KAEDE (Way Back to Your Heart)

By justbetch

444K 8.8K 540

"I miss you... and people say just because you miss someone doesn't mean you have to take him back. But I re... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN:
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
CHAPTER TWENTY-ONE:
CHAPTER TWENTY-TWO:
CHAPTER TWENTY-THREE:
CHAPTER TWENTY-FOUR:
CHAPTER TWENTY-FIVE:
CHAPTER TWENTY-SIX:
CHAPTER TWENTY-SEVEN:
CHAPTER TWENTY-EIGHT:
CHAPTER TWENTY-NINE:
CHAPTER THIRTY:
CHAPTER THIRTY-ONE:
CHAPTER THIRTY-TWO:
CHAPTER THIRTY-THREE:
CHAPTER THIRTY-FOUR:
CHAPTER THIRTY-FIVE:
CHAPTER THIRTY-SIX:
CHAPTER THIRTY-SEVEN:
CHAPTER THIRTY-EIGHT:
CHAPTER THIRTY-NINE:
CHAPTER FORTY:
CHAPTER FORTY-ONE:
CHAPTER FORTY-TWO:
CHAPTER FORTY-THREE:
CHAPTER FORTY-FOUR:
CHAPTER FORTY-FIVE:
CHAPTER FORTY-SIX:
CHAPTER FORTY-SEVEN:
CHAPTER FORTY-EIGHT:
CHAPTER FORTY-NINE:
CHAPTER FIFTY:
CHAPTER FIFTY-ONE:
CHAPTER FIFTY-TWO:
CHAPTER FIFTY-THREE:
CHAPTER FIFTY-FOUR:
CHAPTER FIFTY-FIVE:
CHAPTER FIFTY-SIX:
CHAPTER FIFTY-SEVEN:
CHAPTER FIFTY-EIGHT:
EPILOGUE:
Thank You Note!!!

CHAPTER FOUR:

9.1K 190 1
By justbetch

CHAPTER FOUR

Kaede's

"PUIS-JE vous aider?" napalingon agad ako sa hallway papuntang swimming pool area ng marinig ang boses ni George.

Halos dalawang araw ko palang siyang kakilala pero parang kilalang kilala ko na ang boses niya kahit saan ko ito marinig. And I think she's speaking in french habang kausap niya ang isang batang babaeng umiiyak.

"Je suis perdu." humihikbing sagot nung bata.

"Comment t'appelles-tu?" tanong ni George habang pinupunasan ang luha ng bata. Mukhang tinatanong niya kung ano ang pangalan nito. Minsan na kasing naitanong sa akin yun ng isang investor na galing France.

"Je m'appelle Savannah." sagot nung bata.

"Okay Savannah. Parlez-vous Anglais?" tanong pa ni George umiling naman agad ang bata.

"Non." humihikbing sagot nito.

Kinausap pa siya ni George sandali saka ito napalingon sa direksyon ko, para namang may sariling buhay ang mga paa ko at naglakad palapit sa kanila.

"May problema ba?" kunot noong tanong ko. Tumayo naman agad si George at humarap sa akin.

"She's lost. Hindi niya yata matandaan kung saan ang kwarto nila." aniya kaya napasulyap ako sa bata na nakahawak pa din sa kamay ni George.

"Let's bring her to the lobby baka nandoon ang mama niya at hinahanap din siya." sabi ko nalang, tumango naman agad siya saka naglakad papunta sa lobby hawak ang kamay ng batang si Savannah at patuloy itong pinapatahan.

Pagdating namin sa lobby sinalubong agad si Savannah ng isang babaeng mukhang nasa edad trenta. Ito na yata ang nanay niya dahil niyakap niya agad ito at nag-uusap sila sa salitang French.

"Merci!" nakangiting sabi nung babae sa amin ni George na nginitian naman nito kaagad.

"Il n'y a pas de quoi." ani Georgeina.

"Merci beaucoup!" nakangiting sabi ni Savannah kay George saka siya nito niyakap.

"You're welcome, Savannah." aniya "Faites attention, okay?" sabi niya pa kaya tumango agad si Savannah at muling bumalik sa tabi ng mama niya.

Ilang sandali pa silang nag-usap ng nanay ni Savannah saka umalis ang mag-ina kaya kaming dalawa nalang ang naiwang magkasama.

"Marunong ka palang magfrench?" wala sa sariling tanong ko habang nagdadrive papunta sa simbahan kung saan bibinyagan ang mga anak nila Duane. Napagkasunduan kasi kagabi na sabay kaming dalawa na pupunta sa simbahan baka kasi magduda ang lolo niya kapag nakita nitong hindi kami magkasamang umalis ng hotel.

"Yeah." nakangiting sagot niya kaya napasulyap ako saglit sa kanya at nakitang sumulyap din siya saglit sa akin. "May lahi kasing French si Lolo Morgan, yung lolo namin ni Darius. Tumira din kami ni Daddy kasama siya sa Paris for almost five years pagkagraduate ko ng college."

Napatango nalang ako.

"Sino sa mga anak ni Don Manuel ang mommy mo?" maya-maya ay tanong ko pa. Hindi naman siya agad sumagot kaya muli akong napasulyap sa kanya at nakitang nakatingin lang siya sa mga kamay niya na nakapatong sa kanyang mga hita.

"She's already dead." pabulong na sagot niya.

"I-I'm sorry." sabay hawak ko sa kamay niya kaya napatingin siya agad sa akin. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko.

Buti nalang at nandito na kami sa tapat ng simbahan kaya nagkaroon ako ng dahilan para bitawan ang kamay niya dahil ipapark ko ang sasakyan sa tabi.

Pinagbuksan ko siya agad ng pintuan saka kami sabay na pumasok sa loob ng simbahan.

We're just on time dahil kadarating lang din ng Pari na magbibinyag sa kambal. Halatang nagulat pa ang Pari dahil sa dami ng magnininong at magnininang sa kambal.

Pagkatapos binyagan ang kambal bumalik din kami agad sa farm dahil sa mansyon nila Stacie gaganapin ang celebration at doon sabay sabay na magtatanghalian ang lahat.

Everyone is busy eating and chatting maliban kay Georgeina na nakatulala lang sa pagkain niya at kanina niya pa pinaghihiwahiwalay gamit ang hawak niyang tinidor.

"Are you okay?" pasimpleng tanong ko sa kanya. Sumulyap naman siya agad sa akin.

"No." tipid na sagot niya.

Bakit ko pa nga ba itinatanong eh alam ko naman ng hindi siya okay dahil nandito din ang lolo niya, inimbitahan kasi ito ni Duane na makisalo sa tanghalian. Mukhang napaoo ito dahil gusto niyang mapatunayan na ako talaga ang boyfriend ng apo niya.

"You should act like you are not affected by his presence, you know." bulong ko kaya muli siyang napatingin sa akin na sinamantala ko naman para subuan siya ng isang kutsarang menudo na luto ni Nana Lidia.

"Try this one, its good." nakangiting sabi ko habang hawak ang kutsara para masubuan siya. Pasimple siyang napatingin sa paligid namin at napansing nakatingin na samin ang lahat. "Come on, Babe." sabi ko pa. Ibinuka niya naman agad ng bibig niya saka isinubo ang isang kutsarang menudong hawak ko. "Tastes good right?" nakangiting tanong ko. Tumango naman siya agad saka muling bumaling sa pagkain niya.

She's blushing. Kitang kita ko yun kahit na nakaiwas siya ng tingin. Pakiramdam ko din namumula ang tenga ko lalo na ng mapansing nakangisi sila Darius habang nakatingin sa amin ni Georgeina.

Napansin ko din na nakangiti si Don Manuel habang nakatingin sa aming dalawa. Mukhang napapaniwala nga namin ito na may relasyon talaga kami ng apo niya.

"Hanep sa the moves ah." pangangantsaw ni Keiji ng magkasabay kaming kumuha ng tubig kusina nila Stacie.

"I'm just doing what Darius asked me to." tipid na sagot ko.

Kumuha agad ako ng dalawang baso para sa amin ni George saka iyon nilagyan ng tubig mula sa dispenser. Kumuha din siya ng isang basong tubig saka kami naglakad palabas ng kusina at pabalik sa garden nila Stacie kung saan nandun ang lahat.

"Mukhang paniwalang paniwala si Don Manuel na magshota talaga kayo ng apo niya ah." mahinang sabi niya pa habang naglalakad kami palapit sa lamesa.

"Edi okay." nakangiting sagot ko. "Atleast hindi masasayang ang pagpapanggap namin ni Georgeina."

Naputol ang pag-uusap namin pagkalapit namin sa lamesa dahil bumalik agad kami sa kanya kanya naming upuan.

"Thank you." nakangiting sabi ni George matapos niyang kunin ang iniabot ko sa kanyang tubig.

"Nakakainggit kayo baks." maya-maya ay narinig ko nalang na sabi niya kay Stacie kaya napatingin agad ako sa mag-asawa na kalong kalong ang kambal nilang anak. "Gusto ko na din magkaroon ng baby, lalo na kung ganiyan kacucute." nakangiting sabi niya pa.

"Edi tanggapin mo na yung nirereto sayo ng lolo mo." biro ni Stacie saka sumulyap kay Don Manuel na busying nakikipag-usap kay Matthew at Theo.

"Gaga!" natatawang sagot ni Georgeina. "Wag nalang no."

Halos mag-aala una na kami nagsibalikan sa resort para magpahinga tutal alas kwatro pa naman ng hapon ang palaro nila Duane para sa birthday ng kambal nilang anak ni Stacie.

Pero kami ni Georgeina, sa halip na bumalik sa kanya kanyang kwarto katulad ng iba ay maspinili naming manatili sa isang open-cottage sa swimming pool area.

"Anong plano niyo niyan? Babalik na ba agad kayo ni Cheska sa New York?" usisa ko habang nakatingin kaming pareho sa mga naliligo sa beach kahit na tirik na tirik ang araw.

Napag-usapan na kasi kanina na magsisibalikan na ang ilan sa mga kabarkada nila sa kanya kanyang trabaho bukas dahil ang binyag at birthday lang talaga ng mga anak ni Stacie at Duane ang ipinunta nila dito sa Batangas.

"Nope." sagot niya. "Plano namin na dito gawin ang photoshoot ko para sa isang magazine. Pupunta ang creative team namin dito kaya I guess we will stay here for a few more days."

Tumango nalang ako.

"Kayo? Babalik na din ba kayo ng Manila?" ilang saglit lang ay tanong niya.

"Hindi pa siguro. Usually kapag pumupunta kami dito we stay here for a week or two." sagot ko.

"Ang tight ng barkadahan niyo no?" aniya kaya napatingin agad ako sa kanya at nakitang nakangiti siya habang kagat kagat ang straw ng iniinom ng coconut juice. Hindi ko tuloy naiwasang mapatingin sa mapupula niyang labi.

Ang tamis siguro ng mga labi niyang yun kapag hinalikan.

Shit.

What the hell am I thinking?

Nag-iwas agad ako ng tingin.

"O-Oo." nauutal na sagot ko. "Pero kulang kami ngayon. Nagkaroon kasi ng emergency sa Cebu yung isa naming kaibigan."

"Oh okay." aniya.

Pasimple akong tumitingin sa kanya habang busy siyang nakatingin sa mga taong naliligo sa beach.

Maganda talaga siya sa kahit anong angulo mo tignan. At tama sila Darius, ang swerte nga ng lalaking ipapakasal sa babaeng to.

I wonder kung may boyfriend na ba siya.

Of course. Sagot ko sa sarili kong tanong. Imposible namang wala siyang boyfriend sa ganda niyang yan. Siguradong maraming pumoporma sa kanya.

"Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mong pumunta dito?" bigla kong naitanong na parang gusto kong bawiin pero huli na dahil tumingin siya agad sa akin saka ngumiti.

"I don't have a boyfriend, if that is the point of your question." natatawang sagot niya kaya tuloy nanlaki ang mga mata ko ng bahagya saka napaiwas ng tingin at napakamot sa batok.

Ganun ba kaobvious ang tanong ko? Tsk.

"Pasensya ka na ha?" maya-maya ay biglang sabi niya kaya muli akong napatingin sa kanya at nakitang wala na ang ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa dagat. "Napilitan ka pa tuloy na magpanggap na boyfriend ko."

"Okay lang." nakangiting sagot ko. "Wala din naman akong girlfriend kaya wala ding magagalit, gusto mo totohanin pa natin to eh." biro ko kaya natawa siya.

"Naku ha, wag mo kong binabanat banatan ng ganiyan at baka patulan kita." natatawang sabi niya pa. "Ang gwapo mo pa naman." sabay sulyap niya sa akin habang natatawa kaya tuloy natawa din ako.

"Wala namang masama." natatawang biro ko pa kaya napatingin ulit siya sa akin na parang nagulat sa sinabi ko saka kami sabay na natawa.

"Alam mo masgwapo ka kapag nakangiti o kaya tumatawa." nakangiting sabi niya.

"Alam mo buko juice yang iniinom mo pero parang lasing ka na." natatawang sabi ko kahit na ang pakiramdam ko namumula na ang leeg at tainga ko sa dahil sa sinabi niya.

"Hindi ako nagbibiro ha." seryosong sabi niya pa. "Gwapo ka nga basta sanayin mo lang ang sarili mong ngumiti." sabay hagikgik niya kaya medyo natawa ako. "Akala ko nga nung una suplado ka dahil hindi ka ngumingiti pero infairness gwapo ka pa din kahit hindi ka nakangiti."

"Tsk. May alak ba yang iniinom mo?" nahihiyang tanong ko kaya lalo siyang natawa.

"Bakit nga pala wala kang girlfriend o kaya asawa?" diretsahang tanong niya. "Ang gwapo mo, mukhang matalino, mabait ka din at mukhang yayamanin pa. Bakit wala ka pang girlfriend o kaya asawa katulad nung mga kabarkada mo?"

Hindi agad ako sumagot. Ayoko kasing sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa din akong girlfriend at nililigawan.

"Don't tell me bakla ka?" seryosong tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya saka natawa.

"Of course not." mabilis na sagot ko sabay iwas ng tingin. "Hindi ko palang siguro nakikita yung tamang babae para sa akin." pagdadahilan ko.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya.

"Oh ayan." nakangiting sabi niya. "Nakita mo na ba siya?"

Natawa nalang ako. Maloko din talaga ang babaeng to eh.

"Wag mo kong binibiro ng ganiyan, baka patulan kita." natatawang pag-uulit ko sa sinabi niya sa akin kanina kaya natawa ulit siya.

She's looks carefree. Walang pakialam kahit anong maging itsura niya kapag tumatawa. Walang arte sa katawan na nakakagulat dahil kapag unang beses mo siyang nakilala aakalain mong masungit at maarte siyang babae dahil nga kilala siyang international model.

I am not usually like this. Hindi ako nakikipagflirt sa mga babae. Madalas dumidistansya ako dahil ayoko ng panandaliang relasyon lang pero ngayon nagugulat nalang ako sa mga ginagawa kong pakikipagflirt kay Georgeina. Ganun yata siya kaganda at kahit ako hindi makaiwas sa alindog niya.

Wala naman sigurong masama sa pakikipagbiruan ko sa kanya for the sake of forgetting Bethany.

Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 901 13
Beware of grammatical error
19.6K 1.7K 32
[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo...
190K 2.8K 12
"I am rich not by money but by love" -Vanessa Del Rosario Started: April 20, 2015 Ended: June 15, 2015