His Personal Driver

By BurningRain

14.5M 193K 5.9K

WARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! Burni... More

Prologue
HPD 1
HPD 2
HPD 3
HPD 4
HPD 5
HPD 6
HPD 7
HPD 8
HPD 9
HPD 10
HPD 11
HPD 12
HPD 13
HPD 14
HPD 15
HPD 16
HPD 17
HPD 18
HPD 19
HPD 20
HPD 21
HPD 22
HPD 23
HPD 24
HPD 25.1
HPD 25.2
HPD 26
HPD 27
HPD 29
HPD 30
HPD 31
HPD 32.1
HPD 32.2
HPD 33
HPD 34
HPD 35
HPD 36
HPD 37
HPD 38
HPD 39.1
HPD 39.2
HPD 40
Epilogue

HPD 28

267K 3.5K 57
By BurningRain

[ 28 ]


Sherlyn's POV


Ilang araw kong hindi nakikita si Paul. Epic nga eh. Nasa iisang bahay naman kami sana. Ako pa rin ang personal secretary niya sa opisina pero hindi niya muna ako hinayaang pumasok kahit anong pagpupumilit ko. Ano pa magagawa ko? Eh siya ang boss...

"Good morning po, Manang Pilar."

"Magandang umaga rin, hija. Halika na sa kusina para makapag-agahan ka na."

Sumunod naman ako kay Manang papunta sa kusina.

"Gising ka na pala, Sherlyn." Nakangiting bati naman sa akin ni Sir Anthony. Well, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong itatawag sa kanya.

"Magandang umaga po."

"Halika, kumain ka na rin dito. Hindi ba paborito mong almusal ang sinangag at pulang itlog?"

Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Paano niya nalaman iyon? Napatingin naman ako kay Manang Pilar na napakibit-balikat na lang. Umupo na lang ako at pinasabay na rin ni Sir Anthony si Manang Pilar sa amin kumain.

"Mukhang maganda talaga ang gising nitong si Anton, hija. Siya ang tumulong sa akin sa pagluto ng mga ito."

Halos masamid naman ako sa sinabi ni Manang Pilar. Hindi ko na lang pinahalata dahil agad akong humigop ng kape saka ngumiti sa kanilang dalawa. 'Yung totoo? Anong nangyayari?


Hindi pa rin maalis sa isip ko ang eksena kaninang umaga. Lately ko pa napapansin ang pag-iiba ni Sir Anthony. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ito noong makaalis na si Nichole. Bumalik na ulit si Nichole sa New York dahil may kailangan pa siyang asikasuhin doon habang si Sir Anthony ay nagpaiwan muna rito.

Napalingon ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa loob. Nasa garden kasi ako ngayon at nagpapahangin.



Paul's POV


"Did I already tell you to send Engr. Velasco to them as the representative of this company?"

"Y-Yes, S-Sir..."

"Then what happened?"

"S-Sir, Engr. Velasco had an emergency that day and..."

"Great! So he already told you that he has this damn kind of emergency at hindi mo lang naman ipinaalam sa akin para sana nakapagpadala ng ibang taong pwedeng mag-close ng deal! And worst, hindi man lang kayo nagtangkang mag-isip ng alternative plan?" Inawat naman ako agad ni Kael.

"S-Sorry, S-Sir..." Nakayukong sabi naman ng isa sa mga empleyado ko.

"Pare, calm down."

"D'you think I can calm myself here? Dammit! Alam ba nila kung gaano kalaki ang pwedeng mawala sa kompanya sa simpleng katangahan lang nila?!"

Umalis na ako sa loob ng conference room at tumuloy sa opisina ko. Sh*t! Halos mahigit isang linggo lang akong nawala sa kompanya, ilang katangahan na agad ang nagawa nila!

"Pare, magpahinga ka nga muna." Sinundan pala ako ni Kael dito.

"Tsss. Ilang araw nga lang akong nawala, ganitong tambak na ang problemang binalikan ko rito."

"Umuwi ka nga muna sa inyo. Ilang araw ka ng nandito. Umuuwi ka lang para magpalit ng damit. Mas masipag ka pa sa mga empleyado mo rito eh."

Tiningnan ko siya nang masama. Tatawa-tawa lang siya. Agad akong tumayo at lumabas ng opisina.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Uwi." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Sabi na nga ba at may namimiss lang..." Dinig kong bulong niya.


Dumating ako sa bahay na parang walang tao. Baka may pinuntahan sila. Pabagsak kong nilapag ang gamit ko sa sala at umupo sa sofa. Pumikit muna ako saka huminga nang malalim.

"P-Paul?"

Damn. Boses niya lang narinig ko, parang bulang nawala bigla lahat ng pagod at galit ko galing sa opisina.



Sherlyn's POV


Pumasok ako agad sa loob nang marinig kong may tao sa loob. Nakita ko si Paul sa sala. Nakaupo siya habang nakapikit at nakasandig ang ulo niya sa sofa.

"P-Paul?"

Nakapikit pa rin siya at hindi sumasagot. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Bakit maaga kang umuwi ngayon? Okay ka lang ba? Ihahanda kita ng makakain..."

Patayo na sana ako papunta sa kusina nang hilain ako ng isang kamay niya at niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napasubsob ako sa malapad niyang dibdib. Tiningnan ko siya pero nananatili pa rin siyang nakapikit. Ano bang nangyayari rito? Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa akin.

"I miss you..."

Napangiti ako sa sinabi niya. Namiss niya rin pala ako. Akala ko ako lang. Ilang araw rin kasi kaming hindi nagpapang-abot.

"I miss you too."

"I mean a lot..." dugtong niya.

Kinilig ako kaya niyakap ko na lang din siya. Ilang minuto rin kaming magkayakap, ni walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang.

Mayamaya, kumalas na ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya. Dinilat na rin niya ang mga mata niya at nakangiting tumingin sa akin. Doon ko napansing lumalim ang dalawang mata niya.

"Ano'ng nangyari?"

"Marami lang problema sa opisina ngayon."

"P-Paul... pasok na ulit ako sa opisina?"

Saglit pa siyang natigilan at nag-isip.

"Pleaseee? Wala naman din akong magawa rito kaya nakakaboring din. At saka mababawasan na rin trabaho mo kapag nandoon na ako."

"Okay."

"Pinapayagan mo na ako?"

Tumango naman siya.

"Yes! Thank you, SirNget!" Sabay niyakap ko siya.

"Walang kiss?"

Napataas ang kilay ko pero ngumiti ako sabay hinalikan siya. It's just a short kiss pero nang tumigil na ako, hinila niya ako ulit and he continued our kisses. Well, we do really miss each other I guess.

Habol ang hininga naming dalawa nang tumigil kami.

"Tara na nga sa kusina at kumain ka na, tapos magpahinga ka na."

"Hindi pa naman ako inaantok."

"Hindi raw pero iyang mga mata mo gusto ng magsara diyan."


Hawak-hawak niya lang ang kamay ko hanggang sa kusina. Parang siyang bata na ayaw mawala sa itsura niya. Ngingiti-ngiti siya sa akin habang hinahanda ko ang pagkain sa lamesa.

"Bakit ngiting-ngiti ka diyan?"

"Nakakatuwa lang. Nauna pa ang dessert ko."

"Siraulo ka talaga."

"I love you, too, future Mrs. Alcantara."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya at napakagwapong nakangiti lang siya sa akin. Hindi na ako nakapagsalita kaya napailing na lang ako sa kanya.

Kinikilig ako ng sobra! Ang sarap pala pakinggan kapag galing sa kanya kaysa sa kapag iniimagine ko lang.



Pagkarating ko sa opisina, agad kong tiningnan ang scheduled meetings ni Paul. Grabe! Kaya pala ilang araw ko siyang hindi nakikita sa bahay niya. Halos walang tigil ang scheduled board and private meetings niya.

Namiss ko rin ang opisina pati na ang mga naging kaibigan ko na rin dito. Tahimik kong inaayos ang mga documents na kakailanganin ng asawa ko para sa susunod niyang meeting. Huwag kayong umangal. Sabi nga niya future Mrs. Alcantara raw, eh para sa akin bago niya pa sabihin iyon, asawa ko na siya. Haha.

"Hello, beautiful." Agad akong napatingin sa nagsalita.

"Kael!"

Agad ko siyang niyakap na ikinabigla niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Kamusta ka na? Pasensya ka na kung hindi na ako ulit nakabalik sa bahay nina Paul. Medyo busy dito eh." Paliwanag niya habang kinakamot ang batok niya.

"Sus. Okay lang! Alam ko rin namang may problema ngayon dito."



Naglakad-lakad muna kami ni Kael hanggang makarating kami sa cafeteria. Namiss ko rin ito. Dito kami palaging nag-uusap dalawa. Malapit na kaibigan ko na rin si Kael at isa rin siya sa mga iilang taong nakakaalam ng pinagdaanan namin ni Paul.

Nagkuwentuhan rin kami habang nagmemeryenda. Alam din naman ni Paul na kasama ko si Kael ngayon. Naputol ang pagkukwentuhan namin nang tumunog na ang cellphone ko.

"Naku, Kael. Kailangan ko na bumalik sa taas. Malapit na ang next meeting ni Boss Masungit."

Natatawa namang tumango si Kael.

"Sure, not a problem. Ihahatid na kita."

"Okay, pero punta muna ako saglit sa comfort room."


Agad akong pumasok sa comfort room at dumiretso sa loob ng cubicle nang may pumasok din na dalawang babae.

"Bumalik na pala ang secretary ni Mr. Alcantara?"

"Oo, nakita ko sila kaninang umaga na sabay pumasok."

"Hindi ba sabi nila na dati siyang driver ni Mr. Alcantara? Tapos naging secretary?"

"Oo. Nakikita namin siya noon. Siya ang sumusundo kay Sir."

"Grabe! Ang galing din lumandi noh? Dinaan sa ganda..."

"Usap-usapan nga sa department namin na binabahay na siya ni Mr. Alcantara."

"Really? Kakaiba rin pala ang babaeng iyon! Kerengkeng din."

"True! Hindi lang iyon, tapos ngayon si Sir Michael naman ang kasama niya sa cafeteria. Nahiya na talaga ako sa kalandian niya."

Hindi ko na matiis mga pang-iinsulto nila kaya dali-dali na akong lumabas ng cubicle. Nakita ko ang paglaki ng dalawang mata ng babae pero hindi ko na sila pinansin at tuluyan na akong lumabas ng CR. Dahil ang totoo, gusto ko silang ingudngod sa loob ng toilet bowl.

Wala ako sa sariling naglalakad. Pakiramdam ko kasi ang bigat-bigat ng loob ko sa mga narinig kong sinabi nila tungkol sa akin. Kahit naman alam kong hindi totoo ang mga iyon, pero masakit pa rin talaga. Insultong-insulto ako.

Nang makita ko si Kael, pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.

Palapit na ako sa kanya nang may bigla akong makabangga.

"I-I'm really sorry, Ma'am!"

Yumuko ako habang humihingi ng paumanhin. Hindi ito sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nakatayo lang siya sa harap ko na nakataas ang isang kilay at masamang nakatingin sa akin.

Agad na lumapit sa aming dalawa si Kael.

Mas ikinataka ko ang reaksyon ni Kael nang lumapit siya sa amin. Parang gulat at takot siya. Halos tumayo lahat ng balahibo ko nang tawagin siya ni Kael.






"Tita Sylvia..." Tawag ni Kael sa babaeng nakabangga ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 8.5K 12
~"Ah, lust. It makes us forget anything we want to. The greatest relaxant, the greatest stimulant." ~"Patuloy kabang magmamahal sa taong hindi mo ala...
564K 12.3K 51
[13+] This story contains matured contents. Ryker Gunn Thompson is known for being a playful womanizer slash hot billionaire; he needs to get married...
3.4M 94.4K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
512K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...