaga ng buntis na asawa." sabi ko.

Hindi niya naman kasi nakasama noon si Margaux nung ipinagbubuntis nito ang panganay nilang si Martina at ngayon niya palang naeexperience na mag-alaga ng asawang buntis.

"Oo nga eh." abot tengang ngiting sagot niya. "Kaya grateful padin ako kahit ako ang binubuntunan niya madalas ng galit. Hindi ko magawang magalit din sa kanya sa pagsusungit niya dahil kapag nakikita ko yung baby bump niya nawawala lahat ng pagod ko." nakatulalang sagot niya habang abot abot tenga ang ngiti.

Kitang kita sa mga mata niya na mahal na mahal niya talaga ang kaibigan naming yun.

"Aw! You're so sweet!" biro ko kaya natawa siya.

"Kaya kayo ni Kaede, gumawa na din kayo ng inyo para naman may nangungulit ng paslit sa bahay niyo." sabi niya pa.

"Parang ganun kadali." nakasimangot na sagot ko. He just chuckled.

*****

"Dumating na pala ang pinsan mong si Faye, bakla?" tanong ko kay Stacie habang pinapanood naming magbasketball sila Duane, Darius, Theo, Ashton, Swisso, Arlo, Matt, Keiji at Kaede.

Linggo kasi kaya nandito kami sa court ng clubhouse ng subdivision. Kalong kalong niya ang anak na si Stephen habang ang anak niya namang isa na si Dhenice ay karga ng yaya ng mga ito. Kasama din namin si Janine at ang dalawang Chikiting nito na binabantayan ng yaya.

"Oo, nung isang linggo pa. Kaya nga si Art hindi na masyadong pumupunta sa bahay dahil madalas bumisita doon si Faye." natatawang sabi ni Stacie kaya natawa din ako.

"Nakakaloka talaga yung pinsan mong yun." sabi ko nalang. "Hanggang ngayon ba may gusto pa din siya kay Art?"

"Oo no. Nung dumating nga yun ang una niyang hinanap si Art." sabi pa ni Stacie.

"May gusto yung pinsan mong si Faye kay Art?" gulat na tanong ni Janine kay Stacie.

Mukhang nakilala na din nito si Faye.

"Oo." natatawang sagot ni Stacie.

"Nakakaloka." sabi nalang ni Janine na hindi makapaniwala sa nalaman.

"We know right." sabay na sabi naman namin ni Stacie.

"Ewan ko ba sa pinsan kong yun at patay na patay siya kay Art eh alam niya namang lalaki din ang tipo ni Bakla." natatawang sabi ni Stacie.

"Gwapo naman kasing talaga si Art girl, kahit na masmalandi pa sa atin." sabi naman ni Janine. "Pero diba patay na patay sa pinsan mo si Darius?"

"Sobra." sagot ni Stacie.

"Tapos si Art, si Darius naman ang gusto." natatawang dagdag ko.

"Love triangle na love triangle ang drama." hindi na mapigilang ni Janine ang matawa ulit.

"Naku sinabi mo pa. Nakakaloka ang tatlong yun." ani Stacie.

"Nasaan nga pala si Cheska at si Art? Akala ko pupunta yung dalawang yun dito?" maya-maya ay tanong ni Janine.

Sasagot sana ako na may dinaanan ang mga ito ng marinig ko ang boses ni Cheska.

"Hello mga bakla!" masayang bati ni Cheska na papalapit sa direksyon namin.

"Speaking of." natatawang sabi namin ni Janine at Stacie.

"At saan ka galing?" kunwaring nakataas ang isang kilay na tanong ko. "Akala ko kasama mo si Art?"

"May dinaanan nga lang kami and yeah kasama ko siya. " abot tengang ngiting sabi nito. "And... we have a surprise for you, George."

"Sakin?" kunot noong tanong ko.

"Matutuwa ka kapag nalaman mo kung sino ang kasama namin ni Art." excited na sabi pa ni Cheska.

I was about to ask kung sino ng napatingin ako kay Art na naglalakad papalapit sa amin. Parang baliw din itong nakangiti ng abot tenga pero nanlaki nalang mga mata ko ng makita at makilala kung sino ang lalaking kasama ni Art.

"D-Dom?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Oh-My-Gosh!" gulat na gulat na sabi ko pa ng mapagtanto kong si Dominic nga ang kasama ni Art saka ako napatayo at napatakbo para salubungin si Dominic.

"Surprise!" narinig ko nalang na sabay na sabi ni Art at Cheska.

"Oh my gosh Dom! It's really you!" tuwang tuwa kong sabi matapos ko siyang yakapin ng mahigpit.

"You missed me that much huh?" natatawang sabi niya.

"Of course!" sabay pamaywang ko. "Nasan na yung pangako mong pasalubong?"

"Tss. Dahil lang yata sa pasalubong kaya gusto mo akong makita eh." nakangiting sabi niya.

"Oo naman." biro ko. "Alam mo namang yun lang ang habol ko sayo kaya hanggang ngayon kaibigan kita eh."

"Aba loko ka ha." sabay kiliti niya sa tagiliran ko kaya napatili ako.

"Hey stop it!" natatawang sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakaakbay niya. Tinigilan niya din naman ako agad.

"Namiss talaga kita, George." aniya sabay gulo sa buhok ko saka ako niyakap ng mahigpit.

"Namiss din kita Dom." bulong ko sa kanya habang ginagantihan ang mahigpit niyang yakap.

"Ano bakla, nalimutan na kami? Wala kang balak ipakilala yang pogi mong bestfriend sa friends natin?" narinig ko nalang na sabi ni Art kaya bumitaw agad ako sa pagkakayakap kay Dom.

"Ay sorry." natatawang sabi ko. "Guys this is Dominic. Dom for short. He's my highschool bestfriend--"

"Since highschool." pagtatama ni Dom. "Sorry, she often introduced me to her relatives and friends like I am just her bestfriend when we were in highschool not until now. Hanggang ngayon bestfriend niya ako." paliwanag niya kaya natawa sila Stacie.

"Whatever." sabi ko nalang. "Anyway, he's my bestfriend since third year highschool. Dom this is Janine and Stacie, mga kaibigan namin ni Cheska. And of course this is Art. Mukha namang magkakilala na kayo kaya hindi ko na kayo ipapakilala pa sa isa't isa."

Nakipagkamay naman agad siya kay Stacie at Janine.

"Nice meeting you guys." sabi pa niya sa dalawa.

Siya at ang grupo niya nung highschool ang una kong nakasundo noong 3rd year highschool ako at transferee sa school nila. Dito kasi kami ni Dad noon tumira sa Manila, dito mismo sa subdivision na to. Fascinated din siya at ang grupo niya noon sa skateboarding kaya sa kanila ako madalas sumama kahit na all boys sila at kaya din naging magbestfriend kami.

"Akala ko two weeks after pa ang balik mo dito?" tanong ko.

"Surprise!" natatawang sagot niya naman habang nakabuka ang dalawang kamay.

"Para kang abnormal diyan." natatawang sabi ko nalang kaya natawa din siya at sila Cheska. "Bakit hindi mo kasama sila Regis?" tanong ko pa.

"Nagsipag-asawa na." aniya. "Ikaw, balita ko may asawa ka na ha? Bakit hindi mo manlang ipinakilala sa akin nung boyfriend mo palang tapos hindi mo pa ako inimbitahan sa kasal mo. Tinotoo mo yata yung bestfriend mo lang ako nung highschool eh." dirediretsong sabi niya na may kasamang pagdadrama kay muli kaming nagtawanan nila Cheska.

"Pagpasensyahan niyo na itong lalaking to ha?" sabi ko kayla Stacie. "May pagkabungangero at dramatista to eh." sabay tawa namin.

"Grabe ka pinapahiya mo naman ako sa magaganda mong kaibigan." nakasimangot na sabi niya.

"Haynaku Dom kung nagbabalak kang ligawan ang isa sa kanila ngayon palang sinasabi ko na sayo may asawa at mga anak na ang mgayan." biro ni Cheska napakamot naman si Dom sa batok niya.

"George." napatigil nalang kami sa pagtatawanan ng marinig namin ang boses ni Kaede saka namin nakita papalapit na ito ang mga kainigan niyang sila Duane, Swisso, Theo Ash, Matt, Keiji, Darius at Arlo sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 9K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
810K 13.8K 33
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
658K 10.6K 26
Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya iyon. Ang nakakapaghinayang pa kung kai...
698K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...