Killing Him [COMPLETED]

By LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED More

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

FIVE

28.9K 786 41
By LetMeBeThatGirl

FIVE

Pagpasok ko kinabukasan ay kalat na agad na nililigawan ako ni Kei. For a Hendricks, bago sa pandinig ng lahat na mayroon itong babaeng nagugustuhan.

There are so many confessions but none of that passed the qualification for Kei Hendricks. Wala itong sinasanto. Ni hindi nito iniinda ang pag-iyak ng mga babae sa harap nya kada nirereject nito ang mga nagco-confess sa kanya. That's Kei for you.

He's mysterious and silent. Mahirap basahin ang nasa isip nya but people would still dare to solve this hard puzzle. Ako lang ang nagkakaisang babae rito na humindi sa kanya.

"Hindi sya nanliligaw sa akin. Wala pa akong pinapayagang lalake, not even Kei." sagot ko sa isang babeng humarang sa akin sa labas ng aming classroom.

"You should make sure that you're not dating Kei. Magtatapat ako ng feelings sa kanya kaya ayoko ng may asungot sa amin." pagkasabi nya noon ay umalis na sya.

Parating na rin kasi ang teacher namin kaya napailing nalang ako habang pumapasok na sa classroom.

Max looked at me with confusion. Mamaya ako magku-kwento sa kanya. Napabuntong hininga ako nang maupo ako sa sariling silya.

No one captured Kei's heart. Siguradong wala ring makakakuha ng puso ko kahit pa si Kei ito o hindi. Itinanim ko sa aking utak na kailangan kong unahin ang pag-aaral kaysa sa lalake. That's my only goal for now.

"Excuse daw po kay Catherine, Chloris and Gin." wika ng isang estudyante habang nagkaklase kami kay Mrs. Sandival.

Naintindihan naman agad ni Ma'am kung bakit kami inexcuse. Ngayon ang Quiz Bee namin. Those who are participating are the only exempted to attend class.

Ngumiti sa akin si Maxine nang magtagpo ang mga mata namin. Malaki ang tiwala nya sa akin. Alam nyang marami akong inaral kaya may maitutulong ako kahit papaano sa Quiz Bee na ito.

Sumunod kami sa lalaleng tumawag. Sa isang malaking classroom kami napunta. Nandon na ang ibang participants at nakapwesto na agad sila sa kanilang mga silya. Pabilog ang ayos ng tatlong upuan. Magkakalayo ang bawat grupo ng section para maiwasan ang magkopyahan.

Agad na kaming umupo sa bakanteng upuan. Si Gin ang naghahawak ng whiteboard at marker. Sya ang naisipan naming magsusulat ng mga sagot dito.

"Nakapag-aral ba kayo ng maayos?" tanong ko sa dalawa. Ngumiti sa akin si Gin samantalang si Cath naman ay palinga linga sa paligid at hindi sinagot ang tanong ko. "We can win this." wika ko.

Nang dumating ang lahat ng estudyanteng kalahok ay nagsimula na ang Quiz Bee. Umikot ang utak naming lahat. Hindi ko ineexpect na lahat ng tanong sa pinaka-mahirap na round ay si Catherine lahat ang sasagot. Sya lang itong may alam kung paano mag-solve.

"What happened?" tanong sa akin ni Max pagkarating ng uwian.

Kanina pa ako walang kibo. Nanalo kami ngunit hindi dahil sa akin. Mabigat ang pakiramdam ko kahit na natamasa namin ang pagkapanalo.

"I just want to rest. Next time na ako magku-kwento." saad ko sa mababang tono.

Inakbayan ako ni Maxine at inilapit sa kanya.

"Don't worry, Chlo. There are so many subjects to compete with. Hindi lang naman Math ang expertise mo hindi ba?" pinilit kong ngumiti sa sinabi ni Max.

Sa loob loob ko ay alam kong hindi ako gaanong nakapag-aral ng maayos at iyon ang kinakasama ng loob ko.

"Yeah." hinila nya ako papalabas ng aming classroom.

Nandoon si Kei nag-aabang sa labas ng room namin. May kausap itong babae. Ang babaeng kumausap din sa akin bago magsimula ang klase namin. Huwag mong sabihing ngayon sya magtatapat ng nararamdaman nya kay Kei?

Napalingon agad sa amin si Kei. Nagkatinginan kami at pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa babae.

"Who is she?" iritang tanong ni Max.

Tumigil kami malapit sa kinaroroonan nila.

"Tara na." aya ko kay Maxine pero hindi mahigit ang kamay nito.

Napatingin uli ako sa gawi ni Kei. May sinasabi ang babae sa kanya pero sa akin sya nakatingin. Sinulyapan kami ng babae at pinagtaasan ako ng kilay. Nagpatay malisya nalang ako at tumingin nalang sa ibang lugar.

"Lumapit nga tayo ng kaunti. Hindi ko marinig yung sinasabi nila, eh!" mahinang bigkas ni Maxine.

Lumapit kami. Katapat nalang namin sila. Hindi naman ganoon kasikip sa corridor namin pero ngayon ay naririnig na namin ang pinag-uusapan nila.

We're obviously eavesdropping. Alam kong alam iyon ng babaeng kaharap ni Kei. Nakasanayan nang kasabay namin si Kei sa pag-uwi. Sya ang taga-hatid sa aming dalawa ni Maxine kaya nasanay itong kaibigan ko na hindi umaalis hangga't hindi dumarating si Kei rito sa labas ng classroom.

They talked alot. Ako lang itong matigas at hindi kinakausap si Kei.

"Say something, Kei. Ako ang naghuhulog ng love letter sa locker mo everyday. Hindi mo man lang ba naa-appreciate 'yon?" wika ng babae sa pagalit na tono.

Napatingin na naman ako kay Kei. Nagtitigan kami. "I don't open my locker anymore." nag-iwas ako ng tingin.

Pakiramdam ko ay ako ang kausap nito dahil sa akin lang ito nakatingin. Ni hindi ko alam kung pinukulan na ba nito ng tingin ang kausap nya o hindi.

Ang alam ko ay may locker si Kei. Magkatabi kami ng locker dati. Ngayon ko lang nalaman na hindi na pala ito gumagamit ng locker. Mahigit isang taon ko na rin kasing tinigilan ang paggamit noon dahil nahihirapan ako bumalik ng school kada may maiiwan akong libro sa loob non.

Napabuntong hininga ang babae. Hiniwakan nya si Kei sa kamay. Napalunok ako. How dare she touch Kei's skin! Ako nga ay hindi naglalakas loob hawakan ang kahit anong parte ng katawan nito. Ganito na ba ang mga babae ngayon? They're doing the first move? Hindi ba sya makapaghintay sa lalakeng darating sa kanya at nagkakandarapa sya ngayon para habulin si Kei?

"That's okay." lumambing ang boses ng babae. "Anyway, I'm free tomorrow. How 'bout you?" malandi nitong tanong.

Tomorrow is Saturday. Pinapayagan ng Dean na lumabas ang estudyante ng Academy every weekends. Iyon ay kung may pahintulot ng kanyang magulang.

As for me, hindi na ako umaalis pa. Ganoon din naman si Max. I allot that time to study my subjects. Mas gusto ko pa iyon kaysa ang maggala sa labas o umuwi sa mansyon namin.

"Eww, kauya naman ito!" inis na bulong sa akin ni Max. "Lapitan mo na nga si Kei!" hinila nito ang braso ko at tinulak ako papunta sa gawi nila.

Fuck, Maxine! Kahit kailangan ay lagi mo akong pinapahamak!

Napatingin silang dalawa sa akin. Matalas na ang tingin sa akin ng babae. I swallowed hard. Sanay akong nagsasalita sa harap ng maraming tao. Even on stages, hindi ako nahihiya. I conquer my fears in facing other people pero bakit ngayong dalawang tao lang naman ang nasa harap ko ay para na akong mahihimatay sa sobrang kaba?

"Do you need something, Buenafuerte?" may pait na tanong sa akin ng babae.

Parang naiinis ito na umeksena ako sa kanila. Na mali na nandito pa ako at nakiki-alam sa kanila.

Napalingon ako kay Maxine. Pinandilatan ako nito ng mata. Muli kong hinarap si Kei. Nakangisi ito. Lalong nanlambot ang tuhod ko. I want to run pero parang nawalan na ako ng lakas para maka-galaw sa pwesto ko.

"U-uhm, m-mauuna na kaming umuwi ni M-maxine." nangangatog ang labi ko habang sinasabi ko iyon kay Kei.

Pakiramdam ko ay umangat ang lahat ng dugo ko at pumunta na ito lahat sa ulo ko. Tinakpan ni Kei ang kalahati ng kanyang mukha. Isinandal nya ang likod sa pader at iniwas ang mukha sa akin. Damn! Namumula ang pisngi nya!

Kahit tinatakpan nya ang kalahati ng kanyang mukha ay nakikita ko pa rin ang pagpipigil nya sa kanyang ngiti.

"You can go, Chloris. Please." puno ng igting na wika ng babae.

Napunta sa kanya ang atensyon ko. Inayos ko ang bag sa aking balikat at bumalik na sa pwesto ni Maxine para hilain sya paalis.

"Ihahatid ko na kayo." napatigil si Maxine sa tinuran ni Kei.

Nag-init ang buo kong mukha.

Ngiting ngiti naman si Maxine nang hinarap si Kei. "Sure!"

"Wait, Kei! How about tomorrow? Can we hang out?"

Hindi na ako humarap sa kanila. I'm facing the exit of the corridor. Kung kanina pa sana kami lumabas ay baka nagpapahinga na ako ngayon sa kwarto ko. Ano pa bang ginagawa ko rito?

"No. Chloris wouldn't accept me if I date someone else." wika ni Kei sa mababang boses.

Kumawala ata ang kaluluwa ko sa aking katawan. Ilang beses akong napamura sa aking isipan. Bakit nasali na naman ang pangalan ko?

Napatawa si Maxine sa sinabi ni Kei at ginatungan pa ito ng ilang salita. "Nililigawan ni Kei si Chloris, alam mo naman siguro iyon kaya shoo! Hahatid pa nya kami." siniko ako ni Max at humagikgik sa aking tabi.

Hinila na ako ni Max. Napalingon ako sa likod. Nakasunod sa amin si Kei samantalang ang kausap nyang babae ay naiwan doon sa tapat ng classroom namin. Nakatingin ito sa akin at parang may pagbabanta sa mga mata nito.

"Nice one, Kei! Bet talaga kita!" nauuna akong maglakad.

Ang dalawa ay nakasunod sa likod ko. Naririnig ko ang pagtawa ni Maxine dahil sa nangyari kanina.

Nang makarating kami sa labas ng Athena ay huminto kaming tatlo. Hinila ako ni Maxine at ipinagtapat kaming dalawa ni Kei.

"You two should talk, okay?! Confirm your relationship para wala nang umaligid dito kay Kei na babae." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Maxine.

What is she thinking?!

"Ano 'to?" bulong ko sa kanya habang hawak hawak ang kanyang braso.

"Huwag ka ngang masyadong pakipot d'yan! Kausapin mo na!" pinalis nya ang kamay kong nakahawak sa kanya at tinakbuhan na kami papasok.

Napatingin ako sa mga taong dumadaan. Lahat sila ay napapatingin din sa amin. Nailang ako. Kailangan ko nang makabalik sa aking kwarto.

"You should go with her this Saturday." wika ko ng hindi tumitingin sa mukha ni Kei.

"Why would I? Ayokong isipin mong may iba akong babae bukod sa iyo."

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag sa narinig. Nagbabanggaan ang mga salita sa utak ko. Hindi ko alam kung anong uunahing sabihin sa mga iyon.

"H-huwag ka na ngang magkailang iba ka sa kanila. Matagal na tayong magkakilala at ilang babae na rin ang alam kong na-link sa iyo." naikuyom ko ang aking kamay sa sinabi.

Paano ako nakakasiguradong seryoso sya sa panliligaw sa akin?

"There are many. I can name all girls na pinagseselosan mo ngayon pero wala ni isa sa kanila ang naka-relasyon ko." nanlaki ang mata ko sa kanya at pinukulan agad sya ng masamang tingin. "Don't deny it, Chloris. Bata palang tayo ay pinaramdam ko na sa iyong ikaw lang."napa-maang ako.

Hindi ko na naman mahanap ang tamang salita para kontrahin ang mga sinabi nya. Umiling ako.

"You got it all wrong, Kei. My point is, you can date whoever you want. Hindi ako hahadlang sa gusto mo. My approval isn't needed. Ayoko nang maulit pa ulit ang nangyari kanina."

Nakagat ni Kei ang kanyang labi. Hirap itong tumingin sa akin.

"So I can date whoever I want." tumango ako. "I want you, Chloris Buenfuerte." nalaglag ang panga ko. Para akong sira na nakatitig lang sa kanya. "I don't need your approval. This Saturday, 10:00am at clock tower. I'll be waiting."

Matapos nyang sabihin iyon ay para na itong ipo-ipo na umalis sa harap ko. Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan. Hindi man lang ako nakapag-protesta. My words gave him the opportunity to date me.

Date?! No way! Bakit ako pupunta?! I can reject him by not showing up. Yes, that's the best I can do to stop him from courting me. Balang araw ay mapapagod din ito sa panunuyo sa akin at susuko nalang basta. I should be cold to him. Even colder than what I'am now.

You can't get me, Kei Hendricks. Your game is long over.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 30.3K 38
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspi...
27.7M 370K 55
The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own path, but because of a ONE NIGHT'S MISTAK...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
400K 9.5K 38
"I-Im sorry." malakas ang kabog ng dibdib na wika ko. He's looking at me dangerously. Palapit siya ng palapit sa akin Habang ako naman ay paatras ng...