Freunde Series 3: Captive Hea...

By jsusies

160K 3K 69

Haunted by her past, Joni tries to search for her lost love only to find herself in the arms of a man who is... More

Chapter 1: The Abduction
Chapter 2: Food Poison????
Chapter 3: hindi aanuhin pero inanu pa rin ^_^
Chapter 4: I love u forever
Chapter 5: Meeting Mr. Exact Replica
Chapter 6 Let go and move on
Chapter 7 start of a sinful affair
Chapter 9: Akin Ka Muna
Chapter 10: Gusto ko tayo lang
Chapter 11: Ganun na lang ba iyon?
Chapter 12: Do you see him in me?
Chapter 13: The only place I want to be
Chapter 14: Confrontation
Chapter 15: It's Time to Let You Go
Chapter 16: Win Your Heart Again
Chapter 17: Perfectly Captured Heart <finale>

Chapter 8: Perfect Team

7.3K 166 2
By jsusies

Akalain mo iyon after more than a month,. naka-update ako,. haist ^_^

*****************************************************************************

Nagising si Joni ng umagang iyon ay agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Hindi siya dapat na maapektuhan ng nangyari sa kanila ni Ivan kagabi. May trabaho silang dapat ayusin. Paglabas niya ng banyo ay agad siyang nagtungo sa kusina. Kagabi pa siya hindi kumakain at kumakalam na ang sikmura niya. Pagdating niya sa kusina ay nandun na si Ivan at nagkakape. May mga pagkain na rin na nakahanda,.

“go-good morning.” Nautal niyang wika.

Tipid naman itong ngumiti. “good morning din. Kumain ka na. Hindi ka yata kumain kagabi. ” may pag-aalala sa boses nito.

“Sorry.” Sabi niya. Gusto niyang pukpokin ang sarili. Bakit naman iyon agad ang lumabas na salita sa bibig niya?

“Coffee?” tanong nito sa kanya.

Umiling siya bago nagsalita. “Do you have tea? Hi-hindi kasi ako nagkakape.” Nahihiya niyang wika.

Napakamot naman si Ivan sa batok. “Wala eh. Alam mo na, bihira lang naman kasi ang hindi nagkakape at hindi ko naman naisip na hindi mo gusto ang kape. I should have been more considerate.”

“Okay lang. May juice ka naman siguro dito.”         

“Yah there is. Wait, kukuha lang kita.” Sabi nito at akmang tatayo nang pigilan niya.

“ako na lang ang kukuha.” Sabi niya sabay tayo at lapit sa ref.

Pagbalik niya ay agad siyang umupo sa mesa at tiningnan ang mga nakahanda. Nag-umpisa siyang kumain at kahit isa sa kanila ay walang umiimik. Kahit paano ay naiilang siya dahil alam niyang pinag-mamasdan siya nito.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong sila ng titig ni Ivan. Halos mahigit niya ang hininga sa kabang naramdaman ng magtagpo ang mga mata nila. Nagkatitigan lang sila at walang isa man sa kanila ang nagsalita. Napabuntong-hinga si Ivan at iyon anghudyat upang mag-iwas siya ng tingin.

“Joni, about yest—.” Mahina nitong wika.

“Pwede bang huwag na lang natin pag-usapan?” putol niya sa sasabihin nito. “I mean nangyari na and I’m not putting the blame on you alone. In the first place I really knew that it was my fault. Kaya lang nangyari na ang hindi dapat na mangyari. We made a mistake and hindi na natin iyon mababago. Let’s just forget it happened and we can focus on the project we have.” Sabi niya nang hindi tumitingin kay Ivan. Nahihiya rin naman siya dito lalo pag naiisip niya ang katangahan niya kagabi.

“Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari Joni? Bale wala lang ba talaga sa iyo ang nangyari sa atin?” His jaw clenched at kung bakit ito galit ay hindi alam ni Joni.

oo iyon ang gusto kong mangyari dahil iyon ang tama.” Matigas niyang wika. Napailing naman ito sa sagot niya.

“At paano ka? You’re a virgin when I had you.” There is a trace of pride when he said it.

Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Nahirapan siya dito kahapon because just like Carl  nabiyayaan din si Ivan ng isang matikas na pagkalalaki. At dahil siguro sa isang beses lang may nangyari sa kanila ni Carl noon and that was the last time since she had sex. Hindi niya akalaing masasaktan pa rin siya ng ganun at much more ay duguin pa siya.

“I was not.” She said in almost a whisper. Pulang-pula din ang mukha niya sa hiya at pagkaasiwa sa bagay na pinag-uusapan nila.

Ohh yes of course you are not. I took it from you for crying out loud.” Inis nitong wika. Napapailing nalang si Joni. She can’t believe na paniwalang-paniwala si Ivan na ito ang nauna.

“Ivan kasi—“ she stopped talking. Gusto niyang magpaliwanag dito pero naisip niya kung paano sisimulan. She can’t put the right words together.

What did you do to me? Alam mo bang hindi mo ako pinatulog dahil sa kakaisip sa iyo at sa nangyari sa atin. Lalo na at alam kung nasa kabilang silid ka lang. Were perfect for each other.” parang nahihirapan nitong wika. “Ang nangyari sa atin hindi ito isang bagay lang na madaling kalimutan. At handa akong panagutan ka Joni.” sabi nitong mataman na nakatingin sa kanya.

Really?,. At paano ang asawa mo?At ano ang plano mong  gawin sa akin maging kabit mo? The mistress, the other woman, home wrecker. Thanks but no thanks Ivan.” May inis at panunuya  na rin sa boses niyang wika.

“I’m sorry. I just… I don’t know Joni.” Frustrated nitong wika. “I really feel something for you simula ng makita kita sa kasal ko. And don’t deny it. The attraction between us is so strong kung hindi mo ito nilalabanan.  It may sound crazy but I can leave Aliyah for you.” Seryoso nitong wika.

Ivan knew that he really sound stupid and unbelievable. Pero simula ng makilala niya si Joni may nag-iba sa naramdaman niya kay Aliyah. He even stopped making love to her. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya sa Joni pag ginawa niya iyon. Funny it may seem lalo at si Aliyah ang asawa niya. Kung paano niya kadaling ipagpalit ang seven years nila ni Aliyah kumpara sa ilang linggo pa lang nilang pagkakakilala ni Joni at sa nangyari sa kanila kahapon ay hindi niya lubos alam. All he knew that yesterday with her was different. A good different for that matter.

“Please Ivan, let’s stop this kind of talk. I don’t want to hurt Aliyah.” She pleaded.

She can’t believe that Ivan will say those words. At sa totoo lang ay tinamaan siya sa mga sinabi nito lalo at nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. If she will be selfish gagawin niya ang gusto ni Ivan. She likes the idea of having him dahil sa kamukha ito ni Carl. Binubuhay ni Ivan ang pagkatao ni Carl. Isa pa totoong attracted din naman siya dito. Pero alam niyang hindi dapat. Masasaktan si Aliyah at mabait ito. At alam niyang hindi rin dapat gamitin si Ivan para sa personal niyang hangarin. Kailanman hindi nito mapapalitan ang bad boy knight niyang si Carl.

Ivan sighed. Hindi niya gustong pahirapan si Joni at alam naman niyang hindi ganun kadali para dito ang taggapin ang mga sinabi niya. Kahit nga siya sa sarili niya ay nahirapan siyang tanggapin ang sitwasyon nila.

Tipid niya itong nginitian. “Okay kung hindi ka ready na pakinggan ako I will give you time. And I guess you better finish your breakfast.” Sabi niya nang mapansin na hindi na nito ginalaw ang pagkain sa plato nito.

Yumuko naman ito at sinimulang kainin ang pagkain. “ Ikaw ang nag-luto?” tanong niya pagkatapos ngumuya.

 “yeah. Dalawa lang naman kasi tayo dito.” Nakangiti niyang sagot.

“Masarap. Mabuti marunong ka mag-cook.” sabi nito habang maganang kumakain. Parang nakalimutan na nito ang kanina lang na pinag-usapan.

He also noticed that she has a good appetite and he is enjoying himself watching her eat.

Ang payat mo pero ang lakas mong kumain.” Wala sa loob niyang bigkas.

Pinamulahan naman ng mukha si Joni. Ganun talaga siya kumain. Magana silang magkakapatid kung kainan ang usapan. “bakit bawal ba?” angil niya dito.

Natawa naman si Ivan sa kanya. “Keep calm wala naman anong sinabing bawal. Nakakatuwa ka nga eh. Ang dami kasing babae ang halos hindi na kumakain para lang sa iniingatan nilang figure. Even Aliyah, nag da-diet iyon kasi nga artista. Ayaw daw niyang tumaba.”

Napakagat labi naman si Joni nang si sinasadyang mabanggit ni Ivan ang asawa nito. Nagkasala siya kay Aliyah samantalang napakabait nito at nakikipag kaibigan ito sa kanya.

Ga-gaano na kayo matagal na magkakilala?” tanong niya dito.

“Since our childhood. Her mom is my mom’s bestrfriend.” Tipid nitong sagot.

“She is very beautiful and nice woman.” Nasabi na lamang niya.

Hindi naman nagkomento pa si Ivan sa sinabi niya. Nakakabinging katahimikan na naman ang umiral sa kanila. The awkward silence is killing her.

“Nakita mo na ba ang plano ko?” pag-bubukas niya ng usapan. “I have it attached sa bid sheet ng proposal kahapon. Nasa table ng opisina mo.”

Hindi naman niya maiwasang mamula ng maisip ang nangyari sa opisina nito kahapon. Nang sulyapan niya si Ivan ay may kung anong kapilyuhan ang gumuhit sa mga mata nito.

 “Aahhmm yes I saw it and it was awesome. Maganda ang plano mo pero may konti lang akong gustong baguhin pero siyempre we need to discuss about it. After you eat na lang siguro and we will discuss it in the MY OFFICE.” Namimilyo nitong wika at pinagdidiinan ang salitang MY OFFICE.

 Sa inis niya ay inirapan niya ito. Lalo pa siyang nainis when she heard him chuckle and much more to her disappointment ay hindi nakikisama ang puso niya na parang natunaw sa tunog ng tawa nito. She found herself smiling kahit na anong pigil niya sa sariling hindi ito gawin.

oOo--------------------

Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi ni Ivan tungkol sa proposal bid nila. Magkaharap sila sa isang mesa habang pinag-uusapan nila ang pagbabago sa budget at ilang mahahalagang bagay tungkol sa bidding. Ginamit  nito ang mga idea niya kahapon at gaya ng sabi nito ay may mga konti lamang itong pagbabago which is okay with her.

Humanga pa siya dito dahil napagtuunan nito ng pansin ang mga maliliit na bagay at detalye na hindi niya akalaing ganun kaimportante pero naipaliwanag nito iyon sa kanya ng maayos. Nagpasalamat na rin siya dahil katulad niya ay maayos itong nakipag-usap sa kanya tungkopl sa proposal nila sa bidding na ginagawa ng kanilang kompanya.

“so ano okay na ito? Ipa-finalize nalang natin itong mga plans?” tanong niya.

“yep and were good to go.” Ivan answered smiling.

 Kahit paano ay kumpiyansa siya sa nagawa nila ni Joni at talagang humanga siya sa dalaga. Matalino ito at alam nito ang mga ginagawa nito. Hindi rin ito nangingiming ilabas ang opinion nito at marunong itong makinig at umintindi ng opinion niya. Akala niya ay mahihirapan siyang ipaintindi dito ang mga point niya pero mali siya. Mataman lang itong nakikinig at iintindihin muna ang sinasabi niya at magtatanong ito kung hindi ito kumbinsido. Akala niya na mahirapan siya lalo at dalawang araw na lang kailangan na nilang ipasa ang bidding proposal. Pero dahil sa maganda ang working relationship nila ni Joni ay naging madali ang lahat.

“I’m glad. Ayaw ko pang bumalik ng Canada kaya hindi ako pwedeng pumalpak dito.” Sabi niyang nakangiti.

Napakunot-noo naman si Ivan. “What does this project have to do with that?”

“My dad wants me to handle this and if I fail goodbye Philippines and hello Canada. I don’t really like staying there wala akong friends.” Sagot niya. Pero totoo naman iyon wala talaga siyang kaibigan dahil nandito ang mga tinuring niyang totoong kaibigan.

“Nothing to worry then because we will get this project.” Ivan said with certainty in his voice.

She smiled. “I know. We seem to be a perfect team.”

“I couldn’t agree more.” Ivan answered in playful tone that made Joni looked at him.

Huling-huli niya itong nakatingin sa mukha niya. Pakiramdam niya ay nag-init ang mukha niya lalo at may pilyong ngiting naglalaro sa mukha nito.

“pwede ba itigil mo iyan.” Inis niyang wika.

“What? I’m not doing anything?” kunwari sabi nito.

She groaned in frustration. There he goes again with his act at kahit anong paalala niya sa sarili na ito ay si Ivan at hindi si Carl ay hindi naman niya nagagawa. She closed her eyes and count to ten bago nagsalita.

“Can we have a break? I’m tired.” Sabi niya upang pakalmahin muna ang sarili.

Naging seryoso naman si Ivan nang marinig niya ang sinabi ni Joni. He knew na hindi naman tungkol sa trabaho ang dahilan ng sinabi nitong pagod na ito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Sinulyapan niya ang relo at malapit na ring mag-alas dose.

“Yeah sure. What about we go out for lunch?” Sabi niya kay Joni na may tini-text sa celphone nito.

Napatingin naman si Joni kay Ivan. “Are you asking me out for a date?” walang kaabog-abog na tanong niya.

She saw Ivan’s jaw dropped in surprised sa sinabi niya. Pero maya-maya lang ay pilyo na itong napangisi. “Hindi pa kasi tayo nakapag-luto so I thought having lunch outside is more convenient. But then thinking about a date excites me. So I take your suggestion and we will have dinner date tonight.” sabi nito at mabilisan siyang ginawaran ng wet kiss sa labi at lumabas ng opisina. Napatulala siya saglit sa ginawa nito bago narealize ang nangyari.

“IVANNNNN—“  nanggigil sa inis niyang tawag sa lalaki habang sinundan itong palabas ng bahay. Hindi naman niya mapigilang mangiti nang marinig ang masayang halakhak nito.

And from that moment she knew na mahaharap sa isang malaking problema ang puso niya dahil sa exact replica ng lalaking minamahal niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

75.2K 1.3K 14
Louie loves his wife more than anything in this world. Kaya nang maidestino siya sa malayo ay tila bumagsak ang kanyang mundo. Hindi niya kayang iwan...
48.6K 615 84
Sila'y bumaba para magdala ng init. R18 Read at your own risk.
88.1K 1.9K 11
Charlie was Amber's first love and the only man she loved. Naniniwala siyang ito ang itinadhana para sa kanya. Kahit lantarang sinabi ni Charlie sa k...
992K 16.3K 38
[WARNING: RATED SPG. THERE ARE SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR MINORS AND READERS WHO HAVE SENSITIVE MINDS. READ AT YOUR OWN RISK.] Lorabelle loves...