LASH (Light and Shadow High):...

By FiveNocturnals

1.1K 24 0

Kung hindi kayang ipagtanggol, mawawala. Kung hindi kayang pangasiwaan, masisira. Kung hindi sapat ang lakas... More

Panimula: Biringan City
Kabanata 2: Boey
Kabanata 3: Laban sa Poblacion
Kabanata 4: Kasunduan
Kabanata 5: Mga Bagong Estudyante
Kabanata 6: Unang Pagkikita
Kabanata 7: Mall?!
Kabanata 8: A
Kabanata 9: Unang Klase
Kabanata 10: Meow!
Kabanata 11: Kinabukasan
Kabanata 12: Pares [pt. 1]
Kabanata 12: Pares [pt. 2]

Kabanata 1: Anino

138 2 0
By FiveNocturnals

(Xapphrina's POV)

Wala akong nagawa kung hindi tumakbo nang tumakbo; at itanong sa sarili ko kung nasaan ako, anong nangyayari?

Napatingin ako sa likod ko at nakitang nandoon pa rin ang aninong kanina pa ako hinahabol. Nakaramdam agad ako ng matinding pagkakakaba sa aking dibdib. Kusang tumatakbo ang mga paa ko papalayo. Wala rin akong nagawa kung hindi isigaw nalang ang mga pangalan ng mga pinsan ko. 

"Ky! Jo! Luna! Calli!"

Hinihingal na ako pero ayokong tumigil—ayoko. Ayokong maabutan ako ng aninong 'yon. Hinanap ng mga mata ko ang mga pinsan ko. Gusto kong masiguro kung ayos lang ba sila, hindi ko kakayanin kung mapapahamak sila. 

Sa kalagitnaan ng pagtakbo, doon ko lang nalaman na ako ay nasa loob ng isang madilim na lugar— isang kuweba.

Gayunpaman ay tumakbo pa rin ako, wala na akong pakialam kung nasaan ako. Ang kailangan ko lang ay tumakbo palayo sa aninong iyon.

Bigla akong napahinto sa aking mabilis na pagtakbo nang may maapakan ako. Pumintig nang malakas ang aking puso, nang magkaroon ako ng sapantaha tungkol sa inaapakan ko. Sa dahan-dahan kong pagtingin, nakita ko ang isang katawan ng tao. Agad na nanlamig ang aking mga kalamnan sa takot. Mabilisan kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang tili na gustong kumawala, tinitignan nang mabuti ang katawan na nakasadlak sa kadiliman.

Nanlaki ang mga mata ko pagkalipas ng ilang segundo nang mapagtanto ko na kay Josie ang katawan na nakahandusay sa sahig.

"Jo!" sigaw ko. Nawala sa isipan ko na kailangan kong tumakbo dahil nalagay sa peligro ang aking pinsan. Habang ako ay natataranta na, lumuhod ako sa harap ni Josie. Hinawakan ko siya at may naramdaman akong basa dugo. Parang kinurot ang puso ko sa nadatnan kong kalagayan ni Josie. Tumulo nang sunod-sunod ang mga luhang hindi ko na nagawang pigilan.

"Jo! Hind-"

Naputol ang sasabihin ko nang may narinig akong malakas na tili.

Boses pa lang, alam kong si Callista iyon; kaya mabilis akong tumakbo papunta sa lugar kung saan galing ang sigaw niya. Hindi ko na pinansin ang pagkakahingal ko dahil nadatnan ko si Callista na nakaupo sa damuhan. Alalang-alala ako dahil mukhang wala siya sa sarili niya.

"Calli" agad na namang bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ko kung saan siya nakatingin. Basa sa pawis at nanlalamig ang aking mga paa at kamay nang makita ko sa harapan namin ang anino.

Mabilis ang mga pangyayari at laking gulat ko na lamang nang biglang may lumabas na patalim sa kamay ng lapastangang iyon. Tumakbo ako para ipagtanggol si Callista ngunit naunahan ako ni...

"Luna!" sigaw ko pero huli na ang lahat; natamaan si Luna ng mga patalim. Nabigla masyado si Callista; lalong-lalo na nung biglang isinakripisyo ni Luna ang buhay niya para sa kanyang nakatatandang kapatid. Dahil dito, naramdaman ko ang galit na dumadaloy sa katawan ni Callista bago pa man ako makapagsalita. Galit ang sigaw na lumabas sa kanyang bibig at agad-agad siyang tumakbo papunta sa anino.

"'Wag!"

Nangingiyak-ngiyak na ako nang tamaan siya ng kadiliman. Tila bang naglaho siya na parang isang bula noong dumikit ang katawan niya sa kadilimang iyon. Hindi ako makagalaw sa bigat at dami ng emosyon na naramdaman ko. 

Ang labis na pangungulila ang nagdulot sa akin ng malubhang kalungkutan at pagsisisi na wala man lang akong nagawa para iligtas sila; ngunit ang aninong iyon ang rason kung bakit ako ay puno ng poot at galit. 

"Takbo na!"

Naputol ang aking pagdadalamhati dahil bigla nalang may kamay na humila sa'kin. Naginhawaan ako nang makita ko na si Kyshie pala ang kasama kong tumatakbo.

"Ky, wala na sila," bulong ko sa kanya. Hindi ko pa rin maisip na wala na ang tatlo sa mga pinsan ko ngunit parang walang imik si Kyshie tungkol sa sinabi ko. Sa paglipas ng mabibigat na segundo, patuloy ang pagtakbo naming dalawa.

"Kahit anong mangyari, 'wag kang tumigil sa pagtakbo." seryoso niyang sinabi. Kumunot ang aking noo sa pagkakalito at bago pa ako nakaimik, tinulak niya 'ko sa isang tabi. Gulat na gulat ako sa ginawa niya pero sinunod ko nalang ang utos niya. Hindi ko alam kung saan pupunta kaya naman hinayaan ko nalang ang mga paa ko.

Ngunit, tumigil ang aking mundo nang may marinig akong malakas na sigaw. Napaluhod ako sa narinig ko. Hindi maaari hindi pwedeng pati si Kyshie. Sabay ng mabilis kong puso ang aking mabilisang pagtalikod para puntahan si Kyshie; at agad kong pinagsisihan ito. Nakatayo sa harapan ko, ang anino na may maraming patalim.

Sinubukan kong mag-isip ng paraan kung paano mapalayo sa kanya pero nakita ko na wala na akong masisikutan pa. Napasigaw na lamang ako; hindi pa handa na mawalan ng buhay.

(Luna's POV)

Naudlot ang mahimbing kong tulog sa malakas na sigaw na kumalembang sa tenga ko. Agad-agad akong bumangon sa kinatutulugan ko, nag-aalala, at gulat na gulat; ngunit napabuntong hininga lamang ako nang makita ko na binabangungot lang naman pala si ate Xapphrina. Ano ba yan! Natutulog ako eh. Maingay talaga si ate Xapp kahit tulog. Wala ng araw na tumahimik ang bibig niyang masyadong maraming pinuputak.

"Oy, ayos ka lang ba diyan?" tanong ko. Kahit naman naiinis ako, nag-aalala pa rin naman ako. "Ayos lang!" dinig kong sabi ni ate Kyshie kahit hindi naman para sa kanya ang tanong ko.

Medyo bulol pa ang pagkasabi niya. Siguro kumakain nanaman 'to. Kahit kailan talaga!

Sumilip ako sa bintana na nakatabi sa tulugan ni ate Xapphrina at nakitang pinipitas ni ate Kyshie ang mga bunga ng puno namin.

"Hoy! Ate naman! Bumaba ka diyan, gabi na!"

(Xapphrina's POV)

Bigla akong napadilat habang hingal na hingal ako sa aking pagtulog. Tumatagaktak ang pawis sa aking mukha kaya naman napaupo ako bigla.

"Panaginip ang lahat..." naisip ko, diretso ang tingin sa mga paa ko. Tumingin ako sa bintana sa tabi ko at halos lumabas ang puso ko nang makita ang mata ni Kyshie na nakatitig sa akin. Pagkita ko sa kanya, nawala nang saglit sa utak ko ang panaginip na bumulabog sa pagtulog ko. Nakasabit kasi si Kyshie sa puno sa labas habang ngumunguya nang malakas.

"Ano ba, Ky! Bakit nandiyan ka? Nananakot ka na naman eh!" bulyaw ko sa kanya.

May katahimikan munang nanaig bago siya sumagot. Pambihira talaga 'to, kumakain na naman! Hindi na ako nagulat dahil alam kong dapat mas magulat lang ako kapag wala siyang kinakain.

"Hala, hindi ko naman sinasadya. Nagpapahangin lang ako. 'Di ako makatulog eh." depensa niya sa sarili niya, "Paanong hindi ka makakatulog eh puro pagkain kasi 'yang nasa kokote mo." akusa ko sa kanya bago umirap.

Ngumisi lang siya at panay pa rin ang kain pagkatapos.

"Daig pa ng utak mo 'yang ref natin; mas maraming lamang pagkain." sermon ko sa kanya pero hindi niya na ulit ako pinansin. Sisigawan ko sana siya nang biglang—

"Aray!" natawa ako sa itsura niya nang malaglag siya sa sanga ng punong pinaglalambitinan niya.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Sabi ng hindi career ang pagiging unggoy kaya wag mo nang subukan." sambit ni Callista na nanonood mula sa pinto ng aming maliit na bahay.

"Thanks, Callista!" sabi ko, halos mabilaukan na sa kakatawa.

"Mga gago kayo!" mapanisi na sabi ni Kyshie. Kasalanan ba naming nagpakatanga siya at tumuntong doon? Hindi 'no; pero hindi pa rin siya tumigil sa pagnguya ng kanyang pagkain. Nalaglag na sa puno't lahat-lahat, inatupag pa rin 'yung pagkain.

"Oy, teka lang, saan na 'yung lollipop ko? Kyshie! Humanda ka na!" nakakabinging sigaw ni Josie sa galit. Nakalimutan niyang mas matanda si Kyshie ng isang taon dahil lang sa lollipop— ang galing.

"Hoy gago! 'Wag mo namang idamay 'yung tenga naming lahat, diba? May natutulog kasi dito eh. Kayong dalawa ni ate Xapp ang hilig tumili." naiiritang sabi ni Luna kay Josie at sa akin. Hindi rin naman ako makatanggi sa sinabi niya.

"Hoy! Magsitulog na tayo! Tigilan niyo na yung pag-aaway niyo." malakas na pagsita ni Callista. Sabay na silang pumasok ni Kyshie sa bahay at pumunta sa mga higaan nila.

Sa pitong taong nakalipas, araw-araw, laging ganito ang nangyayari sa bahay na 'to. Ngumiti na lamang ako habang iniisip ang masasayang alaala na aming binabahagi sa isa't isa. Kahit lima nalang kami at may napagdaanan kaming mga trahedya, masasabi ko na masaya ako at kuntento na 'ko sa buhay na 'to...

kahit na pitong taon palang ang nakakalipas noong mamatay ang mga magulang namin. 

Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa mga pinsan ko; kaya naman sobrang kabado ako tungkol sa panaginip ko dahil alam kong may kapangyarihan akong makita ang kinabukasan kahit hindi pa 'to nangyayari. 

Nangyari na 'to dati pa at wala akong nagawa. Hindi pwedeng pati mga pinsan ko mawawala. 

Inalala ko ang aking panaginip, tulala nanaman sa kisame. Pinikit ko ang aking mga mata at inulit ang mga pangyayari.

Ang labis na pangungulila ang nagdulot sa akin ng malubhang kalungkutan at pagsisisi na wala man lang akong nagawa para iligtas sila; ngunit ang aninong iyon ang rason kung bakit ako ay puno ng poot at galit.

"Anino—? Sino ulit—"

"Xapp, ayos ka lang ba?" tanong ni Callista mula sa kanyang higaan na nakatabi sa akin. Naputol ang aking mga bulong sa sarili at napatitig ako sa kanya. Hindi ko nais na patagalin pa ang pag-aalala niya ngunit alam kong tulog na ang iba pa naming mga pinsan kaya patuloy ako sa pagbulong.

"May natanggap akong propesiya. Hindi ko lang masyado maalala; lalong-lalo na yung... pumatay sa atin." giit kong bulong sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip siya sa kanyang bibig.

"Patay? Xapp, delikado 'yan. Alam ko namang hindi pa hasa ang mga kapangyarihan natin pero kailangan mong maalala kung sino yung pumatay sa'tin." kabadong bulong ni Callista. Napakagat lamang ako sa labi ko at inalala ang tawag at itsura ng pumatay sa amin.

"Hindi ko talaga maalala, Calli. Natatandaan ko lang yung tawag pero hindi ko talaga matandaan yung itsura o kung sino man—"

"Anong tawag?" putol ni Callista. Halatang agrabyado na siya sa mga sinasabi ko habang walang kamuwang-muwang ang mga nakababata naming mga pinsan.

"Anino."

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...