LASH (Light and Shadow High):...

FiveNocturnals tarafından

1.2K 24 0

Kung hindi kayang ipagtanggol, mawawala. Kung hindi kayang pangasiwaan, masisira. Kung hindi sapat ang lakas... Daha Fazla

Panimula: Biringan City
Kabanata 1: Anino
Kabanata 2: Boey
Kabanata 3: Laban sa Poblacion
Kabanata 4: Kasunduan
Kabanata 5: Mga Bagong Estudyante
Kabanata 6: Unang Pagkikita
Kabanata 7: Mall?!
Kabanata 8: A
Kabanata 9: Unang Klase
Kabanata 11: Kinabukasan
Kabanata 12: Pares [pt. 1]
Kabanata 12: Pares [pt. 2]

Kabanata 10: Meow!

63 1 0
FiveNocturnals tarafından

(Xapphrina's POV)

Pagpasok na pagpasok namin ni Kyshie ng silid-aralan, pinagtinginan agad kami. Mabilis lang ang naganap na bulungan nila habang nakatingin sa'min; siguro dahil matapang ang dating at titig ni Kyshie pabalik. Pag-upo namin sa harap, nagulat ako sa pusang nakatuntong sa taas ng mesa ng guro. Matalas ang tingin nito sa'kin, tila bang kinikilala niya ako.

"Meow!" gaya ni Kyshie sa tunog ng pusa, kinukuha ang atensyon nito. Umiling ang pusa mula kay Kyshie; sadyang iniiwasan ang pagtawag niya. Napansin kong natawa ang iba sa ginawa ni Ky habang ako naman ay litong-lito. Bakit sila tumatawa? Bakit may pusa diyan?

Parang narinig ng mundo ang mga katanungan ko nang tumalon ang pusa mula sa mesa papunta sa sahig. Sa isang iglap, naging babae ito. Nalaglag ang mga panga namin ni Ky, pinagmamasdan ang babaeng nakapolo at mahabang palda. Puti na ang iba niyang buhok na nakatali, at halatang nagpipigil siya ng tawa sa'ming dalawa ni Kyshie.

"Ako si Ms. Mary S. Laquira, ang guro niyo sa Magical Creatures Study ngayong taon." malinaw at malakas niyang sabi, "Kilala ko na ang bawat isa sa inyo kaya ayoko nang magpaliguy-ligoy pa sa mga aaralin natin ngayong araw."

Dumaing ang mga estudyante sa sinabi ni Ms. Laquira kaya naging maingay ang silid-aralan. Gayunpaman, naghanda na siya kaagad ng mga kagamitan niya sa pagtuturo habang kami ni Ky ay nahihiya pa rin sa kanya. Nagulat nalang ako nang dumilim ang kwarto at may malaking litrato na ng isang kakaibang hayop sa projector screen. Mukhang maliit na puting usa ang hayop at parang madali lang ito hulihin sa kagubatan.

"Ang nakikita niyo sa harap niyo ngayon ay isa sa pinakamalakas at pinakamabangis na mga tagabantay ng napakalaki at napakalawak na kagubatan ng Biringan," ulat ni Ms. Laquira sa'min. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala na malakas pala 'yon. Kahit na nanirahan kami sa gubat, wala naman akong nakitang ganun! "Tinatawag itong, lampong."

Interesadong-interesado ako sa mga pinagsasabi ni Ms. Laquira; samantalang naman ang iba, inaantok pa. Naisipan kong tignan si Kyshie, at walang kupas na patagong kumakain pa rin siya ng lollipop. "Kahit dito ba naman, Ky?" naisip ko.

"― matingkad ang mga mata nito at mayroon itong mahabang balbas. Nagpapakita lamang ito sa mga mangangaso na walang-awang pumapatay ng mga mababangis na hayop at ng iba pang nilalang sa gubat. Isinasakripisyo nila ang sarili nila; dahil 'pag natamaan, sila'y nagiging duwende at siguradong paparusahan nila ang kung sinuman." patuloy na turo ni Ms. Laquira. Pagkalipas ng iilang minuto, nakaramdam na rin ako ng antok. Siguro dahil nga, maaga pa at ang dami kaagad ng impormasyon na pinapasok sa utak na'min. Hindi ko naiwasang matulala na lang habang ang sinasabi ni Ms. Laquira ay pumapasok sa kanang tenga ko at lumalabas sa kaliwa.

Biglang naudlot ang pagkakatulala ko nang makita ko ang itim na itim na nilalang sa projector screen. Lumaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig ko, nanlalamig at natatakot.

"Ang anino!" sigaw ng utak ko. Bumilis ang pintig ng puso ko sa mabilisan kong pagpikit. Hindi ko kayang tignan ang halimaw na matagal nang sumasagabal sa pagtulog ko; lalong-lalo na at gusto niya kaming patayin.

"Ms. Xapphrina Swanson, ayos ka lang ba?"

Pagdilat ko, nakita kong nag-aalalang nakatingin sa'kin si Ms. Laquira. Nagising ako sa pagkakawala ng aking sarili, malinaw na malinaw sa harap ko ang litrato ng isang kapre at hindi ng aninong hinahabol ako sa panaginip ko. Isang maling akala lang pala ang lahat. Pinagtinginan din ako ng mga kaklase ko, at lalo akong nanliit sa upuan ko. "Ayos lang po ako." mahina kong sabi kay Ms. Laquira, nahihiyang nakatitig sa kanya pabalik. Tumango lamang siya at pinagpatuloy na ang klase namin.

Tinapik ako ni Kyshie, nakataas ang hinlalaki niya na para bang tinatanong kung ayos lang ako. Ngumiti nalang ako at itinaas din ang hinlalaki ko sa kanya bago ko ibinalik ang atensyon ko sa itinuturo ni Ms. Laquira. Pinilit ko ang sarili kong makinig sa klase pero hindi natanggal sa isip ko na baka isang makapangyarihang halimaw o magical creature pala 'tong anino na 'to― na baka may alam si Ms. Laquira tungkol dito.

"Ang ganda naman ng buhok mo! Purple!"

Naputol ang lahat ng iniisip ko nang biglang may naramdaman akong haplos sa buhok ko. Hindi na 'ko nakapag-isip nang maayos; daming epal. Pagtingin ko sa kanan ko, may nakangiting babae sa'kin. Kulay pink naman ang buhok niya at mukhang masiyahin siya. Napangiti ako sa sinabi niya bago ko siya sinagot, "Sayo rin naman, ah," lumawak lang ang ngiti niya sa mukha. "Ako si Rose de Lara," pagpapakilala niya sa'kin. Dapat na magpapakilala rin ako nang bigla niyang putulin ang sasabihin ko, "Hindi mo na kailangang magpapakilala dahil alam ko na ang pangalan mo. Sikat na sikat kaya kayong magpipinsan dito!"

"Rose de Lara, baka gusto mong ikaw nalang ang magturo rito sa harap? Ang lakas ng boses mo," sita ni Ms. Laquira sa kanya. Napadiretso kami ng upo at agad kaming tumahimik. Nagsinyales si Rose na ituloy nalang namin mamaya ang usapan namin; ngunit dahil sabog na sabog na ang utak ko sa rami ng iniisip ko, imbis na tumango ako sa kanya bigla kong itinaas ang kamay ko. Gulat na gulat ako sa ginawa ko kahit na may gusto naman talaga akong itanong kay Ms. Laquira; 'di ko lang inaasahan na gagawin ko 'yon dahil napagbaliktad ko ang mga gagawin ko. Ginagago na ata ako ng utak ko.

Tinignan ako ni Ms. Laquira bago niya ako pinatayo. Nilunok ko muna ang laway ko, kinakabahan sa mga sasabihin ko at sa mga nakatinging tao. "Mayroon po ba kayong alam tungkol sa... err... anino?" nanginginig kong tinanong. Tinaasan ako ng kilay ni Ms. Laquira at nagbulungan naman ang mga kaklase ko. Nagtagal ng iilang segundo bago ko naintindihan na ang bobo pala pakinggan ng tanong ko. "H-Hindi po yung anino na sumusunod satin pag may ilaw, ah! Yung ano po... malaking kadiliman na may mga patalim," nag-aalinlangan kong inulat.

Litong-lito pa rin si Ms. Laquira sa mga pinagsasabi ko at nagsimula nanaman ang bulungan ng mga kaklase ko. 'Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag nang maayos ang itsura ng anino dahil kakaunti lang ang natatandaan ko tungkol sa kaanyuan nito. Alam ko lang na totoo ito; at posibleng malagay kami sa peligro dahil dito.

"Sa tagal kong nagtuturo rito, ngayon ko lang narinig 'yang... anino," marahan na wika ni Ms. Laquira, papalapit sa kinatatayuan ko, "Saan mo nakuha ang salitang anino para sa nilalang na 'to, Ms. Swanson?"

Nanigas ako; tila bang tumigil ang takbo ng oras at ikot ng mundo. Umalingaw-ngaw sa mga tenga ko ang tanong ni Ms. Laquira hangga't sakupin nito nang buong-buo ang isipan ko. Sa hindi ko pag-imik, naging mapagtanong lalo ang titig sa'kin ni Ms. Laquira. Pilit kong ginawan ng paraan para makaikot sa tanong niya dahil masyadong 'di makatotohanan kung sasabihin ko lang na, basta alam ko; ngunit wala talagang palusot para rito.

Saktong-sakto, tumunog na ang kampanilya at nagsitayuan na ang lahat sa katapusan ng unang klase. Napabuntong-hininga ako, kampante na nang ituon na ni Ms. Laquira ang mga mata niya sa ibang direksyon. "'Wag niyong kakalimutan na magbasa tungkol sa susunod nating leksyon, ha. Nasa page 25-to-29, Ang Mga Adarna at Diwata," utos ni Ms. Laquira sa mga nagsisi-alisang estudyante. Mapapanatag na sana nang tuluyan ang kaluluwa ko nang biglang banggitin niya uli ang pangalan ko, "At ikaw naman Ms. Swanson, kung may nais kang pag-usapan tungkol sa subject natin, puntahan mo lang ako sa office ko." napatango nalang ako sa sinabi ni Ms. Laquira, pahiyang-pahiya pa rin.

"Xapp! Ang dami mo palang alam tungkol sa magical creatures! Marami ba kayong nakasama na ganun sa gubat? Mabait ba sila? Gusto ko ng kaibigang bungisngis!" mabilis na sabi ni Rose. Napangiti lang muna ako sa kanya, at nung sasagutin ko na ang mga tanong niya, bigla naman akong hinablot ni Kyshie. "Tara na!" bulong niya, madaling-madali makaalis.

"Usap tayo mamaya, Rose!" napakaway nalang ako sa kanya sa labas ng pinto habang tumatakbo na kami ni Kyshie. Binawi ko ang braso ko sa mahigpit na hawak ni Ky sa'kin, litong-lito sa inaasta niya.

"Hoy! Bakit tayo tumatakbo?" tanong ko sa kanya. "Pupunta tayong silid-aklatan! Baka may mahanap tayo tungkol sa anino o sa kahit ano mang may relasyon doon." sagot ni Kyshie.

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya dahil may susunod pa kaming klase. "Hindi ba pwedeng mamayang break time nalang? Tsaka, hindi mo ba narinig yung sinabi ni Ms. Laquira? Kahit siya walang alam!"

Napatigil si Kyshie sa pagtakbo. Pagharap niya sa akin, kitang-kita na seryoso talaga siya tungkol sa aninong galing sa propesiya.

"Pero ibig-sabihin ba noon na wala ng alam yung ibang tao? Narinig ko yung sinabi niya, Xapp; at tama siya. Bakit nga ba anino yung tawag mo sa halimaw na 'yon?"

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
1.6M 63.8K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
4.1M 191K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
2.2M 123K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...