Breaking the Bad Boy (Publish...

Por blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... Más

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 52: Goodbye best friend

603K 17.1K 7.7K
Por blue_maiden




Ang daming tao dito sa bahay nila.

Tatlong purpose meron ang party na 'to. Una, para sa birthday ni Tito Charles. Pangalawa, welcome party kay Skie dahil na discharge na siya kanina sa hospital. At ang panghuli, despedida party para kay Kiro dahil babalik na siya sa New York bukas ng umaga.

Ayoko pa din sana makita si Kiro pero nakakahiyang tanggihan sila Tito Charles.

"Babe, are you alright?" Tanong ni Caleb. "Ang tahimik mo dyan, may problema ba?"

Umiling ako. Sa totoo lang, wala naman talagang problema. Hindi ko lang talaga alam kung bakit parang wala ako sa mood. "Baka gutom lang 'to babe. Kakain na lang ulit ako."

Natawa siya pagkatapos kinurot niya ako sa pisngi ko. "Ikaw talaga, ang cute mo." Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa pisngi. "Stay here, I'll get you more food."

Kanina ko pa hindi makita sila Mommy at Daddy pero for sure kasama niya sila Tito Charles at 'yong barkada nila dati. Parang mini reunion nga daw nila 'to eh kasi lahat sila nandito. Buti pa sila, matatag 'yong friendship. Pag tanda kaya namin nila Ailee, magkakaibigan pa din kami?

"Beatrix," sambit niya. Hindi ko siya tinignan. Inaasahan ko na naman na kakausapin niya ako pero nakapag decide na ako na wag siyang pansinin. Masakit pa din kasi hanggang ngayon 'yong ginawang panloloko sakin. "Please, talk to me."

Buti na lang bumalik na si Caleb. "Babe, sa labas na lang tayo kumain." Tumayo ako at hinila ko siya palabas.

"Anong sabi niya? Ginulo ka ba niya?"

"Gusto niya akong kausapin pero ayoko. Hayaan mo na siya, babe." Duon kami sa tabi ng pool umupo. Sana lang wag na kaming sundan ni Kiro dito. "May balita ka ba kay Anya at Luke?"

"Wala akong balita kay Anya pero ang alam ko si Luke pumunta ng US kahapon. Kausap ko si Enzo kanina, sabi niya gustong makausap ni Luke si Skie pero nahihiya pa siyang humarap sa ngayon." Dapat lang naman na mahiya siya, best friend niya 'yong tinalo niya eh. "Oo nga pala, ano palang napag-usapan niyo ni Skie kahapon?"

"Wala naman, tinanong lang niya ako kung mahal ba kita."

"Anong sagot mo?"

Tinignan ko siya, seryoso? Tinatanong niya pa talaga kung anong sinagot ko? "Sabi ko, hindi." Nanlaki 'yong mata niya pero binawi ko naman agad 'yong sinabi ko. "Biro lang, babe. Syempre ang sagot ko mahal kita. Kailangan pa bang tanungin 'yon?"

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorry babe. Alam ko naman kung anong sinagot mo, eh. Naglalambing lang naman ako."

Minsan ang abnormal ni Caleb pero isa 'yon sa mga minahal ko sakanya.

"Oo nga pala, nag-usap na ba kayo ni Skie?"

"Actually hindi pa pero mamaya kakausapin ko siya," napatayo siya bigla dahil sa tunog ng phone niya. "Babe, sasagutin ko lang 'to."

Lumayo siya sandali. Biglang kumunot 'yong noo niya. Mukhang may hindi ata magandang nangyari. Ano kaya 'yon?

"Anong nangyari?" Tanong ko pero umaasa ako na hindi naman ganon kasama 'yong sasabihin niya.

"Babe sorry, kailangan ko munang umuwi. Si Mommy kasi tska si Daddy nag aaway na naman, si Carmy hindi mapalagay eh. I'm sorry, babe."

"Okay lang babe, nandito naman sila Daddy kaya ayos lang ako dito. Umuwi ka na, kailangan ka nila don."

"Thank you babe," hinila niya ako patayo pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you, babe."

"I love you too."

"Kapag ginulo ka ni Kiro, sabihin mo agad sakin ha? Babalik ako dito."

Pinisil ko 'yong magkabilang pisngi niya. "Baka nakakalimutan mo, black belter 'tong girlfriend mo." Sabay kaming tumawa.

"Alam ko po miss black belter pero syempre gusto ako pa din 'yong magtatanggol sayo." Lumapit siya at hinalikan niya ako. "Mahal na mahal kita, Angel Beatrix Dela Fuente."

"I love you too, Caleb Andrei Maniego."

Pagkaalis ni Caleb, pumasok na ako sa loob. Hinanap ko sila Mommy pero busy sila sa games para sa kanilang mga adult. Ayoko naman silang guluhin dahil mukhang ang saya-saya nila.

Sabi ni Tita Serina, pwede muna akong mag stay sa kwarto sa taas kaya umakyat na lang muna ako.

"Beatrix," hinawakan niya 'yong kamay ko pagkatapos hinila niya ako papunta sa kwarto niya. Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Anong balak niyang gawin? "Please, talk to me! I'm begging you, Beatrix."

"Let go of me, Kiro!" Sigaw ko pero sinara na niya 'yong pinto kaya feeling ko wala din makakarinig sakin dito. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero ang lakas niya. "Bitawan mo ako!"

"Not until you talk me!"

"Ano pa bang pag-uusapan natin ha?" Kahit tumingin sa mata niya, hindi ko magawa. Ganon ko siya kinakamuhian ngayon. "Ayaw na kitang makausap kahit makita ka ayoko na!"

Hawak niya pa din 'yong braso ko ng bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. May mga luha na umaagos mula sa mata niya. "Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil mahal na mahal kita. Please forgive me, my love."

"No Kiro, you don't love me. If you do, you're not going to do that. You lied to me and you of all people, betrayed me."

Yumuko siya pero hanggang ngayon nakaluhod pa din siya sa harapan ko. "Alam ko, mali 'yong ginawa ko pero gusto ko lang naman na mapunta ka sakin. I want you to end up with me. I can love you better than anyone. Simula pagkabata, ako na 'yong palaging nandito para sayo. Ultimo maliit na detalye tungkol sayo, alam ko."

"Kiro, mahal kita pero bilang best friend lang. Don't you get it?"

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, Beatrix? Kahit ano gagawin ko para mahalin mo lang ako. Please, I'm begging you."

Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak niya. Oo, naawa ako sakanya ngayon pero hindi pa din maalis 'yong galit ko sakanya. Ang sakit pa din ng ginawa niya sakin. Hindi ko kayang kalimutan na lang ang lahat ng ganon-ganon na lang.

"Kiro hindi talaga kita kayang mahalin, lalo na sa nalaman ko ngayon. Alam mo bang dahil sayo kaya kami naghiwalay ni Skie, kung bakit siya naaksidente at nawalan ng alaala?"

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi mahal kita. Please, forgive me Beatrix." Mas lalong humigpit 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko. "I love you so much."

"Kiro, pwede ba bitawan mo na ako!"

"Ayaw mo talaga ha?" Bigla na lang akong kinabahan sa mga tingin ni Kiro. Pakiramdam ko may gagawin siyang masama sakin. "I hate to do this but you pushed me to my limits." Bago pa ako makagawa ng paraan, sinuntok na ako ni Kiro sa tyan ko. Namilipit agad ako sa sakit. Hindi ako makagalaw at halos nanginginig na 'yong buong katawan ko.

Binuhat ako ni Kiro papunta sa kama niya. Hindi pa din ako makagalaw at nakahawak lang ako sa tyan ko.

I can't believe he can do this to me.

Hinalikan niya ako. Nagpupumiglas ako pero wala 'yon nagawa dahil nanghihina pa din ako. Hinalikan niya ako ng madiin, nakakatakot si Kiro. Parang wala siya sa sarili niya. Hinalikan niya pa din ako hanggang sa makarating siya sa leeg ko. Duon na ako sumigaw ng malakas.

"Tulong!" Sinigaw ko 'yon ng malakas pero parang hindi din umabot sa labas ng kwarto 'yong boses ko.

Parang walang narinig si Kiro, patuloy pa din siya sa paghalik niya sakin hanggang sa makarating na siya sa dibdib ko. Sinira niya 'yong t-shirt ko at ngayon kitang kita na 'yong bra ko. Duon na ako napaiyak. Parang hindi ko na kilala 'yong Kiro na nasa harapan ko ngayon. Ibang iba siya sa Kiro na kilala ko.

"Kiro, please stop." Pagmamakaawa ko. "Please stop.." Parang mas lalo akong nanghihina.

Hindi ko na namalayan bumukas na pala 'yong pinto. Hinila ni Skie si Kiro palayo sakin.

"Gago ka! Anong ginagawa mo kay Angel?" Nanlaki 'yong mata niya ng makita niya ako. Bumalik 'yong tingin niya kay Kiro pagkatapos sinuntok niya ng malakas 'yong kapatid niya. "Hayop ka Kiro! Tignan mo 'yong ginawa mo kay Angel! Damn you!" Napahiga si Kiro sa lakas ng suntok ni Skie at mukhang nawalan pa siya ng malay.

Lumapit sakin si Skie at kinuha niya 'yong kumot para matakpan 'yong dibdib ko.

"Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya 'yong mukha ko at kitang kita ko sa mata niya 'yong pag-aalala. "Anong ginawa niya sayo ha? Nasaktan ka ba? Angel, please magsalita ka."

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko alam pero sa puntong 'yon, pakiramdam ko ibang Skie 'yong nasa harapan ko. 'Yong Skie na ibibaon ko na sa limot, 'yong Skie na minahal ko ng sobra sobra.

"Skie, anong nangyayari dito?" Paglingon ko sa pinto, nandon na sila Tito Charles.

Hindi siya sinagot ni Skie.

"Angel, are you okay?" Tanong niya. Hinawakan niya 'yong mukha ko at tumigin siya diretso sa mata ko. "Please, talk to me."

"I'm.. okay."

Hanggang ngayon naiiyak pa din ako. Halo halong emosyon na 'yong nararamdaman ko ngayon.

Tumakbo palapit sakin si Mommy.

"Angel, what happened?" Niyakap niya ako pagkatapos inayos niya 'yong buhok ko. "Are you okay?"

"Angel, I'm sorry," singit ni Kiro. "I didn't mean to hurt you." Lalapit sana siya sakin pero pinigilan siya ni Skie.

"Wag kang lumapit sakanya! Muntik mo na siyang babuyin, paano kung hindi ako dumating ha? How could you, Kiro?!"

"What?!" Lumapit si Dad kay Kiro. "Nagawa mo 'yon sa anak ko, Kiro?!" Kinuha ni Dad 'yong kwelyo ng damit niya. "Best friend ka niya 'di ba? Paano mo 'yon nagawa ha?"

Namagitan agad sakanila si Tito Charles. "Shawn, calm down."

"Paano ako kakalma Charles? Nakikita mo ba 'yong anak ko ngayon?"

"Kami na ang kakausap kay Kiro. I'm really sorry about this."

Nilayo na nila Tito Charles si Kiro sa amin. Lumapit sakin si Dad at pati siya alalang alala sakin. Bigla na lang sumama 'yong pakiramdam ko.

"I want to go home." Sambit ko. "Dad, Mom, let's go home."

Inalalayan nila ako papunta sa kotse namin. Pinahiram muna ako ni Skie ng t-hirt. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako. Gusto ko ng matapos ang araw na 'to. Gusto ko ng matulog. Parang sasabog na 'yong utak ko sa mga nangyayari.

Pagkauwi namin, binuhat na ako ni Dad papunta sa kama ko.

"Beatrix, tell us what happened." Demand ni Daddy. Ayoko na sana siyang sagutin pero alam ko kailangan din nilang malaman 'yong totoo. "We're so worried about you."

"Sinet-up ako ni Kiro nuon para mag break kami ni Skie. Pinalabas niya na niloloko ko lang 'yong kapatid niya. At ngayon, pinalabas niya na kaming dalawa para magkasira kami ni Caleb."

"Why would he do that?" Tanong ni Mom.

"Because, he loves me."

Natahimik kaming tatlo. Siguro hindi pa nag sink-in kala Mom 'yong katotohanan.

"Anong plano mo ngayon, anak?"

"I don't love him and I can't love him." Sagot ko. "Para ko na siyang kapatid at hanggang don lang talaga 'yon. Kahit papaano naiintindihan ko kung bakit niya nagawa 'yon pero hindi pa din maalis sakin na masaktan at magalit sakanya. Mom, Dad, alam ko humingi na siya ng sorry sakin pero hindi ko pa din siya mapatawad at ayoko munang makita o makausap si Kiro sa ngayon."

Niyakap ako ni Mom. "We understand you, Beatrix. Whatever your decision is, we're here to support you."

"Don't worry, I won't let that guy go near you." Dagdag ni Daddy.

"Bigyan mo na lang muna siya ng space. Ma-realized din ni Kiro 'yong mga mali niya. Siguro pag tumagal, makakaya mo na din siyang mapatawad. He's still your best friend."

Sa ngayon, hindi ko alam kung best friend pa din ba ang turing ko sakanya.

"Tama, aalis na din naman siya bukas kaya hindi ka na niya magugulo. Hayaan mo na lang muna siya."

Siguro nga tama sila. Hahayaan ko na lang muna si Kiro.

"Get some rest, Beatrix."

"Thank you, Mom and Dad."

Niyakap nila akong dalawa pagkatapos iniwan na nila ako sa kwarto ko. Hindi nagtagal, nakatulog na din ako.

Kinabukasan pagmulat ko pa lang ng mata ko, nakita ko na agad si Caleb.

"Good morning my princess."

"What are you doing here?" Tinignan ko ang phone ko at may 23 text messages ako at 5 missed calls galing kay Caleb. "Oh, I'm sorry babe. Nakatulog na agad ako kagabi."

"That's okay, babe." Inayos niya 'yong buhok ko at tinignan niya ako. "I got worried last night because you're not answering my calls so I went here and your Mom told me everything and I really hate myself for leaving you yesterday. Hindi siguro nangyari 'yon kung nandon ako. I'm really sorry, babe."

"It's not your fault. Tapos na 'yon kaya wag na natin 'yon pag-usapan, okay?"

Tinitigan ako ni Caleb at maya maya hinila niya ako palapit sakanya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nagyaring masama sayo. Baka hindi ko mapatawad 'yong sarili ko."

"I'm fine babe."

Humarap siya sakin at ngumiti. "Teka," tinignan niya 'yong t-shirt na suot ko. "Kay Skie ba damit 'to?"

"Oo, pinahiram niya ako kagabi. Nasira na kasi 'yong damit ko."

"What? Sinira ni Kiro 'yong damit mo? Gago talaga 'yong lalaki 'yon. Buti wala ako don kung hindi baka nasa hospital na siya ngayon."

"Calm down, babe. Kalimutan na natin 'yon, okay na ako. Aalis na din naman siya ngayon kaya hindi na niya ako magugulo. Tama na, okay?"

Tumango siya at pilit ngumiti. "Mabuti pa, bumaba ka na. May dala akong pancakes para sayo."

"Sige, magbibihis lang ako. Baba na din ako."

Iniwan muna ako ni Caleb sa kwarto. Naghanap agad ako ng damit sa closet ko. Bago ako magpalit, napatingin ako sa salamin.

Ito 'yong t-shirt na niregalo ko kay Skie nung birthday niya. Sa lahat ba naman ng ipapahiram niya ito pa talaga.

Bigla tuloy nag flashback sakin 'yong itsura niya kahapon habang nakatingin siya sakin at alalang alala.

Umiling ako. Hindi ko na dapat pa isipin 'yon.

Nagbihis agad ako. Binuksan ko muna 'yong kurtina ng kwarto ko bago ako bumaba. Pagdungaw ko sa bintana, nakita ko si Kiro nakatingin sakin habang nakasandal siya sa kotse niya. May tinaype siya sa phone niya pagkatapos nag beep 'yong phone ko.

I'm sorry for everything, I hope in time you can forgive me.. Goodbye Beatrix.

Sumakay na siya sa kotse niya at umalis.

"Goodbye, Kiro."

Seguir leyendo

También te gustarán

1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
149K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
742K 11.8K 56
Collection of K-pop.. Tagalog Ver. & etc. LOLOLOL