LASH (Light and Shadow High):...

Od FiveNocturnals

1.2K 24 0

Kung hindi kayang ipagtanggol, mawawala. Kung hindi kayang pangasiwaan, masisira. Kung hindi sapat ang lakas... Viac

Panimula: Biringan City
Kabanata 1: Anino
Kabanata 2: Boey
Kabanata 3: Laban sa Poblacion
Kabanata 4: Kasunduan
Kabanata 5: Mga Bagong Estudyante
Kabanata 7: Mall?!
Kabanata 8: A
Kabanata 9: Unang Klase
Kabanata 10: Meow!
Kabanata 11: Kinabukasan
Kabanata 12: Pares [pt. 1]
Kabanata 12: Pares [pt. 2]

Kabanata 6: Unang Pagkikita

61 2 0
Od FiveNocturnals

(Luna's POV)

Sinuot ko ang itim na vest na parte ng uniform namin habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang asul na ribbon sa may kwelyo ng nakapaloob na polo bago ko nakita ang repleksyon ni ate Kyshie sa gilid ng salamin. Natawa ako sa ginawa niyang pagsuot ng itim na medyas dahil tinodo niya naman ata ang pagtaas niya ng paa habang nakaupo siya sa kama niya. 

(uniform visuals, GIF from We Heart It)

"Saan kaya yung canteen dito?" tanong niya, suot-suot na ang dalawang medyas. Bumusangot si ate Callista kay Kyshie bago niya sinabi, "Pagkain nanaman?! Kakapasok palang natin!"

Napakamot ng batok si ate Kyshie, binubulong ang mga hinanakit niya tungkol kay ate Callista. Pagkatapos niyang irapan si Calli, sinuot niya na ang sapatos niya; kaya naman ginaya ko nalang siya. Habang inaayos ang maiksi niyang buhok na kulay kahel, tinitigan ni ate Callista ang schedules namin at ang mga lugar sa Light and Shadow High.

"Sa main building yung Grand Hall, pati yung canteen. Nandun din yung office ni Ms. Stones." ulat ng nakakatanda kong kapatid, nakakunot ang noo sa mga impormasyong kanyang nalalaman.

"Tara na sa main building!" nakangiting sabi ni Kyshie bago siya tumakbo papalabas ng kwarto namin. Napailing lang si ate Callista at sinundan kaming dalawa.

Kinatok namin sila Josie at agad naman silang lumabas. Magkakasama na kaming naglakad papunta sa main building. Kahit na pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante, hindi namin sila pinansin at dire-diretso lang ang lakad namin― maliban kay ate Kyshie na tumuntong sa ibabaw ng fountain. Sinita siya ni ate Xapphrina at ngumisi lang ito sa kanya bago pa man siya sumunod.

Pagpasok namin ng main building, bumungad sa'min ang napakataas na kisame at ang napakaraming hagdanan. May malalaking pinto naman para sa Grand Hall sa unang palapag at kinabahan ako dahil doon gaganapin ang serimonya ng Grand Geize en Suduin.

"Pucha naman nito, ang taas! Asan na ba si Ms. Stones?" pagod na tanong ni ate Xapphrina pagkaakyat namin ng ikatlong palapag. "'Yon yung opisina niya, o." sagot naman ni ate Callista, patakbong pumunta sa kulay itim na pinto ng opisina ni Ms. Stones. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pinakita ang kabigha-bighaning opisina na puno ng mga libro at kung ano-ano pang bagay. Sa gitna ng kwarto nakaupo si Ms. Stones sa kanyang upuan at lamesa.

"Tumuloy kayo." utos niya. Pagpasok namin, nagsara kaagad ang pinto sa isang kumpas lang ng kamay ni Ms. Stones.

Ngayon lang namin nakita siyang gumamit ng kapangyarihan. 

"Wow, kapangyarihan niyang magbukas at sara ng pinto?" bulong ni Ky. Napapigil tuloy ako ng hagikhik. Ano ba 'tong si ate! 

Tinuro niya ang mga upuan sa harap ng lamesa niya at agad naman kaming umupo. Umubo siya bago niya kami tinignan isa-isa. Mapagtanong ang mga ekspresyon namin kaya siya napangiti nang taimtim.

"Gaganapin ang serimonya bago magtanghalian. Doon kayo magpapakilala sa buong paaralan bilang mga contestants ng LASH sa Grand GES. Babanggitin niyo ang pangalan niyo, edad, at ang kapangyarihan niyo." ika ni Ms. Stones.

"Bakit po ba kami yung mga contestants?" tanong ni ate Callista, nakataas ang kilay. "Dahil nakita naming malakas kayo. Paulit-ulit nang natatalo ang LASH; kayo ang kailangan ng paaralan na 'to." madiin na sagot ni Ms. Stones. Napalunok ako sa kaba sa mga sinabi niya. Nakakapressure!

"Ipapaliwanag ang lahat ng tungkol sa Grand Geize en Suduin sa serimonya mamaya. Maaari na kayong umalis."

Tumayo na kami at lumabas ng opisina niya. Kahit na litong-lito pa rin kami, naisipan nalang naming libutin ang LASH. Nagtatatarang na si Kyshie nang mapalapit kami sa canteen. Sa dami ng pagkain na binabanggit niya, nagutom din ako. Pagpasok namin ng canteen, may mga estudyanteng nakatambay at tumitingin sa display case. Nagliwanag ang mga mata namin at biglaan naman kaming tinignan ni ate Kyshie, patalikod na naglalakad.

"Ha! Kanina pinapagalitan niyo pa 'ko, tapos kayo rin naman din pala 'tong―"

"Ky―!"

Napapikit nalang si ate Callista at napasapak naman ng palad si ate Xapphrina sa noo niya dahil sa hiya. Laking gulat ni ate Kyshie nang bumangga siya sa isang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang display case. Sa pagtama ng kanilang mga mata, inirapan siya nito habang todo hingi si Ky ng patawad. Tumango nalang ang chinitong lalaki sa kanya bago hinablot ni ate Callista at Josie si ate Kyshie paalis.

"Tumingin ka kasi sa nilalakaran mo! Muntanga ka tuloy!" mataas na bulong ni ate Callista sa kanya. Natawa nalang kami sa pagsimangot niya at pinabayaang bumili siya ng lollipop. Napansin kong nandoon pa rin yung lalaking nabangga niya, pasikretong ngumiti kay ate Ky.

Pagkalipas ng 30 minuto, nagtitipon-tipon na ang mga estudyante sa Grand Hall. Mabilisan kaming tumakbo dahil magsisimula na pala ang serimonya. Kung saan-saan na kami nakarating sa LASH at sigurado ako na hindi pa kalahati ng eskwelahan yun.

Dumaan kami sa gilid-gilid ng Grand Hall para hindi agaw-atensyon. Nakita namin ang nakakabutas-kaluluwa na mga mata ni Ms. Stones; kaya naman pumunta na kami sa harap, malapit sa entablado.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. Umupo na kayo." strikta niyang sabi. Umupo kami sa unang helera ng mga upuan ng Grand Hall, kabadong-kabado sa mga susunod na mga pangyayari.

Sa paglingon ko, lalo akong nanliit dahil sa dami ng tao na nasa Grand Hall. Mukhang libo-libo ang mga estudyante na nandirito. Nanahimik ang lahat nang tumayo sa entablado si Ms. Stones, tinatapik-tapik ang ibabaw ng mikropono.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Nandito tayo ngayon para sa serimonya ng Grand Geize en Suduin, ang pinakamalaki at pinakasikat na labanan ng iba't ibang paaralan dito sa Biringan City." pagsisimula ni Ms. Stones. "Ang labanan na ito ang sumusukat sa lakas at galing ng mga estudyante mula sa Levels 3-to-4 ng bawat paaralan. Sa schoolyear na ito, dito sa Light and Shadow High arena gaganapin ang Grand Geize en Suduin."

Arena? Di pa namin napupuntahan 'yon, ah. Gaano kalaki ba 'to?

"Sa taong-taong ginaganap ito, parehas pa rin ang mekaniks ng labanan. Pipili ang eskwelahan ng sampung estudyante base sa kakayahan nila na kanilang pinakita sa mga taong nag-aral sila dito." tuloy-tuloy na ulat ni Ms. Stones.

Nagtinginan kaming magpipinsan nang mabanggit niya na sampu ang kailangan sa Grand GES. May lima pa pala kaming makakasama.

"Ang sampung estudyante na ito ay binubuo ng limang babae at limang lalaki. Para sa pagpapakilala ng mga napiling estudyante, bigyan natin ng masigabong palakpakan si Mr. Nemm C. Oh."

Natulala nalang ako sa mga pinagsasabi ni Ms. Stones, bago ako tinapik ni Jo sa balikat. Nakalingon ang lahat ng estudyante sa direksyon ng isang matandang lalaki na naglalakad sa gitna. Sinundan ng mga mata ko ang tinatawag nilang si Mr. Nemm Oh, ang sikat na sikat na pangalan dito sa buong Biringan.

Umakyat siya sa entablado, blanko ang mga mata at halatang seryoso sa buhay. Sa kanyang pagmamasid, tumigil ang mga mata niya sa aming lima sa ilalim ng iilang segundo. Napansin kong nag-iba ang kanyang ekspresyon; tila bang nagkaroon ng kinang sa kanyang mga mata nang makita niya kami. Bakit naman siya gulat na gulat na nandito kami eh siya nga yung nagpapaaral samin dito?

"Ikinagagalak ko ang pagpapakilala sa ating mga ipambabato ngayong taon. Una kong tatawagin ay ang limang lalaki na napili mula sa Levels 3-to-4."

Biglang tumayo ang limang lalaki mula sa kabilang unang helera ng upuan. Tutok na tutok ang mga mata namin sa mga makakasama namin sa Grand Geize en Suduin; at sa kanilang pag-akyat ng entablado, sabay-sabay na nahulog ang mga panga namin.

"Ky, yung nakabanggaan mong lalaki!"  bulong ni ate Xapphrina.

Tumayo sa harap naming lahat ang limang lalaki na napili ng LASH para sa Grand GES. Saktong-sakto, ang unang humawak ng mikropono sa kanilang lima ay ang lalaking nauntog ni ate Kyshie kanina. Light blue ang kanyang buhok at kulay brown ang mga singkit niyang mata, matangkad at maputi ang balat. 

"Ang pangalan ko ay Chance C. Lancastler. Ako ay 17-taong-gulang na at ang kapangyarihan ko naman ay tinatawag na emovere; dahil kaya kong ipadama sa isang tao ang kahit anong emosyon." diretsong sabi ng lalaking nakabanggaan ni ate Kyshie. Nagpalakpakan ang mga tao habang pinapasa niya ang mikropono sa kasunod niya.

"Ako si Leon J. Deangelo. 17-taong-gulang na ako at ang kapangyarihan ko ay tinatawag na verum; dahil kaya kong basahin ang isip ng tao." maiksing sabi ng lalaking may itim na buhok at brown na mga mata. Ngumiti siya habang pumapalakpak ang mga tao; at nagmistulang kuneho siya dahil doon.

"Ang pangalan ko ay Nicholas R. Kheel o pwede niyo naman akong tawaging, Nick. Ako'y 17-taong-gulang din. Tinatawag na erde ang kapangyarihan ko dahil kaya kong kontrolin ang kahit anong anyong-lupa." masayang sabi ng lalaking may kulay asul na buhok. Katulad ng isa, ngumiti siya habang pinapalakpakan ng mga tao. Nahawa ako sa ngiti niyang hugis-kahon; kaya napangiti rin ako habang pumapalakpak.

"Thristan Y. Rostelle. 16-na-taong-gulang. Ang pangalan ng kapangyarihan ko ay hypnosis dahil kaya kong kontrolin ang mga aksyon ng isang tao kapag tinitigan ko sila sa mata." magarang sabi ng lalaking blond ang buhok. Kumindat pa siya pagkatapos at napansin kong kinilig ang iilang estudyante habang pumapalakpak kami. 'No yun?

Pinasa niya ang mikropono sa huling lalaki na nakatayo. Mukhang tahimik at seryoso ito, blanko ang itim na mga mata.

"Ako si Christian F. Anteyo. 16-na-taong-gulang. Kaya kong kontrolin ang tubig kaya tinatawag itong, aqua."

Sabay-sabay silang yumuko habang nagpapalakpakan ang mga tao. Tumayo na sila sa bandang likod ng entablado at tuluyang bumilis ang puso ko dahil doon. Shet, kami na susunod.

"Tatawagin ko naman ngayon ang limang babaeng ipambabato ng Light and Shadow High. Sila ay mga bagong estudyante mula sa Levels 3-to-4."

Nagbulungan ang mga tao nang tumayo kami, iniiwasan ang kanilang mapanghusgang tingin. Sa pag-akyat namin ng entablado, saglit na nagtitigan kami ng limang lalaki na kasama namin sa Grand GES. Agad na bumilis ang takbo ng puso ko nang humarap kami sa maraming estudyante. Nanginginig na kinuha ni ate Xapphrina ang mikropono bago siya nagsalita.

"Ang pangalan ko ay Xapphrina L. Swanson. Ako ay 17-taong-gulang na at ang kapangyarihan ko ay tinatawag na videre dahil kaya kong makita ang mga pangyayari mula sa malalayong lugar; pati na rin ang mga pangyayari sa kinabukasan."

"Ako si Callista L. River. 17-taong-gulang. Tinatawag na karma ang kapangyarihan ko dahil kaya kong ibalik sa kahit anong paraan ang enerhiya ng ginawa sa akin."

"Ang pangalan ko ay Kyshie L. Jeevas. 17-taong-gulang na ako at ang kapangyarihan ko ay tinatawag na revere dahil kaya kong takutin nang sobra-sobra ang isang tao."

"Ang pangalan ko ay Luna L. River at 16-na-taong-gulang na ako. Ang kapangyarihan ko ay tinatawag na plantare dahil kaya kong kontrolin ang mga halaman."

"Ako si Josie L. Reeves. 16-na-taong-gulang. Ang kapangyarihan ko ay tinatawag na fuego dahil naglalabas ako ng apoy."

Huminga ako nang malalim pagkatapos naming magpakilala sa harap ng mga tao. Taimtim na pumalakpak ang mga estudyante, nagdadalawang-isip pa rin sa kung ano ang sasabihin at iisipin nila tungkol sa amin. Tinabihan na kami ng mga makakasama namin sa Grand GES habang papalapit na sa amin si Mr. Oh at Ms. Stones.

"Maghaharap tayo." pasikretong sabi sa amin ng lalaki na nagpakilala bilang Leon.

"Ano?" sagot naman ni ate Xapphrina.

"...Nawa na mapasainyo ang lakas at talino na magdadala sa atin ng magandang puno't dulo."

Hindi ko na nakuha ang mga pinagsasabi ni Ms. Stones nang bigla-biglang humarap sa amin ang limang lalaki. Nagtama ang mga paningin namin sa mabilisan naming paggaya sa kanila.

"Light and Shadow High, ito ang bago niyong team para sa Grand Geize en Suduin!"

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

431K 16.2K 65
REINCARNATION SERIES #1 SYPNOSIS: She who died in a hopeless way. And she who died in a hurtful way. But only one who could survive and use one body...
94.7K 4.6K 59
(On-Going)
4.1M 191K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
1.6M 63.8K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...