LASH (Light and Shadow High):...

By FiveNocturnals

1.2K 24 0

Kung hindi kayang ipagtanggol, mawawala. Kung hindi kayang pangasiwaan, masisira. Kung hindi sapat ang lakas... More

Panimula: Biringan City
Kabanata 1: Anino
Kabanata 2: Boey
Kabanata 3: Laban sa Poblacion
Kabanata 4: Kasunduan
Kabanata 5: Mga Bagong Estudyante
Kabanata 6: Unang Pagkikita
Kabanata 7: Mall?!
Kabanata 9: Unang Klase
Kabanata 10: Meow!
Kabanata 11: Kinabukasan
Kabanata 12: Pares [pt. 1]
Kabanata 12: Pares [pt. 2]

Kabanata 8: A

57 2 0
By FiveNocturnals

(Josie's POV)

"Ano ba yung arcade?"

Napakibit-balikat ako sa tanong ni ate Xapphrina dahil pare-parehas lang kaming 'di pa nakakapunta roon. Narinig ni Nick ang tanong niya at mukhang handa siyang magpaliwanag kung ano yung arcade. Ang akala ko nga eh pagtatawanan nila kami dahil hindi namin alam yun; pero naiintindihan naman pala nila kami.

"Maraming iba't ibang klaseng games dun! Basta masaya!" nakangiting sabi ni Nick. Tumango si ate Xapp sa mga pinagsasabi niya, binalik ang ngiti na parang hindi nawawala sa mga labi ni Nick. Umakyat uli kami ng escalator at pagtuntong namin sa mataas na palapag, nanlaki ang mga mata namin. Bumungad sa amin ang makulay at malaki na lugar na tinatawag nilang arcade.

"Tara! May pera pa namang natira sa binigay ni Ms. Stones. Laro muna tayo bago bumalik." sabi ni Leon. Sabik na sabik kaming pumasok sa loob ng arcade, tuwang-tuwang sa mga ilaw. Masayang pinaliwanag ni Leon, Thristan, at Nick ang iba't ibang laro na nadaanan namin. Pinalit ni Chance ang aming pera para sa dalawang card na gagamitin daw namin para mga laro.

(arcade visuals, GIF from "Starship Girl Yamamoto Yokho (1999)")

Sa pagbigay niya ng isa pang card kay Thristan, agad na nagsitakbuhan silang lahat papunta sa iba't ibang laro. Pinanood ko muna sila bago ako naghanap ng larong pwedeng laruin.

"Thristan, ayan na!" dinig kong sambit ni Luna habang nakaupo sila ni Thristan sa harap ng arcade game na may mga spaceships. Madiin at paulit-ulit na pinundot ni Thristan ang pulang button ng laro habang ginagalaw niya ang joystick. Natapos ang laro at masaya siyang napaapir kay Luna. "Ikaw naman!" sabi niya sa kanya. Nagpalit sila ng upuan at tuluyang tinuruan at sinuportahan ni Thristan si Luna sa paglalaro.

Napangiti ako; masaya na nagkakasundo sila. Naisip ko na tunay nga na mabilis magkaroon si Luna ng kaibigan dahil kahit noon pa, mabait at madali siyang lapitan.

"'Yon!"

Sinundan ng mga mata ko sila ate Xapphrina at Calli, nakitang kasama ang dalawa pang lalaki na kaedaran nila; Leon Deangelo, at Nick Kheel.

"Galit ka ba?" tanong ni Leon kay ate Calli. Nginisihan lang siya ni ate Callista, pinapanood si Leon ilagay ang hockey puck pabalik sa mesa.

Napansin kong nananalo na si ate Callista sa laro nilang table hockey habang nagmamasid lang sila Xapp at Nick. Madalas na kinakanchawan ni Nick si Leon kapag natatalo siya at pinupuri niya naman si ate Calli. Kahit hindi halata, napapangiti siya sa tuwing ginagawa ni Nick iyon.

"Nick, ikaw naman." tawag ni ate Callista sa kanya. Sa pagpalit nilang dalawa, hiniram ni ate Callista ang card para makapaglaro naman ng ibang laro. Nakita kong niyaya niya si ate Xapp pero nanatili ito kila Leon at Nick.

Ibinaling ko ang ulo ko sa ibang direksyon at nakita naman si Chance at Kyshie. May hawak silang mga pekeng baril, seryosong-seryoso ang mga mukha nila. Kahit may nakapasak na lollipop sa bibig ni ate Kyshie, mukhang napagsasabay niya ito sa pagpatay niya ng mga zombie sa screen.

"Bakit nakatayo ka lang diyan?"

Napatingin ako sa kanan ko at nakita si Christian Anteyo. Hindi ko napigilan ang sarili ko na iwasan ang tingin niya dahil nakaramdam ako ng hiya. Sa tagal kong makasagot, natawa siya.

"Gusto mong mag-basketball? Binigay sakin ni Thristan yung card." yaya niya sa'kin. Tinaas niya ang card sa harap ko, kaya naman napatango nalang ako at sinundan siya.

Kahit na nahihiya pa ako, alam ko naman na dapat na makasanayan ko ang presensya niya— o nila— dahil makakasama namin sila nang pangmatagalan. Sadyang hindi lang din ako mabilis magtiwala; pero nararamdaman ko naman na wala silang masamang intensyon.

Tumayo kami sa harap ng isang ring na maraming bola. Sa pagtaas ko ng tingin ko, napalunok ako dahil alam ko namang hindi ako ganun katangkad.

"Ayan na!" masayang sabi ni Christian nang kumawala ang mga bola at napunta sa amin. Nagulat ako sa kinikilos niya dahil kala ko na tahimik, mahiyain, at wala siya masyadong emosyon na kayang ipakita pero parang mali ako. Natuwa naman ako dahil masaya siya.

Hindi ako masyado naka-shoot ng bola dahil unang beses ko lang sinubukang mag-basketball. Tinignan ako ni Christian na para bang nakaisip siya ng napakagandang ideya dahil nanliwanag ang kanyang mga mata.

"Tuturuan kita!"

Sa paglaki ng aking mga mata, pinaandar niya na ang laro at hindi ko na siya napigilan. Hinablot ko yung bola at tinignan siya.

"Porma mo yung kamay mo na parang ganito." turo niya sa'kin. Ginaya ko ang mga kamay niya ngunit natawa siya. Napataas ako ng kilay at agad naman siyang humingi ng tawad dahil hindi na siya natapos sa kakatawa. Ganun ba kamali yung porma ko?

"Hindi, hindi." iling niya, bago hawakan ang mga kamay ko na nakahawak sa bola. Tumigil ang pag-tibok ng puso ko, hindi makagalaw. Sinabayan niya ako sa pag-shoot ng bola at pumasok naman ito. Napapalakpak siya sa'kin habang ako nama'y napangiti na lamang.

"Isa pa!" sabi ni Christian. Tumango ako, determinado na mapasok ang bola sa loob ng ring. Ginawa ko ang porma na tinuro niya at tinuloy nalang.

"'Yon!" masaya niyang sambit nang pumasok ang bola. Nanliwanag ang mga mata ko at napangiti kay Christian. Tinaas niya ang palad niya at nag-apir kami.

"Uy! Tara na raw sabi ni Boss Chance!"

Sumunod na kaming dalawa sa tawag ni Leon at nakita kong nag-iintay sila sa may pasukan ng arcade. Napansin kong masaya ang bawat isa sa amin, at nanlambot ang puso ko sa pangitain na 'to. Habang naglalakad kami, mas komportable na kami sa isa't isa nang biglang tumigil si Leon sa paglalakad.

"Mga taga-Ace Academy."

Sinundan ng mga mata ko kung saan siya nakatingin at nakita ang iilang estudyante na nakasuot ng puti at berdeng uniform. Nakatingin din sila sa amin, mapait ngunit may mahanging dating.

"Isa sila sa mga makakalaban natin sa Grand GES, diba?" tanong ni ate Xapphrina. Tumango lang si Leon, nakikipagtitigan sa mga taga-Ace Academy. Gumalaw lang kami uli nang ilagay ni Chance ang kamay niya sa balikat ni Leon.

"Alam niyo, wala ako masyadong narinig nung serimonya kanina. Sino pa ba kalaban natin? Tsaka, anong gagawin?" tanong ni Luna. Napatawa muna kami bago siya sinagot ni Leon.

"Lima tayong maglalaban-laban; Ace Academy, Light and Shadow High, Butte High School, Massaker High, at School of the East."

Napatango ako kasama ni Luna kahit alam ko na ang lahat ng ito. Habang sumasakay na kami ng bus, inalala ko ang mainam na paliwanag ni Ms. Stones habang nakatayo kami sa entablado. Posibleng natulala nanaman si Luna dahil madali siyang kabahan.

"Gaya ng sabi kanina, magkakaroon tayo ng sari-sariling watawat sa Grand GES at hindi talaga biro ang itsura ng arena na pag-gaganapan nito," paliwanag ni Leon, "Kailangan nating protektahan ang watawat natin dahil yun ang simbolo ng base natin; pero habang ginagawa natin yun, dapat na makuha din natin yung sa kanila." dugtong niya.

"Magagawa lang natin yun kung patuloy natin silang mapapabagsak sa pakikipaglaban. Kaya nga siya laro ng ultimong kakayahan." dagdag ni Chance.

"Magiging masaya at madugo talaga tong labanan na 'to. Kung ano-ano kasi yung ginagawa nila sa arena; gubat, may maliit na bahay, maze, at marami pa." ulat ni Nick.

Lalo akong kinabahan sa mga salita nila. Paano ba naman kasi, wala kaming kaalam-alam; tapos biglang kami yung magrerepresenta? Hindi talaga kapani-paniwala!

Napatahimik kaming lima sa eksplenasyon nila, kaya naman naging tahimik na rin ang kakaunting segundo ng byahe namin.

"Bakit naman galit na galit ka sa mga taga-Ace Academy?" tanong ni ate Callista kay Leon. Napansin ni Leon na binalik lang ni ate Callista ang tanong niya kanina kaya napangiti pa ito nang kaunti.

"Dati kasi, palaging LASH ang panalo sa Grand GES; pero hindi na kami nanalo sa nakalipas na dalawang taon. Ace Academy na ang nasa taas at lumaki ang mga ulo nila dahil dun." sagot niya habang nakabusangot. Napatango nalang uli si ate Callista bago ko siya nakitang humikab at sumandal sa bintana.

Pinagmasdan ko ang bawat isa at napansin ang pagod sa kanilang mga mukha. Nakaramdam din ako nito mula sa aming hindi inaasahang gala; kaya naman sumandal ako kay ate Xapphrina na nakapikit ang mga mata.

Bumalik sa pagiging tahimik ang byahe namin pabalik ng Light and Shadow High. Wala nang nagkwekwentuhan kaya pinikit ko nalang din ang mga mata ko.

Patulog na sana ako nang bigla akong ginulat ni ate Xapphrina. Hinablot niya ang braso ko nang mahigpit, malaki ang mga mata. Halos lumabas na rin ang mga mata ko dahil sa ginawa niya ngunit nilagay niya ang hintuturo niya sa labi niya at agad na napatakip ako ng bibig.

"Nakita ko uli yung anino habang nakapikit ako."

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 495K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
68.1K 2K 64
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...