TOUCH ME AGAIN

Von makiwander

13.8M 302K 33.2K

He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite... Mehr

Prologo
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Is this Goodbye?
Prologo II
Part 2.1
Part 2.2
Part 2.3
Part 2.4
Part 2.5
Part 2.6
Part 2.7
Part 2.8
Part 2.9
Part 2.10

Epilogue

649K 10.8K 1.9K
Von makiwander





xxRaevenxx

Lahat ng gusto ko nandito. Simpleng mga bulaklak pero iniutos ni Deuce na punuin ang buong lugar.  Kaunti lang ang bisita, si Tatiana, si Phen, si Ysobelle, ilang kaibigan ni Deuce at ang buo nyang pamilya.

Nanginginig ang kamay ko, mula sa maliit na belo na sapat lang para takpan ang mukha ko, kitang kita ko ang pagluha nya habang papalapit ako.

Mag-isa akong naglalakad-- dalawa pala kami ng baby girl ko. Medyo malaki na ang tyan ko pero hindi ako nahiyang ipakita yon sa lahat, isang fitted serpentine gown ang suot ko, simple lang samantalang ang groom ko napakagwapo sa itim na tuxedo at puting panloob.

"Baby, bilisan mo nang onti ang lakad, excited na ako." Narinig ko pang bulong ni Deuce. Napangiti ako at di na napigilan ang pagluha.

Today, I am marrying the man that I love, and this time, nandito na ang mga mahal namin sa buhay. Hindi man naging perpekto ang pinagdaanan namin but God gave me a second chance to try it again. Ganoon talaga siguro yon, kung sino ang nakalaan sayo, kahit ano pang pumagitna sa pagitan nyo ay walang magagawa.

The destination made me realize how our journey became worthwhile. Walang nasayang na kahit ano, mas tumibay lamang kami at tumapang.

"Raeven, I am happy that you will be the new addition in my family. Napasaya mo ang anak ko." Kumislap ang mata ni Attorney Hades Montemayor nang makarating ako sa unahan at salubungin ni Deuce.

"Dad, don't tell her that. Baka sabihin nya patay na patay talaga ako sa kanya. Ipagdiinan pa daw ba?" Umismid si Deuce, napangiti ako at hinaplos ang kanyang mukha. Mapagbiro talaga ang asawa ko. Bahagya syang ngumiti at bigla na lang akong kinintilan ng halik sa labi.

"Ay hindi nakapag-intay ang lolo nyo!" Napalingon kami sa nagsalita, si Clover ang tumayong 'Best Woman' ni Deuce. Nabalitaan kong Man of Honour nya si Deuce sa kanyang kasal. Napaganda din nya sa suot nyang puting dress at nakakapit sa kanyang bewang ang asawa. Ang triplets nila ang tumayong flower girls, coin bearer at ang panganay naman ang ring bearer.

"Baka kasi mapaanak ka na kapag matagal!" Humalakhak si Deuce at nanunuyang tiningnan ang tyan ni Clover na naglalaman ng kambal.

"Pag mas lumamang talaga kayo ng anak kaysa sa amin, pagtatawanan din kita!" Umirap si Clover kay Deuce. Nahihirapan tanggapin ni Clover na puro kambal ang ipinagbubuntis nya pero kitang kita naman ang kasiyahan sa kanya.

"Mahal, niloloko ka lang.. Kalma na." Hinalikan naman ni Ashton si Clover sa kanyang mga labi.

Nakakakilig! Kahit siyam na taon na silang mag-asawa, hindi nababawasan ang pagtitinginan nila sa isa't isa. Hindi nga ako makapaniwala sa tindi ng pinagdaanan nila base sa kwento ni Deuce. Pero mula noon hindi na ako nakadama ng selos kay Clover, kagaya ko ay mahal na mahal nya din ang kanyang asawa.

"Halika na nga, Baby. Panira talaga ng moment ang madaldal na yan." Bulong sa akin ni Deuce.

Kinuha ko ang kamay ni Deuce at sabay kaming humakbang sa pulang carpet patungo sa pari. Nakangiti nya kaming sinalubong at tiningnan ang kamay naming magkahawak. Tumikhim aya at tumango tango.

"Ganyan nga. Kapag dumating ang pagsubok, dapat hindi lang sa masasayang bagay ang paghahawak nyo ng kamay. Dapat ay sa lahat ng oras." Panimula sa amin ni Father.

Nanatiling mapayapa ang buong seremonyas, humahampas ang malakas na hangin na nagmumula sa limang nakabukas na pinto ng dome, kung saan kami ikinakasal. Sumasayaw ang mga dekorasyong bulaklak at puting kurtina dahil sa ihip ng hangin. Sa labas ng dome ay malawak na hardin at dito din gaganapin ang reception.

Paulit ulit na tatatak sa memorya ko ang espesyal na araw na ito. Ipinagpapasalamat ko na nabiyayayaan ako ng maayos na kasal katabi ang mahal ko.

"Baby, noong unang nakita kita, inaantay ko talagang sabihin mong ang gwapo gwapo ko pero nagkabaliktad, ako ang namangha sa kagandahan mo." Natawa ako sa pagsasabi ng totoo ni Deuce. Nahiya din ako dahil masyado namang papuri ang kanyang sinasasabi.

"Sabi ko non sa sarili ko, pasasayahin ko ang babaeng ito buong buhay ko-- but I failed. Naging marupok ang katawang lupa ko.. Naging lalaking mababa ang lipad.." Tumawa ang mga bisita namin kahit nangingilid na ang luha ni Deuce, hindi naman kasi sya nagbibiro, ganito lang talaga sya. Buong suyo kong hinaplos ang mukha ni Deuce.

"Pero lahat yon, pinagsisisihan ko. Hindi ako perpektong tao. Gwapo lang talaga ako. Sa totoo lang ilang beses kong pinilit na pumantay man lang sa kabutihan mo, hindi ko kaya eh. Talo ako Baby. Simula naunawaan ko na ang pag-iwan mo sa akin noon ay hindi tanda ng pagsuko kundi sakripisyo, mas lalo kitang minahal." Nanginig ang labi ni Deuce habang nakatingin sa aking mga mata. Suminghot sya at mukhang nahihirapan sa gustong sabihin.

"But Baby, I just want you to know that when you will leave me again--" Huminto si Deuce at napasinghap. Iniangat nya ang kamay naming magkahawak na hindi pinuputol ang tinginan namin "----I will hold your hands this tight. Dahil ang paraan ng pagmamahal ko sayo ay taliwas sa sakripisyo. I want you to know that I can give up everything, except you. Tandaan mo yan."

Inayos ni Deuce ang kanyang bowtie bago nagsalita ng panibago. Napangiti sya at namumula ang pisngi, mukhang nahihiya sya.

"Pag nagkaanak tayo, sana kamukha mo. Sana kasing bait mo, sana kasing tapang mo. Sana makuha nya ang lahat sayo, but if they will be weak, turuan mo silang maging kagaya mo, because I am sure they will be proud of themselves when they grow up. I love you Baby.."

Tumango ako habang pinapalis ni Deuce ang luha ko. Paulit ulit nyang pinadaanan ng halik ang mga labi ko. Nagpalakpakan ang mga tao. Masayang masaya para sa amin..

Pero ganoon nga siguro talaga, mayroong lubak sa bawat kalsada. Dadaan at dadaan kayo sa isang mabato na daan at hindi iyon maiiwasan.

Lumipas limang taon sa amin......

"Ma'am Raeven.. Hindi po talaga tatanggap ng bisita ang nasa loob ng function room. Close door meeting po kasi.."

Pinandilatan ko ang humaharang sa akin na receptionist ng restaurant kung saan ko hinanap sa pamamagitan ng tracker si Deuce. Hindi nya alam na inactivate ko yon sa kanyang cellphone.

"Close door?! Dalawa lang sila!" Pagpupuyos ko! Ilang ulit na ba nangyari ang ganito? Makikita ko si Deuce sa isang lugar tapos bigla syang mawawala kapag sinabi kong nasa parehas na lugar lang ako. Ngayon ay wala na syang kawala! Kapag nakalusot pa sya sa pader kung saan siya nakikipagmeeting, ewan ko na lang!

"Ma'am kasi---"

Walang pakundangan na binuksan ko ang pinto na pribado sa restaurant, doon ko nakita si Deuce na nakikipaghalakhakan sa isang babae na di hamak na mas bata sa kanya.

"R-rae---" Gulat na gulat pa si Deuce pagkakita sa akin. Pinanliitan ko sya ng mata.

"Excuse me, Reese. Can I have a second with her?" He smiled apologetically to the girl, tumango din ito pabalik. Maingat nya pang sinarhan ang pinto bago ako hinarap.

"Raeven.. Ano bang ginagawa mo dito? Nasa trabaho ako.." Bulong ni Deuce habang inaaalalayan nya ako papalabas ng restaurant.

"Trabaho? Nakikipagharutan ka sa kanya--"

"Porket maganda ang kliyente nakikipagharutan agad?!" Naiinis na sagot sa akin ni Deuce.

"So sinasabi mong maganda sya?" Humalukipkip ako sa kanyang harapan. Ang anino ng kanyang sasakyan ang lumililim sa amin ngayon.

"Magseselos ka ba kung hindi?" Pabalag nyang sagot.

"Nagtext ako sayo, tumawag. Hindi ka sumasagot." Dahil siguro may kaharap syang halos lumuwa na ang dibdib at sumilip ang singit dahil sa igsi ng suot!

"Because Im on a fcking meeting!" Halos pasigaw ang kanyang pagkakasabi. Naiintindihan ko na malaki ang stress nya sa trabaho pero ang laki ng ipinagbago nya, di na sya kasing init ng dati. Madalas ay natutulog na sya pagkauwi nya at galit naman kapag kinukwestyon sa oras nya.

"Hinahanap ka sa akin lagi ni Olivia." Pumiyok ang aking boses nang banggitin ang pangalan ng kaisa-isa naming anak na hindi na namin nasundan kahit apat na taon na dahil lagi syang stress.

Napahilamos si Deuce ng kanyang palad. Alam kong ayaw nyang binabanggit ko ang pangalan ng anak namin sa gusot naming dalawa pero hindi ko mapigilan. Nalulungkot ako sa kawalan ng oras ni Deuce para sa amin.

"You know, you should start doing something. Masyado kang nafo-focus sa akin dahil nasa bahay ka lang. Negosyo, tama. Magnegosyo ka. Magiging abala ka doon--" Suhestyon ni Deuce. Malungkot akong umiling. Pinunasan ko ang luha na nagbadya sa aking mga mata.

"Hindi ako humihingi ng pagkakaabalahan, oras mo ang hinihingi ko, Deuce." I smiled bitterly, "Pasensya ka na kung ginulo ko ang meeting mo. Apologize to your client for me." Tumalikod na ako at nagtungo sa sasakyan ko.

"Raeven--" Tawag nya sa akin pero hindi ko na sya pinansin. Pinatunog ko ang sasakyan na iniregalo sa akin ni Deuce sa first wedding anniversary namin.

I know that our wedding isn't the happy ending just like in fairytales. Wala naman kasi non. Ang kasal ay simula pa lang ng mas napakaraming pagsubok sa inyo. At ang sa amin ni Deuce, oras.

Oras ang pinakamalaki naming kalaban.

Nagtungo ako sa shop ng napangasawa ni Tatiana pagkatapos ng ilang ulit na pag-iisip. Mayroong auto shop si Carlo at nagbu-buy and sell din ng sasakyan.

"Mini Cooper?" Nagtaas ng kilay si Carlo Habang sinisipat ang sasakyan ko. Pinapa-assess ko sa kanya ang kotse ko para sana ibenta.

"Mataas pa ang value nyan at last week lang may nagpapahanap sa akin."

"Teka, Frenny! Di ba regalo ni Papi Deuce yan. Baka magalit--" Singit ni Tatiana. Malungkot akong umiling. Baka nga hindi nya mapansin na hindi na ito nakaparada sa garahe ng bahay namin dahil sa sobrang abala nya.

"Magtatayo naman ako coffee shop. Doon din mapupunta ang pera, regalo pa din iyon sa akin, mas makabuluhan pa." Matagal ko na ding iniisip ang isang coffee shop na mayroong library at serbisyong movie rental na maaring panoorin doon sa coffee shop gamit ang tablet na ipaprenta din.

Hindi ko lang sinasabi kay Deuce dahil alam kong ipupursige nya akong gawin yon agad kahit wala pang sapat na pag-aaral hindi kagaya ngayon. Nakakita ako ng isang perpektong lugar sa may estasyon ng tren na malapit sa school ko at doon kay Deuce. Mababa ang renta dahil kakilala ako ng mayari at tiyak na dadayuhin ng mga estudyante kaya hindi kwestyunable ang kita.

"Raeven, 3.5 million, last price." Nagkibit balikat si Carlo pagkababa ng telepono. Sinubukan nyang ialok agad ang sasakyan. Ngumiti ako, sapat na siguro yon para sa iniisip ko.

Inantay namin ni Carlo at Tatiana ang buyer ng aking sasakyan, nagkwentuhan kami sa labas ng auto shop habang nag-iintay. Dumating ang isang may katandaang lalaki pagkalipas ng treinta minutos na agad na sinubok ang aking sasakyan. Nalaman kong nagkokolekta sya ng cooper at nagustuhan nya agad ang akin dahil hindi ko maayadong nagagamit. Nagtungo kami nila Tatiana sa bangko ng magkasundo sa presyo at prinoseso agad ang bank transfer sa aking pangalan bilang kabayaran.

Huminga ako ng malalim habang hinahaplos ang bawat muebles ng sasakyan. Ito na ang huling regalo sa akin ni Deuce na malaking bagay, madalas ay nakakalimutan na din nya ang mga petsa ng anibersayo namin. Hindi ko sya masisi dahil simula nang dumating si Olivia, nagpakapagod sya ng husto. Naging triple ang inilaki ng kanyang Law firm at hanggang ngayon ay wala pa ding natatalong kaso.

"Ihatid ka na namin, Frenny.." Anunsiyo ni Tatiana habang nagmamaneho si Carlo.

"Salamat."

Inantay kong makaalis ang sasakyan nila Carlo bago ako pumasok sa loob ng bahay namin. Malaki ito para sa tatlong tao pero ako ang punong abala dito. Katuwang ko si Yaya Delia kay Olivia pero ako pa din ang gumagawa ng lahat, mula sa pagluluto hanggang sa paglilinis. Nag-invest si Deuce sa security. Madami kaming bodyguard sa loob at labas ng bahay. Mayroon din syang driver bodyguard simula nang mag-asawa kami dahil sa dami ng hinahawakan nyang kaso.

"Mommy!" Si Olivia ang nagbukas ng pinto. Napangiti ako dahil suot suot na naman nya ang t-shirt ng Daddy nya at pulang pula ang kanyang labi dahil sa laruan na lipstick.

"Hi Baby!" Buong sigla ko syang niyakap kahit pagod ako maghapon kakasunod kay Deuce.

"Hi Ma'am. Luto na ang hapunan. Kain na.." Anyaya sa akin ni Yaya Delia. Tumango ako at pinalibot ang aking mga mata.

"Wala pa po si Sir." Sambit ni Yaya Delia habang inaayos ang nakakalat na laruan ni Olivia. Tumango ako. Sanay na.

Binuhat ko si Olivia para magtungo sa hapag kainan. Pinaupo ko na din si Yaya Delia para sabay sabay na kaming maghapunan.

"Where's Dad?" Walang muwang na tanong ng anak ko. Ngumiti ako ng mapait.

"He's at work so he could buy you toys.." Inayos ko ang takas na buhok ng aking anak. Maputi sya na kulay gatas, malintog ang pisngi at bilugan ang mata.

"I don't like toys. I like Dad. I want him to be here.." Turo ni Olivia sa katabi nyang upuan.

"Don't worry, Baby. I will talk to him." Malambing kong sabi sa aking anak sabay kurot sa kanyang pisngi. Isang pangako na sinusubukan kong gawin kaya lang at nauuwi naman kami sa away.

Nang gabing iyon halos papahulog na ako muli sa antok ng maulinigan ko si Deuce na tahimik na pumapasok sa aming kwarto.

Nagpanggap akong tulog. Nakaramdam ako ng paglubog ng kama, isang marahan na haplos ang dumaan sa aking buhok.

"Nakakaguilty naman din talaga, Baby. Kaya lang ginagawa ko ito para sa inyo. Hindi ko babae si Reese o kung sino man ang pinagdududahan mo. I just need to be a good provider for you and Olivia. Gusto kong ibigay ang lahat. Miss na miss na din kita, Babe. Tinitiis ko lang.."

Ramdam ko ang pagkurot sa puso ko habang kinakausap ako ni Deuce. Walang tigil ang paghaplos nya sa aking pisngi. Bahagya akong kumilos para takpan ang aking mukha na naiiyak na naman.

Marriage is not a bed of roses. Isang gasgas na kasabihan pero totoo. Hindi lahat matatamis. Dadaan kayo sa pagsubok na hindi pa-cute. Yung mga pagsubok na hindi madadaan sa lambing at sorry, kundi maayos lamang sa lawak ng pang-unawa.

Pinili kong unawain sya, kasama yun sinumpaan ko. Staying inlove is not an option, it's a must. And I love him! Hindi mahirap gawin ang lahat ng yon dahil mas malaki lagi ang pagmamahal ko.

Nagsimula na ako sa sikretong construction ng coffee shop. Pag-umaalis si Deuce para pumasok sa lawfirm, imbes na sundan sya, nagtutungo ako sa coffee shop na ipinatatayo ko. Hindi ko isinasama si Olivia dahil masyadong madaldal ang anak namin. Gusto kong sorpresahin si Deuce kapag naitayo ko na ang lahat.

I want him to see me soaring. I want him to see that I also have my own dreams. Gusto kong makita nya na indibidwal pa din ako na kayang tumayo sa sarili kong mga paa. That I am still the old Raeven.

"Ang ganda ng pagkakaayos!" Pumalakpak si Tatiana habang sinusundan si Mecca, ang aking interior designer. Estudyante pa lang si Mecca at magpresinta syang gawin ang coffee shop bilang OJT para sa kanyang portfolio, yung mayari din ng pwesto ang nagpakilala sa kanya kaya malaki ang pasasalamat ko dahil wala akong gastos kundi mga materyales lang.

'Olivia'

I named the coffee shop after our daughter.

As simple as that. Si Olivia ang tanda ng pagbabago sa buhay namin ni Deuce. Hindi lang ng buhay kundi pati mga pananaw. Because of Oliva, we grew. We didn't settle for less anymore.

"Tinawagan ko na ang mga kaberks natin sa Centaurus. Okay na daw si Fifa at Yoanna para maging barista. Sa kitchen naman solid na daw si Dominic at Bernie. Alam mo naman ang dalawang yon, hindi mapaghiwalay ang tandem. Minsan iniisip ko nga na may lihim na pagtitinginan ang dalawa eh." Tumawa si Tatiana at ipinahinga ang kanyang likod sa couch.

"At syempre ako. Araw araw akong nandito, hindi ako magpapabayad at tutulong ako sayo kaysa doon kay Carlo na puro usok ng tambutso ang nalalanghap ko. Bigyan mo din ako ng uniporme nyo ha. Bet ko yang cute nyong uniforms." Sambit ni Tatiana. Ngumiti ako at pinagpagan ang uniporme na nakasabit sa rack. Hindi ko pa maiuwi dahil baka magtaka si Deuce.

"Isa't kalahating buwan, walah! May negosyo ka na Frenny!" Buong tuwang lahad ni Tatiana. Sumang-ayon ako sa kanya. Isang karpintero na nga lang ang natitira para ayusin ang wirings ng CCTV, kung tutuusin ay tapos na ang buong lugar. Nagdidistribute na din ako ng flyers para sa opening nito sa isang linggo.

Inabot ako ng gabi sa pakikipagkwentuhan kay Tatiana. Nalibang kami masyado sa pananatili sa coffee shop na movie room, isang TV, DVD player at mga bean bags ang nandoon para sa group of five na gustong manood ng isang buong movie habang nag-iintay ng klase.

Hinatid ako ni Tatiana papauwi. Nadatnan ko si Deuce na nandoon sa kwarto namin at may hawak na alak sa kanyang kamay. Nanunuot ang nga titig nya sa akin na parang may ginawa akong kasalanan.

"Saan ka galing?" Malamig nyang tanong.

"Kasama ko si Tatiana--"

"Kailan ka pa natutong magsinungaling?" Kalmado ngunit may pagdidiin nyang tanong.

Natigilan ako sa paghakbang patungo sa closet dahil sa tanong na yon ni Deuce.

"Nasaan ang kotse mo?" He asked again. Bumukas ang bibig ko pero walang salita ang naibigkas.

"Raeven!" Untag sa akin ni Deuce ng hindi ako makapagsalita. Unti-unting nanginig ang mga labi ko.

"I saw your car. Isang lalaki ang nagmamaneho, sinundan ko iyon, sinabi nyang binenta mo sa kanya. Raeven! That was my gift for you! Buong akala ko pinapa-casa mo lang!" Kulubot na ang noo ni Deuce at galit na talaga.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko but then hinawakan ako ni Deuce sa siko at inilapit sa kanya. Umawang ang bibig nya pero naging sunod sunod ang pagluha ko kaya hindi na sya muling nagsalita.

"Kailangan mo ba ng pera? May gusto ka bang bilhin na hindi mo sinasabi sa akin? Tell me, I told you, kaya kong ibigay lahat." Mas mahinahon ang boses ni Deuce. Impit akong napaiyak.

Maybe good intentions aren't good at all.

Marriage's strongest foundation is trust. Sa oras na maglihim ka, para kang nagpapasok ng anay para gibain kayo mula sa loob.

And I choose to lie. I choose to keep a secret kaya nandito kami ngayon, may problema na naman.

Niyakap ako ng mahigpit ni Deuce, akala ko ay magsisisigaw sya sa galit kagaya noon pero hindi nya yon ginawa. Masuyo nyang hinaplos ang aking batok pababa sa aking likod.

"Baby, wag mo akong ipagpapalit. Hindi na ako aalis hangga't hindi nakakapagbreakfast. Ako na ang maghahatid kay Olivia sa school. I will block my lunch schedule para uuwi ako-- sabay tayong kakain at nandito na ako sa bahay by 4PM. I promise, Babe. Sorry kung nawalan ako ng oras pero sana-- sana hindi pa huli ang lahat." Nagulat pa ako ng biglang umiyak si Deuce sa aking harapan. Tinalo nya ang iyak ko!

Sa sobrang lakas ng iyak nya, kinatok kami ni Yaya Delia na sinilip ko naman at binigyan ng ngiti para umalis na. Humahgulgol pa din si Deuce na parang bata ng tumayo ako sa kanyang harapan.

"Did I just lose my wife?" Umupo si Deuce sa gilid ng kama at ginulo ang kanyang buhok na parang hindi makapaniwala.

"Deuce--" Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Kung kailan ko sya huling natitigan ng ganito kalapit? hindi ko na matandaan. Nadagdagan ang linya sa kanyang noo, his stubbles are now evident. Pagod din ang kanyang mga mata.

Bumagal ang pagkilos ko sa pag-abot ng kanyang mga labi. Pumikit si Deuce habang ninanamnam ang aking ginagawa.

Binuhat nya ako habang palalim ng palalim ang kanyang halik.

My body aches for more. Ang asawa ko ang tanging isinisigaw nito. Deuce carefully lay me down to our bed. Nagmamadali nyang tinanggal ang kanyang polo. Ang isang butones na mahirap tanggalin ay sinira nya na!

Hindi ako hinayaan ni Deuce na magtanggal ng aking damit dahil sya na mismo ang gumawa non. His eyes is in full awe habang wala ng natitira pa na kahit ano sa akin na pantakip. Slowly, he showered kisses on my neck, down to my mounds, to my belly, to my legs. He's praising me with his kisses and I cannot deny that he is so good at this.

"Deuce.." I whispered. Nahiya pa ako sa boses ko na sobrang lambing habang hinahalikan nya ang pagitan ng aking mga hita. Every inch, he adored my body like it is our first. I curved my back when I felt I am about to convulsed but it did not happen because he went on his knees and looked at me.

I saw his armour ready when he knelt in front of me, pinapanood nya ako. Damn! I just want to do it now pero hindi nya itinutuloy. Ano bang problema?

"Deuce.." Pakiusap ko. Marahan na humiga si Deuce sa aking katawan. His flesh against mine..

"Baby, performance level ang gabing ito. Kailangan kong matiyak na hindi ka maghahanap ng ibang kasing kisig ko." Buong pagmamayabang na sabi ni Deuce, kahit seryoso ang kanyang mukha, hindi ko napigilan ang humagalpak! Napakahusay nya sa tagalog kapag sa ganitong pagkakataon.

"Hindi ka na makakatagpo ng kasing laki, at kasing haba-- Ng pasensya ko!" Sambit nya pero nakanguso doon sa 'ano' nya. Lalo akong napahagikgik.

"At ang makinang kong hiyas lamang ang dadampi sa iyong kaselanan na parang ganito!!"

"Oh!" Hinampas ko si Deuce sa balikat, hindi maingat ang kanyang ginawa. I felt his love muscle excitedly pushed itself to my entrance.

"Bubuo tayo ng isang batalyon, Baby. Simula ngayon, hindi lilipas ang isang buwan pagkapanganak mo na walang laman muli ang tyan mo. Gagawin nating boarding house ng mga Montemayor ang bahay bata mo."  Kumilos si Deuce na may pagdidiin sa bawat salita, he's pressing himself hard at my core.

"Babe!" Suway ko sa kanya. "Nag-me-make love ba tayo o nagmi-meeting de avance ka?! Bakit puro plano? Hindi ako makapagconcentrate!" Natatawa kasi ako pero si Deuce naman ay seryosong seryoso pa din.

"Multi task-- Wait Baby! Hang on!" Sambit nya at bigla na lang syang sumiksik sa aking leeg.He collapsed his body to mine.

Ganon lang yon!

"Ikaw ang pinakamaganda!" Narinig ko pang bulong nya bago sya makatulog.

Natawa na lang ako sa aming ayos at tinanggap ang buong bigat nya. Deuce will always be the love of my life. No matter what..

--------

xxDeucexx

Maaga akong ginising ni Raeven. Akala nya ata ay papasok ako sa lawfirm pero hindi! Didikit na lang ako kay Raeven simula ngayon. Takot na takot ako kahapon nang sundan ko ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan lalo pa't isang lalaki ang lumabas doon. Akala ko ipinagpalit na ako ng Baby ko dahil lagi akong busy.

Masisisi nyo ba ako?

Sana hindi. Kaya lang naman ako abala dahil gusto ko ng magandang buhay para sa mag-ina ko. Pero noong narealize ko na hindi pala puro pera ang mahalaga sa isang pamilya, sobra kong kinamuhian ang pagkatao ko. Nakakahiya kay Raeven. Nakakahiya kay Olivia. Nag-iintay lagi ang Reyna at Prinsesa ko sa wala.

Umiral tuloy ang pagiging Don Romantico ko kagabi, kaya lang nakatulog ako agad dahil sa matinding pagod, but today will be different. Pagsisilbihan ko ang mag-ina ko.

Hinila ko si Raeven sa kanyang bewang at sinimulang paliguan ng halik sa maganda nyang mukha.

"Good morning, Baby ko.."

"Good morning, loverboy. Halika na, nakahanda na ang almusal. Sana kumain ka muna bago ka umalis." Inayos ni Raeven ang aking buhok, hindi ko napigilan na hapitin sya para mas lumapit sa akin. Ang swerte ko sa misis ko. Selosa nga lang pero ayos na iyon, di naman talaga maiiwasan, sa gandang lalaki ko ba naman.

"Nasilip mo na si Olivia?" Tanong ko habang maingat syang pinapaupo sa kama. Tumango naman si Raeven.

"Tulog pa. May klase sya ngayon kaya ihahatid ko."

"Ihahatid ko." Pagtatama ko sa kanyang sinabi. Lumiwanag ang kanyang mukha, agad syang lumapit sa akin at tinulungan ako sa pagsusuot ng robe.

"Talaga?" Tanong nya ng nangingiti. Hinalikan ko naman ang kanyang ilong.

Nang umagang iyon, ako ang nagasikaso kay Olivia. Mula sa pagbibihis at pag-aayos ng kanyang gamit sa school.

Ngayon ay nandito na kami sa kanyang school. Mayroon pang tatlong oras bago matapos ang kanyang klase. Kasama namin si Yaya Delia at ang dalawang bodyguard ni Olivia. Pinanood ko si Olivia na nakikipagtalo sa kanyang kaklase.

"Don't go near me, Daddy will bring you to jail!" Napangiti ako nang ginamit iyon ni Olivia sa kanyang kaharap. Maganda talaga ang training ko sa kanya. Aba, tiyak na maganda sya sa kanyang paglaki, kamukhang kamukha sya ng Mommy nya eh.

"Deuce. Halika, may pupuntahan tayo." Hinatak ako ni Raeven sa kamay. Nagtataka naman ako pero sumunod na din.

Kinuha nya ang susi mula sa akin at sya ang nagmaneho. Patungo kami sa school ko--- o school nya? Magkatapat lang naman. Nagpark kami sa isang saradong coffee shop. May panibago na namang itinayo dito! Ilan na ba ang napanood kong nalugi sa lugar na ito simula pa noong magkolehiyo ako? Haha! Kawawang negosyante. 

Doon nagpark si Raeven sa maigsi ang buhay na negosyo. Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit sya sa pinto at may kinuha na kung ano sa bag.

Susi!

"B-baby?" Kinakabahang tanong ko. Ngumiti si Raeven at hinila ang kamay ko. Halos mahimatay ako ng mapagtantong si Raeven ang mayari nito!

Bakit dito???

"Dito ko ginastos ang napagbentahan nung mini cooper!" Buong pagmamalaki nyang sabi.

"Talaga?" Nanlulumong sabi ko. Nagsalubong ang kilay ni Raeven dahil sa reaksyon ko "Talaga?! Wow!" Siniglahan ko para hindi nya ako mahalata.

"Hindi ka naman ata masaya eh! Hindi ka proud." Lumabi ang misis ko. Bakit ko nga ba naisuggest sa kanya na magnegosyo sya? Nung sya si Dalisay, she sucked in networking!

"Proud ako, Baby.. Kaya lang, bakit mo dito naisip? Sana sinabi mo sa akin para naikuha kita ng mas magandang pwesto." Maingat na paliwanag ko. Isang suntok sa tyan ang naramdaman ko.

"Hindi mo alam kung bakit? Ang dami na natin pinagdaanan sa lugar na to! Naalala mo ba ang poste na yan? Dyan ka tumatayo tuwing inaantay mong matapos ang klase ko!" Turo nya pa doon sa poste sa labas. Unti unti na namang bumalik ang alaala nung gwapo pa lang ako at hindi pa gwapong gwapo.

Napangisi ako. Sabi na nga ba at patay na patay sa akin ang asawa ko eh.

"Naalala, Baby. Dyan mo ako nililigaw-- AWWW!" Sinapak na naman ko ni Raeven. Namumula ang kanyang pisngi. Hinuli ko ang palad nya at pinagdaop iyon sa palad ko.

"I am so proud of you, Baby. Really. And I love you. Thank you for being patient."

Pinisil ko ang kamay ni Raeven at mahigpit na yakap naman ang tinugon nya sa akin.

Hindi ko akalain na ang pinatayong coffee shop ni Raeven ay sisikat ng husto. Abala si Raeven lagi dahil nagsisilbi din sya sa mga customers with her, ugh! Cute uniform.

It's a short gray skirt and white button down long sleeves tucked in. Bumagay ng husto sa maganda nyang katawan.

"Kuya, baka malusaw naman si Ate nyan." Wika ni Tres habang nagkakape kami sa coffee shop ni Raeven. Nakaupo sa malapad na lamesa si Olivia at naglalaro ng kanyang barbie.

"Tingnan mo yong bata na yon. Matindi kung makatingin sa misis ko. Kunin mo nga ang pangalan non, ipatumba ko na mamaya." Halos masira ko ang cup na hawak ko. No one stares at my Baby like that!

"Kuya naman, highschool pa yan! Seloso mo!" Panunuya sa akin ni Tres. Mahina ko syang sinapak sa braso. Walang highschool highschool! Walang pupwedeng tumingin sa misis ko.

"Baby!" Tawag ko kay Raeven. Napalingon ang lahat sa akin.

'Yii... Ang gwapo!'

Nakarinig pa ako ng hagikgikan sa isang lamesa. Napangisi ako, tyak na magseselos si Raeven. Napawi ang ngiti ko nang ngitian lang sila ni Raeven.


What the fck?!

Walang reaksyon?!

Nakaramdam ako ng inis. Hinila ko si Raeven sa loob ng kanyang opisina. Nagtataka ang mukha nya, sinenyasan ko si Tres na bantayan si Olivia bago sarhan ang pinto, tumango naman ito.

"Bakit, Babe?" Nagtatakang tanong sa akin ni Raeven.

"Why do you keep on smiling? Hindi mo ba nahahalata ang nagpapacute sayo?" Masungit kong sabi. Damn, why this girl looks so innocent! Parang balewala lang sa kanya ang mga ngiting yon!

"Ha? Mga bata pa yon--"

"Eh yung nagpapacute sa akin? Hindi mo din napansin?!" Paghuhurumentado ko. Di ko matanggap na nagbago na nga sya!

"Napansin." Nagkibit balikat sya. "Pero mga bata pa ang mga yon. Hindi magandang marketing strategy ang magalit sa kanila.."

"Tsk! Pinagpapalit mo na ba ako sa negosyo mo?" Naiinis na sambit ko. Dati rati, ultimong sulyap sa akin, nagiging dragon sya agad na cute at nagbubuga ng apoy. Pero ngayon cute na lang.

"Hindi, Babe.. I am just being rational. Mas matured na ako ngayon." Nakangising sabi nya.

"No! You know what? I should punish you!" Pagbabanta ko. Dahan dahang umatras si Raeven hanggang sa tumama sya sa likod ng lamesa.

"You always look good in this uniform." Tinanggal ko ang dalawang butones sa itaas. Namungay ang aking mata habang si Raeven naman ay Pinanlakihan  ng mata.

"Deuce!" Namula ang kanyang pisngi.

"Talikod. I will spank you." Anunsiyo ko kahit iba ang nasa isip. Tumalikod naman ang masunurin kong asawa.

I started caressing her back with my hands as she let out a soft moan. My wife is ready right now. Dahan dahan kong iniangat ang laylayan ng kanyang palda. Namilipit agad sya sa isang paghawak. I massaged his soft flesh with my hands. Nilakasan ko ang music na tumutugtog sa laptop habang nagpatuloy ako sa kanya.


We filled her office with groans, moans and laughter. Just like that, I am sure she will never look at her cute uniform the same way again.

The End.

Moving forward to new stories:

The Bad Boy's Slave-COMPLETED
CHASING THE SASSY GIRL-WATTYS 2016 Winner (Completed)
The Wicked Princess-On Going

Please add them in your reading list. Thank you!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

736K 25.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.4K 249 22
(Completed) She tamed the beast inside of me. She's the light of my dark world. She's the rope of my hope. She's my everything. And I'm lifeless with...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
460K 7.7K 14
NOTE: This is already published under Life is Beautiful (LIB-Pastrybug) publishing company, nasa PHR stores and NBS daw po siya. Then 109.75 ang pric...