Black Butterfly

By LaraMelissa

21.5M 90.5K 10.2K

Available on GoodNovel App "Just like in highschool, if you have the rooftop, it means that it is your territ... More

Black Butterfly
Prologue
Chapter 1: Hello Philippines!
Chapter 2: The Last Will
Chapter 3: Red Dragon University
Chapter 4: Black Dragon Gang
Chapter 5: School Bullying
Chapter 6: Girlfriends
Chapter 8: You Pervert...Jarvis Fortalejo !
Chapter 9: The Contract
Chapter 10: The Trial Date
Chapter 11: Scandal Picture
Announcement!

Chapter 7: The Basketball Game

330K 5.4K 290
By LaraMelissa


Chapter 7: The Basketball Game

Baketball Stadium

P.E. ang subject ko ngayon, nasa Basketball Stadium kami at nagwa-warm up para sa game namin mamaya nang bigla na lamang nagtilian ng malakas ang mga kababaihan doon. Napatakip ako sa aking tenga. Grabe! Ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Hinanap ko ang sanhi ng kanilang kaguluhan, napasimangot ako nang makitang paparating ang Black Dragon Gang—mga lalaki na tingin sa sarili ay Diyos ng kaguwapuhan.

Umupo sila sa bench kung saan ang mga players ng basketball ay nakaupo doon. Mukhang hindi naman susuwertihin ang araw ko ngayon. Bakit ba andito sila? Inis na inis akong nakatingin sa kanila. Nahuli ako ni Jace na minamasdan sila kaya agad akong umiwas ng tingin. Sh*t! Mamaya niyan, kung ano pa ang isipin nila.

Biglang pumalakpak ng malakas ang aming prof, tinatawag niya ang aming atensyon. "Class, hindi matutuloy ang pagba-basketball niyo ngayon dahil gagamitin nila ang basketball stadium para sa practice."

Marami akong narinig na nag-"yes" at tuwang-tuwa sa kanilang narinig. Nainis naman ako sa nangyari, kaya nagtaas ako ng kamay para magtanong.

"Yes, Miss Uy?"

"Ma'am, kung hindi po tayo magpa-practice, ano na lang po ang gagawin namin?"

"Hmm.. panoorin silang maglaro."

"Po?" gulat na sambit ko.

"Yes Miss Uy. Sigurado akong may matutunan kayo kapag pinanood niyo kung paano sila maglaro."

Pagkasabi noon ng prof namin ay nagpaalam na siya. Aangal pa sana ako pero bigla akong hinarangan ng mga babae.

"Pwede ba beggar, huwag mo kaming idamay sa kaartehan mo?"

"Oo nga. Minsan na nga lang namin mapanood ang Black Dragon Gang, tapos may balak ka pang pigilan iyon?"

"Subukan mo lang, kundi...." hindi na niya itinuloy ang pagsasalita at nagtinginan sila. Napakunot-noo ako nang bigla silang nagtawanan.

Napailing na lang ako at tinalikuran ko na sila. Sinasayang ko ang oras ko dito. Habang naglalakad ako paalis sa stadium, naiinis akong isipin na dahil lang dumating ang Black Dragon Gang ay hindi na natuloy ang mga lessons namin. Ano bang meron sa gang na iyan at ganoon na lamang umiwas ang mga professor sa kanila?

Malapit na ako sa entrance nang makasalubong ko ang grupo ni Princess.

"Oh!" gulat na turo sa akin ni Grace. "I'm glad you're here, Bella!" masayang bati niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanila. "Hi."

"Saan ka pupunta?" takang tanong naman sa akin ni Angel.

"Ah? Uuwi na ako."

"What? Hindi ka manonood?" tanong naman ni Princess.

"Yes." Pinal sa sagot ko.

"Why?" nanghihinayang na tanong ni Grace.

"Ayaw mo bang kilalanin ang kaaway mo?" nakangiting tanong sa akin ni Princess.

Anong pinagsasabi niya?

"Sabi nga nila, "keep your friends close, and your enemies closer."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin, Princess? Panoorin ko sila kung paano sila maglaro ng basketball? Makikita ko ba doon ang kahinaan nila?"

"Bakit hindi mo i-try?" naghahamon na wika niya.

Nagkatitigan kami ng matagal. Isang malakas na tilian ang umagaw sa atensyon naming dalawa. Napatingin ako sa court kung saan pumasok na ang members ng Black Dragon Gang sa loob at mukhang mag-uumpisa na ang laban.

Ngumiti muna sa akin si Princess ng matamis bago niya ako nilagpasan. Naglalakad na akong palayo nang maalala kong naiwan ko ang aking bag sa locker room kaya kahit ayaw ko, agad akong bumalik.

Nang nakuha ko na ang aking bag ay dali-dali na akong naglakad palabas.

"Bella!!! Watch out!"

Napalingon ako at agad akong nakaiwas sa paparating na bola.

"Ops.. sorry, nadulas sa kamay ko eh," natatawang sambit ng isang miyembro ng Black Dragon Gang.

Kinuha ko ang bolang gumulong sa paanan ko, tiningnan ko ang naghagis nito. Nadulas? Paanong nangyari 'yon? Kailan pa naging 'nadulas' ang term na 'hinagis'? Kalokohan ito ah! Obviously, ako ang puntirya niya. Tiningnan ko ang bola na hawak ko at tumalikod. Inihagis ko ang bola nang patalikod. Paglingon ko, nag-shoot sa ring ang bola. "Wow! I'm so lucky today, na-shoot ko ang bola," ngingisi-ngising wika ko sa kanila.

Napatingin sa akin si Jarvis at maging ang mga kasamahan niya. Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad palayo.

Rain's Point of View

Hindi ko akalain na magaling siya. Sabi ko na nga ba eh, hindi siya ordinaryong babae. Sino ka nga ba talaga, Bella Uy? Saan ka kumukuha ng lakas na loob para kalabanin si Emp? Biglang may pumasok na idea sa aking isipan. Bakit nga ba hindi?

Sinundan ko siya. "Hey!" tawag ko kay Nerd. Hindi pa rin siya lumingon, napangiti ako sa inaasal niya. "Bella Uy." Malakas na tawag ko at takang nilingon niya ako.

"What?" inip na tanong niya.

"Let's play basketball." Nagulat siya, maging ang lahat ng nakarinig sa sinabi ko ay nagulat.

"Ano'ng prize?"

Natawa ako sa pagiging sigurista niya. "What do you want? Car? Money? House?"

Napatingin siya kay Jarvis at ngumiti ng makahulugan. "Hindi ko kailangan ng mga bagay na panandalian lamang. Ang nais ko ay patahimikin niyo ang school life ko."

Tumango-tango ako sa hiling niya. "Pero kapag ikaw ang natalo, ready ka ba sa consequence mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Kahit pa ang kapalit no'n ay buhay mo?"

Nakipagtitigan siya sa akin ng matagal tapos ngumiti ito ng matamis. "Deal."

"Are you not afraid?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko, iniba niya ang usapan. "Baka naman, deal lang nating dalawa ito?" nakatingin siya kay Jarvis.

"Emp, okay lang ba sa iyo ito?"

"Bahala ka. Siguraduhin mo lang na hindi ko na uli makikita ang basurang yan." Balewalang sambit niya.

"Narinig mo naman ang sinabi niya."

"Okay. Ano ang rules?"

"Simple lang. Ang kailangan mong gawin ay kalabanin kaming Black Dragon Gang. Lima kaming lalaki na dedepensa at kelangan mong maka-shoot ng tatlong beses sa loob ng 30 minutes. Kapag natalo mo kami, si Emp na ang makakaharap mo. One on one kayong dalawa, no time limit. Kung sino man ang unang maka-shoot sa inyong dalawa ay siya ang panalo. Any objections?"

Nagkibit-balikat lamang siya. "Nothing. Let's start."

"I object, Kuya Rain."

Nakangiting nilingon ko si Angel. "Why?"

"You can't do this to her! It's unfair!" bulalas niya.

"Mukhang hindi naman unfair sa kanya. Look at her." Sabay tingin ko kay Bella na nakatingin sa ring.

"But—"

"Stay out of this, Angel." Mahinahong wika ko sa kanya.

"He's right." Mabilis na sang-ayon ni Bella.

"Are you crazy, Bella?

Tinitigan ni Bella si Angel at dahan-dahan itong ngumiti. "Maybe I am."

Nanlalaki ang mata na napatingin sila kay Bella. Hindi marahil makapaniwala sa maikling sagot niya. Interesting girl!

"Look Bella, di mo ba alam na napakahusay nila sa basketball?" pilit na ngumiti si Angel.

"Napansin ko nga."

"Tama siya, Bella. Kinukuha kaya sila ng PBA dahil napakagaling nila," sabi ni Grace.

"Astig!" bulalas niya.

Natatawa ako sa mga reaksyon niya dahil sincere ang mga iyon.

"Pipigilan ko si Kuya Jarvis, para hindi ka mapahamak," nag-aalalang sambit ni Princess.

"Ouch naman girls, para niyo namang sinabi na wala kaming puso." Pagbibiro ko sa kanila.

"Whatever, Kuya Rain. FYI Princess, once in a blue moon lang makinig 'yang kapatid mo."

Imbes na matakot si Nerd ay natawa lamang siya.

"Grabe Bella, hindi ka ba kinakabahan diyan? Kung makatawa ka, parang wala lang ah," kunot-noong wika ni Princess.

"Di mo ba alam na haharapin mo ang hell? Tapos balewala lang sa iyo?"

Ngumiti lamang ulit si Bella.

.

Stupid girl. Tumalikod na ako at nagtungo kina Emp.

"Pare, kaibigan pala niya ang grupo ng pinsan mo," sabi ni Nathe sabay turo sa direksyon ni Bella na pinaliligiran ng mga girlfriends.

"Ano ang pinaplano mo Rain?" kunot-noong tanong ni Fuji.

Ngumiti lang ako sa kanila.

"Kitang-kita sa ngiti mo na may binabalak ka Rain." Seryosong saad ni Jarvis sa akin.

"Napansin mo pa 'yon, Emp?"

"Mukhang kaibigan naman ni Angel si Bella, hindi mo ba pagbibigyan?" tanong ni Nathe.

"Sh*t Rain! Bakit dinamay mo pa kami? Mukhang talo na yun sa atin." Inis na sambit ni Trace.

"Wala akong magagawa, kagustuhan niya yun at saka nag-agree na siya di ba?!" nakangiting sambit ko sa kanila. Sigurado akong mae-entertain ako sa mangayayari mamaya.

Princess' Point of View

Hindi ko talaga mabasa si Bella. Unpredictable na babae, hindi ko man lang siya nakikitaan ng kaba bagkus ay nakangiti pa siya ng maluwang na para bang naka-jackpot siya sa lotto. Kung ia-analyze, 10% lang ang chance niya na manalo sa Black Dragon Gang.

"Ready ka na ba, Nerd?" tanong ni Rain.

"Excited kang matalo, Mr. Monteverde?" at lumapit na siya sa kinaroroonan nila.

Natatawang umiling-iling si Rain samantalang ang mga kasamahan niya ay seryosong nakatingin kay Bella.

Nakapuwesto na ang Black Dragon Gang, mukha napipilitan lang sumali yung iba. Nasa right side si Bella, samantalang sila ay nasa left side naman. Nagsimula nang mag-dribble si Bella papalapit sa Black Dragon Gang. Seryoso ang mukha niya, marahil nag-iisip siya kung paano niya lulusutan ang mga ito. Napailing ako nang makita kong todo ang pagbabantay ng Black Dragon Gang sa kanya. Hindi pa man nakakalapit si Bella ng lubos sa kanila ay naagaw na ni Rain ang bola at madali niyang nai-shoot yun sa ring.

1-0 na. Puntos ng Black Dragon Gang.

"Nice," sambit ni Bella na nakatingin kay Rain.

Napangisi lamang si Rain at pinasa ulit nito ang bola kay Bella. Napatingin si Bella sa hawak niyang bola at nagsimula na ulit siyang mag-dribble. Nagulat na lamang ako nang mabilis na sumugod si Bella sa kanila. Kahanga-hanga na nalampasan niya sina Jace, Nathe at Trace. Ngunit ang attempt ni Bella sa pagpasok niya sa loob ng depensa ng Black Dragon Gang ay hindi nagwagi dahil nakuha ni Fuji ang bola na pumasok naman agad sa ring.

2-0 na ang puntos.

Isang puntos na lang ay matatalo na si Bella. Kinakabahan ako na tumingin sa kanya pero nagtaka ako dahil nakangiti pa siya ng makahulugan. Anong binabalak niya?

"Magaling nga talaga kayo at nahirapan akong pasukin ang depensa niyo." Komento ni Bella.

"Kahanga-hanga din ang ginawa mo Nerd, walang sinuman ang nakagawa noon bukod sayo." Komento naman ni Fuji sa kanya.

Napapatango si Bella sa sinabi ni Fuji. "Well thank you, but this time..." napahinto siya sa pagsasalita at nakipagtitigan siya sa kanila. "Ibahin naman natin, kayo naman ang sumugod sa akin."

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Bella.

"Crazy girl." Napapailing na sambit ni Kuya Jarvis.

Nagkibit-balikat lamang si Bella. Pinulot niya ang bola at nagsimula na ulit siyang mag-dribble. Ganoon pa rin, naghihintay ang Black Dragon Gang sa pag-atake ni Bella. Ayan na naman ang kanyang ngiti, nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang tumalon ng mataas. Ang layo pa niya sa ring, nasa three point lane lang siya at imposibleng ma-shoot niya iyon. Nagpaikot-ikot ang bola sa ring at napanganga ako at ang lahat ng nasa stadium nang nag-shoot ito.

Naka-score si Bella, 2-1 na. Gulat na gulat ang Black Dragon Gang sa ginawa ni Bella, maging si Kuya Jarvis ay hindi rin makapaniwala. Nang mahimasmasan kami ay masaya kaming nag-cheer para kay Bella.

"Ang galing mo Nerd..." sigaw ng isang lalaki.

"Sis nakita mo yun?Ang galing ni Bella, na-shoot niya ang bola kahit nasa malayo," tuwang tuwa na sambit ni Jess.

"Go Bella! I love you Trace," tili ni Grace.

Napatingin si Trace sa direksyon namin at nag-blush ito.

"Oh our God! He's so cute," kinikilig na sambit ni Grace.

Binatukan naman siya ni Jess. "Manahimik ka nga diyan! Huwag mo nga munang i-cheer ang love of your life. Si Bella muna ang i-cheer natin dahil 'yang mga lalaki na 'yan, ang dami ng nagchi-cheer sa kanila. Tingnan mo ang buong stadium."

Napatingin nga kami sa sinabi ni Jess, nagulat kami dahil parang dinaig pa nito ang PBA Games sa sobrang daming tao na nanonood. Halo-halo ang ang nagchi-cheer; meron kay Bella at meron sa Black Dragon Gang.

Rain's Point of View

Na-amaze ako sa ipinakitang galing ni Nerd. I like her. Napailing ako bigla sa aking naisip.

"Hanep pare, nagtsi-cheer ang pinsan ko sayo ah," nakangising sambit ni Nathe.

"Nag-blush pa si Pareng Trace," tukso ni Jace.

"Manahimik nga kayo!" inis na wika ni Trace. "Sa una pa lang alam mo na ito, Rain." Sabay tingin nila sa akin.

Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. "Wala akong alam, Trace. Gusto ko lang malaman kung coincidence lamang ba iyon or sadyang magaling lang siya."

"Hindi pala tayo dapat na magpabaya dahil baka tayo ang mapahiya sa huli," singit naman ni Jace.

"Rain."

Napalingon ako kay Jarvis nang tawagin niya ako. "Yo?"

"10 minutes."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kailangan naming matalo si Bella sa loob ng 10 minutes, kundi may hindi magandang mangyayari.

"Masyado ka namang excited Mr. Fortalejo, 10 minutes pa lang ang nakakalipas. May 20 minutes pa naman na natitira. Bakit ka ba nagmamadaling tapusin nila ito sa loob ng 10 minutes? Unfair naman siguro yun sa kanila," mahabang saad ni Bella.

Tiningnan siya ni Jarvis ng masama. "You want to die?"

Sh*t... Ininis pa niya si Jarvis.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa niya. "Tapusin na natin ito Mr. Monteverde sa loob ng limang minuto para ang natitirang limang minuto ay mapupunta sa pagtutuos namin ng freak na iyan." Sabay lakad niya papunta sa gitna ng court.

"What?" gulat na tanong ni Jarvis.

Susundan sana ni Jarvis si Nerd pero agad akong humarang sa kanya. Mahirap na. "Relax Emp."

"How can I relax? Kung nakikita ko na natatalo kayo ng isang babae. Lima kayo na nakabantay at isa lang ang kalaban niyo! Nasaan na ang pride ng Black Dragon Gang?"

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Emp. Tama naman talaga siya.

"Hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, Jarvis." Wika ni Bella na seryoso ang mukha.

Parang pinapahiwatig niya sa amin na kaya niyang makapuntos ng two points sa loob ng limang minuto.

Bumalik na ulit kami sa court at napansin ko na lalong nagseryoso ang mukha niya. Hindi ko man lang siya nakikitaan ng pangamba. Todo kami sa pagbabantay sa kanya para hindi siya maka-shoot. Lumipas na ang dalawang minuto pero hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya. Marahil nainip si Jace kaya sumugod siya kay Bella para agawin ang bola at nagwagi naman siya. Hawak na ni Jace ang bola, pero napangiti lamang si Bella. Sh*t! Nagulat kami nang mabilis siyang na tumakbo patungo kay Jace at madali niyang naagaw ang bola. Nagkatinginan kaming lahat at automatic na dumipensa pero tumalon na si Bella ng mataas. Nakita ko si Trace na tumalon din para makuha ang bola pero huli na ang lahat dahil walang hirap na na-shoot ni Bella ang bola sa ring. At dahil sa nangyari ay nagkabanggaan sila ni Trace at napahiga si Bella sa sahig.

"Ouch," daing niya.

"Hala ka Trace, naapakan mo ang salamin ni Bella," sabay turo ni Nathe sa bandang kaliwa ni Trace.

"Sorry Bella, papalitan ko na lang yan," sabi niya sabay pulot ng basag na salamin.

"Gago ka ba Trace? Kahit ilan pa ang ipalit mo diyan, kailangan niya yan ngayon," seryosong wika ni Jace.

"Paano siya makakapaglaro kung malabo ang mata niya?" saad naman ni Fuji.

Inalalayan ko naman si Bella na makatayo, nakatungo lamang ito.

"Hindi pa ba tapos ang kadramahan na iyan? Isang minuto na lang at sasapit na ang ika-limang minuto na ipinagmamalaki mong matatapos mo ang game na ito," saad ni Jarvis sa kanya.

"I'm sorry." Sabay naglakad siya sa court na nakapikit. "Magsimula na tayo sa round three natin dahil excited matalo ang leader niyo sa akin."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan sa sinabi ni Bella. Sa kabilang banda ay nag-alala ako dahil nakapikit na lamang siya. "Are you okay? If not—."

Tiningnan ako ni Emp ng masama, napabuntong hininga na lamang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

254K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...