Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOM...

By HopelessPen

3.8M 99.1K 11.8K

LEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted somethi... More

Prologue
SIMULA
Cosette
Eponine
Seven Stars
Spell
Marius
Young
Painting
I Hate You, I Love You
Let It Be Me
Imagination
Fireworks
Don't Cry
Videoke
Eat You
Friend
Heart Speaks
Seven
Try Harder
Girlfriend
Push and Pull
All I Am Saying Is..
It's Okay
Unloved
Shorts
His
I Do
Special Chapter- MIDLOGUE #1
I Don't Care
Italy
We Are Trapped On A Thread Between Almost And Never
Peephole
Born To Love You
Rose Scented Breeze
So In Love
Finally
WAKAS

Fountain of Love

85.6K 2.5K 194
By HopelessPen

5



Tahimik si Seven at hindi pa rin nagsasalita kahit na nasa daan na kami papunta sa tinutuluyan niya. I just sighed and touched my lips for the nth time. How can he kiss like that? He can make anyone lose their mind with just a single kiss.


"Chantal." Bigla niyang tawag sa akin. Nilingon ko siya ngunit siya ay seryoso lamang na nakatingin sa kung saan.


"Yes?"


Bumuntong hininga lamang siya bago pinisil ang kanyang ilong. Is he frustrated? Ano naman ang poproblemahin niya kung ganon? Hala, masyadong paranoid ang asawa ko.


Tiningnan niya ako bago umiling. "Nevermind." Aniya. Hindi na siya muling nagsalita matapos nun.


Malaki ang Towers, ang lugar kung saan naroon ang opisina at ang pribadong bahay ng magkakapatid. Sa sobrang taas ay para bang nakakatakot na ito. It was magnificent and intimidating at the same time. It seems like the brothers wanted to isolate themselves and watch over their kingdom from these towers.


Sa sobrang pagkalulong ko sa towers ay hindi ko napansin na nakalahad na ang kamay ni Seven sa akin para alalayan akong bumaba. Kinuha ko iyon at feel na feel ko ang pag iingat niya sa akin noon.


Lumapit iyong mga empleyado niya at sila ang nag akyat ng gamit ko. Nakasunod lamang sila kay Seven habang ako ay inaakay niya papunta sa elevator. Ipinasok niya ang card niya at tuloy tuloy lamang kami sa unit niya.


Hindi na ako nagulat noong makita ko ang interior ng bahay niya. Itim na carpet, cream na dingding at ceiling. Walang furniture roon na hindi niya ginagamit. Sa gitna ng sala niya ay may floor to ceiling na picture ng likod ng isang babae. Silhouette lamang iyon at hindi mo makikilala ang babae sa picture. Nakataas ang kamay nito at nag iinat, iyong kulot niyang buhok ay nakalaglag hanggang sa balakang niya.


"Who is she?" tanong ko kay Seven na abala sa pagpapasok ng mga gamit ko. Tumikhim siya bago sumagot.


"Si Serise." Aniya. Kumunot ang noo ko. Kailan pa naging ganyan kahaba ang buhok ni Ate?


"Saan ko ilalagay itong mga canvass mo?"


Hinarap ko siya at nilingon ang buong lugar. I can't paint here. Maliit lang ang living room niya.


"Saan pwede? Sa office mo? Maluwag naman doon hindi ba?" suhestiyon ko. Agad siyang umiling.


"Hindi pwede sa office Cha."


"Bakit naman?"


"I'm working there." Simple niyang sagot. Namulsa siya bago sumandal sa pader habang nakatitig sa akin. His brown eyes are piercing my soul already. Can somebody be that powerful with only just a mere stare?


"Oh really? So it's a workspace then? Pwede ba din akong mag work doon?" tuloy tuloy kong sabi. Seven opened his mouth but closed it instead. Tumango siya. Mukha siyang natalo sa lotto sa reaksyon niya.


Inilipat namin lahat ng gamit ko sa pagpipinta sa may opisina niya. Mabuti na lamang at malaki iyon at wala masyadong gamit na makakaabala. Inilagay ko ang canvass ko at ang upuan ko sa tapat mismo ng mesa niya.


"Are you comfortable?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako at kinuha agad ang mga pintura ko. Iniwan na niya ako at pumunta sa desk niya. Ini on niya ang laptop niya bago umupo sa tapat niyon. He rolled up his sleeves and focused on his work.


Hindi ko napansin na lumipas na ang oras. Kung hindi lang ako nakaramdam ng gutom ay hindi ko marerealize na gabi na pala. Si Seven ay tuloy pa din sa pagtratrabaho sa mesa niya.


I took my phone and snapped a picture of him. Nakakunot ang noo niya habang kagat kagat ang dulo ng ballpen at nagbabasa ng kung anong mga papeles.


'This is more than the typical kinda thing

Felt the jones in my bones when you were touching me, uh oh

Didn't wanna take it slow

In a daze, going crazy, I can barely think

You're replaying in my brain, find it hard to sleep, uh oh

Waiting for my phone to blow'


Napansin yata niya na kinukuhanan ko siya kaya niya ako tiningnan. Lalong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.


"Anong ginagawa mo?" aniya. Ngumiti lang ako.


"Selfie lang." sagot ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya.


"Picture tayo!" excited kong sabi. Hindi ko na hinintay na pumayag siya. Agad akong pumwesto sa may harapan niya at pinicturan kaming dalawa. Noong tiningnan ko iyon ay halos mapapadyak ako. Hindi siya nakangiti at mukha siyang natatae.


"Ayusin mo." Sabi ko sa kanya. Huminga lang siya ng malalim kaya pumwesto ako at sinubukan ulit.


Naramdaman ko ang pag akbay niya sa akin. Bigla akong napalingon sa kanya at sakto naman ang pagclick ng camera. Nakalimutan kong naka timer pala iyon.


'See, I've been waiting all day

For you to call me baby

So let's get up, let's get on it

Don't you leave me brokenhearted tonight'


Noong tiningnan ko ang litrato ay halos mapaungol ako. I am looking at him as if he is the only man I have ever known. Mukha akong patay na patay sa kanya habang siya ay nakangisi lamang at preskong preskong nakaakbay sa akin.


"It came out nice." puna niya, nakatingin rin sa aking telepono. Tumango lang ako at binulsa na ulit iyon.


"Nagugutom na ako." sabi ko dito. Nilingon lang niya ako bago iniligpit ang mga gamit niya.


"Gusto mo ditong kumain?"


Umiling agad ako. "Pwede ba tayong kumain sa labas? Hindi pa ako nakakapaglibot. Kuya Seth told me he'll tour me pero busy yata siya." Sabi ko. Tumaas ang isang kilay niya.


"Kumain muna tayo. Then we will tour." Pinal niyang sabi. Hala, ang sungit na naman niya.


Sumunod lang ako dito. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay iritado pa rin siya. Pinatunog niya ang kanyang kotse bago ako pinagbuksan. Lumapit siya roon sa kulay pula niyang Ferrari Enzo.


Tumuloy lamang siya sa driver's seat at hindi ako pinagbuksan. So much for being a gentleman Seven Montreal.


Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng Italya. The place is filled with distinct lights, gorgeous architecture and all. Para bang nasa loob ako ng painting sa sobrang ganda ng mga kulay ng lugar.


Pinatay ni Seven ang makina malapit sa isang malaking simbahan. Inalis niya ang kanyang seatbelt bago tinuro ang likuran ko.


"This is Trevi district. Sa likuran mo ay ang sikat na fountain of love." Aniya. Nilingon ko ang tinuturo niya. Iilang mga tao ang naroon at nagbabato ng barya sa may fountain. Sa tapat niyon ay isang malaking baroque church na puno ng mga sculptures ng santo at anghel.


"They're throwing coins." Wala sa sarili kong sabi. Nakatitig ako sa isang dalagang taimtim na nagdadasal sa may fountain. She looks so young and yet so in love.


"They believe that if you throw a coin on your left shoulder, you will be ensured that you will return to Rome. Hanggang sa tumagal, people are throwing coins to wish that in their return here, they will be with their partner." Paliwanag niya. Napangiti ako sa thought ng fountain. It is a bit like the legend of the seven stars.


"It's beautiful."


Hindi siya sumagot. Lumabas lamang siya ng sasakyan kaya sumunod na ako.


"It's not. It's giving people false hopes Chantal. Huwag kang maniwala sa mga ganyan. Para sa mga bata lamang yung mga kwentong ganyan." Masungit niyang sabi. Nakatitig pa rin siya sa fountain bago bumuntong hininga.


Nilingon niya ako bago napailing. "Stop behaving like a child Chantal. Hindi natutupad ng binatong piso ang kahit na anong pangarap." Aniya. Napayuko lamang ako. Kinuyom ko ang palad ko sa narinig ko.


"Chantal.."


Hindi ko siya nilingon. Narinig ko ang yapak niya palapit sa akin. Sunod kong nalaman ay nakatayo na siya sa aking harapan.


"Hanggang ngayon pa rin..." tumigil siya at bahagyang natawa.


"You are really still a child, Chantal Eleanor." Mabigat niyang sabi. Ilang buntong hininga pa bago ko siya nagawang tingnan ng diretsyo.


"I'm not. Seven, di na ako bata." Buong diin kong sabi. Paano mo ba makikitang hindi na ako bata! I am no longer the girl who loves pink!


Tumawa siya. "And yet you keep on believing in fountains and fairies on stars Cha."


"And yet you kissed me a while ago Seven. You will never give that kind of kiss to a child." Depensa ko. Nawala ang ngiti sa labi niya. Para bang may naalala siyang hindi kaaya aya at agad siyang hindi mapakali.


"Forget about that kiss." Utos niya. Umiling ako.


"No. I will never forget about that kiss." Sagot ko. Tinitigan lamang niya ako bago umiling.


"Hindi ko kakalimutan iyon, o kahit iyong halik ko sayo noong 16 ako sa tapat ng swing. I will never forget any single kiss from you Seven Montreal." Matatag kong sabi. He ran his fingers through his hair before breathing so heavily.


"Chantal!"


Ngumiti lamang ako. "Balang araw, ikaw na yung mauunang manghahalik sa akin Seven. You will kiss this child, I promise that."


----------------------------------

Karmin - Brokenhearted

Continue Reading

You'll Also Like

899 53 14
Montengro Series #7. Everything needs to be perfect. As one of the eldest Montenegro heirs, Makyla Corrine Montenegro needs to be perfect. She should...
559K 18K 48
Every summer has a story. Every story has a sinner. Monteverde Series 5 Alexiana Callisto Monteverde © All rights reserved. Property of Patyeah (Pa...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy