Breaking the Bad Boy (Publish...

By blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... More

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 51: Wake up

576K 16.5K 9.5K
By blue_maiden





Naglakad ako palayo kay Kiro. Ayoko siyang makita, msyadong masakit. Hindi ko akalain na 'yong isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra, siya pa 'yong manloloko sakin. Mas masakit pa 'to sa panlolokong ginawa sakin dati nila Caleb. Mahalaga sakin si Kiro, mahal ko siya pero bilang matalik na kaibigan lang. Para ko na siyang kapatid.

"Why do you have to do this, Kiro?"

Napaupo ako sa bench sa labas ng hospital. Iyak lang ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung nagiging mahina na naman ako ngayon. Kahit anong tigas ng puso ko, lalambot at lalambot 'yon para sa mga taong mahal ko.

"Do you mind if I sit with you?" tanong ni Caleb.

Hindi ko siya sinagot. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo 'yong luha sa mata ko. Ayoko talagang may nakakakita sakin na umiiyak pero hindi ko maiwasan.

"Here," inabot sakin ni Caleb 'yong panyo niya. "Please stop crying, it hurts me a lot to see you like this."

Kinuha ko 'yong panyo niya at pinunasan ko 'yong mga luha ko. "Hindi pala totoo na niloko ko ako. I'm sorry, Caleb." Hindi ko magawang tumingin sakanya dahil nahihiya ako. All this time, pinapahirapan ko siya pero hindi naman pala dapat.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Angel, let's move-on. Ang mahalaga naman okay na tayo at willing pa din akong patunayan 'yong sarili ko sayo." Iniharap niya 'yong mukha ko sa mukha niya. "Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo." Ngumiti siya sakin at pakiramdam ko bumalik lahat sa dati. 'Yong panahon na mahal namin ang isa't isa at masaya kami.

"I love you too.. Caleb."

Niyakap ko siya. That's what I need, his comfort. Sa lahat ng nangyayari ngayon, kailangan na kailangan ko ng comfort. Feeling ko babagsak na 'yong katawan ko anytime. Sana matapos na 'to lahat. Handa akong bumalik sa dating ako.

Nagpaalam kami ni Caleb para pumunta sa prisinto pero si Tito Charles at daddy na daw ang bahala don. Wala na sa hospital si Kiro, sabi ni Tita Serina umuwi na daw muna siya sa bahay nila. Nag stay pa kami sa hospital para samahan si Tita at para na din kay Skie.

After all, mahalaga pa din pala sakin si Skie. Hindi man katulad ng dati pero I still care for him.

The next morning, umuwi na kami nila Mommy at Daddy. Hindi pa din gumigising si Skie pero sabi naman ng doctor niya, nasa stable condition na siya.

Palagi akong dumadalaw sa hospital, kasama ko si Caleb. Buti na lang din, hindi kami nag papang-abot ni Kiro don. I still don't want to see him.

Si Anya, hindi pa siya bumibisita sa hospital. Siguro nahihiya siyang magpakita kay Skie. Dapat lang, pagkatapos ba naman ng lahat ng ginawa niya.

It's been three days na tulog pa din si Skie. Habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala pero buti na lang, sa wakas nagising na siya.

"Anak, kamusta?" Naiiyak na tanong ni Tita Serina. "May masakit ba sayo? Tell me."

Lahat kami nakatingin sakanya. Ngumiti siya pagkatapos bigla siyang tumingin sakin, ang tagal niya akong tinitignan. Bigla na lang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

Bakit siya nakatingin sakin nang ganito? Posible bang bumalik na 'yong alaala niya dahil sa aksidente?

"Trix?" Tanong niya.

Biglang naging blanko 'yong utak ko. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Hindi ako makapagsalita.

"Skie, bumalik na ba 'yong alaala mo?" Tanong ni Tito Charles.

Natahimik kaming lahat. Kinakabahan ako sa isasagot ni Skie pero bumalik 'yong tingin niya kay Tito Charles at umiling siya.

"Nope, I still don't remember anything. Hindi ko lang akalain na nandito si Angel."

Oh.. okay.

"I'm okay Mom and Dad, don't worry about me. I'm still alive."

Niyakap siya ni Tita at duon na siya umiyak ng umiyak. "I'm so worried about you son. It's your second car accident! I don't know what I'll do if something bad happens to you but I'm so happy that you're okay now." Hindi ko naiwasan maiyak habang pinapanuod ko sila.

Alam kong may trauma na si Tita at Tito sa nangyari dati kay Skie kaya nga sobrang ingat nila sakanya. Takot na takot silang mawala si Skie. I know, they love him so much. Minsan lang, hindi 'yon makita ni Skie.

"Hindi ko siguro mapapatawad 'yong sarili ko kung may nangyaring masama sayo, anak." Singit ni Tito Charles. "Siguro wake up call na 'to sakin. Dahil sa ayokong may mangyari pa ulit sayo, masyado na akong naging mahigpit sayo anak. Alam ko malayo na 'yong loob mo sakin pero wag kang mag-alala, babawi ako sayo."

Isang beses ko pa lang nakita na umiyak si Tito Charles, nung unang car accident ni Skie at ngayon umiiyak na naman siya.

"Dad," sagot ni Skie. May mga luha na din na tumulo sa mata niya. "Sorry for everything. Sorry for disappointing you, for breaking your rules and for being a rebellious son." Lumapit si Tito sakanya at nagyakapan sila. Mas lalo akong naiyak. Sobrang touching ng pag-uusap nila.

"Don't say sorry, son. May pagkukulang ako sayo bilang ama mo kaya hindi kita masisi kung bakit naging ganon ka. Ako dapat humingi ng sorry sayo. Sorry kasi hindi ako naging mabuting ama sayo. Sorry kung pakiramdam mo na mas mahal namin si Kiro. I'm sorry anak. Babawi ako sayo, ibabalik natin 'yong dati."

"Yes, dad."

Nag yakapan silang pamilya. Umalis muna kami ni Caleb para bigyan sila ng time. Naglakad lakad kami sa may garden.

"All this time," sambit ni Caleb. "Ang sama ng loob ni Skie sa daddy niya. Akala niya kasi wala ng pakialam sakanya si Tito Charles pero alam ko naman na masyado lang silang nag-iingat. Siguro pareho silang may mali pero masaya ako na okay na sila ngayon."

Huminto kami para umupo.

"I'm happy for him, at least mawawala na 'yong sama ng loob niya sa parents niya.

Nagkaroon ng isang minutong katahimikan. Sabay kaming napatingin ni Caleb sa isa't-isa.

"Angel, may itatanong ako sayo."

Hindi ko naiwasan kabahan, bakit kaya? "Ano 'yon?"

"Nung sinabi ni Skie na wala pa din siyang naaalala, na disappoint ka ba?"

Ako? Hindi ah. Siguro, konti.

"Hindi naman, bakit mo naitanong?" Umiwas siya ng tingin sakin. "Caleb?"

Huminga siya ng malalim. "Kanina kasi parang ang lungkot ng mukha mo nung sinabi niyang wala pa din siyang naaalala."

Akala ko lang kasi may naalala na siya pero wala pa din pala. Akala ko lang may ibig sabihin 'yong mga tingin niya na 'yon. "Hindi na ako umaasa ba babalik pa 'yong alala niya."

"What if, one day.. bumalik 'yong memories niya tapos sabihin niyang mahal ka pa din niya. Babalikan mo ba siya?"

Tumingin siya sakin at halatang nag-aalala siya. Nuon hindi ko alam kung anong gagawin ko pero ngayon, alam ko na.

"Nag move-on na ako. Isa pa may mahal na akong iba at ikaw 'yon, Caleb."

Parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko. Ngumiti siya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Ang totoo, takot na takot akong mawala ka sakin. Natatakot ako na baka kapag bumalik si Skie sa buhay mo, mawala ka na sakin. Ayokong mawala ka pa ulit sakin, Angel. Mahal na mahal kita."

Ramdam ko 'yong takot niya at ramdam ko 'yong pagmamahal niya sakin.

"Wag kang mag-alala, hindi na ako mawawala ulit sayo Caleb."

"What do you mean?"

Ngumiti ako. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ako sinukuan ni Caleb at nanatili siya sa tabi ko. Nag sakripisyo siya para sakin at pinatunayan niya na mahal niya talaga ako. Ngayon na nalaman kong siniraan lang siya ni Kiro sakin, tingin ko panahon na para makipagbalikan na ako sakanya.

"Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Can we start all over again?"

Napanganga siya at halatang hindi makapaniwala. Kinurot pa niya 'yong pisngi niya. "Totoo ba talaga lahat ng 'to? Hindi ba 'to panaginip lang?"

Tumango ako. "You're not dreaming."

"Seriously?" Tumayo siya pagkatapos tumalon talon pa siya. "Kami na ulit! Kami na ulit ng babaeng pinakamamahal ko!" Sigaw niya. Tumayo ako para pigilan siya.

"Caleb! Ano ka ba?"

"Sorry, masayang masaya lang ako!" Binuhat niya ako pagkatapos niyakap ng mahigpit. "Oh Angel, you don't know how happy I am right now." 'Yong ngiti niya abot langit na. Natawa tuloy ako. "I love you so much my love."

"I love you too, Caleb."

Hinawakan niya 'yong mukha ko pagkatapos hinalikan niya ako sa labi ko. That kiss tells me that I missed him. I miss everything about us.

"Are you back together?"

Napalingon kaming dalawa ni Caleb. Nakita namin si Skie na nakasakay sa wheel chair kasama si Tita Serina.

"Yes bro, kami na ulit."

Ngumiti si Skie. And there's that weird feeling again.

"I'm happy for the both of you."

"Thank you bro." Sagot ni Caleb. "Bakit nasa labas ka na? Hindi ba makakasama sa'yo yan?"

"Okay na ako, bro. Gusto ko lang magpahangin. Actually, gusto ko din sana makausap si Angel kung okay lang sa'yo?"

"Oo naman, I think mas okay nga talaga kung mag-usap kayo." Tumingin sakin si Caleb. "Well, I think Skie deserves an apology from you, for what you did at the party." Ngumiti siya pagkatapos hinalikan niya 'yong noo ko. "Go talk to him."

"Wait, alam mo?"

"Hindi ko sinasadya na marinig 'yong pag-uusap ni Ailee at Ashton nung gabing 'yon. Sinunukan ko silang pigilan pero huli na ang lahat." Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry, I understand you. It's never too late to make things right. Go talk to him, okay?"

"Thank you for everything."

Iniwan muna nila kami. Akala ko hindi papayag si Caleb dahil sa mga sinabi niya kanina at akala ko din, magagalit siya sakin dahil sa ginawa ko sa best friend niya pero buti na lang napaka understanding niya.

"Skie, sorry sa ginawa ko." Sambit ko. "Ang totoo, ako 'yong may pakanan non."

Natahimik kaming dalawa. Tatanggapin ko kung hindi man niya ako mapatawad.

Ngumiti lang siya. "Kung tutuusin dapat nga magpasalamat pa ako sayo. Kung hindi dahil sa ginawa mo, hindi ko malalaman 'yong totoo. Baka hanggang ngayon pinagmumukha pa din nila akong tanga."

"Sorry sa nangyari."

"Quits na tayo, okay na 'yon."

Natahimik ulit kaming dalawa. Ito na naman 'yong weird feeling na naramdaman ko kanina. "Mahal mo ba si Caleb?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko kasi inaasahan na itatanong niya 'yon. "Oo naman, mahal ko siya. Why do you ask?"

"Gusto ko lang malaman." Hinawakan niya 'yong gulong ng wheelchair niya. "I think I need to rest again."

"Ihahatid na kita sa kwarto mo." Alok ko.

"Wag na Trix, ayos lang ako." Napahinto ako dahil sa pagtawag niya sakin ng Trix. "May problema ba?"

"Ha? Wala." Kahit ayaw niya, hinatid ko pa din siya pabalik sa kwarto niya. "At least kahit man lang dito, makabawi ako sa'yo."

Pagdating namin sa kwarto niya, bumalik na agad sa kama si Skie at nagpahinga. Bukas na 'yong birthday ni Tito Charles at balak nila sa bahay na mag celebrate tutal bukas makakalabas na naman ng hospital si Skie.

Nagpalaam na kami ni Caleb pauwi. Bago ako ihatid ni Caleb sa bahay, dinala niya ako sa favorite restaurant namin.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko.

"I miss having a date with you."

"Why so sweet, my love?"

Natawa kami pareho. Na-miss ko din 'to. Na-miss ko siya ng sobra.

"Angel, can I ask a favor from you?"

"What is it?"

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Para na akong natutunaw sa mga tingin niya. "Can you stay with me forever?"

"Paano 'yon walang forever?" Pagbibiro ko. "Joke lang. Don't worry, I'll stay with you no matter what."

"Talaga? Kahit na bumalik pa 'yong alaala ni Skie? Kahit makipagbalikan siya sayo, mananatili ka pa din sa tabi ko?"

Natahimik ako. Hindi ko din alam kung bakit. Kitang kita ko sa mata ni Caleb na nasaktan siya. Sh*t. Ano bang nasa isip ko? Bakit ko siya sinasaktan ng ganito?

Mahal ko siya at siguro naman kahit bumalik pa si Skie sa buhay ko, siya at siya pa din ang pipiliin ko.

"No matter what I'll stay by your side, Caleb."

And that's a promise that I'm not going to break.

--
Last 2 chapters!

Continue Reading

You'll Also Like

214K 3.6K 20
SEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now...
49.1M 1.3M 54
Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. Isa lang din pala siya sa mga babae na pi...
49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...